“Tara na, pare.”Napalingon ako kay Aldrin at Terrence na nasa labas ng room namin, mukhang hinintay ako. Kinuha ko ang cellphone ko.“Hindi ako sasabay.”Tiningnan ako nang masama ni Terrence.“‘Tang ina, hindi sinabi!”Tumawa lang nang tumawa si Aldrin bago ako pabirong sinakal gamit ang braso niya habang kinukutusan ang ulo ko.“‘Tang ina mo talaga!”Nagtatawanan silang dalawa bago umalis sa building. Tinawagan ko na si Savannah na mabilis niyang sinagot.“Tapos na ang klase mo?” tanong ko habang bumababa sa hagdan.Tumawa siya at nagpaalam sa mga kaklase, base sa narinig ko sa kabilang linya, bago siya sumagot sa akin.“Oo, katatapos lang.”“O, sige. Papunta na ako,” sabi ko at nagmadaling bumaba ng hagdanan.“Huwag na! Sa parking lot na lang, magsasayang ka pa ng oras, one hour lang ang lunch break ko.” Bahagya siyang tumawa. “Sige na, papunta na ako.”“Hmm, sige.”Pinatay na niya ang tawag.Lakad-takbo ang ginawa ko nang sa gano’n, mauna ako sa kan’ya
Tulad ng sinabi ko, sinundo ko siya kinabukasan sa bahay niya. Ang inaasahan ko ngang bahay niya ay condo unit na katulad ng sa amin ng mga kaibigan ko, pero hindi. Two-storey house siya na mayroong malawak na garden.Mas lalo akong naging interesado, dahil kadalasan ng mga nakikilala ko, sa isang condo unit nakatira o sa isang apartment, pero siya, hindi. Alam mong bahay ‘yon na ginawa ayon sa kagustuhan isang tao.Halos isang buwan na ang nakalipas nang magsimula kaming maging malapit sa isa’t isa, at sa bawat araw na nararamdaman ko kung gaano siya kalapit sa akin, para akong paulit-ulit na nahuhulog—nalulunod.“Malapit na ang rainy season,” masayang sabi niya habang nakaupo sa shotgun seat.Katatapos lang naming kumain ng hapunan sa isang restaurant at ngayon, ihahatid ko na siya pauwi sa bahay niya. Hanggang ngayon, hindi pa ako nakakapasok sa loob n’on, pero wala naman ‘yong kaso sa akin dahil natural naman ‘yon. Kahit naman siya, hindi pa nakakapasok sa unit ko. Baka
“That’s too ideal . . .”Bahagya siyang tumawa bago tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya. She took her coffee from the center table. She sipped on it before looking at me.“I don’t think that I’m going to believe that.”Bahagya akong nakaramdam ng kaba, kasabay ng pag-awang ng bibig ko. Bakit hindi siya maniniwala? Akala ba niya, niloloko ko lang siya?“Bakit naman? Hindi ba kapani-paniwala?” tanong ko nang nakakunot ang noo.Tumawa siya nang bahagya. “Bakit naman ako maniniwala kaagad sa mga magagandang salitang naririnig ko? Have you ever heard oftoo good to be true things mostly are brought by impulsive feelings?You may mean it now, pero paano kung nakapag-isip ka na nang mabuti? Magagawa mo pa rin ba ‘yan sa akin?”Napalunok ako.Impulsive feelings? Bakit naman niya nasabi ‘yon? Isang buwan na kaming magkakilala at isang buwan ko na rin ipinaparamdam sa kan’ya na . . . totoong gusto ko siya . . . na siya ang taong maganda at kagusto-gusto,
“Almacen!”“Pass,” mabilis na sagot ko bago sila iniwanan sa living room.Naramdaman kong may bumato sa akin ng throw pillow, kasabay ng sunud-sunod na mura mula sa tatlo. Hindi ko na lang sila pinansin pa at nagkulong na sa kuwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at binuksan ang cellphone. Naka-receive ako ng text kay Terrence kahit na nasa living room lang naman siya.Idi-dial ko na sana ang number ni Savannah nang si Jin naman ang mag-text sa akin.Natawa ulit ako bago nag-reply sa kan’ya.
Nang pinatay na ni Savannah ang tawag, tiningnan ko ang weather forecast sa cellphone ko para bukas. Nakita ko nga na may malaking chance ng pag-ulan mamaya bago mag-ala una nang madaling araw. Napangiti ako nang dahil doon.I saw that it’s almost only 9 PM. I finished some of my plates even though the deadline is still far from today. Pampalipas lang ng oras. Hindi ko alam kung bakit wala na akong ganang maglaro ngayon.Nang mag-a-alas dose na, naligo na ako’t nagbihis. Sinigurado ko pa sa sarili ko na maayos ang itsura ko—na guwapo ako kahit na alam kong hindi naman na ‘yon maipagkakaila pa kahit wala akong gawing ayos sa sarili ko.Nang makitang 12:20 AM na, lumabas na ako ng kuwarto dala ang susi ng sasakyan at cellphone. Hinanap ko ang mga kaibigan ko sa loob pero masiyado pang maaga para umuwi silang lahat. Alas dos hanggang alas tres ang kadalasang uwi namin sa tuwing nagba-bar kami kaya imposibleng uuwi sila kaagad.Mabuti na lang talaga at makakaalis ako nang mapay
Friday night came, I picked up Savannah to a place where she and her groupmates are having a meeting for their project. I waited outside the gate.I chuckled with her cute reply. Of course, woman.Nanood na lang ako ng kung anu-anong video sa Facebook habang naghihintay sa kan’ya sa loob ng sasakyan. Nakakainip naman kung wala akong gagawin.It took her half an hour to reply.
Matapos kong sabihin ‘yon kay Savannah, ngumiti lang siya sa akin at tumayo, tsaka inaya akong kumain sa labas. Doon na rin niya ako pinatulog no’ng gabing ‘yon at kinabukasan nang umaga, umuwi ako sa condo.Isang linggo na lang, tapos na ang buwan ng August. I went to her house again. Gumagawa siya ng painting niya sa studio. Masayang-masaya siya palagi at ngiting-ngiti sa tuwing titingin sa labas ng bintana dahil nakikita niya ro’n ang ulan.Kinuhanan ko siya ng litrato nang makitang nakangiti siya habang nagpipinta. Ang tanga ko nga lang na hindi ko pala nai-off ang shutter sound!“Hoy!”Natatawa akong itinago ang cellphone ko nang bitiwan niya ang brush niya at lumapit sa akin sa couch.“Wala! Binura ko na!” natatawang sabi ko.Tumawa siya nang malakas bago tuluyan nang lumapit sa akin at sinubukang kuhanin sa likod ko ang cellphone.“Akin na ‘yan! Ang pangit n’on! Burahin mo!”“Binura ko na nga!”Naitulak niya na ako sa couch pahiga habang pilit niya pa rin na kin
Napaangat ako ng tingin nang makita ko ang pagbukas lalo ng pintuan. Nakita ko si Savannah na kagigising lang, nakatingin sa mga painting na hawak ko ngayon. “Uhm, bakit?” tanong niya na nakapag-palunok sa akin dahil sa kaba. “Bakit mo ginalaw ‘yan?”Nakaramdam ako ng sobrang kaba sa sobrang seryoso ng mukha at boses niya. Para bang nagawa ko ang isa sa pinakaayaw niyang gawin ko. Niligpit ko ‘yon at ibinalik sa loob ng closet, tsaka ito isinaradong mabuti bago tumayo at hinarap siya.“N-Niligpit ko lang ang mga pinaggamitan mo.”She smiled a little. “Hindi ko naman ginamit kanina ‘yan, bakit niligpit mo rin?”Napaawang ang bibig ko.Fuck, Connor! Pakialamero ka kasi.Hindi ko magawang sumagot dahil ano pa bang dapat kong sabihin? Totoo naman, ‘di ba? Pinakialaman ko ang gamit niya. Magso-sorry na sana ako nang magsalita siya.“Nasusunog na yata yung niluluto mo sa baba.”Puro kamalasan talaga!Tumango ako at nagpaalam na sa kan’yang bababa na muna para ayusin ang mg
About the Author Mariss Mariano, also known as marisswrites on W*****d, is a 24-year old writer living in the province of Nueva Ecija, Philippines. She fell in love with writing at the age of 14 when she started scribbling on her big notebook about the first story she wanted to write. Two years later (2013), she found herself writing in an online platform called W*****d and that starts her career as an online writer focusing on Romance but trying to explore different genre. Mariss won The Watty Awards 2020 with her winning story Saving Serene under Young Adult category. The story is about a woman named Serene who lost her will to live because she didn’t know what she wants to do with her life and her journey to saving herself.
AcknowledgementFirst of all, thank you so much, Almighty God, for this talent You have given me. I am nothing without all of these blessings. Thank You so much.Thank you so much to everyone who helped me with this book.Thank you, Ukiyoto Publishing for giving my story a chance to be published under your company. Thank you for all the efforts you put into this.Thank you, Guilty Reads, especially my mentor, Ate Rayne Mariano, for helping me with things regarding this. Thank you for all the lessons you gave us in terms of writing—and life! I will forever be grateful that I became a part of the community you are building. I will make good use of it, I promise!Thank you so much, Didit, for helping me with the manuscript editing/proofreading! You’re the best!Thanks to Ate Heynette for the awesome book cover! You create the best book covers ever! I love all of it—every art of yours is beautiful! Thank you so much to my friends who have helped me in my down times! Kapi Ga
Special ChapterSAVANNAH GREENEIstared at the dark skies above me as I listened to the beautiful sound of the pouring rain. I smiled as I stretched my hand to feel the cold water on my palm.P’wede naman akong tumakbo para makauwi pero mas gusto kong panoorin ang ulan ngayon dito. At isa pa, wala naman na si Mama para maghintay sa akin sa bahay.Napalingon ako sa sumilong sa tabi ko. I saw a guy in his uniform wearing a backpack with his phone on his hand. Napanguso ako nang makitang basang-basa na ang phone niya.Hindi kaya masisira ‘yon?“How long are you stucked here?”My mouth parted when he talked. Wow, I like his voice. Too manly.I looked at him. “Huh?”He smiled at me. “Kanina ka pa rito?”I pursed my lips before answering. “Uhh . . . one hour?”Tumango siya. “Fuck this rain. Panira ng plano, eh. My fucking shoes are ruined,” he said, looking at his expensive white shoes.Napanguso ako sa sinabi niya. Why would he blame the rain? He should always ch
EpilogueThe talk I had with Savannah knocked some sense into me.Since that day, I started looking at Grace from a different perspective. I realized, she’s right. She’s still not fine and my words about Savannah hurt her more than I have ever realized. I shouldn’t have told her things about her. She may not want me back as her man, but she clearly stated that she still has this love for me.“I saw Savannah at my department,” Grace said as she puts her things on the couch. “She’s talking to my professor. May pinag-uusapan sila na mukhang importante.”She sat on the couch and opened the TV. “Don’t talk about her.”I heard her laughed. “Ang tagal na, Connor. Aren’t you still moved on? Lapit na kami g-um-raduate.”I looked at her, only to see her winked at me. She’s always teasing me about Savvy. I told her not to talk about her anymore. Bukod sa nakakaramdam ako ng lungkot, nag-aalala ako para sa kan’ya.She laughed. “Connor, don’t be plastic. I know that you only didn’t w
She looked at me, confused, as she seems to be digesting all the words I just said. She scoffed before rolling her eyes at me.“Of course not. I won’t. I’ll stay where I am. Hindi por que nakipag-hiwalay ako sa ‘yo, magkakaroon na ako ng dahilan para iwanan ang dream house ni Mama.” She looked away. “I’ll come with him for a vacation but that’s for the Christmas holiday. Matagal pa. Pero babalik ako rito.”Napatango-tango ako kasabay ng mga buntonghininga ko. Buti na lang. Buti na lang talaga.“Congrats.”Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. “For what?”“For fixing things up with your dad. You won’t come with him for a vacation if you didn’t forgive him yet, right?” I smiled.Hindi na siya sumagot pa. Ilang sandali pa kaming nanahimik habang pareho kaming nakasandal sa hood ng kotse ko. Tuluyan nang humupa ang ambon at malamig na hangin na lang ang tanging natira.“So, what really brings you here? Anong oras na, you really should’ve left by 8:00 PM already.”I smiled timi
It feels like I was lost, knowing that Savannah doesn’t have plans on coming back to me. Ang hirap . . . ang sakit. Ang daming dahilan para tumigil ako, pero hindi ko kaya. Gusto ko pa rin na ulitin ang lahat—ligawan ulit siya . . . pero hindi ko mapigilan yung sakit. Sa tuwing lalapit ako sa kan’ya, sumasaya ako, pero nalulungkot din sa tuwing maaalala na hindi na nga siya sa akin.“Tama na muna,” sabi ni Jin matapos kong ik’wento sa kanila ang nangyari nang gumabi. “Hayaan mo muna siyang malayo sa ‘yo, at ganoon ka rin sa kan’ya. Baka gan’yan ang kailangan n’yo, pare?”Sinalinan ko ang baso ko ng alak at mabilis ‘yong ininom habang kitang-kita ko ang tatlong pares ng mga mata na nanonood sa akin.“Ayoko,” mabilis na sagot ko matapos ibaba ang baso.“Tingnan mo nga ‘yang itsura mo,” iritadong sabi ni Terrence. “Gan’yan ka na lang? Magiging maayos panandalian, tapos babalik ka sa dati kapag nasaktan? Ayusin mo nga sarili mo, pare. Sa tingin mo, babalikan ka niya nang gan’ya
When the month of August came, I always look for Savannah. Hindi pa man kami nagmi-midterm noon at hindi pa kami nagkakalinawan ni Grace tungkol sa mga naging problema sa aming dalawa, palagi ko nang pinupuntahan si Savannah kung nasaan siya.I just wanted to relive the moments we had back when we were happy. I just wanted to relive the feelings I had when we were dancing under the first rainfall in the month of August.But it rained . . . and it rained. A storm came, numbers of low pressure areas were experienced for the whole month of August, and I never saw her dance under the first rainfall of August ever again. I never saw her get excited with the rain anymore.For the whole month of August, I never saw her smile when it rained, not even once. I was always watching her from afar. I almost cut classes just so I could see her expressions for the rain she loved to anticipate. And I never saw that same excitement again.Naging normal na araw na lang para sa kan’ya ang pana
“Pare, tara, alis,” rinig kong pag-aya sa akin ni Terrence sa k’warto ko. “Bar daw, birthday ng tropa ni Jin sa UST!”“Kayo na lang.”It’s been a month since Savvy broke up with me. I tried getting her back, courting her everyday, hoping that what she said was just an impulsive decision. But she never came back. Parang hindi niya nga ako nakikita kapag magkakasalubong kami sa campus.“Tama na mukmok, pare. Lungkot na kami,” sabi ni Terrence bago naupo sa gilid ng kama ko. “Ayusin mo yung sarili mo. Exam week na sa susunod na linggo. Baka bumagsak ka.”Hindi ako sumagot, dahil alam kong papunta na nga ro’n ang kapalaran ko sa college. Siguradong magagalit si Mama pero wala naman din siyang magagawa para sa akin. Kung ako nga, hindi matulungan ang sarili ko.Ang hirap lang na wala si Savannah.“Pare, tama na. Ipakita mo kay Savvy na deserve mo yung second chance hindi yung gan’yang sinisira mo buhay mo dahil lang wala na siya sa ‘yo.”Napabuntonghininga ako bago bumangon a
Nng maihiga na sa vacant bed si Grace, kinausap ako ng nurse na p’wede na raw akong umalis at pumasok na ako sa klase ko dahil siya na raw ang bahala na mag-abiso sa prof niya na hindi ito makakapasok.Wala sa sarili akong umalis ng clinic at naglakad pabalik ng building namin, iniisip pa rin ang lahat ng sinabi ni Grace. Alam ko naman. Expected ko naman yung rason niya, pero nang marinig mula mismo sa bibig niya . . . para akong nanghina. Para akong itinapon pabalik sa mga araw na sinasaktan niya ang sarili niya sa harap ko.Bago ako makapasok sa room, nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ‘yon sa bulsa ko at nakita na nag-text si Savannah. Binasa ko kaagad ‘yon.Why is she asking me this? I sighed before typin