author-banner
naiad
naiad
Author

Novels by naiad

Deceiving the Heir

Deceiving the Heir

Growing up poor, Francesca Ynes Gomez really knows the importance of hard work and perseverance. Lumaki siya sa paniniwala na lahat ng minimithi niya sa buhay ay makukuha niya basta’y magsipag lamang siya at magtiyaga. Ngunit binalewala niya ang prinsipyong ito ng tanggapin niya ang alok na magpanggap bilang ibang tao, bilang fiancee ng isang playboy. Upang magawa ang misyong iyon ay kailangan niyang pakisamahan sa iisang bubong si Damon Dela Rue, ang eredero ng isa sa pinakamayamang angkan sa bansa. Ang magarbong mansiyon nito ang magiging entablado niya sa mga pagpapanggap at mga kasinungalingang pikit mata niyang isasagawa. Magtagumpay kaya siya? Sapat na kayang dahilan ang kayabangan at pagiging babaero ni Damon upang maprotektahan niya ang kaniyang puso mula rito? Subalit ano ang gagawin niya kung mahulog siya sa lalaking mapapangasawa ng babaeng pinagpapanggapan mo bilang ikaw? Kaya mo bang isuko ang lahat kahit kapalit naman nito ang kapakanan ng iyong mga mahal sa buhay? Ng dahil sa bunga ng kanilang pagmamahalan ay mapipilitan si Francesca na balikan ang mga taong matagal niya ng binaon sa nakaraan. Sa muli niyang pakikipagsapalaran ay may matutuklasan siyang magdudugtong sa kaniya sa mga taong kaniyang kinamumuhian. Handa na ba ang puso niyang magpatawad at...muling balikan ang lalaking minamahal?
Read
Chapter: Chapter 31
“Where is my son?” “N-Na sa tinutuluyan kong apartment,” kinakabahang sagot ko. “Tell me the way. I want to see him.” Nang sabihin niya iyon ay nanahimik na lang ako. Akala ko ba ay hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko kanina? Walang mapaglagyan ang kabang nararamdaman ko habang nasa byahe kami patungo sa aking apartment. Kaming dalawa lamang ni Damon ang narito sa sasakyan niya. May isang sasakyan sa unahan at sa likuran namin, ang mga bodyguards niya iyon. Kanina pa siya tahimik at malamig rin ang tungo niya sa akin. Nakaramdam ako ng takot sa mga maaaring mangyari ngunit kinalma ko ang sarili ko. I should focus on this first, I will deal with the consequences later. Pero naisip ko rin na baka kaya siya ganito ngayon ay dahil inaalala niya ang magiging epekto nito sa relasyon nila ni Angelina. Nakakaramdam ako ng guilt dahil baka masira iyon pero tutulungan ko na lang siyang mag-explain. At sasabihin ko ring wala akong balak na panagutin si Damon, lalayo na rin kami ng anak
Last Updated: 2022-11-12
Chapter: Chapter 30
“G-Good morning,” gulat na bati ko kay Daniel. Kalalabas ko lang ng kwarto, nakabihis na ako at paalis na ngunit natigilan lang noong makita si Daniel na nakaupo sa sofa habang kandong ang anak kong nanonood ng cartoons. “Nag-breakfast ka na ba?” tanong ko. Umiling lang siya at pinaupo muna sa sofa si Damien bago siya tumayo. “Ihahatid na kita.” Gusto ko sanang tumanggi ngunit napagtanto ko na bukod sa convenient na ito para sa akin ay maaari ko rin siyang makausap ngayon upang makahingi ng tawad. Matapos magpaalam kay Damien at Guada ay lumabas na kami ni Daniel. Nanatili siyang walang imik kahit na nasa byahe na kami. Nang tuluyan ng huminto ang sasakyan niya sa tapat ng building ay hindi muna ako lumabas upang makausap siya. “Salamat pala sa paghatid sa akin. Sana hindi ako nakakaabala sa mga gagawin mo sa araw na ito,” panimula ko. “Galit ka pa rin ba sa akin dahil sa paglilihim ko? Sorry, pero sana ay maintindihan mo ako.” “I forgive you. Pero ganoon pa rin ang opinyon k
Last Updated: 2022-08-09
Chapter: Chapter 29.2
“I need the report for last year,” sabi ni Damon ng hindi man lang ako tinitingnan. Agad na nalukot ang mukha ko at padarag na ibinagsak sa lamesa niya ang napakabigat at patong-patong na files na pinakuha niya sa akin kanina. “Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina para nasabay ko na. Bababa na naman tuloy ako!” Binalingan niya na ako ngayon. “I forgot. Kunin mo na dahil iyon pala ang kailangan ko, hindi ang mga ito.” Inalis niya na ulit sa akin ang atensyon at nagsimula na namang magtipa. Sana talaga ay mamanhid iyang kamay niya. Nakakainis! Sobrang sama ng tingin ko sa kaniya. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin ay kanina pa siya bumulagta ngayon. Nang mapansin sigurong hindi pa ako tumatalima sa utos niya ay binalingan niya muli ako. “Kilos na, bilis!” Pumalakpak pa siya. Inirapan ko muna siya bago nagmartsa palabas ng kaniyang opisina. Nakasalubong ko si Roi dahil naroon lang siya sa labas ng pinto at nag-aabang yata ng maaaring iutos sa kaniya ni Damon. “May k
Last Updated: 2022-08-05
Chapter: Chapter 29.1
Sobrang naging abala ako nitong mga nakaraang araw ng dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari at hindi ko masyadong napaglalaanan ng oras si Damien. Kaya naman sa araw na ito ay itinuon ko lang sa aking anak ang buo kong atensyon. Namasyal kami sa labas, kumain, at naglaro. Nakukonsensiya ako dahil alam kong kahit gaano pa kaabala ay dapat na naglalaan ako ng oras para sa aking anak kaya naman bumabawi ako ngayon. Madaling-araw noong maalimpungatan ako ng dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Agad ko iyong sinagot upang matigil sa pag-ring dahil bahagyang gumalaw si Damien, naiistorbo ng tunog. “Hello?” Lumabas ako ng kwarto upang hindi magising ang anak. “Pumayag ka na susundin mo ang lahat ng sasabihin ko pero bakit hindi kita ma-contact kahapon? Are you running away from me?” Kumunot ang noo ko. Kagigising ko lang at inaantok pa ng sobra kaya naman hindi pa ganoon kaayos ang pagtakbo ng isipan ko. “Huh? Sino po sila?” Humalakhak ang lalaking nasa kabilang linya. Awtomatikong
Last Updated: 2022-08-04
Chapter: Chapter 28
Agad na akong hinila ni Damon papasok sa kaniyang sasakyan. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay Daniel dahil nang makasakay na rin siya ay pinaharurot niya kaagad ang sasakyan. Halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Hindi rin magandang nagkabuhol-buhol na ang isipan ko dahil sa kabang nararamdaman. Dati ay iniisip ko na madali lang na sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin. Ngunit ngayong narito na ako ay hindi ko magawang makapagsalita. Pinapangunahan ako ng kaba! “Sandali...hindi ito ang sa amin,” saad ko nang huminto na ang sasakyan niya sa harap ng isang matayog na gusali. Sa dami-rami kong iniisip kanina ay hindi ko man lang namalayan na ibang ruta ang tinatahak niya. Ang tanga-tanga naman talaga, Francesca! Nang tumingala ako at tuluyan ng nabasa ang pangalan ng building ay napalunok ako. Kung tama ang pagkakatanda ko ay ito ang building kung nasaan ang penthouse niya! “Labas,” he commanded, nauna na rin
Last Updated: 2022-08-02
Chapter: Chapter 27
“Nag-aalala ako para sa ‘yo pero ngayong sasamahan ka ni Sir Daniel ay mapapanatag na ako.” Lumayo na nang kaonti sa akin si Guada at tiningnan niya ako nang maigi. Tapos na siya sa pag-aayos sa akin. Tinawagan ako ni Sir Arnaldo kanina, he invited me for a dinner this evening. Sinabi niya sa akin na makakasama namin si Ma'am Rowena at si Angelina kaya naman medyo kinakabahan ako. Hindi maganda ang naging pagkikita namin ni Angelina noong nakaraan. Malamang ay galit pa siya sa akin lalo na at nalaman nilang anak ako ni Sir Arnaldo. “Kung ang iba ay nalo-losyang kapag may anak na, ikaw naman ay mas lalo pang gumanda! Sabihin mo nga sa akin kung ano ang sikreto mo, bet ko rin ang ganiyang kagandahan!” Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Guada at pinagmamasdan din ang aking sarili. Nakasuot ako ng white, below the knee fitted dress at black na stilleto. Pormal na dinner kasi iyon kaya ganito ang sinuot ko. “Nasa labas na raw si Sir Daniel,” imporma sa akin ni Guada. Bago ako tulu
Last Updated: 2022-08-01
You may also like
Destined to Forever
Destined to Forever
Romance · Amira
4.0K views
My Secret Romance
My Secret Romance
Romance · GreenCoated
4.0K views
Caged By The Mafia Boss
Caged By The Mafia Boss
Romance · Black_Angel20
4.0K views
Stephanie, the Mafia Queen
Stephanie, the Mafia Queen
Romance · Precious Jasmin
4.0K views
He, Who Can't Feel Pain
He, Who Can't Feel Pain
Romance · itsssMorpheus
4.0K views
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status