F.H's Pov:Naputol ang nagbabagang mga titig ko sa monitor na nasa aking harapan nang marinig ng tunog ng pagkabali ng lapis. I swifted my gaze to my hand just to see a broken pencil. Sa sobra atang galit na umuusbong sa pagkatao ko ay hindi ko na namalayang naputol ko sa dalawang bahagi ang lapis. Malakas na tinapon ko sa screen ng monitor ang hawak na lapis dahilan para bahagyang mabiak 'yon. Nanginginig ang aking kalamnan sa sobrang galit at inis na nararamdaman. Gustong-gusto kong pumatay ng tao lalo na nang makita kong nagtagumpay na naman ang lintik na si Erick. I would gladly celebrate if he and his comrades died, but how the fuck would that happen if that bullshit keeps hindering my plans. Ang sarap pumatay. Malakas na sinipa ko ang ilalim ng lamesahan sa aking harapan dahilan para maglaglagan ang mga nasa ibabaw ng mesa. My fist were tightly clenched so as my jaw while looking at the victorious face of Erick on the screen. Abala ako sa pag-iisip ng kung anu-anong para
It's not all about the past, it's all about how you survived. Author's Pov:"Gutom na gutom na gutom na ako!" Pasigaw na reklamo ni Vince habang nakahawak ang isang kamay sa tiyan at ang isa naman ay ginagawang unan. Nakatihaya silang lahat ngayon sa malakawak na field habang nagkanya-kanya ng pahinga at kuha ng lakas. Sira na ang lahat ng robots at umuusok itong nakabulagta sa lupa. Tumango na rin sina Nick sa sinabi ni Vince kasabay ng pagtunog ng mga tiyan at ang pagkatuyo ng lalamunan bilang tanda ng pagkauhaw. Tanghaling tapat na pero narito pa rin sila at nakikipagbakbakan sa walang kwentang si F.H. "Wala ba talaga kayong pagkain na dala?" Parang naiiyak na sa gutom na tanong ni Elton at nilingon sila isa-isa nang hindi pa rin bumabangon sa lupa. Napangiwi naman si Sofilia sa sinabi nito bago nagsalita. "Sino naman kasi ang mag-aakalang aabutan tayo ng tanghalian dito edi sana nagdala na lang ako ng kaldero." Sansala nito bago tinuon ang dalawang paa sa lupa tsaka tinukod a
Huminto si Charles sa harapan ng dalaga tsaka tiim ang bagang na hinintay ang magiging sagot. Imbes na tumugon ng seryosong sagot si Shan ay natawa na lamang siya sa bungad sa kanya ni Charles. Ang akala pa naman niya ay may mabigat na dahilan ito kung bakit narito siya iyon naman pala ay dahil lamang roon. Kung ano man ang nasira niyang kontrata nang dahil doon 'wag siyang mag-alala dahil kayang higitan iyon ni Shan. Nang-aasar na nagkibit ng balikat si Shan bagay na mas lalong ikinainis ni Charles. Nanginginig man ang kamay ay nagawa siya nitong duruin habang nanliliksik ang mga matang nakatuon sa kanya. "You ruined our agreement! She's one of my biggest business partners and you just drop it all out just because of your stupid pretention!" Bulalas pa nito at patuloy sa paghigpit ang pangang nakatingin sa kanya. Natawa si Shan tsaka iiling-iling na binaba ang daliring nakaduro sa kanya bago ito pabirong ngisihan. "I can be your business partner instead, if you want?" ani Shan t
Every sunrise is a new beginning. Every breath is a new challenge to take. Every sunset is a sign of a better tomorrow. Don't lose hope and always look at the brighter side of life. They will always be there, stays beside you and protects you no matter what is costs them to lose.Author's Pov: Hindi alam ni Zach kung ilang minuto na silang nakikipagpalitan ng mga bala at suntok sa pagitan sa kanila ng mga tauhan ni F.H. Bagsak na ang ilang kasamahan niya at nakatamo na ng daplis, sugat at mga pasa ang karamihan habang nagtatago sa isang makapal na pader samantalang siya naman ay nag-iisang nakasandal at nakaupo sa kabilang bahagi ng pader na pinapagitnaan ang mahabang pasilyo kung nasaan ang mga tauhan ni F.H na hindi man lang nag-aalangang ubusin silang lahat. Wala sa sariling napatingin si Zach sa gawi nina Blake at Rychll na kasama ang mga pulis. Mabilis na sumigid ang matinding konsensya at pagsisisi sa kanyang puso sa kadahilanang hindi niya nagawang protektahan silang lahat.
"The three of you. Follow me." Utos ni Yhurlo nang makita ang pagtataka sa mga mata nina Rychll, Blake at Zach bago nauna nang maglakad paliko sa patio. Napipilitan man ay sumunod na lang rin silang tatlo tsaka binalik ang baril sa suot na belt at naglakad sa likuran ni Yhurlo na mukhang kabisadong-kabisado ang bawat sulok ng palasyo. Tahimik lamang nilang tinatahak ang patio at liliko na sana sa isa pang kanto para makarating sa malawak na sala ng palasyo pero agad natigilan sa nakita sa harapan.Awtomatikong tumigil ang mga paa ni Yhurlo sa paglalakad at gayundin sina Zach na nakasunod sa kanya. Mabilis na humigpit ang bagang ni Yhurlo kasabay ang paghigpit ng hawak sa baril at ang pagkuyom ng isang kamay. Nanliliksik ang mga matang diretsong tinignan ni Yhurlo si F.H. Biglang nagtayuan naman ang mga balahibo ng tatlo tsaka may kung anong bumaliktad sa kanilang sikmura dahil sa pangamba. Ang balbas nito na hanggang pusod, ang tattoo nito, ang mga alahas sa tainga at ang nakangis
Lies revealed by the truth. Doubts will turn into assurance and fear will be your strength. Author's Pov:"Ano ng gagawin natin ngayon?" Nuubusan na ng pag-asang pambabasag ni Blake sa mahabang katahimikan. Narito sila ngayon sa loob ng isang hindi gaanong malawak at walang lamang silid. Tahimik at binabalot ng alinsangan ang buong paligid. Bukod sa isang pintong nilabasan kanina ni F.H ay wala ng iba pang disenyo ang mahihita mo. Madilim rin ang silid at pasalamat na lang at may isang bombilya sa kisame na siyang nagbibigay liwanag sa kanila. "Para naman kasing tanga. Bakit ka ba sumugod agad?" Paninisi ni Rychll at nilingon si Yhurlo na nasa may di-kalayuan lamang sa naka-lock na pintuan. Kanina ay sinubukan nilang tumakas sa pamamagitan ng pagsira sa bakal na pintuan pero kahit ata ipukpok pa nila ang mga ulo nila roon ay hinding-hondi nila 'yon matitibag lalong-lalo na ang mga pader na gawa ata sa mamahaling semento. Hindi sumagot si Yhurlo at nagpakawala na lamang ng malalim
"Oh dear God, I hope I'm not going to the heavens yet. I swear I love my Ate, but still..." bigla ay sinabi ni Zach tsaka magkasiklop ang mga daliring nakapikit na tumingala sa ere na para bang nananalangin. Umani ng malakas na tawanan ang buong silid matapos masaksihan ang tila takot at pangambang ekspresyon sa mukha ni Zach dahilan para inis na ismiran sila ng binata. Sa kalagitnaan ng kanilang halakhakan ay natigil lamang sila nang padabog na bumukas ang pintuan na kusa pang tumama sa pader dahil sa lakas ng pagkakabukas nito. Awtomatikong umalingawngaw sa buong silid ang pagkalabog ng pinto kasabay ang mga nagmamakaawang pag-iyak, inis na pagsinghal at mga sigaw na pilit na kumakawala sa mga tauhan ni F.H na kakadating lang at may mga dalang hindi pamilyar na mga tao. Pakaladkad na tinulak ng tauhan ni F.H ang isang may katandaang babae at inosenteng dalaga na yakap-yakap ang isa't-isa at umiiyak kasunod naman nito ay isang binatang mangiyak-ngiyak sa inis habang sinisigawan an
Reuniting with the people that you always want to be with doesn't always mean it's overwhelming. Sometimes, it can be suffocating. Author's Pov:"Nahihilo ako, love," rinig ni Shan na sinabi ni Vince kay Cassie habang nakakapit sa dulo ng suot na damit nito para hindi tuluyang matumba sa sahig. Agaran namang nag-alala si Cassie sa kalagayan ni Vince ngunit kahit gustuhin niya man itong alalayan ay maski siya ay nahihilo rin at umiikot na ang paningin. Malalim na napahinga si Shan upang kalmahan ang sarili sa kanina pang inoobserbahan. Alam niyang simula pa lang nang ihain ng mga tauhan ni F.H ang mga pagkain ay alam na niyang may mali sa mga nangyayari, alam niyang may kahina-hinala kaya naman imbis na kainin at ubusin lahat ng pagkaing nakahanda sa kanyang plato ay idinura niya iyon ng palihim matapos magpaalam na pupunta siyang banyo tsaka mabilis na nagmumog. Napailing na lamang si Shan tsaka napangiwi nang may maalala pagkatapos niyang tumagal sa banyo. "Hurry up!" Sigaw ng