HINDI umimik si Asia matapos na marinig ang sinabi ng babae. Niyaya niya itong makipag-usap sa kanya sa may sasakyan. At hindi nga siya nagkamali nang hinala. Kinakasama ito ni Francis at may isang anak ang mga ito. Nakaramdam siya nang konsensya dahil sa nangyari sa kanila noon. Hindi niya iyon sinasadya. Mukhang naging third-party pa siya. At kaya siya nito kilala dahil bukambibig daw siya ni Francis. At siya ang dahilan minsan ng pag-aaway ng mga ito. Gusto raw makipaghiwalay ni Francis dito dahil sa kanya.“I-i’m sorry,” aniya, nagbaba din siya nang tingin. “Ayos lang, Miss Del Franco. Alam ko namang may boyfriend ka. At itong si Francis lang ang problema.”“Still, naging rason ako para pag-awayan niyo. Promise, hindi ako magiging problema sa inyong dalawa. N-na-curious lang ako nang makita ko kayo kanina.”Ngumiti sa kanya ang babae. “Naniniwala naman ako sa ‘yo. Kilala ko si Francis, kaya ‘wag kang mag-alala.”Nakahinga nang maluwag si Asia sa sinabi nito. At least, nabawasan
AGAD na pumasok si Callen sa elevator, at pinindot ang button kung saan naroon ang opisina ni Kana. May pa-urgent ito kaya wala siyang choice kung hindi ang puntahan ito.“I’m sorry sa rush na patawag ko.” Nakipagbeso siya kay Callen.“It seems urgent.” Tinuro ni Kana sa kanya ang sofa ng opisina nito. Pumunta siya doon at naunang umupo habang hinihintay ito sa paglapit. Nakatitig ito sa kanya nang maupo sa harapan niya.“We have a problem,” bungad ni Kana sa kanya kapagkuwan.“Speak.”Pinagkrus niya ang legs niya habang may iniisa-isa itong lagay na papel sa center table. Sunod nitong inilagay ang isang pamilyar na photo ng lalaki.Iyon ang lalaking kinontrata nila bilang Ismael. At dahil hindi naman siya pwedeng magpakilala sa madla bilang isang manunulat. Hindi naman kasi siya simpleng tao. “He’s no longer, Ismael.” Napaangat siya ng kilay.All these years, ito ang kilala niyang Ismael. Ang siyang pumipirma sa mga book na nai-publish under nila Kana.“Pero bago siya umalis ay may p
NAKANGITING pinagmasdan ni Callen si Asia na himbing na natutulog sa likod. Sinundo niya ito mula sa condo nito ngayon lang. Pwro dahil inaantok n raw ito ay pinatulog na lang niya sa likuran.Dalawang araw silang hindi nagkita dahil sa naging abala si Asia sa trabaho. Dalawang araw na nasa Davao ito kasama ang Kuya nito para sa isang business deal. Sinunod siya nito na maging abala muna sa trabaho nito dahil hindi pa sila maaring gumawa ng hakbang para sa next level ng kanilang relasyon. Hindi na rin nila naitago sa mga kaibigan ang namamagitan sa kanila. Although alam naman na ng mga ito, wala pa ring kumpirmasyon mula kay Asia. Ang dalaga lang talaga ang hinihintay nila.Nang marating ang haven niya ay masuyo niyang pinangko ang dalaga. Pero hindi pa man siya nakakalayo sa sasakyan nang magmulat ito ng mata. “We’re here,” aniya sa dalaga.Inilinga ni Asia ang mata. Napangiti ito kapagkuwan.Hinayaan niya itong maglakad na lang ayon sa kagustuhan nito. Dinama nito ang lamig dito sa
TUMANGO si Lexxie sa kanya nang ikuwento ni Asia ang lahat dito.“Something is off. Hindi mo ba napapansin?” anito.Alam na niya iyan. Parang na-setup siya.After nilang mag-usap, tumawag ito kay Ian. Hindi na siya nagtaka kung bakit inagaw ni Callen ang telepono sa kaibigan ng mga sandaling iyon. Alam na rin pala ng mga ito na gumalaw na ang kalaban. Isa lang talaga ang pinaghihinalaan niya ng mga sandaling iyon. Si Inés.Hindi umalis si Lexxie sa tabi niya hangga’t hindi dumadating si Callen. Hindi na rin siya nagtaka nang makitang may mga nakasunod na security dito.Umuwi siya sa bahay nila dahil gusto siyang makausap ng Daddy at Mommy niya. Mahigpit na yakap ang binigay ng mga ito sa kanya pagkakita sa kanya. Nasa sala din ang Kuya Darryl niya, na noo’y seryoso lang habang nakasandal. May hawak itong kopitang may laman ng alak.“Hindi naman makukulong ang anak natin, right?” tanong ng ina niya.“Hindi. Hindi ko hahayaan mangyari ‘yan, baby. Sinisiguro ko sa ‘yo, baby. Okay?” ani
Makalipas ang apat na taon…Molveno, Italy“WHAT’S that?” Nag-angat si Asia nang tingin kay Leone nang makita ang envelope na inilpag nito sa batuhan.“Have you forgotten? 5 days na lang expired na ang visa mo. Kaya pinadala ito ni Tito.”“Plane ticket?”“Maybe.” Nagkibit balikat pa ito.Sinulyapan niya lang iyon. Binalik niya ang tingin sa running water.“Can’t I stay longer?”Bumuntong hininga ito.“Hindi pwede.”Sumimangot siya nang marinig ang sinabi nito.“I hate you,” sabi na lang niya.“Asia,”“What? Hindi niyo ba nakikita? Nag-e-enjoy pa ako dito. Akala ko ba gusto mo akong kasama?” “Yeah. Gusto ko. Pero hindi ka ba napapagod? Ginawa mo nang probinsya ang Italy. ”“Marami kaming pera. Kaya kahit saan ko gustong magpunta, ayos lang,” sagot lang niya.Napapikit si Leone. “I know. Pero ako ang napapagod sa ‘yo.”Bigla siyang nalungkot dito. “So, pagod ka na sa akin?” malungkot na tanong niya kay Leone.“No! Never akong mapapagod sa ‘yo. Okay? Ang akin lang, bawasan mo ang pag-t
MABILIS ang pag-angat ni Callen nang tingin sa secretary nang pumasok ito. Kanina pa niya inaabangan ito para makibalita. “Ano? Kailan ang uwi niya?” “As of now po, negative. Pero may natitirang dalawang araw pa naman po bago mag-expired ang visa niya.” Damn! Isang buwan na siyang parang tangang paulit-ulit na nakikibalita. Actually, hindi na bago ito. Every time na lumabas ng bansa si Asia, parang tanga siyang naghihintay sa pagbabalik nito. Hindi naman niya magawang puntahan ito dahil sa kasunduan nilang dalawa. Kasalanan niya kung bakit umabot sila sa ganito. Kung maibabalik lang niya ang nakaraan. Mapait na tumingin si Callen sa picture frame. Silang dalawa iyon, at kuha iyon four years ago. Iyon na ang pinakamasayang araw para sa kanya, at the same time, pinakamalungkot na araw para sa kanya. Umuwi si Callen sa bahay niya na walang na namang balita kung makakabalik ba ngayong linggo si Asia. Malapit na ang kaarawan niya. Kailangang hindi na ito lumabas ng bansa ulit. Dahil
4 YEARS AGO…KAKALABAS lang ng sasakyan ni Asia sa bahay nila nang matanaw ang sasakyan ni Callen. Nakasunod ito sa kanya kaya sa opisina nila siya dumiretso. Magkunkunwari na lang siyang abala ngayon. Dapat mamasyal siya para maglibang. Pero heto, may nakabuntot kaya ‘wag na lang.Agad na sinubsob ni Asia ang sarili sa mga papeles. Madalang siya rito kaya tambak na ang trabaho niya. Dapat siya ang humaharap sa mga meetings pero ang nangyayari, ang Kuya niya ang gumagawa ng gawain niya. Hindi pa man nagtatagal ang mata niya sa pagbabasa ng dokumentong hawak nang bumukas ang pintuan niya. Kakasabi niya lang sa secretary na ayaw niyang magpa-istorbo pero heto, may pumasok.Napakunot siya ng noo nang makita si Callen.“Maling kumpanya yata ang pinasukan mo,” paalala niya. Binalik niya ang sarili sa papeles. Pero may humablot lang din noon.“Ano ba!” singhal niya rito kapagkuwan.Nakita ni Asia na itinago nito sa likuran nito. Pero ibinalik naman nito agad. Sinamaan niya ito nang tingin
ILANG lunok si Asia nang makatungtong ulit sa bahay na iyon. Everytime na umaapak siya rito, nabibigatan siya. This house reminds her of that day. Bakit kasi kailangang pauwiin siya ni Callen dito? Why?Nilingon niya si Callen. “Sa guestroom ako, pwede ba?”“Ayoko.”“C-Callen. Please?”Umiling ito sa kanya. “You’re hurting me, Callen. Alam mo ba ‘yon?” anas niya sa nahihirapan.“What? How? Please, explain it to me, Asia.I really don’t understand what is happening to you.”“You really don’t know what you all did to me? Huh?” Napatitig sa kanya ang asawa. “You ruined me. You took my happiness and my freedom,” puno nang hinanakit na sambit nito.Kasunod niyon ang pagbalik alala niya sa nakaraan…***“ASIA, wait!” Napalingon ang dalaga nang marinig ang boses ng kaibigang si Ian. Kakalabas niya lang noon ng ZL Lounge.“Yes?”“Have you talk to Callen?”“About saan?”“About the wedding.”“Wedding?” Kunot ang noo ni Asia ng mga sandaling iyon. Kasal na sila ni Callen, a. “Kasal na kami, a. M