CHAPTER 101Nang medyo padilim na nga ay nagpasya na sila Lucas at Ayesha na umalis na. Nagpaalam na rin muna sila sa ina ni Ayesha at maging sa kambal bago sila tuluyang umalis na dalawa Mabilis lamang naman ang kanilang naging byahe papunta sa bahay nila Lucas at pagkatigil nga ng sasakyan ni Lucas ay hindi na nga muna bumaba ng sasakyan si Ayesha at nakakailang buga na nga sya ng hangin sa kanyang bibig para pakalmahin ang kanyang sarili dahil totoong kinakabahan nga sya na makaharap ang mga magulang ng kanyang nobyo.Natatawa naman si Lucas sa ginagawa ni Ayesha kaya naman sinamaan sya ng tingin ng dalaga."Babe relax ka lang. Mabait naman ang parents ko at hindi nangangain ng tao. Kaya wag ka ng kabahan pa r'yan," nakangiti pa na sabi ni Lucas sa dalaga at saka nya ito hinaplos sa may pisngi nito."Kinakabahan kasi ako e. Baka hindi nila ako magustuhan lalo na kapag nalaman nila kung ano ang nangyare sa akin noon," sagot naman ni Ayesha saka ito bumuntong hininga muli."Ako ang
CHAPTER 102 "Yes anak. Kilalang kilala ko si Ayesha at ang kanyang pamilya noon pa. Yun nga lang ay bigla silang nawala dahil sa nagkaroon nga sila ng problema sa kanilang kumpanya pero ang balita ko ay unti unti na muling nakakabangon ang kanyang pamilya," sagot ni Shiela sa kanyang anak habang hindi nya inaalis ang pagkakatitig kay Ayesha.Nagtatanong naman ang tingin ni Lucas kay Ayesha kaya naman nginitian siya ng dalaga ng makita nito ang tingin ng binata sa kanya."Tama ang mommy mo babe. Matagal na akong kilala ni tita Shiela dahil kamuntik na nya akong ipakasal sa anak nya," sabi pa ni Ayesha at bigla nga syang natigilan ng marealise nya na ina ito ng kanyang nobyo ibig sabihin ay si Lucas pala ang binatang ipinagkakasundo sa kanya dati ng ginang.Napangiti naman si Shiela ng mapansin nya ang biglang pananahimik ni Ayesha marahil ay bigla itong napaisip. At nginitian nga nya ito ng tumingin ito sa kanya."Tama ang iniisip mo hija. Si Lucas ang anak ko na dapat ay ipapagkasund
CHAPTER 103Pagkatapos nilang kumain ay saglit lamang naman na namalagi si Ayesha roon dahil gabing gabi na rin naman kaya nagpaalam na muna sya sa mgulang ng binata.Ramdam naman ni Ayesha na biglang nag iba ang pakitungo sa kanya ng ina ni Lucas pero naiintindihan naman nya iyon.Pagkatapos maihatid ni Lucas ang dalaga ay umuwi na rin naman sya kaagad at akmang aakyat na sana sya sa kanyang kwarto ng bigla syang tawagin ng kanyang ama kaya naman agad na syang sumunod dito ng pumunta ito sa opisina nito sa kanilang bahay."May problema po ba dad?" tanong ni Lucas sa kanyang ama pagkapasok nya sa opisina nito nagulat pa nga sya dahil naroon din ang kanyang ina na mukhang naghintay din talaga na makauwi sya."Maupo ka na muna anak," sabi ni Rico kay Lucas. Napabuntong hininga naman si Lucas saka sya naupo sa katapat na upuan ng kanyang magulang."Lucas anak sigurado ka na ba sa iyong nobya? Hindi naman sa hinuhusgahan ko sya pero baka maghabol pa ang ama ng nga anak nya sa kanya at ayo
CHAPTER 104Pagkarating naman ni Ayesha sa kanilang bahay ay naabutan naman nya ang kanyang ina sa kanilang sala at mukhang hinihintay sya nito."Hi mom. Ba't gising pa po kayo?" tanong ni Ayesha sa kanyang ina pagkapasok nya sa kanilang bahay."Anak narito ka na pala. Hinihintay lamang kita kaya gising pa ako," nakangiti pa na sagot ni Rita sa kanyang anak. "Kumusta ang lakad nyo ni Lucas? Kumusta ang mga magulang nya? Mabait ba?" usisa pa ni Rita kay Shiela.Nginitian naman ni Shiela ang kanyang ina at humalik muna sya sa pisngi nito bago sya naupo sa tabi nito."Hindi po kayo maniniwala sa sasabihin ko mom. Alam nyo ba na ang mga magulang pala ni Lucas ay sila Mrs. Madrigal," panimula ni Ayesha. Napakunot naman ang noo ni Rita at iniisip nya kung sinong Mrs. Madrigal ba ang sinasabi ng kanyang anak."Sinong Mrs. Madrigal?" tanong na ni Rita."Mom si mrs. Madrigal po yung nanay ng dapat ay ipapagkasundo nyo ng kasal sa akin. At eto pa mom nagulat din po ako ng malaman ko na si Lucas
CHAPTER 105Mabilis na nga na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay araw na ng linggo at balak nga nila Ayesha at Lucas na dalhin at ipakilala ang mga bata sa magulang ni Lucas."Mommy saan po tayo pupunta?" tanong na ni Bryan sa kanyang ina dahil kaninang umaga pagkagising nila ay saka lamang sinabi ng kanilang ina sa kanila na aalis nga raw sila at mayroong mahalagang pupuntahan.Pinaayos naman na muna ni Ayesha ng upo ang kanyang nga anak dahil tapos na rin naman nyang bibisan ang mga ito."Mga anak listen to mommy ha. Diba alam nyo naman na na si Daddy Lucas nyo ang tunay nyong daddy?" tanong ni Ayesha sa mga bata at sabay pa nga na tumango ang kambal sa kanya."Ngayon dadalhin namin kayo ng daddy nyo sa bahay nila ng parents nya. At ipapakilala na namin kayo sa lolo at lola nyo roon. Kaya sana mag behave kayo doon ha at wag magpapasaway. Maliwanag ba yun?" dagdag pa ni Ayesha."Opo mommy," sabay pa na sagot ni Brayn at Brylle."Mommy mabait po ba ang lolo at lola namin doon? Kasi
CHAPTER 106Pagkarating nila Lucas at Ayesha sa mansyon nila Lucas ay agad na rin silang bumaba ng sasakyan ng binata at nag tig isa pa sila ng hawak sa kambal.Habang sila Bryan at Brylle naman ay iginagala ang kanilang paningin habang naglalakad sila papasok ng mansyon nila Lucas."Daddy dito po ba kayo nakatira?" tanong na ni Brylle sa kanilang ama."Yes baby. Dito ako nakatira kasama ang lolo at lola nyo," nakangiti pa na sagot ni Lucas sa kanyang anak."Wow daddy ang laki naman po pala ng bahay nyo. Siguro ang saya saya nyo po rito," daldal naman ni Bryan sa kanyang ama at manghang mangha nga ito sa laki ng mansyon nila Lucas."Oo masaya naman kami dito. Pero mas masaya sana kung may mga cute at bibong mga bata rin dito na kasama kami," nakangiti pa na sagot ni Lucas sa kanyang anak."Talaga po daddy? Pwede po ba kaming tumira rito?" tanong pa ni Bryan."Of course baby. Pwedeng pwede kayong tumira rito ng mommy nyo perp hindi pa siguro sa ngayon," sagot ni Lucas saka nya sinulya
CHAPTER 107"Oh my god. T-totoo nga may mga apo na ako," sabi pa ni Shiela habang hinahawakan nya ang mga anak ni Ayesha at nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay ng hawakan nya ang kambal."Lola totoo po kami. Hindi po kayo nananaginip," daldal na kaagad ni Bryan sa ina ni Lucas.Agad naman na napangiti si Shiela at hinawakan pa nga nya ang kamay ng kambal. Habang nagpapalipat ang tingin nito sa dalawa."T-totoo nga kayo mga apo," nakangiti pa na sabi ni Shiela ng medyo makabawi sya sa kanyang pagkagulat. "P-pwedw ko ba kayong mayakap?" tanong pa nya sa kambal at halis sabay pa nga na ntumango si Bryan at Brylle sa ginang at sabay 0a nga silang lumapit dito saka nila ito yinakap ng mahigpit."My god. Ang popogi naman ng mga apo ko," ngiting ngiti pa na sabi ni Shiela sa kanyang apo habang nagpapalipat lipat pa ang tingin nya sa mga ito dahil parang hindi talaga sya makapaniwala sa nakikita nya na mayroon na syang apo at hindu lang isa kundi dalawa pa."Syempre mom kanino pa po ba s
CHAPTER 108 "Gusto lamang kitang makausap tungkol sa kambal mong anak," sagot ni Shiela kay Ayesha at agad nga nya itong nginitian ng mapansin nya na naiilang na sa kanya ang dalaga. "A-ano po i-iyon? M-may problema po ba sa kambal? Kung nag aalangan po kayo sa kanila ay pwede nyo naman po silang ipa DNA test" kandautal na tanong ni Ayesha sa ginang dahil baka yun nga ang iniisip nito kaya guato syang makausap. "Hey. Wag ka ngang kabahan dyan dahil hindi naman kita kakainin. Gusto lamang talaga sana kitang makausap ngayon tungkol sa kanila at isa pa ay hindi na kailangan pa ng DNA test na yan dahil kitang kita naman kung sino talaga ang kanilang ama at hindi talaga maipagkakaila iyon ni Lucas," sabi ni Shiela kay Ayesha dahil kita nya na bigla itong natakot sa kanya. Nagulat naman si Ayesha sa sagot ng ginang kaya naman napabuga na lamang talaga sya ng hangin sa kanyang bibig dahil akala nya ay kung ano na ang dahilan ng ginang. "Ano po ba ang gusto nyong pag usapan natin tun
CHAPTER 161Habang naghihintay naman sila sa muling pagtawag ni Jessa ay tinuloy naman nila Lucas at ng mga magulang ni Ayesha ang pag alis nila para maglibot at magbaka sakali na maghanap nga nila si Ayesha."Sana naman ay ligtas na makabalik sa atin si Ayesha," sabi ni Rita habang nasa sasakyan na nga sila ni Lucas at naghahanap sa kanyang anak."Wag po kayong mag alala dahil gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para lamang po makabalik ng ligtas si Ayesha sa atin," sagot naman ni Lucas dito."Salamat hijo," sagot ni Rita kay Lucas.Nagatuloy naman na sila sa kanilang paglilibot at tinatawag tawagan nga rin ni Lucas ang mga tauhan nya kung may balita na ba pero wala pa nga ring magandang balita ang mga ito.Halos maghapon naman ng naghanap sila Lucas at bagsak ang balikat na bumalik na nga sila sa mansyon dahil ni anino ni Ayesha ay hindi man lang nila nakita. Ni hindi na nga nila ininda ang kanilang gutom at pagod sa maghapong paghahanap kay Ayesha."Kumusta? Anong balita?" ag
CHAPTER 160"At bakit naman kita susundin?" galit pa na tanong ni Lucas kay Jessa"Dahil kung hindi ka susunod ay baka pasabugin ko na lamang ang ulo ni Ayesha kasama ang inyong anak na nasa sinapupunan pa lamamg nya," sagot ni Jessa rito. "Oopppsss saglit lang I have good news nga pala sa'yo. Baka sakaling sundin mo na ang gusto ko. Bumalik na nga pala ang alaala ni Ayesha at nakikilala na nya ako. Ang saya saya diba?" dagdag pa ni Jessa.Hindi naman malaman ni Lucas kung ano ba ang mararamdaman nya ngayon dahil masaya sya sa kaalaman na nakakaalala na nga si Ayesha pero natatakot nga sya para sa kalagayan nito ngayon lalo na at kasama nito si Jessa ngayon."K-kung talagang nasa iyo si Ayesha. Pakausap ako sa kanya. Kahit saglit lang para makasiguro ako na ligtas sya," sagot ni Lucas kay Jessa."Grabe ka sa akin ha. Wala ka talagang katiwa tiwala sa akin. Pero sige kung yan ang gusto mo ipapakausap ko sa'yo si Ayesha pero gusto ko rin na sundin mo ang nga gusto ko," sagot naman ni Je
CHAPTER 159Lumipas naman ang magdamag na iyon ay wala pa ring balita sila Lucas tungkol sa kinaroroonan ni Ayesha ngayon.Naikuyom na lamang talaga ni Lucas ang kanyang kamao dahil naiinis na sya sa isipin na baka nga na kay Jessa si Ayesha ngayon."Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo para may lakas tayo sa paghahanap kay Ayesha," sabi ni Shiela sa kanyang anak at sa mga magulang ni Ayesha na matyaga pa nga rin na naghihintay ng balita tungkol kay Ayesha.Napabuntong hininga naman si Lucas habang seryoso nga nyang tinitingnan ang mga kasamahan nya roon. Naaawa nga rin sya sa kanyang ina dahil kagabi pa nga ito iyak ng iyak dahil sinisisi nito ang kanyang sarili kung bakit nawala si Ayesha dahil sya nga ang kasama nito bago ito nawala."Sige po. Tara na po munang kumain," pag aaya na rin ni Lucas sa mga naroon. Agad naman na sumunod din ang mga magulang ni Ayesha sa kanila ahabang ang kambal ay tulog pa rin kaya nauna na nga sila na kumain ng agahan."Mamaya nga po pala ay aalis po m
CHAPTER 158Samantala naman halos dalawang oras din na nawalan ng malay si Ayesha at nagising na nga lamang sya na masakit sakit pa rin ang kanyang ulo kaya naipikit na lamang nga nya ulit ang kanyang nga mata dahil doon.Maya maya ay napamulat na rin naman si Ayesha ng bigla nyang maalala ang nga nangyare kanina at ngayon nya narealize na nakakaalala na nga sya dahil naalala nya bago sya mawalan ng malay kanina ay biglang dagsa ng nga alaala nya sa kanyang isipan at hindi na nga nya nakayanan pa iyon kaya sya nawalan ng malay.Dahan dahan naman na syang bumangon sa kanyang kinahihigaan at nasapo pa nga nya ang kanyang ulo dahil sumasakit pa rin iyon. Sakto naman na nakaupo na si Ayesha ay bigla namang bumukas ang pinto ng silid na iyon."Gising na pala ang best actress natin. Kumusta naman ang tulog mo? Hindi mo naman kasi kaagad sinabi na nabitin ka pala sa pagtulog mo kanina pinakaba mo pa kami," nakairap pa na sabi ni Jessa kay Ayesha at bahagya pa nga syang natawa rito."Baliw
CHAPTER 157Inabot na nga ng dilim sila Lucas sa mall kaya naman napagpasyahan na lamang nya na umuwi na muna sila ng kanyang ina. Pero ang mga tauhan nya ay patuloy pa rin sa paghahanap kay Ayesha at hindi nya nga pinapatigil ang mga iyon sa paghahanap. Bukod sa mga tauhan ni Lucas ay may mga pulis na rin na nag iikot at naglagay ng mga check point para mahanap si Ayesha.Naroon na nga rin ngayon sa mansyon nila Lucas ang nga magulang ni Ayesha at naghihintay nga rin ang mga ito ng balita sa paghahanap sa kanilang anak. Ang kambal namang anak nila Lucas ay iyak na rin ng iyak dahil nag aalala na nga rin ang mga ito para sa kanilang ina."Kumusta ang paghahanap nyo kay Ayesha? May balita na ba sa anak ko?" agad na tanong ni Rita kay Lucas ng dumating ang mga ito sa mansyon.Napabunting hininga naman si Lucas at saka sya dahan dahan na umiling rito.Parang bigla namang nanghina si Rita dahil doon at napaupo na lamang nga sya sa sofa na naroon at saka tahimik na umiyak. Lahat din pati k
CHAPTER 156"Ayesha gumising ka. Ano ba ang nangyayare sa'yo?" taranta naman na sabi ni Jessa at agad na nga nyang linapitan si Ayesha. Kahit naman kasi galit sya rito ay natatakot pa rin naman sya na baka kung ano ang mangyare rito ngayon."Anong ginawa mo? Bakit wala na yang malay?" tanong ng lalakeng kasama ni Jessa kanina pa na si Brent."Hindi ko alam kung bakit nawalan yan ng malay. Masakit daw ulo nya tapos bigla na lang sya nagkaganyan," sagot naman ni Jessa habang inaalog nya ang balikat ni Ayesha."Pano na yan? Baka kung anong mangyare r'yan sa babae na yan. Imbes na magkapera tayo ay maging bato pa," sabi ni Brent kay Jessa."Tsk. Mukha ka talagang pera," naka irap pa na sagot ni Jessa kay Brent.Tumakas lamang kasi si Jessa sa mental at sinadya nyang magbaliw baliwan nga noong nada kulungan sya dahil alam nya na mas madali nga naman syang makakatakas doon kesa sa kulungan. Kaya naman umasta syang baliw at noong nasa mental na nga siya ay humanap naman sya ng pagkakataon pa
CHAPTER 155Samantala naman nagising na lamang si Ayesha na nasa hindi pamilyar na silid na siya kaya naman napabalikwas na lamang talaga sya ng bangon at nagpalinga linga pa nga sya sa kinaroroonan nya ngayon."Gising na pala ang prinsesa natin. Mukhang napasarap pa yata ang tulog mo ah," rinig ni Ayesha na sabi ng isang boses babae at paglingon nga nya roon ay nakita nya ang babae na kasama nya kanina."S-sino ka ba? A-anong kailangan mo sa akin?" kandautal na tanong ni Ayesha sa babae na nakangisi pa nga sa kanya."Tsk. Mukhang totoo nga ang nabalitaan ko na nagka amnesia dahil hindi mo ako naaalala at ang tanga tanga mo pa dahil sumama sa ka sa akin," nakangisi pa na sagot ng babae."Sino ka nga? Bakit mo ito ginagawa?" tanong pa muli ni Ayesha."Well. Sige tutal ay hindi mo nga pala ako maalala kaya magpapakilala na ako sa'yo. Ako nga pala si Jessa Castro. At sa tanong mo kung bakit ko ito ginagawa ay simple lang naman ang sagot ko r'yan dahil gusto kong maghiganti sa'yo," pagpap
CHAPTER 154"Mommy napatawag po kayo? Kumusta po ang lakad nyo ni Ayesha?" agad na tanong ni Lucas sa kanyang ina pagkasagot nya sa tawag nito."Lucas anak si Ayesha," sabi ni Shiela sa anak nya at halos hindi nga nya agad masabi rito ang nangyare. Bigla namang natigilan si Lucas sa kanyang ginagawa ng marinig ang sinabi ng kanyang ina at halata nya nga sa boses nito na kinakabahan nga ito."Bakit mom? Ano po ang nangyare kay Ayesha?" tanong pa muli ni Lucas sa kanyang ina."B-bigla kasing n-nawala si Ayesha anak. H-hindi ko na sya makita. Natatakot na ako anak baka kung anong mangyare kay Ayesha," naiiyak ng sabi ni Shiela sa kanyang anak na nasa kabilang linya."Mom calm down. Pumunta ka na muna sa customer sevice ng mall at ipa page mo ang pangalan ni Ayesha. Dun mo na lamang din ako hintayin pupunta na ako r'yan," sagot ni Lucas sa kanyang ina. At agad na nga nyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at nagmamadali na nga sya kaagad na makaalis sa kanyang kumpanya."Sige anak. Bi
CHAPTER 153"Sandali lang," sabi pa ng babae at hinarangan pa nga nya si Ayesha. "Ano ka ba naman ang tagal din natin hindi nagkita Ayesha. Ahm. M-may ibibigay ako sa'yo. Parang gift ko na rin kasi matagal tayong hindi nagkita," dagdag pa ng babae at hinawakan pa nga nya sa kamay si Ayesha. "Tara muna saglit. Kunin natin sa table ko yung gift ko sa'yo," sabi pa nito at akmang hihilahin na nga nya sa kamay si Ayesha pero tumigil nga si Ayesha."S-sandali lang. Next time na lang siguro kasi baka hinahanap na ako ni mommy," sagot ni Ayesha at babawiin na nga sana nya ang kanyang kamay ng hilahin nga sya nito."Saglit lang ito," sabi ng babae at saka nya hinila na nga si Ayesha.At dahil nga buntis si Ayesha ay hindi nga sya makapalag ng maigi sa babaeng nay hawak sa kanya kaya naman nagpatianod na lamang sya rito. Pagkalabas pa nga nya ng CR ay natanaw pa nga nya ang mommy Shiela nya na kausap ang waitress na nag seserve ng pagkain kaya hindi sya nito napapansin. Gustuhin man nya na tawa