CHAPTER 75Naging maayos naman ang nga sumunod na oras kila Ayesha at Lucas. At naging abala talaga sila sa kanilang trabaho at halos maghapon talaga silang tutok sa kanilang ginagawa.Sumapit na nga ang kanilang uwian at kagaya ng dati ay inihahatid nga ni Lucas si Ayesha sa bahay nito."Tara pasok tayo sa loob. Ipapakilala kita sa mga magulang at mga anak ko," pag aaya ni Ayesha kay Lucas dahil gusto na nya itong ipakilala sa kanyang mga magulang at sa kanyang mga anak.Gulat naman na napatingin si Lucas kay Ayesha."S-seryoso? Ipapakilala mo na ako sa kanila ngayon?" tila hindi makapaniwala na tanong ni Lucas sa kanyang nobya."Yes. Kaya tara na sa loob," pag aaya pa ni Ayesha sa kanyang nobyo at akmang bababa na sana sya ng sasakyan ni Lucas ng pigilan sya ng binata."Wait lang. Dapat ay sinabi mo kaagad sa akin kanina. Sana ay nakabili man lang tayo ng pasalubong natin sa kanila," sabi ni Lucas kay Ayesha dahil nahihiya naman sya na pumunta roon at wala man lang syang kadala dala
CHAPTER 76"Yes baby. Girlfriend ko ang mommy Ayesha nyo," nakangiti pa na sagot ni Lucas sa bata."Really? Girlfriend nyo po si mommy? Ibig pong sabihin ay palagi ko na po kayong makikita?" tuwang tuwa pa na daldal ni Bryan dahil hindi nya talaga nakalimutan si Lucas noon dahil ito ang nakakita sa kanya sa mall noon."Yes baby. Pwede naman kung papayag ang mommy nyo," sagot naman ni Lucas."Sandali nga anak. Bakit mo ba sya tinatawag na kuya pogi? Sya ang tito Lucas mo. Teka nga nagkita na ba kayo dati at parang magkakilala na kayong dalawa?" sabat na ni Ayesha sa pag uusap ng dalawa."Mommy sya po ang tumulong sa akin sa mall noon nung nawala po ako. Si kuya pogi po yung sinasabi ko sa inyo na tumulong po sa akin sa mall," pagkukwento na ni Bryan sa kanyang ina kung paano nya nakilala si Lucas at kung bakit nya ito tinatawag na kuya pogi.Gulat naman na napatingin si Ayesha sa kanyang anak dahil hindi nya akalain na minsan na palang nagkrus ang landas ng kanyang anak at si Lucas."A
CHAPTER 77"Yes dad. Boyfriend ko po pala si Lucas at sya rin po ang boss ko," proud pa na pagpapakilala ni Ayesha sa kanyang nobyo habang ngiting ngiti pa sya na nakatingin dito.Muli ay napatingin na lamang si Daniel sa kanyang anak at mas pinili na lamang nya na manahimik na muna kahit na ang totoo ay nagulat talaga sya sa presensya ng nobyo ni Ayesha pero ang mas nagpagulat sa kanya ay ng mapansin nya na magkamukha ito at ang mga bata.Bigla namang lumabas si Rita mula sa kusina at agad na nyang tinawag ang nga ito para makakain na kaagad sila. Magana naman na kumain ang kambal dahil sa sobrang tuwa nilang dalawa dahil sa presensya ni Lucas.Pagkatapos nilang kumain ay halos ayaw ng pakawalan ng kambal si Lucas dahil tuwang tuwa sila na makipaglaro rito kahit na ngayon pa lamang din talaga nila ito nakilala.Ayos na ayos naman kay Lucas na makipaglaro sa kanyang nga anak dahil totoong gusto nyang makasama ang mga ito noon pa kaya naman sinusulit nya talaga na makasama nya ito sa u
CHAPTER 78"Sige kids. Matulog na kayo dahil gabing gabi na. See you on sunday," sagot naman ni Lucas. "Wait kids. Can I hug you both?" dagdag pa ni Lucas dahil sa totoo lang ay parang ayaw na nga nyang alisin sa bisig nya ang kambal at parang gusto na lamang nyang yakapin ang mga ito.Agad naman na tumango sila Bryan at Brylle at halos sabay pa sila na yumakap kay Lucas bago sila tuluyang umakyat sa kanilang kwarto."Pasensya ka na sa kakulitan ng nga anak ko ha," sabi ni Ayesha kay Lucas ng sila na lamang dalawa ang naroon."Naku wala iyon. Nag enjoy din naman ako na makasama silang dalawa," nakangiti naman na sagot ni Lucas kay Ayesha."O sige na. Umuwi ka na dahil gabing gabi na may pasok pa tayo bukas sa opisina," pagtataboy na ni Ayesha kay Lucas."Bakit ba pinapaalis mo na ako? Gusto pa kitang makasama e," sagot ni Lucas na tonong nagtatampo na. Agad naman na natawa si Ayesha dahil sa inasta ng kanyang nobyo."Hindi naman sa ganoon pero alam ko kasi na pagod ka rin at kailangan
CHAPTER 79Pagkapasok ni Ayesha sa silid kung nasaan ang kanyang mga magulang ay katahimikan kaagad ang sumalubong sa kanya."B-bakit po? A-ano po ang pag uusapan natin?" kandautal pa na tanong ni Ayesha sa kanyang mga magulang na nananatiling tahimik.Napatikhim naman si Daniel dahil doon at mataman nyang tinitigan ang kanyang anak. Isang malalim na bunting hininga pa muna ang pinakawalan nya bago sya nagsalita."Anak may hindi ka ba sinasabi sa amin ng mommy mo? Gaano mo ba kakilala ang nobyo mo? Siguro naman ay alam mo kung ano ang ibig kong sabihin," seryosong tanong ni Daniel kay Ayesha. Napabuntong hininga naman si Ayesha at naupo na muna sya sa kaharap na upuan ng kanyang nga magulang."Mom, dad kung ang ibig nyo pong itanong sa akin ay kung bakit kamukha ng kambal si Lucas ay hindi ko pa rin po talaga alam kung bakit. Pero malakas po ang kutob ko na sya ang ama ng mga anak ko," pag amin ni Ayesha sa kanyang mga magulang."Ibig mo bang sabihin ay kaya mo sya naging nobyo dahil
CHAPTER 80Kinabukasan ay maaga naman ng naggayak si Ayesha para pumasok sa opisina. Kagaya rin ng dati ay sinusundo nga sya ni Lucas sa kanilang bahay at sabay na silang pumapasok sa opisina. Kagaya rin ng dati ay pinagtitinginan sila ng ilang mga empleyado roon. Hindi na lamang din pinapansin ni Ayesha ang nga iyon dahil ang ilan sa mga iyon ay madalas na nagbubulung bulungan na linalandi daw nya ang kanyang boss kaya sya naging nobya nito. Hindi na lamang nya pinapansin ang mga pinagsasasabi ng nga ito dahil alam naman nya sa sarili nya na hindi iyon totoo I'm.Pagkarating nila sa opisina ni Lucas ay nagulat pa sila ng pagpasok nila roon ay naroon si Jessa kasama ang ama nito na si Mr. Castro."Good morning Mr. Madrigal," bati kaagad ng ama ni Jessa kay Lucas at saka ito nakipag kamay dito. Agad din naman na tinanggap ni Lucas ang pakipagkamay ng ginoo."Good morning din po Mr. Castro. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo? Dahil mukhang napaaga po yata kayo ng pagbisita sa opisin
CHAPTER 81Galit naman ang agad na rumehistro sa mukha ni Mr. Castro dahil sa sinabi ni Lucas. Pakiramdam pa nya ay biglang nag init ang mukha nya at parang biglang tumaas ang dugo nya dahil sa mga sinabi ng binata."Talaga bang mas pinipili mo ang babae na yan kesa sa anak ko. Ano ba ang ipinagmamalaki ng babae na yan at ano ba ang nakita mo sa kanya para mas piliin mo ang babae na yan kesa sa anak ko," halos mamula na ang mukha ni Mr. Castro ng sabihin nya iyon dahil sa galit."At ikaw naman na babae ka ano ang pinakain mo kay Lucas at hindi ka nya magawang hiwalayan. Isa ka lamang namang hamak na sekretarya nya para tratuhin ka nya ng ganyan. Isa ka lamang sekretarya at wala kang binatbat sa aking anak," galit din naman na duro ni Mr. Castro kay Ayesha.Agad naman na hinawakan ni Jessa sa braso ang kanyang ama ng tangkang susugurin na nito sila Lucas at Ayesha. Ayaw naman nyang gumawa ng eskandalo rito ang kanyang ama kaya hanggat maaari ay gusto nyang awatin ito."Dad tama na po.
CHAPTER 82Dahil abala sila parehas sa kanilang trabaho ay hindi na nila namalayan pa ang oras at pagtingin nga nila sa labas ay padilim na pala kaya naman nagkatinginan na lamang silang dalawa at sabay pa silang natawa dahil sabay pa talaga silang napatingin sa isa't isa."Pagabi na pala at hindi na talaga natin namalayan pa ang oras," natatawang turan ni Lucas kay Ayesha."Kaya nga. Pero atleast natapos naman natin ang mga dapat nating tapusin ngayong araw," sagot naman ni Ayesha habang inaayos na nya ang kanyang mga gamit. "Kinumusta mo na ba si Mr. Castro? Ano na ang nangyare sa kanya?" tanong pa ni Ayesha ng maalala nya ang ginoo. Napabuntong hininga naman si Lucas."Nasa ospital pa rin sya ngayon at naka admit na dahil tumaas daw ang dugo nito kanina kaya nahirapang huminga," sagot ni Lucas saka sya tumayo at inayos ang kanyang lamesa. "Hindi naman natin kasalanan kung bakit iyon nangyare sa kanya dahil sya ang kusang pumunta rito. At hindi ako uto uto para sundin na lamang sya
CHAPTER 160"At bakit naman kita susundin?" galit pa na tanong ni Lucas kay Jessa"Dahil kung hindi ka susunod ay baka pasabugin ko na lamang ang ulo ni Ayesha kasama ang inyong anak na nasa sinapupunan pa lamamg nya," sagot ni Jessa rito. "Oopppsss saglit lang I have good news nga pala sa'yo. Baka sakaling sundin mo na ang gusto ko. Bumalik na nga pala ang alaala ni Ayesha at nakikilala na nya ako. Ang saya saya diba?" dagdag pa ni Jessa.Hindi naman malaman ni Lucas kung ano ba ang mararamdaman nya ngayon dahil masaya sya sa kaalaman na nakakaalala na nga si Ayesha pero natatakot nga sya para sa kalagayan nito ngayon lalo na at kasama nito si Jessa ngayon."K-kung talagang nasa iyo si Ayesha. Pakausap ako sa kanya. Kahit saglit lang para makasiguro ako na ligtas sya," sagot ni Lucas kay Jessa."Grabe ka sa akin ha. Wala ka talagang katiwa tiwala sa akin. Pero sige kung yan ang gusto mo ipapakausap ko sa'yo si Ayesha pero gusto ko rin na sundin mo ang nga gusto ko," sagot naman ni Je
CHAPTER 159Lumipas naman ang magdamag na iyon ay wala pa ring balita sila Lucas tungkol sa kinaroroonan ni Ayesha ngayon.Naikuyom na lamang talaga ni Lucas ang kanyang kamao dahil naiinis na sya sa isipin na baka nga na kay Jessa si Ayesha ngayon."Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo para may lakas tayo sa paghahanap kay Ayesha," sabi ni Shiela sa kanyang anak at sa mga magulang ni Ayesha na matyaga pa nga rin na naghihintay ng balita tungkol kay Ayesha.Napabuntong hininga naman si Lucas habang seryoso nga nyang tinitingnan ang mga kasamahan nya roon. Naaawa nga rin sya sa kanyang ina dahil kagabi pa nga ito iyak ng iyak dahil sinisisi nito ang kanyang sarili kung bakit nawala si Ayesha dahil sya nga ang kasama nito bago ito nawala."Sige po. Tara na po munang kumain," pag aaya na rin ni Lucas sa mga naroon. Agad naman na sumunod din ang mga magulang ni Ayesha sa kanila ahabang ang kambal ay tulog pa rin kaya nauna na nga sila na kumain ng agahan."Mamaya nga po pala ay aalis po m
CHAPTER 158Samantala naman halos dalawang oras din na nawalan ng malay si Ayesha at nagising na nga lamang sya na masakit sakit pa rin ang kanyang ulo kaya naipikit na lamang nga nya ulit ang kanyang nga mata dahil doon.Maya maya ay napamulat na rin naman si Ayesha ng bigla nyang maalala ang nga nangyare kanina at ngayon nya narealize na nakakaalala na nga sya dahil naalala nya bago sya mawalan ng malay kanina ay biglang dagsa ng nga alaala nya sa kanyang isipan at hindi na nga nya nakayanan pa iyon kaya sya nawalan ng malay.Dahan dahan naman na syang bumangon sa kanyang kinahihigaan at nasapo pa nga nya ang kanyang ulo dahil sumasakit pa rin iyon. Sakto naman na nakaupo na si Ayesha ay bigla namang bumukas ang pinto ng silid na iyon."Gising na pala ang best actress natin. Kumusta naman ang tulog mo? Hindi mo naman kasi kaagad sinabi na nabitin ka pala sa pagtulog mo kanina pinakaba mo pa kami," nakairap pa na sabi ni Jessa kay Ayesha at bahagya pa nga syang natawa rito."Baliw
CHAPTER 157Inabot na nga ng dilim sila Lucas sa mall kaya naman napagpasyahan na lamang nya na umuwi na muna sila ng kanyang ina. Pero ang mga tauhan nya ay patuloy pa rin sa paghahanap kay Ayesha at hindi nya nga pinapatigil ang mga iyon sa paghahanap. Bukod sa mga tauhan ni Lucas ay may mga pulis na rin na nag iikot at naglagay ng mga check point para mahanap si Ayesha.Naroon na nga rin ngayon sa mansyon nila Lucas ang nga magulang ni Ayesha at naghihintay nga rin ang mga ito ng balita sa paghahanap sa kanilang anak. Ang kambal namang anak nila Lucas ay iyak na rin ng iyak dahil nag aalala na nga rin ang mga ito para sa kanilang ina."Kumusta ang paghahanap nyo kay Ayesha? May balita na ba sa anak ko?" agad na tanong ni Rita kay Lucas ng dumating ang mga ito sa mansyon.Napabunting hininga naman si Lucas at saka sya dahan dahan na umiling rito.Parang bigla namang nanghina si Rita dahil doon at napaupo na lamang nga sya sa sofa na naroon at saka tahimik na umiyak. Lahat din pati k
CHAPTER 156"Ayesha gumising ka. Ano ba ang nangyayare sa'yo?" taranta naman na sabi ni Jessa at agad na nga nyang linapitan si Ayesha. Kahit naman kasi galit sya rito ay natatakot pa rin naman sya na baka kung ano ang mangyare rito ngayon."Anong ginawa mo? Bakit wala na yang malay?" tanong ng lalakeng kasama ni Jessa kanina pa na si Brent."Hindi ko alam kung bakit nawalan yan ng malay. Masakit daw ulo nya tapos bigla na lang sya nagkaganyan," sagot naman ni Jessa habang inaalog nya ang balikat ni Ayesha."Pano na yan? Baka kung anong mangyare r'yan sa babae na yan. Imbes na magkapera tayo ay maging bato pa," sabi ni Brent kay Jessa."Tsk. Mukha ka talagang pera," naka irap pa na sagot ni Jessa kay Brent.Tumakas lamang kasi si Jessa sa mental at sinadya nyang magbaliw baliwan nga noong nada kulungan sya dahil alam nya na mas madali nga naman syang makakatakas doon kesa sa kulungan. Kaya naman umasta syang baliw at noong nasa mental na nga siya ay humanap naman sya ng pagkakataon pa
CHAPTER 155Samantala naman nagising na lamang si Ayesha na nasa hindi pamilyar na silid na siya kaya naman napabalikwas na lamang talaga sya ng bangon at nagpalinga linga pa nga sya sa kinaroroonan nya ngayon."Gising na pala ang prinsesa natin. Mukhang napasarap pa yata ang tulog mo ah," rinig ni Ayesha na sabi ng isang boses babae at paglingon nga nya roon ay nakita nya ang babae na kasama nya kanina."S-sino ka ba? A-anong kailangan mo sa akin?" kandautal na tanong ni Ayesha sa babae na nakangisi pa nga sa kanya."Tsk. Mukhang totoo nga ang nabalitaan ko na nagka amnesia dahil hindi mo ako naaalala at ang tanga tanga mo pa dahil sumama sa ka sa akin," nakangisi pa na sagot ng babae."Sino ka nga? Bakit mo ito ginagawa?" tanong pa muli ni Ayesha."Well. Sige tutal ay hindi mo nga pala ako maalala kaya magpapakilala na ako sa'yo. Ako nga pala si Jessa Castro. At sa tanong mo kung bakit ko ito ginagawa ay simple lang naman ang sagot ko r'yan dahil gusto kong maghiganti sa'yo," pagpap
CHAPTER 154"Mommy napatawag po kayo? Kumusta po ang lakad nyo ni Ayesha?" agad na tanong ni Lucas sa kanyang ina pagkasagot nya sa tawag nito."Lucas anak si Ayesha," sabi ni Shiela sa anak nya at halos hindi nga nya agad masabi rito ang nangyare. Bigla namang natigilan si Lucas sa kanyang ginagawa ng marinig ang sinabi ng kanyang ina at halata nya nga sa boses nito na kinakabahan nga ito."Bakit mom? Ano po ang nangyare kay Ayesha?" tanong pa muli ni Lucas sa kanyang ina."B-bigla kasing n-nawala si Ayesha anak. H-hindi ko na sya makita. Natatakot na ako anak baka kung anong mangyare kay Ayesha," naiiyak ng sabi ni Shiela sa kanyang anak na nasa kabilang linya."Mom calm down. Pumunta ka na muna sa customer sevice ng mall at ipa page mo ang pangalan ni Ayesha. Dun mo na lamang din ako hintayin pupunta na ako r'yan," sagot ni Lucas sa kanyang ina. At agad na nga nyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at nagmamadali na nga sya kaagad na makaalis sa kanyang kumpanya."Sige anak. Bi
CHAPTER 153"Sandali lang," sabi pa ng babae at hinarangan pa nga nya si Ayesha. "Ano ka ba naman ang tagal din natin hindi nagkita Ayesha. Ahm. M-may ibibigay ako sa'yo. Parang gift ko na rin kasi matagal tayong hindi nagkita," dagdag pa ng babae at hinawakan pa nga nya sa kamay si Ayesha. "Tara muna saglit. Kunin natin sa table ko yung gift ko sa'yo," sabi pa nito at akmang hihilahin na nga nya sa kamay si Ayesha pero tumigil nga si Ayesha."S-sandali lang. Next time na lang siguro kasi baka hinahanap na ako ni mommy," sagot ni Ayesha at babawiin na nga sana nya ang kanyang kamay ng hilahin nga sya nito."Saglit lang ito," sabi ng babae at saka nya hinila na nga si Ayesha.At dahil nga buntis si Ayesha ay hindi nga sya makapalag ng maigi sa babaeng nay hawak sa kanya kaya naman nagpatianod na lamang sya rito. Pagkalabas pa nga nya ng CR ay natanaw pa nga nya ang mommy Shiela nya na kausap ang waitress na nag seserve ng pagkain kaya hindi sya nito napapansin. Gustuhin man nya na tawa
CHAPTER 152Kinabukasan naman pagkatapos kumain nila Ayesha at Shiela ng lunch ay agad na nga silang nag gayak ng kanilang mga sarili para makapunta na nga sila sa mall.Sinama kasi talaga ni Shiela si Ayesha para maibili nya nga ito ng mga maternity dress lalo na at unti unti na nga na lumalaki ang tyan nito. At isa rin nga sa dahilan nya ay dahil hindi na nga ito nakakalabas labas pa ng mansyon.Pagkarating nga nila sa mall ay agad naman na silang dumiretso sa pamimili ng nga maternity dress ni Ayesha at parehas pa nga silang tuwang tuwa na magshopping ng nga gamit ni Ayesha. Napapatingin pa nga sila sa mga baby dress na naroon kaso ay hindi pa nga sila maaaring bumili non dahil hindi pa nga nila alam kung ano ba ang gender ng ipinagbubuntis ni Ayesha at isa pa ay masyado pa ngang maaga para mamili non dahil apat na buwan pa lang naman ang tyan ni Ayesha."Mommy tama na po siguro ito. Masyado na po yatang naparami ang nabili natin na damit ko," awat na ni Ayesha s aina ni Lucas dah