Alas kwatro ng madaling araw ng magbyahe sila Arnel at Nicka pabalik ng Manila, kasabay ang mga kaibigan ni Arnel.Alas otso naman na ng umaga ng maiparada na ni Arnel ang sasakyan sa garahe ng kanilang mansyon.Bumaba agad si Arnel sa sasakyan at dumiretso sa itaas kung nasaan ang kwarto nito.Si Nicka naman ay binitbit ang mga dala nila galing Baguio papasok sa bahay.Saglit lang na nakapag-stay sa bahay ang lalaki. Naligo lamang ito at pagkababa nitong muli ay nakacorporate suit na at nagmamadaling lumabas ng bahay upang pumasok sa opisina.Nagkatinginan silang dalawa at nagtanguan ng ulo ng magkasalubong sila sa entrance door.Papasok si Nicka sa loob ng bahay dahil may binalikan ito sa loob ng sasakyan na pinamili nila sa Baguio na pampasalubong kina Jane at Lenny pati sa tiyahin niya, Palabas naman na si Arnel upang pumasok na sa kumpanya.Hindi na nagpaalam pa si Arnel sa kanya dahil sa byahe pa lang nila pauwi ay napag- usapan na nila ang mga gagawin nilang dalawa sa maghapon.
Tahimik na umiiyak si Nicka sa kanyang higaan, iniisip pa rin niya ang banta sa kanya ng tiyahin. Nangangamba siyang baka totoohanin nga iyon ng T'yang Tinay niya.Tanghali na ng puntahan siya ni Jane upang tawagin para kumain na ng tanghalian."Nicka, tara ng kumain sa kusina. Ipinapatawag ka na ng tiyahin mo." turan ni Jane na kinatok ang pintuan ng dalaga."Ipagdrive mo raw ako mamaya pagkatapos nating mananghalian sabi ni Manang, inutusan akong mag grocery at masakit raw ang ulo niya ngayon, kaya ako na lamang ang mamimili muna. Tumawag si sir Arnel kanina at nagpapaluto ng kalderetang baka para sa hapunan mamaya." sambit pa ni Jane ng papasukin na siya ni Nicka sa loob ng quarters.Tumango si Nicka kay Jane at hindi nagsalita."Umiyak ka ba? may problema ka?" tanong ni Jane sa dalaga ng mapansin ang namumugtong mata at pananamlay nito."Okay lang ako Jane, na miss ko lang ang mga kapatid at itay ko." pagdadahilan ni Nicka."Akala ko naman kung ano na, namimiss mo lang pala ang pa
Abala si Arnel sa loob ng kanyang opisina, pagkarating pa lang niya sa kumpanya ay inasikaso na niya agad ang mga dadalhin niya sa sites. na, tutok na tutok sa screen ng kanyang laptop. Kakabalik lang din kase niya galing sa site sa bandang pasig, upang pagtuunan ng pansin ang bago nilang project na ngayong araw nila inumpisahan ng mga tauhan nila sa construction.Naiwan roon si Marvin sa site kasama ang architect na si Mr. Ocampo at sila ni Rodjun ang magkasabay na bumalik sa kumpanya. May kailangan pa kase silang gawin sa opisina ni Rodjun Buenaflor, bago sila umalis muli at pumunta naman sa isa pang site nila. Na project naman nila iyon sa Guadalupe na patapos na at sila naman ni Rodjun ang magsusupervise roon hanggang sa mafully finished, bago nila i-turn over sa owner ng building.Kailangan nilang tutukan ngayon ang building construction dahil nalalapit na rin ang duedate na ibinigay sa kanila ng owner ng building na tinatrabaho ng kumpanya ng mga Dela Cerna. At dahil sa nagagah
Napatiim bagang si Arnel ng mag flashback sa alaala niya ang sinabi ni Marvin tungkol sa lalaking nagngangalang Gabriel Joaquin Diaz.Napakuyom pa ang kanyang mga kamao dahil sa naramdamang pang- iinsulto sa kanya ng lalaki dahil sa may lakas ito ng loob na harapin siya."Bakit pare, may problema ba?" tanong ni Rodjun sa kanya ng mapansin ang pananahimik niya."Nasa lobby siya kanina, hinahanap ako at nais makipag-usap." pahayag niya sa kaibigan."Hindi mo hinarap!? Lakas ng loob niya, parang nakakalalake talaga." tanong agad at pagkomento ni Rodjun."Hindi, im busy at wala naman siyang appointment. Hindi ko rin binigyang pansin kung sino siya nung nasa opisina ako. Naalala ko lang ng may madaanan tayong talyer na nabasa kong Diaz vulcanizing shop ang pangalan mismo ng talyer. Kaya pumasok sa isip kong pamilyar talaga sa akin ang pangalan niya." pagsasabi niya ng totoo.Napailing ng ulo si Rodjun. "Ang bitter mo pare!?" natatawang saad ng kaibigan kay Arnel."Ano sapalagay mo ang dahi
Nang makarating ang magkaibigan sa site para icheck ang trabaho ng mga constructions worker nila ay agad nilang kinausap ang foreman na pinagkakatiwalaan nila sa site, upang hingian ng report at samahan silang libutin ang buong building construction.Maayos naman ang lahat at sa tingin nila ay aabot naman sa duedate ang construction. Nang sa hindi inaasahan pagkakataon ay may naaksidenteng laborer sa site na nabagsakan ng mga semento at bakal na hindi nakaayos ang pagkakasalansan kaya bumagsak.Mabilis naman kumilos ang mga kasamahan ng construction worker at natulungan ang lalaki na nabagsakan. Ngunit kailangan madala pa rin sa ospital dahil sa naipit ng mabigat na bagay ay nahirapan na makatayo.Agad na ipinatawag nila Rodjun at Arnel ang medic nila sa loob ng site. Bawat construction project nila ay may itinatalaga silang medic nurse sa post ng construction site dahil sa may mga pagkakataon talaga na hindi naiiwasan ang pangyayaring may mga workers sa construction na nasasaktan ng
"Sira ulo ka!" galit na saad ni Emman, na agad nakaganti ng sapak sa mukha kay Arnel na hindi napansin ang sinabi ni Nicka ng harapin nito ang lalaki dahil sa nais niyang makaganti sa pananakit nito sa kanya.Napasinghap at napatakip sa bibig niya si Nicka ng bigla napatumba sa semento si Arnel ng sunod na naundayan ng suntok ni Emman si Arnel sa parteng tiyan nito."Emman, tama na please.., tama na!." pang-aawat ni Nicka sa kaibigan at mabilis na dinaluhan si Arnel. "Arnel, okay ka lang!?" tanong niya sa nobyo at inalalayan na makatayo."A-Arnel, ibig mong sabihin siya!?" napatda ang lalaki ng marinig ang sinabi ni Nicka."Oo, Emman siya nga." aning sagot ni Nicka na tinitigan pa sa mata si Emman.Na muling akmang susugod ng suntok kay Arnel ngunit nakailag ito at lumaban na rin ng pakikipagsuntukan kay Emman.Nagpalitan ng suntukan at tadyak ang dalawa na nakalikha na ng komusyon sa paligid dahil na rin sa pagsigaw ng pag-awat ni Nicka sa dalawa na wala namang gustong makinig sa ka
Lumipas ang mga araw na hindi pinapansin ni Nicka si Arnel, kahit na sinusubukan ng lalaking kausapin siya ay nagmamatigas siyang balewalain ang presensya nito na madalas ikabagsak ng balikat ng lalaki sa tuwing lalagpasan niya ito na napansin din ng tiya Tinay niya."Nakipaghiwalay ka na ba kay Arnel? Napapansin ko ang ginagawa mong pag iwas sa kanya.Tama yang ginawa mong desisyon Nicka, iwasan mo na muna si sir Arnel hanggat naririto ka pa sa mansion." saad na pagkausap sa kanya ni Manang Tinay ng maiwan silang dalawang magtiyahin sa kusina.Napabaling ng tingin si Nicka sa tiyahin ng kausapin siya nito, dahil ilang araw na rin ng huli silang mag- usap at yun ang araw na napaamin siya ng tiya Tinay niya sa relasyon nila ni Arnel.Magmula kase ng araw na yun ay hindi siya iniimik nito. Palagi lang pinadadaan kay Lenny o Jane ang gusto nitong iutos o ipagawa sa kanya.Hindi sumagot o nagsalita si Nicka. Tumingin lang s'ya sa tiyahin at pinagpatuloy ang ginagawang pagpupunas ng mga kat
Samantalang sa kumpanya ay kakatapos lang na masinghalan ni Arnel ang secretary niya dahil sa may ipinapahanap s'ya ritong dokumento kanina na hindi kaagad naibigay nito sa kanya.Pinipilit kase ni Arnel na magpakabusy sa trabaho sa kumpanya para hindi niya maisip ang problema niya kay Nicka. Pero kahit anong gawin niya ay talagang naapektuhan siya sa tuwing nagkakaroon sila ng lovers quarrel kaya naman hindi niya maiwasan na mag init ang ulo niya..Nakailang minuto na ang lumipas ng utusan niya ang secretary niyang si Jenny ay hindi pa rin pumapasok sa loob ng opisina niya ang sekretarya, kaya ng mainip na siyang talaga sa kakahintay sa kailangan niyang dokumento, ay pinuntahan na niya ito sa labas ng opisina niya at narinig niyang may kausap itong kaibigan sa cellphone nito, habang may kinakalkal sa loob ng file cabinet na sa tingin niya ay ang ipinahahanap niya rito, na hindi pa rin pala nito nakikita, samantalang kanina pa niya iyon iniutos.Kaya nakita na naman ni Jenny ang pagka
Makalipas ang mahigit isang taon na katatapos lang din ng bonggang kaarawan ng kambal nila Arnel at Nicka. Na ngayon naman ay magaganap na ang araw ng kanilang pag iisang dibdib.Sa loob ng simbahan ay naroon na ang groom at ang mga abay, naroon na rin ang pamilya ni Nicka at mga ninong at ninang nila sa kasal. Marami na ring bisita ang mga naghihintay sa pagdating ng bride. Ngunit lagpas na ng ilang minuto sa nakatakdang oras ng kasal ay wala pa rin si Nicka." Pare, ano ka ba? lakad ka ng lakad d'yan kanina pa, nahihilo na kami sayo nila Marvin." sitang wika ni Rodjun kay Arnel." Kinakabahan ako, Buenaflor. Bakit wala pa rin si Nicka?" pag amin niya sa mga kaibigan na pinagtawanan s'ya ng mga ito." Ngayon ka pa talaga kakabahan, Sisipot si Nicka sa kasal ninyo, darating s'ya kaya relax ka lang pare!" pagpapakalma ni Jasper kay Arnel." Baka kase natrapik lang o kaya na late ng alis sa bahay ninyo, kaya hanggang ngayon ay wala pa. Importanteng araw ito para sa inyo ni Nicka kaya si
Sa sementeryo kung saan nakalibing ang katawan ni Kyline ay nagtungo si Arnel at Nicka upang dalawin ang puntod ng namayapang panganay na anak ni Arnel. Hindi na muna nila isinama ang kambal at iniwan na muna ang kanilang anak sa yaya ng mga ito na si Annalyn. Ang kasambahay ni Nicka noon sa bahay sa Antipolo na tinirahan niya nung buntis pa siya, dahil sa kilala at malapit na rin kay Nicka ang babae ay ito na ang kinuha nilang yaya ng mga anak nila.Kaarawan ni Kyline, kaya nagpasamang dumalaw sa puntod ng anak niya si Arnel kay Nicka. Sa kauna- unahang pagkakataon ay naisama na rin ni Arnel si Nicka sa pagbisita sa libingan ng kanyang anak.Pagkarating nila roon ay agad na nilinis ni Arnel ang lapida sa puntod. Inilapag ang dala nilang bulaklak at sinindihan ang dalawang kandila. Tahimik na umusal ng dasal para sa kaluluwa ng panganay niyang anak, ganoon rin si Nicka na umusal din ng panalangin para sa kaluluwa ni Kyline na anak ng lalaking mahal n'ya at kapatid ng kanilang kambal
Mabilis na lumipas ang araw, nakalabas na ng ospital si Nicka at ang kambal. Hindi na sila umuwi ng mansyon dahil sa bagong ipinagawang bahay ni Arnel sila nito itinuloy. Surprised gift ni Arnel para kay Nicka at pasasalamat sa pagsasakripisyo ng dalaga ng dahil sa kanya at sa kambal nila.Ang sabi ni Arnel kay Nicka ay pinasimulan nito ang pagpapagawa ng bahay malapit lang sa kumpanya nung malaman nito na buntis siya. Dahil gusto ni Arnel na iwanan na sa mansyon ang mga hindi magagandang ala-ala na kasama pa nito ang unang naging pamilya. Naisip ni Arnel na hindi maganda ang vibes ng mansyon nila dahil noon pa man ay hindi na maganda ang naging pagsasama ng magulang niya nung bata pa siya.Binatilyo pa lang si Arnel noon ng mamatay ang mommy n'ya at hindi pa man sila nakakapagbabang luksa ng magdesisyon ang kanyang daddy na iuwi sa mansyon nila ang babaeng ipinalit nito sa kanyang mommy at doon niya rin nalaman na may dalawa na pala itong anak sa labas sa naging madrasta niya na si M
Samantala sa malaking bahay bakasyunan ni Gabriel sa Batangas, kung saan niya itinago si Romary. Kakagising lang ng babae at kalalabas lang din ng banyo ng mapasukan niya itong nakasuot pa rin ng pantulog.Sa loob ng ilang buwan na pagpapatherapy ni Romary ay maayos na muli ang kanyang paglalakad at nakabalik na sa dating pananamit, sa kung paano siya noon pumustura, pero hindi pa rin bumabalik ang kanyang alaalang nawala. Nung una ay nahirapan din sa Gabriel kay Romary Gail na papaniwalain ito na may mutual understanding na nga silang dalawa, bago pa man ito biglang nawala. Hindi kase mapaniwalaan ni Romary ang mga sinasabi at ipinapakitang proof sa kanya ni Gabriel na mga photos at videos na magkasama silang dalawa, pero alam ni Romary sa kanyang sarili na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Gabriel nung makita pa lang niya ito sa mansyon nila Arnel.Naging maalaga naman kay Romary si Gabriel at nararamdaman ni Romary na may malalim na pagkagusto talaga sa kanya ang lalaki na
Nagising si Nicka na dahan- dahang iminulat ang mga mata. Bahagya siyang umayos ng higa upang makomportable siya.Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid at napadako ang tingin niya sa taong nakadukmo ang ulo sa kanyang higaan, habang ito ay nakaupo sa upuang katabi ng kinahihigaan n'ya, na hawak pa ang isa niyang kamay.Napangiti si Nicka sa pag aakalang si Mike ang lalaking natutulog.Gigisingin na sana niya ito ng bumukas ang pintuan at pumasok roon si Mike kasama ang yaya ni Alessia.Nagulat si Nicka habang papalapit si Mike na malapad ang pagkakangiti sa kanya.Ibinalik niya ang tingin niya sa lalaking mahimbing pa rin ang tulog at hawak ang kanyang isang kamay.Hindi niya kita ang mukha ng lalaki dahil sa nakayuko ito. Bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba ng muling masulyapan ang bulto ng lalaking nakahawak sa kanyang kamay.Inalis n'ya ang kamay niya sa pagkakahawak ng lalaki na naalimpungatan sa kanyang ginawa, kaya agad nag dilat ito ng mata at humarap sa kany
" Malapit ka ng manganak, Nicka. Nasa 9 cm na ang bata. Kakayanin mo naman ang normal delivery pero ipipainless kita para hindi ka gaanong mahirapan." wika ng OB-Gyne ni Nicka.Dinala siya ni Mike sa hospital kung saan siya nagpapacheck up monthly. Nataranta na kase ito ng makita siyang nasasaktan sa paghilab ng kanyang tiyan.Dis oras na ng gabi ng lumabas si Mike sa kwarto para kumuha sana ng maiinum ng makita niya si Nicka na nasa labas ng pintuan ng silid nito at halatang nasasaktan.Agad na binuhat ni Mike si Nicka at pasigaw na tinawag ang kasambahay para tulungan siya na kuhanin ang mga gamit ng baby ni Nicka sa kwarto nito at samahan sila sa ospital.Hindi naman kalayuan ang ospital sa lugar nila Mike at hindi rin trapik sa daan dahil nga sa gabing gabi na.Pagkarating nila sa ospital ay agad na inasikaso si Nicka at sinabi nga ng doktora na manganganak na siya ano mang oras.Samantala sa ospital kung saan dinala ni Mike si Nicka ay naroon din pala si Doc. Aileen, na nakaduty
Lumipas ang maraming buwan, malaki na ang tiyan ni Nicka at ilang linggo na lang ay maaari na siyang manganak.Nasa bahay pa rin siya nila Mike at tutor pa rin siya ni Alessia. Nakakalabas lang siya ng bahay ni Mike kapag kailangan niyang magpacheck up sa kanyang OB-GYNE na palaging kasama si Mike na napagkakamalan palagi na asawa niya.Nung una ay nahihiya siya kapag tinatanong si Mike kung asawa siya nito, pero kalaunan ay pinagtatawanan na lamang nila at sinasakyan ang mga akala ng ibang tao. Nagpapanggap na lang silang mag asawa sa harap ng iba, lalo na kay Cielo na ipinipilit noon ang sarili kay Mike na ilang beses din siyang pinagbantaan at sinaktan ng babae pero hindi siya nagpatinag hanggang sa ipinagbawal na ni Mike ang pagpasok ni Cielo sa kanyang pamamahay. Nagpahain sila ng restraining order para kay Cielo dahil sa ginawang pananakit nito kay Nicka.Nalaman na rin nila ang kasarian ng kambal ni Nicka, na marami ang natuwa dahil magkaiba ng gender ang twins. Isang lalaki at
Kasalukuyang nasa byahe na papuntang maynila sina Mike at Nicka, Ipinahatid sila kay Darwin na dtiver ng lolo Miguel ng lalaki kaya pareho silang nasa likuran ng driver nakaupo.Ilang oras na rin ang itinakbo ng sasakyan ay tahimik lang sila kaya binasag na ni Nicka ang katahimikan." Mike, pwede magtanong?" wika ni Nicka." Sure, anong itatanong mo?" sagot ng lalaki na umayos ng pagkakaupo dahil humarap ito sa kanya." Ano kase eh! kanina pa tayo magkasama rito sa sasakyan wala ka pang ibinibigay sa akin na impormasyon man lang tungkol kay Alessia. Tulad ng kung ilan taon na ba siya at kung anong mga hobbies niya." aniya kay Mike." Alessia is my niece, Anak siya ng bunso kong kapatid na si Rafael. I'm her guardian, magmula ng mamatay sa car accident ang kapatid ko. She is 7 years old at mahilig siyang mag drawing. Pumapasok na siya sa school, grade 1. Mabait na bata si Alessia kaya, for sure magugustuhan mo siya." litanya ni Mike na ikinatango ni Nicka." Ang sabi mo ikaw ang guardi
Sa sunflower farm nila Mike ay naratnan siya nila aling Romina, Judy Ann at Nicka na kinakausap ang ilan sa mga tauhan nila." Magandang umaga po senyorito Mike." bati ni aling Romina na katabi ang anak at si Nicka ng lumapit sila sa lalaki ng maiwan na itong mag isa sa kinatatayuan nito." Magandang umaga rin ho sa inyo aling Romina, kasama n'yo pala si Judy Ann at si Nicka. Si Mang Julian po?" malawak ang ngiting binalingan ng bati ang ginang." Nagtungo na sa hacienda, nagpahatid lang kami rito sa kanya senyorito. Abala ho kayo kanina kaya hindi na niya kayo inabala pa." maagap na sagot ni aling Romina sa lalaki." Buti at nakarating kayo rito sa sunflower farm at naabutan n'yo pa akong narito, Nicka, Judy Ann. Pabalik kase ako mamaya ng maynila at matatagalan siguro na makita ko kayong muli." saad ng lalaki sa kanila." Kumusta ka na, Nicka?" dugtong pang tanong ni Mike.Matipid ang ngiting sagot ni Nicka sa tanong ng lalaki. Tumango tango si Mike at nagpamulsa." Senyorito Mike,