Maaga akong gumising. Hindi ako nagpuyat ng maagi kagabi dahil nga tutungo ako ngayon ng Manila.“Ang aga mo yatang gumising. Saan ang punta mo at gayak na gaya ka?” Nagtatakang tiningnana ako ni mama. May hawak pa itong sandok, kasalukuyan kasi itong naghahanda ng almusal.“I need to go to Manila, Ma.”Naka-bihis na ako. I am wearing a jeans and simple shirt. Naka-rubber shoes lang din ako at may bagback na dala. Ready na akong umalis.“Anong gagawin mo doon?”“May aasikasuhin lang ako. I'll be back after a day or two.” Lumapit ako dito at humalik sa pisngi niya. “Bye.”“Mag-almusal ka muna!” Pahabol na sigaw nito.Kumaway na lang ako dito. Wala na akong oras para mag-almusal. Six-thirty na, dalawang oras pa ang byahe papuntang Manila. At kapag naipit ako sa traffic mas matatagalan ang byahe.After almost three hours, nakarating na rin ako sa publishing house. Haggard na ako dahil sa byahe. Naipit na nga ako sa traffic, siksikan pa sa bus. Ang hirap talaga mag-commute. Everyone is l
Napalingon ako sa maliit na boses na tumatawag sa akin. Mula sa nakaparadang kotse, nakita ko ang batang nakalabas ang ulo sa bintana habang nakangiting kumakaway. Ang sosyal ng kotse niya. Iyon ang una kong napansin. Yayamanin talaga ang batang ito. Kunot ang noo ko bago lumapit sa kanya at nameywang. Tatlong linggo na pala ang nakakaraan mula ng huling beses na magkita kami o mas tamang sabihin ng sapilitan siyang sumama sa akin. "Wow, we meet again." Walang kalatoy-latoy na bati ko dito. "Yeah, what an unlucky day." Tumirik ang mata ko dahil sa sagot nito. Minsan iisipin ko hindi na bata ang kaharap ko dahil sa paraan ng pananalita niya. Tatalikod na sana ako pero bigla itong sumigaw. "Wait! Don't go!" "Oh, bakit?" mataray na tanong ko. Sumamingot ito. "Stop b*tching out. I just saw you, that's why I asked manong Lito to stop the car." Bigla akong yumuko at sumilip ako sa loob ng kotse kaya napa-urong ito sa upuan. Pinasok ko kasi ang ulo ko sa bintana. Tanging driver la
Pabagsak na naupo ako sa sofa nang makarating ako sa condo ni Kelvin. Mabuti na lang at may duplicate key ako ng condo niya kaya anytime pwede akong pumarito. Tamad na hinubad ko ang suot kong heels bago ko ipinatong ang mga sumasakit kong paa sa center table. Pakiramdam ko naubusan ako ng energy. Bakit nga ba sa panahon ngayon napakahirap maghanap ng trabaho. Hindi biro ang mga requirements nila pero ang sahod nakakaiyak sa liit. Sana naisip ng mga kapitalismo na kung gusto nila yumaman lalo naman na ang mga normal na empleyado. Pero ang gusto kasi ng iba pati overtime, thank you lang ang bayad. Kaya nga nagtatrabaho ang marami para kumita ng pera tapos sasamantalahin lang ng mga mayayamang negosyante.Hays, kahit hindi ako salat sa pera ramdam ko ang hirap ng marami lalo na at na-experience ko ang hirap sa pag-aapply. Pag-aapply pa lang madugo na, paano pa kaya kapag nasa trabaho na? Parang mas mabuting magkulong na lang ako sa kwarto at magsulat ng kwento kesa pagbigyan ko ang gu
Mabilis ko siyang hinila papunta sa table ko. Nang maupo ako ay naupo rin ito sa tapat ko. Sana lang hindi mapansin ng ama nito na masyado na itong matagal bumalik mula sa paalam nitong iihi lang. "You are not kidding me, right?" pabulong na tanong ko sa kanya. Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya para marinig niya ako ng maayos. Nagtatakang tumingin naman ito sa akin. Para bang nahihiwagaan sa kinikilos ko. "Why would I?" Kailan kaya mawawala ng pagka-brat ng batang ito? "Yeah, why would you lie about it?" tumatango-tangong saad ko. Lumingon ako sa kinaroroonan ng ama nito. Nakita ko itong inip na tumingin sa relo. "Why you didn't tell me that you are Jude Alejandro Rivas' daughter?" "You didn't ask me," balewalang sagot nito. Pinaningkitan ko ito ng mga mata. Pwede naman niyang sabihin kahit hindi ako nagtatanong para inform ako. "You should told me even if I did not ask you," may diin na bulong ko dito. "When I told you that my uncle is Uncle Jake why you did not connect
"Did you meet my boss?" iyan agad ang bungad sa akin ni Kelvin nang makapasok ako sa loob ng condo niya.Napataas ang isang kilay ko habang nakatingin sa kanya.Mag-isa na lang ito sa sala habang may laptop sa harapan nito. Mukhang hinihintay talaga ko nitong dumating."Where's you friends? Umuwi na?" pag-iiba ko. "I am asking you, Ate. Nauna akong magtanong. Huwag mong ibahin ang usapan."Ngumuso ako bago naupo. Umaatake na naman ang ugali niyang parang si papa. Palibhasa younger version siya ng tatay namin."What meet ba ang ibig mong sabihin? Paki-elaborate. Meet as in date?" may ngisi sa mga labi ko nang sabihin ko iyon dahilan para makatanggap ako sa kanya ng matalim na tingin. "Huwag kang mag-alala. Sasabihin ko agad kapag nag-propose na siya.""I told you to stop fantasizing him. Your imaginations are always want to reach the impossible."I rolled my eyes. Nagbibiro lang naman ako bakit ba napakaseryoso nito. Hindi ba niya alam yung salitang joke? Matagal ng uso yun. "Jowa ka
Muli akong napapikit nang tumama sa mata ko ang sinag ng araw. Bukas na bukas ang malaking glass wall sa kwarto kaya diretso ang sikat ng araw sa loob. Nasa magkabilang gilid na nito ang kurtinang de remote."Are you going back home now?" tanong sa akin ni Kelvin kaya napalingon ako sa kanya.Bihis na ito at ready nang pumasok sa trabaho habang ako ay nakahiga pa sa kama at kagigising pa lang.Kinapa ko ang gilid ng aking bibig baka may panis na laway pa ako."No. I will try to look for a job again," tinatamad na sagot ko.Hindi ako pwedeng umuwi na walang matinong trabaho. Magpapasa ako ng mga resume ngayong araw sa lahat ng mga hiring na pwede kung pasahan. Sana lang talaga may tumawag sa akin."What job? I can recommend you to some," saad nito habang isinusuot ang relo."No thanks. I can find a job on my own," tanggi ko.He is one year younger than me pero when it comes to achievements and connection alam kong mas nakakalamang siya sa akin. Kung gagamitin ko siguro ang connection n
"What... why... I mean anong kailangan mo sa akin?" naguguluhang tanong ko habang nakatingin sa lalaking madilim ang anyo habang mahigpit na hawak ang braso ko. Sinubukan kong kumawala sa hawak niya pero parang bakal ang kamay nito.Formal na formal ang suot nito na tila papasok pa lang sa opisina pero salubong na salubong na agad ang mga kilay. Ang ipinagtataka ko lang bakit siya nandito at parang galit sa akin? Paano niya nalaman kung nasaan ako? Sinundan ba niya ako? Bakit?"Mr. Rivas, let me go.""Let us talk."Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. May dapat ba kaming pag-usapan? "Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na. May lakad pa ako, IMPORTANTE. Hindi po ako pwede today, sa ibang araw na lang," saad ko habang ipinagdidiinan ang salitang importante.Totoo namang importante ang lakad ko dahil kailangan kong maghanap ng trabaho. Isa pa pwede naman na niyang sabihin ngayon ang gusto niyang sabihin bakit kailangang sumama pa ako?Lalong dumilim ang mukha nito dahil sa si
Kumunot ang noo ko bago sinalubong ang mata niya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo."Rule number one, huwag aaminin. Magmamaang maangan na lang muna ako baka makalusot. Ganoon ang laging ginagawa ko kapag may kasalanan ako at nahuhuli ni mama, sana nga lang effective sa kaniya. Gumalaw ang gilid ng labi nito. Kulang na lang maduling ako dahil sa sobrang lapit niya. Malapit na ngang magtama ang mga ilong namin. Naamoy ko na rin ang hininga niya, in fairness ang bango, amoy mint ito. Hindi ba uso sa kanya ang salitang space? Bakit kailangan pa niyang lumapit sa akin ng husto?Hindi naman ako bingi maririnig ko naman ang sasabihin niya kahit hindi siya dumikit sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang dahil kulang na lang ay magkapalit kami ng mukha.Humugot ako ng malalim na hininga bago siya itinulak palayo sa akin pero hindi man lang ito natinag bagkos hinawakan pa niya ang kamay ko na nakatuon sa dibd*b niya upang bigyang espasyo ang pagitan naming dalawa.Pinigilan kung hindi mahigit