Nakangiti ako habang tulak ang cart na galing pa sa Mall. Isa-isa ko iyong ibinaba nang mabuksan ang pinto ng unit at hinintay ang isang staff ng Mall na sumama sa akin para tulungan akong i-biyahe ang malalaking gamit tulad ng crib, stroller at mga malalaking pambatang laruan. "Here's your tip. Thank you." Napangiti ang staff nang matanggap ang pera. "Salamat, sir!" aniya at nagpaalam. Isinarado ko ang pinto at binuksan naman ang sa kwarto kung nasaan si Scarlet. Naabutan ko siya sa upuang binili niya online. Malambot ang kutson n'on at foldable kaya napapahaba o napapahilig. May magkabilang arm rest at higit sa kahat, may massager. Nilapitan ko siya at nakitang nakapikit ito. Nakasandal ang ulo niya sa head rest ng upuan habang ang dalawang kamay ay nasa ibabaw ng tiyan niyang malaki na ang umbok. Lumuhod ako sa gilid niya at hinalikan ang tiyan niya. "Hi, baby!" bati ko rito at nakangiting hinaplos iyon. Sunod ay tumayo ako para halikan ang noo ni Scarlet. Nang gumalaw siya at
Kyrous' POVIt's earlier than I expected. Akala ko ay sa susunod na linggo pa ang ka-buwanan niya! Wala akong pinalampas na segundo para mapuntahan siya. Mabuti na lang pala ay na-rentahan ko ang kwarto sa kabilang unit. Kahit masakit sa bulsa, I rented some hospital equipments and hired medical personnels to be ready when this day comes. At dahil busy ako kaninang bumili ng cheese, di ko namalayang tumatawag na pala sa akin ang personal nurse na binayaran ko. Napamura ako dahil sa labis na kaba nang makapag-park. Dala ang isang plastic, tumakbo ako papasok sa Condo Hotel kung saan kami nakatira ni Scarlet. Mas nataranta ako nang sumara ang elevator at umangat na. Hindi pa ako nakasakay! Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa isa pang elevator na nakasara rin pati na sa hagdanan patungong taas. Parehas na matatagalan kung maghihintay ako at aakyat. Tumakbo ako at tinungo ang hagdan. Mas okay nang kumilos kaysa maghintay roon. Gusto kong nasa tabi ako ni Scarlet habang iniluluwal ang ana
Scarlet's POVNaalimpungatan ako ako na may nararamdamang sumusuklay sa buhok ko. "Yes, mom. They are with me right now."Nang marinig ang pamilyar na boses ni Kyrous ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakumpirma kong naroon pa rin ako sa kung saan ako dinala ni LJ kanina at inuluwal ang anak ko.Rumagasa ang kaba sa dibdib ko nang makita si Kyrous. Nakaupo ito sa gilid ko. Bumaba ang tingin ko sa sanggol na nasa tabi. Napaawang ang labi ko at hindi mapigilang tignan ang lalake. Nakangiti siya nang magtama ang paningin namin. "I'll call you later, mom, dad," pagtapos niya sa usapan bago hinawakan ang kamay ko. "Scarlet, baby..." tawag niya sa akin.Kita ko ang tuwa sa mga mata at ngiti niya. Pero kasalungat ang nararamdaman ko. Pumatak ang luha ko nang makita sa malapitan ang katabi. Nakabalot siya sa puting tela, nakabihis na rin. May medyas, guwantes at bonnet ito. Ang cute-cute niya! Gusto ko siyang alagaan."K-kyrous, kukunin mo na ba siya?" 'di ko maiwasan ang pait s
"May gusto ka bang pagkain para sa dinner mamaya, Scarlet?"Nilingon ko si Kyrous. Prente siyang nakaupo habang nakaharap sa laptop. Nakasandal sa dibdib niya si Cara na nasa baby carrier. Pinagsasabay niya kasi ang trabaho at pagpapatulog sa anak."Kahit ano na," sagot ko at muling tinignan ang iPad. Bumalik na kasi ako sa pag-aaral dahil kaunting buwan na lang ay makakabalik na ako sa Academy. Mula sa gilid ng mga mata ko, kita kong tumayo siya at inilagay sa crib si Cara. "Sleepwell, baby," rinig kong bulong ni Kyrous. Ilang saglit pa'y lumabas siya kaya tinignan ko ang anak na nagsimula na namang umiyak. Simula no'ng iniluwal ko siya hanggang ngayon, hindi ko pa siya naalagaan. Palaging si Kyrous kahit busy siya at ako, walang ginagawa. Natatakot kasi ako. Baka 'di ko na sila kayang pakawalan. Gusto ko kasing unahin ang pangarap ko kaysa sa pamilya namin. Tutal, nandyan naman na si Kyrous para alagaan ang anak.Nang lumakas ang pag-iyak niya ay unti-unti akong umalis sa kama par
Scarlet's POV"You don't even know how to cook," matabang na pagpaparinig ng mama ni Kyrous sa akin habang tinitignan ko ang pagkakasunod-sunod ng pagluluto gamit ang cellphone. Nagpresinta ako para makapagpahinga naman si Kyrous at gusto kong patunayan ang sarili ko sa mama niya. Pero, ito pa ang sasabihin niya."Marunong naman po, ma'am. Palagi lang kasi akong ini-spoil ni Kyrous dati kaya hindi ko na masyadong tanda kung paano magluto," mahinahong pagki-kwento ko sa kanya at ibinaba ang gadget para hinihintayin ang pagkulo ng manok sa lutuan."So, you're now admitting you're after his wealth? And how dare you make him your sugar daddy?!" bakas ang gigil sa boses niya at napainom ng malamig na tubig na nakahanda sa harapan niya. "You're too low compared to Serenity." Natahimik ako ng banggitin niya si ate. "She's your sister, right? You must know that she's way better than you in everything," dagdag pa nito. Kumilos ako para tignan ang niluluto. Pagbalik, doon ako pa lang ako suma
Doon ako nagsimulang maging mapalapit sa kanilang dalawa. Pero dahil pasukan na ulit, nabawasan na naman ang oras ko para makasama sila. Tatlong beses na mas busy ang schedule ko kumpara sa dati dahil madami akong kailangang habulin. Nagsisisi tuloy akong hindi pinansin ang mag-ama ng tatlong buwan."May anak na raw si Sir Kyrous!" Isang araw habang sakay ng elevator ay narinig ko iyon sa katabing babae. Napatingin din sila ng kasama niya sa akin at muling nagbulungan na para bang 'di ko sila mariririnig kahit nasa magkabilang dulo kami."Oh, 'di ba siya 'yong girlfriend ni sir dati na nag-drop?""Hala! Baka siya 'yung nabuntis ni sir!" palakas nang palakas ang boses nila. Nag-iwas ako ng tingin at binalewala ang opinyon nila. Nang makarating sa pangalawang palapag kung nasaan ang First Aid Station ay hinanap ko ang room number ko. Kabado ako habang naghihintay sa instructor. Ang labing isa ko pang kasama sa kwarto ay gano'n din. Wala akong mamukhaan sa kanila mini isa. Ang dalawa p
Scarlet's POVHalos maiyak ako nang makita ang nakakalulang mga tanong sa exam. Mas lalo akong kinabahan. Hindi ako pwedeng bumagsak ngayong malapit na 'ko sa paglipad.Pumikit ako at kinalma ang sarili. Bigla ay naalala ko ang suportang ibinigay ni Kyrous sa akin kanina at iyong pagtawa ni Cara. Hindi lang para sa akin ang exam na 'to kun'di para sa kanila. Gusto kong maging proud sila sa akin.Huminga ako ng malalim at muling binasa ang mga tanong. Unti-unti naiintindihan ko ang mga iyon at naging sapat naman ang oras para matapos."How's your exam?" tanong sa akin ni LJ nang magkita-kita kami sa Cafeteria. "Nasagutan ko lahat!" I proudly answered and took the sliced of cake I ordered. "Naks! Party tayo 'pag pumasa ka, ha?" anyaya ni Khan at humalakhak.Akmang makikitawa ako nang mahagip ng mga mata ko ang bagong pasok sa double door ng Cafeteria. Kyrous proudly walked while wearing formal tuxedo and an infant carrier. Naroon si Cara. Ang kanang kamay ay alalay sa anak at sa kabil
Nang makarating, agad na chineck-up si Cara. Kasama niya si Kyrous do'n samantalang ako ay nagpaiwan sa labas. Saglit akong napaisip. Alalang-alala rin ba si mama sa akin no'n kapag may lagnat? Wala kasi akong matandaang nag-alala siya sa akin at inalagaan niya ako tuwing may sakit. Palaging si ate.Muli kong tinignan ang saradong pinto. I just promised to Kyrous' mom that I'll protect and take care of him and Cara. Ayaw ko ring igaya ang anak ko sa sarili ko. Gusto kong maramdaman niya rin ang pagmamahal at alaga ng mama niya. Tumayo ako at kumatok sa pinto kung saan pumasok ang mag-ama. Si Kyrous ang bumungad sa akin nang bumukas iyon. Hangkan niya si Cara na nakanguso, sumisighot ng sipon at may luha sa gilid ng mga mata. "Kamusta na siya?" bungad ko sa lalake at agad na kumuha sa tissue ng bag ni Cara para pinunasan ang luha at sipon ng anak. Kawawang-kawawa ang itsura nito. Halata rin sa mga mata niyang gusto na niyang matulog."She undergone blood testing and the doctor is sill