Chapter: Chapter 21Nandito sa bahay namin ngayon si Monette dahil mag sleepover siya dito ngayong gabi at buti na lamang ay pinayagan siya ng kaniyang mga magulang, mabait naman sa akin ang mommy at daddy niya at minsan din ay natutulog ako sa kanila."Bestie, nagreply ka na ba kay Denver?" ngumiwi lamang ako sa kanya at umiling dito."Bestie ano ka ba naman?! Magreply ka dun sa tao, mabait naman 'yun para hindi na niya ako kinukulit pa." ani nito sa akin kaya naman kinuha ko ang telepono ko at nagulat ako ng mabasa ko ang maraming messages nito."Hala ang dami na pala!" bulalas ko dito kaya naman napatingin din ito sa aking telepono."Replayan mo na kasi, nakakaawa naman oh." ani nito sa akin kaya naman nagreply ako dito."What the hell? Smiley face talaga bestie?" gulat na gulat niyang sabi sa akin kaya naman napanguso ako dito. Bigla na lamang tumunog ang aking telepono kaya napatingin ako dito."Good evening, kamusta ka na Bria?" chat nito sa akin kaya naman napataas ang aking isang kilay. Ang bilis
Huling Na-update: 2023-01-05
Chapter: Chapter 20Kinabukasan ay maaga akong nagising, masaya ako dahil alam kong darating si Calix na kasama ang kaniyang kapatid, mamaya ay hihingi ako ng paumanhin sa aking nagawa. Kailangan niyang malaman na nabigla lamang ako at hindi ko sinasadyang masaktan siya. May kung anong kirot sa puso ko sa tuwing naiisip ko na maaaring natakot siya sa akin at baka magbago din ang pakikitungo nito sa akin."Nanay dumating na ho ba si Calix?" ani ko dito ng abutan ko itong nagluluto sa kusina."Oo kanina pa nandiyan, baka nasa hardin at tumutulong magtabas ng malalagong halaman." wika nito sa akin kaya naman may kung anong saya akong naramdaman, maaaring nandirito na din si Bria kaya mabilis akong lumabas ng kabahayan at tinungo ko ang hardin.Habang papalapit ako ay ay nakita ko agad si Bria na masayang nakikipag-habulan sa kaniyang kapatid sa aking hardin, parang ang lahat ng nangyayari ay tila ba nag-slow motion habang ako naman ay nakatitig lamang kay Bria habang malakas itong tumatawa.Ang pag-tibok ng
Huling Na-update: 2022-12-25
Chapter: Chapter 19Maaga pa lang ay gising na ako. Bumaba ako ng unang palapag upang mag-agahan."Maaga ka yata ngayon? May importante ka bang gagawin sa opisina kaya ganito ka kaaga ngayon?" ani ni nanay sa akin.Umupo ako sa kaniyang tabi at ngumiti ako dito ng iniabot sa akin nito ang mabango at mainit na kape."May aasikasuhin lang po akong importante sa opisina kaya maaga ako ngayon." ani ko naman dito.Habang iniinom ko ang kape na bigay sa akin ni nanay ay sumasagi naman sa aking isipan ang magandang imahe ni Bria kaya nawala tuloy sa isip ko na sobrang init ng kape kaya sa sobrang gulat ko ay napatayo ako at natapon ang kape. Naramdaman ko ang init sa aking kamay kaya agad akong napatingin sa namumula kong kamay."Jusmiyo! Ano'ng nangyari?" nag-aalalang ani ni nanay at mabilis na kinuha ang aking kamay upang tignan ito. nagmamadali itong pumunta ng kaniyang silid at ng makabalik ito ay pinahiran nya agad ng ointment ang aking kamay."Nanay okay lang po ako, wala naman 'yan." natatawa kong ani, a
Huling Na-update: 2022-12-25
Chapter: Chapter 18Decker's POV"Sir pasensya na ho na-late ako ng dating, natraffic ho kasi ako." ani sa akin ni Calix."Sabi ko sa iyo na Decker na lang ang itawag mo sa akin Calix. I am okay with Decker than sir." ani ko dito at tumango naman ito."And one thing Calix, stop saying po or opo; I am not that old. I'm only 25 years old." I added."Pasensya na, boss kasi kita kaya rumerespeto lang sana ako sa'yo." he said, nginitian ko lamang ito at tinapik sa kaniyang balikat."Are we good?" I asked, and he nodded."I am starving, where to eat? Hmmmn..." I said as I stroked my chin."Sigurado akong nakaluto na si Brianna sa bahay, sa amin ka na lang kumain." ani niya kaya naman napatingin ako dito."Huwag na, nakakahiya naman na sa inyo pa ako kakain! Baka umuwi na lang ako at sa bahay kumain." wika ko naman dito."Ngayon lang naman ako nag-aya, para pasasalamat ko na rin dahil sa ginagawa mong pagtulong sa amin." he said. Napabuntong hininga naman ako at nag-isip sandali at pagkatapos, maya-maya nga lam
Huling Na-update: 2022-12-25
Chapter: Chapter 17Decker's POVNakarating kami sa bahay nila Brianna dahil hinatid ko na ito, ipinaalam ko na rin sa office na exempted na siya sa exams. Alam kong naguguluhan siya ngunit maging ako ay naguguluhan din at wala akong alam na isasagot kung sakaling magtatanong siya sa akin."Bumaba ka na at kailangan ko ng bumalik sa aking opisina." ani ko dito habang siya naman ay titig na titig lamang sa aking mukha.Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pagkalito kaya naman muli akong nagsalita."Get out of my car!" I said annoyedly.Mabilis naman siyang lumabas ng aking sasakyan kaya naman agad ko na itong pinaharurot, hindi ko kailangang magpaliwanag sa kaniya kung bakit ko ginawa ang mga 'yon. Kapatid siya ni Calix at nasa loob siya ng aking paaralan kaya natural lamang na protektahan ko siya upang hindi siya masaktan lalo na at mga spoiled brat ang mga estudyante ng aking unibersidad.Pero napapailing pa rin ako dahil nakita ko ang lahat ng nangyari kanina. Matapang at palaban ang kapatid ni Calix k
Huling Na-update: 2022-12-25
Chapter: Chapter 16Ikalawang araw na ng paglilinis ni Brianna sa loob ng aking silid, mag-isa lang siya ngayon dahil wala ang kaniyang kaibigan at hindi ko na inalam pa ang dahilan. Sa tuwing nandirito siya ay may kung anong saya akong nararamdaman."Decker ipinagluto kita ng ginataang hipon para pananghalian mo, sinamahan ko na rin 'yan ng mainit na kanin. Mamaya initin mo na lang sa microwave mo, huwag kang nagpapagutom." ani niya kaya naman napataas ang aking ulo at tinignan ang hawak-hawak niyang tupperware.Ibinalik ko ang aking paningin sa screen ng aking computer at nagsimula akong magtipa, ngunit ang isip ko ay hindi naman makapag focus dahil nararamdaman ko ang lungkot ni Bria ng hindi ko pinansin ang sinabi niya."Pakilagay sa refrigerator at iinitin ko na lang mamaya, salamat." ani ko sa malumanay na tinig na hindi siya tinitignan."Oh my god! I am sure na magugustuhan mo ito." masaya niyang ani at mabilis niyang inilagay ang tupperware sa loob ng refrigerator. Sapat na siguro na marinig ko n
Huling Na-update: 2022-12-25