Doon ako nagsimulang maging mapalapit sa kanilang dalawa. Pero dahil pasukan na ulit, nabawasan na naman ang oras ko para makasama sila. Tatlong beses na mas busy ang schedule ko kumpara sa dati dahil madami akong kailangang habulin. Nagsisisi tuloy akong hindi pinansin ang mag-ama ng tatlong buwan."May anak na raw si Sir Kyrous!" Isang araw habang sakay ng elevator ay narinig ko iyon sa katabing babae. Napatingin din sila ng kasama niya sa akin at muling nagbulungan na para bang 'di ko sila mariririnig kahit nasa magkabilang dulo kami."Oh, 'di ba siya 'yong girlfriend ni sir dati na nag-drop?""Hala! Baka siya 'yung nabuntis ni sir!" palakas nang palakas ang boses nila. Nag-iwas ako ng tingin at binalewala ang opinyon nila. Nang makarating sa pangalawang palapag kung nasaan ang First Aid Station ay hinanap ko ang room number ko. Kabado ako habang naghihintay sa instructor. Ang labing isa ko pang kasama sa kwarto ay gano'n din. Wala akong mamukhaan sa kanila mini isa. Ang dalawa p
Scarlet's POVHalos maiyak ako nang makita ang nakakalulang mga tanong sa exam. Mas lalo akong kinabahan. Hindi ako pwedeng bumagsak ngayong malapit na 'ko sa paglipad.Pumikit ako at kinalma ang sarili. Bigla ay naalala ko ang suportang ibinigay ni Kyrous sa akin kanina at iyong pagtawa ni Cara. Hindi lang para sa akin ang exam na 'to kun'di para sa kanila. Gusto kong maging proud sila sa akin.Huminga ako ng malalim at muling binasa ang mga tanong. Unti-unti naiintindihan ko ang mga iyon at naging sapat naman ang oras para matapos."How's your exam?" tanong sa akin ni LJ nang magkita-kita kami sa Cafeteria. "Nasagutan ko lahat!" I proudly answered and took the sliced of cake I ordered. "Naks! Party tayo 'pag pumasa ka, ha?" anyaya ni Khan at humalakhak.Akmang makikitawa ako nang mahagip ng mga mata ko ang bagong pasok sa double door ng Cafeteria. Kyrous proudly walked while wearing formal tuxedo and an infant carrier. Naroon si Cara. Ang kanang kamay ay alalay sa anak at sa kabil
Nang makarating, agad na chineck-up si Cara. Kasama niya si Kyrous do'n samantalang ako ay nagpaiwan sa labas. Saglit akong napaisip. Alalang-alala rin ba si mama sa akin no'n kapag may lagnat? Wala kasi akong matandaang nag-alala siya sa akin at inalagaan niya ako tuwing may sakit. Palaging si ate.Muli kong tinignan ang saradong pinto. I just promised to Kyrous' mom that I'll protect and take care of him and Cara. Ayaw ko ring igaya ang anak ko sa sarili ko. Gusto kong maramdaman niya rin ang pagmamahal at alaga ng mama niya. Tumayo ako at kumatok sa pinto kung saan pumasok ang mag-ama. Si Kyrous ang bumungad sa akin nang bumukas iyon. Hangkan niya si Cara na nakanguso, sumisighot ng sipon at may luha sa gilid ng mga mata. "Kamusta na siya?" bungad ko sa lalake at agad na kumuha sa tissue ng bag ni Cara para pinunasan ang luha at sipon ng anak. Kawawang-kawawa ang itsura nito. Halata rin sa mga mata niyang gusto na niyang matulog."She undergone blood testing and the doctor is sill
Scarlet's POV"Agape..." bulong ko sa sariling apilyedo habang ang mga daliri ay dahan-dahang bumababa sa listahan ng mga pasado sa exam. Hindi ko alam kung ilan ang kabuuang bilang namin na nag-exam noong araw na 'yon pero trenta lang daw ang nakapasa at nasa pang-benteng rango na ako pero wala pa rin ang pangalan ko."You're on twenty-seventh." Naestatwa ako nang marinig ang pamilyar na paos at baritonong tono. Amoy na amoy ko rin ang bango niya dahil sa lapit namin sa isa't-isa.Hindi pa ako nakakabawi sa pagkakagulat nang hawakan niya ang kamay kong nakaturo sa lists at ibinaba niya iyon hanggang sa makita ko ang pangalan ko. Pasado ako! Binawi ko ang kamay mula sa pagkakahawak niya at napatakip ng sariling bibig dahil hindi makapaniwala. Naiiyak na rin ako dahil sa saya."Congrats..." rinig kong bati niya. Ibinaba ko ang kamay at yumuko ng kaunti sa kanya. "Thanks po."His brows forrowed. Then he licks his lower lip and answered, "You're welcome." Tumango ako at tumalikod na s
Tinaas niya ang kilay at mas inilapit ang kamay niya sa akin nang hindi ko iyon inabot. "Scarlet," tawag niya pero umiling ako at inabot ang tali na nasa gilid inflatable rescue boat. "Kaya ko po ang sarili ko." Hinatak ko iyon at binuhat ang sarili para tulungang umangat."You're braver than I expected," rinig kong usal niya nang inangat ko ang binti para sumampa sa bangka.Nang makasakay ay lumayo ako sa kanya at tahimik na niyakap ang sariling hita dahil sa lamig. Alam ko kasing pwedeng may masabi na naman ang iba sa akin kapag tumabi ako sa kanya. Nang tumalikod siya ay pinanood ko ang pag-talon ng lalakeng kaklase. Gano'n din ang sa ibang mga bangka. May kanya-kaya ring nagbabantay na rescue sa kanila."Here." Tiningala ko si Kyrous at kinuha ang puting towel na inalok niya. "Galit ka ba sa 'kin?" Umiling ako at kumapit sa gilid ng bangka nang gumalaw iyon papunta sa direksyon ng kaklaseng si Nick Archer."Balik ka na sa amin." Nagpatuloy si Kyrous.Muli, tanging pag-iling la
Scarlet's POVNang magising ako ay niligpit ko ang kumot bago lumabas. Nadatnan kong pasikat pa lang ang araw at sa malapit na dagat, natanaw ko si LJ. Kahit likuran niya lang 'yon, alam kong siya.Dahil sa lamig, itinago ko ang kamay sa dulo ng jacket na suot at nilapitan siya. "Good morning!" bati ko habang nakangiti. Napalingon siya sa akin at sinundan ako ng tingin hanggang sa makaupo sa tabi niya. "Good morning too, Scarlet.""Kanina ka pa rito? Aga, ah?" sinubukan kong maging masigla ang boses. Mukha kasing malungkot siya."Yeah, 'di kasi ako makatulog." Tumango ako at bumaling sa kanya. Nakatigin lang siya sa harap at sinusundan ang hampas ng alon sa dagat. "May problema ba?" nag-aalalang tanong ko. Then I remember, this is the first time I saw him lonely. He's always fine, unbothered, and ready to help and give advices. And now, I wanna comfort him too.Tumango siya at narinig kong bumuntong hininga. "I'm confused... I don't know what to prioritize now." Tumingin ako sa ha
"Kikay na kikay si Cara. Mana sa 'yo, Scarlet!" komento naman ni ate kaya napatingin ako sa kanya.Napangisi ako. "Simple pa lang naman 'to para sa akin, ate. 'Pag lumaki siya, aayusan ko ng bongga!" Hinarap ko ang anak at hinaplos ang pisngi niya. "Gusto mo 'yon, baby?" malambing tanong ko.Dalawang impit na tawa lang ang isinagot niya. Natuwa kaming tatlo roon. Ang cute! Hindi na ako makapaghintay na lumaki siya. Tuturuan ko siyang mag-make-up, magtirintas ng buhok at magsuot ng trending fashion. "Kyrous, nabanggit ko kay Scarlet na alam na ni mama ang tungkol sa inyo. Gusto niyong akin muna si Cara para makapag-usap kayo?"Imbes na sa nagpapaalam na si ate, sa akin tumingin si Kyrous. May pag-aalala sa mga mata niya. Pinutol ko ang titigan namin sa pamamagitan ng pagbaling kay Ate Serenity. "Ipasyal mo muna siya sa labas, ate."Pinanood ko ang paglabas nina ate at Cara. Umupo ako sa malambot na kama nila at tiningala si Kyrous nang magsalita siya. "I'm sorry, I know you don't wan
Scarlet's POV"Scarlet! Have you seen LJ?"Matapos tanggihan ang singsing na ibinigay ni Kyrous ay tumakbo ako palabas ng kwarto nila habang nanlalabo ang mga mata dahil sa nagbabadyang luha. "Scarlet! I'm talking to you!" iritadong boses ni Anastacia. Pinunasan ko ang mga luha at marahas na binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "I don't! Pwede ba, 'wag ka munang epal? Nagda-drama ako rito, e!" "Then where is he? Kayong dalawa na lang ang wala ro'n!" Hindi ko inaasahan ang pagsunod niya sa akin. Nasasaktan ako kanina pero ngayon, naiirita na ako dahil sa prisensya niya."Bakit ba sa akin mo hinahanap ang asawa mo?! Kasalanan ko pang 'di mo siya binabantayan?" 'di ko na rin mapigilang tumaas ang boses.Kita kong napaglunok niya. Naging malikot din ang mga mata, tila naghahanap ng isasagot. "D'yan ka na nga!"Akmang babalik na ako sa harap ng isla kung nasaan ang mga tent namin nang muli niya akong pigilan. "Let's find him!""Ikaw na lang!" pagtanggi ko."You're his friend