Lies revealed by the truth. Doubts will turn into assurance and fear will be your strength. Author's Pov:"Ano ng gagawin natin ngayon?" Nuubusan na ng pag-asang pambabasag ni Blake sa mahabang katahimikan. Narito sila ngayon sa loob ng isang hindi gaanong malawak at walang lamang silid. Tahimik at binabalot ng alinsangan ang buong paligid. Bukod sa isang pintong nilabasan kanina ni F.H ay wala ng iba pang disenyo ang mahihita mo. Madilim rin ang silid at pasalamat na lang at may isang bombilya sa kisame na siyang nagbibigay liwanag sa kanila. "Para naman kasing tanga. Bakit ka ba sumugod agad?" Paninisi ni Rychll at nilingon si Yhurlo na nasa may di-kalayuan lamang sa naka-lock na pintuan. Kanina ay sinubukan nilang tumakas sa pamamagitan ng pagsira sa bakal na pintuan pero kahit ata ipukpok pa nila ang mga ulo nila roon ay hinding-hondi nila 'yon matitibag lalong-lalo na ang mga pader na gawa ata sa mamahaling semento. Hindi sumagot si Yhurlo at nagpakawala na lamang ng malalim
"Oh dear God, I hope I'm not going to the heavens yet. I swear I love my Ate, but still..." bigla ay sinabi ni Zach tsaka magkasiklop ang mga daliring nakapikit na tumingala sa ere na para bang nananalangin. Umani ng malakas na tawanan ang buong silid matapos masaksihan ang tila takot at pangambang ekspresyon sa mukha ni Zach dahilan para inis na ismiran sila ng binata. Sa kalagitnaan ng kanilang halakhakan ay natigil lamang sila nang padabog na bumukas ang pintuan na kusa pang tumama sa pader dahil sa lakas ng pagkakabukas nito. Awtomatikong umalingawngaw sa buong silid ang pagkalabog ng pinto kasabay ang mga nagmamakaawang pag-iyak, inis na pagsinghal at mga sigaw na pilit na kumakawala sa mga tauhan ni F.H na kakadating lang at may mga dalang hindi pamilyar na mga tao. Pakaladkad na tinulak ng tauhan ni F.H ang isang may katandaang babae at inosenteng dalaga na yakap-yakap ang isa't-isa at umiiyak kasunod naman nito ay isang binatang mangiyak-ngiyak sa inis habang sinisigawan an
Reuniting with the people that you always want to be with doesn't always mean it's overwhelming. Sometimes, it can be suffocating. Author's Pov:"Nahihilo ako, love," rinig ni Shan na sinabi ni Vince kay Cassie habang nakakapit sa dulo ng suot na damit nito para hindi tuluyang matumba sa sahig. Agaran namang nag-alala si Cassie sa kalagayan ni Vince ngunit kahit gustuhin niya man itong alalayan ay maski siya ay nahihilo rin at umiikot na ang paningin. Malalim na napahinga si Shan upang kalmahan ang sarili sa kanina pang inoobserbahan. Alam niyang simula pa lang nang ihain ng mga tauhan ni F.H ang mga pagkain ay alam na niyang may mali sa mga nangyayari, alam niyang may kahina-hinala kaya naman imbis na kainin at ubusin lahat ng pagkaing nakahanda sa kanyang plato ay idinura niya iyon ng palihim matapos magpaalam na pupunta siyang banyo tsaka mabilis na nagmumog. Napailing na lamang si Shan tsaka napangiwi nang may maalala pagkatapos niyang tumagal sa banyo. "Hurry up!" Sigaw ng
"Mommy!" Isang matinis at nakakarinding sigaw ni Vince ang umalingawngaw sa buong rooftop. Mabilis itong tumakbo papunta sa direksyon ng halos may katandaan ng babae na katabi lamang ng kapatid ni Nick ngunit agad rin siyang napahinto nang hinarang muli siya ng mga tauhan ni F.H. Hindi iyon pinansin ni Vince at sinilip ang kanyang ina mula sa malalapad na dibdib ng mga taong nakaharang sa kanya. Luminga-linga si Vince na para bang may hinahanap pa tsaka muling bumalik ang mga mata sa ina niyang walang awat ang pagtulo ng mga masasaganang luha. "Mommy, nasaan si Daddy?" Wala sa sarili nitong tanong at sinubukkan ulit pasadahan ng paningin ang buong paligid, inaasahan na makikita ang kanyang ama o kahit anino lamang nito. "Mommy?" Muling pagpukaw ng pansin ni Vince nang mapansing mas lalong lumalakas lamang ang pag-iyak nito. "Wala na siya, anak. Hindi niya nakayanan kaya bumigay na ang katawan. Alam mo naman 'yon, masakitin din, 'diba?" ani ng kanyang ina na sinubukan pang tumawa sa
They say friendship is forever, but what if you need to sacrifice your friendship to be forever.Author's Pov:"Ano na F.H, putangina!" asik ni Samer at pumamewang. Sinamaan niya ito ng paningin bago inirapan.Ngumiwi si F.H dahil sa pagkarindi nito sa kanyang boses, "You should know how to shut your mouth." anito bago bumaling kina Shan na mababahidan ng kawalan ng pag-asa sa pamamagitan ng kanilang pagbuntong-hininga. Palihim na natawa si F.H roon at tahimik na nagpapasalamat dahil nagawa niya ng maayos ang kanyang plano. "Oh, come on! Don't lose hope. There's one thing you could do to save your love ones," pagsasalita nito at tinuro ang controller sa tabi niya pati ang mga iba't-ibang klase ng baril sa kabilang dulo kung saan isinabit sina Zach. Nakahilera ang sari-saring armas at hindi nila alam kung saan iyon gagamitin gayong iniwan nila ang kanilang armas dahil utos niya iyon. "Ngsasayang ka lang ng oras. Spill it out," ani Justine na bukod sa awa at pagsisisi sa mga mata ha
"Gagawin ko." Mahina man ay klarong-klaro sa pandinig ng lahat dahilan para tignan nila si Vince. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo at parang may kung anong sunog na nagmumula sa mga mata nito dahil sa sobrang sama ng mga titig, "Gagawin ko para kay mama," wika niya at bahagyang tinignan ang kanyang ina na halata rin sa mukha ang matinding pagkagulat. "Vince..." wala sa sariling pagtawag ni Cassie at napabitaw sa pagkakahawak sa kanyang braso. Bahagya itong napaatras kasabay ng pag-awang ng mga labi. Nag-iwas lamang ng paningin si Vince tsaka pinunasan ang ilang butil ng luha bago binuga ang marahas na hininga. "You also want to save your family, right? Gawin na natin 'to para matapos na," saad niya pa, naroroon sa tinig ng boses na determinadong makuha ang kanyang ina. "I think Vince is right. We've been friends for how many months and I think it's time to end it here," pagsang-ayon naman ni Nick na halos hindi magawang paniwalaan ng lahat. "Ano? Putangina ba kayo, ha!
Unexpected people will show up in the most needed time. Author's Pov:Hindi man gustuhin nila Shan pero natagpuan na lamang nila ang kanilang mga sarili na hinahati sa iba't-ibang grupo. Si Vince ay natupad ang kagustuhan na mag-isa niyang lalabanan at ililigtas ang kanyang ina laban sa kanilang lahat, ganoon rin ang ginawa ni Nick na ililigtas si Tonton, Samer na ililigtas si Yhurlo, Cassie na mas piniling tulungan mag-isa si Blake, si Margou na kahit gustuhin man nito ng kasama ay wala siyang ideya kung sino, pati na rin si Shan na mag-isang ililigtas sina Ricko at Zach kahit labag sa kalooban niyang saktan ang mga miyembrong namumuo ng Rickage group. Mula sa kanilang lahat ay sina Aaron at Kitty na piniling tulungan si Aya, si Jake at Elton na napagdesisyonang kunin si Rychll at sina Justine at Sofilia na poprotektahan si Celestine ang napiling 'wag lumaban mag-isa.Hindi nila alam kung ilang minuto na ang nakakalipas simula nang ihiwalay nila sa ibang grupo ang mga sarili. Nagaw
If you have to choose between saving yourself or saving someone you love. Why would you choose?Author's Pov:Malalim at nakakaalarmang mga tunog ng police cars ang siyang umaalingawngaw sa buong paligid ng palasyo. Sunod-sunod ito kasabay ang agresibong pag-ilaw ng kanilang mga car lights. Mabilis na pumarada sa tapat ng mamahaling gate ng palasyo ni F.H ang halos anim na police cars. Lumabas mula roon ang matitikas at armadong nakaunipormeng mga pulis, mapababae man o lalaki. Unang sumalubong sa mga pulis ay ang mga tauhan ni F.H na siyang tanging nagbabantay sa labas ng palasyo at ang kasalukuyang bumibihag sa mga kasamahang naiwan nina Zach kanina. Sinubukan ng isa sa mga nakakataas na pulis na kausapin ng maayos ang mga tauhan ni F.H at tapusin ito sa maayos na usapan pero napahinto na lamang ito matapos siyang paputukan ng baril dahilan para tumama iyon sa balikat niya kasunod ang pagiging alarma ng mga pulis. Hindi pa roon natitigil ang pagpapaputok ng baril ng mga tauhan ni