Share

CHAPTER 2

Penulis: naiad
last update Terakhir Diperbarui: 2022-03-18 08:50:04

“From now on you must practice adressing us as ‘Mama’ and ‘Papa’,” muling gumuhit ang ngiti sa labi ni Mrs.Dela Rue habang marahang hinahaplos ang aking kamay.

Nasa hapag na kami ngayon at katatapos niya lang na maipakilala ako sa kaniyang asawa na si Don Sergio at bunsong anak na si Gustave. Tahimik ang Don pero hindi naman siya nagpapakita ng pagkadisgusto sa akin, mukhang ganoon talaga ang personality niya base na rin sa research na ginawa ko. 

Sa kabilang banda naman ay kanina pa ako nginingitian ni Gustave sa tuwing nagkakasalubong ang paningin namin. Wala akong nakuhang masyadong impormasyon sa kaniya sapagkat siya ang pinakapribado sa mga Dela Rue dahil na rin siguro sa nag-aaral siya ng Abogasya pero sa palagay ko ay siya ang pinakamabait. Ang gaan kasi kaagad ng pakiramdam ko sa kaniya.

“Sige po, Mama,” Binalingan ko si Mrs.Dela Rue at nginitian.

Pumalakpak naman siya ng dahil sa itinuran ko. Kahit na ganoon ay eleganteng-elegante pa rin siyang tingnan. Hindi lang dahil sa magara niyang damit ngayon at mga alahas na dekorasyon sa katawan kundi dahil mismo sa kilos at napakaganda niyang mukha kahit na may edad na.

“Kuya is already here...” imporma ni Gustave.

Napaangat ako ng tingin nang may humila sa katabing silya ko. Nagkasalubong ang tingin namin ni Damon, bagong paligo na siya ngayon at nakapagbihis na nang mas maayos na damit. Tinaasan niya akong kilay bago tuluyang maupo.

Sa paghugot ko nang malalim na hininga ay nalanghap ko ang mabango niyang amoy. Sobrang bango. Lalaking-lalaki ang amoy niya.

“What did I missed?” Tiningnan niya ang kaniyang ina habang nilalagyan ng pagkain ng nakaabang na kasambahay ang kaniyang pinggan.

“Wala pa naman. Ipinakilala ko lang ang fiancee mo sa Papa at kapatid mo.”

“Since we are all here. Why don’t we talk about your engagement party? Your Mama is so excited for that,” nakatingin sa amin ni Damon ang Don noong sabihin niya iyon.

“Oh, don’t let them worry about it anymore!” Hinawakan ni Mrs.Dela Rue ang balikat ni Don Sergio. “Let me handle that, okay. Mamaya agad ay sisimulan ko na ang pagpaplano at paghahanda para riyan.”

Binalingan ko si Damon para tingnan ang reaksiyon niya sa sinabi ng ina pero parang wala lang naman sa kaniya iyon at sinimulan na ang pagkain.

Hindi ito ang reaksiyong inaasahan ko mula sa kaniya. Si Damon Dela Rue ay playboy pa sa playboy. Sobrang matinik niya sa mga babae at hindi pumapasok sa relasyon kaya naman kayang pagsabayin ang kahit na ilang gustuhin niya, iyon ang nalalaman ko at sapat na rin naman sigurong ebidensya iyong nadatnan namin sa garahe kanina ‘di ba?

Ang inaasahan ko ay ipapakita kaagad ni Damon ang pagtutol niya sa arrange marriage kasi hindi talaga siya iyong tipo ng lalaking gugustuhing mag settle down. Pero bakit ngayon ay parang wala lang sa kaniya ‘to? Hindi ba dapat ay kinakausap niya na ang kaniyang ina at kinukumbinsi itong huwag ituloy ang kasal?

“Escort your fiancee to her room so she could rest,” utos ni Don Sergio kay Damon nang matapos na kaming mananghalian.

Natigilan ako at tututol na sana pero na-realize kong magtataka sila kapag ganoon ang ginawa ko. Napainom na lang ako ng tubig at marahang pinunasan ang labi gamit ang table napkin pagkatapos.

Tumayo si Damon, “Let’s go,” saad niya at nanguna na sa paglalakad.

Agad naman akong tumayo at sumunod na sa kaniya. Pagod na rin kasi ako at gusto ko ng magpahinga muna, isa pa ay hindi ko pa alam kung saan ang kwarto ko kaya mas mabuting sumunod na lang ako kay Damon.

Nakataas na kami sa pangalawang palapag at kasalukuyang naglalakad sa isang pasilyo pero wala pa rin kaming imikan. Inabala ko na lang tuloy ang sarili ko sa pagtingin-tingin ng mga paintings na nakasabit sa dingding.

Grabe! Parang halos lahat ng gamit nila ay mamahalin. Hindi na dapat ako magtaka sapagkat sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking geothermal powerplant sa bansa at pag-aari rin ng pamilya nila ang pinakamalaking palm plantation sa lalawigan pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko.

“Here’s your room,” Napabaling ako kay Damon noong sabihin niya iyon. 

Siya na ang nagbukas ng pinto para sa akin. Nang silipin ko ang loob ay malawak ang kwarto at nasa ibabaw na ng kama ang ilang gamit ko.

“Nasa may dulong pasilyo naman nito ang kwarto ko,” sabi niya kahit na hindi ko naman tinatanong.

Tumango na lang ako sa sinabi niya at papasok na sana sa kwartong para sa akin pero napatigil ako nang bigla niya na lang hawakan ang isa kong kamay. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin nang pagsiklupin niya ang mga daliri namin at bahagyang inilapit iyon sa mukha niya na para bang may tinitingnang kung ano.

“I need to make an adjustment to the heirloom ring,” bulong niya sa sarili at binitawan na ang kamay ko. Matapos iyon ay tinalikuran niya na ako kaya naman pumasok na ako sa kwarto at sinarado ang pinto.

Bago maligo ay napagdesisyunan ko na munang i-message si Angelina.

Ako:

Nakarating na kami rito. Nakilala ko na rin ang fiance mo at ang pamilya niya.

...

Ini-expect ko na ilang linggo pa bago ang pormal na engagement party namin ni Damon kasi noong isang araw lang sinabi ni Mrs.Dela Rue na maghahanda at magpaplano na siya para roon pero nagulat ako dahil tatlong araw pa lang ang nakalilipas ay gaganapin na iyon!

“Magsisimula na po ang party, Ma’am,” imporma sa akin ng kasambahay na pumasok.

Tumango ako sa kaniya at sinabing bababa na ako kaya lumabas na ulit siya para ata ibalita sa iba na pababa na ako.

Tinapos na ni Guada ang pag-aayos sa aking buhok. May stylist namang nag-ayos sa akin kanina kaso nga lang ay hindi ako masyadong kumportable sa ginawa nila sa buhok ko kaya pinaayos ko ito kay Guada.

“Kinakabahan ako para sa ‘yo, Francesca,” sabi ni Guada noong tumayo na ako.

Huminga ako nang malalim at hinawakan ang kaniyang kamay, “Kinakabahan din ako pero kailangang kayanin ko. Para kay Tatay Isko.”

Sinamahan ako ni Guada sa pagbaba ngunit nang makarating na kami sa garden kung saan ginaganap ang party ay humiwalay na siya sa akin para makihalo sa mga tagasilbi. 

Rinig na rinig sa paligid ang malamyos na musika, ang mahihinang tawanan at kwentuhan, at ang pagkalansing ng mga baso. Nagkalat ang mag bilugang mesa sa buong garden na dinesenyuhan nang makintab na tela at bulaklak sa gitna. 

Lahat ng taong nakikita ko ay magaganda at magagara ang kasuotan at sa mga galaw pa lang nila ay masasabi ko ng mula rin sila sa mayayamang angkan.

Muli akong nakaramdam ng kaba. Hindi ako nababagay rito, hindi ako sanay. Pero mabilis na pumasok sa isipan ko na sa ngayon ay hindi ako si Francesca. Ngayon ay ako si Angelina Smith, ang eredera ng mga Smith at ang fiancee ni Damon Dela Rue.

Pumikit ako ng ilang segundo at pinakalma muna ang sarili. Nang marinig kong tinatawag ako ng coordinator ay dumilat na ako at akma na sanang lalapit sa kaniya ngunit mayroong humila sa braso ko.

Gulat pa ako roon. Tatanggalin ko na sana ang kamay na nakahawak sa braso ko ngunit tumigil na kami sa medyo may kadilimang parte ng garden.

“Ano ba?!” singhal ko nang makitang si Damon pala iyong humila sa akin.

Hindi niya ako sinagot. Napa-irap na lang ako kasi titig na titig siya sa akin. Nakasuot siya ngayon ng puting longsleeves na tinupi hanggang siko, itim na slacks, at itim ring leader shoes. Maayos rin ang kaniyang buhok at nanunuot sa ilong ko ang bango niya.

“Kung wala ka naman palang sasabihin ay aalis na lang a—“

Natigil ako sa sinasabi ko nang isandal niya ako sa pader. Nanlaki ang mga mata ko nang ilagay niya ang isang kamay sa gilid lamang ng aking ulo.

“A-Ano bang g-ginagawa mo?!”

“Just stay. I’m just going to give you something,” may kinuha siyang kung ano sa bulsa.

Ipinakita niya iyon sa akin. Isang maliit at kulay itim na square box. Marahan niya iyong binuksan at nang tuluyan ko ng makita kung ano ang nasa loob ay napaawang ang labi ko. Isa iyong diamond ring!

“Ibigay mo sa ‘kin ang kamay mo.”

Wala sa sariling sinunod ko naman ang sinabi niya. Maingat niyang ipinasok sa ring finger ko ang singsing. Hindi niya agad binitawan ang kamay ko matapos iyon at pinagkatitigan pa.

“This is our heirloom ring, don’t lose it.”

Naramdaman ko na medyo nag-iba ang paraan ng pagkakahawak niya sa kamay ko kaya naman agad ko iyong binawi sa kaniya at itinago sa likod ko. Napahalakhak siya ng dahil sa ginawa ko.

“Noong una mo pa lang dito ay napapansin kong parang ayaw mo na hinahawakan kita. Nandidiri ka ba sa akin?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Is it because of what you saw in the garage?”

Agad akong pinag-initan ng pisngi lalo na noong mahimigan ko ang tuwa sa boses niya.

“Don’t worry. I am clean. And to set the record straight, we are just making out that time.”

“Hindi ko naman tinatanong! I don’t care on what you are doing with your women. I am not interested, okay!”

Ngumisi siya, “We’re good then.”

Makikipagsagutan pa sana ako sa kaniya ngunit sinadya na kami ng isang kasambahay doon. Hinahanap na raw kami ni Mrs.Dela Rue dahil sisimulan na ang party. Nagsabay na kami ni Damon papunta roon. 

Nanginginig na ang labi ko sa kangingiti sa mga tao habang ipinapakilala ako ni Mrs.Dela Rue sa lahat bilang fiancee ni Damon. Ang katabi ko naman ay seryoso lang ang mukha at pormal na nakikipag-usap sa mga lumalapit at bumabati.

“Stop it...” inis na inis na ako, mariin ko iyong sinabi habang pinipilit ang sariling ngumiti kasi may papalapit na naman sa aming panauhin.

Kanina ko pa napapansin ang marahan niyang paghaplos sa likod ko. Backless ang suot ko ngayong sphagetti strap gown kaya naman ramdam na ramdam ko ang mainit niyang kamay na kanina pa naroon. 

“What? I am not doing anything,” pagmamaang-maangan niya pa.

Kinalma ko ang aking sarili.

Kalma, Francesca. Kumalma ka, hingang malalim.

“The marriage of my son and the heiress of Smith’s will happen three months from now. The union will be the beginning to strengthen the relationship of both family and will enhances both of our businesses,” Itinaas ni Mrs.Dela Rue ang hawak niyang champagne glass. “My friends, I hope that you will be there with us!”

Nagkaroon ng masigabong palakpakan at sinundan iyon ng tunog ng nagbabanggaang champagne glass. Hindi ko alam kung totoo ba ang tuwang nakikita ko sa mukha nilang lahat o kagaya ko ba silang pinipeke ang tuwa dahil mayroong ibang motibo?

Naramdaman kong hinapit pa ni Damon ang bewang ko upang mas mapadikit ako sa kaniya. Maya-maya’y naramdaman ko ang hininga niya sa may tenga ko.

“Your smiles...it’s fake,” bulong niya.

Bab terkait

  • Deceiving the Heir   Chapter 3

    ”What happened to the engagement last night?” agad na bungad ni Angelina noong sagutin ko ang tawag.Nagtagal ang party kagabi kaya naman sobrang late ko ng nakatulog, tinanghali tuloy ako ng gising ngayong umaga. Nahiya pa nga ako kasi sabi sa akin ni Guada ay hihintayin daw dapat ako nina Mrs.Fridgette at Don Sergio sa breakfast ngunit nang malamang tulog na tulog pa ako ay hinayaan na lang muna.“Ayos lang naman,” sagot ko sa kaniya habang nagbibihis ako. “Talaga bang okay lang na itinuloy ang engagement? Baka kasi mas mahirapan ka nito sa planong pagtanggi sa kasal dahil nangyari na ang engagement.”“Okay lang ‘yon. At isa pa ay wala kang karapatang pakialaman ang desisyon ko. Just do what I says, I don’t need your opinion! Hindi kita binayaran para riyan.”Nakinig na lang ako sa mga sinasabi niya at hindi na sumagot pa. Mas lalo lang ka

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-18
  • Deceiving the Heir   Chapter 4

    Nanuyo ang lalamunan ko habang nag-iisip sa kung ano ba ang maaari kong sabihin o kung dapat bang may sabihin ako dahil nakasisiguro akong isang salita ko lang ay mabubuking niya ako. “Sweetie…still there?” muling nagsalita si Ma’am Rowena dahil sa matagal kong pananahimik. “Are you alright? Why aren’t you answering me?” Wala talaga akong ideya sa kung ano ang gagawin ko. Hindi ako maaaring magsalita ngunit kung mananahimik naman ako ay magtataka siya. Rinig na rinig ko ang malalakas na tambol sa aking dibdib. Napatingin ako kay Mrs.Dela Rue, nakangiti siya sa akin ngayon at parang ini-encourage ako na makipagusap sa aking ‘ina’. Ibinuka ko ang labi ko, magsasalita na sana kasabay ng pagbabakasakaling hindi niya mapansin ang aking boses ngunit bago pa man mangyari iyon ay nakarinig na ako ng pag-uusap sa kabilang linya, mukhang sekretarya niya iyon. “I'll just call you some other time, sweetie. I need to take care of something. Enjoy your stay there, I love

    Terakhir Diperbarui : 2022-04-20
  • Deceiving the Heir   Chapter 5.1

    Lumipas ang ilang araw at mukhang nagkaayos na ang magkapatid kasi bumalik na sa normal ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Nagkausap na rin kami ni Damon pero siniguro kong hindi niya na ulit ako mahihila pa sa kwarto niya dahil sigurado akong may balak na naman siya kapag doon kami nag-usap. “No more flirting with other men. Akin ka na, sa akin lang,” sinabi niya iyon sa akin. Magpoprotesta sana ako kasi hindi ko gusto ang sinabi niya. Tao ako at hindi bagay na maaaring angkinin, may sarili akong pag-iisip at desisyon, walang ibang nagmamay-ari sa akin kundi ang sarili ko lang. Gusto kong ipaglaban sa kaniya iyon pero sa huli ay tumango na lang ako sa sinabi niya para matapos na ang usapan. Napagtanto ko rin na kahit pa iprotesta ko ‘yong pinaniniwalaan ko ay wala rin namang silbi kasi hindi naman ako ang magpapakasal sa kaniya. Mabuti na rin iyon kasi kung ako ang nasa kalagayan ni Angelina ay hindi ko ‘ata makakayanan ang level ng possessiveness ni Damon

    Terakhir Diperbarui : 2022-04-21
  • Deceiving the Heir   Chapter 5.2

    Bumabyahe na kami pabalik sa Sorsogon ni Gustave pero patuloy pa ring lumilipad ang isipan ko tungkol sa nadatnan namin kanina. Hindi ko maitago ang iritasyon magpahanggang ngayon.Hindi ko maintindihan. Hindi ba dapat ay wala naman akong pakialam kasi nagpapanggap lang naman ako, hindi naman ako ang totoong magpapakasal kay Damon. Pero bakit ako nakararamdam ng ganito? Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya gusto kaya bakit?Hindi ko tipo ang mga lalaking kagaya niya. Maraming bagay sa kaniya ang ayaw ko at isa pa ay masyadong malayo ang estado namin sa buhay. Marami pa akong bagay na kailangang pagtuonan ng pansin kaya wala pa akong oras sa pag-ibig, at kung magmamahal man ako pagdating ng araw ay nasisiguro kong hindi iyon katulad ni Damon.Naguguluhan ako at iritado. Kinumbinsi ko na lang ang sarili ko na nakararamdam ako ng ganito ngayon kasi napaka-unfair niya talaga. Nag-away kami nitong nakaraan dahil sinabi niya ay nakikipaglandian ako sa kapatid n

    Terakhir Diperbarui : 2022-04-22
  • Deceiving the Heir   Chapter 6

    Ilang minuto na mula nang lumabas si Luisana ngunit narito pa rin ako sa banyo at tulala. Kinakabahan ako nang husto ng dahil sa nalaman. Pinaimbestigahan niya ako at natatakot ako na baka sa mga oras na ‘to ay alam niya ng hindi talaga ako si Angelina Smith at nagpapanggap lang dahil sa pera. Hindi ako mapakali at imbes na mag-overthink ng iba’t ibang senaryo ay mas pinili ko na lang na tawagan si Angelina upang sabihin sa kaniya ang tungkol dito. “Don’t mind her. I am sure that she’s making fun of you. Pinatanggal ko na ang mga articles online kung saan featured ako at pareho na rin tayong walang social media accounts kaya naman malabo ang sinasabi niya,” paliwanag ni Angelina nang matapos kong ikuwento sa kaniya ang tungkol sa sinabi ni Luisana. “Mayaman din si Luisana. Paano kung nagbayad siya ng propesiyunal na imbestigador. Mabubuking tayo!” Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Angelina mula sa kabilang linya, “That woman is just probably obsessed with

    Terakhir Diperbarui : 2022-04-25
  • Deceiving the Heir   Chapter 7

    Nang unti-unti ng bumabalik ang diwa sa akin ay ang tunog ng paghampas ng alon ang una kong narinig. Noong tuluyan na akong nagising ay bigla ko na lang naramdaman ang pananakit ng ulo. Napadaing ako at unti-unti ng iminulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko’y binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit! Unang titig ko pa lang sa kisame ay nasisiguro ko ng wala ako sa kwartong kinuha ni Stave para sa akin. Mabilis akong bumangon at nagpalinga-linga sa paligid. Nasaan ako?! Nagsimula na akong makaramdam ng kaba, nalasing ako kagabi tapos bigla na lang akong magigising sa ibang kwarto! Agad kong ibinaba ang paningin sa aking katawan, nakahinga ako nang maluwag noong makitang may suot pa rin akong damit. Ngunit nang mapansin ko ang long sleeves na nakasuot sa akin ay unti-unting bumalik sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Dumating si Damon. Iniligtas niya ako. Nag-away kami at sa huli ay…hinalikan niya ako! Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi.

    Terakhir Diperbarui : 2022-04-27
  • Deceiving the Heir   Chapter 8.1

    “Sa tingin mo ay alam na kaya ni Luisana ang totoo?” Sandaling nag-isip si Guada. Narito kami ngayon sa kwarto ko at sinabi ko sa kaniya iyong nangyari noong gabing nakausap ko si Luisana. Kahit na in-assure na ako ni Angelina ay hindi ko pa rin maiwasang mangamba tungkol doon. Nararamdaman ko kasi na may alam na talaga si Luisana kasi hindi naman niya bibitawan ang mga salitang ‘yon kung wala, ‘di ba? At malaking problema iyon kung sakaling may alam nga siya. Kung totoo ang hinala ko na alam niyang nagpapanggap lang ako bilang si Angelina Smith ay paniguradong gagamitin niya ang kaalamang iyon upang sirain ako. Desperada siya at handang gawin ang lahat makuha lang si Damon. “Baka naman nagsisinungaling lang siya para pag-isipin ka?” hindi rin sigurado si Guada sa sagot niya. “Paano kung hindi? Paano kung alam niya na talagang nagpapanggap lang ako?” Itinikom ko ang nanginginig sa kabang kamay. Lumapit sa akin si Guada at marahang hinaplos ang aking buhok, “Hindi ko rin alam, Fr

    Terakhir Diperbarui : 2022-04-29
  • Deceiving the Heir   Chapter 8.2

    “Tapos na!” Iminulat ko ang aking mga mata nang sabihin iyon ni Guada. Agad na bumungad sa paningin ko ang repleksiyon ng aking mukha mula sa salamin. “Kahit anong ayos ang gawin sa ‘yo ay ang ganda-ganda mo pa rin!” papuri ni Guadalupe. Hindi ko nga lang alam kong nagsasabi ba siya ng totoo o sinabi niya lang iyon dahil siya ang nag-ayos sa akin ngayon. Pero hindi ko maipagkakaila. Magaling siyang mag-make up at mag-ayos ng buhok, maganda rin ang taste ni Guada sa mga damit kaya siya ang madalas na namimili ng mga isinusuot ko rito. Tumayo ako at pinagmasdan sa salamin ang aking kabuohan. Kinulot ng kaonti ni Guada ang buhok ko kaya naman mistula iyong umaalon, may kung ano rin siyang inilagay rito kanina kaya pansin ko ang pagkintab nito. Hindi naman makapal ang make-up ko ngayon, ayaw ko rin kasi ng ganoon at ayon naman kay Guada ay mas bagay talaga sa akin ang natural look dahil may natural contour na raw ang mukha ko at natural ding mapupula ang labi. Nang pasadahan ko ng

    Terakhir Diperbarui : 2022-05-03

Bab terbaru

  • Deceiving the Heir   Chapter 31

    “Where is my son?” “N-Na sa tinutuluyan kong apartment,” kinakabahang sagot ko. “Tell me the way. I want to see him.” Nang sabihin niya iyon ay nanahimik na lang ako. Akala ko ba ay hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko kanina? Walang mapaglagyan ang kabang nararamdaman ko habang nasa byahe kami patungo sa aking apartment. Kaming dalawa lamang ni Damon ang narito sa sasakyan niya. May isang sasakyan sa unahan at sa likuran namin, ang mga bodyguards niya iyon. Kanina pa siya tahimik at malamig rin ang tungo niya sa akin. Nakaramdam ako ng takot sa mga maaaring mangyari ngunit kinalma ko ang sarili ko. I should focus on this first, I will deal with the consequences later. Pero naisip ko rin na baka kaya siya ganito ngayon ay dahil inaalala niya ang magiging epekto nito sa relasyon nila ni Angelina. Nakakaramdam ako ng guilt dahil baka masira iyon pero tutulungan ko na lang siyang mag-explain. At sasabihin ko ring wala akong balak na panagutin si Damon, lalayo na rin kami ng anak

  • Deceiving the Heir   Chapter 30

    “G-Good morning,” gulat na bati ko kay Daniel. Kalalabas ko lang ng kwarto, nakabihis na ako at paalis na ngunit natigilan lang noong makita si Daniel na nakaupo sa sofa habang kandong ang anak kong nanonood ng cartoons. “Nag-breakfast ka na ba?” tanong ko. Umiling lang siya at pinaupo muna sa sofa si Damien bago siya tumayo. “Ihahatid na kita.” Gusto ko sanang tumanggi ngunit napagtanto ko na bukod sa convenient na ito para sa akin ay maaari ko rin siyang makausap ngayon upang makahingi ng tawad. Matapos magpaalam kay Damien at Guada ay lumabas na kami ni Daniel. Nanatili siyang walang imik kahit na nasa byahe na kami. Nang tuluyan ng huminto ang sasakyan niya sa tapat ng building ay hindi muna ako lumabas upang makausap siya. “Salamat pala sa paghatid sa akin. Sana hindi ako nakakaabala sa mga gagawin mo sa araw na ito,” panimula ko. “Galit ka pa rin ba sa akin dahil sa paglilihim ko? Sorry, pero sana ay maintindihan mo ako.” “I forgive you. Pero ganoon pa rin ang opinyon k

  • Deceiving the Heir   Chapter 29.2

    “I need the report for last year,” sabi ni Damon ng hindi man lang ako tinitingnan. Agad na nalukot ang mukha ko at padarag na ibinagsak sa lamesa niya ang napakabigat at patong-patong na files na pinakuha niya sa akin kanina. “Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina para nasabay ko na. Bababa na naman tuloy ako!” Binalingan niya na ako ngayon. “I forgot. Kunin mo na dahil iyon pala ang kailangan ko, hindi ang mga ito.” Inalis niya na ulit sa akin ang atensyon at nagsimula na namang magtipa. Sana talaga ay mamanhid iyang kamay niya. Nakakainis! Sobrang sama ng tingin ko sa kaniya. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin ay kanina pa siya bumulagta ngayon. Nang mapansin sigurong hindi pa ako tumatalima sa utos niya ay binalingan niya muli ako. “Kilos na, bilis!” Pumalakpak pa siya. Inirapan ko muna siya bago nagmartsa palabas ng kaniyang opisina. Nakasalubong ko si Roi dahil naroon lang siya sa labas ng pinto at nag-aabang yata ng maaaring iutos sa kaniya ni Damon. “May k

  • Deceiving the Heir   Chapter 29.1

    Sobrang naging abala ako nitong mga nakaraang araw ng dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari at hindi ko masyadong napaglalaanan ng oras si Damien. Kaya naman sa araw na ito ay itinuon ko lang sa aking anak ang buo kong atensyon. Namasyal kami sa labas, kumain, at naglaro. Nakukonsensiya ako dahil alam kong kahit gaano pa kaabala ay dapat na naglalaan ako ng oras para sa aking anak kaya naman bumabawi ako ngayon. Madaling-araw noong maalimpungatan ako ng dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Agad ko iyong sinagot upang matigil sa pag-ring dahil bahagyang gumalaw si Damien, naiistorbo ng tunog. “Hello?” Lumabas ako ng kwarto upang hindi magising ang anak. “Pumayag ka na susundin mo ang lahat ng sasabihin ko pero bakit hindi kita ma-contact kahapon? Are you running away from me?” Kumunot ang noo ko. Kagigising ko lang at inaantok pa ng sobra kaya naman hindi pa ganoon kaayos ang pagtakbo ng isipan ko. “Huh? Sino po sila?” Humalakhak ang lalaking nasa kabilang linya. Awtomatikong

  • Deceiving the Heir   Chapter 28

    Agad na akong hinila ni Damon papasok sa kaniyang sasakyan. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay Daniel dahil nang makasakay na rin siya ay pinaharurot niya kaagad ang sasakyan. Halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Hindi rin magandang nagkabuhol-buhol na ang isipan ko dahil sa kabang nararamdaman. Dati ay iniisip ko na madali lang na sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin. Ngunit ngayong narito na ako ay hindi ko magawang makapagsalita. Pinapangunahan ako ng kaba! “Sandali...hindi ito ang sa amin,” saad ko nang huminto na ang sasakyan niya sa harap ng isang matayog na gusali. Sa dami-rami kong iniisip kanina ay hindi ko man lang namalayan na ibang ruta ang tinatahak niya. Ang tanga-tanga naman talaga, Francesca! Nang tumingala ako at tuluyan ng nabasa ang pangalan ng building ay napalunok ako. Kung tama ang pagkakatanda ko ay ito ang building kung nasaan ang penthouse niya! “Labas,” he commanded, nauna na rin

  • Deceiving the Heir   Chapter 27

    “Nag-aalala ako para sa ‘yo pero ngayong sasamahan ka ni Sir Daniel ay mapapanatag na ako.” Lumayo na nang kaonti sa akin si Guada at tiningnan niya ako nang maigi. Tapos na siya sa pag-aayos sa akin. Tinawagan ako ni Sir Arnaldo kanina, he invited me for a dinner this evening. Sinabi niya sa akin na makakasama namin si Ma'am Rowena at si Angelina kaya naman medyo kinakabahan ako. Hindi maganda ang naging pagkikita namin ni Angelina noong nakaraan. Malamang ay galit pa siya sa akin lalo na at nalaman nilang anak ako ni Sir Arnaldo. “Kung ang iba ay nalo-losyang kapag may anak na, ikaw naman ay mas lalo pang gumanda! Sabihin mo nga sa akin kung ano ang sikreto mo, bet ko rin ang ganiyang kagandahan!” Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Guada at pinagmamasdan din ang aking sarili. Nakasuot ako ng white, below the knee fitted dress at black na stilleto. Pormal na dinner kasi iyon kaya ganito ang sinuot ko. “Nasa labas na raw si Sir Daniel,” imporma sa akin ni Guada. Bago ako tulu

  • Deceiving the Heir   Chapter 26

    Halos isang oras yata akong nanatili roon sa parking lot bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na umalis. Sobrang bigat ng dibdib ko habang inaalala ang muling pagkikita namin ni Damon. Inaasahan ko naman na galit siya sa akin ngunit hindi sa ganoong paraan. Mas kakayanin ko pa yata kung sisigawan niya ako o hindi naman kaya ay pagsasalitaan ng masama kaysa naman sa tratuhin niya ako ng ganoon na parang hindi niya ako kilala. "Kumain ka na ba? Gusto mo ay ipaghain kita?” Ramdam ko ang pag-iingat sa boses ni Guadalupe nang makarating ako sa apartment. Nahahalata niya siguro ang nararamdaman ko ngayon pero mas pinili na lang na ’wag ng magtanong tungkol doon. Iling lang ang naisagot ko kay Guada at nagpaalam na papasok na sa kwarto upang magpahinga. Ayaw kong umiyak ngayon gabi ngunit nang makita ko ang payapang mukha ng natutulog kong anak ay hindi ko na napigilan ang sarili kong luha. Tinakpan ko na lamang ang bibig ko at ginawa ang lahat ng aking makakaya upang tahimik na umiyak.

  • Deceiving the Heir   Chapter 25

    ”Nakarating na po kami rito sa Maynila, Nanay.”Agad kong tinawagan si Nanay noong makarating na kami sa pansamantala naming tutuluyan habang narito kami sa Maynila.Noong tumawag ako kay Luisana ay nalaman kong hindi na namamalagi si Damon sa Sorsogon at kasalukuyan itong naninirahan sa Maynila. Hindi alam ni Luisana ang address nito pero nangako siya sa akin na pai-imbestigahan iyon at sasabihin kaagad sa akin kapag nalaman niya.”Kumusta naman ang tutuluyan niyo. Komportable ba kayo riyan? Kumusta ang aking Apo?””Maayos naman po ang tutuluyan namin at malapit din po rito ang apartment na tinutuluyan ni Daniel. Tulog na po si Damien, masyado pong napagod sa byahe.”Sumabay na kami sa pag-alis ni Daniel. Kasama ko ang aking anak at si Guada. Pinaalam ko rin kay Daniel kung ano ang pakay ko rito. Tinulungan niya ako, sa katunayan ay siya ang nag-suggest sa akin nitong tinutuluyan naming apartment nina Guada ngayon.Sinabi rin sa akin ni Daniel na handa siyang tumulong sa akin sa anuma

  • Deceiving the Heir   Chapter 24

    Hindi ako nakatulog kaagad dahil laman pa rin ng isipan ko ang sinabi ni Nanay Isang sa akin. Sa loob ng limang taon ay sinubukan kong kalimutan na ang lahat ng nangyari sa amin ni Damon. Paulit-ulit ko ring pinaniwala ang sarili ko na naka move-on na ako sa kaniya hanggang sa dumating ang araw na iyon na ang pinaniwalaan ng isipan ko. Ngunit paano naman ang aking puso? Naka move-on na rin ba ito o nanatili pa ring si Damon ang itinitibok? Natatakot akong malaman ang sagot lalo na at malakas ang hinala ko na hindi ko magugustuhan ang sagot na makukuha ko mula rito. Napabuntonghininga na lamang ako at niyakap ang natutulog kong anak. Gagawin ko ‘to para kay Damien, para sa kasiyahan niya. Hindi ko na dapat isipin pa ang nararamdaman ko dahil ang pinakamahalaga para sa akin ay ang kasiyahan ng aking anak. “Oh, hi!” nakangiting bati ko kay Daniel noong makita ko siya sa grocery store habang namimili ako. “Hi!” ginantihan niya ang ngiti ko at lumapit na sa akin. Namimili rin siy

DMCA.com Protection Status