Share

Chapter 3

Author: Extrangheras
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Isang linggo ng nagtatrabaho sa akin ang mag-inang Villanova and so far, okay naman sila at hindi ako nagkakaroon ng problema. Si Calix ay magaling din makisama at tulad ng inaasahan ko ay masipag nga ito. Kahit hindi niya trabaho basta hindi siya busy ay gagawin n'ya ito. Katulad kanina ng magising ako ay inabutan ko itong nagdidilig ng mga halaman habang ang hardinero ko naman ang nagdadamo.

"Good morning po sir!" ani sa akin ni Aling Anita ng makita niya akong naghahanap ng maiinom.

"Gusto n'yo po ba ng kape?" tanong nito sa akin. "Okay lang ho, si nanay na lang ang gagawa ng kape ko dahil kabisado na n'ya ang panlasa ko sa kape." magalang kong wika dito at tumango-tango naman ito sa akin.

Hindi naman nagtagal ay dumating si nanay na may dalang kape para sa akin.

"Hijo, pupunta ako sa palengke mamaya baka may ipabibili ka sa akin." ani sa akin ni Nanay Lita.

Umiling naman ako dito kaya agad na niya akong inasikaso. Pinaglagay ako ng plato ni nanay at kubyertos at isa-isa na niyang inihain sa akin ang masasarap na agahan.

"Kumain ka na at tapos na kami ni Anita." wika n'ya kaya naman nagsandok na ako ng pagkain at sinimulan ko na ang kumain hanggang sa natapos ako.

Nasa hardin ako ngayon at dahil araw naman ng linggo ay mas ginusto ko ng manatili na lang dito sa bahay para na rin makapag pahinga ako.

Mula kasi ng mamatay si lola ay ako na ang nangalaga sa lahat ng negosyo namin, hindi biro ang walang katuwang sa pamamahala ng mga ito kaya naman nagpapasalamat ako sa dalawa kong kaibigang matalik na laging handang umalalay sa akin kapag kinailangan ko ang kanilang tulong.

"Hijo aalis na ako, kasama ko si Calix para ipagmaneho ako." ani ni nanay kaya naman tumango lamang ako.

Tumingin ako kay Calix at naghabilin ako dito.

"Calix, mag-iingat ka sa pagmamaneho mo, si nanay na lang ang pamilyang natitira sa akin kaya pag-ingatan mo siyang mabuti." wika ko dito na tinugunan naman n'ya. Maglalakad na lang sana ako papasok ng kabahayan ng magsalitang muli si nanay.

"Hijo, darating pala dito ang kapatid ni Calix na si Bria upang tulungan ang nanay nila na maglaba ng lahat ng kurtina at mga sapin ng kama." ani nito at hindi ako kumibo dahil hindi ako interesado kung sino man ang Bria na 'yon at wala din akong pakialam kung kapatid man ito ni Calix o anak ni Aling Anita. Pag-kaalis nila nanay ay tumunog naman ang hawak kong telepono.

"Bro, where are you?" tanong ni Jared na nasa kabilang linya.

"Home, why?" tugon ko naman dito.

"Do you have any plans for today?" tanong nito sa akin kaya naman nag-isip ako, wala naman akong maisip na kahit na anong lakad kaya hindi na ako nakasagot.

"Great! Punta ka dito sa bahay at magluluto si manang ng spicy ginataang hipon." ani nito na ikinangiti ko.

"I'll be there soon!" wika ko dito at mabilis na akong umakyat sa aking silid upang maligo.

Halos tatlumpong minuto lamang ang inilagi ko dito at pagkatapos ay nagbihis din agad ako at mabilis kong tinalunton ang pababa ng hagdan at palabas ng kabahayan. Papasok na sana ako sa loob ng aking sasakyan ng may mapansin akong isang babae na naglalakad papunta naman sa likod bahay, matangkad ito na maputi at balingkinitan, masasabi kong napakaganda ng mukha n'ya ngunit wala akong pakialam kahit siya pa ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.

"Who the hell are you?" malakas kong asik dito na ikinapitlag niya at nabitawan pa niya ang hawak niyang payong.

Hindi ito nakapagsalita at mababakas sa mukha nito ang matinding takot.

"Bakit ka nasa loob ng pag-aari ko ha?" galit kong ani dito at nakikita ko sa kaniyang mga mata ang takot at halos naiiyak na ito. Magsasalita pa sana akong muli ng lumapit sa amin ang isa sa aking guard.

"Sir, siya po si Bria ang anak ni aling Anita, bunsong kapatid po ni Calix." ani sa akin ni Damian kaya naman napatingin ako dito mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay salubong ang kilay ko na pumasok sa loob ng aking sasakyan at mabilis ko ng pinaandar ito.

"GATE!" malakas kong sigaw at ng bumukas na ito ay mabilis ko din itong pinaharurot dahil sa inis, hindi ko gusto na nakakakita ng babae sa loob ng aking pamamahay.

Mabilis akong nakarating sa bahay ni Jared at pagkababa ko ng aking sasakyan ay sinalubong agad ako ng aking kaibigan.

"Woah! Bakit salubong yata ang kilay mo?" nagtatakang ani nito sa akin. I heaved a deep sigh and stared at him.

"What will you do if a strange woman stepped into your property?" I asked frustratedly.

"Oh Wow! May babae sa bahay mo? First time 'yan ah!" tumatawa nitong ani sa akin kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng matinding galit. Nang makita niya ang naging reaksyon ko ay nawala ang tawa nito,

"Well, it depends kung sino ang babaeng nasa bahay mo! Isa ba siya sa naikama mo na naghahabol sa iyo at sinasabing dinadala n'ya ang anak mo?" Biglang napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi kaya naman malakas akong kumontra.

"Hell no! Kapatid siya ni Calix at nasa bahay siya ngayon upang tulungan ang kanyang ina sa paglalaba." galit kong ani dito. Anong pinagsasabi niya na nakabuntis ako? Kaylanman ay hindi mangyayari 'yon dahil maingat ako at hindi ako pumapatol sa mga inosente dahil ayokong mapikot. "Ganoon lang nagagalit ka na? Bro ang babaw mo!" ani nito sa akin kaya naman tinitigan ko ito ng matalim kaya napa peace sign naman ito sa akin sabay ngisi.

"Ikaw naman hindi na mabiro!" ani pa nito sa akin. Inaya na niya akong pumasok sa loob ng malaking bahay.

Habang naglalakad kami papasok sa loob ng kabahayan ay naaamoy ko na ang masarap na lagkaing niluluto ni manang. Hindi rin naman nagtagal ay dumating naman si Brandon kaya habang nag-aantay kami sa pagluluto ni Manang ay nagkukuwentuhan muna kami.

Napag-usapan namin ang pinapatayo kong village.

Matagal ko ding pinag-isipan ang pagpapatayo ng isang exclusive village at dahil na rin inuudyukan ako lagi ng aking mga kaibigan ay heto na nga at nagawa ko ng simulan ang proyekto. Tinawag ko itong The Decker Ville, isinunod ko ito sa pangalan ko katulad ng Decker Tower na isinunod ng aking ama sa pangalan ko. Nakaramdam na naman ako ng kalungkutan ng muli kong maalala ang aking ama. "Okay ka lang bro?" nag-aalalang ani sa akin ni Brandon kaya naman napatingin ako dito.

"I'm okay, may naalala lang ako." ani ko naman dito. Huminga ako ng malalim at napasandal sa couch, "Nagugutom na ako mga bro, hindi pa ba tayo kakain?" tanong ko sa kanila kaya naman nagkatawanan kami dahil nawili kami sa pagkukuwentuhan samantalang kanina pa nga pala kami tinatawag ni Manang dahil kanina pa siya nakaluto. Naging masaya naman ang maghapon ko na kasama ang dalawa kong kaibigan, uminom kami ng kaunti at napag-usapan na rin namin ang tungkol sa mga negosyo namin.

Matagal na nila akong inuudyukan na pag-isipan na magkaanak at ihahanap daw nila ako ng paupahang sinapupunan pero lagi ko itong tinatanggihan. Alam ko namang tama sila na kailangan kong magkaroon ng tagapag-mana ng lahat ng negosyo ko ngunit hindi pa naman ako ganoon ka desperado para patusin ang sinasabi nilang paupahang sinapupunan. Hindi rin nagtagal ay natapos na rin kaming magkuwentuhan at pagkatapos ay naghiwa-hiwalay na rin kami upang makauwi na at makapagpahinga.

Related chapters

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 4

    Pagkarating ko ng mansyon ay tumuloy agad ako sa aking silid upang makapagpahinga, nakainom din kasi ako ng bahagya kaya naman medyo sumasakit ang ulo ko. Pagkapasok ko sa aking silid ay tumungo muna ako sa veranda upang magpahangin sana ng may matanaw ako sa aking hardin na isang babae na nakaupo na tila ba may hinihintay. Napakunot ang noo ko dahil akala ko ay nakaalis na ang babaeng ito kaya naman nagtataka ako at nandirito pa rin siya sa loob ng aking pamamahay. Pinagmamasdan ko lamang ito habang magkasalubong ang aking mga kilay, nakita ko ang pagtayo nito at ang kaniyang pagngiti kaya naman ang salubong kong kilay ay napalitan ng pagkunot ng aking noo. Tumingin ako kung saan siya nakatingin at nakita kong papalapit sa kanya si Calix at mabilis niya itong sinalubong ng yakap, hindi ko inaalis ang mga tingin ko sa kanila at pinapanood ko lamang sila sa masaya nilang pagkikita na akala mo ay isang taong hindi nagkita. Napatingin sa aking veranda si Calix kaya naman ng mapansin niya

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 5

    Maaga pa lang ay nagising na ako, bumaba agad ako ng unang palapag upang uminom ng kape. Inabutan kong nagluluto si Aling Anita ng agahan kaya naman nagtataka ko itong tinanong kung nasaan si Nanay Lita."Nasa hardin po at kausap ang aking anak na si Calix." ani nito sa akin kaya naman nagtungo ako ng hardin upang puntahan ito. Nakita ko si nanay at si Calix na nag-uusap habang si Calix naman ay nagtatabas ng malagong halaman."Hijo napaka-aga mo namang gumising, nagugutom ka na ba?" tanong nito sa akin."Good morning ho sir!" bati naman sa akin ni Calix na tinanguan ko lang."Ano ho ba ginagawa ninyo dito?" tanong ko kay Nanay Lita."Nakikipag kwentuhan lang ako kay Calix habang tinuturo ko dito kung alin ang dapat na tabasan, malalago na kasi at gusto niyang siya na ang gumawa at wala pa naman daw siyang ginagawa sa ngayon." wika ni nanay Lita kaya naman napatingin ako kay Calix. Okay naman pala ang isang ito at masipag, hindi mo na kailangan pang utusan dahil nagkukusa na siya."Ip

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 6

    Katulad ng inaasahan ko ay dumating nga dito sa opisina ko si Brandon na kasama pa si Jared. Napabuntong-hininga na lamang ako ng makita ko silang pumapasok ng nakangisi sa akin."Mukhang kalokohan na naman ang sadya ninyo sa akin." ani ko sa mga ito na natawa dahil sa aking sinabi."Nabalitaan ko sa ibaba na may dumating na babae dito sa opisina mo? Kaylan ka pa nagpapasok ng babae dito?" mapang-inis na ani ni Jared sa akin. Tama sila, hindi talaga ako nagpapasok ng mga babae dito sa aking opisina unless na lang tungkol ito sa negosyo."It was Alexa Sanchez." ani ko dito na ikinagulat nila at napatitig pa sa akin na tila ba nagtataka."Alexa, as in the Alexa fuck girl?" natatawang turan ni Jared.Tango lamang ang tanging naisagot ko sa kanila habang nakatitig naman ako sa aking laptop at patuloy lamang ako sa aking pagtatrabaho."What the hell was she doing in your office?" nakataas na dalawang kilay na ani sa akin ni Brandon."Well, paano daw kung mabuntis siya." natatawa kong wika

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 7

    Kinabukasan ay maagang nagising si Bria at agad na hinanap ang kaniyang telepono."Oh my god!" ani niya ng makita kung anong oras na."Omg! Omg!" paulit-ulit niyang ani habang nagmamadali itong pumapasok sa loob ng kaniyang banyo upang maligo. Dahil sa sobrang pag-iisip niya sa amo ng kaniyang kapatid ay late na ito nakatulog kaya naman late na rin siya nagising. Halos sampong minuto lamang ang inilagi niya sa loob ng banyo at pagkatapos ay mabilis din agad itong nakapag-bihis.Halos maiyak ito dahil sa inis na nararamdaman niya sa kaniyang sarili lalo na at may exam pa siya ngayon. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang telepono na nakapatong sa kaniyang kama at tinawagan ang kaniyang kapatid."Kuya sige na please! Pag na-late kasi ako hindi ako makakakuha ng exams." naiiyak niyang ani dito."Nababaliw ka na ba ha Bria?! Hindi pwede dahil ihahatid ko pa ang amo ko, dahil sa ginagawa mo mawawalan ako ng trabaho!" galit na ani nito sa kaniyang kapatid kaya naman hindi na nito napigilan pa

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 8

    Bria's POVLinggo ngayon kaya naman excited ako, kapag linggo kasi tinutulungan ko si nanay sa mansion upang maglaba ng malalaking kurtina at mga kobre-kama. Excited din ako dahil makikita ko na naman si Decker my love. Kung tutuusin ay off ni kuya at ni nanay kapag linggo pero dahil wala naman daw silang ginagawa kapag linggo ay mas gusto pa nilang magtrabaho kaysa ang tumunganga lang sa bahay. Sabi nga ni nanay ay hindi naman mabigat ang gawain niya dahil tinutulungan siya ni manang Lita at ni kuya.Napapangiti ako habang iniisip ko ang gwapong mukha ng amo ni kuya at nanay. Pangalan pa lang appetizer na, ang katawan naman ay sobrang sarap iulam at ang pang dessert ay ang gwapo niyang mukha."Sasabay ka na ba sa akin Bria? Bakit naiinip na si nanay sa kakahintay sayo." ani ng aking kapatid."Oo kuya saglit lang at nagsusuklay ako!" Ani ko naman dito at tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa."Hoy Bria! Pupunta ka duon para tulungan si nanay maglaba, hindi ka pupunta duon para umat

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 9

    Decker's POVIt was Brandon's birthday today, so I received a call from him asking for us to meet at the bar to celebrate. I quickly showered, changed into my best clothes, and headed out to find my driver, Calix. It's safer for me to always have a driver, so I prefer to go to the bar and get intoxicated with Calix.Usually kapag Sunday ay nasa bahay lamang ako at mas gusto ko pang gumagawa ako ng mga inuuwi kong trabaho kaysa ang gumala at pumunta sa kung saan-saan, pero kapag tumawag naman ang mga kaibigan ko at nag-ayang gumala kami ay hindi ko naman sila mahindian. Katulad ngayon na kaarawan ni Brandon, ang usapan namin ay sa bahay niya kami magcecelebrate bukas after ng importante kong meeting, pero dahil Sunday ngayon at wala naman silang ginagawa ni Jared ay kukulitin nila ako ng kukulitin hanggang sa mapapayag nila akong lumabas kasama sila. Sanay na sanay na ako sa mga kaibigan ko kaya para wala ng mahabang kulitan pa ay umo-oo na lamang ako sa kanila.Mabilis akong bumaba ng

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 10

    R18+Ngayon ang araw ng pagpasok ng kapatid ni Calix sa DMU kaya kinakailangan kong pumunta duon upang makausap ang president ng school na nakatalaga dito upang malaman nila na ako ang may hawak kay Bria at kung may kakailanganin ito na kahit ano sa school ay ibibigay na lamang nila dito ng walang hinihinging kabayaran, kailangan ko ding ipa-rush ang uniform nito dahil lahat ng estudyante ng aking paaralan ay required na nakauniporme.Patungo na kami ni Calix sa kanilang bahay upang sunduin ang kaniyang kapatid upang maasikaso ko na ang dapat asikasuhin sa school bago ako tuluyang pumasok sa aking opisina.Papalapit kami sa kanilang bahay ng matanaw ko na nakatayo na sa harapan ng bahay nila ang kapatid ni Calix kaya naman napataas ang aking kilay habang pinagmamasdan ko ito.She made a crop top and worn-out skirts appear incredibly costly, and I must admit, I was impressed! She hopped into my car, and I pretended she didn't exist."Good day, Decker!" She gave me a friendly smile and

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 11

    Bria's POV"Bestie, sabay na tayo mag lunch ha!" napatingin ako kay Monette ng magkasalubong kami sa hallway ng school. Hindi ko agad napansin ang aking kaibigan dahil wala akong tigil ng kakalingon na halos ikabali na ng aking leeg."Hoy ano ba ang nangyayari sa 'yo ha? Sino ba kasi 'yang hinahanap mo ha?" nagtatakang ani sa akin ng aking kaibigan."Bestie nandito daw ang may-ari ng school, tara hanapin natin si Decker." Mabilis kong hinila ang kaniyang kamay at tinignan ko ito ng may malaking ngiti sa aking labi. Napatingin siya sa aking mukha na tila ba may kung anong binabasa sa aking mga mata kaya naman mabilis ko itong nginusuan at pagkatapos ay inirapan ko ito."Halaaaa... si Sir Moris pala ang tinatarget mo babaita ka!" manghang ani sa akin ng aking kaibigan kaya naman bigla kong tinakpan ang kaniyang bibig at tumingin ako sa paligid at baka may nakarinig sa kaniya, nakahinga ako ng maluwag ng makita kong walang tao kaya tinampal ko agad ito sa kaniyang braso."Grabe ang ingay

Latest chapter

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 21

    Nandito sa bahay namin ngayon si Monette dahil mag sleepover siya dito ngayong gabi at buti na lamang ay pinayagan siya ng kaniyang mga magulang, mabait naman sa akin ang mommy at daddy niya at minsan din ay natutulog ako sa kanila."Bestie, nagreply ka na ba kay Denver?" ngumiwi lamang ako sa kanya at umiling dito."Bestie ano ka ba naman?! Magreply ka dun sa tao, mabait naman 'yun para hindi na niya ako kinukulit pa." ani nito sa akin kaya naman kinuha ko ang telepono ko at nagulat ako ng mabasa ko ang maraming messages nito."Hala ang dami na pala!" bulalas ko dito kaya naman napatingin din ito sa aking telepono."Replayan mo na kasi, nakakaawa naman oh." ani nito sa akin kaya naman nagreply ako dito."What the hell? Smiley face talaga bestie?" gulat na gulat niyang sabi sa akin kaya naman napanguso ako dito. Bigla na lamang tumunog ang aking telepono kaya napatingin ako dito."Good evening, kamusta ka na Bria?" chat nito sa akin kaya naman napataas ang aking isang kilay. Ang bilis

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 20

    Kinabukasan ay maaga akong nagising, masaya ako dahil alam kong darating si Calix na kasama ang kaniyang kapatid, mamaya ay hihingi ako ng paumanhin sa aking nagawa. Kailangan niyang malaman na nabigla lamang ako at hindi ko sinasadyang masaktan siya. May kung anong kirot sa puso ko sa tuwing naiisip ko na maaaring natakot siya sa akin at baka magbago din ang pakikitungo nito sa akin."Nanay dumating na ho ba si Calix?" ani ko dito ng abutan ko itong nagluluto sa kusina."Oo kanina pa nandiyan, baka nasa hardin at tumutulong magtabas ng malalagong halaman." wika nito sa akin kaya naman may kung anong saya akong naramdaman, maaaring nandirito na din si Bria kaya mabilis akong lumabas ng kabahayan at tinungo ko ang hardin.Habang papalapit ako ay ay nakita ko agad si Bria na masayang nakikipag-habulan sa kaniyang kapatid sa aking hardin, parang ang lahat ng nangyayari ay tila ba nag-slow motion habang ako naman ay nakatitig lamang kay Bria habang malakas itong tumatawa.Ang pag-tibok ng

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 19

    Maaga pa lang ay gising na ako. Bumaba ako ng unang palapag upang mag-agahan."Maaga ka yata ngayon? May importante ka bang gagawin sa opisina kaya ganito ka kaaga ngayon?" ani ni nanay sa akin.Umupo ako sa kaniyang tabi at ngumiti ako dito ng iniabot sa akin nito ang mabango at mainit na kape."May aasikasuhin lang po akong importante sa opisina kaya maaga ako ngayon." ani ko naman dito.Habang iniinom ko ang kape na bigay sa akin ni nanay ay sumasagi naman sa aking isipan ang magandang imahe ni Bria kaya nawala tuloy sa isip ko na sobrang init ng kape kaya sa sobrang gulat ko ay napatayo ako at natapon ang kape. Naramdaman ko ang init sa aking kamay kaya agad akong napatingin sa namumula kong kamay."Jusmiyo! Ano'ng nangyari?" nag-aalalang ani ni nanay at mabilis na kinuha ang aking kamay upang tignan ito. nagmamadali itong pumunta ng kaniyang silid at ng makabalik ito ay pinahiran nya agad ng ointment ang aking kamay."Nanay okay lang po ako, wala naman 'yan." natatawa kong ani, a

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 18

    Decker's POV"Sir pasensya na ho na-late ako ng dating, natraffic ho kasi ako." ani sa akin ni Calix."Sabi ko sa iyo na Decker na lang ang itawag mo sa akin Calix. I am okay with Decker than sir." ani ko dito at tumango naman ito."And one thing Calix, stop saying po or opo; I am not that old. I'm only 25 years old." I added."Pasensya na, boss kasi kita kaya rumerespeto lang sana ako sa'yo." he said, nginitian ko lamang ito at tinapik sa kaniyang balikat."Are we good?" I asked, and he nodded."I am starving, where to eat? Hmmmn..." I said as I stroked my chin."Sigurado akong nakaluto na si Brianna sa bahay, sa amin ka na lang kumain." ani niya kaya naman napatingin ako dito."Huwag na, nakakahiya naman na sa inyo pa ako kakain! Baka umuwi na lang ako at sa bahay kumain." wika ko naman dito."Ngayon lang naman ako nag-aya, para pasasalamat ko na rin dahil sa ginagawa mong pagtulong sa amin." he said. Napabuntong hininga naman ako at nag-isip sandali at pagkatapos, maya-maya nga lam

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 17

    Decker's POVNakarating kami sa bahay nila Brianna dahil hinatid ko na ito, ipinaalam ko na rin sa office na exempted na siya sa exams. Alam kong naguguluhan siya ngunit maging ako ay naguguluhan din at wala akong alam na isasagot kung sakaling magtatanong siya sa akin."Bumaba ka na at kailangan ko ng bumalik sa aking opisina." ani ko dito habang siya naman ay titig na titig lamang sa aking mukha.Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pagkalito kaya naman muli akong nagsalita."Get out of my car!" I said annoyedly.Mabilis naman siyang lumabas ng aking sasakyan kaya naman agad ko na itong pinaharurot, hindi ko kailangang magpaliwanag sa kaniya kung bakit ko ginawa ang mga 'yon. Kapatid siya ni Calix at nasa loob siya ng aking paaralan kaya natural lamang na protektahan ko siya upang hindi siya masaktan lalo na at mga spoiled brat ang mga estudyante ng aking unibersidad.Pero napapailing pa rin ako dahil nakita ko ang lahat ng nangyari kanina. Matapang at palaban ang kapatid ni Calix k

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 16

    Ikalawang araw na ng paglilinis ni Brianna sa loob ng aking silid, mag-isa lang siya ngayon dahil wala ang kaniyang kaibigan at hindi ko na inalam pa ang dahilan. Sa tuwing nandirito siya ay may kung anong saya akong nararamdaman."Decker ipinagluto kita ng ginataang hipon para pananghalian mo, sinamahan ko na rin 'yan ng mainit na kanin. Mamaya initin mo na lang sa microwave mo, huwag kang nagpapagutom." ani niya kaya naman napataas ang aking ulo at tinignan ang hawak-hawak niyang tupperware.Ibinalik ko ang aking paningin sa screen ng aking computer at nagsimula akong magtipa, ngunit ang isip ko ay hindi naman makapag focus dahil nararamdaman ko ang lungkot ni Bria ng hindi ko pinansin ang sinabi niya."Pakilagay sa refrigerator at iinitin ko na lang mamaya, salamat." ani ko sa malumanay na tinig na hindi siya tinitignan."Oh my god! I am sure na magugustuhan mo ito." masaya niyang ani at mabilis niyang inilagay ang tupperware sa loob ng refrigerator. Sapat na siguro na marinig ko n

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 15

    Decker's POVMula ng nakapasok sa loob ng opisina ko si Alexa ay pinakabitan ko na ng fingerprint scanner at glass door ng aking opisina. Ayoko sa lahat na may kung sino-sinong babae na lamang ang pumapasok sa loob ng aking opisina. May remote control din ito na pwede kong pindutin upang mabuksan ito mula dito sa loob ng aking opisina ngunit hindi naman ito gagana kapag nasa labas na.Ipinascan ko ang fingerprint ng dalawa kong kaibigan at ni Calix upang malaya silang nakakapasok sa loob ng aking opisina.Natapos ang pag-uusap nila Calix at ng kaniyang kapatid at inihatid na ni Calix sa ibaba ang kaibigan ng kaniyang kapatid. Sa tingin ko ay may tama dito si Calix at pinatunayan lamang niya ito kanina ng marinig ko ang sinabi niya sa kaibigan ng kaniyang kapatid.Napatingin ako kay Bria ng inilabas nito ang telepono at humarap ng bahagya sa akin.My brows furrowed into one as soon as I recognized what she was doing. She is also unaware of the CCTV I have installed in my office.Alam

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 14

    Bria's POVNagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko, sinadya ko talagang lakasan ito upang marinig ko, madalas kasi kapag hindi naman ganuon kalakasan ang tone ng alarm ay hindi naman ako basta-basta nagigising.Mabilis akong tumayo at tinungo ang banyo, excited kasi akong pumasok ngayon dahil susunduin ako ni Monette at dadaan lang naman kami sa building ni Decker kaya naman mabibilis ang bawat mga kilos ko para pagdating dito ni Monette ay naka ready na ako."Ang aga mo naman yata ngayong papasok ha Bria?" ani sa akin ni Kuya Calix."Aga mo naman yatang gumising ha kuya?" tanong ko naman dito sa halip na sagutin ko ito."Aalis na ako dahil susunduin ko ang amo ko at duon sa bar natulog. May trabaho pa 'yon kaya aalis na ako at baka ma late pa ako sa pagsundo sa kanya." paliwanag naman ni kuya kaya naman tumango lamang ako.Nagluto ako ng agahan at gumawa na din ako ng hot coco, mahilig kasi ako sa hot coco at hindi ako umiinom ng kape.Pagkaluto ko ay napatingin ako sa aking

  • Decker. His Painful LOVE   Chapter 13

    Decker's POV"Sir, ano'ng oras ho ba tayo aalis para makapag-handa na ako, dadaanan ko lang muna po ang kapatid ko para bigyan ng pera pang grocery niya ng pagkain sa bahay at ng ibang kakailanganin sa bahay namin." ani sa akin ni Calix.Bigla kong naisip na dito nga pala natutulog ang nanay nila at isinasama ko din si Calix ngayon sa bar dahil mag-iinuman kami ng aking mga kaibigan."No need! I can drive kaya pwede ka ng umuwi at ng may kasama ang kapatid mo." I said.Bigla na lamang napakunot ang aking noo ng marealize ko ang sinabi ko dito ngunit hindi ko na lamang pinahalata at tinalikuran ko na ito."Sigurado ho ba kayo sir? Baka ho magkalasingan kayo mamaya." ani nito sa akin."Yes, I'm sure. Kung sakali mang malasing ako ay kukuha na lang ako ng VIP room." ani ko dito at tuluyan na akong lumakad papasok sa loob ng mansion ko at hindi ko na ito nilingon pa.Naghahanda ako sa pag-alis namin ng marinig kong ang notification sa aking telepono kaya naman mabilis ko itong kinuha at t

DMCA.com Protection Status