HINDI inaasahan ni Cassandra na gagawa si Stefan ng kasulatan na patunay ng kanilang kasunduan. Estimated nito ay isang taon silang magsasama bilang mag-asawa, pumayag siya roon. Pero may karapatan siyang magdesisyon kung mag-extend pa siya pagkalipas ng isang taon. Maari rin na hindi niya tapusin ang isang taon depende sa sitwasyon basta siya ang mag-iisip ng dahilan.
Katatapos lang ng duty niya ng Biyernes ng hapon at pinapunta siya ni Stefan sa opisina nito. Kailangan umano nilang pirmahan ang kasunduan. Taimtim niyang binasa ang nakasulat sa papel.“Itong isang milyon ba ay para sa end ng contract natin?” tanong niya matapos mabasa ang kasulatan. Nakaluklok siya sa tapat ng office table ni Stefan kung saan ito nakapuwesto.“Yes, as I promised you before,” nakangiting tugon nito.“Paano kung hindi matatapos ang isang taong kontrata at mag-divorce tayo, babawasan mo ang halagang pangako mo?”“You can still get the one million cash. Pero dapat valid ang reason mo para sa divorce para maniwala si Lola.”“Ang unfair. Bakit ako lang ang puwedeng gagawa ng issue para sa divorce? Paano kung ikaw ang magloko at mambabae?”“I will never do that.”Sinipat niya si Stefan na may pang-uuyam. “Hindi ako naniniwala. Alam ko mahal mo pa rin ang ex mo.”“Please stop mentioning my ex. She's no longer involved in my life.” Napalis ang ngiti ni Stefan at bahagyang napayuko.Alam niya na tinatago lang ni Stefan ang sakit sa puso nito at nagkukunwaring hindi na apektado ng kabiguan sa babae. Naisip niya na hindi na dapat niya banggitin pa ang tungkol sa ex nito.“Sige, deal ako rito sa kasunduan. Pero may lilinawin lang ako,” aniya pagkuwan.Ibinalik ni Stefan ang titig sa kaniyang mukha. “What is it?” untag nito.“Let’s be casual. Walang personalan at pakialaman sa mga desisyon natin.”“What do you mean by that?” Mariing kumunot ang noo nito.“I mean, kung sakaling may magustuhan akong lalaki, hindi mo ako pagbabawalan. At saka iyong literal ba bagay na ginagawa ko, hindi maaring limitahan. Puwede tayong magpanggap na totoong mag-asawa sa harap ni Lola at ibang tao, pero kapag tayo lang, back to the reality.”Ilang sandaling walang kibo si Stefan bago tumawa nang pagak. “That’s cliche, though. Anyway, you’re free to do what you want. Pero totoo ang kasal natin, Cass. Kaya kung may gusto kang lalaki, hindi mo puwedeng isapubliko kasi magre-reflect ito sa marriage privacy at reputation natin. And I didn’t think you were interested in guys. So, I’m not bothered.”Umangat ang sulok ng kaniyang labi. “Anong akala mo sa akin, walang puso? Siyempre nag-aasam din ako na may lalaking magkagusto sa akin at mamahalin ako nang buo.”“Mukha ka kasing may gender issue. I thought you were a bisexual who didn’t care about her virginity.”Umangat na rin ang kaliwang likay niya. Urat na urat siya sa pinagsasabi ni Stefan. Pinitik niya ang ballpen na nilalalaro nito sa kamay at tumama ang dulo sa baba nito.“Ouch! What the hell!” asik nito.“Kung makahusga ka kala mo alam mo na ang buong kuwento ng buhay ko, ah! For your information, straight akong babae! Baka ikaw, bakla kasi iyakin! Ew!” buwelta niya.“Ano sabi mo?” namumurong saad ni Stefan, napapatayo pa ito.“Wala. Sabi ko pipirma na ako! Akin na ang ballpen!” Inagaw niya sa kamay nito ang ballpen at pinirmahan ang kasunduan nila. “Uuwi na ako,” aniya pagkatapos ng pirma. Tumayo na siya.“Wait, hindi ka pa nagbigay ng schedule ng kasal,” awat nito.“Ako ba ang mag-iisip ng schedule?”“So, anytime are you ready?”“Ah, ikaw ang bahala. Pero siguro kapag nakuha ko na ang passport ko. Kasi ‘di ba sa US ka’mo tayo ikakasal para may divorce?”“Yes. Maybe next week okay na lahat ng requirements mo. Mag-leave ka ng isang linggo para maayos lahat ng kailangan mo. At para hindi ka mahirapan, lipat ka na sa condo unit ni Lola.”Hindi na siya nag-atubili at pumayag sa desisyon ni Stefan. “Sige. Lilipat na ako bukas para hindi na ako singilin ng upa para sa susunod na buwa at gagamitin ko na ang pundo.”“Good idea. Ipapasundo na kita sa driver ko bukas.”Tumango lamang siya.May pagkakataon na gusto niyang kausap si Stefan. Napaka-professional nito. Kaso mabilis magbago ang mood nito, maaring depende nga sa taong kausap nito. Siya rin kasi ang may problema minsan kaya hindi sila nagkakasundo.Gabi na nakauwi ng bahay si Cassandra dahil sa traffic. Wala na siyang oras para magluto. Mabuti na lang dumating si Sasha at naghatid ng ulam, may kasama ng kanin.“Uy! Ang sweet mo naman, beshy!” mangiyak-ngiyak niyang wika.“Alam ko kasi na hindi ka na makapagluto kaya dinalhan na kita ng pagkain,” ani Sasha.Dumiretso na sila sa kusina at sinamahan siya nitong kumain. Alas otso na ng gabi kaya hilab na hilab na ang kaniyang sikmura.“Hulog ka talaga ng langit sa akin, beshy. Hayaan mo, kasama ka sa lahat ng magaganda kong plano,” aniya. Kaagad niyang nilantakan ang pagkain.“Asus! Basta kahit anong mangyari, susuportahan kita. Eh, kumusta na ang plano ninyo ni Stefan?”“Okay na. Nagpirmahan na kami ng kasunduan. Once nakuha ko na ang passport ko at may visa, pupunta na kami sa US para sa kasal. Siyempre invited ka.”Napalis ang ngiti ni Sasha. “Sorry, beshy, hindi ako makakasama. Alam mo namang hindi maaring maiwan ang anak ko nang matagal. Sa totoong kasal mo na lang ako pupunta,” anito, matipid na ngumiti.“Ayos lang, beshy. Ang mahalaga hindi ka against sa mga desisyon ko. Para naman ito sa future ko at nang hindi ka na mag-alala palagi sa akin.”“Naman. Basta ba mag-ingat ka palagi. Huwag kang papaapi kay Stefan!”“Ano ka ba? Kailan ba ako nagpaapi?”“Oo nga pala. Atapang atao ka.”Sabay silang tumawa. Kalaunan ay ginupo siya ng lungkot dahil once nasa puder na siya ni Stefan, malilimitahan na ang pagkikita nila ni Sasha. Puwede naman itong bibisita sa kaniya pero hindi rin ito makatagal dahil sa dami ng responsibilidad nito sa pamilya.NAPABILIS ang pag-asikaso ni Cassandra ng passpord at ibang papeles dahil sa tulong ni Lola Isabela. Wala pang isang linggo ay nakakuha na rin siya ng visa. Sa sobrang excited ng ginang, nakabili na ito ng plane ticket nila papuntang US. Sumang-ayon naman ito sa simpleng celebration at hindi na sila nag-imbita ng maraming bisita.Maging ang venue para sa honeymoon ay sagot ni Lola Isabela, lahat ng gastusin sa kasal. Church wedding ang nangyari pero sa isang hotel sa Los Angeles ang pagdiriwang.“Baka narito ang ex mo,” bulong niya kay Stefan nang makaupo na sila sa lamesang nakalaan para sa kanila.Katatapos lang ng seremonya sa simbahan at dumiretso na sila sa hotel.“Nasa New York siya,” tipid nitong tugon. “And please don’t mention my ex again. Starting today, ayaw kong marinig iyon sa ‘yo.” Nagsungit na ito.Napairap siya rito. “Eh, ‘di ‘wag!” Kumain na lamang siya ng salad na gulay.Puro matatamis ang pagkaing nakahain sa lamesa kaya pikit-mata siyang kumakain para hindi matukso. Mabuti hindi naman sila nagtagal sa hotel dahil sa gabing iyon ang flight nila papuntang Maldives. Mauunang uuwi ng Pilipinas si Lola Isabela. Sila naman ay magtatagal ng tatlong araw sa Maldives bago uuwi sa bansa.Sa haba ng biyahe ay tulog at kain lang ang ginawa ni Cassandra. May baon naman siyang gamot at glucose monitor niya. Hilong-hilo pa siya sa biyahe at pagdating sa hotel suite na nai-book ng secretary ni Stefan, lupapay siya sa kama.“Hey! Ang haba na ng tulog mo sa plane, pati dito matutulog ka pa?” ani Stefan. Panay ang kalabit nito sa binti niya.“Ano ba! Nahihilo nga ako, eh!” singhal niya habang nakadapa sa kama.“Boring kang kasama. You can’t enjoy the beach here.”Pumihit siya pahiga, saktong naghuhubad ng damit si Stefan sa kaniyang harapan. Umaga na roon pero antok pa rin siya. Ngunit nang masilayan ang hunk niyang asawa, tila pinanawan siya ng katamaran.Nang maghubad na rin ito ng pants ay nagtakip siya ng palad sa mga mata. Napuna na siya nito.“Don’t act like you’re innocent, Cass. I know tumatak na sa isipan mo ang hotness ko,” sabi nito.Inalis niya ang kamay sa mga mata pero muli ring pumikit nang mapansing wala na ring saplot pan-ibaba si Stefan. “Magdamit ka, hoy!” usal niya.“Maliligo ako sa beach. Dapat kasama ka,” anito.“Ayaw ko nga! Gusto kong matulog!”“Come on. It’s our honeymoon. Huwag kang kill joy.”“Tapos na ang honeymoon natin, no!”Dumapa siyang muli ngunit bumulahaw ang kaniyang tili nang hilahin siya ni Stefan sa mga paa.“Get up! Maliligo tayo!” pilit nito.Pumiglas siya at tinadyakan ito pero mabilis nakailag. Hinubad nito ang kaniyang pants at blouse. Nagsisisigaw siya at pinagsusuntok ito sa dibdib kaso walang epekto. Underwear na lang ang nalalabing suot niya nang buhatin siya ni Stefan. May suot na rin itong itim na boxer at patakbong lumabas ng kuwarto. Nasa harapan lang pala ng dagat ang hotel suite nila.Napigil niya ang kaniyang hininga nang isama siya ni Stefan sa paglublob sa tubig dagat. Hindi ito aware na hindi siya marunong lumangoy. Nang mabitawan siya nito ay nilamon siya ng tubig. Hindi naman ganoon kalalim sa bahaging iyon ngunit maalon kaya hirap siyang makaahon.Itinaas niya ang kaniyang isang kamay sa pag-asang mapansin siya ni Stefan. Hindi pa rin niya maramdaman ang presensiya nito, lumangoy na ata palayo sa kaniya!Sensya na nadoble ang chapter 5. Skip nyo na lang po. Hindi kasi ako puwede mag-delete at wait na lang na madelete ng editor ko. Thank you for reading!
NAGTATAKA si Stefan bakit hindi na umahon sa tubig si Cassandra. Lumangoy siya pabalik sa pinag-iwanan niya rito. Nahagip ng paningin niya ang kamay nito na umaangat. “Sh*t!” bulalas niya. Tumakbo na siya patungo rito. Nang mahagip niya ang kamay nito ay dagli niyang inangat at binuhat. Panay ang ubo ni Cassandra, namumula ang mukha. Inihiga niya ito sa buhangin at pinaunan sa kaniyang mga hita ang ulo. He’s unaware that Cassandra can’t swim. “Bwisit ka!” asik nito nang mahimasmasan. Tinampal siya nito ng palad sa dibdib saka umupo. Panay pa rin ang ubo nito, nakalunok na ata ng tubig dagat. “Bakit mo ako iniwan? Hindi ako marunong lumangoy!” nanggagalaiting bulyaw nito. Nawindang siya, at the same time, kabado. “Sh*t! I don’t know. I’m sorry,” balisang wika niya. Marahas itong tumayo. “Papatayin mo pa ako, hayop ka! Ayaw ko na maligo!” maktol nito. Rumampa na ito palayo at bumalik sa hotel. Dumagsa na rin ang mga tao sa beach kaya hindi siya nagtagal. He grabbed two glasses of
TINAMAD nang lumabas ng kuwarto si Cassandra kaya nagpa-deliver lamang siya ng pagkain. Si Stefan ay lumabas dahil gustong masulit ang magagandang tanawin sa labas. Lunch time na at hindi pa ito bumabalik kaya nauna na siyang kumain. Saktong natapos siyang kumain ay dumating si Stefan. May dala itong buko juice na dalawa. “Kumain ka na? Bakit hindi mo ako hinintay?” nakasimangot nitong saad. “Hihintayin pa kita, eh gutom na ako,” aniya. Inilapag nito ang buko sa lamesa. Nabalatan na ito at tinusukan lang ng bending strew. Nakainom na siya ng tubig pero kinuha pa rin niya ang isang buko at sinimsim. “Malamig na ang food. Order ka ulit ng may mainit na sabaw. Magbabanyo lang ako,” sabi nito. Pumasok na ito sa palikuran. Padabog na kinuha niya ang reciever ng telepono at tumawag ulit sa kitchen department. Na-order siya ng ulam na merong sabaw at extrang kanin dahil konti lang ang unang na-order niya. One cup a day na kanin lang ang kinakain niya at puro gulay na at prutas. Aalis
HINDI naniniwala si Cassandra na gusto nang kalimutan ni Stefan ang ex nito. May ilang larawan pa ng babae siyang nakita sa kuwarto nito, sa study room. May nakita rin siyang gitara roon, meaning, kumakanta si Stefan. Kinabukasan ay inagahan niya ang gising dahil alas nuwebe ang schedule ni Lola Isabela sa doktor. Tumataas din pala ang blood sugar ng ginang kaya regular ang check-up nito sa endocrinologist, katulad din sa doktor niya. Siya lang ang kasama ng ginang na pumasok sa ospital at ayaw nitong nakabuntot ang bodyguard. Naiwan ang mga ito sa labas. Malaki ang ospital na tanyag sa siyudad kaya nangangapa siya kung saan hahagilapin ang doktor. Mabuti kabisado ng ginang ang pasilidad. Priority naman sila at nauna sa listahan. Naghintay sila sa labas ng tanggapan ng doktor. “Magpatingin ka rin sa doktor, apo. Mas magaling ang doktor ko kahit bata pa,” sabi ng ginang. “Nasa ibang doktor po ang record ko, eh.” “Ayos lang ‘yon. Puwede kang magpalipat dito para magkaroon ka ng re
“ANG init ng dila mo, Cass! Mukhang tama si Donie, bad luck ka sa buhay ko,” sabi ni Stefan nang mahimasmasan mula sa pagkasamid. Sa inis ni Cassandra ay pinalo niya ng kutsara ang kamay nito. Pero pasalamat siya sa sinabi nito dahil nalaman niya na hindi siya gusto ng kaibigan nito. “Mas masama pala ang ugali ni Donie sa ‘yo. Magkaibigan nga kayo! Parehong mata-pobre, feeling pogi!” buwelta niya. “We’re just honest. Guilty rin ako kasi pumatol ako sa babaeng hindi ko ka-level. Pero binabawi ko na. I’m just judgemental, until I heard your story.” Hindi niya malaman kung maiinis o matutuwa siya sa sinabi nito. “Mag-sorry ka sa panlalait mo sa akin, uy!” ungot niya. “It’s no sense. Marami pa rin akong ayaw sa ‘yo.” “Kaya hindi ka pinili, eh, kasi feeling mo makukuha mo lahat ng gusto mo. Deserve mong ma-reject ng babae at pinagpalit! Your ego can’t accept the fact na hindi lahat aayon sa ‘yo. Poor guy!” ganti niya. Umiba na ang mood ni Stefan. Tumigil na siya nang hindi na maipin
MARAHAS na binawi ni Cassandra ang kaniyang kamay na hawak ni Stefan. Nauna na itong pumasok sa kotse at binuhay ang makina. “Get in, Cass!” may gigil nitong utos sa kaniya. “Bakit ganyan ka? HIndi mo man lang binigyan ng chance na makausap ang babae,” aniya. Nakasilip lang siya sa pintuan. “Wala na kaming pag-uusapan. Sakay na,” anito sa mababang tinig. Hindi pa siya kumilos. Mamaya’y bumusina nang malakas si Stefan. Napalundag pa siya sa pagkagulat. “Ano ba!” asik niya. “I said, get in!” pasigaw rin nitong sabi. Tumalima na lamang siya. Kauupo pa lamang niya ay nagmaniobra na ito. Nang makarating sila sa kalsada ay pinaharurot nito ang sasakyan. Pagdating sa condo ay nagmadali si Stefan sa pagligpit ng gamit at gustong uuwi na sila sa mansiyon. Nabitin tuloy ang kain ni Cassandra. Masasarap pa naman ang pagkain at noon lamang niya natikman sa buong buhay niya. Hindi na niya kinausap si Stefan kahit lulan ulit sila ng kotse pauwi sa mansiyon. Pagdating nila ay diretso ito s
ALAS kuwatro ng hapon natapos ang meeting ni Lola Isabela sa abogado nito. Ginawa naman ni Cassandra ang habilin ni Stefan na alamin niya ang mga detalye ng usapan sa meeting. Kaso hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makunan ng picture ang mga papeles. Engles speaking ang abogado at malalalim ang ibang salita kaya hindi niya naintindihan lahat. Ang alam lang niya ay pinaasikaso na ni Lola Isabela ang papeles ng kumpanya. Malinaw na para sa paglipat ng rights ng kumpanya sa pangalan ni Stefan ang paksa. Pero may narinig siyang usapan tungkol sa papeles umano na temporary aggreement. Hindi niya alam kung para saan iyon. Nahihiya naman siyang usisain pa iyon sa ginang. “May gusto ka bang bilhin sa labas, Cassandra?” tanong ng ginang nang paalis na sila ng opisina. “Ah, wala naman po pero baka puwedeng makakuha ng isang box ng chocolate? Kailangan ko rin kasi ng stock ng matatamis kasi minsan biglang bumabagsak ang glucose ko,” aniya. “Walang problema. Hihingi tayo sa production ar
NAHIRAPANG matulog si Cassandra dahil sa kakaibang ambiance ng study room. Pakiramdam niya ay maraming matang nakatingin sa kaniya. Naroon pa ang malalaking painting ng kung sinong musician. Mag-uumaga na’y gising pa ang kaniyang diwa. Kung hindi pa siya nagdasal ulit ay hindi siya makatulog. Sumisikat na ang araw nang magising siya. Hindi pala niya nahawi ang kurtina sa glass window kaya lumusot ang sinag ng araw at tinamaan siya sa mukha. Tinatamad pa siyang bumangon at tila ba may isang kabang bigas na nakadagan sa kaniyang katawan. Mamaya ay narinig niya ang tinig ni Stefan, may kausap. Akala niya’y sa cellphone lang ang kausap nito pero umalingawngaw na rin ang tinig ni Lola Isabela. Ginupo na siya ng kaba. “Nasaan si Cassandra?” tanong ng ginang kay Stefan. “Uh…. n-nandito lang siya kanina. Wala po ba sa labas?” tugon naman ni Stefan, bakas sa tinig ang pagkabalisa. “Wala siya sa labas. At bakit mag-isa lang ang unan mo? Saan natulog si Cassandra?” Napilitan nang bumangon
NANATILING nakayuko si Cassandra at hirap makatayo dahil bahagyang kumirot ang kaniyang paa na natapilok. Nagulat na lang siya nang may malalakas na kamay na umakay sa kaniya patayo.“What happened?” tinig ni Stefan. Katabi na niya ito at nakaakbay sa kaniya.Kung nasa labas lamang sila ng hotel ay gagantian niya si Laura pero nirerespeto niya ang events.“That woman was a gold-digger! She does not belong here!” sabi ni Laura.“And who are you saying that to my wife?” ani Stefan.“W-Wife?” gilalas na untag ni Laura. Tigagal na tumingala si Laura kay Stefan.Umapela naman si Lourdes na kilala pala si Laura. “Ms. Marcelo, huwag po kayong mag-eskandalo rito,” awat nito kay Laura.“Who is she, Lourdes?” tanong naman ni Stefan.“Uh, siya po si Ms. Marcelo, manager ng CNG marketing. Isa rin po siya sa prospect investors para sa Asian contribution ng product natin. Bale sila ang naunang nagpasa ng proposal,” paliwanag naman ni Lourdes.“I don’t need that attitude in my company. Refuse her pr
AYAW ni Stefan na may divorce kaya mas pinili nito na sa Pilipinas ang kasal. Wala namang problema ‘yon kay Cassandra. Isang linggo pagkatapos mag-propose ni Stefan, inasikaso kaagad nila ang papeles sa pagpapakasal. Ayaw rin niyang hinatayin na lumubo pa ang kaniyang tiyan para makapagsuot pa siya ng magandang trahe de buda.Simple lang din ang kasal nila na ginanap sa Tagaytay, sa beach at iilan lang ang bisita. Mga kamag-anak at kaibigan lang naman nila ang dumalo. Pero kahit simple, bigatin naman ang ninong at ninang nila. May nagregalo ng kotse sa kanila, para umano sa anak nila paglaki. Si Mrs. Kim ay nagregalo ng isang set na jewelry na puwede nang pambili ng kotse ang halaga. Siyempre, may regalo rin si Lola Isabela, ang antic nitong alahas.Dumalo ang tiyuhin ni Stefan mula US at si Robin pero hindi rin nagtagal. Dahil buntis na siya, imbes na mag-honeymoon, gumala lang sila ni Stefan. Siyempre hindi nawala ang papa niya, asawa nito at mga anak na malaki rin ang ambag. Bumisit
KUNG kailan kasama na ni Cassandra si Stefan sa bahay, saka naman tila nagpabebe ang anak niya. Lalo itong naging demanding kaya hindi siya makaalis-alis ng bahay. Si Stefan naman ay halos ayaw na umalis sa kaniyang tabi at gustong maasikaso siya.Lahat ng pagkain niya ay ito ang nagluluto. Kung si Lena kasi ang nagluto, sinusuka niya. Tumindi pa ang cravings niya at mabilis magbago ang mood. Regular pa rin naman ang check-up niya kay Tobi. Pasalamat siya dahil hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya at bumibisita pa rin sa cafe.Sabado ng umaga ay maaga silang umalis ni Stefan at pinagbigyan siya sa hiling na mamasyal sa rest house nito. Dinaanan nila sa bahay si Lola Isabela dahil gustong sumama. Talagang alas kuwatro ng umaga sila umalis kaya nakaabot sa sunrise. Hindi rin kasi masyadong traffic.Nakaupo sila sa buhangin sa may pampang ng dagat at pinanood ang pag-angat ng araw. Papikit-pikit na si Stefan at hindi na niya inabala. Nakaligo na sila habang underwear lang ang suo
“OKAY na ba kayo ni Stefan?” tanong ni Tobi kay Cassandra. Kamuntik nang mabitawan ni Cassandra ang kaniyang cellphone sa pagkagulat. Nasobrahan ata siya sa kape at magugulatin na. Pero dahil din sa tanong ni Tobi ay kumalma ang kaniyang sistema. Mukhang aware na ito sa nangyayari sa kanila ni Stefan. Humakbang palapit sa kaniya si Tobi at lumuklok sa katapat ng kaniyang lamesa. Naghihintay ito sa sagot niya. “Uh…. nag-usap na kami at nilinaw niya ang nangyari noon na naging dahilan ng galit ko,” pagkuwan ay tugon niya. “So, is he really cheated?” usisa nito. Bumuntonghininga siya. “No. Iyong ex niya lang ang nagmanipula ng pangyayari at pinaniwala ako na totoo ang lahat. At saka hindi naman pala niya binalikan ‘yong babae.” “You mean, pinatawad mo na si Stefan? Or maybe you have a reason to give him a second chance.” Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Hindi na siya magpaligoy-ligoy pa para hindi na rin aasa si Tobi. “Uhm…. sorry, alam kong umaasa ka rin na magkaroon tayo
HALOS isang oras nabinbin sa traffic si Stefan kaya ang tagal niyang nakarating sa ospital. Inabot na siya ng dilim. Nailipat na sa private ward si Janica at inasikaso na ni Donie ang ibang kailangan nito. Ito na rin ang bumili ng ibang gamot na nasa reseta ng doktor. Pagdating niya sa ward ay gising na nga si Janica pero hindi pa makapagsalita nang maayos. Nakatingin lang ito sa kaniya. May injury ito sa kanang binti at sabi ng doktor ay matatagalan bago ito maka-recover. Kahilang pa nito ng regular therapy. “Wala namang kumplikasyon sa utak niya. Pero sabi ng doktor, obserbahan pa kasi may mild internal hemmoriage,” sabi ni Donie. “What about her parents? May update ka ba?” usisa niya. “Yes. Nasa biyahe na sila papunta rito, nasa airport na kanina last time na tumawag. Nagpadala na rin sila ng pera para panggastos sa ospital. Ako na ang nag-asikaso para hindi ka na maabala.” Tinapik niya sa balikat si Donie. “Thanks, bro. Pasensiya na rin at ikaw ang naabala.” “No worries. Hind
KINABUKASAN ng Miyerkules ay bumalik si Cassandra sa kaniyang OB dahil biglang humilab ang kaniyang puson. Hindi ito nawawala at naninigas ang tiyan niya kaya inatake siya ng nerbiyos. Pagkatapos masuri ng doktor, nalaman nito na hurtburn ang nangyari. Hindi pa rin siya napanatag. May ligtas na gamot namang pinainom sa kaniya ang doktor. Acidic na umano siya kaya kailangan niyang bawasan ang pagkonsumo ng maasim na prutas. Nagbago na naman ang diet chart niya, paunti nang paunti ang pagkaing puwede niyang kainin. Habang tumatagal ay pahirap nang pahirap ang kaniyang paglilihi. Mabilis na ring magbago ang mood niya, lalong naging emosyonal. Ang payo ni Tobi, mas makatulong sa kaniya na makapag-unwind, hanapin ang lugar kung saan siya mas komportable. Hindi na sila magkasundo ng kaniyang katawan. Grabe kung mag-demand ang anak niya, ang weird ng mga gustong pagkain, pati paghiga, ayaw ng flat, gusto iyong medyo nakaupo. “Ang arte mo, ah. Manang-mana ka talaga sa tatay mo!” kausap niy
TINUTOO nga ni Lola Isabela ang sinabi na maglagay ng aircon sa salas niya. Nakakabit na ito at umaandar. Tahimik na ang bahay dahil wala ng bisita. Umalis na rin ang papa niya. Alas kuwatro na ng hapon kaya lumabas siya ng kuwarto. Nakatulog naman siya ng dalawang oras. Nasa kusina si Lena kasama ang nurse na si Rica. Dumating na pala ito. Nagkukuwentuhan ang dalawa at tumigil lang nang mapansin siya. “Hi, Cass! Pasensiya na ngayon lang ako nakabalik,” ani Rica. “Okay lang. Kahit nga bukas ka na babalik para matutukan mo anak mo.” Tuluyan siyang pumasok. “Bumuti na ang pakiramdam ng anak ko at kumakain na rin. Nagpadala naman ng pera ang papa niya kaya nakabili ako ng stock na gamot.” “Mabuti naman.” Tiningnan niya ang niluluto ni Lena sa kawali. Nagmamatamis ito ng saging na saba. Natatakam tuloy siya at natutuksong tumikim pero nakabantay si Rica. “Gusto mo nito, ano, buntis?” ani Lena. “Bawal naman,” aniya. Kumuha na lamang siya ng hinog na saging na saba at kinain matapos
ANIMO idinadarang sa apoy si Cassandra, pinagpapawisan din ng malamig. Nag-alangan siyang lumabas ng kusina at natatakot harapin ang mga bisita.“Patay tayo nito. May dalawang poging dumating, pinag-aagawan ang amo ko’ng sumasayad ang buhok sa lupa,” usal ni Lena habang mayamaya ang silip sa salas.Siya naman itong hindi mapakali. Mapapaanak siya nang alanganin dahil sa tensiyon. Hindi puwedeng ganoon siya ng ilang oras. Mabuti naroon si Lola Isabela at kinakausap ang dalawang lalaki. Ang galing pa nitong magbiro.“Doc. Tobi, ako na lang ang ligawan mo, wala kang kaagaw,” sabi pa ng ginang.Tawa lang nang tawa si Tobi, sinakyan naman ang biro ng ginang. Samantalang si Stefan ay seryosong nakaupo sa couch, malayo sa dalawang nag-uusap. Pero obvious na ang tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki.Kung puwede lang ay lulusot na sa pader si Cassandra at mapunta siya sa ibang dimension. Hindi niya kaya ang tensiyon. Hindi pa roon natatapos ang kalbaryo niya dahil dumating ang kaniyang ama.
HINDI na ulit nabisita ni Cassandra si Lola Isabela sa ospital. Nag-text ito at sinabi na nakauwi na ito sa bahay. Nang Sabado ng umaga ay ginulat siya nito pagdating niya sa cafe. Buena manong costumer nila sa umaga ang ginang kasama ang caregiver nitong babae. “Lola! Ang aga n’yo, ah,” nagagalak niyang bungad dito. Kaagad niya itong nilapitan at nagmano. “Oo, talagang inagahan ko para hindi mainit. Alas-kuwatro pa lang ng umaga ay gising na ako,” anito. Umupo siya sa katabi nitong silya. “Ako rin po, maagang nagising. Naiinip ako sa bahay kaya nagpunta ako rito.” “Mabuti na lang pala at dito kami dumiretso. Gusto ko ring matikman ang mga pagkain dito.” “Nako, masasarap po ang luto ng staff namin.” “Oo nga.” Bumaba ang tingin nito sa kaniyang tiyan. Pagkuwan ay hinipo nito ang puson niya. “Eh, kumusta naman ang apo ko sa tuhod? Hindi mo sinabi sa akin na may laman na pala ito,” sabi nito. “Sorry po, Lola. Hindi ko naman balak na itago ang baby ko habang buhay sa inyo. Naghihin
agtantiya ng emosyon. Ayaw naman niyang mapano ang baby nila. May iba pa namang pagkakataon, at titiyakin niya na mas maiintindihan na siya nito. Nang wala na siyang mailuha ay ginupo naman ng galit ang kaniyang puso. He didn’t expect that Janica would do stupid things to ruin his image of Cassandra. She’s desperate, and he can’t ignore it. Sa halip na uuwi sa bahay nila, napadpad siya sa condo ni Janica kahit hindi siya sigurado na naroon ito. Nakailang pindot na siya sa doorbell ngunit walang nagbubukas. Tinawagan niya si Donie. “Yes, bro?” kaagad naman nitong sagot. “Alam mo ba kung nasaan si Janica ngayon?” may gigil niyang tanong sa kaibigan. “Uh…. she’s here in my hotel. Ayaw pa nga umuwi at nagsisimula nang uminom ng alak. Ayaw magpapigil.” Kumulo na ang dugo niya. “I’ll go there,” sabi niya, saka pinutol ang linya. Malalaki ang hakbang na bumalik siya sa kaniyang kotse at nag-drive naman papunta sa hotel ni Donie. Pagdating sa hotel ay dumiretso siya sa bar, naroon si J