Hindi pa man nagtatagal ngunit ang sinabing iyon ni Angelina ang naging hudyat upang tuluyan na akong magising sa aking pangangarap. Hindi ko alam kung papaano ko naitawid ang pakikipag-usap ko sa kaniya sa gabing ‘yon ng hindi ipinapakitang nasasaktan ako sa naging desisyon niya. Tahimik lang akong nakinig sa mga sinabi niya, kahit sa parte kung saan sinabi niya sa akin na ibibigay niya ang pera kapag nakarating na siya rito ay hindi ako nabuhayan. Halos hindi ako makatulog ng gabing iyon. Hindi ko inaasahan ang magiging desisyon ni Angelina. Ang buong akala ko ay hindi siya magpapakasal kay Damon. Pero sino ba ako para makialam sa magiging desisyon niya kung sa una pa lang ay sila naman talaga dapat ni Damon. Wala naman talaga dapat ako rito kung hindi lang ako binayaran para magpanggap. “This looks magnificent on you, I am sure of that!” wika ni Mrs. Dela Rue noong makapili ako ng gusto kong wedding gown. “But, hija, I think…it is so simple and the price is cheap.” Sinasabi ko
“Nagsisimula na akong mag-empake ng gamit ko. Pwede ko na ring e-empake ang gamit mo kung gusto mo,” offer ni Guadalupe.Sandali akong nag-isip sa offer ni Guada ngunit kalaunan ay tumango na lang. “Uhm, sasama ka ba sa pag-alis ko?” Nag-aalangang tanong ko sa kaniya. Amo niya si Angelina, at pupunta iyon dito kaya hindi pa tapos ang trabaho niya. Maliban na lang kung… “Aba, syempre naman! May ipon naman na ako. Ang tagal-tagal ko ng nagtitiis sa ugali ng babaeng ‘yon, tatanda talaga ako ng maaga kung patuloy akong maglilingkod sa kaniya!” sagot sa akin ni Guada. Kinaumagahan ay dumating na nga ang karagdagang wedding organizers na ipinadala ni Ma’am Rowena kaya mas lalong napabilis ang proseso ng mga kailangang gawin. Walang sinabing exact date si Angelina kung kailan siya darating pero sinabi niya na next week daw kaya malapit na iyon. Kinakabahan talaga ako at nakararamdam ng sobrang takot sa mga puwedeng mangyari. Sa ngayon ay pinanghahawakan ko na lang ang sinabi niyang hin
Lahat sila ay nakatingin na sa akin ngayon. Hindi pa man naipapaliwanag ang kabuohan ay alam ko ng mayroon na silang ideya sa kung ano ang nangyayari dahil nababasa ko ang panghuhusga at galit sa kanilang mga mukha. “This girl is a fraud! She is not my daughter. Isa siyang trabahante sa aming mansiyon at nagpanggap siyang si Angelina para sa pera,” Tiningnan ni Ma’am Rowena ang lahat habang sinasabi ‘yon, “Hindi pa siya nakuntento sa pagiging kabit ng asawa ko!” “Hindi po ganoon, Ma’am—“ “Shut up!” napapikit ako ng putulin ni Mrs. Dela Rue, “How did this happen, Rowena? This is a disgrace to our family! Alam na ng lahat na engage ang anak ko sa babaeng ‘to, at malapit na ring ikasal. Pero ngayon malalaman namin na nagpapanggap lamang pala ang walanghiyang ‘to!” Patuloy ako sa pag-iyak ngunit ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang pigilan ang paghikbi sa takot na baka mas ikagalit nila iyon. Na ako na nga ang may kasalanan pero ako pa ang umiiyak ngayon. Ayokong isipin nila
“Sa tingin ko ay dito na tayo maghihiwalay. Alam kong dahil sa mga ginawa ko noon ay hindi mo ako pinagkakatiwalaan, but if you need my help, feel free to call me,” saad ni Luisana at ibinigay sa akin ang contact number niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin ang dahilan ng pagtulong niya sa amin ni Guada. Pero gayunpaman ay ipinagpapasalamat ko pa rin iyon. Ng dahil kay Luisana ay mas napadali ang pag-alis namin doon. Hinatid niya kami patungo rito sa airport at gumawa rin siya ng paraan upang makakuha ng ticket para sa flight ngayong gabi mismo. “Luisana, hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin ang rason kung bakit mo kami tinutulungan. Pero gusto kong magpasalamat sa iyo dahil talagang malaking tulong para sa amin ni Guadalupe ang ginawa mo. Maraming-maraming salamat,” sinserong saad ko. Napabuntonghininga siya, “I told you the reason already. I may hate you but the man that I love loves you. Because of that I am willing to help you in any way that I can.”
“Sir, pakiusap po! Pakawalan niyo na po ako, wala po akong kasalanan. Maawa naman po kayo sa akin!” pakiusap ko.Ramdam ko na ang pananakit ng lalamunan ko kasisigaw. Kanina pa ako nakikiusap sa kanila at kinakalampag ang rehas ngunit parang wala silang naririnig. Ni hindi man lang nila binabalingan ang direksiyon ko.Magta-tatlumpong minuto na ‘ata noong dumating kami rito sa presinto at agad nila akong ipinasok rito sa selda matapos tanggalin ang pagkakaposas ng kamay ko.“Palabasin niyo na po ako rito, wala po akong kasalanan! Sir! Palabasin niyo na po ako…” muli kong kinalampag ang rehas.Nabuhayan ako ng loob noong balingan ako ng isang pulis na naroon sa malapit. Ngunit agad din namang nawala ang pakiramdam na iyon noong makita ko ang iritasyon sa kaniyang mukha. Mabilis niyang kinuha ang b****a na nakapatong sa lamesa at naglakad papalapit sa akin.Napaatras ako sa gulat at takot noong hampasin niya ang parte ng rehas kung saan ako nakahawak. Sobang lakas ng pagkakahampas niya d
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si Tatay Isko. Ilang beses akong nanalangin na sana ay masamang panaginip lang iyon ngunit bawat paggising ko ay naroon pa rin ang sakit ng dahil sa katotohanang wala na talaga ang Tatay ko.Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Pakiramdam ko ay may kasalanan at pagkukulang ako. Kung sana ay mas pinag-igihan ko na lang ang paghahanap ng pera at hindi na tinanggap pa ang offer ni Angelina ay baka napa-opera ko siya. Buhay sana ngayon si Tatay Isko.Iyong ang isiping naglalaro sa isipan ko buong gabi kaya naman nanatiling mabigat ang aking dibdib nang sumapit ang umaga.”Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa akin ng isa sa mga kasama kong preso.Mabilis niya akong inalalayan noong muntikan na akong matumba.Tipid lang akong tumango sa kaniya at nagpasalamat. Matapos ’yon ay nilampasan ko na siya upang makabalik sa pwesto koNoong magising ay nakaramdam ako ng pagkahilo at sinundan agad ’yong ng pagsusuka. Bagaman tapos na
Akala ko ay tanggap ko na pero noong makita ko na mismo si Tatay Isko na naroon sa loob ng kabaong ay halos mawalan ako ng ulirat. Ilang araw akong hindi nakaiyak ng dahil sa sobrang sakit pero ngayon ay may luha na ulit na tumutulo mula sa aking mga mata, pero sobra-sobra pa rin ang sakit na nararamdaman ko. “Nandito na po ako, ‘Tay…” bulong ko habang nakayakap sa kabaong niya. Ang sakit-sakit. Higit isang taon ko siyang hindi nakita tapos ganito ang madadatnan ko. Ni hindi ko pa nabibigyan nang maayos na buhay si Tatay, ni hindi ko pa nababayaran ang lahat-lahat ng sakripisyong ginawa niya para sa akin kahit na hindi niya naman talaga ako totoong anak. Habang humahagulgol ay naramdaman ko ang paghagod ni Nanay Isang sa likod ko kaya naman agad ko siyang hinarap. Kitang-kita ko ang pagod sa namumugto niyang mga mata. Agad kong niyakap si Nanay Isang. “Tahan na, Anak. Hindi ba ay ayaw ng Tatay Isko mong nakikitang umiiyak ang prinsesa niya. Sige ka, malulungkot ‘yon.” Pag-aalo sa
5 Years Later… “Mama, gising na po! Baka ma-late na po tayo sa iskul.” Naramdaman ko ang marahang pagyugyog ng balikat ko at maya-maya pa’y ang pagdampi ng halik sa magkabila kong pisngi. Agad akong napangiti at idinilat ang aking mga mata. Nang makita ko ang magkasalubong na kilay ng aking anak ay hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahalakhak. Ang cute-cute niya talaga! Ang sarap kurutin ng pisngi! “Good morning! Ang aga namang magising ng baby ko na ‘yan. Mas nauna pang manggising kaysa sa alarm clock ni Mama,” Bumangon na ako at niyakap siya nang mahigpit. “Kanina pa po nag-ring ‘yong alarm clock niyo, hindi naman po kayo nagising. Ako po ang nagising kaya ako na lang ang gumising sa ‘yo, Mama,” sagot niya sa akin at muli akong hinalikan sa pisngi. Matapos ang ilang minutong harutan ay tumayo na ako at sinimulang tupiin ang kumot. Tumulong naman sa akin ang aking anak sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga unan. Ganito ang karaniwang simula ng araw ko. My son is a light sle
“Where is my son?” “N-Na sa tinutuluyan kong apartment,” kinakabahang sagot ko. “Tell me the way. I want to see him.” Nang sabihin niya iyon ay nanahimik na lang ako. Akala ko ba ay hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko kanina? Walang mapaglagyan ang kabang nararamdaman ko habang nasa byahe kami patungo sa aking apartment. Kaming dalawa lamang ni Damon ang narito sa sasakyan niya. May isang sasakyan sa unahan at sa likuran namin, ang mga bodyguards niya iyon. Kanina pa siya tahimik at malamig rin ang tungo niya sa akin. Nakaramdam ako ng takot sa mga maaaring mangyari ngunit kinalma ko ang sarili ko. I should focus on this first, I will deal with the consequences later. Pero naisip ko rin na baka kaya siya ganito ngayon ay dahil inaalala niya ang magiging epekto nito sa relasyon nila ni Angelina. Nakakaramdam ako ng guilt dahil baka masira iyon pero tutulungan ko na lang siyang mag-explain. At sasabihin ko ring wala akong balak na panagutin si Damon, lalayo na rin kami ng anak
“G-Good morning,” gulat na bati ko kay Daniel. Kalalabas ko lang ng kwarto, nakabihis na ako at paalis na ngunit natigilan lang noong makita si Daniel na nakaupo sa sofa habang kandong ang anak kong nanonood ng cartoons. “Nag-breakfast ka na ba?” tanong ko. Umiling lang siya at pinaupo muna sa sofa si Damien bago siya tumayo. “Ihahatid na kita.” Gusto ko sanang tumanggi ngunit napagtanto ko na bukod sa convenient na ito para sa akin ay maaari ko rin siyang makausap ngayon upang makahingi ng tawad. Matapos magpaalam kay Damien at Guada ay lumabas na kami ni Daniel. Nanatili siyang walang imik kahit na nasa byahe na kami. Nang tuluyan ng huminto ang sasakyan niya sa tapat ng building ay hindi muna ako lumabas upang makausap siya. “Salamat pala sa paghatid sa akin. Sana hindi ako nakakaabala sa mga gagawin mo sa araw na ito,” panimula ko. “Galit ka pa rin ba sa akin dahil sa paglilihim ko? Sorry, pero sana ay maintindihan mo ako.” “I forgive you. Pero ganoon pa rin ang opinyon k
“I need the report for last year,” sabi ni Damon ng hindi man lang ako tinitingnan. Agad na nalukot ang mukha ko at padarag na ibinagsak sa lamesa niya ang napakabigat at patong-patong na files na pinakuha niya sa akin kanina. “Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina para nasabay ko na. Bababa na naman tuloy ako!” Binalingan niya na ako ngayon. “I forgot. Kunin mo na dahil iyon pala ang kailangan ko, hindi ang mga ito.” Inalis niya na ulit sa akin ang atensyon at nagsimula na namang magtipa. Sana talaga ay mamanhid iyang kamay niya. Nakakainis! Sobrang sama ng tingin ko sa kaniya. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin ay kanina pa siya bumulagta ngayon. Nang mapansin sigurong hindi pa ako tumatalima sa utos niya ay binalingan niya muli ako. “Kilos na, bilis!” Pumalakpak pa siya. Inirapan ko muna siya bago nagmartsa palabas ng kaniyang opisina. Nakasalubong ko si Roi dahil naroon lang siya sa labas ng pinto at nag-aabang yata ng maaaring iutos sa kaniya ni Damon. “May k
Sobrang naging abala ako nitong mga nakaraang araw ng dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari at hindi ko masyadong napaglalaanan ng oras si Damien. Kaya naman sa araw na ito ay itinuon ko lang sa aking anak ang buo kong atensyon. Namasyal kami sa labas, kumain, at naglaro. Nakukonsensiya ako dahil alam kong kahit gaano pa kaabala ay dapat na naglalaan ako ng oras para sa aking anak kaya naman bumabawi ako ngayon. Madaling-araw noong maalimpungatan ako ng dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Agad ko iyong sinagot upang matigil sa pag-ring dahil bahagyang gumalaw si Damien, naiistorbo ng tunog. “Hello?” Lumabas ako ng kwarto upang hindi magising ang anak. “Pumayag ka na susundin mo ang lahat ng sasabihin ko pero bakit hindi kita ma-contact kahapon? Are you running away from me?” Kumunot ang noo ko. Kagigising ko lang at inaantok pa ng sobra kaya naman hindi pa ganoon kaayos ang pagtakbo ng isipan ko. “Huh? Sino po sila?” Humalakhak ang lalaking nasa kabilang linya. Awtomatikong
Agad na akong hinila ni Damon papasok sa kaniyang sasakyan. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay Daniel dahil nang makasakay na rin siya ay pinaharurot niya kaagad ang sasakyan. Halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Hindi rin magandang nagkabuhol-buhol na ang isipan ko dahil sa kabang nararamdaman. Dati ay iniisip ko na madali lang na sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin. Ngunit ngayong narito na ako ay hindi ko magawang makapagsalita. Pinapangunahan ako ng kaba! “Sandali...hindi ito ang sa amin,” saad ko nang huminto na ang sasakyan niya sa harap ng isang matayog na gusali. Sa dami-rami kong iniisip kanina ay hindi ko man lang namalayan na ibang ruta ang tinatahak niya. Ang tanga-tanga naman talaga, Francesca! Nang tumingala ako at tuluyan ng nabasa ang pangalan ng building ay napalunok ako. Kung tama ang pagkakatanda ko ay ito ang building kung nasaan ang penthouse niya! “Labas,” he commanded, nauna na rin
“Nag-aalala ako para sa ‘yo pero ngayong sasamahan ka ni Sir Daniel ay mapapanatag na ako.” Lumayo na nang kaonti sa akin si Guada at tiningnan niya ako nang maigi. Tapos na siya sa pag-aayos sa akin. Tinawagan ako ni Sir Arnaldo kanina, he invited me for a dinner this evening. Sinabi niya sa akin na makakasama namin si Ma'am Rowena at si Angelina kaya naman medyo kinakabahan ako. Hindi maganda ang naging pagkikita namin ni Angelina noong nakaraan. Malamang ay galit pa siya sa akin lalo na at nalaman nilang anak ako ni Sir Arnaldo. “Kung ang iba ay nalo-losyang kapag may anak na, ikaw naman ay mas lalo pang gumanda! Sabihin mo nga sa akin kung ano ang sikreto mo, bet ko rin ang ganiyang kagandahan!” Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Guada at pinagmamasdan din ang aking sarili. Nakasuot ako ng white, below the knee fitted dress at black na stilleto. Pormal na dinner kasi iyon kaya ganito ang sinuot ko. “Nasa labas na raw si Sir Daniel,” imporma sa akin ni Guada. Bago ako tulu
Halos isang oras yata akong nanatili roon sa parking lot bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na umalis. Sobrang bigat ng dibdib ko habang inaalala ang muling pagkikita namin ni Damon. Inaasahan ko naman na galit siya sa akin ngunit hindi sa ganoong paraan. Mas kakayanin ko pa yata kung sisigawan niya ako o hindi naman kaya ay pagsasalitaan ng masama kaysa naman sa tratuhin niya ako ng ganoon na parang hindi niya ako kilala. "Kumain ka na ba? Gusto mo ay ipaghain kita?” Ramdam ko ang pag-iingat sa boses ni Guadalupe nang makarating ako sa apartment. Nahahalata niya siguro ang nararamdaman ko ngayon pero mas pinili na lang na ’wag ng magtanong tungkol doon. Iling lang ang naisagot ko kay Guada at nagpaalam na papasok na sa kwarto upang magpahinga. Ayaw kong umiyak ngayon gabi ngunit nang makita ko ang payapang mukha ng natutulog kong anak ay hindi ko na napigilan ang sarili kong luha. Tinakpan ko na lamang ang bibig ko at ginawa ang lahat ng aking makakaya upang tahimik na umiyak.
”Nakarating na po kami rito sa Maynila, Nanay.”Agad kong tinawagan si Nanay noong makarating na kami sa pansamantala naming tutuluyan habang narito kami sa Maynila.Noong tumawag ako kay Luisana ay nalaman kong hindi na namamalagi si Damon sa Sorsogon at kasalukuyan itong naninirahan sa Maynila. Hindi alam ni Luisana ang address nito pero nangako siya sa akin na pai-imbestigahan iyon at sasabihin kaagad sa akin kapag nalaman niya.”Kumusta naman ang tutuluyan niyo. Komportable ba kayo riyan? Kumusta ang aking Apo?””Maayos naman po ang tutuluyan namin at malapit din po rito ang apartment na tinutuluyan ni Daniel. Tulog na po si Damien, masyado pong napagod sa byahe.”Sumabay na kami sa pag-alis ni Daniel. Kasama ko ang aking anak at si Guada. Pinaalam ko rin kay Daniel kung ano ang pakay ko rito. Tinulungan niya ako, sa katunayan ay siya ang nag-suggest sa akin nitong tinutuluyan naming apartment nina Guada ngayon.Sinabi rin sa akin ni Daniel na handa siyang tumulong sa akin sa anuma
Hindi ako nakatulog kaagad dahil laman pa rin ng isipan ko ang sinabi ni Nanay Isang sa akin. Sa loob ng limang taon ay sinubukan kong kalimutan na ang lahat ng nangyari sa amin ni Damon. Paulit-ulit ko ring pinaniwala ang sarili ko na naka move-on na ako sa kaniya hanggang sa dumating ang araw na iyon na ang pinaniwalaan ng isipan ko. Ngunit paano naman ang aking puso? Naka move-on na rin ba ito o nanatili pa ring si Damon ang itinitibok? Natatakot akong malaman ang sagot lalo na at malakas ang hinala ko na hindi ko magugustuhan ang sagot na makukuha ko mula rito. Napabuntonghininga na lamang ako at niyakap ang natutulog kong anak. Gagawin ko ‘to para kay Damien, para sa kasiyahan niya. Hindi ko na dapat isipin pa ang nararamdaman ko dahil ang pinakamahalaga para sa akin ay ang kasiyahan ng aking anak. “Oh, hi!” nakangiting bati ko kay Daniel noong makita ko siya sa grocery store habang namimili ako. “Hi!” ginantihan niya ang ngiti ko at lumapit na sa akin. Namimili rin siy