Katulad ng inaasahan ko ay dumating nga dito sa opisina ko si Brandon na kasama pa si Jared. Napabuntong-hininga na lamang ako ng makita ko silang pumapasok ng nakangisi sa akin.
"Mukhang kalokohan na naman ang sadya ninyo sa akin." ani ko sa mga ito na natawa dahil sa aking sinabi."Nabalitaan ko sa ibaba na may dumating na babae dito sa opisina mo? Kaylan ka pa nagpapasok ng babae dito?" mapang-inis na ani ni Jared sa akin. Tama sila, hindi talaga ako nagpapasok ng mga babae dito sa aking opisina unless na lang tungkol ito sa negosyo."It was Alexa Sanchez." ani ko dito na ikinagulat nila at napatitig pa sa akin na tila ba nagtataka."Alexa, as in the Alexa fuck girl?" natatawang turan ni Jared.Tango lamang ang tanging naisagot ko sa kanila habang nakatitig naman ako sa aking laptop at patuloy lamang ako sa aking pagtatrabaho."What the hell was she doing in your office?" nakataas na dalawang kilay na ani sa akin ni Brandon."Well, paano daw kung mabuntis siya." natatawa kong wika sa kanila na ikinatawa naman nila ng malakas."Pag nangyari 'yon, ang dami niyang huhulaan na maaaring maging tatay ng kaniyang anak!" tumatawang wika naman ni Brandon."So, ano talaga ang sadya ninyo dito?" ani ko sa kanila.
"Bro, kailangan mo na talagang magkaroon ng anak, kailangan mong magkaroon ng tagapag-mana. Kung ayaw mo ng isang relasyon ay may kilala akong makakatulong sa atin para sa paupahang sinapupunan, huwag kang mag-alala dahil malinis ito at dadaan ang babaeng 'yon sa napakaraming medical check up bago siya makapasa sa standard mo." wika ni Brandon na ikinatahimik ko."Pag-iisipan ko." ani ko sa kanila na ikinatuwa naman nila. Sa isang banda ay tama din naman sila na kailangan kong magkaroon ng isang tagapag-mana kung ayaw kong mapunta lang sa iba ang pinaghirapan ng aking ama."I will let you know kapag nakapag-isip na ako." ani ko pa sa kaniya."Tama 'yan bro, natutuwa ako at kahit paano ay bibigyan mo na ng pansin ang mga sinasabi namin sayo." ani ni Brandon habang ako naman ay tahimik lamang.Sa totoo lang ay napag-iisipan ko na rin naman talaga na magkaroon ng anak para magkaroon ako ng tagapagmana, pero wala sa bokabularyo ko na may aanakan akong babae."Bakit kailangan mo pa ng surrogate kung pwede ka namang maghanap ng babaeng pwede mong mahalin at bigyan ng anak para makabuo ka ng pamilya mo?" biglang pakli ni Calix na ikinalingon naming magkakaibigan.Nagkatinginan kaming magkakaibigan at pagkatapos ay biglang kumunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi."Sorry sir, huwag n'yo na lang po akong pansinin, pasensya na po sa nasabi ko!" ani nito at natawa ako ng pagak."Walang puwang ang mga babae sa buhay ko at tanging si Nanay Lita at aking namayapang lola lamang ang pinagkakatiwalaan ko." naiiling kong ani dito. Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata ngunit tahimik lamang ito at hindi na sumagot pa."Pagpasensyahan mo na 'yang amo mo Calix dahil talagang walang tiwala sa mga babae 'yan pagkatapos n'yang malaman ang ginawa ng kaniyang ina." seryosong turan naman ni Brandon kaya napatingin ako dito ng masama.
"Ayokong maririnig 'yan dito sa loob ng opisina ko Brandon!" galit kong ani dito kaya naman napataas ito ng kaniyang dalawang kamay na tila ba hudyat ng kaniyang pag-suko.Nakaalis na din ang aking dalawang sira-ulong mga kaibigan at ako naman ay nililigpit ko na ang aking table upang makauwi na rin ako."Sir, ako na po ang magdadala ng bag ninyo at mauuna na po ako sa sasakyan nyo." ani ni Calix kaya naman inabot ko sa kaniya ang bag na naglalaman ng aking laptop at ibang dokumento na pag-aaralan ko pag-uwi sa aking mansion at pagkatapos ay lumabas na rin ako ng aking opisina.Bria's POVSabi ni kuya dadaanan daw niya ako pauwi ngunit hanggang ngayon ay wala pa ito."Sana ay kasama n'ya uli si yummylicious." bulong ko sa aking sarili."Hoy bruha! Kinikilig ka ba? Sino ba ang pinagpapantasyahan mo d'yan ha?" panggugulat sa akin ng aking kaibigan na si Monette."Ano ka ba! Bakit ka ba nanggugulat ha?" ani ko dito habang walang patid ang tawa nito ng malakas."Kasi naman friendship, para kang nakikipagromansa diyan sa iniisip mo! Sino ba kasi 'yang pinagpapantasyahan mo ha?" mapanuksong ani nito sa akin kaya naman nginusuan ko lamang ito at pagkatapos ay naghalukipkip ako sabay irap sa kaniya."Hindi ko nga sasabihin sa iyo, baka mamaya agawan mo pa ako. Kilala kaya kita!" nakairap kong ani sa kaniya kaya naman isang batok ang ibinigay niya sa akin."Baliw! Kahit kailan ay hindi ako mang-aagaw!" wika nito sa akin kaya naman tinawanan ko ito."Ano ba kasi ang ginagawa mo dito ha?" ani ko dito, nag-aaral kasi ito sa isang mamahaling unibersidad dahil anak lang naman siya ng mag-asawang bilyonaryo."Nakita kasi kita na nakatayo dito, kaya pinahinto ko ang driver ko para naman isabay na kita." ani naman nito sa akin na tinanggihan ko naman dahil gusto kong makita ang gwapong amo ng aking kapatid. Habang nagkakatuwaan kami ay siya namang dating ni Kuya Calix at ganoon na lamang ang pagkadismayang naramdaman ko ng makita kong hindi niya kasama ang yummylicious niyang amo."Hi, Calix!" malanding ani ng aking kaibigan kaya naman tinaasan ko ito ng aking kilay at isang hampas naman ang ginawa niya sa braso ko."Friendship minsan naiisip ko na kaya mo lang ako kinaibigan ay dahil kay kuya!" nakanguso kong ani dito."Isa na 'yon noh! Pero nakipagkaibigan talaga ako sayo dahil pareho tayo ng ugali saka pareho tayong maganda noh!" maarteng ani nito sa akin kaya naman sabay pa kaming nagtawanan at pagkatapos ay nag high-five pa kami."Umuwi ka na Monette, kung saan-saan ka pa nakakarating!" ani ni kuya sa aking kaibigan na tila ba naiinis dito."Ayy concern si baby sa akin!" malanding ani ng aking kaibigan kaya naman napapailing na ako dito.Matagal ko na namang alam na may gusto si Monette kay kuya at batid kong hindi na ito lingid pa kay Kuya Calix."Concern lang ako dahil baka madamay pa kapatid ko kapag minalas ka sa daan!" mapang-asar na ani naman ni Kuya Calix kaya para matigil na ang dalawa ay tinulak ko na si Monette sa loob ng kaniyang sasakyan at ako naman ay sumakay na sa loob ng sasakyan na dala ni kuya."Kuya nasaan 'yong amo mo?" ani ko dito."Hoy Bria huwag ang lalakeng 'yon!" galit na ani ni Kuya Calix sa akin kaya naman nginusuan ko ito."Nagtatanong lang ako kuya, kanina kasi kasama mo." katwiran ko naman dito at tinignan naman niya ako ng matalim."Maraming lalake Bria, huwag ang taong bato na 'yon! Walang balak magseryoso kaya ayon at maghahanap ng surrogate para magkaanak lang at magkaroon ng tagapag-mana. Ang mga mayayaman nga naman!" naiiling na ani ng aking kapatid habang ako naman ay nagulat sa kaniyang sinambit. Naghahanap siya ng surrogate? Nakaramdam ako ng selos, aaminin ko kasing tinamaan ako ni kupido unang araw pa lamang na nakita ko ang amo ni kuya. Sa totoo lang ay hindi ko pa nga alam ang buo niyang pangalan. Nakakainis, bakit naman kasi kailangan pa niya ng surrogate samantalang pwede naman niya akong mahalin. Sa isiping 'yon ay bigla na lamang akong napabungisngis kaya naman biglang preno si kuya at matalim akong tinitigan."What?" Tpainosente kong tanong dito."Umayos ka Brianna!" asik nito sa akin kaya naman sinibangutan ko ito at humarap ako sa bintana upang maiwasan ang mga titig sa akin ni kuya. Pagkahatid niya sa akin ay hindi agad ito umalis."Bria, seryoso sinasabi ko sa iyo, huwag ang amo ko dahil masasaktan ka lang. Walang modo 'yon pagdating sa babae, sa kaniya mismo nanggaling kanina na wala siyang tiwala sa mga babae at wala din siyang balak na makipag relasyon sa kahit na sino. Tanging si Manang Lita lamang at ang namatay niyang lola ang pinagkakatiwalaan niyang babae. Siya mismo ang nagsabi na walang puwang ang mga babae sa buhay niya, sinasabi ko na sa iyo ngayon pa lang Bria na huwag ang taong 'yon at baka makapatay ako sa oras na gaguhin ka niyan." mahabang litanya sa akin ng aking kapatid."Kuya, wala kang dapat alalahanin dahil hindi ko naman gusto 'yung amo mo noh!" pagsisinungaling ko dito at hindi ko alam kung naniniwala ba ito sa akin o hindi."Aalis na ako, uuwi si nanay mamaya kaya may makakasama ka dito." wika niya bago pa ito tuluyang makaalis. Napasandal ako sa sofa at pinagpantasyahan ang magandang katawan ng amo ni kuya. Napapangiti ako habang inaalala ko kung gaano ka gwapo ang lalaking 'yon pero bigla din akong nalungkot ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Kuya Calix na kukuha ito ng surrogate para lamang magkaroon ng tagapag-mana. Ibig bang sabihin nuon ay magse sex sila?"Ayy ayoko!" bulalas ko sa aking sarili sabay pagdadabog ko habang pumapasok ako sa aking silid.Kinabukasan ay maagang nagising si Bria at agad na hinanap ang kaniyang telepono."Oh my god!" ani niya ng makita kung anong oras na."Omg! Omg!" paulit-ulit niyang ani habang nagmamadali itong pumapasok sa loob ng kaniyang banyo upang maligo. Dahil sa sobrang pag-iisip niya sa amo ng kaniyang kapatid ay late na ito nakatulog kaya naman late na rin siya nagising. Halos sampong minuto lamang ang inilagi niya sa loob ng banyo at pagkatapos ay mabilis din agad itong nakapag-bihis.Halos maiyak ito dahil sa inis na nararamdaman niya sa kaniyang sarili lalo na at may exam pa siya ngayon. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang telepono na nakapatong sa kaniyang kama at tinawagan ang kaniyang kapatid."Kuya sige na please! Pag na-late kasi ako hindi ako makakakuha ng exams." naiiyak niyang ani dito."Nababaliw ka na ba ha Bria?! Hindi pwede dahil ihahatid ko pa ang amo ko, dahil sa ginagawa mo mawawalan ako ng trabaho!" galit na ani nito sa kaniyang kapatid kaya naman hindi na nito napigilan pa
Bria's POVLinggo ngayon kaya naman excited ako, kapag linggo kasi tinutulungan ko si nanay sa mansion upang maglaba ng malalaking kurtina at mga kobre-kama. Excited din ako dahil makikita ko na naman si Decker my love. Kung tutuusin ay off ni kuya at ni nanay kapag linggo pero dahil wala naman daw silang ginagawa kapag linggo ay mas gusto pa nilang magtrabaho kaysa ang tumunganga lang sa bahay. Sabi nga ni nanay ay hindi naman mabigat ang gawain niya dahil tinutulungan siya ni manang Lita at ni kuya.Napapangiti ako habang iniisip ko ang gwapong mukha ng amo ni kuya at nanay. Pangalan pa lang appetizer na, ang katawan naman ay sobrang sarap iulam at ang pang dessert ay ang gwapo niyang mukha."Sasabay ka na ba sa akin Bria? Bakit naiinip na si nanay sa kakahintay sayo." ani ng aking kapatid."Oo kuya saglit lang at nagsusuklay ako!" Ani ko naman dito at tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa."Hoy Bria! Pupunta ka duon para tulungan si nanay maglaba, hindi ka pupunta duon para umat
Decker's POVIt was Brandon's birthday today, so I received a call from him asking for us to meet at the bar to celebrate. I quickly showered, changed into my best clothes, and headed out to find my driver, Calix. It's safer for me to always have a driver, so I prefer to go to the bar and get intoxicated with Calix.Usually kapag Sunday ay nasa bahay lamang ako at mas gusto ko pang gumagawa ako ng mga inuuwi kong trabaho kaysa ang gumala at pumunta sa kung saan-saan, pero kapag tumawag naman ang mga kaibigan ko at nag-ayang gumala kami ay hindi ko naman sila mahindian. Katulad ngayon na kaarawan ni Brandon, ang usapan namin ay sa bahay niya kami magcecelebrate bukas after ng importante kong meeting, pero dahil Sunday ngayon at wala naman silang ginagawa ni Jared ay kukulitin nila ako ng kukulitin hanggang sa mapapayag nila akong lumabas kasama sila. Sanay na sanay na ako sa mga kaibigan ko kaya para wala ng mahabang kulitan pa ay umo-oo na lamang ako sa kanila.Mabilis akong bumaba ng
R18+Ngayon ang araw ng pagpasok ng kapatid ni Calix sa DMU kaya kinakailangan kong pumunta duon upang makausap ang president ng school na nakatalaga dito upang malaman nila na ako ang may hawak kay Bria at kung may kakailanganin ito na kahit ano sa school ay ibibigay na lamang nila dito ng walang hinihinging kabayaran, kailangan ko ding ipa-rush ang uniform nito dahil lahat ng estudyante ng aking paaralan ay required na nakauniporme.Patungo na kami ni Calix sa kanilang bahay upang sunduin ang kaniyang kapatid upang maasikaso ko na ang dapat asikasuhin sa school bago ako tuluyang pumasok sa aking opisina.Papalapit kami sa kanilang bahay ng matanaw ko na nakatayo na sa harapan ng bahay nila ang kapatid ni Calix kaya naman napataas ang aking kilay habang pinagmamasdan ko ito.She made a crop top and worn-out skirts appear incredibly costly, and I must admit, I was impressed! She hopped into my car, and I pretended she didn't exist."Good day, Decker!" She gave me a friendly smile and
Bria's POV"Bestie, sabay na tayo mag lunch ha!" napatingin ako kay Monette ng magkasalubong kami sa hallway ng school. Hindi ko agad napansin ang aking kaibigan dahil wala akong tigil ng kakalingon na halos ikabali na ng aking leeg."Hoy ano ba ang nangyayari sa 'yo ha? Sino ba kasi 'yang hinahanap mo ha?" nagtatakang ani sa akin ng aking kaibigan."Bestie nandito daw ang may-ari ng school, tara hanapin natin si Decker." Mabilis kong hinila ang kaniyang kamay at tinignan ko ito ng may malaking ngiti sa aking labi. Napatingin siya sa aking mukha na tila ba may kung anong binabasa sa aking mga mata kaya naman mabilis ko itong nginusuan at pagkatapos ay inirapan ko ito."Halaaaa... si Sir Moris pala ang tinatarget mo babaita ka!" manghang ani sa akin ng aking kaibigan kaya naman bigla kong tinakpan ang kaniyang bibig at tumingin ako sa paligid at baka may nakarinig sa kaniya, nakahinga ako ng maluwag ng makita kong walang tao kaya tinampal ko agad ito sa kaniyang braso."Grabe ang ingay
Decker's POVPabalik na kami ng aking mga kaibigan sa aking opisina matapos kong bisitahin ang DMU dahil sa maliit na problemang naayos din naman agad."That Calix sister is so damn gorgeous, bro," Brandon said. I looked him in the eyes as I shook my head.Here we go again, alam kong walang tigil na panunukso na naman ang gagawin ng mga ito sa akin dahil sa ginawa ko kanina."What sensation did you get as your skin came into contact with her skin?" he said in a playful manner."I felt absolutely nothing," I responded gravely. I continue to drive while making an effort to ignore Brandon, but how can you ignore someone who couldn't be bothered to stop spewing nonsense? This is becoming increasingly aggravating.Pagkarating namin sa The Decker Tower ay dumiretso agad kami ng aking opisina dahil may mga pag-uusapan pa kaming mga bagong negosyong itatayo na kasosyo ko ang dalawa kong kaibigan."So, how do we start?" I asked while browsing on my computer."How about building an empire?" Bra
Decker's POV"Sir, ano'ng oras ho ba tayo aalis para makapag-handa na ako, dadaanan ko lang muna po ang kapatid ko para bigyan ng pera pang grocery niya ng pagkain sa bahay at ng ibang kakailanganin sa bahay namin." ani sa akin ni Calix.Bigla kong naisip na dito nga pala natutulog ang nanay nila at isinasama ko din si Calix ngayon sa bar dahil mag-iinuman kami ng aking mga kaibigan."No need! I can drive kaya pwede ka ng umuwi at ng may kasama ang kapatid mo." I said.Bigla na lamang napakunot ang aking noo ng marealize ko ang sinabi ko dito ngunit hindi ko na lamang pinahalata at tinalikuran ko na ito."Sigurado ho ba kayo sir? Baka ho magkalasingan kayo mamaya." ani nito sa akin."Yes, I'm sure. Kung sakali mang malasing ako ay kukuha na lang ako ng VIP room." ani ko dito at tuluyan na akong lumakad papasok sa loob ng mansion ko at hindi ko na ito nilingon pa.Naghahanda ako sa pag-alis namin ng marinig kong ang notification sa aking telepono kaya naman mabilis ko itong kinuha at t
Bria's POVNagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko, sinadya ko talagang lakasan ito upang marinig ko, madalas kasi kapag hindi naman ganuon kalakasan ang tone ng alarm ay hindi naman ako basta-basta nagigising.Mabilis akong tumayo at tinungo ang banyo, excited kasi akong pumasok ngayon dahil susunduin ako ni Monette at dadaan lang naman kami sa building ni Decker kaya naman mabibilis ang bawat mga kilos ko para pagdating dito ni Monette ay naka ready na ako."Ang aga mo naman yata ngayong papasok ha Bria?" ani sa akin ni Kuya Calix."Aga mo naman yatang gumising ha kuya?" tanong ko naman dito sa halip na sagutin ko ito."Aalis na ako dahil susunduin ko ang amo ko at duon sa bar natulog. May trabaho pa 'yon kaya aalis na ako at baka ma late pa ako sa pagsundo sa kanya." paliwanag naman ni kuya kaya naman tumango lamang ako.Nagluto ako ng agahan at gumawa na din ako ng hot coco, mahilig kasi ako sa hot coco at hindi ako umiinom ng kape.Pagkaluto ko ay napatingin ako sa aking
Nandito sa bahay namin ngayon si Monette dahil mag sleepover siya dito ngayong gabi at buti na lamang ay pinayagan siya ng kaniyang mga magulang, mabait naman sa akin ang mommy at daddy niya at minsan din ay natutulog ako sa kanila."Bestie, nagreply ka na ba kay Denver?" ngumiwi lamang ako sa kanya at umiling dito."Bestie ano ka ba naman?! Magreply ka dun sa tao, mabait naman 'yun para hindi na niya ako kinukulit pa." ani nito sa akin kaya naman kinuha ko ang telepono ko at nagulat ako ng mabasa ko ang maraming messages nito."Hala ang dami na pala!" bulalas ko dito kaya naman napatingin din ito sa aking telepono."Replayan mo na kasi, nakakaawa naman oh." ani nito sa akin kaya naman nagreply ako dito."What the hell? Smiley face talaga bestie?" gulat na gulat niyang sabi sa akin kaya naman napanguso ako dito. Bigla na lamang tumunog ang aking telepono kaya napatingin ako dito."Good evening, kamusta ka na Bria?" chat nito sa akin kaya naman napataas ang aking isang kilay. Ang bilis
Kinabukasan ay maaga akong nagising, masaya ako dahil alam kong darating si Calix na kasama ang kaniyang kapatid, mamaya ay hihingi ako ng paumanhin sa aking nagawa. Kailangan niyang malaman na nabigla lamang ako at hindi ko sinasadyang masaktan siya. May kung anong kirot sa puso ko sa tuwing naiisip ko na maaaring natakot siya sa akin at baka magbago din ang pakikitungo nito sa akin."Nanay dumating na ho ba si Calix?" ani ko dito ng abutan ko itong nagluluto sa kusina."Oo kanina pa nandiyan, baka nasa hardin at tumutulong magtabas ng malalagong halaman." wika nito sa akin kaya naman may kung anong saya akong naramdaman, maaaring nandirito na din si Bria kaya mabilis akong lumabas ng kabahayan at tinungo ko ang hardin.Habang papalapit ako ay ay nakita ko agad si Bria na masayang nakikipag-habulan sa kaniyang kapatid sa aking hardin, parang ang lahat ng nangyayari ay tila ba nag-slow motion habang ako naman ay nakatitig lamang kay Bria habang malakas itong tumatawa.Ang pag-tibok ng
Maaga pa lang ay gising na ako. Bumaba ako ng unang palapag upang mag-agahan."Maaga ka yata ngayon? May importante ka bang gagawin sa opisina kaya ganito ka kaaga ngayon?" ani ni nanay sa akin.Umupo ako sa kaniyang tabi at ngumiti ako dito ng iniabot sa akin nito ang mabango at mainit na kape."May aasikasuhin lang po akong importante sa opisina kaya maaga ako ngayon." ani ko naman dito.Habang iniinom ko ang kape na bigay sa akin ni nanay ay sumasagi naman sa aking isipan ang magandang imahe ni Bria kaya nawala tuloy sa isip ko na sobrang init ng kape kaya sa sobrang gulat ko ay napatayo ako at natapon ang kape. Naramdaman ko ang init sa aking kamay kaya agad akong napatingin sa namumula kong kamay."Jusmiyo! Ano'ng nangyari?" nag-aalalang ani ni nanay at mabilis na kinuha ang aking kamay upang tignan ito. nagmamadali itong pumunta ng kaniyang silid at ng makabalik ito ay pinahiran nya agad ng ointment ang aking kamay."Nanay okay lang po ako, wala naman 'yan." natatawa kong ani, a
Decker's POV"Sir pasensya na ho na-late ako ng dating, natraffic ho kasi ako." ani sa akin ni Calix."Sabi ko sa iyo na Decker na lang ang itawag mo sa akin Calix. I am okay with Decker than sir." ani ko dito at tumango naman ito."And one thing Calix, stop saying po or opo; I am not that old. I'm only 25 years old." I added."Pasensya na, boss kasi kita kaya rumerespeto lang sana ako sa'yo." he said, nginitian ko lamang ito at tinapik sa kaniyang balikat."Are we good?" I asked, and he nodded."I am starving, where to eat? Hmmmn..." I said as I stroked my chin."Sigurado akong nakaluto na si Brianna sa bahay, sa amin ka na lang kumain." ani niya kaya naman napatingin ako dito."Huwag na, nakakahiya naman na sa inyo pa ako kakain! Baka umuwi na lang ako at sa bahay kumain." wika ko naman dito."Ngayon lang naman ako nag-aya, para pasasalamat ko na rin dahil sa ginagawa mong pagtulong sa amin." he said. Napabuntong hininga naman ako at nag-isip sandali at pagkatapos, maya-maya nga lam
Decker's POVNakarating kami sa bahay nila Brianna dahil hinatid ko na ito, ipinaalam ko na rin sa office na exempted na siya sa exams. Alam kong naguguluhan siya ngunit maging ako ay naguguluhan din at wala akong alam na isasagot kung sakaling magtatanong siya sa akin."Bumaba ka na at kailangan ko ng bumalik sa aking opisina." ani ko dito habang siya naman ay titig na titig lamang sa aking mukha.Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pagkalito kaya naman muli akong nagsalita."Get out of my car!" I said annoyedly.Mabilis naman siyang lumabas ng aking sasakyan kaya naman agad ko na itong pinaharurot, hindi ko kailangang magpaliwanag sa kaniya kung bakit ko ginawa ang mga 'yon. Kapatid siya ni Calix at nasa loob siya ng aking paaralan kaya natural lamang na protektahan ko siya upang hindi siya masaktan lalo na at mga spoiled brat ang mga estudyante ng aking unibersidad.Pero napapailing pa rin ako dahil nakita ko ang lahat ng nangyari kanina. Matapang at palaban ang kapatid ni Calix k
Ikalawang araw na ng paglilinis ni Brianna sa loob ng aking silid, mag-isa lang siya ngayon dahil wala ang kaniyang kaibigan at hindi ko na inalam pa ang dahilan. Sa tuwing nandirito siya ay may kung anong saya akong nararamdaman."Decker ipinagluto kita ng ginataang hipon para pananghalian mo, sinamahan ko na rin 'yan ng mainit na kanin. Mamaya initin mo na lang sa microwave mo, huwag kang nagpapagutom." ani niya kaya naman napataas ang aking ulo at tinignan ang hawak-hawak niyang tupperware.Ibinalik ko ang aking paningin sa screen ng aking computer at nagsimula akong magtipa, ngunit ang isip ko ay hindi naman makapag focus dahil nararamdaman ko ang lungkot ni Bria ng hindi ko pinansin ang sinabi niya."Pakilagay sa refrigerator at iinitin ko na lang mamaya, salamat." ani ko sa malumanay na tinig na hindi siya tinitignan."Oh my god! I am sure na magugustuhan mo ito." masaya niyang ani at mabilis niyang inilagay ang tupperware sa loob ng refrigerator. Sapat na siguro na marinig ko n
Decker's POVMula ng nakapasok sa loob ng opisina ko si Alexa ay pinakabitan ko na ng fingerprint scanner at glass door ng aking opisina. Ayoko sa lahat na may kung sino-sinong babae na lamang ang pumapasok sa loob ng aking opisina. May remote control din ito na pwede kong pindutin upang mabuksan ito mula dito sa loob ng aking opisina ngunit hindi naman ito gagana kapag nasa labas na.Ipinascan ko ang fingerprint ng dalawa kong kaibigan at ni Calix upang malaya silang nakakapasok sa loob ng aking opisina.Natapos ang pag-uusap nila Calix at ng kaniyang kapatid at inihatid na ni Calix sa ibaba ang kaibigan ng kaniyang kapatid. Sa tingin ko ay may tama dito si Calix at pinatunayan lamang niya ito kanina ng marinig ko ang sinabi niya sa kaibigan ng kaniyang kapatid.Napatingin ako kay Bria ng inilabas nito ang telepono at humarap ng bahagya sa akin.My brows furrowed into one as soon as I recognized what she was doing. She is also unaware of the CCTV I have installed in my office.Alam
Bria's POVNagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko, sinadya ko talagang lakasan ito upang marinig ko, madalas kasi kapag hindi naman ganuon kalakasan ang tone ng alarm ay hindi naman ako basta-basta nagigising.Mabilis akong tumayo at tinungo ang banyo, excited kasi akong pumasok ngayon dahil susunduin ako ni Monette at dadaan lang naman kami sa building ni Decker kaya naman mabibilis ang bawat mga kilos ko para pagdating dito ni Monette ay naka ready na ako."Ang aga mo naman yata ngayong papasok ha Bria?" ani sa akin ni Kuya Calix."Aga mo naman yatang gumising ha kuya?" tanong ko naman dito sa halip na sagutin ko ito."Aalis na ako dahil susunduin ko ang amo ko at duon sa bar natulog. May trabaho pa 'yon kaya aalis na ako at baka ma late pa ako sa pagsundo sa kanya." paliwanag naman ni kuya kaya naman tumango lamang ako.Nagluto ako ng agahan at gumawa na din ako ng hot coco, mahilig kasi ako sa hot coco at hindi ako umiinom ng kape.Pagkaluto ko ay napatingin ako sa aking
Decker's POV"Sir, ano'ng oras ho ba tayo aalis para makapag-handa na ako, dadaanan ko lang muna po ang kapatid ko para bigyan ng pera pang grocery niya ng pagkain sa bahay at ng ibang kakailanganin sa bahay namin." ani sa akin ni Calix.Bigla kong naisip na dito nga pala natutulog ang nanay nila at isinasama ko din si Calix ngayon sa bar dahil mag-iinuman kami ng aking mga kaibigan."No need! I can drive kaya pwede ka ng umuwi at ng may kasama ang kapatid mo." I said.Bigla na lamang napakunot ang aking noo ng marealize ko ang sinabi ko dito ngunit hindi ko na lamang pinahalata at tinalikuran ko na ito."Sigurado ho ba kayo sir? Baka ho magkalasingan kayo mamaya." ani nito sa akin."Yes, I'm sure. Kung sakali mang malasing ako ay kukuha na lang ako ng VIP room." ani ko dito at tuluyan na akong lumakad papasok sa loob ng mansion ko at hindi ko na ito nilingon pa.Naghahanda ako sa pag-alis namin ng marinig kong ang notification sa aking telepono kaya naman mabilis ko itong kinuha at t