Share

Kabanata 1

Author: snowqueencel
last update Last Updated: 2022-08-06 09:37:47

Kylie

Natigilan ako sa paglilinis ng hawak kong baril nang marinig ko ang biglang paghinto ng makina ng isang sasakyan. Mula sa pagkakaharap ko sa salamin ay tinungo ko ang bintana at bahagyang hinawi ang puting kurtina upang sumilip sa labas.

Mariin kong ipinagdikit ang mga labi nang makita si Papa na bumaba mula sa isang kulay itim na Rolls-Royce. Ngayon lang siya nakauwi magmula noong umalis siya kagabi. Kahit hindi siya magsalita ay paniguradong may kinalaman na naman ang pinuntahan niya sa underground society.

Napailing ako at muling isinara ang puting kurtina bago bumalik sa harap ng tukador. Itinago ko ang hawak na baril sa pinakaibabang drawer bago nagsimulang magbihis. Nang matapos ay namili naman ako ng susuotin kong relo. Napangiti ako nang makita ang paborito kong kulay itim na smartwatch. Mayroon itong built-in GPS tracker, camera at microphone. Agad ko itong sinuot bago ko kinuha ang backpack sa ibabaw ng kama at lumabas na ng kuwarto.

Sa pagbaba ko ng hagdan ay agad akong dumiretso sa hapag kainan. Doon ay naabutan ko si Papa na kasalukuyang kumakain na ng almusal.

“Papasok na po ako,” paalam ko sa kaniya.

Uminom muna siya sa tasa na naglalaman ng kape bago nagsalita.

“You take care. Call me if something happens,” he casually said without even looking at me.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng dala kong backpack. Sa isang iglap ay para bang may nagising na damdamin ang mga salita niyang ’yon sa kaloob-looban ko.

“Hindi pa po ata nangyari na nasa tabi ko kayo sa tuwing may nangyayaring masama sa ’kin,” hindi ko napigilang akusa sa kaniya.

Natigilan naman siya bago nag-angat ng tingin sa ’kin. Pinigilan ko ang pagbangon ng konsensyang naramdaman nang makita ang tila pagod na niyang mukha.

“You don’t use that kind of tone to me, young lady,” he said in a menacing tone.

Napaiwas na lang ako ng tingin habang pinananatiling walang emosyon ang aking mukha.

“I’ll go ahead,” I repeated. All I want right now is for this little conversation to come to an end.

Hindi ko na siya hinintay na umimik pa at dali-dali na akong tumalikod para umalis. Walang ibang ingay na maririnig sa paligid kung hindi ang tunog lamang na nagmumula sa suot kong boots nang dahil sa bigat ng bawat paghakbang ko. Pero hindi ito kasing bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Sa paglabas ko ng mansyon ay agad akong sinalubong ng dalawa kong personal na bodyguard.

“Good morning, Young Miss,” nakayuko at magalang na bati nina Vien at Arc. Matanda lamang sila ng tatlong taon sa ’kin.

Hindi ako umimik. Tinanguan ko lang sila bago ako diretsong pumasok sa loob ng nakabukas ng sasakyan. Agad na isinandal ko naman ang ulo sa headrest. Papasok pa lang ako pero ang pagod na nararamdaman ko ay pauwi na.

“Didiretso na po ba tayo sa university?” tanong ni Vien na siyang magmamaneho.

Naiiling na tumingin ako sa labas. “Wag muna.”

“Masusunod po.”

Ilang sandali pa ay pinasibad na niya paalis ang kotse. Alam naman niya kung saang lugar ko muna gustong pumunta.

“Ayan na ba ang ipinabili ko?” tanong ko kay Arc nang mapansin ang bungkos ng kulay pulang rosas na hawak niya.

“Opo, Young Miss.”

Malalim akong napabuntonghininga. “Okay.”

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa Paradise Memorial Park. Dumiretso kami sa pinakadulo nito bago tuluyang huminto.

Sa pagbaba ko ng kotse ay agad na inabot sa ’kin ni Arc ang hawak na bulaklak.

Pinaglipat ko naman ang tingin sa kanilang dalawa. “Dito lang kayo,” mariin kong bilin.

Napatungo naman sila. “Masusunod po.”

Naglakad na ako palayo sa kanila bago tumigil sa harap ng magkatabing lapida kung saan ay nakaukit ang pangalan ng matalik kong kaibigan at kaniyang ama.

Dahan-dahan akong lumuhod at ibinaba ang bungkos ng bulaklak sa pagitan ng dalawang lapida. Mas lalong bumigat ang kalooban ko nang muli kong maalala ang isang mapait na pangyayari mahigit tatlong taon na ang nakararaan.

Nagkaroon agad ako ng malay noong araw rin na ’yon. Ngunit ang bumungad sa ’king paningin ay ang pamilyar na kulay puting kuwarto ng hospital. Kahit alam kong imposible ay umasa pa rin ako noon na kahit papaano ay nagawang makaligtas ng mag-ama sa trahedyang kinasadlakan nila nang dahil sa ’kin.

But they are declared dead on arrival, according to what Papa has told me.

Ikinuyom ko ang kamao. Sakto lang daw ang naging dating ni Papa noon kasama ang iba pa sa mga tauhan namin kaya kahit papaano ay nailigtas pa ako.

Pero ng tanungin ko siya tungkol sa lalaking nakamaskara na bumaril sa mag-ama ay wala naman daw silang naabutan na nakasuot ng maskara sa mga kalaban na lubos kong ipinagtaka. Nasisiguro ko na hindi naman niya aalisin ’yon para protektahan ang pagkakakilanlan niya.

Ngunit paano niya nagawang makaalis nang ganoon kabilis?

Pakiramdam ko ay mas lalong nanakit ang ulo ko nang muli ko na namang maisip ang tungkol sa kriminal na ’yon. Ilang taon na ang nakalilipas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nabibigyan ng hustisya ang nangyari kina Adrian at Tito Seb. Lingid sa kaalaman ni Papa ay gumagawa ako ng sarili kong imbestigasyon tungkol sa nangyari.

Sa pagkakaalam ko ay nabuwag na ni Papa ang grupo na umatake sa mansyon noon at nagawa na nilang patayin ang namumuno rito. Pero dahil wala akong kahit na anong impormasyon tungkol sa lalaking bumaril kina Adrian at Tito Seb ay hindi ako puwedeng makampante na kasama siya sa mga naidispatsa na ng mga tauhan namin. Dahil baka mamaya ay pakalat-kalat pa rin siya sa paligid at naghahanap lang ng tamang tiyempo upang muling umatake.

Alam kong mistula akong bulag na kumakapa sa dilim. Pero balang araw ay malalaman ko rin ang pagkakakilanlan ng lalaking ’yon. Sa ngayon ang mga bagay na alam ko lang tungkol sa kaniya ay ang kaniyang kulay tsokolate na mga mata na bigla na lamang namula at pamilyar na tinig. Tila sirang plaka na paulit-ulit ko itong naririnig maging sa panaginip ko nitong mga nakalipas na taon.

Sa totoo lang ay hindi kasama sa pangarap ko na pamunuan ang Aragon Mafia. Pero kung ito lang ang tanging paraan para maipaghiganti ko ang nangyari kina Adrian ay gagawin ko. Hindi ako sumailalim sa masusing pagsasanay ng ilang taon para lang sa wala. Ang mahinhin na ako ay tuluyan ng naglaho magmula noong araw na ’yon.

Napayakap ako sa sarili ko nang biglang lumakas ang ihip ng hangin. Hanggang sa natigilan ako at marahas na nagpalinga-linga sa paligid. Pakiramdam ko kasi ay mayroong nagmamasid sa ’kin.

Ngunit tanging sina Vien at Arc lang ang nakita ko na pawang alertong nakabantay. May iilan pa kaming mga tauhan na alam kong nakasunod sa ’min ayon na rin sa utos ni Papa. Pero mayroon silang sapat na distansya dahil mas lalo lang akong nakakaramdam ng iritasyon sa dami ng nakabuntot sa ’kin.

Magmula pa naman noon ay hindi ko na talaga gusto ang magkaroon ng bodyguard. Mas lalo naman ngayon na kaya ko ng protektahan ang sarili ko.

Pero hindi naman nakikinig sa ’kin si Papa. Kaya sa bandang huli ay ako na lang ang sumuko. Nakakapagod na rin kasi na makipagtalo pa sa kanya.

Muling bumaba ang tingin ko sa dalawang lapida sa harapan ko. Masuyo kong hinaplos ang mga letra na nakaukit doon kasabay ng pagpatak ng luha sa ’king mga mata na kanina ko pa pilit na pinipigilan.

“It may take a little longer, but I swear that justice will be served for what happened to both of you. I promise.”

***

Mabilis akong umibis ng sasakyan pagkagarahe nito ni Vien sa parking lot ng university. Wala naman akong pakielam sa kung ano ang sasabihin ng iba. Pero hangga’t maaari ay ayokong nakakakuha ng atensyon.

“Dito lang kayo o kaya naman ay pumunta muna kayo sa kung saan n’yo man gusto. Basta wag n’yo lang akong susundan,” paalala ko sa kanila nang may pagbabantang tingin.

Hindi naman na kasi ako elementary o high school student para bantayan pa nila ang bawat kilos ko. I’m a graduating college student, for mafia’s sake!

Bakas ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mukha pero napatango rin sila.

“Good.”

Iniwan ko na sila at nagsimula na akong maglakad patungo sa Business Administration building. Ramdam ko na napapatingin ang bawat taong nadaraanan ko sa ’kin pero wala akong pinag-ukulan ng atensyon ni isa sa kanila. Kapag ganitong nasa labas ako ay hindi ako tumitingin sa kahit na sino.

Magmula ng mangyari ang malagim na insidenteng ’yon ay hindi na ako nagtangka na makipagkaibigan o makipaglapit pa sa kung sino. Ayoko kasing may iba na namang madamay nang dahil sa gulo ng mundong ginagalawan ko.

Malayo pa lang ako sa lecture room namin ay rinig ko na ang malakas at nagkakatuwaang boses ng mga kaklase ko. Ngunit sa pagpasok ko ng pinto nito ay bigla silang nanahimik nang mapalingon sa direksyon ko na para bang may anghel na dumating.

Too bad; I’m far from being an angel.

Taas noong naglakad ako papasok at dumiretso sa dulo. Pagkaupo ay agad na isinalampak ko ang earphones sa magkabila kong tainga at pumikit.

Wala naman talaga akong pinapakinggan na musika. Sadyang ayoko lang na istorbohin nila ako.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang unang professor namin para sa araw na ’to. Pero dumaan lang ang naging klase namin na halos makatulog ako. Wala pa naman kasing masyadong pinag-usapan at ginawa dahil unang araw pa lang naman ng klase.

Ngunit magmula ng mangyari ang insidenteng ’yon ay aminado akong nawalan na ako ng gana mag-aral. Napalitan ng baril ang dati ay hawak kong mga libro. Nababad ang oras ko sa pag-eensayo na rati kong inilalaan para sana sa pagre-review.

Kaya hindi ko alam kung paanong nagagawa ko pa ring manguna sa klase sa kabila ng lahat ng ’yon. O baka naman sadyang may kakayahan lang ako na maintindihan agad ang mga salita na naririnig ko kahit hindi ko ito gaanong binibigyan ng atensyon hanggang sa tumambay na ito sa utak ko.

“Narinig mo ba ang tungkol sa nangyaring insidente sa bayan kagabi? Balita ko ay may nakita raw na bangkay ng isang babae na para bang inatake ng isang mabangis na hayop.”

Napakunot noo ako nang marinig ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko na katapat ko lang. Break time namin ngayon kaya balik sa pagkukuwentuhan ang mga kaklase ko. Dalawa lang ang subject namin ngayong araw at mamaya pa naman ang isa.

Hindi ko alam kung bakit pero nakuha ng pinag-uusapan nila ngayon ang interes ko.

“Oo nga! Ang nakakaloka pa roon ay marami raw itong sugat at may kagat pa sa leeg. Halos maubusan nga raw ng dugo, eh,” sagot ng isa pa.

Napaayos ako ng upo. Sa totoo lang ay aware naman ako sa tila sunod-sunod na insidente ng mga kababaihan na bigla na lang nawawala at natatagpuan na lang na patay rito sa lugar namin. Pero ngayon ko lang narinig ang buong detalye tungkol dito.

“Nakakatakot na talaga ang panahon ngayon! Nang dahil tuloy sa mga nangyayari ay paniguradong maghihigpit lalo sa ’kin sila mama. Mahihirapan na naman akong magpaalam para gumala nito.” Napalabi pa ang babaeng mismong katapat ko.

“Kaya nga, eh.”

Tinaasan ko sila ng kilay. Akala ko pa naman ay natatakot sila dahil mismo sa nangyayari. Mas takot pala sila na hindi mapayagang lumabas.

What a brat!

“Pero ang sabi ng matatanda ay baka aswang daw ang may gawa no’n,” dagdag ng isa pa.

Nagsalubong ang kilay ng kausap niya. Hindi kasi ako pamilyar sa pangalan ng mga kaklase ko.

“Seryoso ba?”

Napapikit ako at nagkunwaring hindi nakikinig sa anumang pinag-uusapn nila. Hindi ako naniniwala sa mga aswang o ano pa man. Pero hindi ko rin maiwasan ang mapaisip.

Kailan pa nagkaroon ng mabangis na hayop sa lugar namin?

Kung totoo man ’yon ay wala akong panahon para sa bagay na ’yon ngayon. May isang tao akong kailangan hanapin. Saka ko na lang iisipin ang tungkol sa mga kakaibang pangyayari nitong mga nakaraang araw.

Sa totoo lang ay tinanong ko rin si Papa tungkol sa bagay na ’yon para makasiguro. Pero wala raw siyang alam sa insidenteng sunod-sunod na nagaganap sa lugar namin.

Sabagay, bilib na ako kung may kakayahan din silang paamuhin at gawing tauhan ang isang mabangis na hayop.

Abala ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang matigil sila sa pag-uusap at biglang magtilian. Agad na iminulat ko ang mga mata para alamin ang nangyayari.

Napansin kong nakasilip silang lahat sa pinto at bintana. Hindi ko naman ugaling makiusyoso. Ngunit dala ng kuryosidad ay napatayo ako para makitingin na rin. Napairap na lang ako nang makita ang dalawang kaklase naming lalaki na nagsusuntukan sa labas. Away bata lang pala.

Wala sana akong balak na mangielam. Pero rinding-rindi na ako sa tilian ng mga kaklase kong babae na pinipilit naman ang mga kalalakihan para pigilan ang dalawa. Ngunit tila wala naman silang naririnig at nag-e-enjoy pa silang panoorin na mag-away ang dalawa kong kaklase.

Kaya naman ay walang pagdadalawang isip na pumasok ako sa eksena. Akmang susuntukin na naman nila ang bawat isa nang sabay kong sanggain ang magkabila nilang kamao.

Biglang tumahimik ang paligid. Maging sila ay gulat na napatitig sa ’kin.

Nang makabawi sa pagkakabigla ay akmang iaamba pa ng isa ang kabila niyang kamao. Pero mabilis na sinipa ko ang tuhod niya dahilan para mapaluhod siya. Bumakas naman ang takot sa mukha ng kalaban niya at bigla itong napaatras.

Tapos ang problema.

Natigilan lang ako nang marinig ang isang tila dumadagundong na boses.

“Anong nangyayari rito?” tanong ng sa tingin ko ay professor din dito sa university habang inaayos ang suot niyang salamin pagkalapit sa ’min.

Pagkakita niya sa ’ming tatlo ay biglang naningkit ang kantyang mga mata.

“To the discipline office, now!”

Tila naluging sumunod naman ang dalawang lalaki na nag-aaway kanina at nagbalikan na sa kanya-kanyang classroom ang iba pa. Pabalik na rin sana ako nang bigla niya akong tawagin.

“You, young lady, you need to go as well!”

Hindi makapaniwalang napalingon ako sa kaniya.

What the fuck?

Akmang aangal pa ako nang may kung anong bigla na lang na bumundol sa likod ko. Kung tutuusin ay simpleng pagkakabunggo lang ’yon pero halos mawalan ako ng balanse nang dahil sa lakas ng puwersa na nakapaloob doon.

Napasinghap ako at marahas na nilingon ang may gawa no’n. Pero tila naumid ang dila ko nang bumungad sa ’king paningin ang isang matangkad na lalaki. Hindi ko gaanong makita ang kaniyang mukha dahil bukod sa nakatungo siya ay nakasuot pa siya ng sombrero.

“Sorry,” he said in a low, deep voice that made me shiver, then walked past me.

Before I could even utter a word, he was no longer around. Just who the hell is that guy?

Related chapters

  • Dangerous Temptation   Kabanata 2

    Kylie “Ano ba talaga ang totoong nangyari, Miss Aragon? Paano ka nasangkot sa away nitong dalawa?” Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakahalumbaba sa ibabaw ng mesa habang nakatingin sa kawalan. “Miss Aragon, please speak up. We need your cooperation on this issue. Or else, you’ll be punished too.” Malakas silang napasinghap nang bigla akong humikab. Mas lalo lang akong nakararamdam ng antok nang dahil sa ginagawa nilang pagtatanong. Nagsasayang lang sila ng laway at oras. “I hate explaining myself. That’s why you can do anything as you please,” I answered just to finally end the discussion. Biglang napahilot sa kaniyang sentido ang may edad ng Disciplinary Committee President nang dahil sa naging sagot ko. Nilingon ko naman ang dalawang lalaki na kaharap ko. Tinaasan ko sila ng kilay dahilan para mapaiwas sila ng tingin. “Then you leave us with no choice. You’ll be suspended as—” “Wala po siyang kasalanan. Ang totoo niyan ay umawat lang po siya sa ’ming dalawa ni Jay.” N

    Last Updated : 2022-08-07
  • Dangerous Temptation   Kabanata 3

    Kylie Naalimpungatan ako nang dahil sa init ng sinag ng araw na tumatama sa ’king mukha. Kaya naman ay bahagya muna akong tumagilid ng higa bago dahan-dahang binuksan ang aking mga mata. Ngunit bigla akong napabalikwas ng bangon nang mapansin na nandito na ako sa loob ng kuwarto ko ngayon. Nasapo ko naman ang ulo ko nang bigla itong kumirot. Nakangiwing hinilot ko ang sentido at pilit na inalala ang mga nangyari kahapon. Pero bukod sa ginawang pagtatraydor nina Arc at Vien ay may isang bagay pa na mas nangingibabaw at gumugulo sa isipan ko ngayon. Sino ang lalaking nagligtas sa ’kin? Saka paano niya ako nagawang maiuwi rito sa isang iglap lang? In the first place, how did he even know where I live? Nilingon ko ang maliit at bilugan kong orasan na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na alas-diyes na pala ng umaga. Dali-dali akong bumaba sa kama at lumabas ng kuwarto. Ni hindi ko na alintana kung ano ba ang hitsura ko at maging ang ayos n

    Last Updated : 2022-08-21
  • Dangerous Temptation   Kabanata 4

    Kylie “Ibinalita sa ’kin ni Caleb ang nangyari kahapon. Ngayon ka lang ata nagtangkang tumakas nang dahil sa isang bodyguard. Why is that? Can’t you at least give him a chance?” Natigilan ako sa akmang pagsubo bago sinamaan ng tingin si Caleb na kasalukuyang nakatayo sa dulo ng hapag kainan. As usual, his face was void of any emotion. He looks like a robot that’s being controlled, or whatever. “Ngayon lang din po ako nakakita ng bodyguard na sumbungero,” sarkastiko kong sagot. Pinunasan ni Papa ang tabi ng kaniyang labi bago uminom at tumayo. “Ayoko ng mauulit pa ’yon. Naiintindihan mo ba? If that’s your way of getting rid of him, then you’re just wasting your time,” he said in a warning tone. Aapela pa sana ako pero mabilis na niya akong tinalikuran. Agad namang sumunod sa kaniya ang ilan sa mga tauhan namin. Napakuyom ako ng kamao nang muli akong mapabaling sa direksyon ni Caleb. Pero dahil wala namang epekto ang kahit na anong himutok ko sa kaniya ay naiinis na nagpatuloy na

    Last Updated : 2022-09-04
  • Dangerous Temptation   Kabanata 5

    Caleb Kanina pa kami paikot-ikot dito sa loob ng mall. Ilang boutique na rin ang napasukan namin at hindi puwedeng lumabas si Kylie sa mga ito na walang pinamili. Kaya naman ay halos hindi ko na mabilang ang mga hawak kong paper bag sa magkabila kong kamay. Kulang na nga lang ay sabitan niya pati ang leeg ko. Pero kung iniisip ni Kylie na magagawa niya akong mapasuko nang dahil sa ginagawa niyang pagpapahirap sa ’kin ngayon ay nagkakamali siya. Carrying these paper bags is just a piece of cake for me. I can even carry a car if she wants to. “Boss, sigurado ka bang ayos ka lang? Ako ang nahihirapan sa lagay mo, eh. Kapag nakita ka pa ng ibang mga kaibigan natin sa ganyang sitwasyon ay paniguradong pagtatawanan ka ng mga ’yon.” Pinigilan ko ang sarili na mapangiti nang dahil sa sinabi ng kanang kamay at matalik kong kaibigan na si Brent, mula sa earpiece na suot ko. “No worries. Dahil sisiguraduhin ko na sa pagitan naming dalawa ay siya ang unang susuko at mapapagod,” paniniguro ko

    Last Updated : 2022-10-18
  • Dangerous Temptation   Kabanata 6

    Caleb Malalim na ang gabi nang maisipan kong maglibot muna sa labas ng mansyon. Tinanguan ko lang ang mga nagkalat na tauhan sa paligid habang masuring nagmamatyag. May kanya-kanya silang oras ng pagbabantay upang masiguro na walang makakapuslit na kalaban sa loob ng mansyon, o hindi naman kaya ay maagapan agad ang anumang klase ng karahasan na maaaring maganap. Kahit ang security room ay hindi puwedeng mabakante. Kailangan ay palaging mayroong naka-monitor sa CCTV cameras buong araw. Nang masiguro kong maayos naman ang ginagawa nilang pagbabantay at wala namang kakaiba sa mga ikinikilos nila ay bumalik na ako sa loob ng mansyon at umakyat ng hagdan. Tinatahak ko ngayon ang daan patungo sa kuwarto ni Kylie nang biglang tumunog ang phone ko. Tumigil muna ako sa balkonahe bago kinuha ang phone ko mula sa bulsa. Agad ko itong sinagot nang makita na si Brent ang tumatawag. “What is it?” Napasandal ako sa pader at tumanaw sa labas. “I forgot to tell you that she was still investigatin

    Last Updated : 2022-10-29
  • Dangerous Temptation   Kabanata 7

    Kylie Pagkatapos ng nangyari kanina ay nagkulong na lang ako sa loob ng kuwarto ko. Magkahalong inis at hiya kasi ang nararamdaman ko ngayon. Paniguradong pinagtatawanan na ako ng magaling kong bodyguard dahil isang ipis lang pala ang magpapasindak sa ’kin. What can I do? I really hate those flying and crawling insects. Siguro naman kahit gaano pa katapang at kalakas ang isang tao ay mayroon pa rin silang mga bagay na kinatatakutan. After all, we’re just humans. Mula sa pagkakahiga at pagkakatitig ko sa kisame ay kinapa ko ang phone ko sa ibabaw ng bedside table. I decided to check my social media accounts. Hindi na kasi ako masyadong updated sa mga kaganapan sa paligid ko. Pero agad na bumungad sa ’kin ang isang post na tungkol na naman sa isang babae na natagpuang patay at tila inatake ng mabangis na hayop nang dahil sa kagat nito sa bandang leeg. Muling nangyari ang krimen dito lang sa lugar namin. Not that I want the killer to do his killing spree somewhere else. But what’s w

    Last Updated : 2022-11-13
  • Dangerous Temptation   Kabanata 8

    Kylie Naalimpungatan ako nang dahil sa dalawang pamilyar na boses na naririnig kong nag-uusap at nagtatalo base na rin sa tono ng kanilang pananalita. Dahil dito ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin na nandito na ako sa loob ng kuwarto ko. What the hell happened? Hanggang sa tumuon ang mga mata ko sa nakabukas na balkonahe ng kuwarto ko. Doon ay namataan ko si Papa na kausap si Caleb. Parehong seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha na mayroon ding bahid ng pag-aalala. “Pa...” mahinang tawag ko kay Papa. Halos pabulong lang ’yon kaya alam kong hindi niya maririnig. Tila hinang-hina kasi ako sa hindi ko malaman na kadahilanan. Ngunit sa pagtataka ko ay marahas na lumingon si Caleb sa direksyon ko dahilan para malipat din sa ’kin ang atensyon ni Papa. Dali-dali naman nila akong nilapitan. “Kumusta na ang pakiramdam mo, anak?” nag-aalalang tanong ni Papa bago mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

    Last Updated : 2022-12-04
  • Dangerous Temptation   Kabanata 9

    Kylie Hindi ko magawang kumilos mula sa kinapupuwestuhan ko. Tulala lang akong nakatingin kay Caleb habang nakikipagpalitan siya ng putok ng baril sa kung sino man na nakatago mula sa balkonahe. Where the hell did his gun come from, anyway? Ni hindi ko man lang napansin ’yon kanina habang nag-uusap kami. “Let’s get out of here. I need to secure your safety first. Masyadong open ang area na ’to.” Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan. Hanggang sa bigla na lang akong nakaramdam ng hilo dahil tila tinatangay kami ng malakas na hangin patungo sa kung saan. Ngunit napaawang na lang ang bibig ko nang sa wakas ay tumigil na kami. Nilibot ko ang tingin sa paligid at doon ko napagtanto na nasa sala na pala kami ng mansyon. Sa pagkakataong ’yon ay narinig ko na rin ang pakikipagpalitan ng putok ng mga tauhan namin sa labas maging ang malakas na pagtunog ng system alarm sa buong mansyon. Pero bukod sa pagkakakilanlan ng kung sino man na umaatake sa ’min ngayon ay may isang ba

    Last Updated : 2023-01-20

Latest chapter

  • Dangerous Temptation   Kabanata 19

    Caleb “You’re so mean! Why can’t I go?” Palabas na kami sa mansyon nang biglang humabol sa ’min ang magaling kong kapatid. Halos hindi maipinta ang mukha niya nang dahil sa pagkakabusangot. “Because I said so.” I patted her head. “No worries. You can come tomorrow though,” I assured her. Sa pagkakataong ’yon ay biglang sumilay ang malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. “Alright. I’ll just go to the company then.” “She’s really energetic.” Kylie shrugged. “It can’t be helped. Despite her age, she’s still my little sister for me.” Nauna na kaming umalis kay Caitlin dahil mag-aasikaso pa siya. Pagkarating namin sa university ay agad kaming sinalubong nang maingay at magulo pa ring paligid pagkababa namin sa kotse. “Don’t you dare try to play any more of the games. Lalo na kung hindi mo naman kukunin ang premyo at itatambak mo lang sa ’kin,” Kylie warned as we started walking. “Alright. So what should we do now here? Tutunganga maghapon?” I can’t help but to be sarcastic. Napaira

  • Dangerous Temptation   Kabanata 18

    Kylie Foundation week na. Pero heto ako at nakatambay lang sa isang tabi. I’m really bored to death. Gustuhin ko mang manatili na lang sa mansyon ay hindi rin naman matatahimik ang mundo ko dahil nandoon si Caitlin. Paniguradong kukulitin niya lang ako para mag-practice. Ang energetic pa naman masyado ng babaeng ’yon. Malayong-malayo ang ugali niya sa kuya niya. Sa Friday pa ang schedule ng pageant. Pero sana ay nauna na lang ’yon para tapos na agad. “Coffee?” Napaangat ako ng tingin kay Caleb bago lumipat ang atensyon ko sa hawak niyang styro cup na naglalaman ng kape at kinuha ’yon. “Thanks.” Mula sa pagkakatayo ay tumabi siya sa ’kin ng upo. Hinayaan ko na lang ito dahil wala rin namang mangyayari kahit ipagtabuyan ko pa siya. Isa pa ay pagod na rin akong makipagtalo sa kanilang magkapatid. “Handa ka na ba sa Friday?” tanong niya bago sumimsim ng kape. It’s really weird to see a vampire drinking coffee. Napasimangot ako. “Wag mo akong simulan ng pang-aasar.” He looked at me

  • Dangerous Temptation   Kabanata 17

    Caleb “Kylie, gumising ka na raw sabi ni Mr. Aragon. Handa na ang almusal,” malakas kong tawag mula sa labas ng pinto pagkatapos kong kumatok. Ilang minuto rin akong naghintay ngunit wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya. “I’ll come in,” wika ko bago dahan-dahang binuksan ang pinto. There, I saw her still sleeping peacefully. Palibhasa kasi ay late na rin siyang natulog kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay madaling araw na rin ’yon. Unti-unti akong naglakad palapit sa kaniya. Bahagyang nakababa ang kumot na tumatakip sa kaniyang katawan at halos nasa gilid na siya ng kama. Marahan akong napailing habang nakapamulsa. “Ang likot mo pa ring matulog.” Hindi ko napigilan ang sarili na mapatitig sa kaniyang maamong mukha. Sa isang iglap ay nakalimutan ko ang dahilan ng pagpasok ko rito. “I guess there are some things that still don’t change no matter how many years have passed.” Ilang minuto na rin akong nakatayo rito at pinagsasawa ang sarili na titigan ang mukha ni Kylie per

  • Dangerous Temptation   Kabanata 16

    Kylie Everyone is busy. Foundation week na kasi ng university sa susunod na linggo. Kaya naman ay aligaga na sa pag-aasikaso ang iba’t ibang organisasyon at clubs ngayon para sa kanya-kanya nilang pakulo. Well, not me. I’m not really interested in such events. I’d rather sleep all day than participate with them. “Aren’t you going to join the event?” Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang nakahalumbaba. Para bigyang daan ang ginagawang preparasyon ay wala kaming gaanong klase buong linggo. Nag-iwan lang ng take home activity ang mga professor namin. Pero nang dahil sa sobrang bored ko ay natapos at naipasa ko rin naman agad ang mga ito. “No. Wala ako sa mood saka hindi ako interesado.” Hindi ko nilingon si Caleb. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin siya kayang harapin. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay paulit-ulit kong naririnig ang tanong niya sa ’kin noong gabing ’yon. Will you get mad if I kiss you right here? My lips thinned from irritation. Ang akala ko ba ay ma

  • Dangerous Temptation   Kabanata 15

    Kylie Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga natuklasan. Akala ko ay sa mga palabas lang posible ang ganoong klase ng mga pangyayari. But the fact that Caleb is already 425 years old and has even taken a number of degree programs in different countries keeps bugging me. It sure is nice to do everything because you have unlimited time in this world. But at the same time, I bet it makes him sad too. “My father is friends with your parents, right? Where are they now?” I asked curiously as I checked his old CDs and DVDs. He has some cassette tapes too. But I frowned when I saw a vinyl record player on the other side. It really feels so old. “They’re dead already.” Akmang aabutin ko ang naturang record player nang bigla akong matigilan nang dahil sa naging sagot niya. “Oh. I’m sorry to hear that.” Malungkot akong napaharap sa kaniya. He shrugged. “It’s okay. After all, they have lived for a thousand years already.” Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. “

  • Dangerous Temptation   Kabanata 14

    Caleb Kasalukuyan kaming nagkakape ni Mr. Aragon at nag-uusap tungkol sa negosyo rito sa hardin nang biglang dumating si Kylie at malakas na hinampas ang ibabaw ng bilugang mesa. Pinigilan ko naman ang pagsupil ng ngiti sa ’king mga labi dahil may ideya na ako sa dahilan ng paghuhuramentado niya. After all, I was the one who instructed Brent—also known as Arlo to her—to provide that information about me. “What the hell, Kylie? Anong problema?” gulat na tanong ni Mr. Aragon sa anak. Muntik pa niyang mabitiwan ang hawak na tasa pero mabilis ko naman itong naalalayan. “Anong problema, Pa?” Mula sa gilid ng aking mata ay napansin ko ang pagturo niya sa ’kin. “Itong bampirang ’to ang problema ko!” Lumalim naman ang gatla sa noo ni Mr. Aragon. “What is it this time, hija?” “Pa! Since you have been friends with his family, just like you told me before, I guess you already know that Caleb is the CEO of Valiente Investments Corporation. How come the CEO of the top company in our country ag

  • Dangerous Temptation   Kabanata 13

    Kylie “There you are! How many times do I have to tell you that you cannot escape from me?” Natigilan ako sa pagsusulat at napasimangot na lang ako nang marinig ang boses ni Caleb. Kasalukuyan akong nasa rooftop ng college building namin dahil mayroon akong tinatapos na activity na kailangan din naming ipasa mamaya bago mag-uwian. Naririndi kasi ako sa ingay ng mga kaklase ko kaya naman ay naisipan kong dito na lang gumawa. I also tried to use the opportunity when my classmates blocked Caleb’s way to escape from him again. But I guess I could never run away from him. “I just want to be alone and at peace. Mahirap bang intindihin at ibigay ’yon? Can’t you just leave me alone once and for all?” ani ko sa naiiritang boses. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mabibigat niyang yabag patungo sa direksyon ko. Hanggang sa tuluyang nalipat ang atensyon ko mula sa librong hawak patungo sa itim niyang sapatos na nakatigil ngayon sa harap ko. “You can still be at peace even if I’m around. I’m

  • Dangerous Temptation   Kabanata 12

    Kylie Nanulis ang nguso ko habang nakapila. Kanina pa kasi ako nangangalay sa pagtayo at gustong-gusto ko na talagang bumalik sa lecture room namin. Isa pa ay rinding-rindi na rin ako sa kaliwa’t kanang tsismisan na naririnig ko sa paligid. But the fact that Caleb is standing just a few inches away is what’s stopping me. Hindi ko naman ugali na dumalo sa flag ceremony kahit pa tuwing Lunes lang naman ito ginaganap. Ngunit mapilit si Caleb. And what I hate the most is that my strength is nothing compared to his. Kaya naman ay hindi na lang ako umangal pa. Nakakaubos kasi ng enerhiya ang makipag-usap sa kaniya. “Sino kaya ang bagong Student Council President natin, no? I’m really excited!” Parang mga bata na napabungisngis ang dalawang kaklase kong babae na nakapila sa harap ko. I rolled my eyes. What’s so exciting about the Student Council thing? Kung sinu-sino nga lang ang binoto ko noong eleksyon dahil wala naman akong kilala sa kanila. Kung hindi lang talaga required ay hindi ko

  • Dangerous Temptation   Kabanata 11

    Caleb Kinuha ko ang tissue na iniabot sa ’kin ni Brent upang punasan ang gilid ng aking bibig na puno ng dugo. Basta-basta na lang talaga kung sumulpot ang lalaking ’to. “Dispose of them properly.” Turo ko sa tatlong kambing na nakahandusay sa lupa at wala ng buhay. Kahit papaano ay muli namang nanumbalik ang lakas ko. “Sigurado ka ba na sapat na ang nainom mong dugo sa mga ’yan? Puwede ko namang kontakin ang tauhan natin na nagtatrabaho sa blood bank para mabigyan ka ng dugo ng tao,” suhestiyon niya. Walang emosyon ko siyang nilingon dahilan para mapatikhim siya. “Ilang beses ko bang sasabihin sa ’yo na hangga’t maaari ay ayokong uminom ng dugo ng tao?” pagpapaalala ko sa kanya. Marahan siyang napailing. “I know. Pero baka manghina ka naman ng tuluyan kung aasa ka lang sa dugo ng hayop o kaya sa blood tablet.” Napaayos siya ng tayo. “Hindi ka katulad ng mga ordinaryong bampira, Caleb. The power you have needs a strong support system as well.” Itinapon ko sa isang tabi ang tissu

DMCA.com Protection Status