DALAWANG araw nang puyat si Cassandra dahil sa magkasunod na problema. Nagbawas ng empleyado ang restaurant na pinapasukan niya bilang waitress, on-call na muna siya. Tatlong buwan na rin siyang hindi nakabayad ng renta sa apartment na tinutuluyan at gusto na siyang paalisin ng may-ari.
Ubos na rin ang budget niya para sa insulin. Isa sa pinakamalaking dagok sa kaniyang buhay ay ang pagkakaroon ng type one diabetes. Namatay ang kaniyang ina dahil din sa malubhang sakit na diabetes. Anak siya sa labas ng kaniyang ama na hindi siya kayang suportahan.
“Wala na akong pera para sa insulin ko. Palalayasin na ako sa apartment,” mangiyak-ngiyak na kumpisal ni Cassandra kay Sasha. Kapapasok lamang niya sa bahay ng kaibigan.
Animo binagsakan siya ng langit na umupo sa sofa na yare sa kawayan. Si Sasha ang takbuhan niya sa tuwing may problema ngunit katulad niya’y naghihikahos din, dalagang ina at may binubuhay na dalawang kapatid. Maaga kasing nawalan ng magulang si Sasha. Manager ito ng isang nigh club at bar sa Mabini.
“Sabi ko na sa ‘yo, hindi sapat ang kita mo sa restaurant. Pambili lang ‘yon ng gintong sibuyas,” usal naman ni Sasha. Binigyan siya nito ng isang basong tubig dahil halos hindi na siya makahinga kakaiyak.
“Sige na, kakapit na ako sa patalim. Hanapan mo ako ng bilyonaryong tigang. Basta iyong average size lang ang ano, ah?” hibang niyang wika pero iyon lang ang naisip niyang mabilis na solusyon.
“Nako! Iyong kilala ko, American size. Pero feeling ko kaya mo. Sanay ka naman sa turok ng karayom na halos two times a week tinutusok sa ‘yo. Iyong karayom ng lalake, one time lang naman, yakang-yaka mo. Do or die?”
“Can I die now?”
“Gaga!” Tinapik siya nito sa kanang balikat. “Walang thrill mamatay na hindi nakatikim ng luto ng Diyos!”
Napabuga siya ng hangin. Idinaan niya sa biro ang problema ngunit alam niya na hindi ito uubra. Ilang beses na niyang naisip na papasok na rin sa club kahit anong trabaho. Wala na siyang ibang choice at tila kakambal na niya ang malas. Lahat kasi ng kumpanyang pinagtrabahuhan niya ay hindi siya nagiging regular, at minsang natanggal pa siya dahil sa kaniyang sakit.
Iginiit niya na hindi siya malas, sadyang mapanghusga lang ang mga tao sa lipunan. Hindi niya naawat ang paglukob ng mabigat na emosyon sa kaniyang puso ngunit pilit niyang pinatatatag ang loob. Desidido na siyang mag-side-line sa club nila Sasha para lang maresolba ang kaniyang problema.
Pumunta na kasi siya sa bahay ng papa niya pero binigyan lang siya ng five hundred. Mayaman ang asawa ng papa niya at ito ay sumusunod sa gusto ng asawa na galit sa kaniya. Hindi naman niya ito masisi dahil nagkasala ang papa niya at ina. Naging kabet ng papa niya ang kaniyang ina noon at nagbunga ang maling relasyon. May tatlong kapatid siya sa ama ngunit hindi siya kinilala, sa halip ay ikinahihiya siya.
“Seryoso na ako, beshy. Bigyan mo ako ng kliyente sa club ninyo,” wika niya.
Napamulagat si Sasha. “Uy, Cass, iyang inuungot mo sa akin, hindi ‘yan mainit na sabaw na puwede mong ibuga once napaso ang dila mo. Mas mabigat na side-line ‘yan,” anito.
“Gasino lang naman ang kikitain ko sa pag-extra sa club ninyo bilang waitress. Kulang pa ‘yon pambayad ng upa. Kailangan ko ng thirty thousand, beshy. Kung hindi ay sa kalsada ako matutulog at doon na rin mamatay dahil wala akong insulin.”
Ilang sandaling natahimik si Sasha. “Sorry, beshy, wala rin talaga akong maibigay sa ‘yo. Kalahati na lang ang susuwelduhin ko sa buwang ito dahil nakapagag-advance na ako. Dalawang buwan pa ang utang ko sa babysitter ng anak ko, may bayarin sa school ang dalawa kong kapatid,” kumpisal din nito.
“Naintindihan ko, beshy. Kaya nga tulungan mo na lang ako makahanap ng kliyente na magbabayad nang malaki. Kahit wala akong karanasan, pagbubutihan ko, basta iyong malinis na lalaki at hindi naman abusado.”
“Hay! Ito na nga ang kinakatakot ko, ang matulad ka sa akin na kumapit na rin sa patalim dahil sa kahirapan. Huwag kang mag-alala, hindi pipitsugin ang tinatanggap naming kliyente sa club. May papeles na kailangan, medical bago sila makalabas ng babae. Siyempre, pipilian kita ng binata at matino. Marami akong kilala.”
Kinakabahan ma’y wala na siyang balak umatras. “Salamat, beshy. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang kailangan.”
“Sige. Basta kumalma ka baka bigla ka na naman mangisay riyan at babagsak ang blood sugar mo.”
Tumango siya.
SABADO ng gabi ay sumama si Cassandra kay Sasha sa club. Wala na siyang dahilan upang umatras dahil buhay niya ang nakataya sa problema. Tanging pagkapit sa patalim ang kaniyang naiisip na solusyon, at gamitin ang kaniyang puri upang mabuhay.
Ilang beses na siyang nakapag-extra sa club bilang waitress kaya kilala na rin siya ng staff. Pero ang trabahong kailangan niya ay mabilisang kita at malaki. Karamihan sa suki ng club ay mga banyaga kaya kabado siyang pumasok.
Pinagsuot na siya ni Sasha ng sexy na damit, sobrang iksi ng laylayan. Hindi naman niya kailangang sumayaw. Once may dumating na costumer, dapat ay lapitan kaagad para ma-entertain, ibigay ang nais nitong inumin. Iba naman ang bayad once natipuhan siya ng lalaki at ilalabas ng club. Meron namang motel ang club kung saan sila maaring dalhin ng lalaki.
Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang palapit sa dalawang lalaking kauupo sa mesa malapit sa bar counter. Ang isang lalaking payat na matangkad ay hindi naman mukhang banyaga. Ang kasama nitong tisoy ay halatang may lahi. Kinabisado niya ang linyang dapat sabihin sa kliyente.
Una niyang nilapitan ang payat dahil ito ang pumansin sa kaniya.
“Hi! Narito ba si Sasha?” tanong nito.
“Opo, kaso busy siya,” confident niyang sagot.
“Tumawag ako sa kaniya kanina at sabi niya may ipakikilala siyang babae,” sabi nito.
Naalala niya ang sinabi ni Sasha na may kaibigan itong pupunta sa bar, kailangan umano ng lalaki ng babaeng entertainer.
“Kayo po ba si Donie?” tanong niya rito.
“Yes.”
“Ako po ang kaibigan ni Sasha na entertainer.”
Sinuyod siya ng tingin ng lalaki, tila may kasamang pang-uuyam. Tumitig din sa kaniya ang kasama nitong tahimik, seryoso. Namumungay na ang mga mata nito at malamang ay nakainom na ng alak.
Nairita siya sa biglang pagbungisngis ni Donie. “I’m not sure kung magugustuhan ka ng kaibigan ko. He’s picky, and it’s his first time to come in this place,” sabi nito.
“Sino pong kaibigan n’yo?”
“Him, si Stefan.” Itinuro nito ang kasama.
Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Tingin kasi niya ay masungit si Stefan at mukhang hindi naman tipo ng lalaki na sugapa sa babae.
Mabuti na lang dumating si Sasha at ito ang kumausap kay Donie. Uurong na sana si Donie pero biglang nagsalita si Stefan.
“I like her,” sabi ni Stefan.
“She’s a virgin, bro,” turan naman dito ni Donie.
“Mas pabor sa akin. Basta ayaw ko ng maarte.”
Awtomatikong kumabog ang dibdib ni Cassandra. Nasuyod niya ng tingin si Stefan nang tumayo. Ang tangkad pala nito, maskulado, bakat din ang karg*da sa hapit nitong pantalong maong. Halos mapunit ang suot nitong bughaw na pulo sa matipunong dibdib.
Pinakilala naman ito maigi ni Dion, maging background at edad. Biyente otso anyos na si Stefan, matanda lang ng tatlong taon sa kaniya at kampante siya roon.
“Okay na ba kayo, guys?” tanong naman ni Sasha.
“Stefan agreed, pagbigyan natin. He needs this kind of entertainment. Depress ang kaibigan ko, Sasha,” ani Donie.
“Okay.” Bumaling naman si Sasha kay Cassandra at bumulong. “Deal si Stefan sa thirty thousand, beshy. Galingan mo, baka magbago ang isip once hindi nagustuhan ang performance mo,” anito.
Napabuga siya ng hangin. “Baka malaki ang ano niya, beshy,” nag-aalangang sabi niya.
“Ano ka ba? Ikaw naman ang magku-kontrol. Lasing na si Stefan, baka hindi na ‘yan makabayo nang maayos.” humagikgik pa ito.
“Sira, baka naman manakit.”
“Hindi ‘yan. Alam mo na ang gagawin kapag sinaktan ka. May electric gun, pampamanhid lang ‘yon.”
Tumango na lamang siya.
Si Sasha na ang kumuha ng kaniyang bag at naroon ang electric gun. Ang usapan, si Stefan na ang magbibigay ng bayad sa kaniya pagkatapos ng performance niya. Ayaw nito sa motel ng club kaya sa hotel sa labas sila pumunta. Hinatid naman sila ni Donie sa kuwarto.
“Don’t worry, mabait si Stefan. Kailangan lang talaga niyang maging wild para makalimot sa sakit,” nakangiting wika ni Donie.
Tumango siya. “Sige. Ako ang bahala.”
Pumasok na siya sa hotel suite at nauna na roon si Stefan. Pumasok na ito sa banyo at naligo. Iniwan lang niya sa mesita ang kaniyang bag na nakabukas para mabilis niyang makuha ang electric gun.
Pinagpapawisan siya nang malamig dahil sa kaba. Mamaya ay may humilagpos sa loob ng banyo. Napatakbo siya papasok dito at hindi naman naka-lock ang pinto. Napamura siya nang mamataan si Stefan na nakasalampak sa sahig sa may shower room.
“Mahabagin! Ang laki pala ng ano niya!” tili niya. Gusto na niyang umurong pero tila may kung anong kumakabig sa kaniyang mga paa.
“Hey! What are you looking at?” masungit nitong tanong.
“Ah, a-ano ba ang gagawin ko?” natatarantang tanong niya.
“Undress yourself.”
Nahimasmasan siya nang maalala ang kaniyang pakay bakit siya naroon. Kahit inaalipin ng kaba ay naghubad siya sa harapan ni Stefan. Nakatayo na ito at naghihintay. Nilunok niya ang hiya at pinakita ang kaniyang kah*baran kay Stefan.
“Seriously, how old are you?” tanong nito, naniningkit ang mga mata.
“I’m twenty-five,” mabilis niyang sagot.
“But you look fifteen. Katutubo pa lang ata ng boobs mo.”
Napalis ang kaniyang kaba at nahalinhan ng inis. “Ang yabang mo naman! Cute lang ang boobs ko, no!” paangil niyang turan.
“Bilisan mong maligo. Maghihintay ako sa kama,” sabi nito. Iniwan na siya nito roon.
Mabilisan siyang naligo baka biglang magtawag si Stefan. Tinuyo lamang niya ng tuwalya ang kaniyang katawan saka lumabas. Palapit na siya sa kama nang mapansing tulala si Stefan, mamasa-masa ang mga mata. Umiyak ata.
“Hoy! Napano ka na? Itutuloy pa ba natin ‘to?” tanong niya rito.
Sinipat siya nito. “Do something to ease my pain, lady. Stop asking me stupid questions!” anito.
Sumampa naman siya sa kama at umupo sa gawing kaliwa nito. Nahahalata niya na may mabigat na emosyong pasan ang binata. Nag-iisip pa siya ng unang hakbang ngunit naunahan siya ni Stefan. Bigla siya nitong sinunggaban ng pangahas na halik sa mga labi.
Dahil sa pagkagulat ay hindi siya nakakibo. Hindi pa siya nahahalikan ng lalaki sa tanang buhay niya kaya bago ang emosyong hatid nito sa kaniyang sistema. Dahil sa marubrob na paghalik sa kaniya ni Stefan ay tila nagkaroon ng sariling buhay ang kaniyang katawan. Nagpatangay na lamang siya sa bawat galaw nito.
Kung kailan nakahiga na siya ay biglang tumigil si Stefan sa paghalik sa kaniya. Tumitig siya sa mapungay nitong mga mata na mayroong bakas ng luha.
“How can I ignore pain without doing anything, huh?” tanong nito sa garalgal na tinig.
“Kung ano man ang dahilan ng sakit na nadarama mo, naniniwala ako na malalagpasan mo ‘yan. Kung tungkol ‘yan sa love, I could say na wala ‘yan sa kalingkingan ng sakit na dala ko habang lumalaki. Huwag kang mag-fucos sa panandaliang sakit, dahil nagagamot ‘yan. Pero ako, habang buhay kong dadalhin ang pasakit. Kinaya ko ang lahat, dapat kayanin mo rin,” wika niya.
Ilang sandaling natigilan si Stefan habang nakatitig sa kaniya. “You’re right. Let’s beat the pain together!”
Napasinghap siya nang pumaibabaw ito sa kaniya at muli siyang siniil ng halik sa mga labi. Unti-unti ay nagiging agresibo ang kilos nito, malikot sa kaniyang ibabaw. Napapikit siya nang maghari ang init sa kaniyang kaibuturan at labis siyang nadarang.
Iniisip na lang niya na nasa isang panaginip siya at kaniig ang lalaking mahal niya. Nanuot ang makapigil-hiningang kirot dulot ng pag-angkin sa kaniya ni Stefan. Hindi niya ito ininda at iginiit na immune na siya sa sakit ng karayom. Immune na siya sa pasakit ng mundo. Inanod ng luha ang kirot at nahalinhan ng ginhawa.
MAGKASUNOD na mura ni Stefan ang narinig ni Cassandra habang walang humpay sa pag-ulos ang malusog nitong armas sa kaniya. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nadarama nang mga sandaling iyon. Ibinigay niya ang kaniyang makakaya upang matapos sila nang matiwasay.Hindi niya akalaing magtatagal sila nang ganoon ni Stefan na walang pahinga. Nang kapwa makaraos ay tila kandilang naupos ang kaniyang lakas. Nang tingnan niya si Stefan ay humihilik na sa kaniyang tabi. Hinintay niyang kumalma ang kaniyang katawan at maibsana ng kirot sa kaniyang kaangkinan.Kailangan niyang makaalis doon pero paano ang pera? Hindi puwedeng hihintayin pa niyang magising si Stefan. Kinuha niya ang wallet nito sa mesita.“Hala! Paano ‘to? Wala siyang cash!” bulalas niya.Puro card ang laman ng wallet ni Stefan. Hindi naman niya magagamit ang mga ‘yon. Isang daan lang ang pera nito.“Scam ka! Paano ang thiry thousand ko? Kailangan ko na ng pera pambayad sa upa!” maktol niya.Ayaw magising ni Stefan kahit anong
ILANG sandaling tulala si Cassandra at tila ba napako na ang kaniyang mga paa sa sahig. Hindi siya makapaniwala na sa lugar na iyon magtatagpo muli ang landas nila ni Stefan. Ilang araw niya itong iniwasan at tinaguan, ngunit sa pambihirang pagkakataon pa sila magtatagpo. Patunay lamang ito na hindi talaga siya makaaahon sa hirap.“Cassandra, right?” sambit ni Stefan, napatayo pa ito.Pumiksi siya at akmang tatakbo palabas ngunit mabilis siyang nahabol ni Stefan. Nahawakan siya nito sa kanang braso.“Ano ba! Bitawan mo ako!” singhal niya. Iniwaksi niya ang kamay nito ngunit hinigpitan nito ang kapit.“No, you have to deal with me,” anito.Nang ayaw pa rin nitong bitawana ng braso niya ay kinagat niya ito sa kamay.“Sh*t!” da*ng nito.Nakatakbo siya patungong pintuan ngunit nahabol pa rin siya ni Stefan at ginapos siya buhat sa likuran.“Hoy! Ano ba ang ginagawa mo?” asik niya.“You can’t escape this time, lady. Subukan mong tumakas, ipakukulong kita!” Binantaan na siya nito.Ginupo na
“KUMUSTA ang bagong work mo, beshy?” tanong ni Sasha.Kararating lang ni Cassansdra sa apartment at saktong dumating din si Sasha, may dalang ulam. Sabay na silang pumasok sa bahay.“Nakakapagod pero sulit naman,” tugon niya. Inihagis niya ang kaniyang bag sa sofa.“Eh, si Stefan, sinisingil ka pa rin ba niya sa singsing?” usisa nito. Lumuklok ito sa sofa at inilapag sa mesita ang ulam na nakasilid sa transparent food dispenser.Bumuga siya ng hangin at umupo sa stool chair katapat ni Sasha. Hindi pa rin mawaglit sa kukoti niya ang deal ni Stefan.“Hindi pa rin maka-move on sa singsing si Stefan. Gusto niyang bayaran ko iyon. Pero may deal siya sa akin,” aniya.“Anong deal?”“Hindi niya ako ipapakulong pero gusto niya na magpakasal ako sa kaniya.”“Ano?!” Napamulagat sa pagkawindang si Sasha. “S-Seryoso ka ba riyan, beshy?”Tumango siya. “Oo, kinausap niya ako kanina.”“Hala! Eh, sira pala ang ulo ng lalaking ‘yon! At bakit naman niya naisip ang kasal, ha?” Namaywang ito.“Sabi niya,
KABADONG umupo nang maayos si Cassandra at inayos din ang kaniyang buhok na nagulo. Tumayo naman si Stefan at nagpaliwanag sa lola nito. Mabuti nailusot nito ang eskandalo nila at napaniwala ang ginang na nagbibiruan lang sila. Kumalma naman ang ginang at halatang natuwa pa. Animo maamong tupa na rin si Stefan. “Mabuti narito ka na, Cassandra. Marami akong biniling food,” excited na wika ng ginang. Tinulungan ito ni Stefan na maayos ang pagkain sa lamesa sa may dining area. Hinila pa siya ng ginang papasok sa hapag. Nahiya ang baon niyang pagkain sa nakahain sa lamesa. Ang sasarap ng mga itong tingnan, halatang mamahalin. Hindi naman niya matanggihan ang ginang lalo’t ang saya nito. Hindi na niya inilabas ang baon niyang pagkain at kinapalan ang mukha kasalo ang mag-lola. “Bakit hindi ka na lang lumipat dito sa malapit na bahay, Cassandra? Mahirap ang araw-araw ka sa biyahe,” wika ng ginang. Kumakain na sila at panay ang tanong nito sa mga ganap sa buhay niya. “Wala pa po akon
HINDI inaasahan ni Cassandra na gagawa si Stefan ng kasulatan na patunay ng kanilang kasunduan. Estimated nito ay isang taon silang magsasama bilang mag-asawa, pumayag siya roon. Pero may karapatan siyang magdesisyon kung mag-extend pa siya pagkalipas ng isang taon. Maari rin na hindi niya tapusin ang isang taon depende sa sitwasyon basta siya ang mag-iisip ng dahilan. Katatapos lang ng duty niya ng Biyernes ng hapon at pinapunta siya ni Stefan sa opisina nito. Kailangan umano nilang pirmahan ang kasunduan. Taimtim niyang binasa ang nakasulat sa papel. “Itong isang milyon ba ay para sa end ng contract natin?” tanong niya matapos mabasa ang kasulatan. Nakaluklok siya sa tapat ng office table ni Stefan kung saan ito nakapuwesto. “Yes, as I promised you before,” nakangiting tugon nito. “Paano kung hindi matatapos ang isang taong kontrata at mag-divorce tayo, babawasan mo ang halagang pangako mo?” “You can still get the one million cash. Pero dapat valid ang reason mo para sa divorce
NAGTATAKA si Stefan bakit hindi na umahon sa tubig si Cassandra. Lumangoy siya pabalik sa pinag-iwanan niya rito. Nahagip ng paningin niya ang kamay nito na umaangat. “Sh*t!” bulalas niya. Tumakbo na siya patungo rito. Nang mahagip niya ang kamay nito ay dagli niyang inangat at binuhat. Panay ang ubo ni Cassandra, namumula ang mukha. Inihiga niya ito sa buhangin at pinaunan sa kaniyang mga hita ang ulo. He’s unaware that Cassandra can’t swim. “Bwisit ka!” asik nito nang mahimasmasan. Tinampal siya nito ng palad sa dibdib saka umupo. Panay pa rin ang ubo nito, nakalunok na ata ng tubig dagat. “Bakit mo ako iniwan? Hindi ako marunong lumangoy!” nanggagalaiting bulyaw nito. Nawindang siya, at the same time, kabado. “Sh*t! I don’t know. I’m sorry,” balisang wika niya. Marahas itong tumayo. “Papatayin mo pa ako, hayop ka! Ayaw ko na maligo!” maktol nito. Rumampa na ito palayo at bumalik sa hotel. Dumagsa na rin ang mga tao sa beach kaya hindi siya nagtagal. He grabbed two glasses of
TINAMAD nang lumabas ng kuwarto si Cassandra kaya nagpa-deliver lamang siya ng pagkain. Si Stefan ay lumabas dahil gustong masulit ang magagandang tanawin sa labas. Lunch time na at hindi pa ito bumabalik kaya nauna na siyang kumain. Saktong natapos siyang kumain ay dumating si Stefan. May dala itong buko juice na dalawa. “Kumain ka na? Bakit hindi mo ako hinintay?” nakasimangot nitong saad. “Hihintayin pa kita, eh gutom na ako,” aniya. Inilapag nito ang buko sa lamesa. Nabalatan na ito at tinusukan lang ng bending strew. Nakainom na siya ng tubig pero kinuha pa rin niya ang isang buko at sinimsim. “Malamig na ang food. Order ka ulit ng may mainit na sabaw. Magbabanyo lang ako,” sabi nito. Pumasok na ito sa palikuran. Padabog na kinuha niya ang reciever ng telepono at tumawag ulit sa kitchen department. Na-order siya ng ulam na merong sabaw at extrang kanin dahil konti lang ang unang na-order niya. One cup a day na kanin lang ang kinakain niya at puro gulay na at prutas. Aalis
HINDI naniniwala si Cassandra na gusto nang kalimutan ni Stefan ang ex nito. May ilang larawan pa ng babae siyang nakita sa kuwarto nito, sa study room. May nakita rin siyang gitara roon, meaning, kumakanta si Stefan. Kinabukasan ay inagahan niya ang gising dahil alas nuwebe ang schedule ni Lola Isabela sa doktor. Tumataas din pala ang blood sugar ng ginang kaya regular ang check-up nito sa endocrinologist, katulad din sa doktor niya. Siya lang ang kasama ng ginang na pumasok sa ospital at ayaw nitong nakabuntot ang bodyguard. Naiwan ang mga ito sa labas. Malaki ang ospital na tanyag sa siyudad kaya nangangapa siya kung saan hahagilapin ang doktor. Mabuti kabisado ng ginang ang pasilidad. Priority naman sila at nauna sa listahan. Naghintay sila sa labas ng tanggapan ng doktor. “Magpatingin ka rin sa doktor, apo. Mas magaling ang doktor ko kahit bata pa,” sabi ng ginang. “Nasa ibang doktor po ang record ko, eh.” “Ayos lang ‘yon. Puwede kang magpalipat dito para magkaroon ka ng re
AYAW ni Stefan na may divorce kaya mas pinili nito na sa Pilipinas ang kasal. Wala namang problema ‘yon kay Cassandra. Isang linggo pagkatapos mag-propose ni Stefan, inasikaso kaagad nila ang papeles sa pagpapakasal. Ayaw rin niyang hinatayin na lumubo pa ang kaniyang tiyan para makapagsuot pa siya ng magandang trahe de buda.Simple lang din ang kasal nila na ginanap sa Tagaytay, sa beach at iilan lang ang bisita. Mga kamag-anak at kaibigan lang naman nila ang dumalo. Pero kahit simple, bigatin naman ang ninong at ninang nila. May nagregalo ng kotse sa kanila, para umano sa anak nila paglaki. Si Mrs. Kim ay nagregalo ng isang set na jewelry na puwede nang pambili ng kotse ang halaga. Siyempre, may regalo rin si Lola Isabela, ang antic nitong alahas.Dumalo ang tiyuhin ni Stefan mula US at si Robin pero hindi rin nagtagal. Dahil buntis na siya, imbes na mag-honeymoon, gumala lang sila ni Stefan. Siyempre hindi nawala ang papa niya, asawa nito at mga anak na malaki rin ang ambag. Bumisit
KUNG kailan kasama na ni Cassandra si Stefan sa bahay, saka naman tila nagpabebe ang anak niya. Lalo itong naging demanding kaya hindi siya makaalis-alis ng bahay. Si Stefan naman ay halos ayaw na umalis sa kaniyang tabi at gustong maasikaso siya.Lahat ng pagkain niya ay ito ang nagluluto. Kung si Lena kasi ang nagluto, sinusuka niya. Tumindi pa ang cravings niya at mabilis magbago ang mood. Regular pa rin naman ang check-up niya kay Tobi. Pasalamat siya dahil hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya at bumibisita pa rin sa cafe.Sabado ng umaga ay maaga silang umalis ni Stefan at pinagbigyan siya sa hiling na mamasyal sa rest house nito. Dinaanan nila sa bahay si Lola Isabela dahil gustong sumama. Talagang alas kuwatro ng umaga sila umalis kaya nakaabot sa sunrise. Hindi rin kasi masyadong traffic.Nakaupo sila sa buhangin sa may pampang ng dagat at pinanood ang pag-angat ng araw. Papikit-pikit na si Stefan at hindi na niya inabala. Nakaligo na sila habang underwear lang ang suo
“OKAY na ba kayo ni Stefan?” tanong ni Tobi kay Cassandra. Kamuntik nang mabitawan ni Cassandra ang kaniyang cellphone sa pagkagulat. Nasobrahan ata siya sa kape at magugulatin na. Pero dahil din sa tanong ni Tobi ay kumalma ang kaniyang sistema. Mukhang aware na ito sa nangyayari sa kanila ni Stefan. Humakbang palapit sa kaniya si Tobi at lumuklok sa katapat ng kaniyang lamesa. Naghihintay ito sa sagot niya. “Uh…. nag-usap na kami at nilinaw niya ang nangyari noon na naging dahilan ng galit ko,” pagkuwan ay tugon niya. “So, is he really cheated?” usisa nito. Bumuntonghininga siya. “No. Iyong ex niya lang ang nagmanipula ng pangyayari at pinaniwala ako na totoo ang lahat. At saka hindi naman pala niya binalikan ‘yong babae.” “You mean, pinatawad mo na si Stefan? Or maybe you have a reason to give him a second chance.” Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Hindi na siya magpaligoy-ligoy pa para hindi na rin aasa si Tobi. “Uhm…. sorry, alam kong umaasa ka rin na magkaroon tayo
HALOS isang oras nabinbin sa traffic si Stefan kaya ang tagal niyang nakarating sa ospital. Inabot na siya ng dilim. Nailipat na sa private ward si Janica at inasikaso na ni Donie ang ibang kailangan nito. Ito na rin ang bumili ng ibang gamot na nasa reseta ng doktor. Pagdating niya sa ward ay gising na nga si Janica pero hindi pa makapagsalita nang maayos. Nakatingin lang ito sa kaniya. May injury ito sa kanang binti at sabi ng doktor ay matatagalan bago ito maka-recover. Kahilang pa nito ng regular therapy. “Wala namang kumplikasyon sa utak niya. Pero sabi ng doktor, obserbahan pa kasi may mild internal hemmoriage,” sabi ni Donie. “What about her parents? May update ka ba?” usisa niya. “Yes. Nasa biyahe na sila papunta rito, nasa airport na kanina last time na tumawag. Nagpadala na rin sila ng pera para panggastos sa ospital. Ako na ang nag-asikaso para hindi ka na maabala.” Tinapik niya sa balikat si Donie. “Thanks, bro. Pasensiya na rin at ikaw ang naabala.” “No worries. Hind
KINABUKASAN ng Miyerkules ay bumalik si Cassandra sa kaniyang OB dahil biglang humilab ang kaniyang puson. Hindi ito nawawala at naninigas ang tiyan niya kaya inatake siya ng nerbiyos. Pagkatapos masuri ng doktor, nalaman nito na hurtburn ang nangyari. Hindi pa rin siya napanatag. May ligtas na gamot namang pinainom sa kaniya ang doktor. Acidic na umano siya kaya kailangan niyang bawasan ang pagkonsumo ng maasim na prutas. Nagbago na naman ang diet chart niya, paunti nang paunti ang pagkaing puwede niyang kainin. Habang tumatagal ay pahirap nang pahirap ang kaniyang paglilihi. Mabilis na ring magbago ang mood niya, lalong naging emosyonal. Ang payo ni Tobi, mas makatulong sa kaniya na makapag-unwind, hanapin ang lugar kung saan siya mas komportable. Hindi na sila magkasundo ng kaniyang katawan. Grabe kung mag-demand ang anak niya, ang weird ng mga gustong pagkain, pati paghiga, ayaw ng flat, gusto iyong medyo nakaupo. “Ang arte mo, ah. Manang-mana ka talaga sa tatay mo!” kausap niy
TINUTOO nga ni Lola Isabela ang sinabi na maglagay ng aircon sa salas niya. Nakakabit na ito at umaandar. Tahimik na ang bahay dahil wala ng bisita. Umalis na rin ang papa niya. Alas kuwatro na ng hapon kaya lumabas siya ng kuwarto. Nakatulog naman siya ng dalawang oras. Nasa kusina si Lena kasama ang nurse na si Rica. Dumating na pala ito. Nagkukuwentuhan ang dalawa at tumigil lang nang mapansin siya. “Hi, Cass! Pasensiya na ngayon lang ako nakabalik,” ani Rica. “Okay lang. Kahit nga bukas ka na babalik para matutukan mo anak mo.” Tuluyan siyang pumasok. “Bumuti na ang pakiramdam ng anak ko at kumakain na rin. Nagpadala naman ng pera ang papa niya kaya nakabili ako ng stock na gamot.” “Mabuti naman.” Tiningnan niya ang niluluto ni Lena sa kawali. Nagmamatamis ito ng saging na saba. Natatakam tuloy siya at natutuksong tumikim pero nakabantay si Rica. “Gusto mo nito, ano, buntis?” ani Lena. “Bawal naman,” aniya. Kumuha na lamang siya ng hinog na saging na saba at kinain matapos
ANIMO idinadarang sa apoy si Cassandra, pinagpapawisan din ng malamig. Nag-alangan siyang lumabas ng kusina at natatakot harapin ang mga bisita.“Patay tayo nito. May dalawang poging dumating, pinag-aagawan ang amo ko’ng sumasayad ang buhok sa lupa,” usal ni Lena habang mayamaya ang silip sa salas.Siya naman itong hindi mapakali. Mapapaanak siya nang alanganin dahil sa tensiyon. Hindi puwedeng ganoon siya ng ilang oras. Mabuti naroon si Lola Isabela at kinakausap ang dalawang lalaki. Ang galing pa nitong magbiro.“Doc. Tobi, ako na lang ang ligawan mo, wala kang kaagaw,” sabi pa ng ginang.Tawa lang nang tawa si Tobi, sinakyan naman ang biro ng ginang. Samantalang si Stefan ay seryosong nakaupo sa couch, malayo sa dalawang nag-uusap. Pero obvious na ang tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki.Kung puwede lang ay lulusot na sa pader si Cassandra at mapunta siya sa ibang dimension. Hindi niya kaya ang tensiyon. Hindi pa roon natatapos ang kalbaryo niya dahil dumating ang kaniyang ama.
HINDI na ulit nabisita ni Cassandra si Lola Isabela sa ospital. Nag-text ito at sinabi na nakauwi na ito sa bahay. Nang Sabado ng umaga ay ginulat siya nito pagdating niya sa cafe. Buena manong costumer nila sa umaga ang ginang kasama ang caregiver nitong babae. “Lola! Ang aga n’yo, ah,” nagagalak niyang bungad dito. Kaagad niya itong nilapitan at nagmano. “Oo, talagang inagahan ko para hindi mainit. Alas-kuwatro pa lang ng umaga ay gising na ako,” anito. Umupo siya sa katabi nitong silya. “Ako rin po, maagang nagising. Naiinip ako sa bahay kaya nagpunta ako rito.” “Mabuti na lang pala at dito kami dumiretso. Gusto ko ring matikman ang mga pagkain dito.” “Nako, masasarap po ang luto ng staff namin.” “Oo nga.” Bumaba ang tingin nito sa kaniyang tiyan. Pagkuwan ay hinipo nito ang puson niya. “Eh, kumusta naman ang apo ko sa tuhod? Hindi mo sinabi sa akin na may laman na pala ito,” sabi nito. “Sorry po, Lola. Hindi ko naman balak na itago ang baby ko habang buhay sa inyo. Naghihin
agtantiya ng emosyon. Ayaw naman niyang mapano ang baby nila. May iba pa namang pagkakataon, at titiyakin niya na mas maiintindihan na siya nito. Nang wala na siyang mailuha ay ginupo naman ng galit ang kaniyang puso. He didn’t expect that Janica would do stupid things to ruin his image of Cassandra. She’s desperate, and he can’t ignore it. Sa halip na uuwi sa bahay nila, napadpad siya sa condo ni Janica kahit hindi siya sigurado na naroon ito. Nakailang pindot na siya sa doorbell ngunit walang nagbubukas. Tinawagan niya si Donie. “Yes, bro?” kaagad naman nitong sagot. “Alam mo ba kung nasaan si Janica ngayon?” may gigil niyang tanong sa kaibigan. “Uh…. she’s here in my hotel. Ayaw pa nga umuwi at nagsisimula nang uminom ng alak. Ayaw magpapigil.” Kumulo na ang dugo niya. “I’ll go there,” sabi niya, saka pinutol ang linya. Malalaki ang hakbang na bumalik siya sa kaniyang kotse at nag-drive naman papunta sa hotel ni Donie. Pagdating sa hotel ay dumiretso siya sa bar, naroon si J