Share

Chapter 1

Damon's Obsessions

Chapter 1

Mahirap lamang kami pero lagi ko iniisip noon na kahit anong mangyari ay tutulungan ko na inangat ang pamilya ko sa hirap.

Kahit anong trabaho siguro tatanggapin ko basta may pangbigay lang sa magulang ko, nakakahiya na rin kasi kapag walang man lang akong maibigay sa kanila.

"Ma.. pasensya na po di pa ako makabili ng gamot nyo ni tatay. Hayaan nyo po hahanap ako ng paraan para makabili nako ngayon." Sabi ko kay inay, naawa ako dahil kapag wala silang nainom na gamot ay grabe ang pag ubo nila nanay at tatay.

" Eliana.. baka naman napapabayaan mo na ang sarili mo kakaisip samin ng tatay mo nyan? Alagaan mo din sarili mo kung pwede lang anak. " bilin ni inay sa'kin.

Ganito lagi ang eksena sa bahay kapag hirap na talaga kami.

May business kami noon maliit lamang iyon kaso nga lang nawala din dahil sa nalugi iyon, maraming kalaban kaya mabilis nawala ang business namin noon.

Hindi ko din alam bat umabot kami sa ganitong sitwasyon. Dati noong bata lang ako masaya lang ako nakikipag laro noon sa mga kapwa bata sa labas.

Walang iniisip na problema na ganito kalaki. Puro lamang laro ang nasa isip noon, naalala ko pa noong bata pa ako 7 years old nako noon may nakalaro ako na batang lalaki na sa tingin ko ay 12 na sya.

Matangkad sya at mabait nakalaro ko ito noon dahil madalas din ito sa labas ng kanilang bahay.

Akala ko noon matagal na sila sa aming bayan ng malaman ko pansamantala lang din pala sila dito sa aming bayan.

Nasanay ako na kalaro ito dahil sya lang ang interesado na kalaro ako. Kaya naman napalapit din ang aking loob sa kanya. Sa sobrang mahumaling ko sa pakikipag laro sa kanya ay palayaw lamang ang alam ko tungkol sa kanya.

Mon ang madalas naririnig ko kapag tinatawag sya ng mga ibang kalaro nya kaya naman ayun lang din ang tawag ko sa kanya. Bata pa ako noon kaya naman anong malay ko na hahanapin ko rin sya.

Huli ko din nalaman na sobrang yaman pala ng pamilya ni Mon kasi naging usap-uspan sa aming bayan na may malaking problema ang pamilya nila.

Akala ko noon tungkol sa financial ang problema ng pamilya, hindi pala kundi nag cheat ang ama nito sa ibang babae. Ayon din sa kumakalat ay taga dito lang din pala yung babae kaya naman ng malaman ng ina ni Dom ay agad na umalis sila dito sa bayan.

10 years old na ako ng malaman ko na aalis na sila habang si Mon ay 15 na binata na ito ng umalis ito. Sa likod ng malaki nilang bahay ay doon kami huling nagkita.

"Kuya Mon?? Aalis na kayo?? Bakit kailan ang balik nyo?" sunod-sunod na tanong ko dito. Tahimik lamang si Mon ng tanungin ko sya.

" D-di na kayo babalik dito? Paano ako?" muling tanong ko sa kanya. Kita ko ang paglungkot ng mga mata ni Mon ng tanungin ko sya.

Naka upo kami noon sa mahabang kahoy na upuan medyo magkalayo kami ng pwesto dahil naiinis ako na iiwan nako ni kuya Mon.

" Lian.. sorry iyon kasi ang napagplanuhan ng magulang ko at baka di na kami babalik dito.. alam mo naman yung kumalat na issue dito satin diba?" pagpapaintindi nito sa akin.

Tumango ako bilang sagot na aking nauuwaan ang kanyang sinasabi sakin. Pero di ko lubos malaman na bakit ganon nalang ang pag tutol ko na umalis si kuya Mon. Gayong bata pa naman ako at kapatid, kalaro lang ang turing ni kuya Mon sakin.

"And i'm promised na babalik ako Liana… kapag nag 20 kana bumalik ka dito sa lugar na ito o di kaya sa malaking puno na madalas natin puntahan para maglaro babalik ako at magkikita tayo uli.." sabi nito habang hawak ang mga kamay ko.

Pinanghawakan ko iyon dahil alam ko na tutuparin iyon ni kuya Mon. Nasanay ako na lagi nyang tinutupad ang pangako nya sakin. Kapag sinabi ko noon na maglaro kami sa araw na gusto at sinabi nya papayag ito at tinutupad nya kahit busy sya.

Tatlong araw nalang noon bago umalis sila kuya Mon. Mas lalo akong nalungkot sa bata ko pang edad nagmakaawa na ako kay Mon na huwag nalang nila ituloy. Baka magbago pa desisyon nila.

Pero desidido talaga ang parents ni kuya Mon na lilisanin na ang bayan na ito upang magsimula ng bagong buhay.

Noong araw na ng kanilang pag alis ay nagmamadali ako na magtungo sa bahay nila upang i abot ang sulat na aking ginawa, ngunit ng palapit na ako ay kita ko ang mga malalaking sasakyan na galing sa bahay nila na paalis na kasama ang mga gamit nilang ilan.

Sinabi ko sa aking sarili noon na baka abutan ko pa sila. Nang makarating na ako ay hinarang pa akong guard ng bahay nila hindi nya ako namukhaan kaya inawat ako.

"Oppss… bata saan ang punta mo? Bawal pumasok dito." awat ni maning guard sakin. Hindi nya namukhaan na ako ang bata dahil sa gulo-gulo ang buhok ko sa kakatakbo.

"Kuyaa.. ako ito si Lian po nandyan pa po ba sila kuya Mon?? Abot pa po ba ako?" sunod-sunod na tanong ko habang hinahabol ko ang aking hininga.

"Nako.. lian pasensiya na kakaalis lang try mo habulin baka malapit pa sila.." sabi nito sa akin. Tinuro ni kuya ang itim na sasakyan na kakaalis lang.

Kahit hingal ay hinabol ko ito. Nahuli na pala ako..

Habol habol ko ang sasakyan habang sumisigaw na ihinto ang sasakyan ibibigay ko lamang ang letter na gawa ko para kay Kuya Mon.

"Pakiusap!! Itigil nyo ang sasakyan!! Kuya Mon!!" paulit-ulit ko iyon isinisigaw na baka ihinto nila kapag narinig ako. Pero walang huminto.

Nadapa pa ako kaya naman hindi na nahabol pa ang sasakyan. Iyak ako ng iyak kasi di ko man lang nayakap si kuya Mon sa huling sandali.

Habang naka upo ako sa kalsada ay iyak ako ng iyak na bakit di ako umabot man lang. Bumalik ako sa bahay nila upang iwan ang letter na baka pag bumalik si kuya Mon ay makita nya ang letter ko.

"Pasensiya kana Lian di ka tuloy umabot.. halika at gamutin natin ang sugat mo." pero tumanggi ako dahil nakakahiya na at nakunsensya pa si kuya dahil sa di ko naabutan si kuya Mon.

Ayun lamang ang naalala ko noon ng umalis si kuya Mon dito sa bayan namin. Araw-araw ako bumabalik kahit na luma na ang bahay bakasali na biglang bumalik si kuya Mon. Pero wala hanggang nag 24 nako walang kuya Mon na bumalik.

Hindi na muli ako bumalik sa lugar na iyon ilang taon ako nag antay pero nasayang lamang iyon. Hindi ko alam if nandoon pa ba ang sulat na aking iniwan.

Galing akong labas nag hanap ng extra na pwede pasukan para kahit papano may pera, ang kaso walang kumukuha dahil puno na daw.

Pabalik na ako ng aming bahay ng mapadaan ako sa dating bahay nila kuya Mon. Napansin ko na bukas ang gate ng kanilang bahay.

Wala ng kasing bantay kaya nakakapasok na ang ilang tao dito. Pero iba ang kutob ko kaya agad din ako pumasok. Dahan-dahan pa ako pumasok dahil baka mamaya ay magnanakaw ang nandito.

Ngunit ng palapit na ako isang lalaki na matangkad at maputi ang nasa harapan ko nakatalikod ito. Agad na pumasok sa isip ko na baka si kuya Mon na ito.

"K-kuya Mon? Bumalik kana?" tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. Nang lumingon na ito ay hawig nga ito kay kuya Mon.

Medyo singkit lang ang mata. Halos talunin ko ang pagitan naming dalawa sa sobrang excited ko na makita sya muli.

" Sabi mo pag nag 20 nako babalik ka dito late ka ng 4 years kuya Mon." nagtatampong sabi ko dito habang nakayap ako sa kanya.

Tahimik lang ito ng yakapin ko, kaya ng bumitaw na ako ng yakap ay napansin ko na hawak nya ang letter na gawa ko.

"L-lian ikaw ba yan?" nauutal na tanong nito sakin. Tumango naman ako sa kanyang tanong.

" Buti at bumalik kapa kuya Mon tagal ko nag antay sayo dito.." mahinang sabi ko sa kanya.

" Pasensya ka na Lian natagalan ako pero andito nako.." paghingi nito ng paumanhin sakin.

Tulala ito sa akin habang nagsasalita kaya naman nagsalita muli ako upang agawin ang atensyon nya.

" Grabe kuya Mon ang tangkad mo lalo at ang gwapo mo na.." sabi ko sa kanya dahil totoong malaki ang binago ni kuya Mon.

Mahinang natawa ito sa aking sinabi, mas lalo ako namangha ng makita ko kung gaano ka gwapo na si kuya Mon ngayon.

Author's note

Enjoy reading guys and also add to your library this and follow me for more updates. I hope you can support my new book Damon's Obsessions.

Baddie_Cutie8

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status