Pagkarating ko ng mansyon ay tumuloy agad ako sa aking silid upang makapagpahinga, nakainom din kasi ako ng bahagya kaya naman medyo sumasakit ang ulo ko. Pagkapasok ko sa aking silid ay tumungo muna ako sa veranda upang magpahangin sana ng may matanaw ako sa aking hardin na isang babae na nakaupo na tila ba may hinihintay. Napakunot ang noo ko dahil akala ko ay nakaalis na ang babaeng ito kaya naman nagtataka ako at nandirito pa rin siya sa loob ng aking pamamahay. Pinagmamasdan ko lamang ito habang magkasalubong ang aking mga kilay, nakita ko ang pagtayo nito at ang kaniyang pagngiti kaya naman ang salubong kong kilay ay napalitan ng pagkunot ng aking noo. Tumingin ako kung saan siya nakatingin at nakita kong papalapit sa kanya si Calix at mabilis niya itong sinalubong ng yakap, hindi ko inaalis ang mga tingin ko sa kanila at pinapanood ko lamang sila sa masaya nilang pagkikita na akala mo ay isang taong hindi nagkita. Napatingin sa aking veranda si Calix kaya naman ng mapansin niya ako na nakatanaw sa kanila ay kumaway ito sa akin, sa hindi ko maintindihang kadahilanan ay kumaway din ako kaya napatingin ako sa kamay ko na nakataas pa at mabilis ko itong ibinaba at pumasok na ako sa aking silid at hindi na sila binigyan pa ng pansin. "What the hell did I just do?!" Ani ko sa aking sarili at pagkatapos ay ipinilig ko ang aking ulo. Nahiga ako sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata hanggang sa unti-unti ng namigat ang talukap nito.
Mga katok sa pintuan ang gumising sa mahimbing kong pagkakatulog kaya naman mabilis akong tumayo at binuksan ko ang aking pintuan. "Hijo kanina pa ako kumakatok dito, hating-gabi na ay hindi ka pa naghahapunan." Nag-aalalang ani ni nanay sa akin, "hindi po ako nagugutom, bukas na lang ako kakain at gusto ko pang matulog' Ani ko dito na isang mata lamang ang nakadilat. "Sya, matulog ka na at bukas ay hindi ka papasok sa opisina mo ng hindi ka nag-aagahan." Ani nito sa akin at tumango lamang ako at bumalik din agad ako sa aking higaan at pabagsak ang katawan kong nahiga dito at ipinagpatuloy ko na ang aking naudlot na pagtulog.Bria's POVSobrang takot ang naramdaman ko ng marinig ko ang tila ba galit na boses na amo ng aking ina at kapatid, hindi ako makatingin dito sa takot na aking nararamdaman, buti na lamang at nilapitan kami ni kuya guard at ipinaliwanag sa kaniya kung sino ako. Napaangat ako ng ulo kaya naman natitigan ko ang kaniyang mukha kaya ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng makita at mapagmasdan ko ang napakagwapo nyang mukha. Bakit iba yata ang pagkakasabi sa akin ni Kuya Calix, kasi ang sabi niya sa akin ay maliit lamang ito na sobrang payat na akala mo'y kalansay na naglalakad na binalutan lamang ng balat ng tao, tapos sabi pa nya ay maitim ito at malaki ang ilong na may malaking butas, tapos sabi pa nya ay puro tagyawat pa daw ito pero bakit napakagwapo naman ng lalaking kaharap ko at tinawag din itong sir ni kuya guard kaya nakasisiguro akong ito ang amo ni Kuya Calix. Napatingin ako sa kaniyang mata at ganoon na lamang ang gulat ko ng makita kong tila ba nagliliyab sa galit ang kaniyang mga mata na nakatitig sa akin, wala itong sinabi ngunit galit itong pumasok sa sasakyan at sinigawan pa ang guard upang buksan ang gate. Nakakatakot naman, bakit pakiramdam ko ay galit ito na makita ako sa loob ng kaniyang bakuran, hindi naman ako magnanakaw kaya wala naman siyang dapat na ikagalit sa akin. Pagkalabas ng kaniyang sasakyan ay tinungo ko na ang sinabi ni kuya guard sa likod ng mansion at hinanap si nanay. Nakita ko agad si nanay kaya naman mabilis ko itong nilapitan, "nanay nandito na po ako." Masaya kong ani dito kaya naman mabilis itong napalingon sa kinaroroonan ko."Bria, buti naman at nakarating ka agad dito, halika na at simulan na natin ito at marami-rami din ang lalabhan nating mga malalaking kurtina at kobre kama." Ani naman nito sa akin kaya naman kinuha ko na ang hawak niyang malaking basket ng maruruming kurtina."Hala jusko nanay ang bigat!" Gulat na ani ko dito ng makuha ko sa kaniya ang basket. Malakas na tawa lamang ang sinagot niya sa akin habang ako naman ay napatingin sa aking braso at baka nahugot na ito at nagkahiwa-hiwalay dahil sa bigat ng mga binuhat ko.Ilang oras din ang ginugol namin sa paglalaba at ngayon nga ay nakasalang na isa-isa ang mga ito sa dryer. Sarap naman maging mayaman diretso pagpapatuyo ka agad ng mga nilabhan mo, hindi katulad sa aming mahihirap na maghihintay ka pang sumikat ang araw para makasiguro kang mabango ang kalalabasan ng natuyo mong damit. Kung mamalasin ka pa nga ay bumabagyo pa kaya wala kang maisusuot na malinis na damit kung kaunti lang ang mga damit mo."Nay, may itatanong po ako." Ani ko dito. "May nakita po akong lalaking gwapo kanina kaya lang parang nireregla sobrang sungit, nasigawan nga po ako dahil hindi n'ya alam na ako ang anak mo, akala yata akyat bahay ako, baka akyat kwarto sabay gapang sa kanya pwede pa hihihi." Ani ko sa aking ina sabay bungisngis. Isang tampal sa braso ko ang dumampi sa aking balat at nakasalubong na kilay naman ng aking ina ang humarap sa akin."Bria ano ba 'yang pinagsasasabi mo ha? Ang bata-bata mo pa ay kung ano-ano na 'yang sinasabi mo diyan. Gusto mo bang sabihin ko 'yan sa kuya mo para hindi ka na makalabas ng bahay ha?" Galit na ani ng aking ina kaya naman sinibangutan ko ito."Nagbibiro lang naman po, si nanay hindi na mabiro." Nakaingos kong wika dito. "Umayos kang bata ka ha, baka mamaya may makarinig pa sa iyo dito jusmiyo nakakahiya ka!" Inis na ani sa akin nito kaya naman hindi na ako sumagot at inalala ko na lang ang sobrang gwapong mukha ng amo ng aking ina. 'Anong oras kaya babalik ang gwapong 'yon dito? Kahit parang demonyo kung tumitig ay sobrang gwapo pa rin.' Bulong ng isipan ko. Pero bakit kaya iba ang pagkakasabi sa akin ni Kuya Calix ng hitsura ng lalaking 'yon? My god! Wala ngang itatapon sa lalaking 'yon, finger licking good. Hindi ko na namamalayan na napapangiti na pala ako na tila ba kinikilig kaya isang pingot ang pumukaw sa aking pagpapantasya."Ahhh! Nanay naman, ang sakit kaya ng pingot mo." Naiinis kong turan dito."Baka akala mo hindi ko alam kung bakit para kang kinikilig diyan ha." Ani ng aking ina habang pinandidilatan niya ako ng kaniyang mga mata kaya naman inirapan ko lamang ito at nginusuan ko pagkatapos ay naglakad na ako papuntang sa garden upang duon ko na lang hintayin si Kuya Calix dahil magpapahatid na lang ako sa kaniya pauwi. Habang naglalakad ako ay nakita kong pumapasok ang sasakyan ng amo ni kuya kaya naman mabilis akong nagkubli sa isang puno at pinagmasdan ko ang paglabas nito sa magara niyang sasakyan."Gosh! Katawan pa lang ulam na!" Bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ko ang paglalakad nito papasok sa loob ng kaniyang mansion. Huminto ito saglit at tumingin sa kaniyang paligid kaya naman mabilis ulit akong nagkubli sa puno kaya ng tuluyan na itong nakapasok sa loob ng kabahayan ay nagpunta naman ako sa nakita kong upuang bato at umupo ako upang hintayin si Kuya Calix. Hindi naman nagtagal ay natatanaw ko ng pumapasok sa loob ng garahe si kuya kaya naman malaki ang pagkakangiti ko na sinalubong ito."Kuya nakakainis ka! Ang sabi mo sobrang pangit ng boss mo pero ang totoo pala ay sobrang gwapo nito. Grabe sobrang gwapo talaga!" Ani ko dito na tila ba kinikilig pa ako. Tumingala si kuya kaya naman napatingin din ako sa tinitignan niya at kinawayan nya ang lalaking nakatayo sa veranda sa ikalawang palapag, kumaway din ito at pagkatapos ay mabilis na tumalikod at pumasok na sa loob kaya naman napangiti ako ng muli kong masilayan ang kagwapuhan niya."Huwag na huwag kang makikipag-usap sa amo ko, lalong-lalo na ang makikipaglapit dahil hindi 'yan sumeseryoso ng babae at para sa kaniya ay pang-aliw lamang sila. Ayokong maging biktima ka niya dahil baka makapatay ako." Mahabang ani sa akin ni kuya kaya naman nginusuan ko ito. "Grabe naman, sabi ko lang gwapo tapos kulang na lang ipadala mo ako sa bundok para di ko siya makita. Ang oa mo kuya!" Naiinis kong ani dito sabay irap sa kaniya."Basta sundin mo ang sinabi ko sa iyo." Ani nito kaya naman inikutan ko ito ng aking mga mata."Ihatid mo na po ako Manong Calix." Ani ko dito ng naiinis kaya naman isang batok ang binigay sa akin nito bago nya ako tuluyang ihatid pauwi.Maaga pa lang ay nagising na ako, bumaba agad ako ng unang palapag upang uminom ng kape. Inabutan kong nagluluto si Aling Anita ng agahan kaya naman nagtataka ko itong tinanong kung nasaan si Nanay Lita."Nasa hardin po at kausap ang aking anak na si Calix." ani nito sa akin kaya naman nagtungo ako ng hardin upang puntahan ito. Nakita ko si nanay at si Calix na nag-uusap habang si Calix naman ay nagtatabas ng malagong halaman."Hijo napaka-aga mo namang gumising, nagugutom ka na ba?" tanong nito sa akin."Good morning ho sir!" bati naman sa akin ni Calix na tinanguan ko lang."Ano ho ba ginagawa ninyo dito?" tanong ko kay Nanay Lita."Nakikipag kwentuhan lang ako kay Calix habang tinuturo ko dito kung alin ang dapat na tabasan, malalago na kasi at gusto niyang siya na ang gumawa at wala pa naman daw siyang ginagawa sa ngayon." wika ni nanay Lita kaya naman napatingin ako kay Calix. Okay naman pala ang isang ito at masipag, hindi mo na kailangan pang utusan dahil nagkukusa na siya."Ip
Katulad ng inaasahan ko ay dumating nga dito sa opisina ko si Brandon na kasama pa si Jared. Napabuntong-hininga na lamang ako ng makita ko silang pumapasok ng nakangisi sa akin."Mukhang kalokohan na naman ang sadya ninyo sa akin." ani ko sa mga ito na natawa dahil sa aking sinabi."Nabalitaan ko sa ibaba na may dumating na babae dito sa opisina mo? Kaylan ka pa nagpapasok ng babae dito?" mapang-inis na ani ni Jared sa akin. Tama sila, hindi talaga ako nagpapasok ng mga babae dito sa aking opisina unless na lang tungkol ito sa negosyo."It was Alexa Sanchez." ani ko dito na ikinagulat nila at napatitig pa sa akin na tila ba nagtataka."Alexa, as in the Alexa fuck girl?" natatawang turan ni Jared.Tango lamang ang tanging naisagot ko sa kanila habang nakatitig naman ako sa aking laptop at patuloy lamang ako sa aking pagtatrabaho."What the hell was she doing in your office?" nakataas na dalawang kilay na ani sa akin ni Brandon."Well, paano daw kung mabuntis siya." natatawa kong wika
Kinabukasan ay maagang nagising si Bria at agad na hinanap ang kaniyang telepono."Oh my god!" ani niya ng makita kung anong oras na."Omg! Omg!" paulit-ulit niyang ani habang nagmamadali itong pumapasok sa loob ng kaniyang banyo upang maligo. Dahil sa sobrang pag-iisip niya sa amo ng kaniyang kapatid ay late na ito nakatulog kaya naman late na rin siya nagising. Halos sampong minuto lamang ang inilagi niya sa loob ng banyo at pagkatapos ay mabilis din agad itong nakapag-bihis.Halos maiyak ito dahil sa inis na nararamdaman niya sa kaniyang sarili lalo na at may exam pa siya ngayon. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang telepono na nakapatong sa kaniyang kama at tinawagan ang kaniyang kapatid."Kuya sige na please! Pag na-late kasi ako hindi ako makakakuha ng exams." naiiyak niyang ani dito."Nababaliw ka na ba ha Bria?! Hindi pwede dahil ihahatid ko pa ang amo ko, dahil sa ginagawa mo mawawalan ako ng trabaho!" galit na ani nito sa kaniyang kapatid kaya naman hindi na nito napigilan pa
Bria's POVLinggo ngayon kaya naman excited ako, kapag linggo kasi tinutulungan ko si nanay sa mansion upang maglaba ng malalaking kurtina at mga kobre-kama. Excited din ako dahil makikita ko na naman si Decker my love. Kung tutuusin ay off ni kuya at ni nanay kapag linggo pero dahil wala naman daw silang ginagawa kapag linggo ay mas gusto pa nilang magtrabaho kaysa ang tumunganga lang sa bahay. Sabi nga ni nanay ay hindi naman mabigat ang gawain niya dahil tinutulungan siya ni manang Lita at ni kuya.Napapangiti ako habang iniisip ko ang gwapong mukha ng amo ni kuya at nanay. Pangalan pa lang appetizer na, ang katawan naman ay sobrang sarap iulam at ang pang dessert ay ang gwapo niyang mukha."Sasabay ka na ba sa akin Bria? Bakit naiinip na si nanay sa kakahintay sayo." ani ng aking kapatid."Oo kuya saglit lang at nagsusuklay ako!" Ani ko naman dito at tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa."Hoy Bria! Pupunta ka duon para tulungan si nanay maglaba, hindi ka pupunta duon para umat
Decker's POVIt was Brandon's birthday today, so I received a call from him asking for us to meet at the bar to celebrate. I quickly showered, changed into my best clothes, and headed out to find my driver, Calix. It's safer for me to always have a driver, so I prefer to go to the bar and get intoxicated with Calix.Usually kapag Sunday ay nasa bahay lamang ako at mas gusto ko pang gumagawa ako ng mga inuuwi kong trabaho kaysa ang gumala at pumunta sa kung saan-saan, pero kapag tumawag naman ang mga kaibigan ko at nag-ayang gumala kami ay hindi ko naman sila mahindian. Katulad ngayon na kaarawan ni Brandon, ang usapan namin ay sa bahay niya kami magcecelebrate bukas after ng importante kong meeting, pero dahil Sunday ngayon at wala naman silang ginagawa ni Jared ay kukulitin nila ako ng kukulitin hanggang sa mapapayag nila akong lumabas kasama sila. Sanay na sanay na ako sa mga kaibigan ko kaya para wala ng mahabang kulitan pa ay umo-oo na lamang ako sa kanila.Mabilis akong bumaba ng
R18+Ngayon ang araw ng pagpasok ng kapatid ni Calix sa DMU kaya kinakailangan kong pumunta duon upang makausap ang president ng school na nakatalaga dito upang malaman nila na ako ang may hawak kay Bria at kung may kakailanganin ito na kahit ano sa school ay ibibigay na lamang nila dito ng walang hinihinging kabayaran, kailangan ko ding ipa-rush ang uniform nito dahil lahat ng estudyante ng aking paaralan ay required na nakauniporme.Patungo na kami ni Calix sa kanilang bahay upang sunduin ang kaniyang kapatid upang maasikaso ko na ang dapat asikasuhin sa school bago ako tuluyang pumasok sa aking opisina.Papalapit kami sa kanilang bahay ng matanaw ko na nakatayo na sa harapan ng bahay nila ang kapatid ni Calix kaya naman napataas ang aking kilay habang pinagmamasdan ko ito.She made a crop top and worn-out skirts appear incredibly costly, and I must admit, I was impressed! She hopped into my car, and I pretended she didn't exist."Good day, Decker!" She gave me a friendly smile and
Bria's POV"Bestie, sabay na tayo mag lunch ha!" napatingin ako kay Monette ng magkasalubong kami sa hallway ng school. Hindi ko agad napansin ang aking kaibigan dahil wala akong tigil ng kakalingon na halos ikabali na ng aking leeg."Hoy ano ba ang nangyayari sa 'yo ha? Sino ba kasi 'yang hinahanap mo ha?" nagtatakang ani sa akin ng aking kaibigan."Bestie nandito daw ang may-ari ng school, tara hanapin natin si Decker." Mabilis kong hinila ang kaniyang kamay at tinignan ko ito ng may malaking ngiti sa aking labi. Napatingin siya sa aking mukha na tila ba may kung anong binabasa sa aking mga mata kaya naman mabilis ko itong nginusuan at pagkatapos ay inirapan ko ito."Halaaaa... si Sir Moris pala ang tinatarget mo babaita ka!" manghang ani sa akin ng aking kaibigan kaya naman bigla kong tinakpan ang kaniyang bibig at tumingin ako sa paligid at baka may nakarinig sa kaniya, nakahinga ako ng maluwag ng makita kong walang tao kaya tinampal ko agad ito sa kaniyang braso."Grabe ang ingay
Decker's POVPabalik na kami ng aking mga kaibigan sa aking opisina matapos kong bisitahin ang DMU dahil sa maliit na problemang naayos din naman agad."That Calix sister is so damn gorgeous, bro," Brandon said. I looked him in the eyes as I shook my head.Here we go again, alam kong walang tigil na panunukso na naman ang gagawin ng mga ito sa akin dahil sa ginawa ko kanina."What sensation did you get as your skin came into contact with her skin?" he said in a playful manner."I felt absolutely nothing," I responded gravely. I continue to drive while making an effort to ignore Brandon, but how can you ignore someone who couldn't be bothered to stop spewing nonsense? This is becoming increasingly aggravating.Pagkarating namin sa The Decker Tower ay dumiretso agad kami ng aking opisina dahil may mga pag-uusapan pa kaming mga bagong negosyong itatayo na kasosyo ko ang dalawa kong kaibigan."So, how do we start?" I asked while browsing on my computer."How about building an empire?" Bra
Nandito sa bahay namin ngayon si Monette dahil mag sleepover siya dito ngayong gabi at buti na lamang ay pinayagan siya ng kaniyang mga magulang, mabait naman sa akin ang mommy at daddy niya at minsan din ay natutulog ako sa kanila."Bestie, nagreply ka na ba kay Denver?" ngumiwi lamang ako sa kanya at umiling dito."Bestie ano ka ba naman?! Magreply ka dun sa tao, mabait naman 'yun para hindi na niya ako kinukulit pa." ani nito sa akin kaya naman kinuha ko ang telepono ko at nagulat ako ng mabasa ko ang maraming messages nito."Hala ang dami na pala!" bulalas ko dito kaya naman napatingin din ito sa aking telepono."Replayan mo na kasi, nakakaawa naman oh." ani nito sa akin kaya naman nagreply ako dito."What the hell? Smiley face talaga bestie?" gulat na gulat niyang sabi sa akin kaya naman napanguso ako dito. Bigla na lamang tumunog ang aking telepono kaya napatingin ako dito."Good evening, kamusta ka na Bria?" chat nito sa akin kaya naman napataas ang aking isang kilay. Ang bilis
Kinabukasan ay maaga akong nagising, masaya ako dahil alam kong darating si Calix na kasama ang kaniyang kapatid, mamaya ay hihingi ako ng paumanhin sa aking nagawa. Kailangan niyang malaman na nabigla lamang ako at hindi ko sinasadyang masaktan siya. May kung anong kirot sa puso ko sa tuwing naiisip ko na maaaring natakot siya sa akin at baka magbago din ang pakikitungo nito sa akin."Nanay dumating na ho ba si Calix?" ani ko dito ng abutan ko itong nagluluto sa kusina."Oo kanina pa nandiyan, baka nasa hardin at tumutulong magtabas ng malalagong halaman." wika nito sa akin kaya naman may kung anong saya akong naramdaman, maaaring nandirito na din si Bria kaya mabilis akong lumabas ng kabahayan at tinungo ko ang hardin.Habang papalapit ako ay ay nakita ko agad si Bria na masayang nakikipag-habulan sa kaniyang kapatid sa aking hardin, parang ang lahat ng nangyayari ay tila ba nag-slow motion habang ako naman ay nakatitig lamang kay Bria habang malakas itong tumatawa.Ang pag-tibok ng
Maaga pa lang ay gising na ako. Bumaba ako ng unang palapag upang mag-agahan."Maaga ka yata ngayon? May importante ka bang gagawin sa opisina kaya ganito ka kaaga ngayon?" ani ni nanay sa akin.Umupo ako sa kaniyang tabi at ngumiti ako dito ng iniabot sa akin nito ang mabango at mainit na kape."May aasikasuhin lang po akong importante sa opisina kaya maaga ako ngayon." ani ko naman dito.Habang iniinom ko ang kape na bigay sa akin ni nanay ay sumasagi naman sa aking isipan ang magandang imahe ni Bria kaya nawala tuloy sa isip ko na sobrang init ng kape kaya sa sobrang gulat ko ay napatayo ako at natapon ang kape. Naramdaman ko ang init sa aking kamay kaya agad akong napatingin sa namumula kong kamay."Jusmiyo! Ano'ng nangyari?" nag-aalalang ani ni nanay at mabilis na kinuha ang aking kamay upang tignan ito. nagmamadali itong pumunta ng kaniyang silid at ng makabalik ito ay pinahiran nya agad ng ointment ang aking kamay."Nanay okay lang po ako, wala naman 'yan." natatawa kong ani, a
Decker's POV"Sir pasensya na ho na-late ako ng dating, natraffic ho kasi ako." ani sa akin ni Calix."Sabi ko sa iyo na Decker na lang ang itawag mo sa akin Calix. I am okay with Decker than sir." ani ko dito at tumango naman ito."And one thing Calix, stop saying po or opo; I am not that old. I'm only 25 years old." I added."Pasensya na, boss kasi kita kaya rumerespeto lang sana ako sa'yo." he said, nginitian ko lamang ito at tinapik sa kaniyang balikat."Are we good?" I asked, and he nodded."I am starving, where to eat? Hmmmn..." I said as I stroked my chin."Sigurado akong nakaluto na si Brianna sa bahay, sa amin ka na lang kumain." ani niya kaya naman napatingin ako dito."Huwag na, nakakahiya naman na sa inyo pa ako kakain! Baka umuwi na lang ako at sa bahay kumain." wika ko naman dito."Ngayon lang naman ako nag-aya, para pasasalamat ko na rin dahil sa ginagawa mong pagtulong sa amin." he said. Napabuntong hininga naman ako at nag-isip sandali at pagkatapos, maya-maya nga lam
Decker's POVNakarating kami sa bahay nila Brianna dahil hinatid ko na ito, ipinaalam ko na rin sa office na exempted na siya sa exams. Alam kong naguguluhan siya ngunit maging ako ay naguguluhan din at wala akong alam na isasagot kung sakaling magtatanong siya sa akin."Bumaba ka na at kailangan ko ng bumalik sa aking opisina." ani ko dito habang siya naman ay titig na titig lamang sa aking mukha.Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pagkalito kaya naman muli akong nagsalita."Get out of my car!" I said annoyedly.Mabilis naman siyang lumabas ng aking sasakyan kaya naman agad ko na itong pinaharurot, hindi ko kailangang magpaliwanag sa kaniya kung bakit ko ginawa ang mga 'yon. Kapatid siya ni Calix at nasa loob siya ng aking paaralan kaya natural lamang na protektahan ko siya upang hindi siya masaktan lalo na at mga spoiled brat ang mga estudyante ng aking unibersidad.Pero napapailing pa rin ako dahil nakita ko ang lahat ng nangyari kanina. Matapang at palaban ang kapatid ni Calix k
Ikalawang araw na ng paglilinis ni Brianna sa loob ng aking silid, mag-isa lang siya ngayon dahil wala ang kaniyang kaibigan at hindi ko na inalam pa ang dahilan. Sa tuwing nandirito siya ay may kung anong saya akong nararamdaman."Decker ipinagluto kita ng ginataang hipon para pananghalian mo, sinamahan ko na rin 'yan ng mainit na kanin. Mamaya initin mo na lang sa microwave mo, huwag kang nagpapagutom." ani niya kaya naman napataas ang aking ulo at tinignan ang hawak-hawak niyang tupperware.Ibinalik ko ang aking paningin sa screen ng aking computer at nagsimula akong magtipa, ngunit ang isip ko ay hindi naman makapag focus dahil nararamdaman ko ang lungkot ni Bria ng hindi ko pinansin ang sinabi niya."Pakilagay sa refrigerator at iinitin ko na lang mamaya, salamat." ani ko sa malumanay na tinig na hindi siya tinitignan."Oh my god! I am sure na magugustuhan mo ito." masaya niyang ani at mabilis niyang inilagay ang tupperware sa loob ng refrigerator. Sapat na siguro na marinig ko n
Decker's POVMula ng nakapasok sa loob ng opisina ko si Alexa ay pinakabitan ko na ng fingerprint scanner at glass door ng aking opisina. Ayoko sa lahat na may kung sino-sinong babae na lamang ang pumapasok sa loob ng aking opisina. May remote control din ito na pwede kong pindutin upang mabuksan ito mula dito sa loob ng aking opisina ngunit hindi naman ito gagana kapag nasa labas na.Ipinascan ko ang fingerprint ng dalawa kong kaibigan at ni Calix upang malaya silang nakakapasok sa loob ng aking opisina.Natapos ang pag-uusap nila Calix at ng kaniyang kapatid at inihatid na ni Calix sa ibaba ang kaibigan ng kaniyang kapatid. Sa tingin ko ay may tama dito si Calix at pinatunayan lamang niya ito kanina ng marinig ko ang sinabi niya sa kaibigan ng kaniyang kapatid.Napatingin ako kay Bria ng inilabas nito ang telepono at humarap ng bahagya sa akin.My brows furrowed into one as soon as I recognized what she was doing. She is also unaware of the CCTV I have installed in my office.Alam
Bria's POVNagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko, sinadya ko talagang lakasan ito upang marinig ko, madalas kasi kapag hindi naman ganuon kalakasan ang tone ng alarm ay hindi naman ako basta-basta nagigising.Mabilis akong tumayo at tinungo ang banyo, excited kasi akong pumasok ngayon dahil susunduin ako ni Monette at dadaan lang naman kami sa building ni Decker kaya naman mabibilis ang bawat mga kilos ko para pagdating dito ni Monette ay naka ready na ako."Ang aga mo naman yata ngayong papasok ha Bria?" ani sa akin ni Kuya Calix."Aga mo naman yatang gumising ha kuya?" tanong ko naman dito sa halip na sagutin ko ito."Aalis na ako dahil susunduin ko ang amo ko at duon sa bar natulog. May trabaho pa 'yon kaya aalis na ako at baka ma late pa ako sa pagsundo sa kanya." paliwanag naman ni kuya kaya naman tumango lamang ako.Nagluto ako ng agahan at gumawa na din ako ng hot coco, mahilig kasi ako sa hot coco at hindi ako umiinom ng kape.Pagkaluto ko ay napatingin ako sa aking
Decker's POV"Sir, ano'ng oras ho ba tayo aalis para makapag-handa na ako, dadaanan ko lang muna po ang kapatid ko para bigyan ng pera pang grocery niya ng pagkain sa bahay at ng ibang kakailanganin sa bahay namin." ani sa akin ni Calix.Bigla kong naisip na dito nga pala natutulog ang nanay nila at isinasama ko din si Calix ngayon sa bar dahil mag-iinuman kami ng aking mga kaibigan."No need! I can drive kaya pwede ka ng umuwi at ng may kasama ang kapatid mo." I said.Bigla na lamang napakunot ang aking noo ng marealize ko ang sinabi ko dito ngunit hindi ko na lamang pinahalata at tinalikuran ko na ito."Sigurado ho ba kayo sir? Baka ho magkalasingan kayo mamaya." ani nito sa akin."Yes, I'm sure. Kung sakali mang malasing ako ay kukuha na lang ako ng VIP room." ani ko dito at tuluyan na akong lumakad papasok sa loob ng mansion ko at hindi ko na ito nilingon pa.Naghahanda ako sa pag-alis namin ng marinig kong ang notification sa aking telepono kaya naman mabilis ko itong kinuha at t