Plans won't actually work especially if someone's willing to do anything just to be a complete shit barrier.Author's Pov: Naalimpungatan si Zach nang marinig ang malalakas na tunog na nanggagaling sa kanyang telepono. Dahan-dahan at pikit-mata niyang inabot ito mula sa kama hanggang sa night stand. Kinapa niya iyon at nang mahawakan ay mabilis niya iyong kinuha tsaka pupungay-pungay ang mga matang tinignan kung sino ang tumatawag. Wala sa sarili na lamang siyang napangiti nang malamang si Shan 'yon. Kaagad niyang pinatong ang kanyang telepono sa tainga tsaka muling binalik sa pagkakapikit ang mga mata. "Missed me already, hmm?" Nakapikit man ay nakangiting bungad ni Zach habang iniimahe ang salubong na mga kilay at maliliksik na mga mata ng dalaga. Bahagya pang humikab si Zach matapos ang ilang minutong paghihintay sa sagot nito. "Hey, what's with the silence?" Nakakunot-noong nagmulat siya ng mga mata tsaka minsanang tinignan ang screen ng telepono para siguraduhin na may kataw
You can't play a game if you don't know how to start it. Author's Pov:Sabay-sabay na tinahak nila Shan, Erick at ng buong Rickage group ang daan patungo sa malaking pintuan ng palasyo na nasa kadulu-dulohan ng globong may nakapaskil na mukha ni F.HKanina nang papasok na sana sila Shan at Erick ay bigla na lang may sasakyang tumigil sa gilid ng sasakyan nila at agad na napagkaalamang sina Margou. Gaya nina Shan ay namangha at nagulat rin ang mga ito nang makita kung saan sila dinala ng destinasyong binigay sa kanila. Tanging pag-awang ng mga labi at ang pagmamata sa matayog na palasyo lamang ang una nilang ginawa hanggang sa muntikan na ng mga itong hindi maramdaman ang presensya ng mag-ama. Sandali nilang pinag-usapan pa muna ang kanilang gagawin at inistima kung ilang palapag ang palasyo. Bahagya pa silang nagtalo-talo sa hinuhang binibigay sa kung bakit sa dinami-raming inimahe nilang lokasyon katulad ng lumang gusali, abandonadong lugar, madilim at masukal na warehouse ay napa
Don't play a game just to have fun. Stop going with the flow and start determining what's the real purpose of the game. Game is a game and you can't deny the fact that you may lose or win. Author's Pov:"Bilisan mo, Shan maabutan ka na ng oras!" Malakas na sigaw ni Jake sa kabilang bahagi ng pasilyo kung saan naroroon na natatapos ang larong sinalihan nila. Napakurap-kurap si Shan tsaka tinignan si Jake na patuloy sa pagsigaw na bilisan niya dahil siya na lang ang natitira at malapit na siyang maabutan ng oras. Gayun din ang buong Rickage group na tila hindi magkamayaw sa pagsigaw habang inaabot ang mga braso sa kanya na para bang gusto siyang hilahin kung sapat lamang ang distansyang mayroon sila. Malalim na sunod-sunod na napalunok si Shan tsaka napatingin sa tinatapakan niyang kahon na tile na sasakto na lamang sa dalawa niyang paa at konting-konti na lang ay maaapakan na niya ang bilugang tiles na maya-maya ay nagpoporma ng puso o parihaba na para bang isang 3D ang tiles na mg
It might be luxurious outside, but try to discover it and you will witnessed what's really inside. Author's Pov:Hindi alam ng lahat kung ilang minuto na silang nagpasikot-sikot sa buong palasyo pero purong pasilyo lamang at kakaonting mga sampagitang nakatanim sa mga plorera sa bawat kanto ng pagliko ay ang nakikita nila. Sa katunayan ay nagsimula na silang magtaka at mawirduhan dahil sa kabila ng pagiging magara, makulay at tila pinagwaldasan ng napakalaking salapi ng panlabas na anyo ng palasyo ay siya namang kaburyo tignan sa loob na para bang napagod na sila sa pagkonstrak ng buong palasyo kaya iniwan na lang na walang laman ang loob nito. Walang nag-abalang magtanong pa sa kanila at tahimik lamang na sinundan ang dalawang lalaking nakasuit and tie matapos nitong lumiko sa isang kanto at agad na bumungad sa kanila ang tatlong swimming pool. Sa dulong bahagi ay naroroon ang malaking pool na siguradong malalim pa sa tangkad ng tao dahil hindi gaanong naaninag ang baba ng pool k
Ang akala ni Shan ay tutumba na ito dahil bahagyang tumigil iyon kasabay ng paglikha ng usok sa bandanang tyan nito ngunit namilog na lang ang mga mata niya matapos makita ang pagyuko nito kasunod ang pag-ilaw ng pulang botones sa dibdib niyon. Maya-maya pa ay tila nagwawala ang robot bagay na ikinakunot ng noo niya pero mas lalo lamang lumalim ang gitla ng kanyang noo lalo na nang mag-angat ito ng paningin sa kanya. Ang kaninang walang emosyon nitong mga mata ay bigla na lamang naging pula kasabay ng paghaba ng bakal nitong mga paa at kamay na sinalihan pa ng paglikha ng matutulis na bagay na nakadikit sa kanilang katawan bilang proteksyon sa sarili. Matulis na matulis ang mga iyon na tipong idadampi mo lang ang kamay mo roon ay maaari ng makapaglikha ng sugat. Parang biglang umangat ang puso ni Shan sa kanyang lalamunan sa sobrang lakas at bilis ng pagtibok niyon dahilan para mahirapan siyang lumunok. Nakita niya kung papaanong ang nagsilbing limang daliri ng robot ay naglabas n
Sometimes, rules can be the most manipulative move they'll make. Doesn't mean you respect that person also means you have to do their rules. Respect is not given it is earned so if ever you're wondering why they aren't respecting you, try to reflect on yourself. Author's Pov:Ang mga tao kapag may nakikita ay iyon agad ang pinaniniwalaan. Kapag may narinig ay iyon agad ang isasaulo. Nakatatawang isipin diba? At nakakainis kung tutuusin. Napakaraming oras para pag-usapan at pagkutyaan ang kinaiinggitan pero walang oras na tumingin sa salamin para tignan ang sariling kapintasan. Lahat tayo ay may kapintasan, lahat tayo ay hindi perpekto pero bakit kapag nanlalait ang iba tingin nila'y perpekto sila? Ni minsan ba ay hindi sila nagkamali? Mga taong ganito ay hindi dapat binibigyan ng respeto. Mga taong kahit anong gawin mong pagpapaintindi sa kanila na mali ang ginagawa nila ay ikaw pa ang nagiging masama. Tao ay hindi kailan man naging perpekto kahit pa ikaw ang pinakamayaman sa mund
F.H's Pov:Naputol ang nagbabagang mga titig ko sa monitor na nasa aking harapan nang marinig ng tunog ng pagkabali ng lapis. I swifted my gaze to my hand just to see a broken pencil. Sa sobra atang galit na umuusbong sa pagkatao ko ay hindi ko na namalayang naputol ko sa dalawang bahagi ang lapis. Malakas na tinapon ko sa screen ng monitor ang hawak na lapis dahilan para bahagyang mabiak 'yon. Nanginginig ang aking kalamnan sa sobrang galit at inis na nararamdaman. Gustong-gusto kong pumatay ng tao lalo na nang makita kong nagtagumpay na naman ang lintik na si Erick. I would gladly celebrate if he and his comrades died, but how the fuck would that happen if that bullshit keeps hindering my plans. Ang sarap pumatay. Malakas na sinipa ko ang ilalim ng lamesahan sa aking harapan dahilan para maglaglagan ang mga nasa ibabaw ng mesa. My fist were tightly clenched so as my jaw while looking at the victorious face of Erick on the screen. Abala ako sa pag-iisip ng kung anu-anong para
It's not all about the past, it's all about how you survived. Author's Pov:"Gutom na gutom na gutom na ako!" Pasigaw na reklamo ni Vince habang nakahawak ang isang kamay sa tiyan at ang isa naman ay ginagawang unan. Nakatihaya silang lahat ngayon sa malakawak na field habang nagkanya-kanya ng pahinga at kuha ng lakas. Sira na ang lahat ng robots at umuusok itong nakabulagta sa lupa. Tumango na rin sina Nick sa sinabi ni Vince kasabay ng pagtunog ng mga tiyan at ang pagkatuyo ng lalamunan bilang tanda ng pagkauhaw. Tanghaling tapat na pero narito pa rin sila at nakikipagbakbakan sa walang kwentang si F.H. "Wala ba talaga kayong pagkain na dala?" Parang naiiyak na sa gutom na tanong ni Elton at nilingon sila isa-isa nang hindi pa rin bumabangon sa lupa. Napangiwi naman si Sofilia sa sinabi nito bago nagsalita. "Sino naman kasi ang mag-aakalang aabutan tayo ng tanghalian dito edi sana nagdala na lang ako ng kaldero." Sansala nito bago tinuon ang dalawang paa sa lupa tsaka tinukod a
Nangunot ang noo ni Kreizser nang mapansin na inaalalayan ito ni Zach sa balikat habang bahagyang nakakuba ang katawan dulot na rin ng katandaan. "Are you sick, po?" Nag-aalalang tanong ni Kreizser at wala sa sariling hinawakan ang kulubot na braso ni Erick. Tumingkayad pa ito para pilit na abutin ang noo dahilan upang bahagyang ibaba ni Erick ang sarili. "You're not sick but why do you look so weak, po? Do you tire yourself everyday? You know what po, my Mommy studied in medical field and I certainly know that she can heal you! Come here, po!" Sunod-sunod na sinabi niya pa at hinila si Erick papunta sa long sofa para paupuin doon. Lahat ay parang mga manonood na hinihintay ang magiging climax ng eksena habang nakatingin sa kanilang dalawa. Tahimik lamang sila tila inaabangan ang susunod na mangyayari. Maya-maya pa ay napansin nila na tumayo si Kreizsure at tahimik na naglakad papunta sa direksyon ni Shan. "Mommy, you can heal him, right?" Tanong nito matapos hilahin si Shan sa d
Naputol lamang ang tila nawalang ulirat ni Shan nang aksidenteng dumapo ang mga mata niya sa halatang may kaedaran ng lalaki na paroo't-parito ang paglalakad habang sapo-sapo ang noo. Nakasuot ito ng simpleng puting shirt na pinaresan ng jaggy pants at simpleng pares ng asul na tsinelas. Mukhang hindi sa kanya ang suot na damit dahil halata ang pagiging maluwang nito. Wala sa sarili man ay pinagmasdan ni Shan ang lalaking tila balisang-balisa at atat na atat sa kung ano. Kung dati ay itim ang buhok nito at mukhang malusog sa lahat ng malulusog, ngayon naman ay halos wala ka ng mahita na kulay itim sa buhok nito dahil mas pumapaibabaw ang puti. Nangangayayat rin ang katawan nito at konting-konti na lang ay makikita mo na ang buto-buto nito na dati-rati'y puro kalamnan. Bahagyang kumuba rin ang likuran niya na para bang nahihirapang ituwid ang katawan at maglakad ng hindi humihingi ng pangbalanse. Aksidenteng dumapo ang mga mata ni Shan rito nang huminto ito sa paglalakad dahilan par
"You'll stick with your tito and tita, okay?" Bilin ni Shan sa dalawa niyang anak na nakahawak sa magkabilang kamay ni Yhurlo. Atat na tumango-tango naman si Kreizser tsaka mabilis at nakangiting tinakbo ang anak ni Yhurlo na kanina pa nakasampa sa sahig habang hinihintay si Kreizser para makapaglaro na sila ng mga manika. Umiling na lamang si Shan nang makita kung gaano kasaya makita nila Kreizser ang isa't-isa tsaka niluhod ang isang paa para pantayan ang tangkad ni Kreizsure. "Take care of your sister, okay?" Paalala ulit ni Shan at ginulo ang basang buhok nito. Tahimik na nakangiting tumango naman si Kreizsure dahilan para bumalandra ang dalawang malalim nitong dimples. Kahit pa hindi magawang ipagtanggol ni Kreizsure ang kanyang sarili ay alam ni Shan na kayang-kaya nitong ipagtanggol aa nakakabatang kapatid. "Kayo na muna bahala sa kanila." Pagkausap ni Shan kay Yhurlo pagkatapos kausapin si Kreizsure tsaka bahagyang tinapik ang balikat nito. Napangiwi naman si Yhurlo bag
"Kreizser..." Maya-maya'y pagtawag ni Zach at bahagyang lumapit sa anak. Awtomatiko namang napanguso si Kreizser nang dahil sa pagtawag sa kanya ni Zach tsaka mabilis na nagtago sa likuran ng nakakatandang kapatid. Sumilip siya mula sa maiksing siko ni Kreizsure para tignan ang kanyang ama."Kuya, tell him everything..." mahinang bulong pa ni Kreizser at bahagyang hinila ang dulo ng damit habang ang kalahati ng mukha ay nakasilip pa rin sa siko ni Kreizsure. "We were just playing and they accidentally hit me but it's okay. It's not that serious, anyway." Pagpapaliwanag nito na nagkibit pa ng balikat dahilan para agresibo siyang tignan ni Kreizser, halata ang matinding pag-alma sa mukha. "Tinapunan ka nila ng bato, kuya!" Pagmamatigas pa nito at sinubukan ulit hanapin ang batong tinapon sa nakakatandang kapatid. Ngumiti lamang si Kreizsure tsaka ginulo ang buhok ng kapatid. "It's fine. It's just an accident," anito pa at hindi na hinayaan pa ang kapatid na magsalita tsaka walang p
It's been six years since Zach proposed to Shan to be his wife forever and forever and forevermore. In six years of being married, Zach never failed to shower Shan with his love, affection and care. He would always remind Shan how his life changed when he has no hope to change. Ni minsan ay walang araw na pinalipas si Zach na hindi batiin si Shan ng good morning, good noon at good night. Araw-araw nitong ginagawa at sinasabayan ng halik bagay na mas lalong nagpapahulog sa loob ng dalaga. Kasalukuyang nakahiga sina Zach at Shan sa malambot na kama. The sun is completely displayed above the orange and yellow skies so as the wind that keeps kissing the silk curtains causing it to sway in a smooth manner. Kanina pa gising si Zach at natapos na niyang lutuin ang magiging umagahan nila sadyang hinihintay na lang niyang magising si Shan na mahimbing na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Hinigpitan ni Zach ang pagkakayakap niya sa bewang ni Shan mula sa likod tsaka bahagyang umukl
Nagsimulang kumunot ang noo ko nang magsimulang maglakad sina Margou papunta sa akin dala-dala ang hawak na pulang rosas. Mas lalong lumalim ang gitla ng aking noo nang isa-isa nila itong binigay habang sinasabayan ang nakakahalinang intro ng kanta. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo rito na parang walang kaalam-alam sa nangyayari nang iabot sa akin ni Jake ang rosas na dala niya tsaka ako binigyan ng isang mahigpit man ngunit maingat na yakap. Nagtagal iyon ng ilang minuto bago niya ako nagawang harapin at ngitian. "I wish your happiness." anito bago tuluyang umalis sa harapan ko dahilan para maiwan akong nakatanga habang hawak-hawak ang mga rosas na inabot nila sa akin. Napapantiskulang kong tinignan ang ngayo'y isang palumpon ng rosas at napabuga ng malalim na hininga. Hindi ko alam kung anong nangyayari ang huling naaalala ko lang ay narito ako para umattend ng kaarawan hindi para ipagdiwang ang tila debut ko. Napailing ako at muling nagtaas ng paningin dahilan para
Tatlong linggo na ang nakakalipas simula no'ng tumalon si F.H sa napakataas na rooftop. Tatlong araw na ang lumipas simula no'ng mabigyan nila ng hustisya ang mga taong pinaglaruan at dinamay ni F.H sa kanyang kahibangan. Noong panahong tumalon si F.H sa rooftop ay laking pasasalamat nila dahil ligtas ito. Pakiramdam ko nga ay inaasahan na ng mga pulis na tatalon si F.H sa rooftop dahil imbis na sa sahig na bumagsak ang katawan nito at mamatay ng duguan at bugbog sarado ay unang humalik sa katawan ni F.H ang napakalambot na sampung foam bed na pinagpatong-patong dahilan para maging ligtas ang kalagayan nito. Laking pasasalamat rin ni Mr. Hans nang malaman niyang ligtas ang kanyang ama pero kahit gayun pa man ay hindi pa rin nito magawang maging tuluyang masaya dahil alam niya saan pupulutin ang kanyang ama o kung may pupulutin pa ba siya. Ako naman ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko lalo na nang mapagtantong maaaring ginawa iyon ni F.H para takasan na pagbayaran ang mga
What will you do if the person that you know happened to be suspicious to you and ended up as your older brother?Author's Pov:Mabilis na hinawakan ng mga pulis si F.H matapos na ibigay iyon ni Alvin. Nakaposas ang dalawa nitong kamay sa likuran habang ang mga mata ay hindi maawat sa panliliksik na nakatingin kina Erick at Alvin na ngayo'y nagtutulong-tulong na alsahin ang mga tauhan ni F.H na nakabulagta sa sahig. Napaismid na lamang si F.H lalo na nang makita ang matagumpay na ngiti sa mga labi nina Shan. "Papa!" Parang batang nawala sa mall na tawag ni Margou sa kanyang ama tsaka niya ito naiiyak na niyakap ng mahigpit. Ganoon rin ang ginawa nina Justine at niyakap rin ang kapamilya nila na matagal na nilang gustong makita at mayakap muli, maliban na lamang kay Nick na nahahalatang ayaw ni Tonton na makipag-usap o tignan man lang siya. Napabuntong-hininga na lamang si Nick tsaka wala sa sariling ginulo ang buhok ng nakakabatang kapatid na para bang nakasanayan na nito bago tinan
Mistake is a mistake. It's up to you if you do it twice just don't beg for forgiveness for your sake. Author's Pov:"Hindi nagtaksil si Mommy. Pagkakamali iyon na hindi na niya gugustuhing ulitin." Pagtatanggol ni Shan, halata sa mukha nito ang pagkainsulto sa sinabi ni F.H. "At kahit kailan ay alam kong hindi nagsisisi si Mommy na buhayin ako."Natawa si F.H sa sagot ni Shan bago mas diniinan ang pagkakasakal sa kanya. Napangiwi na lamang si Shan nang maramdaman ang magaspang nitong balbas na kanina pa patuloy na humahalik sa pisnge niya. "Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Hindi ka naman ata tulog, ano?" ani F.H gamit ang nang-aasar na tono. Bahagyang natigilan si Shan sa sinabi nito at wala sa sariling nilingon ito ngunit agad ring nag-iwas ng paningin nang sumalubong sa kanyang mata ang nakakadiri nitong pagmumukha. "Oo! At mahal na mahal ako ni Mom. Hinding-hindi mo na mababago ang katotohang 'yan," pagmamatigas ni Shan at inis na siniko ang sikmura ni F.H. Parang bigla na