Share

Everett's Downfall 9

Brielle

.

Hindi ba siya magpaparamdam sa akin ngayong araw na 'to?

Humalukipkip ako habang nakatingin ang mga mata sa malayo.

Ano ba ang meron sa araw na ito at mukhang wala akong gana sa lahat. Ang tamad ko, at magtatanghali na lang ay wala pa akong natatapos na trabaho.

"Hoy, Brielle! Kumilos ka na! Anong oras ka ba pupunta sa baba? May usapan kayo ni Sammy 'di ba?"

Tinalikuran ko si tiya at isa-isa kong kinuha ang mga supot at ipinasok ang mga ito sa loob ng tindahan. Bukas ko na lang tatapusin ito dahil magkikita pa kami ni Sammy. Baka naghintay na iyon sa akin.

"Huwag mong kalimutan ang kalahating sako ng kamote, Breille! Ibigay mo 'yan kay Kapitana."

"Opo." Bahagya ko itong binuhat at napangiwi ako. Ang bigat.

"Ilalagay ko na lang kaya ito sa trolley, tiya? Ang bigat eh." Ismid ko at humakbang na ako papasok ulit sa tindahan para makuha ang trolley sa gilid, pero nahinto ako nang bumungad ang hindi inaasahang customer.

"Hello, Brielle baby. Hello, tiya!" Kaway ni Ismael kay tiya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status