MAGKASUNOD na mura ni Stefan ang narinig ni Cassandra habang walang humpay sa pag-ulos ang malusog nitong armas sa kaniya. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nadarama nang mga sandaling iyon. Ibinigay niya ang kaniyang makakaya upang matapos sila nang matiwasay.
Hindi niya akalaing magtatagal sila nang ganoon ni Stefan na walang pahinga. Nang kapwa makaraos ay tila kandilang naupos ang kaniyang lakas. Nang tingnan niya si Stefan ay humihilik na sa kaniyang tabi. Hinintay niyang kumalma ang kaniyang katawan at maibsana ng kirot sa kaniyang kaangkinan.
Kailangan niyang makaalis doon pero paano ang pera? Hindi puwedeng hihintayin pa niyang magising si Stefan. Kinuha niya ang wallet nito sa mesita.
“Hala! Paano ‘to? Wala siyang cash!” bulalas niya.
Puro card ang laman ng wallet ni Stefan. Hindi naman niya magagamit ang mga ‘yon. Isang daan lang ang pera nito.
“Scam ka! Paano ang thiry thousand ko? Kailangan ko na ng pera pambayad sa upa!” maktol niya.
Ayaw magising ni Stefan kahit anong yugyog niya sa balikat nito. Umu*ngol lang ito. Hindi na siya maaring magpakita ulit kay Stefan at ayaw niyang ma-involve sa buhay nito. Kakahalungkat niya sa wallet nito ay may nakita siyang magandang singsing na merong diamond sa tuktok. Maliit lang ito pero halatang mamahalin.
“Puwede na siguro ito. Bahala na. Naisuko ko na ang Bataan, hindi puwedeng wala akong mapala,” usal niya.
Nagbihis siya at kaagad umalis dala ang singsing. Hindi na siya dumaan sa club at kailangan niyang makabili ng insulin dahil nahihilo na naman siya. Kaso kulang ang pera niya. Mabuti online ang kakilala niyang babae na bumibili ng gold na pinagbentahan din niya noon ng kuwintas.
Nakipagkita siya rito sa Quiapo at tiningnan kung totoong gold ang singsing.
“Mukhang hindi ito puro. Puwede na ito sa thiry thousand,” sabi nito.
Wala na siyang choice kundi tinanggap ang offer nito. “Sige, kailangan ko na kasi talaga ng pera,” aniya.
“Mabuti may cash ako rito. Pero baka ito na ang huling pag-stay ko rito sa Manila kasi babalik na ako sa Dubai.”
“Talaga? Mabuti ka pa.”
“Baka gusto mo ring mag-apply.”
“Nako, ilang beses ko nang sinubok, bagsak ako sa medical.”
“Ayon lang. Sandali, kukunin ko ang pera.” Pumasok sa isang kuwarto si Melinda. Pagbalik nito ay dala na nito ang pera.
“Salamat, ah. Good luck na lang sa trabaho mo abroad,” aniya.
“Sige. Sana rin ay makahanap ka na ng regular na trabaho.”
Ngumiti lamang siya at nagpaalam. Dumiretso siya sa botika at bumili ng insulin. Bago nagturok ng gamot ay tiningnan muna niya ang kaniyang blood sugar level gamit ang nabili niyang digital glucose test kit. Nang malamang mataas na naman ang blood glucose niya, kaagad siyang nagturok ng insulin.
Binayaran na rin niya ang tatlong buwang upa sa bahay para hindi siya mapalayas ng may-ari. Na-solve rin ang kaniyang problema pero hindi pa roon matatapos ang lahat. Paano ang mga susunod niyang expenses? Kailangn niya ng regular na trabaho.
Tinanghali ng gising si Cassandra kinabukasan. May tatlong missed call sa kaniyang cellphone si Sasha at isang mensahe. Nagtanong ito kung nakauwi na siya. Nang masagot ang mensahe nito ay bigla namang tumawag.
“Bakit, beshy?” aniya.
“Nariyan ka na ba sa apartment mo?” tanong nito, pinaliit pa ang tinig.
“Oo, kagabi pa.”
“Hoy! Bakit mo tinakasan si Stefan?”
“Eh, nakatulog siya. At saka wala siyang pera.”
“Ayun! Sira ka talaga! Bakit kinuha mo raw ang singsing sa wallet niya?”
“Ha? Sinabi ba niya sa ‘yo?”
“Oo. Narito sila ni Donie sa bahay at gusto kang makausap.”
Napabalikwas siya mula sa kama. “Paano ‘yan? Naibenta ko na ang singsing. Siguro naman sapat na iyong pambayad sa serbisyo ko.”
“Gaga ka talaga! Nagagalit si Stefan!”
“Bakit siya magagalit? Kailangan ko na ng pera. Bumili na ako ng gamot at nagbayad ng renta sa apartment.”
“Nako! Ano ang sasabihin ko ngayon? Punta ka kaya rito para makausap mo siya.”
“Bakit pa? Bayad na siya, ano pa ang habol niya? Deserve ko ang thirty thousand at mukhang satisfied naman siya!” giit niya.
“Hay! Naabala na ako rito. Ano ang sasabihin ko?”
“Sabihin mo umuwi ako sa probinsiya. Huwag na ka’mo niya akong hanapin. Mumurahin lang naman iyong singsing niya.”
Hindi na nakapagsalita si Sasha hanggang sa naputol ang linya.
Nataranta naman siya at nagmadaling naligo. Kailangan niyang makaalis baka biglang susugod doon si Sasha kasama si Stefan. Saktong paglabas niya ng bahay ay may itim na kotseng huminto sa tapat. Iiwas pa sana siya pero biglang bumaba ng kotse si Sasha kasunod si Stefan.
“Wait!” pigil ni Stefan.
“Pasensya na, may importante akong lakad ngayon. May job interview ako,” alibi niya.
“Ibalik mo sa akin ang singsing na kinuha mo!” nanggagalaiting sabi ni Stefan.
“Wala na ‘yong singsing. Bale iyon na ang bayad mo sa akin dahil wala ka namang cash kagabi.”
“No! I can pay you cash right now. Ibalik mo ang singsing!” pilit nito.
“Wala na nga!”
“Paanong wala?” Nag-hystirical na sa galit ang binata.
“Naibenta ko na!”
“What?”
Pinagpapawisan na siya nang malamig at hindi malaman kung paano kakausapin si Stefan. Nang may parating na taxi ay pinara niya ito.
“Kalimutan mo na iyong singsing! Bayad mo na ‘yon sa akin! Bye!” pasigaw niyang sabi. Lumulan na siya ng taxi ni hindi nakapagpaalam sa kaibigan.
Kumalma ang kaniyang sistema nang makasakay ng taxi. Nagpahatid siya sa clinic ng kaniyang doktor.
AYAW pa ring tantanan ni Stefan si Cassandra kaya gabi na siya umuuwi sa apartment. Maghapon siyang naghahanap ng trabaho. Tatlong araw na siyang pagala-gala ngunit ni isa sa pinasahan niya ng resume ay walang tumawag. Karamihan sa hanap ng mga restaurant ay four years college graduate at may two years experience.
Two years hotel and restaurant services ang tinapos niya dahil iyon lang ang nakayanan. Wala pa siyang nabubuong dalawang taon na job experience sa iisang kumpanya dahil puro extra job lang.
Lupaypay siyang nahiga sa kama pagdating ng bahay. Mariin siyang pumikit at napaisip na naman ng problema. Sampung libo na lang ang natira sa pera niya, malapit na ang bayaran ng kuryente at upa sa susunod na buwan.
“Diyos ko, bakit kailangan kong magdusa nang ganito? Bakit ako ang naghihirap sa kasalanan ng mga magulang ko? Kahit itong sakit ko lang muna ang alisin n’yo, makahihinga na ako sa problema. Hirap na hirap na po ako. Kunin n’yo na lang kaya ako,” humihikbing usal niya.
Nang magmulat siya ng mga mata ay tuluyang lumaya ang kaniyang mga luha. Hindi na ito natigil sa pagdaloy hanggang sa gupuin siya ng antok.
Kinabukasan ay muling gumala si Cassandra upang maghanap ng trabaho. Bumili lamang siya ng dalawang siopao para sa kaniyang tanghalian at isang bote ng mineral water. Kailangan niyang magtipid hanggang makahanap siya ng maayos na trabaho.
Dumaan na naman siya sa boutique at naroon pa rin ang damit na gusto niya. Nakasilip siya sa loob buhat sa salaming dingding nang bumukas ang pinto sa gawing kaliwa niya. Lumabas doon ang ginang na puti lahat ng buhok pero maganda pa rin kahit halatang matanda na. Puno ng alahas ang leeg nito at mga kamay. Ang ganda rin ng bag nito.
“Higpitan ninyo ang security ng store nang hindi na maulit ang pagnanakaw. Maraming masamang tao na nagpapanggap na desente, magnanakaw pala,” sabi ng ginang sa security guard.
“Yes, ma’am,” tugon naman ng lalaki.
Naisip niya na ang ginang na ito ang may-ari ng boutique. Sinundan niya ito ng tingin habang patawid ng kalsada. Nahulog ang panyo nito at halatang hirap itong maglakad.
Hinabol niya ito at pinulot ang panyo nito. Inalalayan din niya ito na tumawid. “Panyo n’yo po, nahulog,” sabi niya.
“Ay, salamat, hija!” nakangiting wika nito. Kusa itong kumapit sa kanang braso niya.
Natutukso siya sa kumikinang nitong alahas pero pinalis niya ang masamang hangarin sa isip.
“Saan po kayo pupunta? Bakit wala kayong kasama?” tanong niya. Mabagal itong maglakad kaya panay ang para niya sa mga sasakyan upang paalpasin sila sa kalsada.
“Binisita ko lang ang boutique ng anak ko. Pauwi na rin ako,” anang ginang.
“Wala po ba kayong sasakyan?”
“Meron, kaso may inutos ako sa driver at sabi ko ay sunduin na lang niya ako sa park.”
Dumiretso sila sa park at sinamahan niya ang ginang sa bench.
“Samahan ko na po muna kayo habang wala pa ang driver n’yo. Baka kasi may abusadong tao na lapitan kayo at manakawan,” aniya.
“Salamat naman. Ilang beses na nga akong nanakawan kaya minsan ay natatakot akong lumabas mag-isa.”
“Nako! Marami po talagang magnanakaw ngayon.”
“Teka, saan ka pala pupunta, hija?” pagkuwan ay usisa ng ginang.
“Naghahanap po ako ng trabaho. Kaso ilang araw na akong pagala-gala pero wala pang tumatanggap sa akin. Ayaw ata nila sa akin,” amuse niyang tugon.
“Ay, bakit naman? Maganda ka naman, at mukhang masipag.”
“Kulang pa po kasi ang experience ko sa trabaho.”
“Hay! Iyan ang hirap dito sa bansa natin. Pahirapan sa requirements pero hindi naman nasasapat ang pasahod. Kaya hindi ko rin masisi ang ibang tao na mas gustong mangibang bansa.”
“Totoo po ‘yan. Kaya maraming naghihirap talaga.”
“Teka, ano ba ang tinapos mo, iha?”
“Graduate po ako ng two years hotel and restaurant services sa TESDA. Kaso wala pa akong mahabang experience.”
“Pero marunong ka naman sa ibang trabaho?”
“Aba opo! Kahit ano po basta marangal na trabaho.”
“Mag-apply ka na lang sa company ko. Hiring kami ng staff sa janitorial at sa production.”
Bigla siyang nasabik. “Ano po ba ang company ninyo?”
“Meron akong food production company, mga pagawaan ng chocolate, candies, mga pagkaing matatamis.”
Napangiwi siya. “Kumpanya pala ‘yon ng tukso,” natatawang wika niya.
“Ano ka’mo?”
“Ah, wala po. Salamat kung matatanggap ako sa company n’yo. Malaking tulong na po iyon sa akin kahit anong trabaho.”
“Sige. Sama ka sa akin ngayon at dadaan ako sa office.”
Napapiksi siya sa kilig. Hulog talaga ng langit itong ginang sa kaniya na nagpakilalang si Isabela Lorenzana. Ang gaan ng loob niya rito, at ramdam din niya na komportable ito sa kaniya.
Inabot ng isang oras ang kuwentuhan nila. Nilibre pa siya ng ginang ng ice cream. Malakas ang loob niyang kumain ng matamis dahil may stock siya ng insulin. Nang dumating ang driver ng ginang ay sumama siya rito.
Naroon lang sa Quezon City ang kumpanya ni Lola Isabela. Namangha si Cassandra sa laki ng pabrika at amoy niya ang matatamis na produkto roon. Iginala muna siya ng ginang sa production facility. Binigyan pa siya nito ng isang box ng chocolate na palagi niyang binibili. Kailangan din niya ito sa tuwing bumababa ang blood sugar niya.
Ipinasa niya ang kaniyang resume sa HR department at naghintay sa kaniyang interview. Dahil malakas siya kay Lola Isabela, wala na maraming tanong ang HR assitant. Kaso kailangan siyang makausap ng CEO na umano’y mapili sa empleyado.
“Huwag kang matakot, hija. Hindi nangangagat ang CEO,” sabi ni Lola Isabela. Isinama pa siya nito sa opisina nito. Ito pala ang chairman ng kumpanya.
“Sige po, pupunta na ako sa CEO office,” sabi niya. Nakailang buntong-hininga rin siya bago umalis.
“Balik ka rito pagkatapos ng interview mo, ha?”
“Opo.” Malapad siyang ngumiti bago tuluyang lumisan.
Katabi lang ng opisina ni Lola Isabela ang CEO office. Isang pindot lang niya sa doorbell ay bumukas ang pinto. Tumahip nang husto ang kaniyang dibdib habang papasok sa malawak na opisina. May dinaanan pa siyang lobby bago ang mismong workplace ng CEO.
Ngunit nang makita ang lalaking nakaupo sa mahabang lamesa ay tila ba binuhusan siya ng malamig na tubig. Iginiit niya na nagmamalik-mata lamang siya, ngunit nang mag-angat ng mukha ang lalaki, wari pinanawan siya ng kaniyang kaluluwa. Nangatog ang kaniyang mga tuhod nang magtama ang mga mata nila ni Stefan. Si Stefan pala ang CEO!
ILANG sandaling tulala si Cassandra at tila ba napako na ang kaniyang mga paa sa sahig. Hindi siya makapaniwala na sa lugar na iyon magtatagpo muli ang landas nila ni Stefan. Ilang araw niya itong iniwasan at tinaguan, ngunit sa pambihirang pagkakataon pa sila magtatagpo. Patunay lamang ito na hindi talaga siya makaaahon sa hirap.“Cassandra, right?” sambit ni Stefan, napatayo pa ito.Pumiksi siya at akmang tatakbo palabas ngunit mabilis siyang nahabol ni Stefan. Nahawakan siya nito sa kanang braso.“Ano ba! Bitawan mo ako!” singhal niya. Iniwaksi niya ang kamay nito ngunit hinigpitan nito ang kapit.“No, you have to deal with me,” anito.Nang ayaw pa rin nitong bitawana ng braso niya ay kinagat niya ito sa kamay.“Sh*t!” da*ng nito.Nakatakbo siya patungong pintuan ngunit nahabol pa rin siya ni Stefan at ginapos siya buhat sa likuran.“Hoy! Ano ba ang ginagawa mo?” asik niya.“You can’t escape this time, lady. Subukan mong tumakas, ipakukulong kita!” Binantaan na siya nito.Ginupo na
“KUMUSTA ang bagong work mo, beshy?” tanong ni Sasha.Kararating lang ni Cassansdra sa apartment at saktong dumating din si Sasha, may dalang ulam. Sabay na silang pumasok sa bahay.“Nakakapagod pero sulit naman,” tugon niya. Inihagis niya ang kaniyang bag sa sofa.“Eh, si Stefan, sinisingil ka pa rin ba niya sa singsing?” usisa nito. Lumuklok ito sa sofa at inilapag sa mesita ang ulam na nakasilid sa transparent food dispenser.Bumuga siya ng hangin at umupo sa stool chair katapat ni Sasha. Hindi pa rin mawaglit sa kukoti niya ang deal ni Stefan.“Hindi pa rin maka-move on sa singsing si Stefan. Gusto niyang bayaran ko iyon. Pero may deal siya sa akin,” aniya.“Anong deal?”“Hindi niya ako ipapakulong pero gusto niya na magpakasal ako sa kaniya.”“Ano?!” Napamulagat sa pagkawindang si Sasha. “S-Seryoso ka ba riyan, beshy?”Tumango siya. “Oo, kinausap niya ako kanina.”“Hala! Eh, sira pala ang ulo ng lalaking ‘yon! At bakit naman niya naisip ang kasal, ha?” Namaywang ito.“Sabi niya,
KABADONG umupo nang maayos si Cassandra at inayos din ang kaniyang buhok na nagulo. Tumayo naman si Stefan at nagpaliwanag sa lola nito. Mabuti nailusot nito ang eskandalo nila at napaniwala ang ginang na nagbibiruan lang sila. Kumalma naman ang ginang at halatang natuwa pa. Animo maamong tupa na rin si Stefan. “Mabuti narito ka na, Cassandra. Marami akong biniling food,” excited na wika ng ginang. Tinulungan ito ni Stefan na maayos ang pagkain sa lamesa sa may dining area. Hinila pa siya ng ginang papasok sa hapag. Nahiya ang baon niyang pagkain sa nakahain sa lamesa. Ang sasarap ng mga itong tingnan, halatang mamahalin. Hindi naman niya matanggihan ang ginang lalo’t ang saya nito. Hindi na niya inilabas ang baon niyang pagkain at kinapalan ang mukha kasalo ang mag-lola. “Bakit hindi ka na lang lumipat dito sa malapit na bahay, Cassandra? Mahirap ang araw-araw ka sa biyahe,” wika ng ginang. Kumakain na sila at panay ang tanong nito sa mga ganap sa buhay niya. “Wala pa po akon
HINDI inaasahan ni Cassandra na gagawa si Stefan ng kasulatan na patunay ng kanilang kasunduan. Estimated nito ay isang taon silang magsasama bilang mag-asawa, pumayag siya roon. Pero may karapatan siyang magdesisyon kung mag-extend pa siya pagkalipas ng isang taon. Maari rin na hindi niya tapusin ang isang taon depende sa sitwasyon basta siya ang mag-iisip ng dahilan. Katatapos lang ng duty niya ng Biyernes ng hapon at pinapunta siya ni Stefan sa opisina nito. Kailangan umano nilang pirmahan ang kasunduan. Taimtim niyang binasa ang nakasulat sa papel. “Itong isang milyon ba ay para sa end ng contract natin?” tanong niya matapos mabasa ang kasulatan. Nakaluklok siya sa tapat ng office table ni Stefan kung saan ito nakapuwesto. “Yes, as I promised you before,” nakangiting tugon nito. “Paano kung hindi matatapos ang isang taong kontrata at mag-divorce tayo, babawasan mo ang halagang pangako mo?” “You can still get the one million cash. Pero dapat valid ang reason mo para sa divorce
NAGTATAKA si Stefan bakit hindi na umahon sa tubig si Cassandra. Lumangoy siya pabalik sa pinag-iwanan niya rito. Nahagip ng paningin niya ang kamay nito na umaangat. “Sh*t!” bulalas niya. Tumakbo na siya patungo rito. Nang mahagip niya ang kamay nito ay dagli niyang inangat at binuhat. Panay ang ubo ni Cassandra, namumula ang mukha. Inihiga niya ito sa buhangin at pinaunan sa kaniyang mga hita ang ulo. He’s unaware that Cassandra can’t swim. “Bwisit ka!” asik nito nang mahimasmasan. Tinampal siya nito ng palad sa dibdib saka umupo. Panay pa rin ang ubo nito, nakalunok na ata ng tubig dagat. “Bakit mo ako iniwan? Hindi ako marunong lumangoy!” nanggagalaiting bulyaw nito. Nawindang siya, at the same time, kabado. “Sh*t! I don’t know. I’m sorry,” balisang wika niya. Marahas itong tumayo. “Papatayin mo pa ako, hayop ka! Ayaw ko na maligo!” maktol nito. Rumampa na ito palayo at bumalik sa hotel. Dumagsa na rin ang mga tao sa beach kaya hindi siya nagtagal. He grabbed two glasses of
TINAMAD nang lumabas ng kuwarto si Cassandra kaya nagpa-deliver lamang siya ng pagkain. Si Stefan ay lumabas dahil gustong masulit ang magagandang tanawin sa labas. Lunch time na at hindi pa ito bumabalik kaya nauna na siyang kumain. Saktong natapos siyang kumain ay dumating si Stefan. May dala itong buko juice na dalawa. “Kumain ka na? Bakit hindi mo ako hinintay?” nakasimangot nitong saad. “Hihintayin pa kita, eh gutom na ako,” aniya. Inilapag nito ang buko sa lamesa. Nabalatan na ito at tinusukan lang ng bending strew. Nakainom na siya ng tubig pero kinuha pa rin niya ang isang buko at sinimsim. “Malamig na ang food. Order ka ulit ng may mainit na sabaw. Magbabanyo lang ako,” sabi nito. Pumasok na ito sa palikuran. Padabog na kinuha niya ang reciever ng telepono at tumawag ulit sa kitchen department. Na-order siya ng ulam na merong sabaw at extrang kanin dahil konti lang ang unang na-order niya. One cup a day na kanin lang ang kinakain niya at puro gulay na at prutas. Aalis
HINDI naniniwala si Cassandra na gusto nang kalimutan ni Stefan ang ex nito. May ilang larawan pa ng babae siyang nakita sa kuwarto nito, sa study room. May nakita rin siyang gitara roon, meaning, kumakanta si Stefan. Kinabukasan ay inagahan niya ang gising dahil alas nuwebe ang schedule ni Lola Isabela sa doktor. Tumataas din pala ang blood sugar ng ginang kaya regular ang check-up nito sa endocrinologist, katulad din sa doktor niya. Siya lang ang kasama ng ginang na pumasok sa ospital at ayaw nitong nakabuntot ang bodyguard. Naiwan ang mga ito sa labas. Malaki ang ospital na tanyag sa siyudad kaya nangangapa siya kung saan hahagilapin ang doktor. Mabuti kabisado ng ginang ang pasilidad. Priority naman sila at nauna sa listahan. Naghintay sila sa labas ng tanggapan ng doktor. “Magpatingin ka rin sa doktor, apo. Mas magaling ang doktor ko kahit bata pa,” sabi ng ginang. “Nasa ibang doktor po ang record ko, eh.” “Ayos lang ‘yon. Puwede kang magpalipat dito para magkaroon ka ng re
“ANG init ng dila mo, Cass! Mukhang tama si Donie, bad luck ka sa buhay ko,” sabi ni Stefan nang mahimasmasan mula sa pagkasamid. Sa inis ni Cassandra ay pinalo niya ng kutsara ang kamay nito. Pero pasalamat siya sa sinabi nito dahil nalaman niya na hindi siya gusto ng kaibigan nito. “Mas masama pala ang ugali ni Donie sa ‘yo. Magkaibigan nga kayo! Parehong mata-pobre, feeling pogi!” buwelta niya. “We’re just honest. Guilty rin ako kasi pumatol ako sa babaeng hindi ko ka-level. Pero binabawi ko na. I’m just judgemental, until I heard your story.” Hindi niya malaman kung maiinis o matutuwa siya sa sinabi nito. “Mag-sorry ka sa panlalait mo sa akin, uy!” ungot niya. “It’s no sense. Marami pa rin akong ayaw sa ‘yo.” “Kaya hindi ka pinili, eh, kasi feeling mo makukuha mo lahat ng gusto mo. Deserve mong ma-reject ng babae at pinagpalit! Your ego can’t accept the fact na hindi lahat aayon sa ‘yo. Poor guy!” ganti niya. Umiba na ang mood ni Stefan. Tumigil na siya nang hindi na maipin
AYAW ni Stefan na may divorce kaya mas pinili nito na sa Pilipinas ang kasal. Wala namang problema ‘yon kay Cassandra. Isang linggo pagkatapos mag-propose ni Stefan, inasikaso kaagad nila ang papeles sa pagpapakasal. Ayaw rin niyang hinatayin na lumubo pa ang kaniyang tiyan para makapagsuot pa siya ng magandang trahe de buda.Simple lang din ang kasal nila na ginanap sa Tagaytay, sa beach at iilan lang ang bisita. Mga kamag-anak at kaibigan lang naman nila ang dumalo. Pero kahit simple, bigatin naman ang ninong at ninang nila. May nagregalo ng kotse sa kanila, para umano sa anak nila paglaki. Si Mrs. Kim ay nagregalo ng isang set na jewelry na puwede nang pambili ng kotse ang halaga. Siyempre, may regalo rin si Lola Isabela, ang antic nitong alahas.Dumalo ang tiyuhin ni Stefan mula US at si Robin pero hindi rin nagtagal. Dahil buntis na siya, imbes na mag-honeymoon, gumala lang sila ni Stefan. Siyempre hindi nawala ang papa niya, asawa nito at mga anak na malaki rin ang ambag. Bumisit
KUNG kailan kasama na ni Cassandra si Stefan sa bahay, saka naman tila nagpabebe ang anak niya. Lalo itong naging demanding kaya hindi siya makaalis-alis ng bahay. Si Stefan naman ay halos ayaw na umalis sa kaniyang tabi at gustong maasikaso siya.Lahat ng pagkain niya ay ito ang nagluluto. Kung si Lena kasi ang nagluto, sinusuka niya. Tumindi pa ang cravings niya at mabilis magbago ang mood. Regular pa rin naman ang check-up niya kay Tobi. Pasalamat siya dahil hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya at bumibisita pa rin sa cafe.Sabado ng umaga ay maaga silang umalis ni Stefan at pinagbigyan siya sa hiling na mamasyal sa rest house nito. Dinaanan nila sa bahay si Lola Isabela dahil gustong sumama. Talagang alas kuwatro ng umaga sila umalis kaya nakaabot sa sunrise. Hindi rin kasi masyadong traffic.Nakaupo sila sa buhangin sa may pampang ng dagat at pinanood ang pag-angat ng araw. Papikit-pikit na si Stefan at hindi na niya inabala. Nakaligo na sila habang underwear lang ang suo
“OKAY na ba kayo ni Stefan?” tanong ni Tobi kay Cassandra. Kamuntik nang mabitawan ni Cassandra ang kaniyang cellphone sa pagkagulat. Nasobrahan ata siya sa kape at magugulatin na. Pero dahil din sa tanong ni Tobi ay kumalma ang kaniyang sistema. Mukhang aware na ito sa nangyayari sa kanila ni Stefan. Humakbang palapit sa kaniya si Tobi at lumuklok sa katapat ng kaniyang lamesa. Naghihintay ito sa sagot niya. “Uh…. nag-usap na kami at nilinaw niya ang nangyari noon na naging dahilan ng galit ko,” pagkuwan ay tugon niya. “So, is he really cheated?” usisa nito. Bumuntonghininga siya. “No. Iyong ex niya lang ang nagmanipula ng pangyayari at pinaniwala ako na totoo ang lahat. At saka hindi naman pala niya binalikan ‘yong babae.” “You mean, pinatawad mo na si Stefan? Or maybe you have a reason to give him a second chance.” Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Hindi na siya magpaligoy-ligoy pa para hindi na rin aasa si Tobi. “Uhm…. sorry, alam kong umaasa ka rin na magkaroon tayo
HALOS isang oras nabinbin sa traffic si Stefan kaya ang tagal niyang nakarating sa ospital. Inabot na siya ng dilim. Nailipat na sa private ward si Janica at inasikaso na ni Donie ang ibang kailangan nito. Ito na rin ang bumili ng ibang gamot na nasa reseta ng doktor. Pagdating niya sa ward ay gising na nga si Janica pero hindi pa makapagsalita nang maayos. Nakatingin lang ito sa kaniya. May injury ito sa kanang binti at sabi ng doktor ay matatagalan bago ito maka-recover. Kahilang pa nito ng regular therapy. “Wala namang kumplikasyon sa utak niya. Pero sabi ng doktor, obserbahan pa kasi may mild internal hemmoriage,” sabi ni Donie. “What about her parents? May update ka ba?” usisa niya. “Yes. Nasa biyahe na sila papunta rito, nasa airport na kanina last time na tumawag. Nagpadala na rin sila ng pera para panggastos sa ospital. Ako na ang nag-asikaso para hindi ka na maabala.” Tinapik niya sa balikat si Donie. “Thanks, bro. Pasensiya na rin at ikaw ang naabala.” “No worries. Hind
KINABUKASAN ng Miyerkules ay bumalik si Cassandra sa kaniyang OB dahil biglang humilab ang kaniyang puson. Hindi ito nawawala at naninigas ang tiyan niya kaya inatake siya ng nerbiyos. Pagkatapos masuri ng doktor, nalaman nito na hurtburn ang nangyari. Hindi pa rin siya napanatag. May ligtas na gamot namang pinainom sa kaniya ang doktor. Acidic na umano siya kaya kailangan niyang bawasan ang pagkonsumo ng maasim na prutas. Nagbago na naman ang diet chart niya, paunti nang paunti ang pagkaing puwede niyang kainin. Habang tumatagal ay pahirap nang pahirap ang kaniyang paglilihi. Mabilis na ring magbago ang mood niya, lalong naging emosyonal. Ang payo ni Tobi, mas makatulong sa kaniya na makapag-unwind, hanapin ang lugar kung saan siya mas komportable. Hindi na sila magkasundo ng kaniyang katawan. Grabe kung mag-demand ang anak niya, ang weird ng mga gustong pagkain, pati paghiga, ayaw ng flat, gusto iyong medyo nakaupo. “Ang arte mo, ah. Manang-mana ka talaga sa tatay mo!” kausap niy
TINUTOO nga ni Lola Isabela ang sinabi na maglagay ng aircon sa salas niya. Nakakabit na ito at umaandar. Tahimik na ang bahay dahil wala ng bisita. Umalis na rin ang papa niya. Alas kuwatro na ng hapon kaya lumabas siya ng kuwarto. Nakatulog naman siya ng dalawang oras. Nasa kusina si Lena kasama ang nurse na si Rica. Dumating na pala ito. Nagkukuwentuhan ang dalawa at tumigil lang nang mapansin siya. “Hi, Cass! Pasensiya na ngayon lang ako nakabalik,” ani Rica. “Okay lang. Kahit nga bukas ka na babalik para matutukan mo anak mo.” Tuluyan siyang pumasok. “Bumuti na ang pakiramdam ng anak ko at kumakain na rin. Nagpadala naman ng pera ang papa niya kaya nakabili ako ng stock na gamot.” “Mabuti naman.” Tiningnan niya ang niluluto ni Lena sa kawali. Nagmamatamis ito ng saging na saba. Natatakam tuloy siya at natutuksong tumikim pero nakabantay si Rica. “Gusto mo nito, ano, buntis?” ani Lena. “Bawal naman,” aniya. Kumuha na lamang siya ng hinog na saging na saba at kinain matapos
ANIMO idinadarang sa apoy si Cassandra, pinagpapawisan din ng malamig. Nag-alangan siyang lumabas ng kusina at natatakot harapin ang mga bisita.“Patay tayo nito. May dalawang poging dumating, pinag-aagawan ang amo ko’ng sumasayad ang buhok sa lupa,” usal ni Lena habang mayamaya ang silip sa salas.Siya naman itong hindi mapakali. Mapapaanak siya nang alanganin dahil sa tensiyon. Hindi puwedeng ganoon siya ng ilang oras. Mabuti naroon si Lola Isabela at kinakausap ang dalawang lalaki. Ang galing pa nitong magbiro.“Doc. Tobi, ako na lang ang ligawan mo, wala kang kaagaw,” sabi pa ng ginang.Tawa lang nang tawa si Tobi, sinakyan naman ang biro ng ginang. Samantalang si Stefan ay seryosong nakaupo sa couch, malayo sa dalawang nag-uusap. Pero obvious na ang tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki.Kung puwede lang ay lulusot na sa pader si Cassandra at mapunta siya sa ibang dimension. Hindi niya kaya ang tensiyon. Hindi pa roon natatapos ang kalbaryo niya dahil dumating ang kaniyang ama.
HINDI na ulit nabisita ni Cassandra si Lola Isabela sa ospital. Nag-text ito at sinabi na nakauwi na ito sa bahay. Nang Sabado ng umaga ay ginulat siya nito pagdating niya sa cafe. Buena manong costumer nila sa umaga ang ginang kasama ang caregiver nitong babae. “Lola! Ang aga n’yo, ah,” nagagalak niyang bungad dito. Kaagad niya itong nilapitan at nagmano. “Oo, talagang inagahan ko para hindi mainit. Alas-kuwatro pa lang ng umaga ay gising na ako,” anito. Umupo siya sa katabi nitong silya. “Ako rin po, maagang nagising. Naiinip ako sa bahay kaya nagpunta ako rito.” “Mabuti na lang pala at dito kami dumiretso. Gusto ko ring matikman ang mga pagkain dito.” “Nako, masasarap po ang luto ng staff namin.” “Oo nga.” Bumaba ang tingin nito sa kaniyang tiyan. Pagkuwan ay hinipo nito ang puson niya. “Eh, kumusta naman ang apo ko sa tuhod? Hindi mo sinabi sa akin na may laman na pala ito,” sabi nito. “Sorry po, Lola. Hindi ko naman balak na itago ang baby ko habang buhay sa inyo. Naghihin
agtantiya ng emosyon. Ayaw naman niyang mapano ang baby nila. May iba pa namang pagkakataon, at titiyakin niya na mas maiintindihan na siya nito. Nang wala na siyang mailuha ay ginupo naman ng galit ang kaniyang puso. He didn’t expect that Janica would do stupid things to ruin his image of Cassandra. She’s desperate, and he can’t ignore it. Sa halip na uuwi sa bahay nila, napadpad siya sa condo ni Janica kahit hindi siya sigurado na naroon ito. Nakailang pindot na siya sa doorbell ngunit walang nagbubukas. Tinawagan niya si Donie. “Yes, bro?” kaagad naman nitong sagot. “Alam mo ba kung nasaan si Janica ngayon?” may gigil niyang tanong sa kaibigan. “Uh…. she’s here in my hotel. Ayaw pa nga umuwi at nagsisimula nang uminom ng alak. Ayaw magpapigil.” Kumulo na ang dugo niya. “I’ll go there,” sabi niya, saka pinutol ang linya. Malalaki ang hakbang na bumalik siya sa kaniyang kotse at nag-drive naman papunta sa hotel ni Donie. Pagdating sa hotel ay dumiretso siya sa bar, naroon si J