Umangat ang kilay ni Anastacia at lumunok bago sumagot. "I don't, but, I know you gave it to her. Only the two of you knows what happened in your office, before the quiz happened. Or maybe, we can check the footage of your CCTV." "What if I won't allow that?" "See, Dean! Baka po kasi may mas malala pa silang ginawa. Ang landi pa naman niyang si Scarlet! Tignan niyo po 'yong video sa post ko, Dean. Gano'n siya kawalang-hiya." Ngumisi ako sa kabila ng kaba at pumalakpak. "Wow? Nahiya naman ako sa 'yo, Anastacia. Siguro binigyan mo ulit si Rave ng blowjob para malaman ang password ng cellphone ko, 'no? Kaya, nakita mo ang laman? O baka mas malala pa ang binigay mo." "How dare you?! Hindi ko 'yon ginawa kasi hindi ako kasing-cheap mo!" "Ah! Ayaw mo talagang marumihan ang pangalan mo, 'no? Pero, bakit ikaw, tuwang-tuwa kang nasisira 'yong pangalan ng ibang tao." "Because you deserve it!" Sa isang iglap ay nasa harap ko na siya. Napadaing ako nang sabunutan niya ang buhok ko. Agad ko
Kyrous's POV Tangina, ang sakit ng katawan ko! Gusto kong sumandal para makapagpahinga pero kumikirot ang mga sugat sa likod ko. Wala tuloy akong magawa kun'di ang matulog ng nakatagilid. Papikit na ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino iyon nang marinig ang yabag ng takong niya. "Son, have you take your med?" Tumango na lang ako kahit hindi naman talaga. Hindi pa nga ako nagpapatingin sa doctor! Bwiset kasi 'yong kapatid ko. Atat lumipad papunta rito!"I want to rest, mom," pagod na wika ko at ipinikit na ang nga mata. "Alright. I just come to check on you. Goodnight!" Tuluyan akong nakapagpahinga nang umalis siya. Kaso, saglit lang. Bigla kasing tumunog ang phone ko. Pinatay ko iyon at nang makita kung sino ang tumawag. Ayaw ko munang makausap si Scarlet. Pakiramdam ko ay mas manghihina ako lalo. Kanina nga ay nag-iinarte na siya kay Cleverio. Kapag nakausap niya ako, paniguradong mas lalala ang drama niya. "Good morning, baby boys!"
Binalewala ko ang tanong at muling napatingin sa orasan. Nauuna ang Pilipinas ng thirteen hours. Kung tama ang pagkalkula ko sa oras ng alis namin bukas, makakarating kami sa Pilipinas ng ala-una. Tangina, nasa biyahe ako kapag sinend ang e-mail! Baka hindi ko maabutan. Shit! Kailangan na naming umalis ngayon. Tinakbo ko ang kwarto ni kuya at kinatok ito ng maraming beses. Nang pagbuksan niya ako ay iritado ang mukha nito. "What?!" "We need to leave now! Come on, put your things onㅡ" "I already did last night," pagputol niya sa akin. Tumango ako at tinapik ang balikat niya. "Good! Book our flight now. Mag-iimpake na rin ako!" utos ko rito kahit labag sa kalooban niya. Habang nag-iimpake ay tinawagan ko si mom at nagdahilang may emergency sa LDIAA kaya kailangan na ako roon. Alam kong makakarating sa kanila ang pagsisinungaling ko pero ang mahalaga ay makauwi na ako. Tsaka na ako hihingi ng tawad. Kailangan ko na talagang makita si Serenity!"What's with the rush?" tanong ng kapat
Scarlet's POV"You really cut and dye your hair?" hindi makapaniwalang tanong ni Kyrous matapos alisin ang pagkapusod nito. Hinaplos niya iyon at pinalandas sa mahahabang daliri niya. Napanguso ako at hinuli ang kamay niya. "Sorry. Hindi ko kasi binasa noon 'yong rule book kaya heto. Ganito kasi kami dati ni Danna no'ng hindi pa ako nag-aaral dito," malambing na paliwanag ko. "It's okay." Binitawan niya ang kamay ko at ngumiti ng kaunti. "Maganda, bagay rin sa 'yo 'yan." Nanlaki ang mga mata ko at napangiti rin. "Talaga? Thank you!" Inipit ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko. "But, that should be temporary. Ayos lang ang kulay brown. Basta 'wag 'yang mga ganyan," paliwanag niya, tumango lang ako at iniba ang usapan. "By the way, Kyrous. Nakita mo na si... ate?" Napakagat labi ako nang maramdaman ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko. "Yes, kaninang madaling araw. Pinuntahan ko muna siya bago ako bumalik sa 'yo." "S-sa akin?" kunot-noong tanong ko. Tumango ito at
Tumango ako at mahigpit na napakapit sa bag na nasa kandungan. "Kyrous, p'wedeng... pa-hug? For the last time," nag-aalangang tanong ko nang makalas ang seatbelt. Hindi siya gumalaw kaya ako na ang lumapit para yakpin siya. Uminit ang gilid ng mga mata ko nang maramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Niyakap niya ako pabalik. Gusto kong doon na lang ako sa braso niya, pero, hindi na p'wede. Tumulo ang luha ko nang maramdaman ang halik niya sa noo ko. "I'm sorry for everything," bulong niya bago ako pinakawalan. "S-sorry rin," sagot ko at pinunasan ang pisngi. Inayos ko ang sarili bago tuluyang bumaba sa kotse niya. Hindi na ako nagpaalam. Kumapit ako sa bag nang makatapat sa gate namin. Ilang taon na ang lumipas pero gano'n pa rin ang bahay namin. Kumatok ako sa gate at hindi nagsalita nang marinig ang boses ni ate. "Sino 'yan?" Kasunod ay ang pagbukas ng gate. Kapwa napaawang ang labi namin nang makita ang isa't-isa. "Scarlet!" Mabilis siyang dumalo sa akin at niyakap ako ng mah
Scarlet's POV"Hindi ko alam, ma, kung paano. Basta ang sabi niya, mag-asawa kami," paliwanag ni ate kay mama at Kyrous. At ako, pasimple lang akong nakikinig sa usapan nila habang nakatuon ang mga mata sa TV. "Paanong hindi mo alam, anak? 'Di ba kayo nagpakasal? O pumirma ka man lang ng kontrata?" litong tanong ni mama. "Or maybe, kuya is that selfish to make you believe that you two are married?" saad naman ni Kyrous, halatang iritado."Hindi ko maalala." Ang sunod kong narinig ay ang hagulgol ni ate. Pinakalma siya nina mama bago napagdesisyonang magpahinga na. At sa huli, naiwan ako sa living room, mag-isa. Napabuntonghininga ako at sumandal sa couch. Ganito naman na dati, Scarlet. Hindi ka pa ba sanay? Nagpalipas ako ng ilan pang minuto bago isinarado ang bintana ang pinto. Ako na rin ang nag-ayos ng ilang kalat at nagpatay ng ilaw bago pumuntang kwarto. "Scarlet, anak," si mama. Nilapitan ako siya para tanungin pero hinawakan niya ang kamay ko. "Hali ka, na-miss kita. Tabi
Bumaba ako para malaman ang sagot. Naabutan ko sa pinto si mama, katulad ko ay naguguluhan din siya. Sa labas ay naroon sina Kyrous at Androus na nag-uusap. Mukhang iyong bata lang ang pinayagang makapasok at makalapit kay ate. "Sorry, baby. Hindi na p'wede, e," sagot ni ate at pinunasan ang madungis na mukha ng bata. Naghalo na kasi ang luha at sipon nito. Sayang, ang cute pa naman!"Ate," hindi ko na napigilang sumingit. "Anak mo?" hindi naniniwalang tanong ko. Nang tumango si ate ay nanlaki ang mga mata ko. "Totoo ba, anak?!" gulantang na tanong ni mama, lumapit na rin pala siya. "Spill your lies, kuya," si Kyrous naman ang nagsalita habang napamulsa. Kung gano'n, alam na niya?Lumapit si Androus sa batang si Ace at lumuhod rin para maabot ito. Napalayo naman ng kaunti si ate at tumango habang nagpapaliwanag si Androus kung paano naging anak ni ate si Ace. Iyong bata naman ay umiiyak pa rin. Ewan ko kung naiintindihan niya ang paliwanag ng tatay niya o nag-iinarte lang talaga.
Sa sasakyan ni Androus ipinasok ni Kyrous ang walang malay na si ate. Agad namang sumunod si mama na halatang alalang-alala sa kapatid ko. Dumaan ang mga mata sa akin ni Kyrous bago niya isinarado ang pinto ng kotse. "Aba?! Hoy, 'yong bata!" sigaw ko at tumakbo para habulin sila. Natigil ako nang tumunog ang phone kong nasa likurang bulsa ng short dahil may natanggap na mensahe. Kyrous: Take care of the child. Kyrous: 'Til kuya came back. Padabog akong bumalik at isinardo ang gate dahil sa akin nabaling ang nang-uusisang mata ng mga kapit-bahay. Mahirap na rin baka tumakbo 'tong bata at masagasahan. Malamang, sa akin ang sisi. "Hoy, tigil! Hali ka rito, mainit d'yan," utos ko rito pero mas lumakas ang hagulgol niya. "Mama! Papa!" "Iniwan ka na nila! Kaya p'wede ba, tumigil ka? Nagsasayang ka lang ng luha!" gigil na sabi ko at hinatak siya papasok sa loob pero nagpigil ito at umupo pa sa sahig. Ang kulit! "Sige, bahala ka r'yan!" Iniwan ko siya roon at pumunta sa kusina para um