Home / Romance / Desiring the Nanny / 1- Broken Hearted Bestfriend

Share

Desiring the Nanny
Desiring the Nanny
Author: iamAexyz

1- Broken Hearted Bestfriend

"May himala!" exaggerated na saad ni Mama nang makita niya akong lumabas sa kwarto ko. Nanonood sila ni Kelsey ng movie sa sala. They are both looking at me as if they saw something miraculous. "May sakit ka ba? Anong meron? Sa wakas lumabas ka na rin sa lungga mo."

"Ma, oa na."

"Ako pa ang oa. Tingnan mo nga ang kulay mo. Hindi ka maputi, anemic ka na. Lumalabas ka lang ng kwarto mo kapag kakain ka. Hindi ka na nga nasisikatan ng araw." Napa-ismid naman ako. Lahat na lang napapansin niya lagi. Pero sanay na ako sa bunganga niya. Sabi nga ni papa mas worst pa akong manalita kay mama, hindi naman iyon totoo, medyo lang.  Kanino pa ba ako magmamana?

"Wala naman akong gagawin sa labas. Dati ayaw mong umaalis ako ng bahay ngayon parang tinataboy mo na akong maglayas." Lumapit ako sa kanila habang inaayos ang suot ko.

"That was twelve years ago. Twenty-nine ka na ngayon pero saka ka naman natingga sa bahay. Teka saan ka ba? Bihis ka yata."

Kunot ang noo nito habang pinapasadahan ako ng tingin.

"Gail called me," I answered.

"Brokenhearted na naman kaibigan mo?"

Nagkibit-balikat lang ako bilang sagot ko. Mom already knew my bestfriend. Alam na alam na nito ang madalas na dahilan kung bakit biglang napapatawag si Gail at napapalabas ako ng kwarto ko.

"Buti pa kaibigan mo nagka-boyfriend na kahit laging nasasaktan. Ikaw kaya kailan?" Kumindat pa ito sa akin. I rolled my eyes. Heto na naman kami. Lagi na lang niya akong sinusulsulan na humanap ng boyfriend. Tsk. Hindi ko kailangan ng lalaki. Sakit lang sila sa ulo.

Mas mabuti pang maging single. Walang stress.

"H'wag kanang umasa, ma. Kahit ako ang lalaki hindi ako papatol kay ate. She's too bossy," singit naman ni Kelsey. Bahagya kong tinulak ang ulo niya dahilan upang masubsob siya. Eepal na nga lang wala pa sa hulog. Sinamaan naman ako ng tingin nito pero pinagtaasan ko lang ito ng kilay.

"Manahimik ka," saad ko bago humalik sa pisngi ni mama. "Bye, alis na ako."

I ride on my bicyle. Ilang kanto lang naman ang layo ng apartment ni Gail sa bahay namin. Isa pa mahirap lang ako, wala akong kotse o pang-taxi. Kahit na hindi uso dito sa lugar namin ang taxi.

It's almost five. May araw pa pero hindi na masakit sa balat. I can smell the cold breeze dahil ber months na. Hindi ko mapigilang mapangiti habang patuloy na nagpapadyak ng aking biseklita ko.

"Anong nangyari?" agad kong bungad ko kay Gail nang makapasok na ako sa apartment niya. Nasa sala siya at tila pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang daming nagkalat na tissue sa sahig.

"He cheated on me," sagot nito. Maga na ang mata nito sa kakaiyak. Well this is not the first time na umiyak siya dahil sa lalaki. Pero tila hindi pa rin siya nauubusan ng luha.

"Sa mukha pa lang ng boyfriend mo. Hindi na ako nagtataka na manloloko siya," naka-ismid na saad ko bago naupo sa tabi niya."Ano ba kasi ang nagustuhan mo sa isang iyon? Feeling gwapo lang naman."

"Mabait naman siya, eh."

Talagang pinagtanggol pa niya ang mokong na iyon. Eh, mukha pa lang noon. Mukhang hindi na mapagkakatiwalaan.

"Lahat naman ng lalaki mabait at santo kapag nanliligaw pa lang pero kapag sinagot mo na. 'Yong halo nila nagiging sungay na. Saka kung mabait siya hindi ka sana umiiyak ngayon."

Mabait pero manloloko. Pinagloloko ba niya ako? Lagi na lang bugok ang lalaking napipili niya.

"Bakit lahat na lang ng minamahal ko niloloko ako?" Tuluyan na nga itong umiyak muli. Binigyan ko naman ito ng tissue habang marahang hinahagod ang likod nito upang pagaaanin ang loob niya.

Sanay na akong umiiyak siya lagi sa mga naging boyfriend niya pero siya hindi ko alam kung kailan ba matuto.

"Puro manloloko minahal mo, eh. Alam mo namang trending na ang buy one, take one ngayon. Kaya tumahan kana, nakakapangit umiyak sa lalaking hindi ka naman mahal. Broken kana nga, haggard ka pa," saad ko at binuksan ang snack na nasa center table.

Bigla ako nitong sinamaan ng tingin. Bakit may nasabi ba akong masama?

"Oh, bakit ganyan ka makatingin? Hindi ako ang kaaway mo dito."

Sumubo ako ng hawak kong sitserya.

"Bakit ba kita naging kaibigan? Wala kang kwentang mag-comfort," saad nito suminga ng malakas. "Sa tuwing broken hearted ako, hindi mo man lang pinapagaan ang nararamdaman ko. Senesermonan mo pa ako. Kasalanan ko bang nagmahal ako ng manloloko? Nagmahal lang naman ako."

Pinahid nito ang mga luha.

"Bestfriend mo ako kaya nagsasabi ako ng totoo. Sinabi ko naman sayo, hindi lahat ng pangit, honest. Minsan kung sino pa 'yong hindi pinagpala ang mukha, sa panloloko sila pa ang malala. Dapat tayo ang iniiyakan, hindi tayo ang umiiyak. Tandaan mo 'yan." Sumubo akong muli ng sitserya.

Mukhang okay na siya. Ganyan naman siya palagi. Kapag nakaiyak na, okay na ulit. Saka dapat ang gaya ng ex niya hindi talaga dapat iniiyakan.

Hindi kasi kagwapuhan ang ex nito na iniiyakan nito ngayon. Unang kita ko pa lang sa lalaking iyon, hindi ko na gusto ang hilatsa ng mukha nito. Napaka-angas at feeling gwapo.

"Malay ko ba? Pinili ko gwapo, pinagpalit naman ako sa kwapa lalaki. Pinili ko pangit, nagawa pa rin akong ipagpalit."

"Kaya madala kana. Be like me, stress free. We are a queen, find a knight who will guard you and your kingdom, not a fake king."

"You are a queen but you don't have a kingdom. Jobless ka nga, eh." Nahampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya.

"Brokenhearted ako. Masakit na 'yong puso ko, h'wag mo nang idamay pati braso ko," anito habang hinihimas ang brasong hinampas ko. Hindi naman malakas pagkakapalo ko, oa lang talaga siya.

"I am giving you words of wisdom tapos lalaitin mo lang ako," nakasimangot na saad ko. Sayang naman ang mga sinabi ko kung hindi niya pakikinggan. Baka sa susunod tatawag na naman siya sakin dahil naloko na naman siya.

"Thank you." Bigla nitong niyakap ang kanang braso ko. "Thank you kasi lagi kang andyan para pakinggan mga kadramahan ko. Kahit na minsan matalas 'yang dila mo, thankful ako. Lagi kaya akong natatauhan sa realtalk mo."

"Natatauhan ka pero sa sobrang rupok mo nakakalimutan mo rin lahat ng sinasabi ko. No, hindi mo nakakalimutan binabaliwala mo lang kasi na-inlove ka na naman."

Ang bilis niyang ma-inlove, sa sobrang bilis hindi ko na alam kung seryoso ba talaga siya sa mga naging boyfriend niya o hindi. Lagi man siyang umiiyak sa huli, sigurado ako hindi magtataggal may bago na siyang muli.

"Hindi ko kasalanang na-fall ako. Kasalanan nila dahil niloloko nila ako," nakalabing saad nito.

"Yeah, hindi mo kasalanan na na-fall ka pero lagi mong tandaan na magtira para sa sarili mo. H'wag na h'wag mong ibibigay lahat, kasi minsan kahit sapat na tayo para sa kanila. Sila naman 'yong hindi karapat-dapat dahil hindi nila kayang maging tapat. Masarap ma-inlove pero guard your heart, kapag nawasak kasi iyan ng lubusan mahirap ng buuin ulit."

Hindi ko pa naranasang magmahal pero natuto na ako sa mga taong nasa paligid ko. Experience is the best teacher pero hindi lahat ng bagay dapat nating maranasan bago tayo matuto. Learn from the others ika nga.

"You are really the best in giving advice." She even gave me a thumbs up. "Sana ma-apply mo rin 'yan sa sarili mo in the future."

"Duh? Hindi ako iiyak ng dahil lang sa lalaki." I even flipped my hair. Never.

"Bakit may balak ka pa bang magka-boyfriend?" Tiningnan ko siya ng matalim dahil sa tanong niya.

"Wala na. Kasi mukhang hindi pa pinapanganak 'yung lalaking papasa sa standard ko. Masaya kana?" taas ang kilay na tanong ko.

Natawa ito kahit hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko.

"Sa taas ng standard mo baka nga hindi talaga nag-e-exist sa mundo ang ideal man mo."

"Nandito ako para i-comfort ka 'di ba? Bakit ako na yata nagiging topic?"

Napanguso ito. "Okay na ako. Sanay naman na akong nasasaktan lagi."

Bigla akong tumayo dahil sa sinabi nito. "No, hindi dahil sanay kanang masaktan papayag kang masaktan lagi."

"Anong binabalak mo?" nakakunot ang noong tanong nito habang nakatingala sa akin.

"Fix yourself," utos ko dito. Hinila ko siya patayo. "You are single again. We need to celebrate."

"Celebrate, my ass."

"Shut up, just fix yourself," saad ko at tinulak siya papunta sa kwarto niya. Wala na siyang nagawa kundi sumunod sa pinapagawa ko.

Pabagsak na umupo ako sa sofa. Kinuha kp ang cellphone ko and called my brother.

"I need you to do something from me," walang pagbating bungad ko.

"What is it?"

"Bar hopping."

"Lalabas ka? Himala."

I rolled my eyes.

Lahat na lang sila napapansin ang biglaan kong paglabas. Well, madalas talaga nagkukulong lang ako sa kwarto at lumalabas lang kapag may emergency o biglaang tawag si Gail. Kaso medyo oa na ang reaksyon nila minsan.

"Shut up. Your crush is broken hearted. She needs someone to cheer her up."

"Send me the location."

"Hideout," sagot ko at walang babalang ibinaba ang tawag.

I'll be a cupid this time. My bestfriend deserve a better man. And he is the best choice, my brother.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status