Lander, acceptance is the key. Please lang! hehehehehe. Bigyan mo ng moment ang mga alaga ko. Thank you so much po for reading!
"I... don't know what to say, Ara..."I understand Reiz's reaction. Napangiti na lang rin ako ng tipid sa sagot niya pagkatapos ko ikwento sa kaniya ang lahat ng nangyari. Simula nang umaga na makita ako ni Leonariz sa daan at isabay nito hanggang sa pangatlong araw ko sa seminar na si Lander na ang nakasama ko."So, when Lander came, he was like he’s guarding you? Hindi ka inalisan ng tingin?"I nodded. Inabot ko ang mango smoothie ko at ininom 'yon. "Ipinaliwanag ko naman rin sa kaniya, Reiz. Pero, matigas ang desisyon niya na susubukan niya ulit. That he will court me again. But... h-he said that we should keep our breakup a secret."Napaikot ang mga mata niya sa sinabi ko.Narito ako ngayon sa pottery shop niya. It's been two days since I came back after the 3 days of job fairs and seminars. Pagkauwi ko ay ang dami kaagad itinanong sa akin ng Kuya Ariston dahil nga alam niya na nasa seminar rin si Leonariz. Ang inaasahan ko naman ay ang pagtatanong niya tungkol sa larawan ni Lande
That's what I felt too... Lander is indeed being selfish. He really doesn't want anyone to know that we already broke up. Even if I told him many times na hindi na namin maaayos ang relasyon namin, patuloy pa rin siya na nakikiusap. And because of my conscience, of what I did to him, hinahayaan ko siya. Pero tama rin ang sinabi ni Reiz kanina, na hindi pwedeng hindi ko ito sabihin sa dad at kay Kuya Ariston, at hindi rin pwede na maging sunod-sunuran ako sa mga gusto ni Lander dahil sa isip ko, ako ang unang nagkamali.Na malaki ang naging kasalanan ko."I just don't understand why Lander is acting like you two have been in a relationship for a year or more. Ayoko na mag-isip pa ng masama, Ara. But what he's doing right now is not right. Sana ay irespeto naman niya ang desisyon mo. Naging totoo ka naman, at agad-agad sinabi mo sa kaniya ang dahilan."That's what I hope too. Pero sa mga nangyayari, ramdam kong hindi rin basta titigil si Lander.I really need to tell Dad and be honest wi
It was hard for me to tell everything to Kuya Ariston. Sa lahat, sa kaniya ko gustong huling sabihin ang nararamdaman ko para kay Leonariz. He’s the last person on my mind, or the one I don’t want to know the truth. Pero sa naging pag-uusap namin kanina, naramdaman ko na hindi pala dapat, na pwede ko rin pala siyang sandalan at p-pwede akong maging totoo sa kaniya.I was afraid that he might judge me, that he would see me as a failure. But he didn’t. I never heard a single word of blame from him for what I did. Naging tahimik lang siya pagkatapos kong aminin ang lahat ng nangyari. He was silently caressing my back... c-comforting me. "Sigurado ka na sasama ka pa? Pwede naman na hindi. Ako na ang bahala na magpaliwanag kay dad."Napangiti ako sa kuya. Kabababa ko lang at narito na siya sa sala, naghihintay sa akin. Tuloy pa rin ang dinner kasama si Lander, at ilang beses niya akong tinanong tungkol dito kanina pa lang, noong hindi pa ako umaakyat para ayusin ang sarili ko. He’s worrie
"Everyone is nice to me, kuya. May mga nakakausap ako at kaclose naman sa university kahit ang ibang year. H-Hindi lang talaga ako nagkaroon ng mga kaibigan na palagi kong nakakasama." Nang tumigil kami dahil nag-red ang traffic light ay napatingin siya sa akin. He smiled at me and tapped my head three times. Pagkatapos ay ibinalik ang mga kamay sa manibela. "Naparanoid lang rin siguro ako lalo at kapag nasa bahay ka ay nagkukulong ka lang sa kwarto mo. Tumutugtog ng piano. Dad told me before that you play when you're sad. Doon ako nagsimulang mag-isip na baka nga dahil wala kang mga kaibigan na madalas kasama, ni hindi ka rin lumalabas kapag weekend. Tapos after class, bahay ka na agad. Kaya nang maipakilala ko si Reiz, it made me happy that you two are getting along with each other. Naging malapit kaagad kayo sa isa't-isa." Napayuko ako at nakaramdam ng kirot sa puso ko. Kahit noon pala... ako palagi ang iniisip ng kuya. "Don't cry, Ara. Iiyak ka na naman ata. Baka isipin ni dad
Habang kinakalma ko ang sarili ko ay napabalik rin ang tingin ko kay Kuya Ariston nang hawakan niya ako sa balikat."Nagbago na isip mo? Ano? Iuuwi na kita?" tanong niya, ,may halong biro na ikinangiti ko at iniling ko."Tara na," sagot ko sa kuya at ako na ang naunang bumaba ng kotse. After getting out of the car, that’s when the gate opened and I saw Lander smiling.Napalabi ako at seryosong tinignan siya. He didn’t message me, as if he knew I would really come. Na siguradong-sigurado siyang pupunta ako. Alam niya, eh. Si dad ba naman ang inimbita at sumang-ayon na makararating ako.Nang lumapit siya sa akin at makuha kong hahalik siya sa noo ko ay nilingon ko kaagad si Kuya Ariston na nakaikot na at nakalapit sa amin. "Na-late kami, pasensiya na," sagot ng kuya na ikinatigil rin ni Lander sa paglapit sa akin lalo pa at pumagitna ang Kuya Ariston. Tahimik naman ako na nagpasalamat, pero may pangamba rin sa maaaring mangyari kung maubos ang pasensiya ng kuya.I swallow hard when Lan
Leonariz"Ano naman ang ginagawa mo sa London na gago ka? Ang usapan natin na inuman hindi mo tinupad tapos malalaman ko na nariyan ka na agad?"It's been two weeks since I came here to London, and I don't know how many times I've ignored these fckers' calls and messages. I also turned off my phone, I'm not active on social media, and I only check the messages when I visit our group chat with my friends. Sa email naman ay nagbubukas lang ako para basahin ang mga kailangan kong trabahuhin. At itong mga kaibigan ko naman, hindi ko alam kung talaga bang concern sila sa akin o gusto lang nilang malaman kung ano ang nangyari dahil bigla akong nawala.At sa unang beses na sinagot ko na ang tawag nila pagka-open ko ng laptop ko ay ang nakakairitang boses kaagad ni Nnyx ang narinig ko at ang pangit na mukha niya ang nabungaran ko."Why do you sound like Leo's girlfriend, Nnyx?"Si Arthur ang nagsalita. They're all busy on their laptop. Ilan lang kaming nag-uusap. Si Sancho, si Nnyx si Arthur
Arazella"W-What? Ano ang sinabi mo? You and Lander broke up already? Anak, kailan mo nga ulit siya sinagot?"I had a hard time explaining to my father what happened. Katulad ng sinabi ko, na pagkatapos ng dinner ay ipagtatapat ko na rin sa daddy ang nangyari. I didn’t mention anything about Leonariz, and thank goodness, Kuya Ariston was there to help me explain."Nasaktan ko siya, dad. A-Akala ko kasi mahal na mahal ko na si Lander. He asked for a second chance even though he was not at fault, ako ang nagkamali... a-ako ang nawalan ng pagmamahal. Sorry po."I could see the disappointment on his face. I've never seen him look like this before, as if he was struggling to find the right words to say to me. Naiintindihan ko naman, k-kasi noon, sa tuwing ikukwento ko si Lander ay ramdam ng daddy na gusto ko talaga ito. "During those two weeks, I was happy, but I also realized that I don’t love him anymore... n-na iba na po ang gusto ko.""Oh, God, Arazella Fhatima," he said. It was the f
Ipinaalala ko sarili ko na nangako ako sa Kuya Ariston na hindi na ako lalapit pa kay Lander o Leonari pagkatapos ng mga nangyari. At isa pa... a-ako ang may gusto na layuan ako ni Leo, tapos ngayon ganito na naman ang mga naiisip ko? My decision was also firm that I will forget my feelings about him."Then you are talking to yourself like an idiot asking when he will come back!"Na para rin bang gusto mo na siyang umuwi dahil nami-miss mo siya!"Sht ka, Arazella Fhatima," I groaned and shook my head that was buried in my arms.Nang maramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone ko ay saka lang ako ulit umayos ng pagkakaupo. Kinuha ko 'yon na katabi ko lang rin at tiningnan kung sino ang nagmensahe. Nang makita ko na si Reiz at inaaya ako na mag-dinner kasama si Kuya Ariston mamaya ay kaagad akong nag-reply.Tinanong ko kung nabanggit na rin ba nila si dad, at kung naaya na rin nila ito. Mabilis naman siyang sumagot na may ka-meeting daw at baka abutin ng alas-otso pa ng gabi. What? Nagsa
I honestly thought Ariston wouldn’t bring this up dahil ilang beses na kaninang hinintay ko siyang magsabi, but it seems like what’s happening is really bothering him.“How could Mr. Montes have such a massive debt? The last time we talked, your company was doing well, and the sales were still stable.”“Kaya nga. Nagtataka rin ako. Malaking halaga ang nabanggit ni Hazel, that's fckng 50 million. Saan dadalhin ‘yon ni Dad? Wala siyang nabanggit sa akin tungkol sa bagong negosyong itinatayo niya. This is giving me a headache right now. Hindi ko rin muna pwedeng sabihin ‘to kay Ara hangga’t hindi ko nalalaman ang buong dahilan—mas lalo lang siyang mag-aalala at mag-iisip. Ang dami na rin niyang iniintindi lately…”I looked at my phone, still open to my conversation with Arazella Fhatima.She hadn’t replied yet. I sighed, running a hand through my hair. This whole situation was a mess, and Ariston’s frustration was rubbing off on me.“Have you tried calling him again?” I asked.“Of course,
Pagkauwi ko rin galing London, sinimulan ko na ‘yon. May nagawa na ako—actually, mas mabilis kaysa sa dati kong mga tinatrabaho. Maybe because I am excited to give this to her?“Premium materials pa, hindi ka naman gagawa ng ganito for business, imposible ‘yon,” rinig kong sambit pa ni Ariston. Lumalakad ang kamay niya sa lamesa kung nasaan ang iba pang mga gamit. And when he looked at me, I tilted my head and smirked.“What?” tanong ko.“You, ass. Hindi ko na kailangan pang itanong kung para kanino ‘to.”Humalukipkip ako at lumapit sa kaniya. “Don’t you even dare stop me from giving this to your sister–”“Ang piano nga hindi ko na binanggit pa kahit alam kong galit sa ‘yo!” asik niya na ikinangiti kong lalo.“Pero damn you, Leo, sana kahit sa piano na ‘yon hinayaan mo na lang ako at si dad. Iyon ang balak namin na iregalo kay Ara sa graduation niya, eh.”Speaking of graduation, kung hindi sana ako naging duwag, magandang regalo sana ito. But the graduation is near, hindi ko na matata
While I was listening to this ass, I understood more how love can change a person. I was a witness too, because I even experienced how it could turn your world upside down—how it could make you do things you never thought you would, how it could make you weak and strong at the same time. “Reizzan’s presence is my peace, my sanity. Kapag nandito siya, everything feels lighter, mas madali, mas may sense. Pero kapag wala siya… parang loading palagi ang utak ko. Saka iniisip ko pa lang na dalawang linggo? Fck, isang araw nga hindi ako makatagal.” Napailing siya at napabuntong-hininga, saka uminom ulit ng alak. Hindi ko naman napigilan na mapangisi. “Pero hindi na bago na loading ang utak mo.” And he glared at me again. “Gago, kung makapagsalita ka naman parang sobrang close natin. Hindi nga tayo magkaibigan—” “Aren’t we close, Ariston? Ilang beses na kitang tinulungan noon. Hindi pa ba sapat ‘yon?” Sinamaan niya lalo ako ng tingin. “Ngayon inuungkat mo kasi manliligaw ka ng kapatid
Ariston looked at me, but it was fast, now he’s smiling while still browsing on his phone.“Sa itsura mo ay parang wala ka ngang alam,” naiiling niya na sagot sa akin.“Ariston–” nauubos ang pasensiya na tawag ko sa kaniya pero napatigil rin ako nang magsalita ulit siya.“Masyado ka bang na-broken? Talagang nagpakalayo-layo ka na ayaw mong may marinig sa kapatid mo at kay Ara? Nahuli ka rin tuloy sa balita na wala na sila, pati ang kagaguhan na ginawa ng kapatid mo, hindi mo tuloy alam.”“The fck. What is it? At bakit ba ang tagal mong sabihin?” Tumaas ulit ang boses ko dahil talagang binibitin niya pa ako.Wala naman kasing nakarating sa akin. Saka, sino ang magsasabi? Joey knows Lander, but I never asked him to report what my brother was doing o kung ano ang nangyayari sa buhay niya. Isa pa, wala na rin akong naging balita pagkaalis ko ng Pilipinas. Lalo at hindi naman rin ako madalas kausapin ni Lander, hindi na siya sumasagot sa mga mensahe ko.“Huwag mo akong sigawan, at baka pag
“He’s not in the company? Hindi ko siya matawagan.”Nang marinig ko ulit si Ariston ay napatingin ako sa kaniya.“Oo. Kapag dumating si Dad, pakisabi na nag-aalala na kami ni Ara sa kaniya. He’s not like this before.”What I heard piqued my curiosity. Pagkababa ng cellphone ay napatingin sa akin si Ariston at napabuntong hininga.“So, yun na nga, pumunta rin talaga ako dito para makausap ka sa balak mong panliligaw sa kapatid ko, ayokong mapanatag ka at isipin na boto na ako sa ‘yo.”“I wasn’t thinking like that, Ariston. Alam ko naman na ayaw mo rin talaga ako para sa kapatid mo at napipilitan ka lang.”Sa mga sinabi ko ay mula kanina, ngayon siya ngumiti ng malawak–gago.“Buti alam mo, ‘no? Kung may paraan nga para makalimutan ka ni Ara, gagawin ko.”My eyes sharpened at him when I heard what he said. Napaayos ako bigla ng upo at naramdaman ko ang pag-ahon ng inis sa akin. But in the middle of seeing red, I composed myself, trying to calm down. Nangako ako kay Arazella Fhatima na hi
What if Lander knew? But why is he not doing anything?Nanatiling tahimik si Ariston, he’s waiting for me to speak, pero ang ginawa ko ay nagsalin ulit ako ng alak sa baso ko at inisang lagok ‘yon. Ang isipan ko ngayon ay puno ng mga nangyari bago ako umalis ng Pilipinas—kung paano ako pakitunguhan ni Lander, hanggang ngayon na nakabalik na ako na sigurado akong alam na rin niya.Kahit hindi ko siya tawagan para ipaalam, I know he knows I am back.“Hindi kami nagkakausap ng kapatid mo, hindi rin kami madalas magkita dahil nga naghiwalay na rin sila ni Ara. Pero sa huling dinner namin, napansin ko agad na may mali sa kaniya nang kausap siya ni Dad. He wasn’t like that before while he was talking about you. Alam mo naman siguro ang pinupunto ko, Leo?”I was just looking at him. Napailing pa siya bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.“He used to talk about his younger brother with so much pride. Sige, sasabihin ko na sa ‘yo—I was jealous before, lalo na kung paano ka purihin ni dad at ni
LeonarizWhen I came back, I wasn't really expecting to meet Arazella Fhatima so soon, knowing that reaching her would never be easy for me. Balak ko na bumalik sa dati na magpadala lang ng mga bulaklak sa kaniya, ng mga regalo nang hindi inilalagay na galing ang mga 'yon sa akin.I told to myself first that I still had to consider Lander, even though I really planned to be a jerk and take Arazella away from him, and then there's also that damn Ariston, who I knew wouldn't back down, especially since I openly told him before that I wanted to get his sister... at alam niya non ang ibig kong sabihin. Like I just wanted to play with her, mess with her emotions, and see how far I could push things.Ang gago ko lang rin talaga non.Wala rin sa isipan ko na magmadali para sabihin kay Arazella ang nararamdaman ko dahil alam ko naman na maaaring hindi niya ako paniwalaan. But then, when I saw her last night in the racetrack, everything I had planned and was already fixed in my mind broke.Ang
Pero obvious na si Kade ang tinutukoy niya kay Leonariz! Hindi ko naman manliligaw ‘yon!Me: Wala akong ibang manliligaw at pakisabi kay kuya, umuwi na siya!Napapikit ako ng mariin at napasandal sa kinauupuan ko pagkasend ko non. Nahilot ko rin ang sintido ko. Bakit ba naniwala ako kay Kuya Ariston na wala siyang sasabihin na iba?Syempre! May init pa siya ng ulo kay Leonariz!Nagpadala na rin ako ng mensahe kay kuya at sinabi kong tigilan na niya ang pagsasabi ng kung ano-ano. I also told him to go home early, alam kong susunod siya agad lalo kung malalaman niyang kasama ko si Reiz pag umuwi.Leonariz: Can we see each other now?Pero imbis na reply ni kuya ang matanggap ko ay itong si Leonariz ulit. Napailing na lang ako dahil talagang aaraw-arawin niya ata akong tanungin kung pwede ba kaming magkita.Kaso may kasunduan kami ni kuya. May punto rin naman siya na dapat ayusin ko muna lahat. Kausapin ang dad, si Lander–Si Lander… ramdam kong ayaw niyang marinig sa akin kung sino ang l
Ngayon ay naglilinis kami dito sa shop. A few minutes after we both cried because of her condition.Ngumiti naman ako ng tipid at umiling. “Mababaw lang rin ang luha ko, saka sino ang hindi maiiyak sa balita na ‘yon, Reiz? Sa kotse pa lang nung nagmamaneho ako grabe na ang kaba ko.”“Sorry, Ara…” hingi niya naman ng paumanhin.“Siguro nablangko lang rin ako at hindi nakapag-isip ng maayos pagkabasa ko ng resulta. Ang talagang pumasok sa isipan ko ay iwan na ang kuya mo dahil ayokong patagalin ang relasyon namin tapos makikita niya akong nanghihina, that would really break me, ang huling gusto kong makita ay masaktan ko si Ariston, Ara.”“Pero masasaktan mo rin siya kung aalis ka ng walang paalam at hindi na babalik pa,” sagot ko.“Babalik ‘yon sa dating buhay niya, magiging babaero ulit,” dagdag ko pa na ikinabuntong hininga ni Reiz.“I prefer this… kaysa ‘yong magdusa siya sa pag-aalaga sa akin, tapos iiwan ko rin siya sa huli… aalis ako na wala nang balikan pa.”“Reiz naman…” sambit