Share

Kabanata 2

Author: snowqueencel
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Kylie

“Ano ba talaga ang totoong nangyari, Miss Aragon? Paano ka nasangkot sa away nitong dalawa?”

Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakahalumbaba sa ibabaw ng mesa habang nakatingin sa kawalan.

“Miss Aragon, please speak up. We need your cooperation on this issue. Or else, you’ll be punished too.”

Malakas silang napasinghap nang bigla akong humikab. Mas lalo lang akong nakararamdam ng antok nang dahil sa ginagawa nilang pagtatanong. Nagsasayang lang sila ng laway at oras.

“I hate explaining myself. That’s why you can do anything as you please,” I answered just to finally end the discussion.

Biglang napahilot sa kaniyang sentido ang may edad ng Disciplinary Committee President nang dahil sa naging sagot ko.

Nilingon ko naman ang dalawang lalaki na kaharap ko. Tinaasan ko sila ng kilay dahilan para mapaiwas sila ng tingin.

“Then you leave us with no choice. You’ll be suspended as—”

“Wala po siyang kasalanan. Ang totoo niyan ay umawat lang po siya sa ’ming dalawa ni Jay.”

Nagulat ang president at maging ang professor na nagdala sa ’min dito nang biglang magsalita ang isa sa mga kaklase ko.

Napakunot noo naman ako. Parang kanina lang nang sabihin nilang kasama ako sa naging gulo nila. Tapos ngayon ay bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin.

Inayos ng presidente ang kaniyang suot na salamin bago seryosong bumaling sa ’kin.

“Okay. Still, we won’t tolerate that attitude of yours, Miss Aragon. We all know that your father gives the biggest share of donations to the university. But it is not an excuse for you to behave this way. You need to go to the detention room for now until your next class ends.” He then looked at my classmates. “As for the two of you, you’ll both clean the garden area and the campus grounds until your next class ends too.”

The two of them grunted but didn’t speak up.

Nagkibit balikat lang ako. Matagal-tagal na rin magmula noong huli akong nakapunta sa detention room.

“Okay.”

Tumayo na ako at walang lingon likod na naglakad paalis bago lumabas. Mukha ba akong masisindak sa pagpapatapon nila sa ’kin sa detention room? Sa totoo lang ay mas pabor pa nga sa ’kin ’yon dahil makakaiwas ako sa isa pang nakakaantok na subject.

Tahimik kong binaybay ang hallway. Tila dagat na biglang nahawi naman sa gitna ang mga nagkalat na estudyante sa paligid pagkakita nila sa ’kin sa hindi ko malamang kadahilanan.

Ilang sandali pa ay narating ko na ang detention room. Bakas ang gulat sa mukha ng nagbabantay roon pagkakita sa ’kin.

“Ngayon ka na lang ulit napapunta rito, ah. Anong kasalanan naman ang nagawa mo ngayon?”

Hindi ako umimik at dire-diretsong pumasok sa loob. Mayroon namang silya rito pero mas pinili ko ang sumalampak sa malamig na sahig. Agad akong nabalot ng nakabibinging katahimikan.

Finally. This is exactly what I need right now.

Isinandal ko ang ulo sa pader at pumikit. Tila nakikita ko na ang nanggagalaiting imahe ni Papa sa oras na malaman niyang naipadala na naman ako sa detensyon.

I was about to fall asleep when I felt something strange. It’s the same feeling I had when I was at the cemetery a while ago.

Iminulat ko ang mga mata at masuring inilibot ang tingin sa paligid. Nasisiguro ko na ako lang naman ang tao rito sa loob. Pero hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay mayroong nagmamasid sa bawat galaw ko.

Napatayo ako at sinilip ang nagbabantay sa labas. Napasimangot ako nang makitang natutulog din siya.

Kaya naman ay napagpasyahan kong tumungo at sumilip sa kabilang bintana. Ngunit tanging ang mga nagtataasang puno at damo lang ang bumungad sa paningin ko.

Hindi rin ako naniniwala sa mga multo. Pero hindi kaya nagpaparamdam sa ’kin sina Adrian dahil hindi ko pa rin nabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanila hanggang ngayon?

Pilit na isinantabi ko ang takot na nararamdaman. I didn’t go this far just to get afraid of a ghost.

Naiiling na bumalik na lang ako sa puwesto ko kanina. Ngunit natigilan ako nang makita ang isang tangkay ng pulang rosas na nakalapag doon. Nilapitan ko ito at napakunot noo ako nang mapagtanto na halos kapareho ito ng bulaklak na iniwan ko sa puntod nila.

Paano ito napunta rito?

Hinawakan ko ito at mariing sinuri. Pero agad ko itong nabitiwan nang bigla na lamang itong naging abo.

What the hell is really happening here?

***

Hapon na ng makalabas ako sa detention room. Pero hanggang sa mga oras na ito ay gulong-gulo pa rin ang isipan ko nang dahil sa nangyari.

Kaya naman hanggang sa pagsakay ko sa kotse ay nasa malalim pa rin akong pag-iisip.

Natigilan lang ako nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Sa pag-angat ko ng tingin ay agad na naagaw ng aircon na nakatutok sa ’kin ang atensyon ko.

“Arc, what the—”

Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko dahil tuluyan na akong bumagsak sa kinauupuan ko. Pero bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay nabuksan ko pa ang GPS tracker ng suot kong relo na konektado sa security room ng mansyon at narinig ko pa ang mga huling salitang binitiwan ni Arc.

“Sweet dreams, Young Miss.”

***

Nagising ako sa pakiramdam na para bang dinuduyan ako sa kinahihigaan ko. Kaya naman kahit nakararamdam pa rin ako ng hilo ay dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata.

Nahigit ko ang hininga nang mabungaran si Vien na buhat-buhat ako mula sa kaniyang bisig. Sa isang iglap ay bigla kong naalala ang mga nangyari kanina.

Dahil doon ay pilit akong nagpumiglas. Pero masyado siyang malakas at ni hindi man lang nagawang matinag.

“Nagsasayang ka lang ng lakas. It’s impossible for you to escape this time.” He smirked at me.

Nanggigigil ko siyang sinamaan ng tingin.

“We could have easily finished our job back there. Do we really need to bring her here?”

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Arc. Napalingon ako sa likod at doon ay nakita ko siyang naglalakad kasunod namin. Walang mababakas na emosyon sa kaniyang mukha.

“We don’t have any other choice. This is what he ordered us to do.”

Nagsalubong ang kilay ko. Sino ba ang tinutukoy nila na nag-utos sa kanila para gawin sa ’kin ’to?

Malayong-malayo ang inaakto nila ngayon kumpara sa ipinakita nilang kabutihan at katapatan sa ’kin nitong mga nakalipas na taon.

But my eyes widened when realization finally hit me. They must be on the enemy’s side and spying on us all along!

Namalayan ko na lang na nakapasok na kami sa isang lumang bodega. Agad na bumungad sa ’king paningin ang tahimik at madilim na kapaligiran.

Do they plan to torture me here?

Gusto kong tuktukan ang sarili dahil pakiramdam ko ay ang hina-hina ko na naman ngayon. Katulad na lang ng dating ako ilang taon na ang nakararaan.

Pero kung ngayon man ang magiging katapusan ko ay hindi ako papayag na mamatay ng walang kalaban-laban. Kaya naman ay kinapa ko sa bulsa ko ang isang bagay na palagi kong inilalagay roon. Mabuti na lang at hindi nila ito nagawang kunin.

Nang mapansin ni Vien ang ginagawa ko ay mabilis kong binunot ang isang maliit na ballpen kung saan ay mayroong nakapaloob na maliit na kutsilyo roon.

It may be too small, but it’s deadly. Naglalabas kasi ng lason ang tulis nito na maaaring magparalisa sa sinumang matatamaan nito.

With all the strength that I have, I manage to slash the side of Vien’s neck, making him lose his grip on me a bit. I took that opportunity to land on the floor safely.

I was about to attack him again. But to my surprise, he can still manage to move his body fast, despite having the poison spread on his body.

Maging si Arc ay ekspertong naiilagan ang bawat pag-atake ko na para bang alam nila ang susunod kong gagawin. Akmang hahablutin ni Arc mula sa pagkakahawak ko ang kutsilyo nang mabilis akong yumuko bago itinukod ang aking kaliwang kamay sa sahig at iwinasiwas sa kanilang binti ang aking mga paa.

Ngunit natigilan ako nang mapansin na hindi man lang sila natinag mula sa pagkakatayo. Sa totoo lang ay tila ako pa ang nasaktan nang dahil sa tigas ng kanilang mga binti.

“You traitors!”

Naiinis na tumayo ako para harapin sila. Hindi ko ininda ang muntikan kong pagbagsak dala pa rin ng pagkahilo.

Pero bago ko pa man din muling maiumang ang kutsilyong hawak ko ay malakas na akong nasikmuraan ni Arc dahilan para mabitiwan ko ito at sumuka ako ng dugo. Nanghihinang nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

“S-sino ba kayo?”

Hindi pa man ako nakababawi ay naramdaman ko na lamang ang kamay ni Vien na nakapalibot sa ’king leeg. Unti-unti niya akong itinataas na animo’y isa lamang akong papel.

“Believe me. You wouldn’t want to know the answer to your own question, either.”

Sabay pa silang humalakhak. Dahil doon ay nagmistula silang demonyo sa ’king paningin. Sa isang iglap ay nawala ang kanilang maamong mga mukha.

Pilit kong inaalis ang kamay niyang nakasakal sa ’kin. Pero masyado siyang malakas. Para siyang bato na hindi man lang matinag kahit kaunti.

Ngunit halos mawalan ako ng ulirat nang bigla na lamang niya akong itinapon sa kung saan. Pakiramdam ko ay nabali ang mga buto ko sa katawan nang dahil sa lakas ng pagkakahampas ko sa sahig na para bang isa lamang akong basahan na inilampaso niya.

I sure know how to fight. Pero aminado ako na hindi pa ako gaanong magaling sa kabila ng mga ensayo na pinagdaanan ko nitong mga nakaraang taon. Sapat lang ang kaalaman ko para maipagtanggol ang aking sarili.

Ang kaso lang ay tila ba mayroong kakaiba sa kanila. Hindi basta-basta ang lakas na mayroon sila. Something is not right here, and I need to figure it out as fast as I can before they can even knock me out again.

Pinunasan ko ang dugong umaagos mula sa pumutok kong labi habang dahan-dahang tumatayo. Hindi ako papayag na itrato ako ng ganito. I’m a mafia boss’ daughter and the sole heiress of my father!

Nanlilisik ang aking mga mata na tumuon sa kanila. “How dare you mess with an Aragon!”

Akmang susugurin ko sila nang tuluyan akong manghina at mapasalampak sa sahig. Sa nanlalabong paningin ay nakita ko pa ang pagtunghay nila sa ’kin.

“Paniguradong matutuwa si boss sa ’tin nito. Hindi na ako magugulat kung dumating man ang panahon na tayong dalawa na ang kukunin niya upang maging kanang kamay.”

Nanindig ang balahibo ko sa biglaang pag-iiba ng boses ni Vien.

“Yeah. Matagal ko ring hinintay ang pagkakataon na ’to.”

Wala akong maintindihan sa kung ano ba ang pinag-uusapan nila. Mas pinagtutuunan ko kasi ng pansin ang kanilang mga mata na bigla na lamang naging kulay pula.

Pinikit ko ang aking mga mata bago ito muling idinilat. Normal na ulit ang kulay ng kanilang mga mata. Dala marahil ng sobrang panghihina kaya kung anu-ano na lang ang nakikita ko.

Bubuhatin na sana nila ako nang mula sa kung saan ay may bigla na lamang sumulpot na lalaking nakasuot ng purong itim na damit. Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya hindi ko magawang maaninag ang kaniyang mukha.

“No one messes with my queen, and if someone dares, they’ll eventually die.”

Ang lamig ng boses niya na tila nagmula pa sa kailaliman ng lupa.

But what? His queen? Me?

Hindi ko na nasundan pa ang mga sumunod na nangyari. Namalayan ko na lang na punong-puno na ng apoy ang buong paligid at pakiramdam ko ay masusunog na ako nang dahil sa sobrang init na nararamdaman.

Ngunit kahit sa nanlalabong paningin ay nakita ko pa kung paanong lamunin ng apoy sina Arc at Vien. Sa isang iglap ay bigla na lamang silang naging abo.

Hanggang sa naramdaman kong tuluyan ng humupa ang apoy at ang masuyong paghaplos ng bagong dating sa ’king mukha.

“You’re safe now, my queen. Don’t worry, because the time for you to rise again will happen anytime soon.”

Napakunot noo ako. His voice sounds familiar.

Hindi ko na gaanong naintindihan pa ang kanyang mga sinabi dahil sobrang nanghihina na talaga ako. Mas lalo pa akong nanghina nang bigla akong makaramdam ng mas matinding pagkahilo. Dahil nang buhatin niya ako ay tila ba lumilipad naman kami sa ere nang dahil sa bilis ng kaniyang pagtakbo.

Ngunit bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay bumungad pa sa ’king paningin ang pamilyar na hitsura ng aking kuwarto.

“Until we meet again, my queen.”

Then everything went blank.

Related chapters

  • Dangerous Temptation   Kabanata 3

    Kylie Naalimpungatan ako nang dahil sa init ng sinag ng araw na tumatama sa ’king mukha. Kaya naman ay bahagya muna akong tumagilid ng higa bago dahan-dahang binuksan ang aking mga mata. Ngunit bigla akong napabalikwas ng bangon nang mapansin na nandito na ako sa loob ng kuwarto ko ngayon. Nasapo ko naman ang ulo ko nang bigla itong kumirot. Nakangiwing hinilot ko ang sentido at pilit na inalala ang mga nangyari kahapon. Pero bukod sa ginawang pagtatraydor nina Arc at Vien ay may isang bagay pa na mas nangingibabaw at gumugulo sa isipan ko ngayon. Sino ang lalaking nagligtas sa ’kin? Saka paano niya ako nagawang maiuwi rito sa isang iglap lang? In the first place, how did he even know where I live? Nilingon ko ang maliit at bilugan kong orasan na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na alas-diyes na pala ng umaga. Dali-dali akong bumaba sa kama at lumabas ng kuwarto. Ni hindi ko na alintana kung ano ba ang hitsura ko at maging ang ayos n

  • Dangerous Temptation   Kabanata 4

    Kylie “Ibinalita sa ’kin ni Caleb ang nangyari kahapon. Ngayon ka lang ata nagtangkang tumakas nang dahil sa isang bodyguard. Why is that? Can’t you at least give him a chance?” Natigilan ako sa akmang pagsubo bago sinamaan ng tingin si Caleb na kasalukuyang nakatayo sa dulo ng hapag kainan. As usual, his face was void of any emotion. He looks like a robot that’s being controlled, or whatever. “Ngayon lang din po ako nakakita ng bodyguard na sumbungero,” sarkastiko kong sagot. Pinunasan ni Papa ang tabi ng kaniyang labi bago uminom at tumayo. “Ayoko ng mauulit pa ’yon. Naiintindihan mo ba? If that’s your way of getting rid of him, then you’re just wasting your time,” he said in a warning tone. Aapela pa sana ako pero mabilis na niya akong tinalikuran. Agad namang sumunod sa kaniya ang ilan sa mga tauhan namin. Napakuyom ako ng kamao nang muli akong mapabaling sa direksyon ni Caleb. Pero dahil wala namang epekto ang kahit na anong himutok ko sa kaniya ay naiinis na nagpatuloy na

  • Dangerous Temptation   Kabanata 5

    Caleb Kanina pa kami paikot-ikot dito sa loob ng mall. Ilang boutique na rin ang napasukan namin at hindi puwedeng lumabas si Kylie sa mga ito na walang pinamili. Kaya naman ay halos hindi ko na mabilang ang mga hawak kong paper bag sa magkabila kong kamay. Kulang na nga lang ay sabitan niya pati ang leeg ko. Pero kung iniisip ni Kylie na magagawa niya akong mapasuko nang dahil sa ginagawa niyang pagpapahirap sa ’kin ngayon ay nagkakamali siya. Carrying these paper bags is just a piece of cake for me. I can even carry a car if she wants to. “Boss, sigurado ka bang ayos ka lang? Ako ang nahihirapan sa lagay mo, eh. Kapag nakita ka pa ng ibang mga kaibigan natin sa ganyang sitwasyon ay paniguradong pagtatawanan ka ng mga ’yon.” Pinigilan ko ang sarili na mapangiti nang dahil sa sinabi ng kanang kamay at matalik kong kaibigan na si Brent, mula sa earpiece na suot ko. “No worries. Dahil sisiguraduhin ko na sa pagitan naming dalawa ay siya ang unang susuko at mapapagod,” paniniguro ko

  • Dangerous Temptation   Kabanata 6

    Caleb Malalim na ang gabi nang maisipan kong maglibot muna sa labas ng mansyon. Tinanguan ko lang ang mga nagkalat na tauhan sa paligid habang masuring nagmamatyag. May kanya-kanya silang oras ng pagbabantay upang masiguro na walang makakapuslit na kalaban sa loob ng mansyon, o hindi naman kaya ay maagapan agad ang anumang klase ng karahasan na maaaring maganap. Kahit ang security room ay hindi puwedeng mabakante. Kailangan ay palaging mayroong naka-monitor sa CCTV cameras buong araw. Nang masiguro kong maayos naman ang ginagawa nilang pagbabantay at wala namang kakaiba sa mga ikinikilos nila ay bumalik na ako sa loob ng mansyon at umakyat ng hagdan. Tinatahak ko ngayon ang daan patungo sa kuwarto ni Kylie nang biglang tumunog ang phone ko. Tumigil muna ako sa balkonahe bago kinuha ang phone ko mula sa bulsa. Agad ko itong sinagot nang makita na si Brent ang tumatawag. “What is it?” Napasandal ako sa pader at tumanaw sa labas. “I forgot to tell you that she was still investigatin

  • Dangerous Temptation   Kabanata 7

    Kylie Pagkatapos ng nangyari kanina ay nagkulong na lang ako sa loob ng kuwarto ko. Magkahalong inis at hiya kasi ang nararamdaman ko ngayon. Paniguradong pinagtatawanan na ako ng magaling kong bodyguard dahil isang ipis lang pala ang magpapasindak sa ’kin. What can I do? I really hate those flying and crawling insects. Siguro naman kahit gaano pa katapang at kalakas ang isang tao ay mayroon pa rin silang mga bagay na kinatatakutan. After all, we’re just humans. Mula sa pagkakahiga at pagkakatitig ko sa kisame ay kinapa ko ang phone ko sa ibabaw ng bedside table. I decided to check my social media accounts. Hindi na kasi ako masyadong updated sa mga kaganapan sa paligid ko. Pero agad na bumungad sa ’kin ang isang post na tungkol na naman sa isang babae na natagpuang patay at tila inatake ng mabangis na hayop nang dahil sa kagat nito sa bandang leeg. Muling nangyari ang krimen dito lang sa lugar namin. Not that I want the killer to do his killing spree somewhere else. But what’s w

  • Dangerous Temptation   Kabanata 8

    Kylie Naalimpungatan ako nang dahil sa dalawang pamilyar na boses na naririnig kong nag-uusap at nagtatalo base na rin sa tono ng kanilang pananalita. Dahil dito ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin na nandito na ako sa loob ng kuwarto ko. What the hell happened? Hanggang sa tumuon ang mga mata ko sa nakabukas na balkonahe ng kuwarto ko. Doon ay namataan ko si Papa na kausap si Caleb. Parehong seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha na mayroon ding bahid ng pag-aalala. “Pa...” mahinang tawag ko kay Papa. Halos pabulong lang ’yon kaya alam kong hindi niya maririnig. Tila hinang-hina kasi ako sa hindi ko malaman na kadahilanan. Ngunit sa pagtataka ko ay marahas na lumingon si Caleb sa direksyon ko dahilan para malipat din sa ’kin ang atensyon ni Papa. Dali-dali naman nila akong nilapitan. “Kumusta na ang pakiramdam mo, anak?” nag-aalalang tanong ni Papa bago mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

  • Dangerous Temptation   Kabanata 9

    Kylie Hindi ko magawang kumilos mula sa kinapupuwestuhan ko. Tulala lang akong nakatingin kay Caleb habang nakikipagpalitan siya ng putok ng baril sa kung sino man na nakatago mula sa balkonahe. Where the hell did his gun come from, anyway? Ni hindi ko man lang napansin ’yon kanina habang nag-uusap kami. “Let’s get out of here. I need to secure your safety first. Masyadong open ang area na ’to.” Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan. Hanggang sa bigla na lang akong nakaramdam ng hilo dahil tila tinatangay kami ng malakas na hangin patungo sa kung saan. Ngunit napaawang na lang ang bibig ko nang sa wakas ay tumigil na kami. Nilibot ko ang tingin sa paligid at doon ko napagtanto na nasa sala na pala kami ng mansyon. Sa pagkakataong ’yon ay narinig ko na rin ang pakikipagpalitan ng putok ng mga tauhan namin sa labas maging ang malakas na pagtunog ng system alarm sa buong mansyon. Pero bukod sa pagkakakilanlan ng kung sino man na umaatake sa ’min ngayon ay may isang ba

  • Dangerous Temptation   Kabanata 10

    Kylie Halos pigil ko ang hininga habang matiim na nakatingin kay Caleb na prente lang na nakasandal sa pader at nakapamulsa. Mabuti na lang din at kahit papaano ay nakasuot na siya ng disenteng damit ngayon. Hindi kasi nakatutulong sa sitwasyon ang tila balewala niyang pagbabalandra ng kanyang matipunong katawan. Nagbubuhol-buhol kasi ang braincells ko. Pero ni hindi ko rin magawang kumurap man lang. Dahil baka sa isang iglap ay may kakaibang kaganapan na naman na biglang mangyari sa paligid namin at hindi ko na ito puwedeng palampasin pa. “Magsasalita ba kayo at magpapaliwanag, o magtitinginan lang tayo rito?” basag ko sa nakabibinging katahimikan. Tanging kaming tatlo lang nina Papa at Caleb ang nandito sa loob ng opisina ngayon. “But I’m not even looking at the two of you,” Caleb answered defensively. Napasimangot ako. Kahit kasi nadiskubre ko na ang tungkol sa lihim ng kaniyang pagkatao ay ang lakas pa rin ng loob niya para barahin ako. Ngunit biglang nabaling ang atensyon ko

Latest chapter

  • Dangerous Temptation   Kabanata 19

    Caleb “You’re so mean! Why can’t I go?” Palabas na kami sa mansyon nang biglang humabol sa ’min ang magaling kong kapatid. Halos hindi maipinta ang mukha niya nang dahil sa pagkakabusangot. “Because I said so.” I patted her head. “No worries. You can come tomorrow though,” I assured her. Sa pagkakataong ’yon ay biglang sumilay ang malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. “Alright. I’ll just go to the company then.” “She’s really energetic.” Kylie shrugged. “It can’t be helped. Despite her age, she’s still my little sister for me.” Nauna na kaming umalis kay Caitlin dahil mag-aasikaso pa siya. Pagkarating namin sa university ay agad kaming sinalubong nang maingay at magulo pa ring paligid pagkababa namin sa kotse. “Don’t you dare try to play any more of the games. Lalo na kung hindi mo naman kukunin ang premyo at itatambak mo lang sa ’kin,” Kylie warned as we started walking. “Alright. So what should we do now here? Tutunganga maghapon?” I can’t help but to be sarcastic. Napaira

  • Dangerous Temptation   Kabanata 18

    Kylie Foundation week na. Pero heto ako at nakatambay lang sa isang tabi. I’m really bored to death. Gustuhin ko mang manatili na lang sa mansyon ay hindi rin naman matatahimik ang mundo ko dahil nandoon si Caitlin. Paniguradong kukulitin niya lang ako para mag-practice. Ang energetic pa naman masyado ng babaeng ’yon. Malayong-malayo ang ugali niya sa kuya niya. Sa Friday pa ang schedule ng pageant. Pero sana ay nauna na lang ’yon para tapos na agad. “Coffee?” Napaangat ako ng tingin kay Caleb bago lumipat ang atensyon ko sa hawak niyang styro cup na naglalaman ng kape at kinuha ’yon. “Thanks.” Mula sa pagkakatayo ay tumabi siya sa ’kin ng upo. Hinayaan ko na lang ito dahil wala rin namang mangyayari kahit ipagtabuyan ko pa siya. Isa pa ay pagod na rin akong makipagtalo sa kanilang magkapatid. “Handa ka na ba sa Friday?” tanong niya bago sumimsim ng kape. It’s really weird to see a vampire drinking coffee. Napasimangot ako. “Wag mo akong simulan ng pang-aasar.” He looked at me

  • Dangerous Temptation   Kabanata 17

    Caleb “Kylie, gumising ka na raw sabi ni Mr. Aragon. Handa na ang almusal,” malakas kong tawag mula sa labas ng pinto pagkatapos kong kumatok. Ilang minuto rin akong naghintay ngunit wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya. “I’ll come in,” wika ko bago dahan-dahang binuksan ang pinto. There, I saw her still sleeping peacefully. Palibhasa kasi ay late na rin siyang natulog kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay madaling araw na rin ’yon. Unti-unti akong naglakad palapit sa kaniya. Bahagyang nakababa ang kumot na tumatakip sa kaniyang katawan at halos nasa gilid na siya ng kama. Marahan akong napailing habang nakapamulsa. “Ang likot mo pa ring matulog.” Hindi ko napigilan ang sarili na mapatitig sa kaniyang maamong mukha. Sa isang iglap ay nakalimutan ko ang dahilan ng pagpasok ko rito. “I guess there are some things that still don’t change no matter how many years have passed.” Ilang minuto na rin akong nakatayo rito at pinagsasawa ang sarili na titigan ang mukha ni Kylie per

  • Dangerous Temptation   Kabanata 16

    Kylie Everyone is busy. Foundation week na kasi ng university sa susunod na linggo. Kaya naman ay aligaga na sa pag-aasikaso ang iba’t ibang organisasyon at clubs ngayon para sa kanya-kanya nilang pakulo. Well, not me. I’m not really interested in such events. I’d rather sleep all day than participate with them. “Aren’t you going to join the event?” Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang nakahalumbaba. Para bigyang daan ang ginagawang preparasyon ay wala kaming gaanong klase buong linggo. Nag-iwan lang ng take home activity ang mga professor namin. Pero nang dahil sa sobrang bored ko ay natapos at naipasa ko rin naman agad ang mga ito. “No. Wala ako sa mood saka hindi ako interesado.” Hindi ko nilingon si Caleb. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin siya kayang harapin. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay paulit-ulit kong naririnig ang tanong niya sa ’kin noong gabing ’yon. Will you get mad if I kiss you right here? My lips thinned from irritation. Ang akala ko ba ay ma

  • Dangerous Temptation   Kabanata 15

    Kylie Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga natuklasan. Akala ko ay sa mga palabas lang posible ang ganoong klase ng mga pangyayari. But the fact that Caleb is already 425 years old and has even taken a number of degree programs in different countries keeps bugging me. It sure is nice to do everything because you have unlimited time in this world. But at the same time, I bet it makes him sad too. “My father is friends with your parents, right? Where are they now?” I asked curiously as I checked his old CDs and DVDs. He has some cassette tapes too. But I frowned when I saw a vinyl record player on the other side. It really feels so old. “They’re dead already.” Akmang aabutin ko ang naturang record player nang bigla akong matigilan nang dahil sa naging sagot niya. “Oh. I’m sorry to hear that.” Malungkot akong napaharap sa kaniya. He shrugged. “It’s okay. After all, they have lived for a thousand years already.” Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. “

  • Dangerous Temptation   Kabanata 14

    Caleb Kasalukuyan kaming nagkakape ni Mr. Aragon at nag-uusap tungkol sa negosyo rito sa hardin nang biglang dumating si Kylie at malakas na hinampas ang ibabaw ng bilugang mesa. Pinigilan ko naman ang pagsupil ng ngiti sa ’king mga labi dahil may ideya na ako sa dahilan ng paghuhuramentado niya. After all, I was the one who instructed Brent—also known as Arlo to her—to provide that information about me. “What the hell, Kylie? Anong problema?” gulat na tanong ni Mr. Aragon sa anak. Muntik pa niyang mabitiwan ang hawak na tasa pero mabilis ko naman itong naalalayan. “Anong problema, Pa?” Mula sa gilid ng aking mata ay napansin ko ang pagturo niya sa ’kin. “Itong bampirang ’to ang problema ko!” Lumalim naman ang gatla sa noo ni Mr. Aragon. “What is it this time, hija?” “Pa! Since you have been friends with his family, just like you told me before, I guess you already know that Caleb is the CEO of Valiente Investments Corporation. How come the CEO of the top company in our country ag

  • Dangerous Temptation   Kabanata 13

    Kylie “There you are! How many times do I have to tell you that you cannot escape from me?” Natigilan ako sa pagsusulat at napasimangot na lang ako nang marinig ang boses ni Caleb. Kasalukuyan akong nasa rooftop ng college building namin dahil mayroon akong tinatapos na activity na kailangan din naming ipasa mamaya bago mag-uwian. Naririndi kasi ako sa ingay ng mga kaklase ko kaya naman ay naisipan kong dito na lang gumawa. I also tried to use the opportunity when my classmates blocked Caleb’s way to escape from him again. But I guess I could never run away from him. “I just want to be alone and at peace. Mahirap bang intindihin at ibigay ’yon? Can’t you just leave me alone once and for all?” ani ko sa naiiritang boses. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mabibigat niyang yabag patungo sa direksyon ko. Hanggang sa tuluyang nalipat ang atensyon ko mula sa librong hawak patungo sa itim niyang sapatos na nakatigil ngayon sa harap ko. “You can still be at peace even if I’m around. I’m

  • Dangerous Temptation   Kabanata 12

    Kylie Nanulis ang nguso ko habang nakapila. Kanina pa kasi ako nangangalay sa pagtayo at gustong-gusto ko na talagang bumalik sa lecture room namin. Isa pa ay rinding-rindi na rin ako sa kaliwa’t kanang tsismisan na naririnig ko sa paligid. But the fact that Caleb is standing just a few inches away is what’s stopping me. Hindi ko naman ugali na dumalo sa flag ceremony kahit pa tuwing Lunes lang naman ito ginaganap. Ngunit mapilit si Caleb. And what I hate the most is that my strength is nothing compared to his. Kaya naman ay hindi na lang ako umangal pa. Nakakaubos kasi ng enerhiya ang makipag-usap sa kaniya. “Sino kaya ang bagong Student Council President natin, no? I’m really excited!” Parang mga bata na napabungisngis ang dalawang kaklase kong babae na nakapila sa harap ko. I rolled my eyes. What’s so exciting about the Student Council thing? Kung sinu-sino nga lang ang binoto ko noong eleksyon dahil wala naman akong kilala sa kanila. Kung hindi lang talaga required ay hindi ko

  • Dangerous Temptation   Kabanata 11

    Caleb Kinuha ko ang tissue na iniabot sa ’kin ni Brent upang punasan ang gilid ng aking bibig na puno ng dugo. Basta-basta na lang talaga kung sumulpot ang lalaking ’to. “Dispose of them properly.” Turo ko sa tatlong kambing na nakahandusay sa lupa at wala ng buhay. Kahit papaano ay muli namang nanumbalik ang lakas ko. “Sigurado ka ba na sapat na ang nainom mong dugo sa mga ’yan? Puwede ko namang kontakin ang tauhan natin na nagtatrabaho sa blood bank para mabigyan ka ng dugo ng tao,” suhestiyon niya. Walang emosyon ko siyang nilingon dahilan para mapatikhim siya. “Ilang beses ko bang sasabihin sa ’yo na hangga’t maaari ay ayokong uminom ng dugo ng tao?” pagpapaalala ko sa kanya. Marahan siyang napailing. “I know. Pero baka manghina ka naman ng tuluyan kung aasa ka lang sa dugo ng hayop o kaya sa blood tablet.” Napaayos siya ng tayo. “Hindi ka katulad ng mga ordinaryong bampira, Caleb. The power you have needs a strong support system as well.” Itinapon ko sa isang tabi ang tissu

DMCA.com Protection Status