Pero hindi sila nagkamali, dahil walang pagdadalawang isip na nagpakawala ng malaking pera si Lance para lang mailigtas ako. Kaya lalo lang akong nalilito. Naiinis ako dahil bakit kailangan niyang paglaruan ang damdamin ko at iligtas ako sa halip na pabayaan na lang sa kamay ng mga dumukot sa akin.“Wait! What the hell are you talking about?” kalituhan at guilt ang mababanaag sa mukha niya. Pero masiyadong masakit para sa akin ang kaganapang iyon kaya patuloy lang ang pagdaloy ng mga luha ko.“Huwag ka nang magmaang-maangan pa na parang hindi mo alam ang ibig kong sabihin!” galit na singhal ko sa kaniya. “Ibinibigay sa iyo ni Angeli ang cellphone pero ayaw mo akong kausapin. Dinig na dinig ko ang lahat kaya huwag mo akong gawing tanga!” sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang halos maghisterikal dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi madaling balikan ang mga oras na iyon na halos panawan na ako ng ulirat sa sobrang sakit.“I was drunk that night. Hindi ko alam na tumatawag ka. Hey, baby
“Maglalagay ako ng mga salitang magbabantay sa iyo kahit saan ka pumunta,” magsasalita pa lang sana ako para mangatuwiran pero itinaas na niya ang kamay para pigilan ako. “Ito lang ang tanging paraan para maprotektahan kita. Hindi ako papayag na maulit pa ang nangyari sa iyo. Huwag kang mag-alala hindi naman sila didikit sa iyo. Nasa malayo lang sila at basta natatanaw ka nila ay ayos na iyon,” pagpapatuloy niya. Napabuntong-hininga ako.“Okay. Puwede na ba akong umalis?” nayayamot na tanong ko. Lumungkot ang mukha niya at tila hindi talaga siya sang-ayon sa pag-uwi ko. Lumapit siya sa akin at kinulong ang mukha ko sa mga palad niya.“Magtatagal ka ba roon? I’ve missed you so much for the past three days, and now you will be out of my sight and side again,” malungkot niyang pahayag. Nabagbag ang damdamin ko sa matinding lungkot na nakikita ko sa mga mata niya. Pero gaya ng nasabi ko na, kailangan ko ng space. Kailangan ko munang pag-isipang mabuti kung nararapat pa ba talagang ituloy
Hindi ko namalayan kung gaano ako katagal na nakatulog pero nagising ako nang marinig ang boses ni Lance. Unti-unti akong nagdilat ng mga mata at napangiwi ng sumigid ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko.“Who are you talking about again?” tanong ni Lance. May kausap pala ito sa telepono niya at nakatalikod sa akin. Ni hindi man lang nag-abalang magdamit. Libre ko tuloy na matitigan ang maganda niyang likod. Mula sa maskulado niyang balikat hanggang sa malaman niyang pang-upo at matitigas na mga binti ay magaganda lahat. Kung pisikal na itsura ang pagbabasehan, wala ka talagang maipipintas kay Lance. Lalo na ang galing niya sa pagpapaligaya sa kama, at sa taglay niyang malaking alaga.“Andra Daphne Harrison? She sounded familiar,” narinig kong sagot ni Lance sa kausap. “Paano ko siya puwedeng makausap ng personal?” tanong pa niya. Saglit siyang tumahimik at hinintay ang sagot ng kausap. Tumatango-tango pa siya at halatang nagkakaintindihan naman sila ng kung sino mang kinakausap niya n
“I hoped you didn’t bump into me on purpose,” nagbibirong komento nito. Agad namang nag-init ang mukha ko dahil sa hiya.“Sorry, Terrence. Kausap ko kasi si Leah kaya hindi ko napansin na nariyan ka pala,” kabadong dispensa ko. Pero wala naman akong maaninag na pagkainis sa mukha niya, bagkus ay mas mukha pa nga siyang naaaliw.“It’s alright. Alam ko namang hindi mo sinasadya. By the way, saan ka ba pupunta at parang nagmamadali ka?” tanong nito sa akin. Pero hindi ako nakasagot agad dahil naalala kong magkausap pa pala kami ni Leah. Naririnig kong tinatawag niya ang pangalan ko sa kabilang linya.“Leah, sorry, nakabangga kasi ako habang naglalakad. Sige na patayin mo na at pupuntahan na kita riyan,” sabi ko. Dinig kong tila nakahinga ito ng maluwag.“O, sige. Akala ko pa naman ay kung ano na ang nangayari sa iyo riyan. Sige na, see you!” sabi pa niya bago pinutol ang tawag.“So?” untag ni Terrence.“Pupunta ako kay Leah. Naroon siya sa office ni Sir Keiner. May kailangan kasi siyang
“Huwag mo kong lalapitan. Huwag mo rin akong hahawakan, Lance. I tried! God knows how much I tried to understand you, pero siguro nga mahina ako. Siguro kayabangan ko lang iyon noong sinabi kong tutulungan kitang makalimutan ang nakaraan…” “Farah, please listen to me,” pagsusumamo niya. Pero muli akong umatras at umiling. “Hindi ako ang kailangan mo, Lance. Dahil imbes na makalaya ka sa masamang karanasan mo, mas lumalala ka pa yata dahil sa akin. Alam mo ba kung gaano kahirap sikmurain na may ibang taong nasasaktan dahil sa akin? Sobrang hirap, Lance… ang bigat sa dibdib!” sigaw ko pa habang sinasapo ang dibdib ko. “Ipinagtatanggol mo ba ang hayop na lalaking iyon?!” bigla ay pasigaw na sumbat niya. And that’s it! Imbes na mag-reflect siya sa ginawa, mangangatuwiran pa siya. Napailing akong muli sa matinding sama ng loob. “Maghiwalay na tayo, Lance. Kung hindi mo rin lang ako kayang pagkatiwalaan. Walang saysay na ipinipilit natin ang pagkakaroon ng maayos na relasyon na ganito r
“Nagkausap po kayo kahapon?” halos pabulong na lang iyon nang lumabas sa bibig ko. “Yes, anak. Kinukumusta ang kalagayan ko saka ibinalita sa akin na iyon nga, malapit na tayong muling magbukas. Kaya marami talaga tayong dapat ipagpasalamat sa Diyos dahil hindi niya tayo pinabayaan. Naglagay rin siya ng mga taong malaki ang magagawa para malampasan natin ang malaking dagok na dumaan sa buhay natin,” madamdaming pahayag ni Daddy. Dahil doon ay hindi na namin napigilan ni mommy ang maiyak. Gano’n din si Yaya. Si Daddy naman ay may namumuong luha rin sa mga mata. Totoo naman kasing halos gumapang na kami sa hirap noon at ultimo kahuli-hulihang sentimo ay naging napakahalaga sa amin. Halos tatlong taon din kaming nagdusa, pero ngayon ay ito na, nagsisimula na ngang bumangon. “Kayo talaga! Pati ako ay pinapaiyak ninyo!” kahit lumuluha ay natatawang komento ni Yaya. Nagkatawanan na rin kaming lahat at kani-kaniyang pahid ng mga luha. “Siya nga pala, hija, imbitahan mo si Lance sa birthd
Alas-dos na ng hapon, medyo dumalang na ang tao kaya ang ilan sa amin, kasama kami ni Leah, ay nagtungo na sa staff room para kumain.“Grabe, ano? Ang daming tao. Halos araw-araw bawat oras yata kung hindi puno ay halos punuan tayo lagi,” komento ni Leah habang kumakain. Puno ang bibig ko kaya tumango lang ako at hindi nagsalita.“Oo nga. Magaling din kasi mag-manage iyang bagong boss natin. Tapos iyong mga naidagdag na menu sa listahan natin talagang dinudumog,” sabad naman ni Shiela. Dumating na iyong karelyebo niya sa pagka-cashier kaya nakasabay na siya sa aming kumain.“Naku, lalo pang dadami iyan kapag nagsimula na ang pasukan. Isang linggo na lang kaya lalo tayong maghanda sa mas mahabang oras nang pagtayo at paglakad,” natatawang sabi ko, saka muling sumubo. Sumang-ayon naman silang lahat.“Pero, guys, ito ha, may nabalitaan ako riyan sa bago nating amo,” tila kinikilig na sambit ni Shiela. Medyo hininaan pa nga niya ang boses niya na akala mo ay may ibang makaririnig sa amin.
“Wow, mukhang masasarap talaga ang mga pagkain dito,” narinig kong komento noong babae. Hindi pa rin ako nag-aangat ng paningin. Pero ramdam kong tila may pares ng mga mata nag nakamasid sa akin. “Of course, Hailey! Darwin will never disappoint!” sagot naman ni Lance. Kahit boses niya na-miss ko rin. Ang lambing niyang makipag-usap kay Hailey. Iyon pala ang pangalan nitong babae. “Hey, pakisabi pala sa boss niyo gusto namin siyang makita rito,” malambing na pakiusap ni Hailey kay Leah. “Okay, Ma’am sasabihin ko po,” magalang na sagot naman ni Leah. “Farah, ikaw na lang ang tumawag kay boss at–” “No! Please leave her here to serve us. You can go and call your boss,” agad na putol ni Lance kay Leah. Napasinghap ako at muntik ko nang mabitiwan ang tray na hawak ko. Mabuti na lang at wala na itong laman. Nagkatinginan kami pero sa huli ay wala siyang nagawa kun’di lumabas at sundin ang utos ni Lance. Nagtungo ako sa gilid kung saan ang puwesto ng taga-serve at naghintay kung ano pan
Farah’s POVHindi ako nakatulog buong magdamag dahil sa matinding pag-aalala kay Lance. Mula noong umalis ito kahapon ay hindi pa ito bumabalik at hindi ko rin naman siya makontak. Ayoko sanang mag-isip ng masama pero hindi ko naman ito mapigilan dahil hindi mawala-wala ang matinding kaba sa dibdib ko.Lumipas pa ang buong maghapon ay wala pa rin akong anumang balita mula kay Lance. Kahit ano pang pangungulit ko sa mga naiwan niyang tauhan dito ay ayaw naman nilang magsalita. Ni hindi nga rin ako makakain ng maayos dahil sa matinding pag-aalala.“Ma’am, magandang gabi po, gusto daw po kayong makausap ng tauhan ni Sir,” tawag-pansin sa akin ni Butler Jimmy. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement.“Nasaan po siya?” may pagmamadaling tanong ko. Bigla akong nabuhayan ng loob dahil baka may balita na ito tungkol kay Lance.“Naroroon po sa sala, Ma’am,” magalang na tugon ni Jimmy. Mabilis akong tumango at nagpaalam na sa kaniya para puntahan ang sinasabi niyang naghihintay sa akin.
“Bakit? Bakit mo iyon nagawa kay Papa? Alam mo bang nag-aagaw buhay si Mama Angela sa ospital ngayon? Dahil hindi siya makapaniwalang ang batang minahal at inalagaan niya ay hindi pala tao kun‘di isang demonyo!” malakas kong sigaw sa kaniya. Pero ipinagpatuloy lang niya ang pagtungga ng alak mula sa boteng hawak niya. “Bakit? Dahil epal ka! Lahat na lang, gusto mo sa iyo! Lahat na lang, dapat ikaw ang bida! Pero okay na sana, eh. Okay na sana kung kahit konti may inilaan si Papa para sa akin. Ako ang nasa tabi niya sa lahat ng oras, habang ikaw, nagpapakakasarap sa buhay mo. Maging ang pagpasok niya sa illegal na negosyo at sindikato, sinuportahan ko. Pero ano ang ending? Lahat ng kayamanan, pera at posisyon niya, sa iyo lang pala niya iiwan! Ulol ba siya? Ako ang pinahirapan niya tapos lahat ng pakinabang sa iyo mapupunta? Hell, no!” parang nahihibang na sabi niya. Para siyang wala sa sariling katinuan habang nagsasalita. “Papatay ka dahil lang sa pera? Napaka
The next day, I spent almost the whole day sleeping and whining about my whole body being sore. Kinailangan ko pang uminom ng gamot para lang kahit papaano ay maibsan ang pananakit ng buong katawan ko. Bigla tuloy akong nakonsensya sa baby ko. “Sorry, baby, na-diet kasi nang husto si Daddy, kaya iyon ayaw paawat!” hinging paumanhin ko sa anak ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Madilim na sa labas at katatapos ko pa lamang maligo. Ilang beses akong napapangiwi habang nagsasabon at nagbabanlaw kanina dahil sa hapdi ng pagkababae ko. Parang namamaga na nga yata iyon at maging ang pag-ihi ay isang malaking pagsubok! Napaangat ako ng paningin nang biglang bumukas nag pintuan ng kuwarto. Inaasahan kong si Lance ang papasok pero bumagsak ang balikat ko nang dalawang katulong na parehong may dalang tray ng pagkain at mga prutas ang pumasok. “Nasaan ang Sir ni’yo?” nakangiting tanong ko nang maupo na ako sa harap ng mga nakahaing pagkain. “Um
“Ha? Bakit? May nangyari ba sa kanila?” nahihintakutang tanong ko. Bigla kasi akong kinabahan sa ibinalita niya sa akin. “Nagsiguro lang ako dahil alam ko kung gaano na kadesperado si Darwin na mahanap ka. At alam kong ikaw ang gagamitin niya para mapasunod ako sa anumang iba pang binabalak niya. Kaya inunahan ko na siya bago pa niya maidamay ang pamilya mo. Kahit ang mga kaibigan mo ay pinababantayan ko na rin. Konting-konti na lang ay mahuhuli na rin namin ang hayop na iyon!” asar na tukoy ni Lance kay Darwin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. “Salamat, Lance. Salamat at hindi mo sila pinabayaan.” “Wala kang dapat ipagpasalamat. Ako pa nga ang dapat humingi ng dispensa dahil nadadamay kayo sa gulo ng pamilya ko,” may lungkot niyang sabi. “Hindi ka nag-iisa, Lance. Nandito lang ako. Magkasama nating harapin ang lahat ng problema,” sinserong sambit ko sa kaniya. “Hirap ka ba sa paglilihi? O kaya ay may mga gusto ka
“Lance, ano ba kasing klaseng buhay ito? Mabuti nga at ‘yang braso lang ang tinamaan sa iyo. Paano kung sa susunod ang ulo mo na o iyong parte ng katawan mo na pwede mong ikamatay?!” may pag-aalalang panunumbat ko. Nasubukan ko nang maranasan ang mapaulanan ng bala at pasabugan pa ang sinasakyan. Doon ko rin nakita kung gaano kagaling makipagbarilan ni Lance. Maliksi siya at sigurado ang bawat kilos nito. Pero kasabay din noon ang katotohanang napakadelikado ng mga ganoong sitwasiyon. Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap nang mahigpit. Noong una ay nalito ako kung ano ang gagawin pero parang kusa namang umangat ang mga kamay ko para tugunin ang yakap niya. “I’m very sorry for putting you in danger, Farah. Akala ko, matatapos ko ang lahat ng ito bago ko maipagtapat sa iyo na hindi totoong nakalimutan kita. Pero sakim si Darwin. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako napapatay. At natatakot ako dahil pati ikaw ay gusto niyang idamay,” madamdaming saa
“Hindi mo naman kasalanan iyon dahil may sakit ka. Kaya naiintindihan ko kung hindi ka naniniwala sa ak–” “I never lost my memory, or any memory at all!” naagaw ang atensiyon ko at napatunganga ako sa pagputol niya sa pagsasalita ko. “What?” naguguluhang tanong ko. “I was just pretending that time,” mababa ang boses na pag-amin niya. Doon na tuluyang umawang ang bibig ko. Para bang sa isang segundo lang pagkatapos niyang sabihin iyon ay huminto sa pagtibok ang puso ko. Ang kalituhan ko ay biglang napalitan ng galit at paghihinakit. Matalim ko siyang tiningnan at doon ko napansin ang paglunok niya dahil sa paggalaw ng kaniyang Adam’s apple. “Why?” may diin at nagtatagis ang mga ngiping tanong ko. Kagyat na nanubig ang mga mata ko dahil isa-isang nagbalik sa isip ko ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa akin. Ang mga pang-iinsultong halos pumatay na sa akin at dumurog sa lahat ng pinaniniwalaan ko tungkol sa pag-ibig at mga p
Dahil sa nangyari sa nagdaang gabi ay halos hindi ako nakatulog. Bigla-bigla na lang akong nagugulat at kinakabahan. Kahit konting ingay lang ay madali akong naaalimpungatan mula sa pagkakaidlip ko. Kaya hanggang ngayon, kahit mag-aalas- nuwebe na ay naririto pa rin ako sa kuwarto at tulala. Naagaw lang ang atensiyon ko nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. “Ate, gising ka na daw ba? Tinatawag ka na nina Mommy at Daddy. Kumain ka na raw po!” narinig kong tawag sa akin ng kapatid ko. Huminga ako ng malalim at napilitang bumangon na rin. “Oo, sige. Pakisabi susunod na ako,” sagot ko. Pilit kong pinasisigla ang boses ko para hindi siya makahalata. Naligo ako at nagbihis bago lumabas ng silid ko. Naabutan ko sa sala sina Mommy at Daddy. Seryoso ang pag-uusap ng dalawa kaya hindi nila napansin ang paglapit ko. “Mom, Dad, good morning po!” bati ko sa kanila. Agad naman silang napalingon sa akin at ngumiti. “Anak, tinanghali ka, ah? Hindi ka rin kumain kagabi. Akala ko nga ay may s
Tumikhim si Darwin na umagaw sa atensiyon ng dalawa. Si Lance lang ang lumingon habang si Hailey ay patuloy lang sa paghalik sa kaniya. Pinigil niya ito at kunot’noong tumingin sa akin.“Ano na namang ginagawa ng babaeng iyan dito?” mataray na tanong ni Hailey. Pero hindi ko siya tiningnan dahil nanatiling nakapako ang paningin ko kay Lance.Inilabas ko ang kaheta mula sa bag ko at walang imik na lumapit sa kinanaroroonan niya.“Huwag kayong mag-aalala, hindi ko kayo guguluhin. Pasensya na sa abala,” buong katatagan kong saad kahit parang sinusuntok ang puso ko sa sakit.“Kung gano’n, bakit ka nandito?” malamig na tanong ni Lance.Iniabot ko sa kaniya ang kaheta at may pagtataka niya iyong tiningnan.“Ibabalik ko lang ito, sa iyo. Nakalimutan kong ibigay noong huling palayasin mo ako rito,” walang-buhay na sabi ko. Inabot naman niya iyon kaya agad na akong tumalikod upang lumabas.“Sana nga hindi na kita makitang muli,” nanunuyang saad ni Lance. Napapikit ako at marahang pinagdikit an
“Lance… hindi mo ba talaga ako naaalala?” halos pumiyok nang tanong ko. Muli akong napalunok upang pigilan ang sariling maiyak dahil bahagya na ring nanginig ang mga labi ko. Gusto kong maging matapang sa kabila nang paghilab ng dibdib ko dahil sa malamig na trato niya sa akin.“Makulit ka rin talaga, eh, ano? Ilang beses ko nang sinagot iyang tanong mo! Ikaw lang itong hindi makaintindi dahil ipinipilit mo ang sarili mo sa akin! Bakit? Magkano ba ang kailangan mo para tigilan mo na ako?” nang-iinsultong tanong niya. Napanganga ako sa sinabi niya at sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pa ang maiyak.“Lance, buntis ako…” umiiyak kong sambit. “Miss na miss na kita…” pagpapatuloy ko pa. Pero hindi nagbago ang malamig na tingin nito sa akin. Dahil doon ay lalo akong napahikbi sa sobrang sakit na dinaranas ng puso ko. Para itong patuloy na dinudurog at tinatapakan pa nang paulit-ulit.“Ah… iyon naman pala! Buntis ka rin at gusto mong ipaako sa akin?” nagulat ako nang pagak siyang