Abala si Arnel sa loob ng kanyang opisina, pagkarating pa lang niya sa kumpanya ay inasikaso na niya agad ang mga dadalhin niya sa sites. na, tutok na tutok sa screen ng kanyang laptop. Kakabalik lang din kase niya galing sa site sa bandang pasig, upang pagtuunan ng pansin ang bago nilang project na ngayong araw nila inumpisahan ng mga tauhan nila sa construction.Naiwan roon si Marvin sa site kasama ang architect na si Mr. Ocampo at sila ni Rodjun ang magkasabay na bumalik sa kumpanya. May kailangan pa kase silang gawin sa opisina ni Rodjun Buenaflor, bago sila umalis muli at pumunta naman sa isa pang site nila. Na project naman nila iyon sa Guadalupe na patapos na at sila naman ni Rodjun ang magsusupervise roon hanggang sa mafully finished, bago nila i-turn over sa owner ng building.Kailangan nilang tutukan ngayon ang building construction dahil nalalapit na rin ang duedate na ibinigay sa kanila ng owner ng building na tinatrabaho ng kumpanya ng mga Dela Cerna. At dahil sa nagagah
Napatiim bagang si Arnel ng mag flashback sa alaala niya ang sinabi ni Marvin tungkol sa lalaking nagngangalang Gabriel Joaquin Diaz.Napakuyom pa ang kanyang mga kamao dahil sa naramdamang pang- iinsulto sa kanya ng lalaki dahil sa may lakas ito ng loob na harapin siya."Bakit pare, may problema ba?" tanong ni Rodjun sa kanya ng mapansin ang pananahimik niya."Nasa lobby siya kanina, hinahanap ako at nais makipag-usap." pahayag niya sa kaibigan."Hindi mo hinarap!? Lakas ng loob niya, parang nakakalalake talaga." tanong agad at pagkomento ni Rodjun."Hindi, im busy at wala naman siyang appointment. Hindi ko rin binigyang pansin kung sino siya nung nasa opisina ako. Naalala ko lang ng may madaanan tayong talyer na nabasa kong Diaz vulcanizing shop ang pangalan mismo ng talyer. Kaya pumasok sa isip kong pamilyar talaga sa akin ang pangalan niya." pagsasabi niya ng totoo.Napailing ng ulo si Rodjun. "Ang bitter mo pare!?" natatawang saad ng kaibigan kay Arnel."Ano sapalagay mo ang dahi
Nang makarating ang magkaibigan sa site para icheck ang trabaho ng mga constructions worker nila ay agad nilang kinausap ang foreman na pinagkakatiwalaan nila sa site, upang hingian ng report at samahan silang libutin ang buong building construction.Maayos naman ang lahat at sa tingin nila ay aabot naman sa duedate ang construction. Nang sa hindi inaasahan pagkakataon ay may naaksidenteng laborer sa site na nabagsakan ng mga semento at bakal na hindi nakaayos ang pagkakasalansan kaya bumagsak.Mabilis naman kumilos ang mga kasamahan ng construction worker at natulungan ang lalaki na nabagsakan. Ngunit kailangan madala pa rin sa ospital dahil sa naipit ng mabigat na bagay ay nahirapan na makatayo.Agad na ipinatawag nila Rodjun at Arnel ang medic nila sa loob ng site. Bawat construction project nila ay may itinatalaga silang medic nurse sa post ng construction site dahil sa may mga pagkakataon talaga na hindi naiiwasan ang pangyayaring may mga workers sa construction na nasasaktan ng
"Sira ulo ka!" galit na saad ni Emman, na agad nakaganti ng sapak sa mukha kay Arnel na hindi napansin ang sinabi ni Nicka ng harapin nito ang lalaki dahil sa nais niyang makaganti sa pananakit nito sa kanya.Napasinghap at napatakip sa bibig niya si Nicka ng bigla napatumba sa semento si Arnel ng sunod na naundayan ng suntok ni Emman si Arnel sa parteng tiyan nito."Emman, tama na please.., tama na!." pang-aawat ni Nicka sa kaibigan at mabilis na dinaluhan si Arnel. "Arnel, okay ka lang!?" tanong niya sa nobyo at inalalayan na makatayo."A-Arnel, ibig mong sabihin siya!?" napatda ang lalaki ng marinig ang sinabi ni Nicka."Oo, Emman siya nga." aning sagot ni Nicka na tinitigan pa sa mata si Emman.Na muling akmang susugod ng suntok kay Arnel ngunit nakailag ito at lumaban na rin ng pakikipagsuntukan kay Emman.Nagpalitan ng suntukan at tadyak ang dalawa na nakalikha na ng komusyon sa paligid dahil na rin sa pagsigaw ng pag-awat ni Nicka sa dalawa na wala namang gustong makinig sa ka
Lumipas ang mga araw na hindi pinapansin ni Nicka si Arnel, kahit na sinusubukan ng lalaking kausapin siya ay nagmamatigas siyang balewalain ang presensya nito na madalas ikabagsak ng balikat ng lalaki sa tuwing lalagpasan niya ito na napansin din ng tiya Tinay niya."Nakipaghiwalay ka na ba kay Arnel? Napapansin ko ang ginagawa mong pag iwas sa kanya.Tama yang ginawa mong desisyon Nicka, iwasan mo na muna si sir Arnel hanggat naririto ka pa sa mansion." saad na pagkausap sa kanya ni Manang Tinay ng maiwan silang dalawang magtiyahin sa kusina.Napabaling ng tingin si Nicka sa tiyahin ng kausapin siya nito, dahil ilang araw na rin ng huli silang mag- usap at yun ang araw na napaamin siya ng tiya Tinay niya sa relasyon nila ni Arnel.Magmula kase ng araw na yun ay hindi siya iniimik nito. Palagi lang pinadadaan kay Lenny o Jane ang gusto nitong iutos o ipagawa sa kanya.Hindi sumagot o nagsalita si Nicka. Tumingin lang s'ya sa tiyahin at pinagpatuloy ang ginagawang pagpupunas ng mga kat
Samantalang sa kumpanya ay kakatapos lang na masinghalan ni Arnel ang secretary niya dahil sa may ipinapahanap s'ya ritong dokumento kanina na hindi kaagad naibigay nito sa kanya.Pinipilit kase ni Arnel na magpakabusy sa trabaho sa kumpanya para hindi niya maisip ang problema niya kay Nicka. Pero kahit anong gawin niya ay talagang naapektuhan siya sa tuwing nagkakaroon sila ng lovers quarrel kaya naman hindi niya maiwasan na mag init ang ulo niya..Nakailang minuto na ang lumipas ng utusan niya ang secretary niyang si Jenny ay hindi pa rin pumapasok sa loob ng opisina niya ang sekretarya, kaya ng mainip na siyang talaga sa kakahintay sa kailangan niyang dokumento, ay pinuntahan na niya ito sa labas ng opisina niya at narinig niyang may kausap itong kaibigan sa cellphone nito, habang may kinakalkal sa loob ng file cabinet na sa tingin niya ay ang ipinahahanap niya rito, na hindi pa rin pala nito nakikita, samantalang kanina pa niya iyon iniutos.Kaya nakita na naman ni Jenny ang pagka
"Lolo.., Lolo Lando, gising na po yung magandang babae." sigaw ng batang babae sa matandang lalaki na papalapit sa isang kubo na mabagal ang paglalakad dahil sa mga bitbit nitong gulay at mga saging."Wag kang tumakbo apo at baka madapa ka. Ang sabi mo ay gising na yung babae, alam na ba ng inay mo, nasabi mo na ba sa kanya.?" aning saad ng matanda sa batang babae na sumasalubong sa kanya pababa"Nasa kubo po si inay, Lolo Lando. Inaasaikaso nga po niya yung magandang babae." sagot ng bata."Ganun ba, tulungan mo akong buhatin ang bigkis ng saging Nene, upang mapadali ang pag uwi natin, at nang matingnan ko ang kalagayan ng babae." ani pa ng matanda."Sige po Lolo Lando, ako na po ang magbubuhat ng iba." at kinuha nga ang ilang dala ng kanyang lolo."Yung kaya mo lang bitbitin apo ha wag mong pwersahin ang sarili mo kung mabibigatan ka.""Kaya ko naman po ito, Lo. Bilisan po natin Lo, kase si inay minsan hindi niya maintindihan ang sinasabi ng babaeng maganda kapag nagsasalita, nahihi
"Ate Romary, bakit po ang ganda ninyo at ang puti nyo pa po? akala ko po isa kang diwata ng dagat na napadpad sa may dalampasigan." biglang tanong ni Nene na naagaw nito ang atensyon niya sa pag iisip kung paano siya nakarating sa isla."Ow, dahil sa maganda ako at maputi ay diwata na agad ako sa paningin mo. Alam mo ikaw maganda ka rin naman hindi ka nga lang maputi. Kung siguro sa maynila ka titira ay puputi ka rin." magiliw na turan niya sa bata."Maynila po? malayo po ba yon?" interesadong tanong ng batang si Nene."Nene, dun ka na muna sa labas ha. Baka naiingayan na sayo si Romary, hayaan na muna natin siyang makapagpahinga." pagputol ni Hilda sa kadaldalan ng kanyang anak na ramdam ni Romary na iniiwas lang ni Hilda ang anak nito."Pero inay, gusto ko pa pong magtanong kay ate Romary." angal ng batang nasa walong taong gulang pa lamang siguro."Sige na Ne, sundin mo na ang utos ko at baka mapalo pa kita dahil sa katigasan ng ulo mo. Doon ka na muna sa labas at maglaro. " may pa