CHAPTER 83Dumiretso uwi naman si Lucas sa kanilang bahay pagkahatid nya kay Ayesha at agad na nga nyang hinanap ang kanyang mga magulang dahil gusto nya itong makausap at nakita nya nga ang mga ito na nasa library ng kanilang bahay."Hi mom. Hi dad. Good evening po," magalang pa na bati ni Lucas sa kanyang nga magulang pagkaasok nya sa kanilang library. Nagkatinginan naman ang kanyang nga magulang dahil ngayon na lamang pumunta sa library ang kanilang anak at mukhang may kailangan ito sa kanila kaya narito ngayon."Good evening din anak. May kailangan ka ba?" agad din naman na tanong ni Shiela sa kanyang anak.Napabuntong hininga naman si Lucas dahil alam na alam na talag ng kanyang ina kapag may kailangan o gusto syang sabihin. Kaya naman tuluya na syang pumasok doon at saka naupo sa kaharap na upuan ng kanyang mga magulang."Dad mom gusto ko na po sanang ipakilala na sa inyo ang taong mahal ko," sagot ni Lucas sa kanyang ina.Muli namang nagkatinginan ang mag asawa dahil ang alam
CHAPTER 84"Kailan mo pala balak na ipakilala sa amin ang nobya mo anak?" sabat na ni Shiela sa pag uusap ng mag ama."Siguro po ay next week ko sya ipapakilala sa inyo dahil may lakad pa po kami this sunday kasama ang mga bata," sagot ni Lucas sa kanyang ina. Napakunot naman ang noo ni Shiela dahil sa sinabi ni Lucas."Mga bata? Anong mga bata? May anak na ba ang iyong nobya?" sunod sunod pa na tanong ni Shiela kay Lucas. Dahan dahan naman na tumango si Lucas."Yes mom. May anak na po sya at kambal po ang anak nya," nakangiti pa na sagot ni Lucas sa kanyang ina."Kung may anak na pala sya ay baka may asawa na iyang nobya mo anak. Baka naman mapahamak ka lamang lalo r'yan dahil baka magreklamo ang asawa nyan," nag aalala naman na sabi ni Shiela kay Lucas. Wala naman kasing problema sa kanila sana yun kaso ay iniisip din naman nila ang kanilang anak dahil baka nga mapahamak ito kung may asawa na pala ang nobya nito. Napangiti naman si Lucas sa kanyang ina."No mom hinding hindi po ako
CHAPTER 85Araw na nga ngayon ng linggo at excited na excited na nga ang kambal na sila Bryan at Brylle dahil ngayong araw nga sila mamamasyal kasama si Lucas gaya ng pangako sa kanila ng binata.Maagang maaga nga na nagising ang kambal at pagkagising na pagkagising nga ng nga ito ay agad na nilang pinuntahan ang kanilang ina sa silid nito at saka nila ito kinulit na kaagad para tawagan si Lucas para ipaalam dito na excited na nga silang dalawa sa kanilang pamamasyal ngayong araw."Mommy mommy wake up na po. Tawagan nyo na po si tito Lucas to get ready na rin po para sa pamamasyal natin mamaya. Excited na excited na po kasi kami ni Brylle," pang gigising ni Bryan sa kanilang ina saka nya ito yinugyog para magising."Oo nga po mommy. Wake up na po. Baka po tanghaliin pa tayo mamaya. Gusto po namin makasama na si tito Lucas. Kaya po vumising na po kayo mommy" pangungulit rin naman ni Brylle sa kanilang ina at saka nito niyugyog ang kanilang ina.Pupungas pungas pa naman si Ayesha dahil
CHAPTER 86Napapangiti naman si Rita sa kadaldalan ng kanyang mga apo at kita mo nga sa mata ng mga ito ang excitement na makasama muli si Lucas."Kung gayon ay dapat mag behave kayo mamaya ha. Wala kayong ibang kasama mamaya kaya dapat makikinig kayo sa mommy nyo at wag kayong lalayo sa kanila ha," pangaral ni Rita sa dalawa nyang apo. Sabay naman na tumango tango ang kambal kay Rita."Opo mamala. Tatandaan po namin yan," sagot ni Bryan sa kanyang mamala.Napapangiti na lamang si Ayesha habang papalapit sya sa pwesto ng kambal at ng kanyang ina dahil sa pagiging madaldal ng kambal sa kanilang mamala."Good morning mom," bati ni Ayesha sa kanyang ina saka sya naupo sa katabi nitong upuan. "Hay naku mom ang aga agang gumising ng dalawa na yan," naiiling pa na sabi ni Ayesha."Pagbigyan mo na anak at alam mo naman na sabik sa ama ang mga iyan. Kaya pagbigyan mo na lamang silang dalawa," sagot naman ni Rita kay Shiela."Masaya naman po ako mom dahil nararamdaman ko po na masaya ang mga a
CHAPTER 87"TITO LUCAS!!!" sabay pa na sigaw nila Bryan at Brylle ng buksan ni Lucas ang pinto ng silid ni Ayesha."Hello kids," natatawa naman na sabi ni Lucas dahil namimilog pa ang mata ng kambal ng makita sya ng mga ito at nag uunahan pa ang mga ito na makalapit sa kanya. Agad naman na sinalubong ng yakap ni Lucas ang kambal at tuwang tuwa naman ang mga ito na gumangi ng yakap kay Lucas."Mga anak wag kayong makulit. Hindi pa nga tayo nakakaalis ay kinukulit nyo na kaagad ang tito Lucas nyo," saway ni Ayesha sa kambal nyang anak."Sorry po mommy. Namiss po kasi namin si tito Lucas," sagot ni Brylle sa kanilang ina. Napapangiti na lamang talaga si Ayesha habang tinitingnan nya ang tatlo na masayang masaya sa muli nilang pagkikita."Tara na kids. Alis na tayo para naman narami tayong mapasyalan ngayong araw," pag aaya na ni Lucas saka sya umayos ng tayo at hinawakan sa magkabilang kamay ang kambal."Excited na po kami tito Lucas," tila kinikilig pa na sabi ni Bryan kay Lucas kaya n
CHAPTER 88Agad naman na silang pumasok sa loob ng amusement park. At manghang mangha naman ang kambal sa kanilang mga nakikita at halos lahat ng rides ay parang gusto nga na sakyan ng mga ito. Ngayon lang kasi sila nakapunta sa ganitong lugar dahil wala namang ganito sa probinsya kung saan sila lumaki at madalas naman ay sa mall sila namamasyal kasama ng kanilang ina kaya naman tuwang tuwa talaga sila ngayon.Pinagbigyan naman ni Lucas ang kambal sa nga gusto nitong sakyan na rides at syempre sa mga rides lamang na pwede ang mga bata sila sumakay. Game din naman na sumama si Ayesha sa mga ito na sumakay sa mga rides kaya lalong tuwang tuwa ang mga bata sa kanilang pamamasyal.Kung titingnan mo nga sila ngayon ay isang perfect family sila dahil masayang masaya talaga sila ngayon na nagbobonding.Halos padilim na ng maisipan nila Ayesha at Lucas na maupo na muna saglit sa isang bench na naroon. Pauwi na rin kasi sila sadyang nagpahinga lamang muna sila roon. Halata na rin kasi nila sa
CHAPTER 89Hindi naman na sila nagtagal pa roon at dahil nga gabi na rin naman ay dumaan na muna sila sa isang restaurant para kumain ng dinner bago sila tuluyang umuwi.At dahil nga sunday ngayon ay naabutan na nga sila ng traffic sa daan kaya naman nakatulog na ang kambal habang nasa byahe sila dahil sa sobrang pagod ng mga ito kanina. Sobrang hyper naman kasi talaga ng kambal kanina at halos ayaw na ngang tumigil ng mga ito sa kakasakay sa mga rides kung hindi sasawayin ni Ayesha.Anong oras na rin sila nakarating sa bahay nila Ayesha at talaga namang pagod na pagod na ang kambal kaya naman binuhat na lamang nila ang mga ito papunta sa silid ng mga ito at hindi na nga sila nag abala pa na gisingin ang mga ito. Pinalitan na nga lamang din ni Ayesha ng damit ang kambal habang tulog na tulog pa rin ang nga ito.Pagkahatid nila sa silid ng kambal ay parang ayaw pa ngang umalis ni Lucas doon at napansin nga iyon ni Ayesha kaya naman pagkatapos nyang bibisan ang kambal ay inaya na muna
CHAPTER 90"Totoo hindi ko alam kung nasaan ang kanilang ama at hindi ko rin alam kung sino ba talaga ang ama nila. Susubukan ko naman sana na hanapin ang kanilang ama pero saan ako magsisimulang maghanap kung kahit pangalan man lang ng kanilang ama nila ay hindi ko alam. Ni kahit itsura nga ng tatay nila ay hindi ko nga nakita," sagot ni Ayesha kay Lucas. Hindi naman umimik si Lucas at hinihintay pa nya ang kasunod na sasabihin ng dalaga at umaasa sya na sasabihin nito ang totoong nangyare rito noong gabi na yun."Lasing na lasing talaga ako ng gabi na yun na may nangyare sa amin ng ama ng mga anak ko. Namali kasi ako ng pasok ng kwarto ang akala ko kasi ay silid iyon kung nasaan ang mga kaibigan ko pero mali pala ako at maling kwarto ang napasukan ko at imbis na lumabas doon ay nahiga na lamang ako sa kama dahil hindi ko na talaga kaya dahil hilong hilo na ako noon at pagkatapos noon ay hindi ko na alam ang kasunod na mga nangyare. Basta nagising na lamang ako na mayroon na akong k