CHAPTER 78"Sige kids. Matulog na kayo dahil gabing gabi na. See you on sunday," sagot naman ni Lucas. "Wait kids. Can I hug you both?" dagdag pa ni Lucas dahil sa totoo lang ay parang ayaw na nga nyang alisin sa bisig nya ang kambal at parang gusto na lamang nyang yakapin ang mga ito.Agad naman na tumango sila Bryan at Brylle at halos sabay pa sila na yumakap kay Lucas bago sila tuluyang umakyat sa kanilang kwarto."Pasensya ka na sa kakulitan ng nga anak ko ha," sabi ni Ayesha kay Lucas ng sila na lamang dalawa ang naroon."Naku wala iyon. Nag enjoy din naman ako na makasama silang dalawa," nakangiti naman na sagot ni Lucas kay Ayesha."O sige na. Umuwi ka na dahil gabing gabi na may pasok pa tayo bukas sa opisina," pagtataboy na ni Ayesha kay Lucas."Bakit ba pinapaalis mo na ako? Gusto pa kitang makasama e," sagot ni Lucas na tonong nagtatampo na. Agad naman na natawa si Ayesha dahil sa inasta ng kanyang nobyo."Hindi naman sa ganoon pero alam ko kasi na pagod ka rin at kailangan
CHAPTER 79Pagkapasok ni Ayesha sa silid kung nasaan ang kanyang mga magulang ay katahimikan kaagad ang sumalubong sa kanya."B-bakit po? A-ano po ang pag uusapan natin?" kandautal pa na tanong ni Ayesha sa kanyang mga magulang na nananatiling tahimik.Napatikhim naman si Daniel dahil doon at mataman nyang tinitigan ang kanyang anak. Isang malalim na bunting hininga pa muna ang pinakawalan nya bago sya nagsalita."Anak may hindi ka ba sinasabi sa amin ng mommy mo? Gaano mo ba kakilala ang nobyo mo? Siguro naman ay alam mo kung ano ang ibig kong sabihin," seryosong tanong ni Daniel kay Ayesha. Napabuntong hininga naman si Ayesha at naupo na muna sya sa kaharap na upuan ng kanyang nga magulang."Mom, dad kung ang ibig nyo pong itanong sa akin ay kung bakit kamukha ng kambal si Lucas ay hindi ko pa rin po talaga alam kung bakit. Pero malakas po ang kutob ko na sya ang ama ng mga anak ko," pag amin ni Ayesha sa kanyang mga magulang."Ibig mo bang sabihin ay kaya mo sya naging nobyo dahil
CHAPTER 80Kinabukasan ay maaga naman ng naggayak si Ayesha para pumasok sa opisina. Kagaya rin ng dati ay sinusundo nga sya ni Lucas sa kanilang bahay at sabay na silang pumapasok sa opisina. Kagaya rin ng dati ay pinagtitinginan sila ng ilang mga empleyado roon. Hindi na lamang din pinapansin ni Ayesha ang nga iyon dahil ang ilan sa mga iyon ay madalas na nagbubulung bulungan na linalandi daw nya ang kanyang boss kaya sya naging nobya nito. Hindi na lamang nya pinapansin ang mga pinagsasasabi ng nga ito dahil alam naman nya sa sarili nya na hindi iyon totoo I'm.Pagkarating nila sa opisina ni Lucas ay nagulat pa sila ng pagpasok nila roon ay naroon si Jessa kasama ang ama nito na si Mr. Castro."Good morning Mr. Madrigal," bati kaagad ng ama ni Jessa kay Lucas at saka ito nakipag kamay dito. Agad din naman na tinanggap ni Lucas ang pakipagkamay ng ginoo."Good morning din po Mr. Castro. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo? Dahil mukhang napaaga po yata kayo ng pagbisita sa opisin
CHAPTER 81Galit naman ang agad na rumehistro sa mukha ni Mr. Castro dahil sa sinabi ni Lucas. Pakiramdam pa nya ay biglang nag init ang mukha nya at parang biglang tumaas ang dugo nya dahil sa mga sinabi ng binata."Talaga bang mas pinipili mo ang babae na yan kesa sa anak ko. Ano ba ang ipinagmamalaki ng babae na yan at ano ba ang nakita mo sa kanya para mas piliin mo ang babae na yan kesa sa anak ko," halos mamula na ang mukha ni Mr. Castro ng sabihin nya iyon dahil sa galit."At ikaw naman na babae ka ano ang pinakain mo kay Lucas at hindi ka nya magawang hiwalayan. Isa ka lamang namang hamak na sekretarya nya para tratuhin ka nya ng ganyan. Isa ka lamang sekretarya at wala kang binatbat sa aking anak," galit din naman na duro ni Mr. Castro kay Ayesha.Agad naman na hinawakan ni Jessa sa braso ang kanyang ama ng tangkang susugurin na nito sila Lucas at Ayesha. Ayaw naman nyang gumawa ng eskandalo rito ang kanyang ama kaya hanggat maaari ay gusto nyang awatin ito."Dad tama na po.
CHAPTER 82Dahil abala sila parehas sa kanilang trabaho ay hindi na nila namalayan pa ang oras at pagtingin nga nila sa labas ay padilim na pala kaya naman nagkatinginan na lamang silang dalawa at sabay pa silang natawa dahil sabay pa talaga silang napatingin sa isa't isa."Pagabi na pala at hindi na talaga natin namalayan pa ang oras," natatawang turan ni Lucas kay Ayesha."Kaya nga. Pero atleast natapos naman natin ang mga dapat nating tapusin ngayong araw," sagot naman ni Ayesha habang inaayos na nya ang kanyang mga gamit. "Kinumusta mo na ba si Mr. Castro? Ano na ang nangyare sa kanya?" tanong pa ni Ayesha ng maalala nya ang ginoo. Napabuntong hininga naman si Lucas."Nasa ospital pa rin sya ngayon at naka admit na dahil tumaas daw ang dugo nito kanina kaya nahirapang huminga," sagot ni Lucas saka sya tumayo at inayos ang kanyang lamesa. "Hindi naman natin kasalanan kung bakit iyon nangyare sa kanya dahil sya ang kusang pumunta rito. At hindi ako uto uto para sundin na lamang sya
CHAPTER 83Dumiretso uwi naman si Lucas sa kanilang bahay pagkahatid nya kay Ayesha at agad na nga nyang hinanap ang kanyang mga magulang dahil gusto nya itong makausap at nakita nya nga ang mga ito na nasa library ng kanilang bahay."Hi mom. Hi dad. Good evening po," magalang pa na bati ni Lucas sa kanyang nga magulang pagkaasok nya sa kanilang library. Nagkatinginan naman ang kanyang nga magulang dahil ngayon na lamang pumunta sa library ang kanilang anak at mukhang may kailangan ito sa kanila kaya narito ngayon."Good evening din anak. May kailangan ka ba?" agad din naman na tanong ni Shiela sa kanyang anak.Napabuntong hininga naman si Lucas dahil alam na alam na talag ng kanyang ina kapag may kailangan o gusto syang sabihin. Kaya naman tuluya na syang pumasok doon at saka naupo sa kaharap na upuan ng kanyang mga magulang."Dad mom gusto ko na po sanang ipakilala na sa inyo ang taong mahal ko," sagot ni Lucas sa kanyang ina.Muli namang nagkatinginan ang mag asawa dahil ang alam
CHAPTER 84"Kailan mo pala balak na ipakilala sa amin ang nobya mo anak?" sabat na ni Shiela sa pag uusap ng mag ama."Siguro po ay next week ko sya ipapakilala sa inyo dahil may lakad pa po kami this sunday kasama ang mga bata," sagot ni Lucas sa kanyang ina. Napakunot naman ang noo ni Shiela dahil sa sinabi ni Lucas."Mga bata? Anong mga bata? May anak na ba ang iyong nobya?" sunod sunod pa na tanong ni Shiela kay Lucas. Dahan dahan naman na tumango si Lucas."Yes mom. May anak na po sya at kambal po ang anak nya," nakangiti pa na sagot ni Lucas sa kanyang ina."Kung may anak na pala sya ay baka may asawa na iyang nobya mo anak. Baka naman mapahamak ka lamang lalo r'yan dahil baka magreklamo ang asawa nyan," nag aalala naman na sabi ni Shiela kay Lucas. Wala naman kasing problema sa kanila sana yun kaso ay iniisip din naman nila ang kanilang anak dahil baka nga mapahamak ito kung may asawa na pala ang nobya nito. Napangiti naman si Lucas sa kanyang ina."No mom hinding hindi po ako
CHAPTER 85Araw na nga ngayon ng linggo at excited na excited na nga ang kambal na sila Bryan at Brylle dahil ngayong araw nga sila mamamasyal kasama si Lucas gaya ng pangako sa kanila ng binata.Maagang maaga nga na nagising ang kambal at pagkagising na pagkagising nga ng nga ito ay agad na nilang pinuntahan ang kanilang ina sa silid nito at saka nila ito kinulit na kaagad para tawagan si Lucas para ipaalam dito na excited na nga silang dalawa sa kanilang pamamasyal ngayong araw."Mommy mommy wake up na po. Tawagan nyo na po si tito Lucas to get ready na rin po para sa pamamasyal natin mamaya. Excited na excited na po kasi kami ni Brylle," pang gigising ni Bryan sa kanilang ina saka nya ito yinugyog para magising."Oo nga po mommy. Wake up na po. Baka po tanghaliin pa tayo mamaya. Gusto po namin makasama na si tito Lucas. Kaya po vumising na po kayo mommy" pangungulit rin naman ni Brylle sa kanilang ina at saka nito niyugyog ang kanilang ina.Pupungas pungas pa naman si Ayesha dahil