“Tara na, pare.”Napalingon ako kay Aldrin at Terrence na nasa labas ng room namin, mukhang hinintay ako. Kinuha ko ang cellphone ko.“Hindi ako sasabay.”Tiningnan ako nang masama ni Terrence.“‘Tang ina, hindi sinabi!”Tumawa lang nang tumawa si Aldrin bago ako pabirong sinakal gamit ang braso niya habang kinukutusan ang ulo ko.“‘Tang ina mo talaga!”Nagtatawanan silang dalawa bago umalis sa building. Tinawagan ko na si Savannah na mabilis niyang sinagot.“Tapos na ang klase mo?” tanong ko habang bumababa sa hagdan.Tumawa siya at nagpaalam sa mga kaklase, base sa narinig ko sa kabilang linya, bago siya sumagot sa akin.“Oo, katatapos lang.”“O, sige. Papunta na ako,” sabi ko at nagmadaling bumaba ng hagdanan.“Huwag na! Sa parking lot na lang, magsasayang ka pa ng oras, one hour lang ang lunch break ko.” Bahagya siyang tumawa. “Sige na, papunta na ako.”“Hmm, sige.”Pinatay na niya ang tawag. Lakad-takbo ang ginawa ko nang sa gano’n, mauna ako sa kan’ya
Last Updated : 2021-07-12 Read more