MABILIS ang pag-angat ni Callen nang tingin sa secretary nang pumasok ito. Kanina pa niya inaabangan ito para makibalita. “Ano? Kailan ang uwi niya?” “As of now po, negative. Pero may natitirang dalawang araw pa naman po bago mag-expired ang visa niya.” Damn! Isang buwan na siyang parang tangang paulit-ulit na nakikibalita. Actually, hindi na bago ito. Every time na lumabas ng bansa si Asia, parang tanga siyang naghihintay sa pagbabalik nito. Hindi naman niya magawang puntahan ito dahil sa kasunduan nilang dalawa. Kasalanan niya kung bakit umabot sila sa ganito. Kung maibabalik lang niya ang nakaraan. Mapait na tumingin si Callen sa picture frame. Silang dalawa iyon, at kuha iyon four years ago. Iyon na ang pinakamasayang araw para sa kanya, at the same time, pinakamalungkot na araw para sa kanya. Umuwi si Callen sa bahay niya na walang na namang balita kung makakabalik ba ngayong linggo si Asia. Malapit na ang kaarawan niya. Kailangang hindi na ito lumabas ng bansa ulit. Dahil
4 YEARS AGO…KAKALABAS lang ng sasakyan ni Asia sa bahay nila nang matanaw ang sasakyan ni Callen. Nakasunod ito sa kanya kaya sa opisina nila siya dumiretso. Magkunkunwari na lang siyang abala ngayon. Dapat mamasyal siya para maglibang. Pero heto, may nakabuntot kaya ‘wag na lang.Agad na sinubsob ni Asia ang sarili sa mga papeles. Madalang siya rito kaya tambak na ang trabaho niya. Dapat siya ang humaharap sa mga meetings pero ang nangyayari, ang Kuya niya ang gumagawa ng gawain niya. Hindi pa man nagtatagal ang mata niya sa pagbabasa ng dokumentong hawak nang bumukas ang pintuan niya. Kakasabi niya lang sa secretary na ayaw niyang magpa-istorbo pero heto, may pumasok.Napakunot siya ng noo nang makita si Callen.“Maling kumpanya yata ang pinasukan mo,” paalala niya. Binalik niya ang sarili sa papeles. Pero may humablot lang din noon.“Ano ba!” singhal niya rito kapagkuwan.Nakita ni Asia na itinago nito sa likuran nito. Pero ibinalik naman nito agad. Sinamaan niya ito nang tingin
ILANG lunok si Asia nang makatungtong ulit sa bahay na iyon. Everytime na umaapak siya rito, nabibigatan siya. This house reminds her of that day. Bakit kasi kailangang pauwiin siya ni Callen dito? Why?Nilingon niya si Callen. “Sa guestroom ako, pwede ba?”“Ayoko.”“C-Callen. Please?”Umiling ito sa kanya. “You’re hurting me, Callen. Alam mo ba ‘yon?” anas niya sa nahihirapan.“What? How? Please, explain it to me, Asia.I really don’t understand what is happening to you.”“You really don’t know what you all did to me? Huh?” Napatitig sa kanya ang asawa. “You ruined me. You took my happiness and my freedom,” puno nang hinanakit na sambit nito.Kasunod niyon ang pagbalik alala niya sa nakaraan…***“ASIA, wait!” Napalingon ang dalaga nang marinig ang boses ng kaibigang si Ian. Kakalabas niya lang noon ng ZL Lounge.“Yes?”“Have you talk to Callen?”“About saan?”“About the wedding.”“Wedding?” Kunot ang noo ni Asia ng mga sandaling iyon. Kasal na sila ni Callen, a. “Kasal na kami, a. M
MALUNGKOT na pinagmasdan ni Callen si Asia na natutulog ng mahimbing. Sobrang lapit nito sa kanya pero parang hindi niya maabot. Nagalit ba ito sa kanya dahil sa sapilitang kasalan nila? Pero hindi ba mahal siya nito?Naupo siya sa kama at hinaplos ang pisngi nito. Pero hindi man nagtagal, nagising ito at pinalis ang kamay niya. “Take your hands off me!” Umusod pa ito sa gilid. Kaya napilitang tumayo na lang si Callen. Kinuha niya ang unan at pumunta sa couch.Mas lalong lumayo yata ang loob ni Asia sa kanya dahil sa pagsundo niya rito. Pero mas maigi na ito kesa kasama nito ang lalaking iyon. Nagseselos siya.Nagtipa siya nang mensahe kay Ian para makibalita. Hanggang ngayon, hindi niya alam kung ano ba talaga ang pinakadahilan kung bakit naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya.Wala namang good news kaya nagpasyang ihiga na lang din iyon ni Callen. Pipikit na sana siya nang tumunog ang cellphone niya. Nang makitang si Ian iyon ay sinagot niya agad. Pumunta siya sa balcony para
AGAD na ikinuwento ni Callen ang ilang eksena na naalala niya sa mag-amang Sebastian at Ian. Dumating din ang ama niya dahil tinawagan niya rin ito bago siya pumunta. Malakas ang pakiramdam niyang may alaala siyang nawala. Hindi naman iyon panaginip dahil gising siya. At sa tingin niya dahil iyon sa lalaking pulis na nakasalubong niya.“Is it possible, dad? Na may nawawalang memory kay Callen?” Lumingon pa ang kaibigang si Ian sa amang si Sebastian.“Yes. Depende sa na-intake na substance, at kung gaano ba ka lakas ang pagkap4lo sa ulo niya.” Tumingin sa kanya ang Ninong Sebastian niya. “Wala ka na bang ibang naalala that day maliban sa pagpalo sa ulo mo at pagpapainom ni Ines sa ‘yo?”Ang pagpalo sa ulo niya, ito ‘yong na-corner siya ni Ines, at tauhan nito ang may gawa. Ito lang ang nasa findings din sa kanya.“Sa ngayon po wala pa. Hanggang doon pa lang ang natatandaan ko. At basta nagising na ho ako kasama na nila Ian. Kanina lang nangyari ito sa akin.”“Tatlong oras kang nawawala
“SH*T, Laura! Mukhang kailangan kong mag-cutting class bukas!” bulalas ni Asia habang nakatitig sa cellphone niya.“At bakit naman?” kunot-noong tanong ng kaibigan.Bumaling siya sa aking kaibigang si Laura. “Hindi mo ba nakikita?” Tumingin pa siya sa cellphone niya na ikinasunod din ni Laura.“Ano ba ‘yan?”Kinuha ni Laura sa kanya ang cellphone niya at tiningnan ang post ng isang pubhouse.“Bukas na ang book signing event ni Ismael para sa second book niya.” Nakasimangot na ibinalik sa kanya ni Laura ang telepono niya.“Sa pagkakatanda ko, hindi siya dumating sa first signing event niya. Kaya ‘wag ka nang mag-expect ngayon dahil ang bali-balita, babae ‘yan.”“Hindi nga, e. Lalaki siya, malakas ang pakiramdam ko.” 200% sure siya sa bagay na ‘yan. Hindi siya maaaring magkamali dahil dito kaya siya magaling.“Hay, naku na lang, Asia Jade. Kung kay Callen mo na lang tinutuon ang atensyon mo, hindi ka na mag-cutting class pa.”Sumimangot siya nang marinig ang pangalan ni Callen. “Kung
PAKIRAMDAM ni Callen, may nakabara sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. Alam niya namang napaka-straightforward magsalita ni Asia pero nasaktan pa rin siya. Actually, paulit-ulit na siya nitong nire-reject, e. Kaso, wala pa sa bokabularyo niya ang pagsuko. As usual, palilipasin niya lang ito tapos babalik ulit sa dati na parang wala lang.Nang pumasok ang taon na ito, nalilito na siya sa nararamdaman niya towards Asia. Hindi lang pala siya natutuwa sa dalaga kung hindi nagkakagusto na rin. Pero walang nakakahalata noon sa mga kaibigan niyang lalaki. Akala lang ng mga ito, sinususugan siya lang ang pagka-disgusto ni Astin kay Asia dahil sa naging nakaraan ng magulang ng mga ito. Ewan niya lang sa mga babae nilang mga kaibigan kung iba ang paningin ng mga ito sa pakikitungo niya kay sa dalaga.Sa totoo lang, nakailang tanong na siya kay God kung kailan kaya mapapagod si Asia kay Astin. Seryoso, nandito kaya siya, kaya bakit kay Astin pa? Nakailang tingin din siya sa salamin, gwapo n
“ANONG oras niyo ba ako dadaanan mamaya?”Nagkatinginan si Andrea at Laura. Makikisakay lang si Asia sa mga ito dahil wala ang Kuya Daryl niya. Ayaw naman niyang magpahatid sa mga tauhan ng Daddy niya dahil nagmumukha siyang anak ng Presidente. Lahat ng mga ito magfo-formation sa magkabilaang gilid ng dadaanan niya. Kulang na lang kaya red carpet ang dadaanan niya minsan. Masyadong nakaka agaw pansin.“Um, before 8?” Si Andrea ang sumagot.“Okay. Bye!” aniya. Magkasama ang ito sa bahay kaya iisa lang ang inuuwian ng mga ito. At minsan, iisa lang din ang gamit na sasakyan ng mga ito at si Andrea ang nagmamaneho.“Uuwi ho ba tayo, Ma’am?” Tumango siya sa bodyguard niya nang lapitan siya nito. Agad namang nagsalita ito sa kabilang linya at sinabing palabas na siya ng campus.Pagdating niya sa bahay nila ay nadatnan niya ang Mommy niya na nagluluto ng dinner nila. May mga kasambahay naman pero pagdating sa pagkain nila, ito ang nagluluto. Maliban na lang kapag masama ang pakiramdam nito.