Scarlet's POV"Agape..." bulong ko sa sariling apilyedo habang ang mga daliri ay dahan-dahang bumababa sa listahan ng mga pasado sa exam. Hindi ko alam kung ilan ang kabuuang bilang namin na nag-exam noong araw na 'yon pero trenta lang daw ang nakapasa at nasa pang-benteng rango na ako pero wala pa rin ang pangalan ko."You're on twenty-seventh." Naestatwa ako nang marinig ang pamilyar na paos at baritonong tono. Amoy na amoy ko rin ang bango niya dahil sa lapit namin sa isa't-isa.Hindi pa ako nakakabawi sa pagkakagulat nang hawakan niya ang kamay kong nakaturo sa lists at ibinaba niya iyon hanggang sa makita ko ang pangalan ko. Pasado ako! Binawi ko ang kamay mula sa pagkakahawak niya at napatakip ng sariling bibig dahil hindi makapaniwala. Naiiyak na rin ako dahil sa saya."Congrats..." rinig kong bati niya. Ibinaba ko ang kamay at yumuko ng kaunti sa kanya. "Thanks po."His brows forrowed. Then he licks his lower lip and answered, "You're welcome." Tumango ako at tumalikod na s
Tinaas niya ang kilay at mas inilapit ang kamay niya sa akin nang hindi ko iyon inabot. "Scarlet," tawag niya pero umiling ako at inabot ang tali na nasa gilid inflatable rescue boat. "Kaya ko po ang sarili ko." Hinatak ko iyon at binuhat ang sarili para tulungang umangat."You're braver than I expected," rinig kong usal niya nang inangat ko ang binti para sumampa sa bangka.Nang makasakay ay lumayo ako sa kanya at tahimik na niyakap ang sariling hita dahil sa lamig. Alam ko kasing pwedeng may masabi na naman ang iba sa akin kapag tumabi ako sa kanya. Nang tumalikod siya ay pinanood ko ang pag-talon ng lalakeng kaklase. Gano'n din ang sa ibang mga bangka. May kanya-kaya ring nagbabantay na rescue sa kanila."Here." Tiningala ko si Kyrous at kinuha ang puting towel na inalok niya. "Galit ka ba sa 'kin?" Umiling ako at kumapit sa gilid ng bangka nang gumalaw iyon papunta sa direksyon ng kaklaseng si Nick Archer."Balik ka na sa amin." Nagpatuloy si Kyrous.Muli, tanging pag-iling la
Scarlet's POVNang magising ako ay niligpit ko ang kumot bago lumabas. Nadatnan kong pasikat pa lang ang araw at sa malapit na dagat, natanaw ko si LJ. Kahit likuran niya lang 'yon, alam kong siya.Dahil sa lamig, itinago ko ang kamay sa dulo ng jacket na suot at nilapitan siya. "Good morning!" bati ko habang nakangiti. Napalingon siya sa akin at sinundan ako ng tingin hanggang sa makaupo sa tabi niya. "Good morning too, Scarlet.""Kanina ka pa rito? Aga, ah?" sinubukan kong maging masigla ang boses. Mukha kasing malungkot siya."Yeah, 'di kasi ako makatulog." Tumango ako at bumaling sa kanya. Nakatigin lang siya sa harap at sinusundan ang hampas ng alon sa dagat. "May problema ba?" nag-aalalang tanong ko. Then I remember, this is the first time I saw him lonely. He's always fine, unbothered, and ready to help and give advices. And now, I wanna comfort him too.Tumango siya at narinig kong bumuntong hininga. "I'm confused... I don't know what to prioritize now." Tumingin ako sa ha
"Kikay na kikay si Cara. Mana sa 'yo, Scarlet!" komento naman ni ate kaya napatingin ako sa kanya.Napangisi ako. "Simple pa lang naman 'to para sa akin, ate. 'Pag lumaki siya, aayusan ko ng bongga!" Hinarap ko ang anak at hinaplos ang pisngi niya. "Gusto mo 'yon, baby?" malambing tanong ko.Dalawang impit na tawa lang ang isinagot niya. Natuwa kaming tatlo roon. Ang cute! Hindi na ako makapaghintay na lumaki siya. Tuturuan ko siyang mag-make-up, magtirintas ng buhok at magsuot ng trending fashion. "Kyrous, nabanggit ko kay Scarlet na alam na ni mama ang tungkol sa inyo. Gusto niyong akin muna si Cara para makapag-usap kayo?"Imbes na sa nagpapaalam na si ate, sa akin tumingin si Kyrous. May pag-aalala sa mga mata niya. Pinutol ko ang titigan namin sa pamamagitan ng pagbaling kay Ate Serenity. "Ipasyal mo muna siya sa labas, ate."Pinanood ko ang paglabas nina ate at Cara. Umupo ako sa malambot na kama nila at tiningala si Kyrous nang magsalita siya. "I'm sorry, I know you don't wan
Scarlet's POV"Scarlet! Have you seen LJ?"Matapos tanggihan ang singsing na ibinigay ni Kyrous ay tumakbo ako palabas ng kwarto nila habang nanlalabo ang mga mata dahil sa nagbabadyang luha. "Scarlet! I'm talking to you!" iritadong boses ni Anastacia. Pinunasan ko ang mga luha at marahas na binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "I don't! Pwede ba, 'wag ka munang epal? Nagda-drama ako rito, e!" "Then where is he? Kayong dalawa na lang ang wala ro'n!" Hindi ko inaasahan ang pagsunod niya sa akin. Nasasaktan ako kanina pero ngayon, naiirita na ako dahil sa prisensya niya."Bakit ba sa akin mo hinahanap ang asawa mo?! Kasalanan ko pang 'di mo siya binabantayan?" 'di ko na rin mapigilang tumaas ang boses.Kita kong napaglunok niya. Naging malikot din ang mga mata, tila naghahanap ng isasagot. "D'yan ka na nga!"Akmang babalik na ako sa harap ng isla kung nasaan ang mga tent namin nang muli niya akong pigilan. "Let's find him!""Ikaw na lang!" pagtanggi ko."You're his friend
"Alright, then. Thank you, Mr. Lorcan."Nang humarap siya sa amin ay iginala niya ang paningin hanggang sa matagpuan ang mga mata ko. Ngumiti siya, at binati kami. "It's nice to see you again here. I'd like to congratulate you for making this far and wish you goodluck for your demonstration.""Sir, isang goodluck naman daw po kay Scarlet Agape, kinakabahan kasi, sir!" pabibong anunsyo ni Khan. Bigla ay gusto kong basagin ang salamin ng eroplano na nasa tabi at lumabas do'n dahil sa hiya. Umiling ako. "S-sir, hindi po! Nang-aasar lang siya," nakangusong sagot ko at tinapunan ng masamang tingin ang lalakeng kaibigan.Tumango si Kyrous at nagsabi, "Still, goodluck, Ms. Agape."Umingay ang loob ng eroplano. Ang iba'y dahil sa kilig at inggit, samantalang ang karamiha'y chismis. "'Yon! Thank you, sir! Sana masarap ulam niyo mamaya!" sagot ni Khan sa guro bago siyatumingin sa akin habang malawak ang ngisi. Dahil sa inis, itinaas ko ang kamay na ang tanging nakataas na daliri ay ang gitna
Kyrous' POV"And now, I pronounce to you, the newest graduates of Lorcan Domestic and International Airline Academy!" I stood proudly and clapped together with the other respectable pilot and cabin crews who decided to share their knowledge and skills as our Academy's flight instructors. My eyes automatically met Scarlet's. She looks stunning there with the other fufure FAs and cabin crews of LDIA. Biglang bumalik sa isip ko ang mga sinabi niya no'n. Noong napakalayo niya pa sa mga pangarap niya."Gusto ko n'on, Kuya Kyrous!" "Flying?" "Oo! Gusto kong makapunta sa iba't-ibang bansa. Pangarap kasi namin iyon ni papa... dati." "Of all Airlines, why did you choose LDIA to fly with?" "Kasi bet ko 'yong uniform! Paborito ko ang itim.""Really? Black instead of pink? Why?" "Gan'on kasi ang tingin ng madaming tao sa akin. Para akong itim na tintang napahid sa maputi at malinis na papel. Iyong tipong kahit na kaunti lang ang itim, mas nakikita nila iyon kaysa sa kaputian ng papel. Kaya
I threw a party to celebrate their success. Kasama roon ang mga kani-kanilang pamilya. Pinanood ko si Scarlet habang katabi ni Tita Sella. Kapwa sila naiiyak, marahil, tulad ko, proud na proud din si tita sa anak. Naalala ko pa ang ibinilin niya sa akin noong hiningi ko ang kamay ni Scarlet sa kanya."Kaya ako naghihigpit sa kanya no'n, ayaw kong saktan siya ng mga lalake. Sa kanilang dalawa ni Serenity, si Scarlet ang palagi kong naririnig na binabastos sa daan at dahil iyon sa suot niya. Galit ako sa pang-aakit niya sa 'yo noon, Kyrous. Pero hindi ko naisip na magagawa mo 'yon sa kanya! Hindi kita masisisi sa galit mo pero sana mangako ka na 'di mo na sasaktan ang anak ko. Mahal na mahal ko 'yon."Gusto ko silang lapitan pero hinayaan ko muna silang makapag-usap dahil alam kong madami akong inagaw na panahon para makasama nila ang isa't-isa. Ayaw kasing bumalik ni Scarlet sa mansyon kasi natatakot siya kay tita. Kaya ngayon lang sila ulit nagkita.Napatingin ako sa kabilang lamesa k