Kylie Kasalukuyan akong nakatambay at nagbabasa sa hardin namin kasama ang matalik kong kaibigan na si Adrian. Aalis na kasi siya mamaya patungong ibang bansa para magbakasyon kaya naisipan niyang tumambay muna rito sa ’min. Susunduin na lang daw siya ng papa niya na si Tito Sebastian kapag paalis na sila. Ilang linggo na rin ang nakalilipas magmula ng magtapos kami ng senior high school. Kaya naman ay gusto raw muna niyang magliwaliw bago kami tumuntong ng kolehiyo sa susunod na pasukan. Ngunit nagambala ang tahimik kong pagbabasa nang bigla na lang niya akong kiniliti. Magkatabi lang kasi kami habang nakaupo sa damuhan. Dahil dito ay biglang naging alerto ang mga nagkalat naming tauhan sa paligid. Kaya naman ay mabilis ko silang sinenyasan na ayos lang ako. “Ibang klase talaga kapag anak ka ng isang mafia boss. To the rescue agad ang mga men in black!” bulong ni Adrian bago nakalolokong ngumisi. Mahina ko namang binunggo ang balikat ko sa kaniya. “Sira! Wala kasi si Papa ngayon.
Kylie Natigilan ako sa paglilinis ng hawak kong baril nang marinig ko ang biglang paghinto ng makina ng isang sasakyan. Mula sa pagkakaharap ko sa salamin ay tinungo ko ang bintana at bahagyang hinawi ang puting kurtina upang sumilip sa labas. Mariin kong ipinagdikit ang mga labi nang makita si Papa na bumaba mula sa isang kulay itim na Rolls-Royce. Ngayon lang siya nakauwi magmula noong umalis siya kagabi. Kahit hindi siya magsalita ay paniguradong may kinalaman na naman ang pinuntahan niya sa underground society. Napailing ako at muling isinara ang puting kurtina bago bumalik sa harap ng tukador. Itinago ko ang hawak na baril sa pinakaibabang drawer bago nagsimulang magbihis. Nang matapos ay namili naman ako ng susuotin kong relo. Napangiti ako nang makita ang paborito kong kulay itim na smartwatch. Mayroon itong built-in GPS tracker, camera at microphone. Agad ko itong sinuot bago ko kinuha ang backpack sa ibabaw ng kama at lumabas na ng kuwarto. Sa pagbaba ko ng hagdan ay agad
Kylie “Ano ba talaga ang totoong nangyari, Miss Aragon? Paano ka nasangkot sa away nitong dalawa?” Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakahalumbaba sa ibabaw ng mesa habang nakatingin sa kawalan. “Miss Aragon, please speak up. We need your cooperation on this issue. Or else, you’ll be punished too.” Malakas silang napasinghap nang bigla akong humikab. Mas lalo lang akong nakararamdam ng antok nang dahil sa ginagawa nilang pagtatanong. Nagsasayang lang sila ng laway at oras. “I hate explaining myself. That’s why you can do anything as you please,” I answered just to finally end the discussion. Biglang napahilot sa kaniyang sentido ang may edad ng Disciplinary Committee President nang dahil sa naging sagot ko. Nilingon ko naman ang dalawang lalaki na kaharap ko. Tinaasan ko sila ng kilay dahilan para mapaiwas sila ng tingin. “Then you leave us with no choice. You’ll be suspended as—” “Wala po siyang kasalanan. Ang totoo niyan ay umawat lang po siya sa ’ming dalawa ni Jay.” N
Kylie Naalimpungatan ako nang dahil sa init ng sinag ng araw na tumatama sa ’king mukha. Kaya naman ay bahagya muna akong tumagilid ng higa bago dahan-dahang binuksan ang aking mga mata. Ngunit bigla akong napabalikwas ng bangon nang mapansin na nandito na ako sa loob ng kuwarto ko ngayon. Nasapo ko naman ang ulo ko nang bigla itong kumirot. Nakangiwing hinilot ko ang sentido at pilit na inalala ang mga nangyari kahapon. Pero bukod sa ginawang pagtatraydor nina Arc at Vien ay may isang bagay pa na mas nangingibabaw at gumugulo sa isipan ko ngayon. Sino ang lalaking nagligtas sa ’kin? Saka paano niya ako nagawang maiuwi rito sa isang iglap lang? In the first place, how did he even know where I live? Nilingon ko ang maliit at bilugan kong orasan na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na alas-diyes na pala ng umaga. Dali-dali akong bumaba sa kama at lumabas ng kuwarto. Ni hindi ko na alintana kung ano ba ang hitsura ko at maging ang ayos n
Kylie “Ibinalita sa ’kin ni Caleb ang nangyari kahapon. Ngayon ka lang ata nagtangkang tumakas nang dahil sa isang bodyguard. Why is that? Can’t you at least give him a chance?” Natigilan ako sa akmang pagsubo bago sinamaan ng tingin si Caleb na kasalukuyang nakatayo sa dulo ng hapag kainan. As usual, his face was void of any emotion. He looks like a robot that’s being controlled, or whatever. “Ngayon lang din po ako nakakita ng bodyguard na sumbungero,” sarkastiko kong sagot. Pinunasan ni Papa ang tabi ng kaniyang labi bago uminom at tumayo. “Ayoko ng mauulit pa ’yon. Naiintindihan mo ba? If that’s your way of getting rid of him, then you’re just wasting your time,” he said in a warning tone. Aapela pa sana ako pero mabilis na niya akong tinalikuran. Agad namang sumunod sa kaniya ang ilan sa mga tauhan namin. Napakuyom ako ng kamao nang muli akong mapabaling sa direksyon ni Caleb. Pero dahil wala namang epekto ang kahit na anong himutok ko sa kaniya ay naiinis na nagpatuloy na
Caleb Kanina pa kami paikot-ikot dito sa loob ng mall. Ilang boutique na rin ang napasukan namin at hindi puwedeng lumabas si Kylie sa mga ito na walang pinamili. Kaya naman ay halos hindi ko na mabilang ang mga hawak kong paper bag sa magkabila kong kamay. Kulang na nga lang ay sabitan niya pati ang leeg ko. Pero kung iniisip ni Kylie na magagawa niya akong mapasuko nang dahil sa ginagawa niyang pagpapahirap sa ’kin ngayon ay nagkakamali siya. Carrying these paper bags is just a piece of cake for me. I can even carry a car if she wants to. “Boss, sigurado ka bang ayos ka lang? Ako ang nahihirapan sa lagay mo, eh. Kapag nakita ka pa ng ibang mga kaibigan natin sa ganyang sitwasyon ay paniguradong pagtatawanan ka ng mga ’yon.” Pinigilan ko ang sarili na mapangiti nang dahil sa sinabi ng kanang kamay at matalik kong kaibigan na si Brent, mula sa earpiece na suot ko. “No worries. Dahil sisiguraduhin ko na sa pagitan naming dalawa ay siya ang unang susuko at mapapagod,” paniniguro ko
Caleb Malalim na ang gabi nang maisipan kong maglibot muna sa labas ng mansyon. Tinanguan ko lang ang mga nagkalat na tauhan sa paligid habang masuring nagmamatyag. May kanya-kanya silang oras ng pagbabantay upang masiguro na walang makakapuslit na kalaban sa loob ng mansyon, o hindi naman kaya ay maagapan agad ang anumang klase ng karahasan na maaaring maganap. Kahit ang security room ay hindi puwedeng mabakante. Kailangan ay palaging mayroong naka-monitor sa CCTV cameras buong araw. Nang masiguro kong maayos naman ang ginagawa nilang pagbabantay at wala namang kakaiba sa mga ikinikilos nila ay bumalik na ako sa loob ng mansyon at umakyat ng hagdan. Tinatahak ko ngayon ang daan patungo sa kuwarto ni Kylie nang biglang tumunog ang phone ko. Tumigil muna ako sa balkonahe bago kinuha ang phone ko mula sa bulsa. Agad ko itong sinagot nang makita na si Brent ang tumatawag. “What is it?” Napasandal ako sa pader at tumanaw sa labas. “I forgot to tell you that she was still investigatin
Kylie Pagkatapos ng nangyari kanina ay nagkulong na lang ako sa loob ng kuwarto ko. Magkahalong inis at hiya kasi ang nararamdaman ko ngayon. Paniguradong pinagtatawanan na ako ng magaling kong bodyguard dahil isang ipis lang pala ang magpapasindak sa ’kin. What can I do? I really hate those flying and crawling insects. Siguro naman kahit gaano pa katapang at kalakas ang isang tao ay mayroon pa rin silang mga bagay na kinatatakutan. After all, we’re just humans. Mula sa pagkakahiga at pagkakatitig ko sa kisame ay kinapa ko ang phone ko sa ibabaw ng bedside table. I decided to check my social media accounts. Hindi na kasi ako masyadong updated sa mga kaganapan sa paligid ko. Pero agad na bumungad sa ’kin ang isang post na tungkol na naman sa isang babae na natagpuang patay at tila inatake ng mabangis na hayop nang dahil sa kagat nito sa bandang leeg. Muling nangyari ang krimen dito lang sa lugar namin. Not that I want the killer to do his killing spree somewhere else. But what’s w