HINDI na madalaw ng antok si Cassandra kaya tumambay sila ni Stefan sa hardin, sa may gilid ng artificial lake na naliligiran ng malalagong halaman. Umaga na sa Pilipinas at iyon ang nasanayan ng katawan nila. Umiinom sila ng pure blueberry juice habang nakaupo sa bench na yare sa bato. Si Robin pala ang nag-renovate ng garden, lalo na ang landscape. Ang husay ng mga kamay nito sa paghulma ng mga artificial furniture na yare sa bato. Mga artist pala ang side ng daddy ni Stefan. Mucisian din si Uncle Bob, magaling ding sculture. Nang maubos ang inumin nila ay niyaya niya si Stefan na mamitas ng berries na nakahilira sa gilid ng bakod na yare sa bato pero may design na parang kahoy. Iba-ibang berries variety ang mga ito at hindi niya kilala ang iba. Dahil ignorante, isa-isa niyang tinikman ang mga ito. “Baka puwede nang mamitas ng apple!” sabik niyang wika nang makita ang puno ng mansanas. “Hilaw pa ang mga ‘yan. Green apple mga ‘yan at hindi ko gusto ang lasa, mas maasim. Doon tayo
MAAGANG umalis ng bahay ang mag-asawa. Dahil malayo ang sentro ng New York, nagbaon si Cassandra ng pagkain nila at pinapak sa biyahe. Balak din nila na mag-check-in sa hotel upang masulit ang pamamasyal. Mabuti pumayag si Robin na gamitin nila ang kotse nito. Hindi na sila nahirapan sa biyahe. Nag-check-in muna sila sa hotel at nag-lunch. Pinanindigan na niya na wala siyang kakaining kanin at karne. Mabuti marami siyang baong nuts at prutas. After lunch na sila nagtungo sa libingan ng mga sundalo. Kabisado naman ni Stefan ang daan pero hindi na umano nito matandaan kung saan banda ang puntod ng daddy nito. Inisa-isa pa nila ang mga nitso. Malinis ang lugar, organize ang mga libingan at maayos ang garden. Lapida lang naman ang makikita sa bawat puntod. Pansin niya na nakasunod lang sa kaniya si Stefan, hindi naghahanap ng puntod ng tatay nito. Sinabi lang nito sa kaniya ang pangalan ng tatay nito at siya ang naghanap. “Ito na!” sigaw niya. Ang layo ni Stefan sa kaniya. Tila ayaw
“PATI ba naman dito humaharot ka sa doktor mo?” sabi ni Stefan nang maibalik ang cellphone kay Cassandra. Iritang-irita siya sa way ng conversation ng dalawa, obvious na komportable sa isa’t isa. “Anong humaharot? Kinumusta lang ako ni Doc. Harot ba ‘yon?” depensa nito. Lalo lamang uminit ang kaniyang ulo. “You know, I've never encountered a doctor like Tobi. His care was beyond his duty. Ganyan din siya kay Lola pero hindi humantong sa pagtatanong ng personal life. Madaldal lang si Lola at kusang nagkukuwento.” Hindi niya napigil ang sarili sa pagpalatak. Nabasa kasi niya ang ibang mensahe ni Tobi. Pati rason ni Cassandra sa pagpunta nila sa New York ay inalam nito. This guy has already crossed the boundary and privacy of his patient, and it woke his curiosity. Feeling talaga niya may something sa doktor na ito. “Ang OA mo talaga. Insecure ka lang kay Doc. O baka naman nagseselos ka lang,” ani Cassandra. Dumaiti ang mga ngipin niya sa gigil. Hindi rin matanggap ng ego niya na m
BUMUBUTI na ang pakiramdam ni Cassandra pero hindi pa rin siya gumagalaw. Naririnig niya ang mayamayang pagmumura ni Stefan, natataranta na. Na-amaze siya sa pag-aalala nito sa kaniya, at natanto niya na hindi naman pala siya nito kayang pabayaan. Sinubok pa niya ito kung ano pa ang kaya nitong gawin para sa kaniya, o kung apektado ba ito sakaling mawala siya. Pero kalaunan ay natanto niya na nasa emergency situation sila, natural ay mataranta ito dahil sila lang ang naroon. Hindi niya kailangang bigyan ng ibang kahulugan ang pag-aalala nito. Malinaw na sa kaniya na walang balak si Stefan na seryosohin ang deal nila. Naguguluhan lang ito dahil na-trap ito sa deal, pero tiyak na gusto na nitong balikan si Janica. Bigla siyang inatake ng anxiety, siguro dahil na rin sa mabilis na pagbago ng hormone niya. It was the first time her blood glucose dropped to the lowest and critical level. Kung hindi siya naagapan ni Stefan, baka, comatose na siya, or worse, natsugi. Kasalanan din niya da
INALIW ni Cassandra ang kaniyang sarili sa pamimitas ng berries na gagawin niyang jam. Ngunit kahit anong abala niya, hindi mawaglit sa kaniyang kukoti ang ideya na nagiging komportable na sina Janica at Stefan sa isa’t isa. Wala na iyong tensiyon sa boses ni Janica, ganoon din si Stefan. Maaring naghihintay lang ng tiyempo si Stefan upang tapusin ang deal nila nang sa gayun ay malaya na ito. Maghapong wala sa bahay si Stefan dahil sumama ito kay Robin na dumalo sa siminar na may kinalaman sa agriculture. Hands-on na kasi si Robin sa pamamahala sa farm dahil mas nag-e-enjoy ito roon kaysa trabaho na related sa kursong tinapos nito. Halos maubos na niya ang bunga ng tatlong variety ng berries. Sa maghapon ay iyon lang ang ginawa niya. Niluto niya ang mga ito na magkahiwalay. Nagpabili pa siya ng maraming asukal para sa jam. Sa bawat variety ay nakapagluto siya nang marami, napuno ang anim na medium size na garapon. Marami na siyang maiuuwing pasalubong. Kausap niya sa video call si
SA halip na pigilan si Stefan, tuluyang naanod ng sensasyon ang kamalayan ni Cassandra. Kakaiba ang init na hatid ng halik nito sa kaniyang sistema, napupuno ng pasyon na noon lamang niya nadarama. Hanggang sa natukso siyang tumugon sa marubrob nitong halik. Ang kaniyang pagtugon ay naging hudyat upang maging agresibo ang bawat galaw ni Stefan. Kumilos na ito at marahan siyang inihiga, at ito naman ang pumaibabaw sa kaniya. Kasabay ng walang awat na paghinang ng kanilang mga labi, naglakbay na rin ang mga kamay nito sa kaniyang katawan, maingat na inaalis ang saplot niya sa katawan. Nang lumaya kapwa nilang katawan sa kasuotan, naglakbay na rin ang mainit na bibig ni Stefan sa ibabang parte ng kaniyang katawan. Tumigil ito sa kaniyang dibdib at halinhinang lumalasap sa bawat kaumbukan nito. Bawat haplos nito sa kaniyang balat ay nag-iiwan ng init na lalong tumutupok sa kaniyang wisyo. Hinayaan niyang sambahin nito ang kaniyang kahubaran, punuin ng halik at pinong kagat ang kaniyang
NASORPRESA si Cassandra sa desisyon ni Stefan na bigyan ng mas magandang trabaho si Sasha. Dahil may investment ito sa hotel ni Donie, kinausap nito ang kaibigan na bigyan ng puwesto si Sasha at may mas malaking sahod. “Teka, bakit mo naman naisip ‘yan?” tanong niya sa asawa. Lunch break na at pinuntahan niya ito sa opisina. Katatapos lang nilang mag-usap ni Sasha at sinabi nito na pinuntahan ito ni Donie sa bahay. “Naisip ko lang na kailangan ni Sasha ng mas malaking sahod. I saw her situation when we visited her with Donie, noong hinahanap kita. Naikuwento nga sa akin ni Donie na mag-isang tinataguyod ni Sasha ang mga kapatid niya at isang anak. Wala na pala silang mga magulang. Matagal na ring nag-o-offer si Donie ng trabaho kay Sasha kaso panay tanggi. So, naisip ko na gamitin ka para makumbinsi si Sasha,” paliwanag nito. Umalsa ang temper niya at hindi gustong magkaroon pa ng mas malalim na koneksyon kay Stefan. Ang pagtulong nito sa kaibigan niya ay magiging dahilan na lalo
ALAS sais pa lamang ng umaga ay umalis na ng bahay si Cassandra. Dala naman niya ang refferal ni Doc. Tobi para sa blood chem na gagawin. Kailangan umano iyon upang malaman kung may ibang problema sa katawan niya. Matagal na niyang gustong gawin ang test na iyon kaso laging kapos sa budget. Nang makuhaan siya ng dugo ay kaagad siyang lumabas ng ospital at kumain sa malapit na restaurant. Nagpahatid lang siya roon sa driver at tatawag na lang kung pauwi na siya. Kailangan pa niyang hintayin si Doc. Tobi para maibigay rito ang result ng test. Pina-rush niya ang test para hindi na siya babalik sa ibang araw. Mas mahal nga lang ang bayad. May ibang laboratory test na inaabot ng ilang araw ang result. Ang importante lang naman ay ang sa dugo. Hindi sila nakapag-usap ni Stefan simula noong gabing umuwi sila pero alam naman nito na may lakad siya. Dahil hapon na nakuha ang result ng test, sa clinic na ni Doc. Tobi tumuloy si Cassandra. Mabuti nakapagpalista siya nang maaga. Nahilo pa siy