Kylie
Naalimpungatan ako nang dahil sa init ng sinag ng araw na tumatama sa ’king mukha. Kaya naman ay bahagya muna akong tumagilid ng higa bago dahan-dahang binuksan ang aking mga mata. Ngunit bigla akong napabalikwas ng bangon nang mapansin na nandito na ako sa loob ng kuwarto ko ngayon. Nasapo ko naman ang ulo ko nang bigla itong kumirot. Nakangiwing hinilot ko ang sentido at pilit na inalala ang mga nangyari kahapon. Pero bukod sa ginawang pagtatraydor nina Arc at Vien ay may isang bagay pa na mas nangingibabaw at gumugulo sa isipan ko ngayon. Sino ang lalaking nagligtas sa ’kin? Saka paano niya ako nagawang maiuwi rito sa isang iglap lang? In the first place, how did he even know where I live? Nilingon ko ang maliit at bilugan kong orasan na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na alas-diyes na pala ng umaga. Dali-dali akong bumaba sa kama at lumabas ng kuwarto. Ni hindi ko na alintana kung ano ba ang hitsura ko at maging ang ayos ng buhok ko. Agad na hinagilap ko si Papa pagkababa. Sinalubong naman ako ng mga nagkalat naming tauhan na bahagyang yumuko pagkakita sa ’kin. Hindi ko napigilan ang makaramdam ng magkahalong iritasyon at pagkabahala. Paano pa nagagawang magtiwala ni Papa sa ibang mga tauhan namin ngayon pagkatapos ng nangyaring insidente kahapon? Nilampasan ko lang sila at muling nagpatuloy sa paghahanap. Hanggang sa matagpuan ko siyang prenteng nakaupo sa hardin habang abala sa pagtitipa sa kaniyang laptop. Kuyom ang kamao na nilapitan ko siya. “What happened?” I asked the moment I stopped right in front of him. He let out a deep sigh while his eyes were still focused on the laptop screen. “I’m sorry. I didn’t know that they were one of our enemies’ assassins. They even lured the others. Good thing I discovered it and managed to deploy your new bodyguard just in time.” He suddenly stopped typing and laid his back on the chair. My forehead knotted because of what he said. “My new bodyguard?” “Yes. Your new bodyguard.” He looked up at me this time. “But don’t worry. He can be trusted. There’s no doubt about it.” Magsasalita pa sana ako para umangal nang mapatingin siya sa likod ko at bahagyang tumango. “Here he is.” Nagtatakang napalingon naman ako sa likuran ko. I held my breath that very moment our eyes met. His chocolate-colored eyes look familiar and feel like they are hypnotizing me at the same time. Just who the hell is he? He’s even standing in front of me with so much confidence, and I hate the compelling aura around him. It’s something strange, which screams danger. “Who is he, Pa? Where did you even meet him? And how sure are you that he can be trusted?” I asked without breaking eye contact with the man in front of me. Tumayo naman si Papa bago lumapit sa ’ming dalawa at pumagitna. “Kylie, this is Caleb Valiente. And Caleb, this is my one and only child, Kylie Aragon,” he introduced us to each other. Nagsalubong ang kilay ko. Maging ang pangalan niya kasi ay tila pamilyar sa pandinig ko. Kahit pa nasisiguro ko na ngayon ko pa lang naman siya nakilala. “It’s nice to finally meet you, Kylie,” he said in a formal tone, as he maintained his good posture and stoic face. Napaawang ang bibig ko. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang ako nakakilala ng bodyguard na kumportableng tawagin ako sa pangalan ko. The audacity of this man! Hindi ako umimik. Kumibot ang labi ko nang dahil sa iritasyon na nararamdaman ko ngayon. Papa cleared his throat. “You have nothing to worry about, hija. I have known Caleb since he was a child. That’s why I assured you that he can be trusted among anyone else here. And with that, starting this day, he is going to be your one and only personal bodyguard.” Napasimangot ako. Ano ba ang espesyal sa lalaki na ’to at tila ba sobrang laki naman ata ng tiwala ni Papa sa kanya? “But I don’t trust him. Hindi pa po ba kayo nadala sa mga nangyari? Sa ngayon ay wala na tayong ibang puwedeng pagkatiwalaan. Besides, I can protect myself.” Sa pagkakataong ’yon ay hindi ko na napigilan pa ang magkomento. Pero natigilan ako nang may maalala. “Hold on. I just remembered something strange.” Bakas ang kuryosidad sa mukha ni Papa na nakatitig sa ’kin. “And what is that?” Kinagat ko ang ibabang labi. “Gusto ko sanang isipin na ilusyon lang ’yon. Pero nasisiguro ko na kahit nanghihina ako noong mga panahon na ’yon ay hindi ako dinadaya ng aking paningin. Nakita ko kung paanong pumula ang mga mata nina Vien at Arc katulad na lang sa lalaking nakamaskara noon.” Napahawak ako sa baba ko habang pilit na inaalala ang mga nangyari. “Bukod roon ay tila ba mayroon silang kakaibang lakas na hindi mo nagawang tibagin.” Napuno ng katahimikan ang buong paligid. Hindi ko mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan nilang dalawa dahil wala akong makita na emosyon sa kanilang mga mukha. Ilang saglit pa ay napailing si Papa at bahagyang tinapik ang balikat ko. “I guess you’re just seeing things because of your weak state at that time, hija. You don’t have to bother yourself about things that you’re not even sure of. How can their eyes turn red?” He asked in disbelief. I already knew about that. But still, I know what I saw. Napataas ako ng kilay nang mapansin na wala pa ring emosyon na mababakas sa mukha ni Caleb. Tila balewala lang sa kaniya ang mga sinabi ko. “I’m sorry, but I beg to disagree with what you said earlier. As we all know, you weren’t able to protect yourself back then. If I didn’t come in time, who knows what might happen to you already?” I gasped the moment he finally spoke again. No one dares talk back to me like he did! Marahas na nilingon ko si Papa na tila hindi man lang ininda ang ipinakitang asta ng bago kong bodyguard. “Pa! Did you hear what he just said? There’s no way that I’ll be with someone with an arrogant attitude like his!” Sa pagtataka ko ay natawa lang si Papa. “But Caleb has a point. It’s time for you to accept the fact that you can’t defend yourself most of the time, hija. All of us have our own limits. You need to bear that in mind.” Muli siyang bumalik sa kinapupuwestuhan niya kanina para isara ang laptop at bitbitin ito. “Anyway, naipaalam ko na sa university na hindi ka muna makakapasok ngayong araw. Magpahinga ka na lang muna.” Seryoso niya akong tiningnan. “Wag na wag mong tatangkaing tumakas. Masyado pang mainit ang sitwasyon lalo pa at hindi na naman nagtagumpay ang mga kalaban sa plano nila. Caleb will report everything to me.” Bago pa ako muling makaangal ay tinalikuran na niya ako at naglakad paalis. Nagpupuyos sa galit na nilingon ko naman si Caleb na hindi pa rin natitinag sa kinatatayuan niya. “Hindi ko alam kung ano ang ipinakain mo kay Papa para pagkatiwalaan ka niya ng husto. But one thing is for sure: I won’t trust you.” He shrugged as he shoved his hands inside his pockets. “It’s alright. You don’t really need to trust me. But it won’t change the fact that I’m now your bodyguard. Whether you like it or not,” he said in a baritone voice. Inirapan ko lang siya at nagmamartsang bumalik na lang ako sa kuwarto ko. That man annoys the hell out of me! *** Alas-otso na ng gabi pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Papa. Sobrang bored na rin ako dahil maghapon lang akong nakakulong sa loob ng kuwarto ko. Hindi ko kasi gustong makita ang mukha ng bago kong bodyguard. He’s such an arrogant and cold bastard. His face was so void of emotion that he could pass like a statue. And I also have a strong feeling that he’s harboring a lot of secrets. That’s what I need to find out. Dinalhan lang din ako ng pagkain ng katulong namin kanina. Sa tuwing tatangkain ko kasing lumabas ay agad na bumubungad sa ’kin si Caleb na nakatayo sa tabi ng pintuan ng kuwarto ko. Kaya naman ay hindi na ako nag-abala na lumabas pa. Pero iba ang sitwasyon ngayong gabi. Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko. Pagkatapos ay kumuha ako ng mahaba at makapal na kumot. Mahigpit ko itong itinali mula sa paanan ng kama bago itinapon sa bintana ang dulo nito. Nang masigurong ayos na ang lahat ay eksperto akong humawak sa kumot at dahan-dahang bumaba. Para akong pusa na naglalambitin sa ere. Sigurado naman na ako sa balak kong gawin. Pero kahit ganoon ay ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko dala ng sobrang kaba. Nang marating ko ang pinakadulo nito ay agad akong tumalon. My feet landed safely on the grass. Nang makatayo na ako nang maayos ay nagpalinga-linga ako sa paligid. May dalawang bantay akong nakita mula sa hindi kalayuan. Pero kasalukuyan silang nakatalikod sa direksyon ko. Kaya naman ay dahan-dahan kong sinimulan ang paglalakad patungo sa likod ng mga malalagong halaman. Siniguro ko na hindi ako maglilikha ng kahit anong klase ng ingay. Halos pigil ko ang hininga hanggang sa malampasan ko sila at matunton ko ang pinakalikod na bahagi ng mansyon kung saan ay mayroong daan palabas. Pero bago pa man ako tuluyang makalapit sa bakod nito ay may narinig akong nagsalita. “Where do you think you’re going, Kylie?” I froze on my spot. Of course, I already know who the owner of that voice is. But what made me stop was the way he called out my name again. It’s as if we’ve known each other already for a long time. That he’s used to saying my name, so it actually comes out of his mouth naturally. Dahil doon ay muling bumangon sa dibdib ko ang inis. Napatingin ako sa gilid ko at mula roon ay nakita ko si Caleb na nakasandal sa isa sa mga puno rito. Kahit medyo madilim ang paligid ay ramdam ko pa rin ang matiim niyang titig na tila tumatagos sa kaloob-looban ko. Wait. As far as I know, he’s just guarding outside my room. How did he manage to get down here that fast? And how did he even know that I was here in the first place? “Don’t talk to me as if we’re close,” I snapped at him. Hindi ako natinag mula sa kinatatayuan ko nang magsimula na siyang maglakad palapit sa ’kin bago tumigil sa harap ko. Kahit isang dangkal na lang ang layo ng pagitan naming dalawa ay pilit na inignora ko ang kakaibang klase ng pakiramdam na nagsisimulang mabuhay mula sa kaloob-looban ko. “There. If this isn’t close enough to you, then just tell me.” His breath fanned against my face, which made me shiver. Napalunok naman ako at buong lakas na itinulak siya palayo. “That’s not what I’m talking about, you pervert!” He clenched his jaw, which made me feel confused by his actions. “Now, tell me. Where are you going? Do you plan to escape under my watch so that you can prove to your father that it is useless to have me as your bodyguard?” He shook his head. “I’m sorry. But it’s not going to happen.” I smirked at him as I held my head high. There’s no way that I’ll let him do as he pleases. “Let’s see then.” Mula sa beltbag na nakasabit sa beywang ko ay kinuha ko ang isang maliit na smoke bomb at mabilis na binato ito sa direksyon niya. Pagkatapos ay dali-dali ko siyang tinalikuran at kumaripas ng takbo. Malapit na ako sa sikretong lagusan na nakatago sa likod ng nagtatasang mga damo at halaman nang maramdaman ko ang presensya niyang mabilis na nakasunod sa likod ko. Without thinking twice, I backhanded him. But to my surprise, he swiftly grabbed my hand and made me face him. He didn’t give me time to recover, as he pulled me towards him. “Not that fast, Kylie. There’s no way that you can escape from me.” His husky voice is making the situation worse than it already is. With all the strength that I have, my free hand balled into fist and shot towards his face. But he manages to deflect it as he throws up a forearm block without even looking at it. “And you’re telling me that you can protect yourself? But you can’t even give me a single hit,” he mocked. I gritted my teeth. This man is really something! Bago pa man ako makapagsalita ay balewalang binuhat niya ako at mabilis na isinampay sa balikat niya na para bang sako. “Take me down!” I punched his back as much as I could, but it feels like hardened steel. “Try harder next time, Kylie. But for now, your imprudent action will be reported to your father.” I sighed in defeat as I looked down on the grass. This is not good. I need to get rid of him as soon as possible.Kylie “Ibinalita sa ’kin ni Caleb ang nangyari kahapon. Ngayon ka lang ata nagtangkang tumakas nang dahil sa isang bodyguard. Why is that? Can’t you at least give him a chance?” Natigilan ako sa akmang pagsubo bago sinamaan ng tingin si Caleb na kasalukuyang nakatayo sa dulo ng hapag kainan. As usual, his face was void of any emotion. He looks like a robot that’s being controlled, or whatever. “Ngayon lang din po ako nakakita ng bodyguard na sumbungero,” sarkastiko kong sagot. Pinunasan ni Papa ang tabi ng kaniyang labi bago uminom at tumayo. “Ayoko ng mauulit pa ’yon. Naiintindihan mo ba? If that’s your way of getting rid of him, then you’re just wasting your time,” he said in a warning tone. Aapela pa sana ako pero mabilis na niya akong tinalikuran. Agad namang sumunod sa kaniya ang ilan sa mga tauhan namin. Napakuyom ako ng kamao nang muli akong mapabaling sa direksyon ni Caleb. Pero dahil wala namang epekto ang kahit na anong himutok ko sa kaniya ay naiinis na nagpatuloy na
Caleb Kanina pa kami paikot-ikot dito sa loob ng mall. Ilang boutique na rin ang napasukan namin at hindi puwedeng lumabas si Kylie sa mga ito na walang pinamili. Kaya naman ay halos hindi ko na mabilang ang mga hawak kong paper bag sa magkabila kong kamay. Kulang na nga lang ay sabitan niya pati ang leeg ko. Pero kung iniisip ni Kylie na magagawa niya akong mapasuko nang dahil sa ginagawa niyang pagpapahirap sa ’kin ngayon ay nagkakamali siya. Carrying these paper bags is just a piece of cake for me. I can even carry a car if she wants to. “Boss, sigurado ka bang ayos ka lang? Ako ang nahihirapan sa lagay mo, eh. Kapag nakita ka pa ng ibang mga kaibigan natin sa ganyang sitwasyon ay paniguradong pagtatawanan ka ng mga ’yon.” Pinigilan ko ang sarili na mapangiti nang dahil sa sinabi ng kanang kamay at matalik kong kaibigan na si Brent, mula sa earpiece na suot ko. “No worries. Dahil sisiguraduhin ko na sa pagitan naming dalawa ay siya ang unang susuko at mapapagod,” paniniguro ko
Caleb Malalim na ang gabi nang maisipan kong maglibot muna sa labas ng mansyon. Tinanguan ko lang ang mga nagkalat na tauhan sa paligid habang masuring nagmamatyag. May kanya-kanya silang oras ng pagbabantay upang masiguro na walang makakapuslit na kalaban sa loob ng mansyon, o hindi naman kaya ay maagapan agad ang anumang klase ng karahasan na maaaring maganap. Kahit ang security room ay hindi puwedeng mabakante. Kailangan ay palaging mayroong naka-monitor sa CCTV cameras buong araw. Nang masiguro kong maayos naman ang ginagawa nilang pagbabantay at wala namang kakaiba sa mga ikinikilos nila ay bumalik na ako sa loob ng mansyon at umakyat ng hagdan. Tinatahak ko ngayon ang daan patungo sa kuwarto ni Kylie nang biglang tumunog ang phone ko. Tumigil muna ako sa balkonahe bago kinuha ang phone ko mula sa bulsa. Agad ko itong sinagot nang makita na si Brent ang tumatawag. “What is it?” Napasandal ako sa pader at tumanaw sa labas. “I forgot to tell you that she was still investigatin
Kylie Pagkatapos ng nangyari kanina ay nagkulong na lang ako sa loob ng kuwarto ko. Magkahalong inis at hiya kasi ang nararamdaman ko ngayon. Paniguradong pinagtatawanan na ako ng magaling kong bodyguard dahil isang ipis lang pala ang magpapasindak sa ’kin. What can I do? I really hate those flying and crawling insects. Siguro naman kahit gaano pa katapang at kalakas ang isang tao ay mayroon pa rin silang mga bagay na kinatatakutan. After all, we’re just humans. Mula sa pagkakahiga at pagkakatitig ko sa kisame ay kinapa ko ang phone ko sa ibabaw ng bedside table. I decided to check my social media accounts. Hindi na kasi ako masyadong updated sa mga kaganapan sa paligid ko. Pero agad na bumungad sa ’kin ang isang post na tungkol na naman sa isang babae na natagpuang patay at tila inatake ng mabangis na hayop nang dahil sa kagat nito sa bandang leeg. Muling nangyari ang krimen dito lang sa lugar namin. Not that I want the killer to do his killing spree somewhere else. But what’s w
Kylie Naalimpungatan ako nang dahil sa dalawang pamilyar na boses na naririnig kong nag-uusap at nagtatalo base na rin sa tono ng kanilang pananalita. Dahil dito ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin na nandito na ako sa loob ng kuwarto ko. What the hell happened? Hanggang sa tumuon ang mga mata ko sa nakabukas na balkonahe ng kuwarto ko. Doon ay namataan ko si Papa na kausap si Caleb. Parehong seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha na mayroon ding bahid ng pag-aalala. “Pa...” mahinang tawag ko kay Papa. Halos pabulong lang ’yon kaya alam kong hindi niya maririnig. Tila hinang-hina kasi ako sa hindi ko malaman na kadahilanan. Ngunit sa pagtataka ko ay marahas na lumingon si Caleb sa direksyon ko dahilan para malipat din sa ’kin ang atensyon ni Papa. Dali-dali naman nila akong nilapitan. “Kumusta na ang pakiramdam mo, anak?” nag-aalalang tanong ni Papa bago mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Kylie Hindi ko magawang kumilos mula sa kinapupuwestuhan ko. Tulala lang akong nakatingin kay Caleb habang nakikipagpalitan siya ng putok ng baril sa kung sino man na nakatago mula sa balkonahe. Where the hell did his gun come from, anyway? Ni hindi ko man lang napansin ’yon kanina habang nag-uusap kami. “Let’s get out of here. I need to secure your safety first. Masyadong open ang area na ’to.” Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan. Hanggang sa bigla na lang akong nakaramdam ng hilo dahil tila tinatangay kami ng malakas na hangin patungo sa kung saan. Ngunit napaawang na lang ang bibig ko nang sa wakas ay tumigil na kami. Nilibot ko ang tingin sa paligid at doon ko napagtanto na nasa sala na pala kami ng mansyon. Sa pagkakataong ’yon ay narinig ko na rin ang pakikipagpalitan ng putok ng mga tauhan namin sa labas maging ang malakas na pagtunog ng system alarm sa buong mansyon. Pero bukod sa pagkakakilanlan ng kung sino man na umaatake sa ’min ngayon ay may isang ba
Kylie Halos pigil ko ang hininga habang matiim na nakatingin kay Caleb na prente lang na nakasandal sa pader at nakapamulsa. Mabuti na lang din at kahit papaano ay nakasuot na siya ng disenteng damit ngayon. Hindi kasi nakatutulong sa sitwasyon ang tila balewala niyang pagbabalandra ng kanyang matipunong katawan. Nagbubuhol-buhol kasi ang braincells ko. Pero ni hindi ko rin magawang kumurap man lang. Dahil baka sa isang iglap ay may kakaibang kaganapan na naman na biglang mangyari sa paligid namin at hindi ko na ito puwedeng palampasin pa. “Magsasalita ba kayo at magpapaliwanag, o magtitinginan lang tayo rito?” basag ko sa nakabibinging katahimikan. Tanging kaming tatlo lang nina Papa at Caleb ang nandito sa loob ng opisina ngayon. “But I’m not even looking at the two of you,” Caleb answered defensively. Napasimangot ako. Kahit kasi nadiskubre ko na ang tungkol sa lihim ng kaniyang pagkatao ay ang lakas pa rin ng loob niya para barahin ako. Ngunit biglang nabaling ang atensyon ko
Caleb Kinuha ko ang tissue na iniabot sa ’kin ni Brent upang punasan ang gilid ng aking bibig na puno ng dugo. Basta-basta na lang talaga kung sumulpot ang lalaking ’to. “Dispose of them properly.” Turo ko sa tatlong kambing na nakahandusay sa lupa at wala ng buhay. Kahit papaano ay muli namang nanumbalik ang lakas ko. “Sigurado ka ba na sapat na ang nainom mong dugo sa mga ’yan? Puwede ko namang kontakin ang tauhan natin na nagtatrabaho sa blood bank para mabigyan ka ng dugo ng tao,” suhestiyon niya. Walang emosyon ko siyang nilingon dahilan para mapatikhim siya. “Ilang beses ko bang sasabihin sa ’yo na hangga’t maaari ay ayokong uminom ng dugo ng tao?” pagpapaalala ko sa kanya. Marahan siyang napailing. “I know. Pero baka manghina ka naman ng tuluyan kung aasa ka lang sa dugo ng hayop o kaya sa blood tablet.” Napaayos siya ng tayo. “Hindi ka katulad ng mga ordinaryong bampira, Caleb. The power you have needs a strong support system as well.” Itinapon ko sa isang tabi ang tissu
Caleb “You’re so mean! Why can’t I go?” Palabas na kami sa mansyon nang biglang humabol sa ’min ang magaling kong kapatid. Halos hindi maipinta ang mukha niya nang dahil sa pagkakabusangot. “Because I said so.” I patted her head. “No worries. You can come tomorrow though,” I assured her. Sa pagkakataong ’yon ay biglang sumilay ang malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. “Alright. I’ll just go to the company then.” “She’s really energetic.” Kylie shrugged. “It can’t be helped. Despite her age, she’s still my little sister for me.” Nauna na kaming umalis kay Caitlin dahil mag-aasikaso pa siya. Pagkarating namin sa university ay agad kaming sinalubong nang maingay at magulo pa ring paligid pagkababa namin sa kotse. “Don’t you dare try to play any more of the games. Lalo na kung hindi mo naman kukunin ang premyo at itatambak mo lang sa ’kin,” Kylie warned as we started walking. “Alright. So what should we do now here? Tutunganga maghapon?” I can’t help but to be sarcastic. Napaira
Kylie Foundation week na. Pero heto ako at nakatambay lang sa isang tabi. I’m really bored to death. Gustuhin ko mang manatili na lang sa mansyon ay hindi rin naman matatahimik ang mundo ko dahil nandoon si Caitlin. Paniguradong kukulitin niya lang ako para mag-practice. Ang energetic pa naman masyado ng babaeng ’yon. Malayong-malayo ang ugali niya sa kuya niya. Sa Friday pa ang schedule ng pageant. Pero sana ay nauna na lang ’yon para tapos na agad. “Coffee?” Napaangat ako ng tingin kay Caleb bago lumipat ang atensyon ko sa hawak niyang styro cup na naglalaman ng kape at kinuha ’yon. “Thanks.” Mula sa pagkakatayo ay tumabi siya sa ’kin ng upo. Hinayaan ko na lang ito dahil wala rin namang mangyayari kahit ipagtabuyan ko pa siya. Isa pa ay pagod na rin akong makipagtalo sa kanilang magkapatid. “Handa ka na ba sa Friday?” tanong niya bago sumimsim ng kape. It’s really weird to see a vampire drinking coffee. Napasimangot ako. “Wag mo akong simulan ng pang-aasar.” He looked at me
Caleb “Kylie, gumising ka na raw sabi ni Mr. Aragon. Handa na ang almusal,” malakas kong tawag mula sa labas ng pinto pagkatapos kong kumatok. Ilang minuto rin akong naghintay ngunit wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya. “I’ll come in,” wika ko bago dahan-dahang binuksan ang pinto. There, I saw her still sleeping peacefully. Palibhasa kasi ay late na rin siyang natulog kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay madaling araw na rin ’yon. Unti-unti akong naglakad palapit sa kaniya. Bahagyang nakababa ang kumot na tumatakip sa kaniyang katawan at halos nasa gilid na siya ng kama. Marahan akong napailing habang nakapamulsa. “Ang likot mo pa ring matulog.” Hindi ko napigilan ang sarili na mapatitig sa kaniyang maamong mukha. Sa isang iglap ay nakalimutan ko ang dahilan ng pagpasok ko rito. “I guess there are some things that still don’t change no matter how many years have passed.” Ilang minuto na rin akong nakatayo rito at pinagsasawa ang sarili na titigan ang mukha ni Kylie per
Kylie Everyone is busy. Foundation week na kasi ng university sa susunod na linggo. Kaya naman ay aligaga na sa pag-aasikaso ang iba’t ibang organisasyon at clubs ngayon para sa kanya-kanya nilang pakulo. Well, not me. I’m not really interested in such events. I’d rather sleep all day than participate with them. “Aren’t you going to join the event?” Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang nakahalumbaba. Para bigyang daan ang ginagawang preparasyon ay wala kaming gaanong klase buong linggo. Nag-iwan lang ng take home activity ang mga professor namin. Pero nang dahil sa sobrang bored ko ay natapos at naipasa ko rin naman agad ang mga ito. “No. Wala ako sa mood saka hindi ako interesado.” Hindi ko nilingon si Caleb. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin siya kayang harapin. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay paulit-ulit kong naririnig ang tanong niya sa ’kin noong gabing ’yon. Will you get mad if I kiss you right here? My lips thinned from irritation. Ang akala ko ba ay ma
Kylie Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga natuklasan. Akala ko ay sa mga palabas lang posible ang ganoong klase ng mga pangyayari. But the fact that Caleb is already 425 years old and has even taken a number of degree programs in different countries keeps bugging me. It sure is nice to do everything because you have unlimited time in this world. But at the same time, I bet it makes him sad too. “My father is friends with your parents, right? Where are they now?” I asked curiously as I checked his old CDs and DVDs. He has some cassette tapes too. But I frowned when I saw a vinyl record player on the other side. It really feels so old. “They’re dead already.” Akmang aabutin ko ang naturang record player nang bigla akong matigilan nang dahil sa naging sagot niya. “Oh. I’m sorry to hear that.” Malungkot akong napaharap sa kaniya. He shrugged. “It’s okay. After all, they have lived for a thousand years already.” Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. “
Caleb Kasalukuyan kaming nagkakape ni Mr. Aragon at nag-uusap tungkol sa negosyo rito sa hardin nang biglang dumating si Kylie at malakas na hinampas ang ibabaw ng bilugang mesa. Pinigilan ko naman ang pagsupil ng ngiti sa ’king mga labi dahil may ideya na ako sa dahilan ng paghuhuramentado niya. After all, I was the one who instructed Brent—also known as Arlo to her—to provide that information about me. “What the hell, Kylie? Anong problema?” gulat na tanong ni Mr. Aragon sa anak. Muntik pa niyang mabitiwan ang hawak na tasa pero mabilis ko naman itong naalalayan. “Anong problema, Pa?” Mula sa gilid ng aking mata ay napansin ko ang pagturo niya sa ’kin. “Itong bampirang ’to ang problema ko!” Lumalim naman ang gatla sa noo ni Mr. Aragon. “What is it this time, hija?” “Pa! Since you have been friends with his family, just like you told me before, I guess you already know that Caleb is the CEO of Valiente Investments Corporation. How come the CEO of the top company in our country ag
Kylie “There you are! How many times do I have to tell you that you cannot escape from me?” Natigilan ako sa pagsusulat at napasimangot na lang ako nang marinig ang boses ni Caleb. Kasalukuyan akong nasa rooftop ng college building namin dahil mayroon akong tinatapos na activity na kailangan din naming ipasa mamaya bago mag-uwian. Naririndi kasi ako sa ingay ng mga kaklase ko kaya naman ay naisipan kong dito na lang gumawa. I also tried to use the opportunity when my classmates blocked Caleb’s way to escape from him again. But I guess I could never run away from him. “I just want to be alone and at peace. Mahirap bang intindihin at ibigay ’yon? Can’t you just leave me alone once and for all?” ani ko sa naiiritang boses. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mabibigat niyang yabag patungo sa direksyon ko. Hanggang sa tuluyang nalipat ang atensyon ko mula sa librong hawak patungo sa itim niyang sapatos na nakatigil ngayon sa harap ko. “You can still be at peace even if I’m around. I’m
Kylie Nanulis ang nguso ko habang nakapila. Kanina pa kasi ako nangangalay sa pagtayo at gustong-gusto ko na talagang bumalik sa lecture room namin. Isa pa ay rinding-rindi na rin ako sa kaliwa’t kanang tsismisan na naririnig ko sa paligid. But the fact that Caleb is standing just a few inches away is what’s stopping me. Hindi ko naman ugali na dumalo sa flag ceremony kahit pa tuwing Lunes lang naman ito ginaganap. Ngunit mapilit si Caleb. And what I hate the most is that my strength is nothing compared to his. Kaya naman ay hindi na lang ako umangal pa. Nakakaubos kasi ng enerhiya ang makipag-usap sa kaniya. “Sino kaya ang bagong Student Council President natin, no? I’m really excited!” Parang mga bata na napabungisngis ang dalawang kaklase kong babae na nakapila sa harap ko. I rolled my eyes. What’s so exciting about the Student Council thing? Kung sinu-sino nga lang ang binoto ko noong eleksyon dahil wala naman akong kilala sa kanila. Kung hindi lang talaga required ay hindi ko
Caleb Kinuha ko ang tissue na iniabot sa ’kin ni Brent upang punasan ang gilid ng aking bibig na puno ng dugo. Basta-basta na lang talaga kung sumulpot ang lalaking ’to. “Dispose of them properly.” Turo ko sa tatlong kambing na nakahandusay sa lupa at wala ng buhay. Kahit papaano ay muli namang nanumbalik ang lakas ko. “Sigurado ka ba na sapat na ang nainom mong dugo sa mga ’yan? Puwede ko namang kontakin ang tauhan natin na nagtatrabaho sa blood bank para mabigyan ka ng dugo ng tao,” suhestiyon niya. Walang emosyon ko siyang nilingon dahilan para mapatikhim siya. “Ilang beses ko bang sasabihin sa ’yo na hangga’t maaari ay ayokong uminom ng dugo ng tao?” pagpapaalala ko sa kanya. Marahan siyang napailing. “I know. Pero baka manghina ka naman ng tuluyan kung aasa ka lang sa dugo ng hayop o kaya sa blood tablet.” Napaayos siya ng tayo. “Hindi ka katulad ng mga ordinaryong bampira, Caleb. The power you have needs a strong support system as well.” Itinapon ko sa isang tabi ang tissu