Home / Romance / Desiring the Nanny / 6- erotic writer

Share

6- erotic writer

Abala ako sa harap ng computer ko dahil may tinatapos akong deadline para sa story ko. I am writing the erotic part. Wala akong experience sa mga ganitong bagay pero hindi iyon hadlang para hindi ako makapagsulat ng mga eksenang medyo hindi maari sa mga minor readers. Kahit alam kong sa panahon ngayon kung sino pa ang bata sila pa ang mahilig pambasa ng mga ganitong genre.

I am erotic writer. Kaya madalas puro kababalaghan talaga ang laman ng kwento ko. At siguradong kapag nalaman ni Papa na ganito ang sinusulat ko tuluyan na akong mapalayas dito sa bahay. Kaya nga ang alam lang nila writer ako, hindi ko sinasabi sa kanila na nagsusulat ako ng mga pantasya ng iba.

I am engrossed to what I am typing pero biglang napakunot ang noo ko. May nakikinig akong mahihinang hikbi. Tumaas ang mga balahibo ko sa braso at batok. Romance ang sinusulat ko pero bakit tila pang-horror yata ang nararamdaman ko ngayon.

It is already two in the morning. Kaya mas lalo akong kinilabutan. Dati naman kapag ganitong oras ay tahimik na ang paligid tanging ang tunog na kang ng keyboard ko ang aking maririnig.

Binuksan ko ang main light ng kwarto ko. Lampshade na lang kasi kanina ang bukas. Pinakiramdaman ko ang paligid. Idinikit ko ang aking tenga sa dingding. Nawala naman na ang naririnig ko.

Siguro guni-guni ko lang iyon. Bumalik ako sa pwesto ko. Ngunit uupo na sana ako ng muli kong marinig ang mga hikbi. Kinuha ko ang tennis racket na nasa may gilid ng lamesa ko bago sinundan ang hikbing aking naririnig.

Dinala ako ng mga paa ko sa harap ng kwarto ni Kelsey. Dahandahan kong binuksan ang pinto. Walang kaluskos na limapit ako sa kanya. Patay na ang ilaw pero kitang-kita ko siya na nakaupo sa gitna ng kama habang nakabalot sa kumot at nakaharap sa laptop niya. Nakatalikod siya sa akin kaya sinilip ko kung ano ang pinaoanood niya. Drama lang pala na si Jake Rivas ang bida. Nangigigil na binatukan ko siya dahilan para mapasubsob siya sa screen ng laptop.

"Bwesit ka. Akala ko may multo na. Ikaw lang pala. Kung sayo ko kaya ihampas itong raketang hawak ko." Hinayaan ko siya ng raketang hawak ko. Nangigil ako sa kanya, tinakot niya ako. "Anong oras na gising ka pa? Tapos umiiyak ka pa? Anong nangyari?"

"Si Jake kasi niloko siya." Napangiwi ako ng malakas itong suminga sa hawak na tissue.

"Hindi iyan totoo pero makaiyak ka para kang namatayan."

"Pero niloko siya ng asawa niya dito sa drama na pinapanood ko. Ang gaga ng babae ang gwapo at ang yaman nagawa pang lokohin. Kung ako sa kanya—"

"Kung ako sayo itulog mo iyan. Tantanan mo ang kapapanood ng drama. Pati palabas iniiyakan mong baliw ka," saad ko bago muling bumalik sa kwarto ko.

Akala ko may multo na. May baliw lang pala sa kabilang kwarto. Makaiyak akala mo naman totoo ang pinapanood niya. Saka bakit ba ang lakas ng hikbi niya? Istorbo siya,nasa best part na ako, eh.

Napamulat ako ng biglang lumiwanag ang paligid ko. Muli kong isinara ang mata ko ng masulo ako sa araw.

"Ma," pagrereklamo ko.

Nakapameywang ito habang may bintana. Malamang ito ang nagbukas nito at naghawi ng kurtina.

Lumapit ito sa akin at hinigit ang kumot ko. Nakipag-agawan naman ako sa kanya.

Bigla niya akong hinampas ng kamay sa hita.

"Babangon ka o liliguan kita riyan sa pagkakahiga mo?" nagbabantang saad nito.

Mabilis akong napaupo at naiinis na ginulo ang buhok ko.

"Ma, maagap pa."

Bakit ba lagi na lang nila akong ginigising habang masarap pa ang tulog ko? 

"Tirik na tirik na ang araw, nakahilata ka pa rin. Bumangon kana. Saka linisin mo itong kwarto mo, daig pa ang basurahan. Babae ka ba talaga? Kaya walang nagkakagusto sa'yo napakaburara mo."

Argh! Heto na naman siya. Tuwing nagbubunganga siya ang ending palagi ang pagiging single ko.

Sinipa pa nito ang naapakang medyas ko. Lukot ang mukha niti muling tumingin sa akin.

"Bumangon kana," muling saad nito bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Tinatamad na tumayo ako buhat sa kama. Iginala ko ang tingin ko sa buong kwarto. Magulo ang desk ko. May ilang balat ng junk foods na nagkalat dahil hindi sumilid sa maliid na trashbin sa gilid. May mga damit din akong nakasampay kung saan-saan.

Naglinis naman ako noong nakaraan. Kailangan nga ba iyon? Last week yata. Pero magulo na naman ang kwarto ko.

Nagtungo muna ako sa banyo para maghilamos at alisin ang antok na nararamdaman ko.

Paglabas ko, nameywang muna ako. Iniisip ko kung saan ba ako magsisimulang maglinis. Kumuha ako ng isang malaking plastic bag at sinimulang damputin ang mga nagkalat na balat ng sitserya at mga bote ng mga juice na ininom ko.

Sinunod ko naman ang ang mga nagkalat kong damit. Nilagay ko lahat sa dirty laundry. Vinaccum ko na rin ang ang sahig, para naman wala ng masabi si mama.

Napangiti ako matapos kong linisin ang lahat. Mukha na ulit kwarto ang silid ko.

Napahawak  ako sa tiyan ko ng bigla itong tumunog.

Nagtungo ako sa kusina. Naabutan ko si mama na naggagayak ng pagkain sa baunan.

"Ma, anong almusal?"

"Almusal? Tanghali na. Tanghalian na dapat ang hinahanap mo. Heto." Inabot nito sa akin ang isang pandesal na may cheese na palaman. "Iyan na lang natira, pahuli-huli ka kasing gumising."

Nakasimangot na kinuha ko nama  ang tinamay at sinubo. Lamang tiyan din iyon.

"Siya nga pala. Nakalimutan ng Papa mo itong baon niya. Ihatid mo muna sa kanya tapos pagbalik saka tayo magla-lunch," utos nito at binigay sa akin ang lunch box pero hindi ko agad tinanggap.

Ang tanda na ni papa tapos dadalhan ko pa ng lunch box. Pang elementary lang ang ganito e.

"Ma ang layo ng univ, saka ang init. Pabilihin mo na lang si Papa ng lunch niya today."

Sinamaan ako nito ng tingin. Iginalaw nito ang kamay na may hawak na baunan sa harapan ko. Napipilitang  kinuha ko iyon.

"Alam mo naman ang ama mo. Hindi mahilig kumain ng luto sa labas. Kung ayaw mo mainitan mag-tricycle ka. Sige, lumakad kana."

Nakasimangot na tumalikod na lang ako. Kung magta-tricylce ako, hindi ko sigurado kung may dadaan agad. Baka naman pagalitan nila ako pareho kapag na-late kung madala ang tanghalian ni Papa. Bakit ba kasi nakalimutan niya? Ako tuloy ang makikipagsagupaan sa init ng araw. Sayang ang maporselan kong kutis nito, eh.

Sumakay ako sa bisiklita ko at mabilis na nagpedal patungo sa university kung saan nagtuturo si Papa.

Tulo na ang pawis ko ng nakarating ako after less than fifteen minutes. Pabalandra kong itinigil ang bisiklita ko sa may gate. Dire-diretso akong pumasok. Kilala naman na ako ng mga guard dito dahil maliban sa dito nagtuturo ang ama ko, dito rin ako nagtapos ng pag-aaral.

"Oh, Kat Sebastian. Naligaw ka yata," bati ng old P.E instructor ko nang pumasok ako sa faculty room ng walang babala.

"Hello, Mr. Trinidad, I am here to bring this." Itinaas ko ang hawak kong lunch box.

"Nasa klase pa ang ama mo. You can wait him or you can just put it on hos table." Itinuro niya ang table ni Papa.

Lumapit ako sa mesa ni Papa at ipinadong ang pagkain niya. Madaming papel sa ibabaw ng mesa. Pero napangiti ako ng makita ko ang family picture namin.

"Salamat po. Mauna na ako."

"Aalis kana agad?"

"Bakit mo pipigilan? Hayaan mo siya dahil baka gumawa pa iyan ng kalokohan kapag tumambay pa rito," singit ni Ms. Morales. Siya ang Rizal prof ko noon. M*****a kasi matandang dalaga.

Lumapit ako kay Mr. Trinida at bumulong, "Ligawan n'yo na 'yan, Sir. Nang mawala ang pagiging masungit."

Binatukan ako nito ng nakabilog na papel na hawak. "Puro ka talaga kalokohan. Parang sinabi mong magpatiwakal na lang ako."

Natawa ako ng malakas dahil sa sinabi niya. Dahilan para tingan ako ng masama ni Ms. Morales.

"Ms. Sebastian this is a faculty room not a market."

Nag-peace sign naman ako dito. "Sige, sir. mauna na ako."

Tuluyan na akong lumabas ng faculty room. Baka kasi bigla na lang akong magliyab dahil sa mga tingin ibinibigay sa akin ni Ms. Morales. Mukhang galit na galit pa rin ito. Noong nag-aaral pa kasi ako dito sa univ, aksidente kong nalaman na may nanliligaw sa kanya. Dahil may pagkatsismoso ako kwenento ko sa barkada tapos nalaman na ng lahat at napurnada ang lovelufe niya dahil may-asawa na pala iyong lalaki. Dapat nga magpasalamat siya sa akin, kasi niligtas ko siya sa pagiging kabit niya.

Naglalakad ako sa hallway ng biglang may bumangga sa akin dahil ang haharutan sila ng mga kaibigan niya.

"Bulag ka ba? Saka, paano ka nakapasok dito? You look cheap and poor. Nakapambahay ka lang." Nandidiring tiningnan ako nito, maging ng mga kaibigan nito.

"Siguro hindi siya, estudyante. Baka janitress," saad naman ng isa at sabay-sabay silang nagtawanan.

Tiningnan ko sila isa-isa. Puro mga bling-bling sa katawan. Masyado pang masakit ang color combination ng mga suot nilang damit. Violet na blouse and green short skirt with red high heels. Pink crop top and yellow leggings with pink rubber shoes too. And the last one is wearing, floral dress with white sandals okay na sana ang suot nito pero sa make up naman ito bumagsak. Daig pa nito ang nasapak dahil sa kapag ng blush on. Iyong totoo saang mga peryahan galing ang mga ito?

Hindi naman na ako estudyante dito siguro naman kahit mapaaway ako hindi na ako maga-guidance.

Nagkamali sila ng binangga.

Nginisihan ko sila. "Kung cheap ako. Clowns naman kayo."

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nan
May katapat.na Sila para manglait ,Hahaha.....
goodnovel comment avatar
Nan
Nice story.i love it
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status