Gaya nang ipinangako ko kina mama uuwi ako sa amin kaya nang dumating ang sabado ay maaga akong nagising para maghanda para sa pag-uwi ko. Tumawag na rin ako kay Kelvin at napag-usapan namin na sabay kaming uuwi. Nakapagpaalam naman na ako kay Alejandro at pumayag naman ito. Aba, dapat lang kasi noong mga nakaraang buwan ay hindi naman ako umalis ng bahay para magday off. Kahit na parang ayaw nito, wala naman itong choice. Maging kay Antalia ay nagpaalam na rin ako kagabi dahil maaring tulog pa rin ito pag-alis ko mamaya. Matapos kong maghilamos ay bumaba na ako sa kusina. Naabutan ko si Manang Rita at Ate Emma na abala para sa paghahanda ng agahan. "Good morning po," nakangiting bati ko sa kanila. "Good morning din, Kat. Ang aga mo yatang gumising ngayon,"puna ni Ate Emma na abala sa pagbabalat ng mga gulay. "Day off ko po kasi ngayon, uuwi ako sa amin," sagot ko bago kumuha ng mug at ini-on ang electric kettle. "Ganoon ba? Malapit lang naman ang uuwian mo, 'di ba?" Tumango ako
Tahimik lang kami sa byahe ni Kelvin. Busy siya sa pagda-drive kaya hinahayaan ko lang siya.Bigla itong napatingin sa akin ng tumunog ang selpon ko. Kinuha ko iyon at binasa ang minsan."Wife?"Nakagat ko ang labi ko nang mabasa ko ang mensahe. Wala naman itong ibang sinabi maliban sa tawagin akong wife pero yung kilig ko umaapaw.Muling tumunog ang cellphone ko. "Why are you not replying?"Ano bang irereply ko sa text niya? Wala naman siyang sinabi."I am with Kelvin right now," iyon na lang ang nasabi ko dito."I miss you now."Napadiin ang kagat ko sa labi ko para pigilan ang ngiti ko. Kaaalis ko pa lang kung makapag- I miss you siya akala mo matagal na akong nawala. Sumulyap ako kay Kelvin at nakita ko ang salubong na kilay nito."Who are you texting?" tanong nito at sumulyap sa akin pero bumalik din agad ang tingin sa daan."Nothing," painosenteng sagot ko."Tsk, I am not an idiot.""Wala naman akong sinabing idiot ka.""You are obviously texting with someone. Kanina pa tunog
I bond with my family. Gaya ng nakasanayan namin ay sabay-sabay kaming kumain. Natikman kong muli ang luto ni mama. Isa ito sa mga namiss ko ng husto. Matapos naming kumain ay nag-movie maraton kami pero habang nanunood ay umakyat muna ako sa kwarto ko dahil naramdaman kong nagba-vibrate ang cellphone na nasa bulsa ko. Malapit naman ng matapos ang movie pero ang paggalaw ng cellphone ko na nasa bulsa ko ay tila walang balak tumigil kaya naisipan ko nang sagutin ito.Nakita ko pa si Kelsy na nagdududang sumunod ang tingin sa akin pero pinagtaasan ko lang ito ng kilay."Hello?" sagot ko sa tawag nang makapasok na ako sa kwarto ko. Mabilis kong isinara ang pinto at padapang humiga sa kama habang nakataas ang paa ko. Daig ko pa ang teenager na sa mga kinikilos ko. Pagsagot pa lang ng tawag ni Alejandro ay kinikilig na ako. Ewan ko ba naman sa lalaking ito. Nakausap ko naman na siya kaninang umaga nang dumating ako dahil nga sabi niya ay tawagan ko siya pero ngayon ay tumatawag na naman.
"Ate! Faster!" narinig kong sigaw ni Kelsy nang dumaan siya sa kwarto ko. Kinatok pa niya ako ng malakas kaya nagmamadali akong nagsuot ng rubber shoes ko. Pagbaba ko ay naabutan ko si mama na nakapameywang sa harapan ng kapatid ko. "Ma, what do you want? I will buy you, just say it," saad ni Kelsy kay mama at mayabang nitong ipnakita ang card ni Kelvin na hawak niya. Kumunot ang noo ni mama nang makita ang card. "Sa kuya mo iyan hindi ba? Bakit nasa iyo?" nagtatakang tanong ni mama. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. "Well, I predicted something and I was right so I won," pagmamayabang niya. "Ate is getting married," tinakpan ko ang bibig niya dahil sa sinabi niya. Kung ano-ano pang kabalbalan ang sinasabi. Masyado pa siyang advance sa lahat ng advance. Nagtatanong ang mga mata ni mama ng tumingin sa akin. Mariin akong umiling sa kanya. "Ma, huwag kayong maniwala sa kanya. Wala pa nga akong ipinapakilala sa inyong boyfriend tapos maniniwala agad kayo sa masangsang na
Mabilis kami ni Kelsy na nakarating sa mall, thanks sa driver namin na biglang sumulpot. Pagpasok pa lang namin ay dumiretso na agad si Kelsy sa mga tindahan ng damit. Kung makapamili ito akala mo ay kung sinong mapera na hindi na tumitingin sa price.Kawawa talaga ang credit card ni Kelvin. Hindi ko rin gets kung bakit parang okay lang sa kanya na gumastos nang husto ang si Kelsy. Nakasunod lang naman ako kay Kelsy habang todo ang pamili niya. Tumitingin-tingin din ako pero hindi ko naman kinukuha.Matapos naming manggaling sa isang botique ay lumipat naman kami sa tindahan ng mga bags. Naiinip ako sa pagta-try ni Kelsy kaya nagpaalam ako sa kanya na lalabas lang para bumili ng makakain. Medyo kumakalam na rin kasi ang tiyan ko dahil eleven na rin. Nagpunta ako sa food court kung saan maraming stall na nagtitinda ng kung ano-ano.Bumili ako ng isang milkshake at isang waffle bago bumalik kung nasaan ang kapatid ko na todo shopping. Dahil alam kong bawal ang pagkain sa loob ng bag st
Matapos naming kumain ay hindi pa kami umuwi. Hindi pa pala tapos mamili si Kelsy at dahil medyo asar ako kay Kelvin dahil sa ginawa niyang pagtatago ng relasyon nila ng bestfriend ko ay nakisali na rin ako sa pagsa-shopping.Hindi lang ako nakauwi ng ilang buwan sila na pala pero hindi manlang nila nabanggit sa akin. Todo effort pa ako dati na paglapitin sila tapos kung kailan ako nawala sa sirkulasyon nila saka naging sila. Okay lang naman sa akin na naging sila, mas mabuti nga iyon pero bakit kailangan pa nila itago. Para silang others.Hapon na ng makauwi kami ni Kelsy nang bahay. Pabagsak akong naupo sa sofa dahil sa pagod ko. Hindi na ako sasama ulit kay Kelsy. Grabe sumakit ang mga binti ko kakaikot niya. Kulang na lang libutin niya at pasukin ang bawat store na makita namin. Hindi na ako uulit na sumama sa kanya. Nakakapagod siyang kasama."Bakit ang dami ninyong pinamili? May balak ka bang magtayo ng tindahan?" tanong ni Mama kay Kelsy na hindi na magkandaugaga sa pagdadal
“Thanks.” I salute to Kelvin while smiling mischievously after I got off his car. He just looked at me seriously before he drives off.Lumapit ako sa gate at mabilis na pinindot ang doorbell, agad namang bumukas ang tarangkahan. Ngumiti ako kay Fernan na siyang nagbukas sa akin.Pagpasok ko sa bahay ay agad sumalubong sa akin ang napakalaking chandelier. That big chandelier always catch my attention.Tinahak ko ang hagdan para umakyat sa taas. Nakangiti akong kumatok sa pinto ng kwarto ni Antalia. Nang walang sumagot ay binuksan ko iyon.Isang nakasimangot na bata na nakaupo sa kama niya na tila hinihintay talaga ako ang sumalubong sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero hindi man lang ito gumanti ngiti bagkos ay pinagkrus pa nito ang mga braso at tiningnan ako ng masama.May topak na naman ba ito? Mukhang bad mood.“Hi.”“Why did you not bring me with you?” she asked while sulking.Lumapit ako sa kanya. Naupo ako sa tabi niya at itinaas ang hawak kong paper bag para ipakita sa kanya.“I
Nagtatakang tumingin ako kay Alejandro. He is too early to got home. Paalis pa lang kami ni Fernan para sunduin si Antalia sa eskwela nang dumating siya. Two fourty-five pa lang ng hapon.Dati naman ay almost six na ang pinakamaaga niyang uwi. Bumaba siya sa kotseng kinasasakyan niya at lumapit sa amin."You can stay. I will drive her to fetch, Antalia," ani nito kay Fernan at hinagis sa huli ang hawak na susi. Umikot ito sa kotseng ginagamit palagi namin ni Fernan habang nilluluwagan ang necktie niya at nauna nang sumakay sa driver's seat.Ibinaba niya ang bintana nang mapasin niyang hindi ako sumunod sa kanya. "Get in," utos nito habang nakatingin sa akin. Umikot ako at sumakay sa passenger seat. Mabilis naman niyang pinasibad ang sasakyan ng makitang maayos na ako.Lumingon siya sa akin. "How's your day?" tanong niya."Boring. Pakiramdam ko malapit na ako magbilang ng mga langgam sa sobrang pagkainip," reklamo ko sa kanya.Kapag kasi pumasok an si Antalia ay wala na akong gawa.