“Tapos na!” Iminulat ko ang aking mga mata nang sabihin iyon ni Guada. Agad na bumungad sa paningin ko ang repleksiyon ng aking mukha mula sa salamin. “Kahit anong ayos ang gawin sa ‘yo ay ang ganda-ganda mo pa rin!” papuri ni Guadalupe. Hindi ko nga lang alam kong nagsasabi ba siya ng totoo o sinabi niya lang iyon dahil siya ang nag-ayos sa akin ngayon. Pero hindi ko maipagkakaila. Magaling siyang mag-make up at mag-ayos ng buhok, maganda rin ang taste ni Guada sa mga damit kaya siya ang madalas na namimili ng mga isinusuot ko rito. Tumayo ako at pinagmasdan sa salamin ang aking kabuohan. Kinulot ng kaonti ni Guada ang buhok ko kaya naman mistula iyong umaalon, may kung ano rin siyang inilagay rito kanina kaya pansin ko ang pagkintab nito. Hindi naman makapal ang make-up ko ngayon, ayaw ko rin kasi ng ganoon at ayon naman kay Guada ay mas bagay talaga sa akin ang natural look dahil may natural contour na raw ang mukha ko at natural ding mapupula ang labi. Nang pasadahan ko ng
“Hindi ka ba bababa?” takhang tanong sa akin ni Guada. Binalingan ko siya saglit at umiling bago muling ibinalik ang atensyon sa pag-aayos ng damit sa closet. Nagpatay-malisya ako pero ramdam na ramdam kong nakatitig pa rin sa akin si Guadalupe at maaaring nagtatataka sa mga ikinikilos ko. “Magtapat ka nga. Bakit pakiramdam ko ay iniiwasan mo si Sir Damon?” pagdududa niya. “Hindi ko siya iniiwasan ah!” Lumapit sa akin si Guada, nakataas ang isang kilay, “Talaga? Bakit noong breakfast ay nagkunwari ka pang tulog noong sabihin kong hinihintay ka niya? Noong lunch naman ay hindi mo sinasagot ang tawag niya? Noong meryenda ay hindi ka rin bumaba at nagkunwari kang antok at pagod kahit halos wala ka namang ginawa buong maghapon. At ngayon namang dinner ay ayaw mong bumaba dahil…abala ka sa pagtutupi ng mga damit kahit gabi na?” Napanguso ako. Kilalang-kilala na ako ni Guada kaya alam kong wala ng silbi para magsinungaling ako sa kaniya, pero mas lalo namang hindi ko kayang sabihin sa
“Did I disturb your sleep?” tanong sa akin ni Damon matapos niyang maibaba ang tawag at makitang gising na ako. Umiling lang ako sapagkat hindi ko pa rin kayang makapagsalita dahil sa kabang nararamdaman. Tumawag si Nanay Isang at si Damon ang nakasagot! Mabuti na lang talaga at inalis ko na muna pansamantala ang pangalan ni Nanay sa contacts ko dahil iniisip ko rin ang ganitong sitwasyon pero hindi ko naman inaasahan na mangyayari ngang talaga ‘to! “Someone called so I answered it because you were sleeping. I thought it was important, mukhang wrong number lang pala,” Inilapag niya na sa bedside table ang cellphone ko. “Masakit pa ba ang puson mo?” Umiling ulit ako sa tanong niya. “It’s glad to know that but you should rest more. May gusto ka bang kainin? Ipagluluto kita.” Hindi naman ako nagugutom pero nagpaluto ako kay Damon ng sopas. Nang makalabas na siya sa kwarto ay kinuha ko ang cellphone para matawagan kaagad si Nanay Isang. Nagsinungaling ako sa kaniya, sinabi ko lang na
Paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili ko. Hindi dapat ako nagpapaapekto sa kung anuman ang mga sasabihin ni Damon. Kung anuman ang mararamdaman niya. Kung mahulog man siya sa akin ay hindi ko na kasalanan ‘yon. Wala na dapat akong pakialam kasi nandito lang naman ako para kumita ng pera. Pero kahit ilang ulit na pagpapaalala pa ang ginagawa ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko. Kahit ilang ulit kong balewalain ay hindi ko magawa kasi ang totoo ay mayroon akong pakialam sa nararamdaman ni Damon. May pakialam ako kasi sa palagay ko ay nagugustuhan ko na rin siya… “What is making you upset?” nagising ako mula sa malalim na pag-iisip ng dahil sa malamabing na boses ni Damon. “Hindi naman. May iniisip lang,” sagot ko sa kaniya at umiwas ng tingin. We are here in the library slash his office. Aniya ay kaonting trabaho lang naman daw ang gagawin niya kaya rito niya na lang iyon sa mansiyon gagawin. Hindi ko nga alam kung bakit kailangang nandito pa ako habang nagtatra
Labis ang pasasalamat ko at naagapan agad ng mga doktor ang kalagayan ni Tatay. Pero hindi pa rin ako napapanatag dahil kung anuman ang ginawa ng mga doktor ay pansamantala lamang iyon, kailangan na talagang maoperahan ni Tatay sa lalong madaling panahon. Nakausap ko nga siya noong nakaraang araw. Sobra-sobra talaga ang pagpipigil ko ng hikbi habang kausap si Tatay Isko sa cellphone. Bukod sa sobrang nag-alala ako sa kaniya ay doon ko lang din napagtanto kung gaano ko siya nami-miss, silang dalawa ni Nanay Isang. Dumagdag ang gastusin sa ospital dahil may mga bagong gamot na kailangang inumin si Tatay. Naisangla na rin ni Nanay Isang ang lupa ng dahil doon ngunit hindi pa namin iyon ipinapaalam kay Tatay Isko dahil alam naming malulungkot siya at hindi iyon makabubuti sa estado ng puso niya. Kakausapin ko rin si Angelina kapag nakahanap ako ng tiyempo, papakiusapan ko siya na kung pwede ay makuha ko na ang kalahati ng napag-usapan naming pera para maipa-opera ko na si Tatay. Sana
Ilang araw ko ng sinusubukang kausapin si Angelina ngunit hindi siya nagri-reply sa mga text ko at hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko. Nagtataka ako dahil hindi naman siya ganito noon. Nag-alala na rin ako kasi hindi niya na rin ako tinatawagan kagaya ng madalas na ginagawa niya. Sana naman ay walang nangyari sa kaniya. Hindi ko pa naman alam kung may kasama ba iyon ngayon. Ngayong umaga ay sinubukan ko ulit na tawagan si Angelina ngunit kagaya ng mga naunang subok ko ay hindi niya iyon sinasagot. Napabuntong-hininga na lamang ako at pinagkatitigan ng ilang sandali ang cellphone ko bago napagpasiyahang magtipa ng mensahe sa kaniya kahit na hindi naman niya iyon niri-replyan. Kailangang-kailangan ko talaga kasing makausap si Angelina. Makikiusap ako sa kaniya na kung maaari ay makuha ko na kahit man lang ang kalahati muna sa ibabayad niya para naman maipa-opera ko na si Tatay Isko sa lalong madaling panahon. “Nandito na ang mga designer,” imporma sa akin ni Guada pagsapit ng
Wala ako sa sarili buong oras ng party. Kahit pa noong ipakilala ako ni Damon sa kaniyang mga kakilala ay tanging isang tipid na ngiti lang ang naigaganti ko. Naging balisa rin ako dahil pakiramdam ko ay nasa malapit lang si Luisana, pinagmamasdan ako, at pakiramdam ko ay anumang oras ay pupunta siya sa lamesa namin para sabihin kay Damon ang lahat ng nalalaman niya. Natatakot ako. Natatakot ako ng sobra. Naiisip ko pa lang na magagalit sa akin si Damon ay para ng sinasaksak ang puso ko sa sakit. Pero, kahit na anuman ang gawin ko ay doon pa rin naman mauuwi iyon, ‘di ba? Malalaman at malalaman niya rin naman iyon, it is just a matter of time. “Hindi ka pa ba bababa? Hindi ka kumain ng agahan at kaonti lang ang kinain mo kaninang tanghalian. Hinihintay ka na ni Sir Damon sa baba,” nag-aalala ang boses ni Guada noong muli niya akong pasukin sa kwarto. Hindi ako gumalaw sa pagkakaupo sa kama. Tulala lang ako habang iniisip ang mga posibleng mangyari. Hindi na ako mapakali ng dahil s
Nagising ako na parang nag-marathon ng dahil sa sakit ng katawan. Nanatili akong nakapikit at napa-daing noong maramdaman ang sakit sa gitna ng mga hita ko.Agad kong naimulat ang aking mga mata nang bumalik sa aking alaala ang nangyari kagabi. Tila isa ‘yong tubig at umagos ng malaya ngayong nagising na ako mula sa mahimbing na pagkakatulog ng dahil sa pagod.Nakagat ko ang aking labi at sumilip sa ilalim ng kumot. Suot ko na ngayon ang panty ko, mabuti naman at naisuot ko pa ‘yon…o si Damon pa ‘ata ang nagsuot sa akin nito kagabi, matapos naming gawin ‘yon! Wala na akong lakas noong matapos kami kaya imposible na ako ang nagsuot nito sa sarili ko.Nasa gitna pa ako ng pagbabalik-tanaw sa mga nangyari kagabi at pag-iisip kung paano ko ba mahaharap si Damon ng hindi ako nahihiya noong maramdaman kong gumalaw ang katabi ko. Hinila niya ako para mayakap, ipinatong niya rin ang isa niyang binti sa mga binti ko.“Hmm, good morning,” naramdaman ko ang pagtama ng hininga niya sa pisngi ko,
“Where is my son?” “N-Na sa tinutuluyan kong apartment,” kinakabahang sagot ko. “Tell me the way. I want to see him.” Nang sabihin niya iyon ay nanahimik na lang ako. Akala ko ba ay hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko kanina? Walang mapaglagyan ang kabang nararamdaman ko habang nasa byahe kami patungo sa aking apartment. Kaming dalawa lamang ni Damon ang narito sa sasakyan niya. May isang sasakyan sa unahan at sa likuran namin, ang mga bodyguards niya iyon. Kanina pa siya tahimik at malamig rin ang tungo niya sa akin. Nakaramdam ako ng takot sa mga maaaring mangyari ngunit kinalma ko ang sarili ko. I should focus on this first, I will deal with the consequences later. Pero naisip ko rin na baka kaya siya ganito ngayon ay dahil inaalala niya ang magiging epekto nito sa relasyon nila ni Angelina. Nakakaramdam ako ng guilt dahil baka masira iyon pero tutulungan ko na lang siyang mag-explain. At sasabihin ko ring wala akong balak na panagutin si Damon, lalayo na rin kami ng anak
“G-Good morning,” gulat na bati ko kay Daniel. Kalalabas ko lang ng kwarto, nakabihis na ako at paalis na ngunit natigilan lang noong makita si Daniel na nakaupo sa sofa habang kandong ang anak kong nanonood ng cartoons. “Nag-breakfast ka na ba?” tanong ko. Umiling lang siya at pinaupo muna sa sofa si Damien bago siya tumayo. “Ihahatid na kita.” Gusto ko sanang tumanggi ngunit napagtanto ko na bukod sa convenient na ito para sa akin ay maaari ko rin siyang makausap ngayon upang makahingi ng tawad. Matapos magpaalam kay Damien at Guada ay lumabas na kami ni Daniel. Nanatili siyang walang imik kahit na nasa byahe na kami. Nang tuluyan ng huminto ang sasakyan niya sa tapat ng building ay hindi muna ako lumabas upang makausap siya. “Salamat pala sa paghatid sa akin. Sana hindi ako nakakaabala sa mga gagawin mo sa araw na ito,” panimula ko. “Galit ka pa rin ba sa akin dahil sa paglilihim ko? Sorry, pero sana ay maintindihan mo ako.” “I forgive you. Pero ganoon pa rin ang opinyon k
“I need the report for last year,” sabi ni Damon ng hindi man lang ako tinitingnan. Agad na nalukot ang mukha ko at padarag na ibinagsak sa lamesa niya ang napakabigat at patong-patong na files na pinakuha niya sa akin kanina. “Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina para nasabay ko na. Bababa na naman tuloy ako!” Binalingan niya na ako ngayon. “I forgot. Kunin mo na dahil iyon pala ang kailangan ko, hindi ang mga ito.” Inalis niya na ulit sa akin ang atensyon at nagsimula na namang magtipa. Sana talaga ay mamanhid iyang kamay niya. Nakakainis! Sobrang sama ng tingin ko sa kaniya. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin ay kanina pa siya bumulagta ngayon. Nang mapansin sigurong hindi pa ako tumatalima sa utos niya ay binalingan niya muli ako. “Kilos na, bilis!” Pumalakpak pa siya. Inirapan ko muna siya bago nagmartsa palabas ng kaniyang opisina. Nakasalubong ko si Roi dahil naroon lang siya sa labas ng pinto at nag-aabang yata ng maaaring iutos sa kaniya ni Damon. “May k
Sobrang naging abala ako nitong mga nakaraang araw ng dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari at hindi ko masyadong napaglalaanan ng oras si Damien. Kaya naman sa araw na ito ay itinuon ko lang sa aking anak ang buo kong atensyon. Namasyal kami sa labas, kumain, at naglaro. Nakukonsensiya ako dahil alam kong kahit gaano pa kaabala ay dapat na naglalaan ako ng oras para sa aking anak kaya naman bumabawi ako ngayon. Madaling-araw noong maalimpungatan ako ng dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Agad ko iyong sinagot upang matigil sa pag-ring dahil bahagyang gumalaw si Damien, naiistorbo ng tunog. “Hello?” Lumabas ako ng kwarto upang hindi magising ang anak. “Pumayag ka na susundin mo ang lahat ng sasabihin ko pero bakit hindi kita ma-contact kahapon? Are you running away from me?” Kumunot ang noo ko. Kagigising ko lang at inaantok pa ng sobra kaya naman hindi pa ganoon kaayos ang pagtakbo ng isipan ko. “Huh? Sino po sila?” Humalakhak ang lalaking nasa kabilang linya. Awtomatikong
Agad na akong hinila ni Damon papasok sa kaniyang sasakyan. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay Daniel dahil nang makasakay na rin siya ay pinaharurot niya kaagad ang sasakyan. Halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Hindi rin magandang nagkabuhol-buhol na ang isipan ko dahil sa kabang nararamdaman. Dati ay iniisip ko na madali lang na sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin. Ngunit ngayong narito na ako ay hindi ko magawang makapagsalita. Pinapangunahan ako ng kaba! “Sandali...hindi ito ang sa amin,” saad ko nang huminto na ang sasakyan niya sa harap ng isang matayog na gusali. Sa dami-rami kong iniisip kanina ay hindi ko man lang namalayan na ibang ruta ang tinatahak niya. Ang tanga-tanga naman talaga, Francesca! Nang tumingala ako at tuluyan ng nabasa ang pangalan ng building ay napalunok ako. Kung tama ang pagkakatanda ko ay ito ang building kung nasaan ang penthouse niya! “Labas,” he commanded, nauna na rin
“Nag-aalala ako para sa ‘yo pero ngayong sasamahan ka ni Sir Daniel ay mapapanatag na ako.” Lumayo na nang kaonti sa akin si Guada at tiningnan niya ako nang maigi. Tapos na siya sa pag-aayos sa akin. Tinawagan ako ni Sir Arnaldo kanina, he invited me for a dinner this evening. Sinabi niya sa akin na makakasama namin si Ma'am Rowena at si Angelina kaya naman medyo kinakabahan ako. Hindi maganda ang naging pagkikita namin ni Angelina noong nakaraan. Malamang ay galit pa siya sa akin lalo na at nalaman nilang anak ako ni Sir Arnaldo. “Kung ang iba ay nalo-losyang kapag may anak na, ikaw naman ay mas lalo pang gumanda! Sabihin mo nga sa akin kung ano ang sikreto mo, bet ko rin ang ganiyang kagandahan!” Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Guada at pinagmamasdan din ang aking sarili. Nakasuot ako ng white, below the knee fitted dress at black na stilleto. Pormal na dinner kasi iyon kaya ganito ang sinuot ko. “Nasa labas na raw si Sir Daniel,” imporma sa akin ni Guada. Bago ako tulu
Halos isang oras yata akong nanatili roon sa parking lot bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na umalis. Sobrang bigat ng dibdib ko habang inaalala ang muling pagkikita namin ni Damon. Inaasahan ko naman na galit siya sa akin ngunit hindi sa ganoong paraan. Mas kakayanin ko pa yata kung sisigawan niya ako o hindi naman kaya ay pagsasalitaan ng masama kaysa naman sa tratuhin niya ako ng ganoon na parang hindi niya ako kilala. "Kumain ka na ba? Gusto mo ay ipaghain kita?” Ramdam ko ang pag-iingat sa boses ni Guadalupe nang makarating ako sa apartment. Nahahalata niya siguro ang nararamdaman ko ngayon pero mas pinili na lang na ’wag ng magtanong tungkol doon. Iling lang ang naisagot ko kay Guada at nagpaalam na papasok na sa kwarto upang magpahinga. Ayaw kong umiyak ngayon gabi ngunit nang makita ko ang payapang mukha ng natutulog kong anak ay hindi ko na napigilan ang sarili kong luha. Tinakpan ko na lamang ang bibig ko at ginawa ang lahat ng aking makakaya upang tahimik na umiyak.
”Nakarating na po kami rito sa Maynila, Nanay.”Agad kong tinawagan si Nanay noong makarating na kami sa pansamantala naming tutuluyan habang narito kami sa Maynila.Noong tumawag ako kay Luisana ay nalaman kong hindi na namamalagi si Damon sa Sorsogon at kasalukuyan itong naninirahan sa Maynila. Hindi alam ni Luisana ang address nito pero nangako siya sa akin na pai-imbestigahan iyon at sasabihin kaagad sa akin kapag nalaman niya.”Kumusta naman ang tutuluyan niyo. Komportable ba kayo riyan? Kumusta ang aking Apo?””Maayos naman po ang tutuluyan namin at malapit din po rito ang apartment na tinutuluyan ni Daniel. Tulog na po si Damien, masyado pong napagod sa byahe.”Sumabay na kami sa pag-alis ni Daniel. Kasama ko ang aking anak at si Guada. Pinaalam ko rin kay Daniel kung ano ang pakay ko rito. Tinulungan niya ako, sa katunayan ay siya ang nag-suggest sa akin nitong tinutuluyan naming apartment nina Guada ngayon.Sinabi rin sa akin ni Daniel na handa siyang tumulong sa akin sa anuma
Hindi ako nakatulog kaagad dahil laman pa rin ng isipan ko ang sinabi ni Nanay Isang sa akin. Sa loob ng limang taon ay sinubukan kong kalimutan na ang lahat ng nangyari sa amin ni Damon. Paulit-ulit ko ring pinaniwala ang sarili ko na naka move-on na ako sa kaniya hanggang sa dumating ang araw na iyon na ang pinaniwalaan ng isipan ko. Ngunit paano naman ang aking puso? Naka move-on na rin ba ito o nanatili pa ring si Damon ang itinitibok? Natatakot akong malaman ang sagot lalo na at malakas ang hinala ko na hindi ko magugustuhan ang sagot na makukuha ko mula rito. Napabuntonghininga na lamang ako at niyakap ang natutulog kong anak. Gagawin ko ‘to para kay Damien, para sa kasiyahan niya. Hindi ko na dapat isipin pa ang nararamdaman ko dahil ang pinakamahalaga para sa akin ay ang kasiyahan ng aking anak. “Oh, hi!” nakangiting bati ko kay Daniel noong makita ko siya sa grocery store habang namimili ako. “Hi!” ginantihan niya ang ngiti ko at lumapit na sa akin. Namimili rin siy