Share

Deceiving the Heir
Deceiving the Heir
Author: naiad

Chapter 1

Author: naiad
last update Huling Na-update: 2022-03-18 08:35:02

Nanginginig ang labi ko. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha sa aking mga mata. Nanghihina at hindi pa rin makapaniwala sa aking narinig.

“M-Malala na raw ang k-kondisyon ng T-Tatay Isko mo, ‘Nak,” namamaos ang boses na saad ni Nanay Isang, halatang kagagaling lang sa pag-iyak. “Nakapagtanong ako kanina sa doktor, higit isang milyon daw ang magiging halaga ng operasyon…w-wala tayong ganoong kalaking p-pera.”

Huminga ako nang malalim at sapilitang ikinalma ang aking sarili. Hindi dapat ako panghinaan sa panahong ito. Dapat ay maging matatag ako sapagkat kailangan ako ni Nanay Isang, kailangan ako ni Tatay Isko.

“’Wag ka hong mag-alala, ‘Nay. Gagawan natin ‘to ng paraan, gagawa po ako ng paraan,” puno ng determinasyon ang boses ko.

“Paano naman, ‘Nak?”

“Hindi ko pa po alam, ‘Nay. Pero pangako po, gagawa ako ng paraan, mapapa-opera natin si Tatay.”

Nagpaalam na ako kay Nanay Isang, matapos iyon ay mabilis kong pinunasan ang mga luha sa aking pisngi at humugot ng isang malalim na hininga. Tinanaw ko ang pintong pinanggalingan ko kani-kanina lang.

Ito lang ang tanging paraang nakikita ko upang matulungan sina Nanay Isang at Tatay Isko kaya dapat ay alisin ko na ang pag-aalinlangan sa aking isipan. Noon pa man ay sinabi ko na sa sarili ko na anuman ang mangyari ay hindi ako magiging alipin ng pera, na anuman ang mangyari ay mas pipiliin kong gawin ang tama. Pero mas pipiliin ko bang panindigan ang prinsipyo ko kung ang kapakanan naman ng mahal ko sa buhay ang nakataya?

Punong-puno pa ng iba’t ibang isipin ang aking utak habang naglalakad papunta sa kwartong pinanggalingan ko kanina. Kahit na nakapag-desisyon na akong tatanggapin iyon ay tila ayaw pa rin akong payagan ng aking konsensya kaya naman nahirapan pa ako sa pag-angat ng aking kamao at pagkatok dahil may kung ano sa aking sarili na pinipigilan ako.

“Come in,” sagot ng boses sa loob matapos ang ilang ulit kong pagkatok.

Nang buksan ko ang pinto ay agad akong sinalubong ng nakangising mukha ni Angelina, nakataas ang kilay niya sa akin sa paraang nang-uuyam.

“Have you changed your mind, Francesca?” sa paraan ng pananalita niya, at kahit sa ere niya pa lang ay mahahalata ng lumaki siya sa marangyang pamumuhay. Lumaki nga talaga siyang marangya at sa katunayan ay isa siya sa mga amo ko sapagkat isa akong tagapaglinis dito sa malaking mansiyon nila.

Kailanman ay hindi ko hiniling na lumaking mayaman. Kuntento na ako sa buhay ko ngayon na kahit kalimitang kinakapos sa pera ay masaya pa rin. Pero ngayong nagkasakit si Tatay Isko, bigla ay hiniling kong sana ay mayaman na lang kami para may sapat na pera kami upang agad-agad na maoperahan siya.

“T-Tinatanggap ko na,” Pikit-matang sagot ko.

“That’s great!” Hinila niya ako upang tuluyang makapasok sa kwarto niya at maipaliwanag niya sa akin nang malinaw ang mga dapat kong gawin.

...

Nagising ako noong bigla na lang tumama ang ulo ni Guadalupe sa akin. Agad akong napadilat ng mata dahil sa sakit at masama siyang tiningnan pero wala ring kwenta kasi tulog na tulog siya. Pagod na pagod siguro ito dahil sa mahabang oras na byahe mula Maynila hanggang dito sa Sorsogon.

Inayos ko ang ulo niya dahil paniguradong mangangalay iyon kapag naggising siya. Hindi naman kasi siya dapat kasama rito pero nagpumilit siya kasi sabi niya kakailanganin ko raw ng back up. Wala na rin naman akong nagawa dahil kapag ginusto ni Guadalupe ay hindi ko na siya mapipigilan pa at sa tingin ko rin ay makatutulong na kasama ko siya lalo pa’t kailangan kong manatili sa probinsiyang ito sa loob ng ilang buwan.

“Manong, malapit na po ba tayo?” tanong ko sa driver ng sasakyan. 

“Medyo malayo-layo pa po, Ma’am. Nasa dulo pa po kasi ang mansiyon ng mga Dela Rue,” magalang na sagot niya sa akin. “Gusto niyo po bang bilisan ko pa ang pagpapatakbo?”

“Ah, hindi na po,” Ngumiti ako at ibinaling na sa labas ang aking paningin.

Dela Rue...Damon Dela Rue.

Bumuntonghininga ako at naramdaman ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso dahil sa kaba. Unti-unti ay ginagapangan ako ng takot sa isiping malapit ko na siyang makilala. Pinanghihinaan ako ng loob at naduduwag pero hindi na ako pwedeng umatras, wala akong choice.

Para pagaanin ang loob ay ibinaling ko sa labas ang aking paningin. Kung kanina ay marami kaming establisiyimentong nadaraanan ngunit ngayon naman ay halos wala na akong makita maliban sa malalawak na palayan at matatayog na kabundukan.

Masyadong abala ang mga tao sa kanilang mga gawain at tila hindi alintana ang mainit na sikat ng araw. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan sa may gawi ko upang makalanghap ng sariwang hangin. Napapikit ako ng malanghap ang amoy ng sinunog na talahib at amoy ng palay na humahalo sa hangin.

Tipid akong napangiti dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil naaalala ko ang probinsya namin ng dahil sa mga nakikita ko. Pero ang naramdaman kong kaginhawaan ay pansamantala lamang dahil muling bumalik ang kabang nararamdaman ko nang maramdamang unti-unti ng bumabagal ang pagtakbo ng sasakyan habang papasok ito sa mataas at bakal na tarangkahan.

Wala na akong panahon pa para pagmasdan ang paligid dahil naging mabilis na ulit ang pagtakbo ng sasakyan at nang muli na itong huminto ay nasa harapan na kami ng magarang mansiyon kung saan naghihintay ang isang dosenang kasambahay at ang nakangiting ginang na sa palagay ko ay si Mrs.Fridgette Dela Rue.

Agad kong ginising si Guada. Gulat na gulat pa siya noong makita ang mansiyon at tila nawala sa isip kung bakit kami nasa sitwasyong ito. Kung hindi ko pa siya pinandilatan ng mata ay hindi niya pa aayusin ang kaniyang sarili. Nang lumabas ang driver ay lumabas na rin si Guada. Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit naunahan ako ng driver, nabigla pa ako roon pero agad kong kinalma ang sarili ko at tinanggap ang kamay ng driver upang alalayan ako sa pagbaba.

“I am so glad that we finally met, hija!” ngiting-ngiting sabi ni Mrs.Fridgette Dela Rue na agad akong niyakap. 

Awkward akong napangiti. “I’m glad din po!”

“I know your tired from the long ride but before you rest, let me introduce you with Damon. Excited na siyang makilala ka at hindi na makapaghintay kahapon pa lang!” 

Pilit akong ngumiti, kunwari ay natutuwa ako at naniniwala sa sinabi niya.

“Is that so po? Well, I am excited to meet him too. Simula pa lang noong sinabi sa akin ni Mommy na siya ang lalaking pakakasalan ko ay hindi na ako makapaghintay na makilala siya,” kulang na lang ay mapunit ang pisngi ko sa sobrang lawak ng pagkakangiti, pilit na pagkakangiti.

Tila tuwang-tuwa naman si Mrs. Dela Rue sa sinabi ko at agad na hinawakan ang aking kamay. Bago niya ako hinila paalis ay inutusan niya muna ang mga kasambahay na ipasok na ang gamit ko sa magiging kwarto ko at ihanda na ang pagkain sa hapag.

Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na tingnan si Guada dahil tuluyan na akong hinila ni Mrs.Dela Rue patungo sa kung saan.

“Nasa garahe po si Sir...p-pero—“ hindi na natuloy ng trabahante ang kaniyang sinasabi dahil hinila na ulit ako ni Mrs.Dela Rue.

Nilingon ko ang pinagtanungan naming trabahante sa kung nasaan si Damon at nababasa ko ang pagkabagabag sa kaniyang mukha. Hindi ko na nga lang iyon napagtuonan pa ng pansin dahil muling nagsalita si Mrs.Dela Rue.

“He even insisted na siya na raw ang susundo sa ‘yo sa airport pero pinigilan ko siya kasi gusto kong dito na kayo pormal na magkakilala. Kahit hindi man siya nagsasabi ay nararamdaman kong pabor din siya sa pagpapakasal sa ‘yo not just for business sake.”

Pinilit ko na lang na ngumiti at tumango sa mga sinasabi niya kahit na ang totoo ay hindi naman talaga ako naniniwala. 

“Ahh...” malapit na kami sa garahe nang marinig ko ang paimpit na ungol na iyon. 

Napataas ang kilay ko. Mukhang hindi naman iyon narinig ni Mrs.Dela Rue dahil may sinasabi siya sa akin na tungkol kay Damon. Sana lang ay hindi pa siya napapagod dahil kanina pa niya binubuhat ang bangko ng kaniyang anak.

“So don’t worry. I am sure that my son is a husband material—“ pareho kaming natigilan dahil sa nadatnan namin sa garahe.

“Hmm...” ungol ng babae.

“Dios mio!” Napahawak si Mrs.Dela Rue sa kaniyang dibdib, mahigpit din siyang napahawak sa braso ko na para bang nawawalan ng lakas.

Nakahiga ang babae sa hood ng kotse ni Damon, hindi ako sigurado kung hubo’t h***d ba siya dahil natatabunan ng malapad na katawan ni Damon ang kaniyang katawan. Si Damon naman ay bahagyang nakapatong sa babae pero nasa lupa pa rin ang kaniyang mga paa. Nakasuot siya ng maong na pants pero wala na siyang pang-itaas. Agad ko ring naiwas ang paningin ko upang hindi tuluyang madumihan ang aking utak sa pinaggagawa ni Damon at ng kasama niyang babae.

“Hijo, what are you doing? And who is that bitch?!” nanggagalaiti ang boses ni Mrs.Dela Rue. Mabuti na lang at nahawakan ko ang braso niya dahil akma siyang susugod.

Doon pa lang ata napansin ni Damon Dela Rue ang aming presensya. Nilingon niya kami at tinaasan ng kilay. Magulo ang kaniyang buhok, mapupungay ang mga mata, at ang labi ay pulang-pula ng dahil sa pakikipaghalikan sa babae niya.

Rinig na rinig ko ang buntonghininga niya at mukhang napipilitan pa na humiwalay sa babae. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba noong makitang may saplot pa naman ang babae kahit na papaano.

“What now, Mama?” nakabusangot na tanong niya at mabilis na pinasadahan ng kamay ang magulong buhok.

Ngayong naglalakad na siya papalapit sa amin ay mas napagmasdan ko ang itsura niya. Oo, makisig siya pero nakaka-intimidate ang aura niya. Sa matipuno niya pa lang na pangangatawan ay masasabi ko ng marahas siyang tao lalo na’t masyadong depinado ang kaniyang mga ugat sa braso na para bang palaging nanggigigil kaya nagkaganoon.

Binitawan ni Mrs.Dela Rue ang braso ko at agad na nilapitan ang anak at may ibinulong dito. Kumunot ang noo ni Damon at sandali akong tinapunan ng tingin.

Iniwas ko sa kaniya ang aking paningin at hindi sinasadyang natuon iyon sa babae niya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nakararamdam ako ng awa para sa kaniya. Naroon pa kasi siya, magulo ang itsura, at tila ba naghihintay na muli siyang pagtuonan ng atensiyon ng lalaking nasa harapan ko na ngayon.

Nang muli kong ibalik ang paningin ko sa mag-ina ay malawak na ang pagkakangiti ni Mrs.Dela Rue sa akin.

“Angelina, this is Damon Dela Rue. He is my eldest son, your soon to be husband,” pakilala niya sa akin sa kaniyang anak.  “And hijo, this is Angelina Smith, your soon to be wife. She will be staying here with us for couple of months so that you can get to know each other more before your wedding.”

Inilahad ni Damon Dela Rue ang kaniyang kamay sa harap ko, “Nice to meet you.”

 Tiningnan ko lang ang kaniyang kamay. Ipinagsiklop ko ang dalawa kong kamay at inilagay ko iyon sa aking likuran. Wala akong balak na makipag-shakehands sa kaniya.

“Likewise,” tipid kong sagot.

Nang mapagtanto niya atang wala akong balak na tanggapin ang kamay niya ay inilayo niya na iyon at tinaasan ulit ako ng kilay. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang mapansin kong natigil sa dibdib ko ang kaniyang mata ay umigting ang aking panga.

Tumikhim ako at inayos ang neckline ng suot kong dress. Ilang minuto pa lang kaming nagkakaharap ay inuubos niya na ang pasensya ko.

“You didn’t shake my hand...” sabi niya, “why? My hand is clean. I didn’t put it inside of her if that’s what you are worrying about.”

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Hindi na lang ako sumagot pa.

“Let’s go inside para makakain na tayo ng lunch at para na rin makapag-pahinga na si Angelina,” anyaya sa amin ni Mrs.Dela Rue.

“Mauna na kayo. Susunod na lang ako sa loob,” sagot ni Damon at tinalikuran niya na kami. Binalikan niya iyong babae at halos mapairap na lang ako noong makitang hinalikan niya ito ulit.

Napasinghap naman si Mrs.Dela Rue. Halatang hindi makapaniwala sa ginagawa ng anak niya. Kunsabagay, kanina niya pa binubuhat ang bangko ni Damon tapos ngayon, ganito lang ang ginagawa nito.

“Pasok na po tayo sa loob,” nakangiting anyaya ko kay Mrs.Dela Rue at hinawakan na ang kaniyang braso upang maalalayan ko siya papasok sa mansiyon.

Bago pa man ako pumunta rito sa probinsya nila ay may ideya na ako sa kung anong uri ng tao si Damon Dela Rue dahil nagsagawa ako ng research tungkol sa kaniya. Pero hindi ko pa rin maiwasang magulat dahil mas malala pa pala siya sa inaakala ko.

Akalain mo ‘yon. Matapos na maipakilala ang magiging asawa niya ay may gana pa talaga siyang makipaghalikan sa ibang babae? At sa harap ko pa talaga! Ang tindi rin talaga ng lalaking ‘to.

Sana talaga ay makayanan ko ang lahat dahil kailangan kong magtagumpay sa pagpapanggap bilang si Angelina Smith at bilang fiancee ni Damon, ang eredero ng mga Dela Rue.

Kaugnay na kabanata

  • Deceiving the Heir   CHAPTER 2

    “From now on you must practice adressing us as ‘Mama’ and ‘Papa’,” muling gumuhit ang ngiti sa labi ni Mrs.Dela Rue habang marahang hinahaplos ang aking kamay.Nasa hapag na kami ngayon at katatapos niya lang na maipakilala ako sa kaniyang asawa na si Don Sergio at bunsong anak na si Gustave. Tahimik ang Don pero hindi naman siya nagpapakita ng pagkadisgusto sa akin, mukhang ganoon talaga ang personality niya base na rin sa research na ginawa ko.Sa kabilang banda naman ay kanina pa ako nginingitian ni Gustave sa tuwing nagkakasalubong ang paningin namin. Wala akong nakuhang masyadong impormasyon sa kaniya sapagkat siya ang pinakapribado sa mga Dela Rue dahil na rin siguro sa nag-aaral siya ng Abogasya pero sa palagay ko ay siya ang pinakamabait. Ang gaan kasi kaagad ng pakiramdam ko sa kaniya.“Sige po, Mama,” Binalingan ko si Mrs.Dela Rue at nginitian.

    Huling Na-update : 2022-03-18
  • Deceiving the Heir   Chapter 3

    ”What happened to the engagement last night?” agad na bungad ni Angelina noong sagutin ko ang tawag.Nagtagal ang party kagabi kaya naman sobrang late ko ng nakatulog, tinanghali tuloy ako ng gising ngayong umaga. Nahiya pa nga ako kasi sabi sa akin ni Guada ay hihintayin daw dapat ako nina Mrs.Fridgette at Don Sergio sa breakfast ngunit nang malamang tulog na tulog pa ako ay hinayaan na lang muna.“Ayos lang naman,” sagot ko sa kaniya habang nagbibihis ako. “Talaga bang okay lang na itinuloy ang engagement? Baka kasi mas mahirapan ka nito sa planong pagtanggi sa kasal dahil nangyari na ang engagement.”“Okay lang ‘yon. At isa pa ay wala kang karapatang pakialaman ang desisyon ko. Just do what I says, I don’t need your opinion! Hindi kita binayaran para riyan.”Nakinig na lang ako sa mga sinasabi niya at hindi na sumagot pa. Mas lalo lang ka

    Huling Na-update : 2022-03-18
  • Deceiving the Heir   Chapter 4

    Nanuyo ang lalamunan ko habang nag-iisip sa kung ano ba ang maaari kong sabihin o kung dapat bang may sabihin ako dahil nakasisiguro akong isang salita ko lang ay mabubuking niya ako. “Sweetie…still there?” muling nagsalita si Ma’am Rowena dahil sa matagal kong pananahimik. “Are you alright? Why aren’t you answering me?” Wala talaga akong ideya sa kung ano ang gagawin ko. Hindi ako maaaring magsalita ngunit kung mananahimik naman ako ay magtataka siya. Rinig na rinig ko ang malalakas na tambol sa aking dibdib. Napatingin ako kay Mrs.Dela Rue, nakangiti siya sa akin ngayon at parang ini-encourage ako na makipagusap sa aking ‘ina’. Ibinuka ko ang labi ko, magsasalita na sana kasabay ng pagbabakasakaling hindi niya mapansin ang aking boses ngunit bago pa man mangyari iyon ay nakarinig na ako ng pag-uusap sa kabilang linya, mukhang sekretarya niya iyon. “I'll just call you some other time, sweetie. I need to take care of something. Enjoy your stay there, I love

    Huling Na-update : 2022-04-20
  • Deceiving the Heir   Chapter 5.1

    Lumipas ang ilang araw at mukhang nagkaayos na ang magkapatid kasi bumalik na sa normal ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Nagkausap na rin kami ni Damon pero siniguro kong hindi niya na ulit ako mahihila pa sa kwarto niya dahil sigurado akong may balak na naman siya kapag doon kami nag-usap. “No more flirting with other men. Akin ka na, sa akin lang,” sinabi niya iyon sa akin. Magpoprotesta sana ako kasi hindi ko gusto ang sinabi niya. Tao ako at hindi bagay na maaaring angkinin, may sarili akong pag-iisip at desisyon, walang ibang nagmamay-ari sa akin kundi ang sarili ko lang. Gusto kong ipaglaban sa kaniya iyon pero sa huli ay tumango na lang ako sa sinabi niya para matapos na ang usapan. Napagtanto ko rin na kahit pa iprotesta ko ‘yong pinaniniwalaan ko ay wala rin namang silbi kasi hindi naman ako ang magpapakasal sa kaniya. Mabuti na rin iyon kasi kung ako ang nasa kalagayan ni Angelina ay hindi ko ‘ata makakayanan ang level ng possessiveness ni Damon

    Huling Na-update : 2022-04-21
  • Deceiving the Heir   Chapter 5.2

    Bumabyahe na kami pabalik sa Sorsogon ni Gustave pero patuloy pa ring lumilipad ang isipan ko tungkol sa nadatnan namin kanina. Hindi ko maitago ang iritasyon magpahanggang ngayon.Hindi ko maintindihan. Hindi ba dapat ay wala naman akong pakialam kasi nagpapanggap lang naman ako, hindi naman ako ang totoong magpapakasal kay Damon. Pero bakit ako nakararamdam ng ganito? Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya gusto kaya bakit?Hindi ko tipo ang mga lalaking kagaya niya. Maraming bagay sa kaniya ang ayaw ko at isa pa ay masyadong malayo ang estado namin sa buhay. Marami pa akong bagay na kailangang pagtuonan ng pansin kaya wala pa akong oras sa pag-ibig, at kung magmamahal man ako pagdating ng araw ay nasisiguro kong hindi iyon katulad ni Damon.Naguguluhan ako at iritado. Kinumbinsi ko na lang ang sarili ko na nakararamdam ako ng ganito ngayon kasi napaka-unfair niya talaga. Nag-away kami nitong nakaraan dahil sinabi niya ay nakikipaglandian ako sa kapatid n

    Huling Na-update : 2022-04-22
  • Deceiving the Heir   Chapter 6

    Ilang minuto na mula nang lumabas si Luisana ngunit narito pa rin ako sa banyo at tulala. Kinakabahan ako nang husto ng dahil sa nalaman. Pinaimbestigahan niya ako at natatakot ako na baka sa mga oras na ‘to ay alam niya ng hindi talaga ako si Angelina Smith at nagpapanggap lang dahil sa pera. Hindi ako mapakali at imbes na mag-overthink ng iba’t ibang senaryo ay mas pinili ko na lang na tawagan si Angelina upang sabihin sa kaniya ang tungkol dito. “Don’t mind her. I am sure that she’s making fun of you. Pinatanggal ko na ang mga articles online kung saan featured ako at pareho na rin tayong walang social media accounts kaya naman malabo ang sinasabi niya,” paliwanag ni Angelina nang matapos kong ikuwento sa kaniya ang tungkol sa sinabi ni Luisana. “Mayaman din si Luisana. Paano kung nagbayad siya ng propesiyunal na imbestigador. Mabubuking tayo!” Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Angelina mula sa kabilang linya, “That woman is just probably obsessed with

    Huling Na-update : 2022-04-25
  • Deceiving the Heir   Chapter 7

    Nang unti-unti ng bumabalik ang diwa sa akin ay ang tunog ng paghampas ng alon ang una kong narinig. Noong tuluyan na akong nagising ay bigla ko na lang naramdaman ang pananakit ng ulo. Napadaing ako at unti-unti ng iminulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko’y binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit! Unang titig ko pa lang sa kisame ay nasisiguro ko ng wala ako sa kwartong kinuha ni Stave para sa akin. Mabilis akong bumangon at nagpalinga-linga sa paligid. Nasaan ako?! Nagsimula na akong makaramdam ng kaba, nalasing ako kagabi tapos bigla na lang akong magigising sa ibang kwarto! Agad kong ibinaba ang paningin sa aking katawan, nakahinga ako nang maluwag noong makitang may suot pa rin akong damit. Ngunit nang mapansin ko ang long sleeves na nakasuot sa akin ay unti-unting bumalik sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Dumating si Damon. Iniligtas niya ako. Nag-away kami at sa huli ay…hinalikan niya ako! Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi.

    Huling Na-update : 2022-04-27
  • Deceiving the Heir   Chapter 8.1

    “Sa tingin mo ay alam na kaya ni Luisana ang totoo?” Sandaling nag-isip si Guada. Narito kami ngayon sa kwarto ko at sinabi ko sa kaniya iyong nangyari noong gabing nakausap ko si Luisana. Kahit na in-assure na ako ni Angelina ay hindi ko pa rin maiwasang mangamba tungkol doon. Nararamdaman ko kasi na may alam na talaga si Luisana kasi hindi naman niya bibitawan ang mga salitang ‘yon kung wala, ‘di ba? At malaking problema iyon kung sakaling may alam nga siya. Kung totoo ang hinala ko na alam niyang nagpapanggap lang ako bilang si Angelina Smith ay paniguradong gagamitin niya ang kaalamang iyon upang sirain ako. Desperada siya at handang gawin ang lahat makuha lang si Damon. “Baka naman nagsisinungaling lang siya para pag-isipin ka?” hindi rin sigurado si Guada sa sagot niya. “Paano kung hindi? Paano kung alam niya na talagang nagpapanggap lang ako?” Itinikom ko ang nanginginig sa kabang kamay. Lumapit sa akin si Guada at marahang hinaplos ang aking buhok, “Hindi ko rin alam, Fr

    Huling Na-update : 2022-04-29

Pinakabagong kabanata

  • Deceiving the Heir   Chapter 31

    “Where is my son?” “N-Na sa tinutuluyan kong apartment,” kinakabahang sagot ko. “Tell me the way. I want to see him.” Nang sabihin niya iyon ay nanahimik na lang ako. Akala ko ba ay hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko kanina? Walang mapaglagyan ang kabang nararamdaman ko habang nasa byahe kami patungo sa aking apartment. Kaming dalawa lamang ni Damon ang narito sa sasakyan niya. May isang sasakyan sa unahan at sa likuran namin, ang mga bodyguards niya iyon. Kanina pa siya tahimik at malamig rin ang tungo niya sa akin. Nakaramdam ako ng takot sa mga maaaring mangyari ngunit kinalma ko ang sarili ko. I should focus on this first, I will deal with the consequences later. Pero naisip ko rin na baka kaya siya ganito ngayon ay dahil inaalala niya ang magiging epekto nito sa relasyon nila ni Angelina. Nakakaramdam ako ng guilt dahil baka masira iyon pero tutulungan ko na lang siyang mag-explain. At sasabihin ko ring wala akong balak na panagutin si Damon, lalayo na rin kami ng anak

  • Deceiving the Heir   Chapter 30

    “G-Good morning,” gulat na bati ko kay Daniel. Kalalabas ko lang ng kwarto, nakabihis na ako at paalis na ngunit natigilan lang noong makita si Daniel na nakaupo sa sofa habang kandong ang anak kong nanonood ng cartoons. “Nag-breakfast ka na ba?” tanong ko. Umiling lang siya at pinaupo muna sa sofa si Damien bago siya tumayo. “Ihahatid na kita.” Gusto ko sanang tumanggi ngunit napagtanto ko na bukod sa convenient na ito para sa akin ay maaari ko rin siyang makausap ngayon upang makahingi ng tawad. Matapos magpaalam kay Damien at Guada ay lumabas na kami ni Daniel. Nanatili siyang walang imik kahit na nasa byahe na kami. Nang tuluyan ng huminto ang sasakyan niya sa tapat ng building ay hindi muna ako lumabas upang makausap siya. “Salamat pala sa paghatid sa akin. Sana hindi ako nakakaabala sa mga gagawin mo sa araw na ito,” panimula ko. “Galit ka pa rin ba sa akin dahil sa paglilihim ko? Sorry, pero sana ay maintindihan mo ako.” “I forgive you. Pero ganoon pa rin ang opinyon k

  • Deceiving the Heir   Chapter 29.2

    “I need the report for last year,” sabi ni Damon ng hindi man lang ako tinitingnan. Agad na nalukot ang mukha ko at padarag na ibinagsak sa lamesa niya ang napakabigat at patong-patong na files na pinakuha niya sa akin kanina. “Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina para nasabay ko na. Bababa na naman tuloy ako!” Binalingan niya na ako ngayon. “I forgot. Kunin mo na dahil iyon pala ang kailangan ko, hindi ang mga ito.” Inalis niya na ulit sa akin ang atensyon at nagsimula na namang magtipa. Sana talaga ay mamanhid iyang kamay niya. Nakakainis! Sobrang sama ng tingin ko sa kaniya. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin ay kanina pa siya bumulagta ngayon. Nang mapansin sigurong hindi pa ako tumatalima sa utos niya ay binalingan niya muli ako. “Kilos na, bilis!” Pumalakpak pa siya. Inirapan ko muna siya bago nagmartsa palabas ng kaniyang opisina. Nakasalubong ko si Roi dahil naroon lang siya sa labas ng pinto at nag-aabang yata ng maaaring iutos sa kaniya ni Damon. “May k

  • Deceiving the Heir   Chapter 29.1

    Sobrang naging abala ako nitong mga nakaraang araw ng dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari at hindi ko masyadong napaglalaanan ng oras si Damien. Kaya naman sa araw na ito ay itinuon ko lang sa aking anak ang buo kong atensyon. Namasyal kami sa labas, kumain, at naglaro. Nakukonsensiya ako dahil alam kong kahit gaano pa kaabala ay dapat na naglalaan ako ng oras para sa aking anak kaya naman bumabawi ako ngayon. Madaling-araw noong maalimpungatan ako ng dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Agad ko iyong sinagot upang matigil sa pag-ring dahil bahagyang gumalaw si Damien, naiistorbo ng tunog. “Hello?” Lumabas ako ng kwarto upang hindi magising ang anak. “Pumayag ka na susundin mo ang lahat ng sasabihin ko pero bakit hindi kita ma-contact kahapon? Are you running away from me?” Kumunot ang noo ko. Kagigising ko lang at inaantok pa ng sobra kaya naman hindi pa ganoon kaayos ang pagtakbo ng isipan ko. “Huh? Sino po sila?” Humalakhak ang lalaking nasa kabilang linya. Awtomatikong

  • Deceiving the Heir   Chapter 28

    Agad na akong hinila ni Damon papasok sa kaniyang sasakyan. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay Daniel dahil nang makasakay na rin siya ay pinaharurot niya kaagad ang sasakyan. Halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Hindi rin magandang nagkabuhol-buhol na ang isipan ko dahil sa kabang nararamdaman. Dati ay iniisip ko na madali lang na sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin. Ngunit ngayong narito na ako ay hindi ko magawang makapagsalita. Pinapangunahan ako ng kaba! “Sandali...hindi ito ang sa amin,” saad ko nang huminto na ang sasakyan niya sa harap ng isang matayog na gusali. Sa dami-rami kong iniisip kanina ay hindi ko man lang namalayan na ibang ruta ang tinatahak niya. Ang tanga-tanga naman talaga, Francesca! Nang tumingala ako at tuluyan ng nabasa ang pangalan ng building ay napalunok ako. Kung tama ang pagkakatanda ko ay ito ang building kung nasaan ang penthouse niya! “Labas,” he commanded, nauna na rin

  • Deceiving the Heir   Chapter 27

    “Nag-aalala ako para sa ‘yo pero ngayong sasamahan ka ni Sir Daniel ay mapapanatag na ako.” Lumayo na nang kaonti sa akin si Guada at tiningnan niya ako nang maigi. Tapos na siya sa pag-aayos sa akin. Tinawagan ako ni Sir Arnaldo kanina, he invited me for a dinner this evening. Sinabi niya sa akin na makakasama namin si Ma'am Rowena at si Angelina kaya naman medyo kinakabahan ako. Hindi maganda ang naging pagkikita namin ni Angelina noong nakaraan. Malamang ay galit pa siya sa akin lalo na at nalaman nilang anak ako ni Sir Arnaldo. “Kung ang iba ay nalo-losyang kapag may anak na, ikaw naman ay mas lalo pang gumanda! Sabihin mo nga sa akin kung ano ang sikreto mo, bet ko rin ang ganiyang kagandahan!” Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Guada at pinagmamasdan din ang aking sarili. Nakasuot ako ng white, below the knee fitted dress at black na stilleto. Pormal na dinner kasi iyon kaya ganito ang sinuot ko. “Nasa labas na raw si Sir Daniel,” imporma sa akin ni Guada. Bago ako tulu

  • Deceiving the Heir   Chapter 26

    Halos isang oras yata akong nanatili roon sa parking lot bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na umalis. Sobrang bigat ng dibdib ko habang inaalala ang muling pagkikita namin ni Damon. Inaasahan ko naman na galit siya sa akin ngunit hindi sa ganoong paraan. Mas kakayanin ko pa yata kung sisigawan niya ako o hindi naman kaya ay pagsasalitaan ng masama kaysa naman sa tratuhin niya ako ng ganoon na parang hindi niya ako kilala. "Kumain ka na ba? Gusto mo ay ipaghain kita?” Ramdam ko ang pag-iingat sa boses ni Guadalupe nang makarating ako sa apartment. Nahahalata niya siguro ang nararamdaman ko ngayon pero mas pinili na lang na ’wag ng magtanong tungkol doon. Iling lang ang naisagot ko kay Guada at nagpaalam na papasok na sa kwarto upang magpahinga. Ayaw kong umiyak ngayon gabi ngunit nang makita ko ang payapang mukha ng natutulog kong anak ay hindi ko na napigilan ang sarili kong luha. Tinakpan ko na lamang ang bibig ko at ginawa ang lahat ng aking makakaya upang tahimik na umiyak.

  • Deceiving the Heir   Chapter 25

    ”Nakarating na po kami rito sa Maynila, Nanay.”Agad kong tinawagan si Nanay noong makarating na kami sa pansamantala naming tutuluyan habang narito kami sa Maynila.Noong tumawag ako kay Luisana ay nalaman kong hindi na namamalagi si Damon sa Sorsogon at kasalukuyan itong naninirahan sa Maynila. Hindi alam ni Luisana ang address nito pero nangako siya sa akin na pai-imbestigahan iyon at sasabihin kaagad sa akin kapag nalaman niya.”Kumusta naman ang tutuluyan niyo. Komportable ba kayo riyan? Kumusta ang aking Apo?””Maayos naman po ang tutuluyan namin at malapit din po rito ang apartment na tinutuluyan ni Daniel. Tulog na po si Damien, masyado pong napagod sa byahe.”Sumabay na kami sa pag-alis ni Daniel. Kasama ko ang aking anak at si Guada. Pinaalam ko rin kay Daniel kung ano ang pakay ko rito. Tinulungan niya ako, sa katunayan ay siya ang nag-suggest sa akin nitong tinutuluyan naming apartment nina Guada ngayon.Sinabi rin sa akin ni Daniel na handa siyang tumulong sa akin sa anuma

  • Deceiving the Heir   Chapter 24

    Hindi ako nakatulog kaagad dahil laman pa rin ng isipan ko ang sinabi ni Nanay Isang sa akin. Sa loob ng limang taon ay sinubukan kong kalimutan na ang lahat ng nangyari sa amin ni Damon. Paulit-ulit ko ring pinaniwala ang sarili ko na naka move-on na ako sa kaniya hanggang sa dumating ang araw na iyon na ang pinaniwalaan ng isipan ko. Ngunit paano naman ang aking puso? Naka move-on na rin ba ito o nanatili pa ring si Damon ang itinitibok? Natatakot akong malaman ang sagot lalo na at malakas ang hinala ko na hindi ko magugustuhan ang sagot na makukuha ko mula rito. Napabuntonghininga na lamang ako at niyakap ang natutulog kong anak. Gagawin ko ‘to para kay Damien, para sa kasiyahan niya. Hindi ko na dapat isipin pa ang nararamdaman ko dahil ang pinakamahalaga para sa akin ay ang kasiyahan ng aking anak. “Oh, hi!” nakangiting bati ko kay Daniel noong makita ko siya sa grocery store habang namimili ako. “Hi!” ginantihan niya ang ngiti ko at lumapit na sa akin. Namimili rin siy

DMCA.com Protection Status