Déjà Vu

Déjà Vu

last updateLast Updated : 2021-07-12
By:   Ukiyoto Publishing  Completed
Language: English
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
34Chapters
2.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Synopsis

Connor Lopez has experienced slight déjà vu for the first time in his life with someone who's stranger to her--Savannah Greene. Since that one strange night, Connor has been experiencing déjà vu often times than the usual, and it's making him feel like there's something wrong with his mental health. Through Savannah, he learned about the possibility of past lives and parallel universe. On the other hand, Savannah is a student of Multimedia Arts, to which, she keeps on experiencing dreams from someone else's life, and unconsciously painting the face of someone she never really know in the first place.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

Napatakip ako sa tainga ko nang pagkapasok namin sa loob ng bar, para akong nabingi sa lakas ng tugtog at mga hiyawan ng mga tao sa loob.Habang naglalakad papunta sa puwestong naka-reserve para sa amin, napamura ako dahil sa sakit ng ulo ko sa sobrang lakas ng ingay, tugtog, at sa iba’t ibang uri ng amoy na naaamoy ko ngayon.“Argh, ang ingay . . .”Nang makarating kami sa isang couch na kakasya sa aming apat, itinulak ako ni Aldrin sa couch. Tiningnan ko nang masama si Aldrin.“Parang gago naman ‘to, hindi pa tapos ang plates ko!” bulyaw ko sa kan’ya.They all laughed. Hindi naman kasi talaga ako sasama dito dahil nga gumagawa pa ako ng plates. Buwisit lang kasi ng mga bobong ‘to, hindi ba sila makakainom nang wala ako? Dala ko ba yung mga shot glass at alak?“Smile ka na, pare. Eto naman, sa Friday pa naman deadline n’on, sabi mo?” sabi sa akin ni Jin. Nagbuga na lang ako ng malalim na buntonghininga, kasabay ng pagkunot lalo ng noo ko.Sinalinan na ni T...

Interesting books of the same period

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Comments

No Comments
34 Chapters
Prologue
  Napatakip ako sa tainga ko nang pagkapasok namin sa loob ng bar, para akong nabingi sa lakas ng tugtog at mga hiyawan ng mga tao sa loob.Habang naglalakad papunta sa puwestong naka-reserve para sa amin, napamura ako dahil sa sakit ng ulo ko sa sobrang lakas ng ingay, tugtog, at sa iba’t ibang uri ng amoy na naaamoy ko ngayon.“Argh, ang ingay . . .”Nang makarating kami sa isang couch na kakasya sa aming apat, itinulak ako ni Aldrin sa couch. Tiningnan ko nang masama si Aldrin.“Parang gago naman ‘to, hindi pa tapos ang plates ko!” bulyaw ko sa kan’ya. They all laughed. Hindi naman kasi talaga ako sasama dito dahil nga gumagawa pa ako ng plates. Buwisit lang kasi ng mga bobong ‘to, hindi ba sila makakainom nang wala ako? Dala ko ba yung mga shot glass at alak?“Smile ka na, pare. Eto naman, sa Friday pa naman deadline n’on, sabi mo?” sabi sa akin ni Jin. Nagbuga na lang ako ng malalim na buntonghininga, kasabay ng pagkunot lalo ng noo ko.Sinalinan na ni T
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
Chapter 1
 “Tabi ka nga!” pagtulak sa akin ni Jin dahil pareho kaming gumagawa ng plates namin ngayon sa condo. “Ano? Kumusta na kayo ng bar girl mo?”I sighed in frustration.“Manahimik ka nga’t baka isaksak ko sa lalamunan mo ‘tong T-square na hawak ko,” iritang sagot ko sa kan’ya.He laughed. “Gago, hindi mo pa nahahanap?” tumingin ako sa kan’ya nang nagtataka. “Schoolmate n’yo, gago!”“Hindi ko hinahanap, at wala akong pakialam, Jin Harold Ocampo.”Muli siyang humagalpak ng tawa sa sinabi ko. “Ba’t kasi hindi na naman maipinta ‘yang pagmumukha mong gago ka?” pumaywang pa talaga ang loko, akala mo naman boss ko amputa, sakalin ko ‘to, eh. “Ilang araw ka nang badtrip simula noong gabing ‘yon, hindi mo ba sasabihin?”Tumingin ako nang masama sa kan’ya bago ibinaba ang hawak kong T-square at inilagay ang mechanical pencil sa tainga ko na para bang ordinaryong lapis lang ito.“Hindi ko kasi maintindihan, pare!” I sighed. “Hindi naman nangyari sa akin pero ba’t no’ng gabing
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
Chapter 2
 Kinuha niya ang bote ng Tequila sa akin at siya na ang nagsalin ng alak sa mga baso naming dalawa. Para pa rin akong na-hypnotize sa tingin ng mga mata niya. Ngayon naiintindihan ko na. Nagiging dark blue ang mga mata niya kapag natatamaan ng liwanag o ng kahit na anong ilaw.Enchanted ba ang tawag sa ganitong pakiramdam?Ang hiwaga lang. Gusto ko pang tumawa nang makagawa ng joke sa sarili ko. Napakanta pa ako ng I was enchanted to meet you . . . ni Taylor Swift.Putek, ang corny!Iniusog niya ang baso sa akin at nakipag-cheers. Nang ngumiti siya, napalunok ako bago kinuha ang baso at nakipag-cheers sa kan’ya. Sabay naming ininom ‘yon.“May . . . gusto ka raw pag-usapan? Sabi ng kaibigan mo . . .”Nang marinig ko ang boses niya sa kabila ng ingay ng mga tao sa lugar, para akong ibinalik sa gabing ‘yon, na siya ang kasama ko. Pakiramdam ko, palaging may kakaiba kapag siya ang kasama ko.Argh! Ano na naman ba ‘to?!Ibinaba ko ang baso matapos k
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
Chapter 3
 Napainom ako sa sarili kong kape at nakaramdam ng ginhawa sa lamig nito at sa sarap. Matapos uminom, tumingin ako sa kan’ya at sumagot sa sinabi niya.“Hindi ko naman sinabing gusto ko ang mga mata mo . . .”Hindi ko alam kung bakit sinabi ko ‘to. Totoo bang ayaw ko ng mga mata niya o sinabi ko lang ‘to dahil ayaw kong masama sa mga taong kinaaayawan niya?She laughed. “Kasasabi mo lang na maganda ang mga mata ko.”Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero ibinalik ko rin kaagad sa kan’ya. I saw, once again, her dark blue eyes because of the lights that strikes her face. She smiled when she saw that I’m staring at her. I gulped as my heart started beating wild again.The fuck is happening to me?“Hindi naman lahat ng maganda, kagusto-gusto.”I saw her mouth parted slightly with what I said. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko dahil doon. She laughed louder, making the other people inside the coffee shop to look at us.“Alam mo, sa ‘yo ko lang narinig ‘yan!” 
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
Chapter 4
 Kung hindi siguro tumatatak sa isip ko ang bawat salita ng boses niyang ang sarap sa pandinig, baka isipin kong busted na kaagad ako kay Savannah matapos niyang sabihing hindi siya komportable sa akin.Pero kung hindi siya komportableng totoo, bakit sinabi niya ‘yon nang may magandang ngiti sa mga labi niya, hindi ba?Nakalabas na ako ng sasakyan niya at papasok na ako sa lobby nang mapagtanto ko ang lahat ng ‘yon. Mula sa lobby, bumalik ako sa kung nasaan si Savannah. Hinabol ko ang sasakyan niyang papalayo na sa building ng condo. Kinatok ko ang bintana ng driver’s seat, dahilan para tumigil siya sa pagmamaneho at ibinaba ang bintana.“May naiwan ka ba?” tanong niya sa akin.Humihingal akong ngumiti bago nagsalita. “Hindi rin ako komportableng kasama ka.”Tumawa siya bago iniabot ang cellphone sa akin. “P’wede ba tayong magpalitan ng number? Para maging komportable na tayo sa isa’t isa.”Tumawa ako, kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko ngayong kausap ko siya habang
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
Chapter 5
 “Tara na, pare.”Napalingon ako kay Aldrin at Terrence na nasa labas ng room namin, mukhang hinintay ako. Kinuha ko ang cellphone ko.“Hindi ako sasabay.”Tiningnan ako nang masama ni Terrence.“‘Tang ina, hindi sinabi!”Tumawa lang nang tumawa si Aldrin bago ako pabirong sinakal gamit ang braso niya habang kinukutusan ang ulo ko.“‘Tang ina mo talaga!”Nagtatawanan silang dalawa bago umalis sa building. Tinawagan ko na si Savannah na mabilis niyang sinagot.“Tapos na ang klase mo?” tanong ko habang bumababa sa hagdan.Tumawa siya at nagpaalam sa mga kaklase, base sa narinig ko sa kabilang linya, bago siya sumagot sa akin.“Oo, katatapos lang.”“O, sige. Papunta na ako,” sabi ko at nagmadaling bumaba ng hagdanan.“Huwag na! Sa parking lot na lang, magsasayang ka pa ng oras, one hour lang ang lunch break ko.” Bahagya siyang tumawa. “Sige na, papunta na ako.”“Hmm, sige.”Pinatay na niya ang tawag. Lakad-takbo ang ginawa ko nang sa gano’n, mauna ako sa kan’ya
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
Chapter 6
 Tulad ng sinabi ko, sinundo ko siya kinabukasan sa bahay niya. Ang inaasahan ko ngang bahay niya ay condo unit na katulad ng sa amin ng mga kaibigan ko, pero hindi. Two-storey house siya na mayroong malawak na garden.Mas lalo akong naging interesado, dahil kadalasan ng mga nakikilala ko, sa isang condo unit nakatira o sa isang apartment, pero siya, hindi. Alam mong bahay ‘yon na ginawa ayon sa kagustuhan isang tao.Halos isang buwan na ang nakalipas nang magsimula kaming maging malapit sa isa’t isa, at sa bawat araw na nararamdaman ko kung gaano siya kalapit sa akin, para akong paulit-ulit na nahuhulog—nalulunod.“Malapit na ang rainy season,” masayang sabi niya habang nakaupo sa shotgun seat.Katatapos lang naming kumain ng hapunan sa isang restaurant at ngayon, ihahatid ko na siya pauwi sa bahay niya. Hanggang ngayon, hindi pa ako nakakapasok sa loob n’on, pero wala naman ‘yong kaso sa akin dahil natural naman ‘yon. Kahit naman siya, hindi pa nakakapasok sa unit ko. Baka
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
Chapter 7
 “That’s too ideal . . .”Bahagya siyang tumawa bago tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya. She took her coffee from the center table. She sipped on it before looking at me.“I don’t think that I’m going to believe that.”Bahagya akong nakaramdam ng kaba, kasabay ng pag-awang ng bibig ko. Bakit hindi siya maniniwala? Akala ba niya, niloloko ko lang siya?“Bakit naman? Hindi ba kapani-paniwala?” tanong ko nang nakakunot ang noo.Tumawa siya nang bahagya. “Bakit naman ako maniniwala kaagad sa mga magagandang salitang naririnig ko? Have you ever heard of too good to be true things mostly are brought by impulsive feelings? You may mean it now, pero paano kung nakapag-isip ka na nang mabuti? Magagawa mo pa rin ba ‘yan sa akin?”Napalunok ako.Impulsive feelings? Bakit naman niya nasabi ‘yon? Isang buwan na kaming magkakilala at isang buwan ko na rin ipinaparamdam sa kan’ya na . . . totoong gusto ko siya . . . na siya ang taong maganda at kagusto-gusto,
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
Chapter 8
 “Almacen!”“Pass,” mabilis na sagot ko bago sila iniwanan sa living room.Naramdaman kong may bumato sa akin ng throw pillow, kasabay ng sunud-sunod na mura mula sa tatlo. Hindi ko na lang sila pinansin pa at nagkulong na sa kuwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at binuksan ang cellphone. Naka-receive ako ng text kay Terrence kahit na nasa living room lang naman siya. Idi-dial ko na sana ang number ni Savannah nang si Jin naman ang mag-text sa akin.  Natawa ulit ako bago nag-reply sa kan’ya.
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
Chapter 9
 Nang pinatay na ni Savannah ang tawag, tiningnan ko ang weather forecast sa cellphone ko para bukas. Nakita ko nga na may malaking chance ng pag-ulan mamaya bago mag-ala una nang madaling araw. Napangiti ako nang dahil doon.I saw that it’s almost only 9 PM. I finished some of my plates even though the deadline is still far from today. Pampalipas lang ng oras. Hindi ko alam kung bakit wala na akong ganang maglaro ngayon.Nang mag-a-alas dose na, naligo na ako’t nagbihis. Sinigurado ko pa sa sarili ko na maayos ang itsura ko—na guwapo ako kahit na alam kong hindi naman na ‘yon maipagkakaila pa kahit wala akong gawing ayos sa sarili ko.Nang makitang 12:20 AM na, lumabas na ako ng kuwarto dala ang susi ng sasakyan at cellphone. Hinanap ko ang mga kaibigan ko sa loob pero masiyado pang maaga para umuwi silang lahat. Alas dos hanggang alas tres ang kadalasang uwi namin sa tuwing nagba-bar kami kaya imposibleng uuwi sila kaagad.Mabuti na lang talaga at makakaalis ako nang mapay
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
DMCA.com Protection Status