Share

Chapter 32 PART 2

Author: Miss Thinz
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Alas-dos na ng hapon, medyo dumalang na ang tao kaya ang ilan sa amin, kasama kami ni Leah, ay nagtungo na sa staff room para kumain.

“Grabe, ano? Ang daming tao. Halos araw-araw bawat oras yata kung hindi puno ay halos punuan tayo lagi,” komento ni Leah habang kumakain. Puno ang bibig ko kaya tumango lang ako at hindi nagsalita.

“Oo nga. Magaling din kasi mag-manage iyang bagong boss natin. Tapos iyong mga naidagdag na menu sa listahan natin talagang dinudumog,” sabad naman ni Shiela. Dumating na iyong karelyebo niya sa pagka-cashier kaya nakasabay na siya sa aming kumain.

“Naku, lalo pang dadami iyan kapag nagsimula na ang pasukan. Isang linggo na lang kaya lalo tayong maghanda sa mas mahabang oras nang pagtayo at paglakad,” natatawang sabi ko, saka muling sumubo. Sumang-ayon naman silang lahat.

“Pero, guys, ito ha, may nabalitaan ako riyan sa bago nating amo,” tila kinikilig na sambit ni Shiela. Medyo hininaan pa nga niya ang boses niya na akala mo ay may ibang makaririnig sa amin.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rubina Badsigan
nice story...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 33 Her Pain

    “Wow, mukhang masasarap talaga ang mga pagkain dito,” narinig kong komento noong babae. Hindi pa rin ako nag-aangat ng paningin. Pero ramdam kong tila may pares ng mga mata nag nakamasid sa akin. “Of course, Hailey! Darwin will never disappoint!” sagot naman ni Lance. Kahit boses niya na-miss ko rin. Ang lambing niyang makipag-usap kay Hailey. Iyon pala ang pangalan nitong babae. “Hey, pakisabi pala sa boss niyo gusto namin siyang makita rito,” malambing na pakiusap ni Hailey kay Leah. “Okay, Ma’am sasabihin ko po,” magalang na sagot naman ni Leah. “Farah, ikaw na lang ang tumawag kay boss at–” “No! Please leave her here to serve us. You can go and call your boss,” agad na putol ni Lance kay Leah. Napasinghap ako at muntik ko nang mabitiwan ang tray na hawak ko. Mabuti na lang at wala na itong laman. Nagkatinginan kami pero sa huli ay wala siyang nagawa kun’di lumabas at sundin ang utos ni Lance. Nagtungo ako sa gilid kung saan ang puwesto ng taga-serve at naghintay kung ano pan

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 33 Part 2

    “It’s not your fault. Wala ka namang ginawang masama. Isa pa, hindi talaga siguro kami ang para sa isa’t isa,” sagot ko. Sinisikap kong magmukhang okay at hindi masiyadong affected pero sa loob-loob ko, naiiyak na naman ako.“Mapapadalas na ang pagkikita natin soon,” pag-iiba niya sa usapan. Kumunot ang noo ko.“What do you mean?” tanong ko at muling nag-scoop ng ice cream saka isinubo. Medyo napangiwi ako dahil talagang hindi ko kursunada ang lasa ng strawberry.“Pasukan na sa Lunes, ‘di ba? Saka tinawagan ako ni Leah kanina, invited daw ako sa birthday celebration ng Mommy mo at sa thanksgiving party ng Daddy mo,” sabi niya. Bigla akong napapikit at nasapo ang noo. Oo nga pala, nakalimutan ko na isang araw na lang pala iyon. Lalong sumakit ang ulo ko dahil ibinilin nga pala ni Daddy na imbitahin ko si Lance. Paano ko pa iyon magagawa ngayon pagkatapos ng nasaksihan ko kanina?“Yeah. Naunahan na naman ako ni Leah na imbitahin ka,” pagsisinungaling ko. Pero tumaas ang kilay niya at ha

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 33 Part 3

    “Siya nga pala, may humintong sasakyan kanina, narinig ko. Si Lance ba ang naghatid sa iyo? Nasabi mo na ba sa kaniya iyong party sa Huwebes? Good news, anak, sa hotel na lang daw natin gagawin iyon sabi ng Daddy mo, tutal naman, eh, dalawang mahahalagang bagay ang ipagdiriwang natin kaya mas maganda kung mas maayos din ang pagdarausan. Natutuwa nga ako at kitang-kita ko nang talagang makababangon na tayong muli, anak,” bulalas ni Mommy pagkatapos magtanong. Tila naman kinurot ang puso ko roon. “Mom, si Terrence po ang naghatid sa akin. Aksidente lang kaming nagkita kanina kaya nagmagandang-loob na siyang ihatid ako. Hindi ko pa po nakausap si Lance kasi busy pa siya,” pag-amin ko. “Ah, ganon ba? Eh, di tawagan mo na lang. Hindi mo naman kailangang sabihin ng personal. Mag-boyfriend naman kayo kaya hindi na natin siya kailangang bigyan ng invitation, ‘di ba? Pero siya ang panauhing pandangal natin sa araw na iyon. Siguradong magiging bali-balita ang magiging party natin sa Huwebes a

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 34 Confusing Moment

    Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho at ipinagtapat kay Leah ang lahat. Mula sa nasaksihan ko sa VVIP room hanggang sa narinig ko kagabi habang kausap ko si Lance. “Farah, ipinapatawag ka ni Sir Darwin sa office niya,” tawag-pansin sa akin ni Shiela habang nililinisan ang lamesang katatapos lang iwan ng mga customer kanina. Ngumiti at tumango ako sa kaniya. “Sige, sige, tapusin ko lang ito,” sagot ko. Pero nagulat ako nang biglang may lumapit sa likuran ko – si Leah. “Ako na ang magtutuloy nito. Sige na puntahan mo na at mukhang bad mood. Saka ikaw, ha, hindi mo sinabi sa aking magkapatid pala sila ng ex mo!” pabulong na sumbat niya pagkatapos magpresentang siya na lang ang magtutuloy ng ginagawa ko. “Sorry, nakalimutan ko. Sige na, puntahan ko lang,” pabalewalang sagot ko. Napanguso lang ito at kinuha sa mga kamay ko ang basahan at sanitizing spray. Huminga ako ng malalim, pagkatapos ay kumatok sa opisina ni Darwin. “Come in,” Pinihit ko na ang seradura nang marinig a

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 34 PART 2

    “Hindi iyon katulad ng iniisip mo. Hindi ko sinadya iyon at lalong hindi ko alam na dito ka nagtatrabaho. At bakit ka nga ba nagtatrabaho pa ulit? Your father is okay. Your business will once again flourish. You don’t need to work and just wait for your life to come back to its original spot,” naniningkit ang mga matang tiningnan ko siya. Lalo lang niyang ginugulo ang isip ko. Ano ba’ng problema niya?“Look, una sa lahat uulitin ko lang, wala na tayo. Kaya kahit ano’ng gawin ko sa buhay ko, labas ka na roon. At wala na rin akong pakialam sa iyo kung ano pang trip mo sa buhay mo. Kaya tigilan mo na ako. Hindi ko naman siguro deserve na mapaglaruan mo. Nakuha mo naman na ang lahat ng gusto mo sa akin, ‘di ba? Tama na iyon. Tama na rin ang pagpapakatanga ko sa iyo!” walang prenong pahayag ko. Masamang-masama ang loob ko ngayon kaya wala na akong panahong i-filter pa ang lalabas sa bibig ko. Siya naman ang natigilan sa halos pagwawala ko na. Hindi ko rin namalayang umiiyak na pala ako.“K

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 35 Unexpected Act

    Hindi ko alam kung nagkamali ako o ano, pero parang nakita kong nagdilim ang mukha ni Darwin dahil sa pagtanggi ko. Hindi ako sigurado dahil mabilis lang iyon pero parang hindi niya nagustuhan iyong pagbanggit ko kay Terrence. “Well, fine. If that’s what you want. Good luck na lang,” sabi niya. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa kaniya ngayon hindi kagaya kanina. Gayunpaman ay ipinagwalang bahala ko na lang at nagpaalam na sa kaniya. Pag-uwi ko ay may mga bisita kami sa bahay na sa palagay ko ay mga miyembro ng organizing team para sa party bukas. “Farah, nandito ka na pala. Halika tingnan mo iyong gown na gagamitin mo bukas, ang ganda-ganda!” masayang salubong ni Mommy sa akin. Humalik ako sa pisngi niya bago niya ako hinila papunta sa sofa kung saan nakalatag ang isang nangingintab na pulang long gown. “Para sa akin po iyan?” tanong ko at itinuro ang pulang gown. “Yes, ma’am! Ang Mommy ninyo ang mismong pumili niyan mula sa catalogue na ipinakita namin. Naku, kalalabas

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 35 PART 2

    “Ano’ng ibig sabihin nito, Lance? Bakit mo ako binigyan nito?” diretsahang tanong ko. Hindi ko itinago ang pagkairita sa boses ko. Bahagya siyang natigilan sa kabilang linya at narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Matagal ko nang gustong ibigay sa iyo iyan, ngayon ko nga lang naibigay,” pahayag niya. Pero hindi naman niya sinagot iyong talagang tanong ko. “Bakit nga? Kahit matagal nang nasa iyo ito, hindi mo naman na kailangang ibigay sa akin. Puwede mo namang ibigay diyan sa girlfriend mo!” fuck! I hope I didn’t sound jealous or bitter. Ayokong pataasin ang ego niya. “Are you jealous?” bigla ay pilyong tanong niya. Agad namang nag-init ang magkabilang pisngi ko pero hindi ako magpapatalo sa kaniya. “Bakit naman ako magseselos, aber? Hindi ko kailangan ito, kunin mo na at hindi ako interesadong gamitin!” angil ko sa kaniya. “Really? But I was told you are already wearing it, right now,” mariin akong napalunok at lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Tumikhim ako bago muling

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 36 Surprising Moment

    “Tama ang Tita, mo Lance. Let’s go. I already notified the hosts for the start of the program,” yaya ni daddy kay Lance. “Alright, Tito,” nakangiting sagot niya kay Daddy saka bumaling sa akin. “Baby, let’s go. Iisang lamesa lang ang pupuwestuhan natin nina Tito at Tita,” parang nang-aasar na tawag-pansin niya sa akin. Namilog ang mga mata ko sa inaasta niya pero hindi ko siya magawang irapan dahil nakaharap ang parents ko. Ni hindi ako nagkaroon ng pagkakataong ipagtapat sa kanila na wala na kami ni Lance. I helplessly looked at my friends who were also shocked with Lance’s unprecedented behavior tonight. Pero sa huli ay wala rin silang nagawa kun’di tanguan na lang ako. Si Terrence naman ay tinapunan ng masamang tingin si Lance pero nag-make face lang ito sa kaniya. “Ano pang hinihintay mo, Farah, tara na!” untag ni Mommy sa akin. Nakuyom ko ang mga kamao sa nararamdamang inis kay Lance. “Terrence, Leah, please enjoy the night, huh? Thank you for coming and for the gifts kahit si

Latest chapter

  • Desired by the Billionaire Heir   FINAL CHAPTER

    Farah’s POVHindi ako nakatulog buong magdamag dahil sa matinding pag-aalala kay Lance. Mula noong umalis ito kahapon ay hindi pa ito bumabalik at hindi ko rin naman siya makontak. Ayoko sanang mag-isip ng masama pero hindi ko naman ito mapigilan dahil hindi mawala-wala ang matinding kaba sa dibdib ko.Lumipas pa ang buong maghapon ay wala pa rin akong anumang balita mula kay Lance. Kahit ano pang pangungulit ko sa mga naiwan niyang tauhan dito ay ayaw naman nilang magsalita. Ni hindi nga rin ako makakain ng maayos dahil sa matinding pag-aalala.“Ma’am, magandang gabi po, gusto daw po kayong makausap ng tauhan ni Sir,” tawag-pansin sa akin ni Butler Jimmy. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement.“Nasaan po siya?” may pagmamadaling tanong ko. Bigla akong nabuhayan ng loob dahil baka may balita na ito tungkol kay Lance.“Naroroon po sa sala, Ma’am,” magalang na tugon ni Jimmy. Mabilis akong tumango at nagpaalam na sa kaniya para puntahan ang sinasabi niyang naghihintay sa akin.

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 58

    “Bakit? Bakit mo iyon nagawa kay Papa? Alam mo bang nag-aagaw buhay si Mama Angela sa ospital ngayon? Dahil hindi siya makapaniwalang ang batang minahal at inalagaan niya ay hindi pala tao kun‘di isang demonyo!” malakas kong sigaw sa kaniya. Pero ipinagpatuloy lang niya ang pagtungga ng alak mula sa boteng hawak niya. “Bakit? Dahil epal ka! Lahat na lang, gusto mo sa iyo! Lahat na lang, dapat ikaw ang bida! Pero okay na sana, eh. Okay na sana kung kahit konti may inilaan si Papa para sa akin. Ako ang nasa tabi niya sa lahat ng oras, habang ikaw, nagpapakakasarap sa buhay mo. Maging ang pagpasok niya sa illegal na negosyo at sindikato, sinuportahan ko. Pero ano ang ending? Lahat ng kayamanan, pera at posisyon niya, sa iyo lang pala niya iiwan! Ulol ba siya? Ako ang pinahirapan niya tapos lahat ng pakinabang sa iyo mapupunta? Hell, no!” parang nahihibang na sabi niya. Para siyang wala sa sariling katinuan habang nagsasalita. “Papatay ka dahil lang sa pera? Napaka

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 57

    The next day, I spent almost the whole day sleeping and whining about my whole body being sore. Kinailangan ko pang uminom ng gamot para lang kahit papaano ay maibsan ang pananakit ng buong katawan ko. Bigla tuloy akong nakonsensya sa baby ko. “Sorry, baby, na-diet kasi nang husto si Daddy, kaya iyon ayaw paawat!” hinging paumanhin ko sa anak ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Madilim na sa labas at katatapos ko pa lamang maligo. Ilang beses akong napapangiwi habang nagsasabon at nagbabanlaw kanina dahil sa hapdi ng pagkababae ko. Parang namamaga na nga yata iyon at maging ang pag-ihi ay isang malaking pagsubok! Napaangat ako ng paningin nang biglang bumukas nag pintuan ng kuwarto. Inaasahan kong si Lance ang papasok pero bumagsak ang balikat ko nang dalawang katulong na parehong may dalang tray ng pagkain at mga prutas ang pumasok. “Nasaan ang Sir ni’yo?” nakangiting tanong ko nang maupo na ako sa harap ng mga nakahaing pagkain. “Um

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 56 In His Arms

    “Ha? Bakit? May nangyari ba sa kanila?” nahihintakutang tanong ko. Bigla kasi akong kinabahan sa ibinalita niya sa akin. “Nagsiguro lang ako dahil alam ko kung gaano na kadesperado si Darwin na mahanap ka. At alam kong ikaw ang gagamitin niya para mapasunod ako sa anumang iba pang binabalak niya. Kaya inunahan ko na siya bago pa niya maidamay ang pamilya mo. Kahit ang mga kaibigan mo ay pinababantayan ko na rin. Konting-konti na lang ay mahuhuli na rin namin ang hayop na iyon!” asar na tukoy ni Lance kay Darwin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. “Salamat, Lance. Salamat at hindi mo sila pinabayaan.” “Wala kang dapat ipagpasalamat. Ako pa nga ang dapat humingi ng dispensa dahil nadadamay kayo sa gulo ng pamilya ko,” may lungkot niyang sabi. “Hindi ka nag-iisa, Lance. Nandito lang ako. Magkasama nating harapin ang lahat ng problema,” sinserong sambit ko sa kaniya. “Hirap ka ba sa paglilihi? O kaya ay may mga gusto ka

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 54 Confronting the Truth

    “Lance, ano ba kasing klaseng buhay ito? Mabuti nga at ‘yang braso lang ang tinamaan sa iyo. Paano kung sa susunod ang ulo mo na o iyong parte ng katawan mo na pwede mong ikamatay?!” may pag-aalalang panunumbat ko. Nasubukan ko nang maranasan ang mapaulanan ng bala at pasabugan pa ang sinasakyan. Doon ko rin nakita kung gaano kagaling makipagbarilan ni Lance. Maliksi siya at sigurado ang bawat kilos nito. Pero kasabay din noon ang katotohanang napakadelikado ng mga ganoong sitwasiyon. Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap nang mahigpit. Noong una ay nalito ako kung ano ang gagawin pero parang kusa namang umangat ang mga kamay ko para tugunin ang yakap niya. “I’m very sorry for putting you in danger, Farah. Akala ko, matatapos ko ang lahat ng ito bago ko maipagtapat sa iyo na hindi totoong nakalimutan kita. Pero sakim si Darwin. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako napapatay. At natatakot ako dahil pati ikaw ay gusto niyang idamay,” madamdaming saa

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 53 Darwin’s Evil Deeds Revealed

    “Hindi mo naman kasalanan iyon dahil may sakit ka. Kaya naiintindihan ko kung hindi ka naniniwala sa ak–” “I never lost my memory, or any memory at all!” naagaw ang atensiyon ko at napatunganga ako sa pagputol niya sa pagsasalita ko. “What?” naguguluhang tanong ko. “I was just pretending that time,” mababa ang boses na pag-amin niya. Doon na tuluyang umawang ang bibig ko. Para bang sa isang segundo lang pagkatapos niyang sabihin iyon ay huminto sa pagtibok ang puso ko. Ang kalituhan ko ay biglang napalitan ng galit at paghihinakit. Matalim ko siyang tiningnan at doon ko napansin ang paglunok niya dahil sa paggalaw ng kaniyang Adam’s apple. “Why?” may diin at nagtatagis ang mga ngiping tanong ko. Kagyat na nanubig ang mga mata ko dahil isa-isang nagbalik sa isip ko ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa akin. Ang mga pang-iinsultong halos pumatay na sa akin at dumurog sa lahat ng pinaniniwalaan ko tungkol sa pag-ibig at mga p

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 51 Thinking Through

    Dahil sa nangyari sa nagdaang gabi ay halos hindi ako nakatulog. Bigla-bigla na lang akong nagugulat at kinakabahan. Kahit konting ingay lang ay madali akong naaalimpungatan mula sa pagkakaidlip ko. Kaya hanggang ngayon, kahit mag-aalas- nuwebe na ay naririto pa rin ako sa kuwarto at tulala. Naagaw lang ang atensiyon ko nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. “Ate, gising ka na daw ba? Tinatawag ka na nina Mommy at Daddy. Kumain ka na raw po!” narinig kong tawag sa akin ng kapatid ko. Huminga ako ng malalim at napilitang bumangon na rin. “Oo, sige. Pakisabi susunod na ako,” sagot ko. Pilit kong pinasisigla ang boses ko para hindi siya makahalata. Naligo ako at nagbihis bago lumabas ng silid ko. Naabutan ko sa sala sina Mommy at Daddy. Seryoso ang pag-uusap ng dalawa kaya hindi nila napansin ang paglapit ko. “Mom, Dad, good morning po!” bati ko sa kanila. Agad naman silang napalingon sa akin at ngumiti. “Anak, tinanghali ka, ah? Hindi ka rin kumain kagabi. Akala ko nga ay may s

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 50 PART 2

    Tumikhim si Darwin na umagaw sa atensiyon ng dalawa. Si Lance lang ang lumingon habang si Hailey ay patuloy lang sa paghalik sa kaniya. Pinigil niya ito at kunot’noong tumingin sa akin.“Ano na namang ginagawa ng babaeng iyan dito?” mataray na tanong ni Hailey. Pero hindi ko siya tiningnan dahil nanatiling nakapako ang paningin ko kay Lance.Inilabas ko ang kaheta mula sa bag ko at walang imik na lumapit sa kinanaroroonan niya.“Huwag kayong mag-aalala, hindi ko kayo guguluhin. Pasensya na sa abala,” buong katatagan kong saad kahit parang sinusuntok ang puso ko sa sakit.“Kung gano’n, bakit ka nandito?” malamig na tanong ni Lance.Iniabot ko sa kaniya ang kaheta at may pagtataka niya iyong tiningnan.“Ibabalik ko lang ito, sa iyo. Nakalimutan kong ibigay noong huling palayasin mo ako rito,” walang-buhay na sabi ko. Inabot naman niya iyon kaya agad na akong tumalikod upang lumabas.“Sana nga hindi na kita makitang muli,” nanunuyang saad ni Lance. Napapikit ako at marahang pinagdikit an

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 50 The Lost Memory

    “Lance… hindi mo ba talaga ako naaalala?” halos pumiyok nang tanong ko. Muli akong napalunok upang pigilan ang sariling maiyak dahil bahagya na ring nanginig ang mga labi ko. Gusto kong maging matapang sa kabila nang paghilab ng dibdib ko dahil sa malamig na trato niya sa akin.“Makulit ka rin talaga, eh, ano? Ilang beses ko nang sinagot iyang tanong mo! Ikaw lang itong hindi makaintindi dahil ipinipilit mo ang sarili mo sa akin! Bakit? Magkano ba ang kailangan mo para tigilan mo na ako?” nang-iinsultong tanong niya. Napanganga ako sa sinabi niya at sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pa ang maiyak.“Lance, buntis ako…” umiiyak kong sambit. “Miss na miss na kita…” pagpapatuloy ko pa. Pero hindi nagbago ang malamig na tingin nito sa akin. Dahil doon ay lalo akong napahikbi sa sobrang sakit na dinaranas ng puso ko. Para itong patuloy na dinudurog at tinatapakan pa nang paulit-ulit.“Ah… iyon naman pala! Buntis ka rin at gusto mong ipaako sa akin?” nagulat ako nang pagak siyang

DMCA.com Protection Status