Home / Urban / Déjà Vu / Prologue

Share

Déjà Vu
Déjà Vu
Author: Ukiyoto Publishing

Prologue

last update Last Updated: 2021-07-12 11:07:49
 

 

Napatakip ako sa tainga ko nang pagkapasok namin sa loob ng bar, para akong nabingi sa lakas ng tugtog at mga hiyawan ng mga tao sa loob.

Habang naglalakad papunta sa puwestong naka-reserve para sa amin, napamura ako dahil sa sakit ng ulo ko sa sobrang lakas ng ingay, tugtog, at sa iba’t ibang uri ng amoy na naaamoy ko ngayon.

“Argh, ang ingay . . .”

Nang makarating kami sa isang couch na kakasya sa aming apat, itinulak ako ni Aldrin sa couch. Tiningnan ko nang masama si Aldrin.

“Parang gago naman ‘to, hindi pa tapos ang plates ko!” bulyaw ko sa kan’ya. 

They all laughed. Hindi naman kasi talaga ako sasama dito dahil nga gumagawa pa ako ng plates. Buwisit lang kasi ng mga bobong ‘to, hindi ba sila makakainom nang wala ako? Dala ko ba yung mga shot glass at alak?

“Smile ka na, pare. Eto naman, sa Friday pa naman deadline n’on, sabi mo?” sabi sa akin ni Jin. Nagbuga na lang ako ng malalim na buntonghininga, kasabay ng pagkunot lalo ng noo ko.

Sinalinan na ni Terrence ang mga shot glass ng Bacardi na in-order nila at saka ibinigay ang sa akin. Napailing na lang ako at kinuha ‘yon. Itinaas nila ang mga shot glass habang ako, nakatingin lang sa kanila dahil mukha silang mga tanga.

“Para sa paggaling ng puso ni Connor,” natatawang sabi ni Aldrin. “Cheers!”

Nagtatawanan silang tatlo habang nakikipag-cheers ng shot glass sa isa’t isa. Hindi ko na sila pinansin at hinayaan na lang sa gusto nila. Ininom ko na lang ang shot ko at hindi na sila pinansin pa.

“Bakit nga kasi kayo naghiwalay?” tanong sa akin ni Jin.

Hindi pa ba nasasagot? Pitong beses na yata niyang tinatanong sa akin ‘yan ngayon. Nilagyan ni Aldrin ang shot glass ko ng panibagong shot.

Nagkibit-balikat ako. “Dunno.”

I drank my new shot. Hindi ko naman talaga alam at hindi ko na inalam. May napagkasunduan naman na kami noon ni Riza na kapag ayaw na ng isa, kailangan na naming maghiwalay.

Riza is really kind. She’s a great woman. Hindi lang talaga siguro namin kaya maging masaya dahil ang dalang namin magkita.

“‘Di nga, bakit?” tanong ni Terrence.

I shrugged. “Ayaw na namin pareho.”

Ako ang unang umayaw. Hindi ko naman sinabi, pero siguro, naramdaman niya nang ayaw ko na kaya siya na mismo ang umalis.

Maybe she felt that I am not as excited as before to see her. And maybe she felt that I am not as excited as before to have sex with her.

I don’t want to hurt her, but we both know that we’re not going to be hurt even if we broke up. Hindi naman kasi love-centered ang relas’yon namin. Well, we tried but we failed eventually.

“‘Tang ina, seryoso ba?” hindi makapaniwalang tanong ni Aldrin. “Isang taon na kayong nagsi-sex, eh.”

Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Aldrin.

Well, that was the main reason why Riza and I entered this relationship—pareho naming gusto ng isang taong makakasama namin palagi kapag ginawa namin ‘yon. 

Hindi naman fuck buddy. Hindi naman namin kino-contact lang ang isa’t isa kapag gusto namin ng sex. We always contact each other like the usual relationships.

Wala nga lang love na katulad ng sa iba.

“Simula pa lang, napag-usapan na naming tumigil kapag ang isa sa amin hindi na masaya.”

“Sus, mga dahilan n’yo. Ang sabihin n’yo, hindi naman talaga kayo sumaya in the first place.” Terrence took another shot. “Hindi kita nakitang nagmukmok, ‘no?”

Tama naman.

“May lalaki bang nagmumukmok sa breakup?” tanong ni Jin.

Kapag talaga itong si Jin, nagka-girlfriend at hiniwalayan ng babae, pagtatawanan ko ‘to, sa halip na damayan!

Nagkibit ako ng balikat. “Ewan ko d’yan kay Ter, kung ano-ano pinagsasabi.”

“May kilala akong nagmukmok sa breakup,” sabi ni Aldrin bago muling nagsalin ng alak sa shot glass namin.

“Sino?” tanong ko.

Ngumisi si tanga bago sumagot sa akin. “Ikaw.”

Pinagtawanan nila akong lahat habang ako, napapasinghap na lang bago uminom dahil puro kabobohan ang lumalabas sa bibig nila.

“Bata pa tayo no’n, gago ka.”

Natawa ako nang makita ko ang itsura nilang parang mga bata na inaasar ang mga kaibigan habang namumula na sa katatawa.

“Tatlong taon pa lang ang nakakaraan no’n! Maka-bata ka naman. Twenty pa lang tayo!” napapailing na sabi ni Ter.

“Sa tingin mo nasaan na siya ngayon?” tanong ni Aldrin.

Tumingin ako nang masama sa kan’ya. “Anong malay ko? Hindi ko nga alam na umalis, eh. Tss.”

“Pero break na kayo no’n, kaya sa tingin ko naman, wala ka nang magagawa ro’n, na hindi niya sinabi.” Sabi ni Jin bago ininom nang straight ang shot niya.

Tss. Kahit break na, may karapatan pa rin akong malaman ‘yon. May pinagsamahan kami. Sana sinabi niya sa akin kung saan siya pupunta.

Parang gago naman kasi ‘yong bigla na lang nawala.

“Ano? Wala lang ‘yong pinagsamahan?” naiinis na tanong ko.

“Tss. Akala mo naman umabot kayo ng ilang taon! Isang taon lang kayo ng babae mo, ah?”

Bakit? Kailangan ba magtagal ang relas’yon bago magkaroon ng karapatan?

Tinawanan na lang nila ako nang hindi na ako sumagot dahil ayaw ko naman nang pag-usapan si Grace. I know that I’ve moved on already. Matagal na. I don’t even think of looking for her anymore.

Nag-inuman kami at nagkuwentuhan ng ibang bagay, tulad ng mga babaeng nakikita namin sa bar. They were talking about their prospects and I only laughed whenever they sound like an idiot.

Lahat naman kami rito, walang girlfriend kaya walang problema sa amin ang mambabae, o maghanap ng babae ngayong gabi.

Nang maubos ang Bacardi, naramdaman ko ang tama sa akin nito. Nahihilo na ako, pero pakiramdam ko, mas lalo akong nahilo nang makita kong nagbubukas sila ngayon ng Black Label!

Mga animal!

“Hoy! Gago, may pasok pa bukas!” reklamo ko sa kanila.

“Gago, para nga sa ‘yo ‘tong pagpa-party natin, eh!”

Ano bang problema nila? Hindi naman ako broken-hearted! Sila lang naman ang nag-iisip na broken-hearted ako.

“Kailangan mong malasing para makahanap ka ng bagong babae mo!” sabi ni Ter matapos nilang tumawa nang tumawa kanina.

Parang mga baliw amputa.

Ilang sandali pa, may isang tangang tumawa nang tumawa sa sulok ng couch kahit na wala namang nakakatawa.

“Anong itinatawa-tawa mo d’yang pangit ka?” tanong ko.

“Ano ba iniinom natin? yung breakup niya noong isang araw o yung breakup niya noong isang isang isang taon?”

Mga bobo talaga. Sila lang itong naniniwalang naaapektuhan pa ako ng mga bagay na matagal nang nangyari. Kung may pakialam pa ako kay Grace, eh ‘di sana hinanap ko na. Ang dali na lang maghanap ng tao ngayon gamit ang internet.

Pero dahil wala na akong pakialam, hindi ko na siya hinanap.

Napailing na lang ako at pinagdasal na sana matapos na ang inumang ‘to nang makauwi at makatulog na kami.

Hours went by and we immediately finished the second bottle of Black Label. Naramdaman ko na ang sobrang kalasingan. Hindi ko magawang tumayo sa kinauupuan ko dahil alam kong matutumba ako kapag sinubukan ko.

Umiikot ang mga paningin ko. Pakiramdam ko nga, dumodoble o tumitriple pa. Putang inang Black Label ‘yan. Sakit sa ulo amputa.

I stayed on the couch for few more minutes, hoping that my tipsiness would subside. Mabuti na lang, ako na lang ang mag-isa ngayon dito dahil nakahanap na sila ng babae nila.

Kung nandito pa ang mga ‘yon, sigurado akong um-order na naman ng panibagong alak ang mga ‘yon dahil mas mataas ang alcohol tolerance nila kaysa sa akin. At sigurado rin akong mas lalong sasakit ang ulo ko kung nandito pa rin sila.

Mabuti na lang at naisipan na nilang mambabae.

I looked at the time on my wrist watch but because of too much dizziness,  I am not sure of what time is it anymore—2:00 AM ba o 3:00 AM? Puta kasi! Kahit na anong oras na ngayon, kailangan ko nang umuwi! May pasok pa bukas! 

I stood up. Tama nga ako na hindi ko magagawang makalakad nang maayos dahil muntik na akong matumba kaagad. Naglakad ako papunta sa CR pero ang dami kong nabunggo at alam kong galit na sila sa akin.

“Aray, ano ba!”

“Sorry!”

“Ano ba ‘yan!”

“Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!”

Hindi ko na pinansin ang mga paulit-ulit nilang reklamo at itinuon na lang ang pansin sa paghawak sa pader para maging gabay ko papunta sa CR. Gusto ko sanang dukutin ang lalamunan ko nang maisuka ko lahat, pero napagdesisyunan kong maghilamos na lang.

Sayang in at baka makahanap pa ako ng magiging babae ko. Kung sakali lang naman.

Nang matapos maghilamos, kahit paano, gumaan na ang pakiramdam ko. Lumabas ako ng bar para manigarilyo nang tahimik.

While standing and taking the cigarette and lighter on my pocket, ramdam ko ang pag-uga ko na para bang sumasayaw ang mga binti ko sa sobrang kalasingan. I chuckled.

Damn, I am drunk!

Nang makuha ko na ang mga ‘yon, kumuha ako ng isang stick, pero pakiramdam ko, sa paningin ko, dalawa ang nakuha ko.

“Argh, putang ina isang sigarilyo lang ang kailangan ko,” naiinis na reklamo ko sa sarili.

Isinubo ko na ang isang sigarilyo at sinindihan ito. Hindi ko pa man nahihithit ang usok, tumalon na ito palayo sa bibig ko.

“Gago ka ba—”

I looked at the person who flicked my cigarette out of my mouth and saw a woman. She’s small. Parang hanggang balikat ko lang. Nakatingin siya sa akin na parang wala naman siyang pakialam, pero bakit pakiramdam ko, may pumasok sa isip ko nang makita ko siya?

“Sorry, bawal kasi sa akin ang sigarilyo,” sabi niya nang nakahalukipkip.

Sumandal siya sa pader at sa oras din na ‘yon, pakiramdam ko, may naalala akong wala naman talaga sa alaala ko. May linyang pumasok sa isip ko na katulad na katulad ng sinabi niya.

“Sorry, bawal kasi sa akin ang sigarilyo . . .”

Bakit sa isip ko, ibang tao ang unang nagsabi n’on? Naka-uniform yung babae? Sino ‘yon? Puta, minumulto ba ako?!

Pakiramdam ko, nawala nang bahagya ang kalasingan ko dahil sa maikling oras na ‘yon. Nang makabalik ako sa katinuan, nagsalita ako.

“B-Bakit ka nandito kasi?” kunwaring masungit na tanong ko.

Sumulyap sa akin ang babae, pero hindi ko talaga kilala. Bakit naman biglang may pumasok sa isip ko na may nagsabi na sa akin n’on at may gumawa na rin ng ginawa niya kanina?

Imposible.

Hindi ko siya kilala . . . pero sobrang ganda niya. Ang labo niya sa paningin ko pero para akong uminom ng tatlong tasang kape nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo na ngayong tinititigan ko ang mga mata niyang alam kong mayroong kakaiba. At ang labi . . .

Ang labi niya . . .

“Ikaw ang nagpunta dito,” sabi niya na parang ang tanga ko sa tono niya. “Kung gusto mong manigarilyo, doon ka sa smoking area, ‘wag dito.”

Akala ko, tapos na ang momentum na katulad ng kanina, pero hindi.

Napapikit ako nang mariin nang may pumasok na namang alaala sa isip ko na alam kong hindi sa akin. Kahit gaano ako kalasing, alam kong hindi pa nangyari ‘yon sa buhay ko.

“Kung gusto mong manigarilyo, doon ka sa smoking area, ‘wag dito . . .”

Pakiramdam ko talaga, nangyari na noon ang nangyari sa akin kanina, pero wala akong matandaan na nangyari na nga ‘yon sa akin! Para itong alaala ng ibang tao na bigla na lang pumasok sa isip ko! Fuck, ano ba ‘to?

Napahawak ako sa ulo ko at unti-unti, parang lumilinaw ang lugar ng alaala na alam kong hindi naman sa akin. Parang . . . makalumang eskwelahan.

Saan ‘yon? Ano ‘yon?

“A-Anong nangyayari sa ‘yo?”

Hindi ko pinansin ang tanong niya at nanatili akong nakapikit nang mariin habang hawak ang ulo ko na pakiramdam ko, sasabog na, hindi dahil sa sakit, kung hindi dahil sa hilo at sa halo-halong mga tanong at alaalang hindi naman nangyari sa akin.

Hindi ko alam kung anong nangyari. Sa mga oras na narinig ko ang huling sinabi niya, kasabay ng pagpasok ng estrangherong alaala sa akin, bigla akong nahilo nang sobra.

Hindi ko alam kung ano bang nangyayari talaga, pero naramdaman ko na lang ang sarili kong bumagsak sa babaeng nasa harap ko kasabay ng malakas na sigaw niya.

Naririnig ko siya, ang pagpa-panic ng boses niya at ang tangka niyang paglayo niya sa akin, pero hindi ko maigalaw ang katawan ko at hindi ko maibuka ang bibig ko.

Wala na akong maintindihan. Hindi ko na alam talaga kung anong nangyari. Naramdaman ko na lang na tuluyan na ngang nagsara ang pandinig ko at tuluyan nang nawalan ng malay.

***

“Kung sinong nag-pass out kagabi, siyang maglalaba ng mga damit natin!!!”

Nagpalakpakan ang tatlong tanga sa living room nang makita akong nagkakape sa kusina. Pumunta ako sa kanila at nahiga sa long couch matapos ibaba ang kape sa table.

Ang sakit ng ulo ko, fuck. Alak ba ‘yon o lason?

“‘Tang ina n’yo, nilagyan n’yo ba ng vetsin yung mga tagay ko?” Nakakapagtaka talaga, eh! “Hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng malay!”

I know that I have a low alcohol tolerance but never, not even once in my life, did I pass out just because of being drunk! ‘Tang ina, nakakahiya!

“Puta, oo nga, nagulat nga rin ako, eh! Sabi ko nga, ang imposible namang mag-pass out ni gago dahil lang lasing siya.” Tumawa pa ang gagong Aldrin bago nagsalita ulit. “Baka naman kasi dumadamoves ka lang sa chiks na kasama mo kagabi?”

“Ano?” tanong ko.

Nagulat ako nang may pumitik ng bimpo sa hubad kong katawan.

“Aray!!!”

“Oo, gago! May kasama kang chiks kagabi!” sabi ni Jin. “Naiwan ka sa couch pero nauna ka pa maka-score sa amin!”

Kung hindi lang masakit ang ulo ko dahil sa hangover, ipinaligo ko na sa kan’ya ‘tong kape na iniinom ko, eh.

Bakit ba kasi pumayag akong umupa ng condo kasama ang tatlo na ‘to?!

“Sana all! Next time, kunwari hihimatayin din ako para makahanap ako ng bebe.”

Nagtawanan pa sila, tsaka ikinwento kung paano nila ako nahanap kagabi bago namin napagpasyahang gumayak na.

Mabuti na lang at mamaya pang 10:30 AM ang pasok ni Terrence at Aldrin kaya nakaligo ako kaagad. Nauna namang naligo sa amin si Jin sa common bathroom kanina dahil sa UST siya nag-aaral. 

When the class is finally done, the three of us went straight to the cafeteria. Walang klase ang lahat sa 1:00-2:30 PM dahil sa urgent meeting na sinasabi kaya naman ang mga gago, inaaya na naman akong mag-DOTA.

Wala namang mga silbi sa game, eh.

“Tara kasi, pare, DOTA.” Pamimilit pa sa akin ni Terrence. “Subukan daw sumunod ni Jin.”

Umiling ako nang paulit-ulit.

“Tatapusin ko na yung plates ko para makapag-DOTA na ako nang magdamag.”

“Tss, napakapangit mo talaga, bahala ka nga d’yan!” bulyaw sa akin ni Aldrin bago nila ako iniwanan sa cafeteria.

Dala ang mats ko, lumabas ako ng university para manigarilyo sa smoking area. Ang sakit pa rin kasi ng ulo ko dahil sa kalasingan, at oo, dahil na rin sa kababalaghang nangyari sa akin.

Inikot ko ang paningin sa smoking area at nakitang ako lang ang tao. Mabuti nang sigurado kaysa maulit na naman yung nakakahiyang nangyari kaninang madaling-araw.

Habang naninigarilyo, muli kong inalala ang mga kababalaghang ‘yon. Hanggang ngayon, laman pa rin ng isip ko kung paano ako nagkaroon ng memoryang alam kong hindi naman nangyari sa akin.

Inisip ko rin nang mabuti ang itsura ng babae, pero ang natatandaan ko lang ay maliit siya. Hanggang balikat ko lang ang babae na nakausap ko. Maliban doon, malabo na sa isip ko kung ano itsura niya dahil sa kalasingan.

Gusto ko sanang maalala kasi alam ko sa sarili kong maganda siya. Iinggitin ko pa naman sana sina Aldrin at Jin.

‘Di bale, siguro naman maaalala ko ang mukha ng babae kapag nakita ko siya.

Nang makita ko ang sigarilyo sa pagitan ng dalawang daliri ko, muli kong naalala kung paano pinitik ng babae ang sigarilyo sa bibig ko. Bakit ba bigla kong naisip na nangyari na sa akin ‘yon kahit hindi naman?

Hindi naman normal na pangyayari na may babaeng bigla na lang pipitikin ang sigarilyo palabas ng bibig ko, kaya sigurado akong hindi pa nga nangyari sa akin ‘yon! Pati mga linya niya, pakiramdam ko, nasabi na sa akin na katulad na katulad noon kahit na hindi naman!

It feels like I’ve already seen that happening. What was that?

“Déjà vu ba ‘yon?” ipinilig ko ang ulo ko habang nag-iisip at kinakausap ang sarili. “Pero first time lang naman may gumawa sa akin n’on. Baka nagkamali lang ako? Baka feeling ko lang na nangyari pero hindi naman talaga?”

Teka, ano na nga ang eksaktong meaning ng déjà vu? Kapag ba déjà vu, ibig sabihin, naulit na pangyayari?

Napakamot na lang ako nang mariin sa ulo ko kasi wala na akong maintindihan sa sarili ko. Nababaliw na nga ako sa Engineering, sumasabay pa ‘to!

Nang paubos na ang sigarilyo ko, napalingon ako sa mga babaeng nag-uusap habang naglalakad sa harap ng smoking area.

“Ayoko nga sabi, kayo na lang muna!”

Napakunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses, pero mabilis na napailing dahil heto na naman ako sa pamilyar pamilyar na ‘yan, eh.

“Ang arte mo namang hayop ka, lukutin ko mukha mo eh!”

“Hindi pa ako nakakagawa ng painting ko, gaga!”

“Bilis na kasi! Birthday nga ng tropa ko, invited tayo!”

“Ayoko nga, kagagaling lang natin sa bar kagabi, araw-araw bang birthday ng kaibigan mo?”

Muntik na akong tumawa nang malakas nang marinig ko yung sinabi n’ong maliit na babae. Oo nga naman, bakit ba lagi na lang birthday ang ginagawa nating excuse kapag aalis tayo o magba-bar?

Tuluyan na silang nakalayo kaya naman inubos ko na rin ang sigarilyo ko at ngumuya ng bubble gum bago pumasok sa loob ng campus.

 

 

Related chapters

  • Déjà Vu   Chapter 1

    “Tabi ka nga!” pagtulak sa akin ni Jin dahil pareho kaming gumagawa ng plates namin ngayon sa condo. “Ano? Kumusta na kayo ngbar girlmo?”I sighed in frustration.“Manahimik ka nga’t baka isaksak ko sa lalamunan mo ‘tong T-square na hawak ko,” iritang sagot ko sa kan’ya.He laughed. “Gago, hindi mo pa nahahanap?” tumingin ako sa kan’ya nang nagtataka. “Schoolmate n’yo, gago!”“Hindi ko hinahanap, at wala akong pakialam, Jin Harold Ocampo.”Muli siyang humagalpak ng tawa sa sinabi ko. “Ba’t kasi hindi na naman maipinta ‘yang pagmumukha mong gago ka?” pumaywang pa talaga ang loko, akala mo naman boss ko amputa, sakalin ko ‘to, eh. “Ilang araw ka nang badtrip simula noong gabing ‘yon, hindi mo ba sasabihin?”Tumingin ako nang masama sa kan’ya bago ibinaba ang hawak kong T-square at inilagay ang mechanical pencil sa tainga ko na para bang ordinaryong lapis lang ito.“Hindi ko kasi maintindihan, pare!” I sighed. “Hindi naman nangyari sa akin pero ba’t no’ng gabing

    Last Updated : 2021-07-12
  • Déjà Vu   Chapter 2

    Kinuha niya ang bote ng Tequila sa akin at siya na ang nagsalin ng alak sa mga baso naming dalawa. Para pa rin akong na-hypnotize sa tingin ng mga mata niya. Ngayon naiintindihan ko na.Nagiging dark blue ang mga mata niya kapag natatamaan ng liwanag o ng kahit na anong ilaw.Enchanted ba ang tawag sa ganitong pakiramdam?Anghiwagalang. Gusto ko pang tumawa nang makagawa ng joke sa sarili ko. Napakanta pa ako ngI was enchanted to meet you . . .ni Taylor Swift.Putek, ang corny!Iniusog niya ang baso sa akin at nakipag-cheers. Nang ngumiti siya, napalunok ako bago kinuha ang baso at nakipag-cheers sa kan’ya. Sabay naming ininom ‘yon.“May . . . gusto ka raw pag-usapan? Sabi ng kaibigan mo . . .”Nang marinig ko ang boses niya sa kabila ng ingay ng mga tao sa lugar, para akong ibinalik sa gabing ‘yon, na siya ang kasama ko. Pakiramdam ko, palaging may kakaiba kapag siya ang kasama ko.Argh! Ano na naman ba ‘to?!Ibinaba ko ang baso matapos k

    Last Updated : 2021-07-12
  • Déjà Vu   Chapter 3

    Napainom ako sa sarili kong kape at nakaramdam ng ginhawa sa lamig nito at sa sarap. Matapos uminom, tumingin ako sa kan’ya at sumagot sa sinabi niya.“Hindi ko naman sinabing gusto ko ang mga mata mo . . .”Hindi ko alam kung bakit sinabi ko ‘to. Totoo bang ayaw ko ng mga mata niya o sinabi ko lang ‘to dahil ayaw kong masama sa mga taong kinaaayawan niya?She laughed. “Kasasabi mo lang na maganda ang mga mata ko.”Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero ibinalik ko rin kaagad sa kan’ya. I saw, once again, her dark blue eyes because of the lights that strikes her face. She smiled when she saw that I’m staring at her. I gulped as my heart started beating wild again.The fuck is happening to me?“Hindi naman lahat ng maganda, kagusto-gusto.”I saw her mouth parted slightly with what I said. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko dahil doon. She laughed louder, making the other people inside the coffee shop to look at us.“Alam mo, sa ‘yo ko lang narinig ‘yan!”

    Last Updated : 2021-07-12
  • Déjà Vu   Chapter 4

    Kung hindi siguro tumatatak sa isip ko ang bawat salita ng boses niyang ang sarap sa pandinig, baka isipin kong busted na kaagad ako kay Savannah matapos niyang sabihing hindi siya komportable sa akin.Pero kung hindi siya komportableng totoo, bakit sinabi niya ‘yon nang may magandang ngiti sa mga labi niya, hindi ba?Nakalabas na ako ng sasakyan niya at papasok na ako sa lobby nang mapagtanto ko ang lahat ng ‘yon. Mula sa lobby, bumalik ako sa kung nasaan si Savannah. Hinabol ko ang sasakyan niyang papalayo na sa building ng condo. Kinatok ko ang bintana ng driver’s seat, dahilan para tumigil siya sa pagmamaneho at ibinaba ang bintana.“May naiwan ka ba?” tanong niya sa akin.Humihingal akong ngumiti bago nagsalita. “Hindi rin ako komportableng kasama ka.”Tumawa siya bago iniabot ang cellphone sa akin. “P’wede ba tayong magpalitan ng number? Para maging komportable na tayo sa isa’t isa.”Tumawa ako, kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko ngayong kausap ko siya habang

    Last Updated : 2021-07-12
  • Déjà Vu   Chapter 5

    “Tara na, pare.”Napalingon ako kay Aldrin at Terrence na nasa labas ng room namin, mukhang hinintay ako. Kinuha ko ang cellphone ko.“Hindi ako sasabay.”Tiningnan ako nang masama ni Terrence.“‘Tang ina, hindi sinabi!”Tumawa lang nang tumawa si Aldrin bago ako pabirong sinakal gamit ang braso niya habang kinukutusan ang ulo ko.“‘Tang ina mo talaga!”Nagtatawanan silang dalawa bago umalis sa building. Tinawagan ko na si Savannah na mabilis niyang sinagot.“Tapos na ang klase mo?” tanong ko habang bumababa sa hagdan.Tumawa siya at nagpaalam sa mga kaklase, base sa narinig ko sa kabilang linya, bago siya sumagot sa akin.“Oo, katatapos lang.”“O, sige. Papunta na ako,” sabi ko at nagmadaling bumaba ng hagdanan.“Huwag na! Sa parking lot na lang, magsasayang ka pa ng oras, one hour lang ang lunch break ko.” Bahagya siyang tumawa. “Sige na, papunta na ako.”“Hmm, sige.”Pinatay na niya ang tawag.Lakad-takbo ang ginawa ko nang sa gano’n, mauna ako sa kan’ya

    Last Updated : 2021-07-12
  • Déjà Vu   Chapter 6

    Tulad ng sinabi ko, sinundo ko siya kinabukasan sa bahay niya. Ang inaasahan ko ngang bahay niya ay condo unit na katulad ng sa amin ng mga kaibigan ko, pero hindi. Two-storey house siya na mayroong malawak na garden.Mas lalo akong naging interesado, dahil kadalasan ng mga nakikilala ko, sa isang condo unit nakatira o sa isang apartment, pero siya, hindi. Alam mong bahay ‘yon na ginawa ayon sa kagustuhan isang tao.Halos isang buwan na ang nakalipas nang magsimula kaming maging malapit sa isa’t isa, at sa bawat araw na nararamdaman ko kung gaano siya kalapit sa akin, para akong paulit-ulit na nahuhulog—nalulunod.“Malapit na ang rainy season,” masayang sabi niya habang nakaupo sa shotgun seat.Katatapos lang naming kumain ng hapunan sa isang restaurant at ngayon, ihahatid ko na siya pauwi sa bahay niya. Hanggang ngayon, hindi pa ako nakakapasok sa loob n’on, pero wala naman ‘yong kaso sa akin dahil natural naman ‘yon. Kahit naman siya, hindi pa nakakapasok sa unit ko. Baka

    Last Updated : 2021-07-12
  • Déjà Vu   Chapter 7

    “That’s too ideal . . .”Bahagya siyang tumawa bago tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya. She took her coffee from the center table. She sipped on it before looking at me.“I don’t think that I’m going to believe that.”Bahagya akong nakaramdam ng kaba, kasabay ng pag-awang ng bibig ko. Bakit hindi siya maniniwala? Akala ba niya, niloloko ko lang siya?“Bakit naman? Hindi ba kapani-paniwala?” tanong ko nang nakakunot ang noo.Tumawa siya nang bahagya. “Bakit naman ako maniniwala kaagad sa mga magagandang salitang naririnig ko? Have you ever heard oftoo good to be true things mostly are brought by impulsive feelings?You may mean it now, pero paano kung nakapag-isip ka na nang mabuti? Magagawa mo pa rin ba ‘yan sa akin?”Napalunok ako.Impulsive feelings? Bakit naman niya nasabi ‘yon? Isang buwan na kaming magkakilala at isang buwan ko na rin ipinaparamdam sa kan’ya na . . . totoong gusto ko siya . . . na siya ang taong maganda at kagusto-gusto,

    Last Updated : 2021-07-12
  • Déjà Vu   Chapter 8

    “Almacen!”“Pass,” mabilis na sagot ko bago sila iniwanan sa living room.Naramdaman kong may bumato sa akin ng throw pillow, kasabay ng sunud-sunod na mura mula sa tatlo. Hindi ko na lang sila pinansin pa at nagkulong na sa kuwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at binuksan ang cellphone. Naka-receive ako ng text kay Terrence kahit na nasa living room lang naman siya.Idi-dial ko na sana ang number ni Savannah nang si Jin naman ang mag-text sa akin.Natawa ulit ako bago nag-reply sa kan’ya.

    Last Updated : 2021-07-12

Latest chapter

  • Déjà Vu   About the Author

    About the Author Mariss Mariano, also known as marisswrites on W*****d, is a 24-year old writer living in the province of Nueva Ecija, Philippines. She fell in love with writing at the age of 14 when she started scribbling on her big notebook about the first story she wanted to write. Two years later (2013), she found herself writing in an online platform called W*****d and that starts her career as an online writer focusing on Romance but trying to explore different genre. Mariss won The Watty Awards 2020 with her winning story Saving Serene under Young Adult category. The story is about a woman named Serene who lost her will to live because she didn’t know what she wants to do with her life and her journey to saving herself.

  • Déjà Vu   Acknowledgement

    AcknowledgementFirst of all, thank you so much, Almighty God, for this talent You have given me. I am nothing without all of these blessings. Thank You so much.Thank you so much to everyone who helped me with this book.Thank you, Ukiyoto Publishing for giving my story a chance to be published under your company. Thank you for all the efforts you put into this.Thank you, Guilty Reads, especially my mentor, Ate Rayne Mariano, for helping me with things regarding this. Thank you for all the lessons you gave us in terms of writing—and life! I will forever be grateful that I became a part of the community you are building. I will make good use of it, I promise!Thank you so much, Didit, for helping me with the manuscript editing/proofreading! You’re the best!Thanks to Ate Heynette for the awesome book cover! You create the best book covers ever! I love all of it—every art of yours is beautiful! Thank you so much to my friends who have helped me in my down times! Kapi Ga

  • Déjà Vu   Special Chapter

    Special ChapterSAVANNAH GREENEIstared at the dark skies above me as I listened to the beautiful sound of the pouring rain. I smiled as I stretched my hand to feel the cold water on my palm.P’wede naman akong tumakbo para makauwi pero mas gusto kong panoorin ang ulan ngayon dito. At isa pa, wala naman na si Mama para maghintay sa akin sa bahay.Napalingon ako sa sumilong sa tabi ko. I saw a guy in his uniform wearing a backpack with his phone on his hand. Napanguso ako nang makitang basang-basa na ang phone niya.Hindi kaya masisira ‘yon?“How long are you stucked here?”My mouth parted when he talked. Wow, I like his voice. Too manly.I looked at him. “Huh?”He smiled at me. “Kanina ka pa rito?”I pursed my lips before answering. “Uhh . . . one hour?”Tumango siya. “Fuck this rain. Panira ng plano, eh. My fucking shoes are ruined,” he said, looking at his expensive white shoes.Napanguso ako sa sinabi niya. Why would he blame the rain? He should always ch

  • Déjà Vu   Epilogue

    EpilogueThe talk I had with Savannah knocked some sense into me.Since that day, I started looking at Grace from a different perspective. I realized, she’s right. She’s still not fine and my words about Savannah hurt her more than I have ever realized. I shouldn’t have told her things about her. She may not want me back as her man, but she clearly stated that she still has this love for me.“I saw Savannah at my department,” Grace said as she puts her things on the couch. “She’s talking to my professor. May pinag-uusapan sila na mukhang importante.”She sat on the couch and opened the TV. “Don’t talk about her.”I heard her laughed. “Ang tagal na, Connor. Aren’t you still moved on? Lapit na kami g-um-raduate.”I looked at her, only to see her winked at me. She’s always teasing me about Savvy. I told her not to talk about her anymore. Bukod sa nakakaramdam ako ng lungkot, nag-aalala ako para sa kan’ya.She laughed. “Connor, don’t be plastic. I know that you only didn’t w

  • Déjà Vu   Chapter 30

    She looked at me, confused, as she seems to be digesting all the words I just said. She scoffed before rolling her eyes at me.“Of course not. I won’t. I’ll stay where I am. Hindi por que nakipag-hiwalay ako sa ‘yo, magkakaroon na ako ng dahilan para iwanan ang dream house ni Mama.” She looked away. “I’ll come with him for a vacation but that’s for the Christmas holiday. Matagal pa. Pero babalik ako rito.”Napatango-tango ako kasabay ng mga buntonghininga ko. Buti na lang. Buti na lang talaga.“Congrats.”Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. “For what?”“For fixing things up with your dad. You won’t come with him for a vacation if you didn’t forgive him yet, right?” I smiled.Hindi na siya sumagot pa. Ilang sandali pa kaming nanahimik habang pareho kaming nakasandal sa hood ng kotse ko. Tuluyan nang humupa ang ambon at malamig na hangin na lang ang tanging natira.“So, what really brings you here? Anong oras na, you really should’ve left by 8:00 PM already.”I smiled timi

  • Déjà Vu   Chapter 29

    It feels like I was lost, knowing that Savannah doesn’t have plans on coming back to me. Ang hirap . . . ang sakit. Ang daming dahilan para tumigil ako, pero hindi ko kaya. Gusto ko pa rin na ulitin ang lahat—ligawan ulit siya . . . pero hindi ko mapigilan yung sakit. Sa tuwing lalapit ako sa kan’ya, sumasaya ako, pero nalulungkot din sa tuwing maaalala na hindi na nga siya sa akin.“Tama na muna,” sabi ni Jin matapos kong ik’wento sa kanila ang nangyari nang gumabi. “Hayaan mo muna siyang malayo sa ‘yo, at ganoon ka rin sa kan’ya. Baka gan’yan ang kailangan n’yo, pare?”Sinalinan ko ang baso ko ng alak at mabilis ‘yong ininom habang kitang-kita ko ang tatlong pares ng mga mata na nanonood sa akin.“Ayoko,” mabilis na sagot ko matapos ibaba ang baso.“Tingnan mo nga ‘yang itsura mo,” iritadong sabi ni Terrence. “Gan’yan ka na lang? Magiging maayos panandalian, tapos babalik ka sa dati kapag nasaktan? Ayusin mo nga sarili mo, pare. Sa tingin mo, babalikan ka niya nang gan’ya

  • Déjà Vu   Chapter 28

    When the month of August came, I always look for Savannah. Hindi pa man kami nagmi-midterm noon at hindi pa kami nagkakalinawan ni Grace tungkol sa mga naging problema sa aming dalawa, palagi ko nang pinupuntahan si Savannah kung nasaan siya.I just wanted to relive the moments we had back when we were happy. I just wanted to relive the feelings I had when we were dancing under the first rainfall in the month of August.But it rained . . . and it rained. A storm came, numbers of low pressure areas were experienced for the whole month of August, and I never saw her dance under the first rainfall of August ever again. I never saw her get excited with the rain anymore.For the whole month of August, I never saw her smile when it rained, not even once. I was always watching her from afar. I almost cut classes just so I could see her expressions for the rain she loved to anticipate. And I never saw that same excitement again.Naging normal na araw na lang para sa kan’ya ang pana

  • Déjà Vu   Chapter 27

    “Pare, tara, alis,” rinig kong pag-aya sa akin ni Terrence sa k’warto ko. “Bar daw, birthday ng tropa ni Jin sa UST!”“Kayo na lang.”It’s been a month since Savvy broke up with me. I tried getting her back, courting her everyday, hoping that what she said was just an impulsive decision. But she never came back. Parang hindi niya nga ako nakikita kapag magkakasalubong kami sa campus.“Tama na mukmok, pare. Lungkot na kami,” sabi ni Terrence bago naupo sa gilid ng kama ko. “Ayusin mo yung sarili mo. Exam week na sa susunod na linggo. Baka bumagsak ka.”Hindi ako sumagot, dahil alam kong papunta na nga ro’n ang kapalaran ko sa college. Siguradong magagalit si Mama pero wala naman din siyang magagawa para sa akin. Kung ako nga, hindi matulungan ang sarili ko.Ang hirap lang na wala si Savannah.“Pare, tama na. Ipakita mo kay Savvy na deserve mo yung second chance hindi yung gan’yang sinisira mo buhay mo dahil lang wala na siya sa ‘yo.”Napabuntonghininga ako bago bumangon a

  • Déjà Vu   Chapter 26

    Nng maihiga na sa vacant bed si Grace, kinausap ako ng nurse na p’wede na raw akong umalis at pumasok na ako sa klase ko dahil siya na raw ang bahala na mag-abiso sa prof niya na hindi ito makakapasok.Wala sa sarili akong umalis ng clinic at naglakad pabalik ng building namin, iniisip pa rin ang lahat ng sinabi ni Grace. Alam ko naman. Expected ko naman yung rason niya, pero nang marinig mula mismo sa bibig niya . . . para akong nanghina. Para akong itinapon pabalik sa mga araw na sinasaktan niya ang sarili niya sa harap ko.Bago ako makapasok sa room, nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ‘yon sa bulsa ko at nakita na nag-text si Savannah. Binasa ko kaagad ‘yon.Why is she asking me this? I sighed before typin

DMCA.com Protection Status