Share

Chapter 3

Damon's Obsessions

Nang maihatid na ako ni kuya Mon ay nakasalubong ko si inay na papasok na rin sa aming bahay. Kaya naman medyo nagulat ako sa pag salubong naming dalawa ni nanay.

"Oh.. Lian bakit ngayon ka lang? san kaba nanggaling bata ka? kanina pako nag aantay sayo akala ko napano kana." sabi ni nanay sa akin.

Hindi ko mapigilan na ngumiti dahil sa muli ko uli nakita si kuya Mon.

"Wala naman inay, napadaan lang po sa mga kaibigan ko.. eto nga po pala may dala akong pagkain masarap yan."

Nagtataka naman si inay ng tanggapin nya sa akin ang pagkain na aking dala mula kay kuya Mon.

Hindi ko alam if dapat ko ba sabihin kay inay na bumalik na ang kuya Mon ko, pero natatakot ako baka anong isipin ni inay kaya naisip ko na huwag muna siguro.

" Akala ko magkano na lang pera mo? Bakit may dala kang pagkain at mukhang mahal pa ito? " angal ni nanay sa akin.

" Si nanay naman oh.. di ba nga po napadaan sa kaibigan nilibre po ako at tira po namin yan pinabalot lang po." palusot ko kay inay upang hindi na muling magtanong si nanay sa akin.

Pagkapasok ko palang ay iyak ng baby ang narinig ko kaagad. Sinusumpong nanaman siguro si baby kaya iyak ng iyak.

" Oh.. ano yan pagkain ba yan? Saktong nagugutom na ako, pasensya kana bunso if ikaw pa naghahanap ng trabaho na dapat ako.." paghingi ng pasensya ni ate sa akin.

Wala naman akong angal doon dahil alam ko na hindi naman ginusto ni ate ang nangyayari sa kanya, tsaka masaya naman kami na kasama namin si baby.

"Nako naman si ate parang iba ka naman, kulang pa nga itong ginagawa ko noong tinulungan mo ako sa pag aaral ko, so this my time to help you and also our parents diba. Tsaka single naman ako wala pang pamilya kaya okay lang.." naka ngiti kong sabi kay ate upang hindi nya ma feel na sinasabi ko lang iyon upang gumaan ang loob nya

I know her struggles naiwan mag-isa na binubuhay ang anak. I'm pretty sure kapag nakita ng baby daddy ni ate ang anak nila baka magbago pa isip non ay lumuhod pa kay ate na makita ang bata.

Minsan kasi pinakita na sa akin ni ate sino ba ang baby daddy ng anak niya at hindi maipagkakaila na anak talaga ng lalaki ang baby ni ate.

Malas nila at tinaboy nila ang apo nila at ang ate ko. Mali sila ng itinaboy dahil kawalan nila iyon.

"Ay oo nga pala inay bibili pa pala ako ng gamot, may sobra pa naman pera ko kaya okay lang.. sige po bili lang ako." agad na lumabas ako dahil naalala ko nga pala na wala pang gamot sina inay at tatay.

Naglalakad ako ng makasalubong ko ang kaibigan ko na may trabaho na ngayon buti nga sya may nakuha na habang ako nung umalis ako sa dati kong trabaho ay nahirapan ako muli mag hanap dahil ang tataas ng standards nila sa mga employee.

"Uy!! Ikaw ba yan Lian? Ay ikaw nga naalala mo pa ako si Mayla? May vacant na trabaho samin baka gusto mo? Lakad kita para mabilis gusto mo ba?" tanong ni Mylah sa akin.

Hindi ako tatanggi malamang biyaya na yun bakit pa ako tatanggi diba.

" Nako kailangan ko ngayon ng work sakto.. salamat walang problema sa akin ang sahod basta may trabaho ako okay lang kapos ako ngayon sa mga gamot nina tatay at inay e.." kahit magkano pa yan walang problema sa akin.

"Nako di mababa sahod sa work ko.. alam mo yung Parker's Empire Company? Doon ako nagtatrabaho tsaka maganda sila magpasahod sa mga employee nila. Tawagan kita pag okay na ah.. " halos hindi mawala sa mukha ko ang ngiti ng sabihin iyon sa akin ni Mylah.

Kaya naman ng maka-uwi ako ay abot langit ang ngiti ko at ang saya na nararamdaman ko ngayon.

Nasa kwarto ako ng mapasilip ako sa aking bintana, may napansin kasi na parang may tao sa labas ng aming bahay.

Bakit naman ganitong oras na magpapakita iyong tao na iyon ang creepy nya lalo na madilim sa labas.

Sakto naman na pumasok ng kwarto ko si ate. " Oh.. nakatulog na ba si baby ate?" tanong ko kay ate. Nagtataka naman ito at bakit ako nakatayo sa gilid ng bintana.

" Ah.. oo pinatulog ko na si baby, nga pala anong ginagawa mo dyan sa gilid ng binatana?" tanong ni ate sa akin.

" Eh.. kasi ate kanina may parang lalaki akong napansin na nasa labas ng bahay natin na nakatanaw dito sa bahay natin. Kaya sinilip ko. " sumbong ko kay ate.

Umupo na ako sa kama ng sa tingin ko naman ay wala naman na yun, baka guni-guni ko lang ang nakita ko.

" Nako ikaw talaga Lian baka namalik mata ka lang sa nakita mo, kulang ka lang sa tulog siguro.. " natatawang sabi ni ate sa akin.

Siguro nga dala na rin siguro ng pagod mula kanina." May sasabihin nga pala ako sayo Lian.. huwag mo muna sasabihin kila mama at papa maliwanag ba? " bilin nito sa akin.

Alam ko kapag seryoso si ate ay malalim ang sasabihin nito sa akin.

" K-kasi yung tatay ni baby nag message sa akin na gusto makita ang baby.. hindi ko alam ang gagawin ko. " kinakabahan na sabi ni ate.

Takot at kaba ang nararamdaman ni ate dahil mayaman na lalaki ang ama ng anak ni ate kaya naman ganun na lang ang takot nya na baka bawiin ang bata sa kanya.

"Ano sabi? Akala ko ba wala na kayong connection ng lalaki na iyon? Akala ko ba ayaw nya bakit ngayon gusto nya makita nahimasmasan naba?" tanong ko kay ate.

May karapatan kami magalit dahil kita ko ang paghihirap ni ate at ng mga magulang ko.

" Wala nga, pero nagulat na nga lang din ako ng mag message sa akin ang tatay ng anak ko. Hindi nga din alam bakit alam nya saan ang bahay natin e baka yung sinasabi mo na nakita mo baka tauhan niya iyon." Kinakabahan na kwento ni ate sa akin.

Kahit ako ay kinakabahan paano nga ba ang mangyayari? Wala kaming kaya sa buhay wala nga akong work ngayon e.

Naisip ko na humingi ng tulong kay kuya Mon pero nakakahiya naman dahil kakakita lang namin muli.

Kinabukasan ay nag message sakin si Mylah na nailakad na nya raw ako sa Parker's Empire Company. Abot langit ang saya ko ng sabihin nya na sigurado na makakapasok ako doon.

Ang bilis lang din ng process nila sa mga applicants nila kaya ng na received ko na ang message from their company ay nag ready agad ako para ipasa mga requirements na kailangan.

Nang papunta na ako sa company ay mangha-mangha ako sa laki ng building at ganda, dito pala nag wo-work si Mylah napaka ganda naman dito.

Nag punta agad ako sa font desk nag ask ako saan nga ba ako dapat pupunta. Saktong may tauhan naman na sinamahan ako.

Kabado pa nga ako sa interview, pero ganun na lang ang gulat ko na hindi na raw sinabi nya lang mga dapat hindi dapat sa loob ng company.

Magaling maglakad si Mylah di man lang ako nahirapan na mag apply dito ni wala nga ding interview kaya medyo nawala ang kaba ko.

Sinabi agad sa akin na tomorrow pwede na ako mag start agad, and infairness ang ganda nga ng mga benefits ng mga employee nila.

Kaya ng maka-uwi na ako ay palakad palang ako sa bandang gawi ng dating bahay nila kuya Mon ng makita ko nandoon nanaman si kuya Mon.

"Oh.. bakit andyan ka kuya Mon? May inaantay ka ba dito?" tanong ko dito. Humarap naman ito sa akin ng tanungin ko ito.

Sa kanyang pag harap sa akin ay kita ko ang bulaklak ng hawak nya rose ang hawak nya at napaka bango ng amoy ng bulaklak ng hawak nya.

"Wala, at sa totoo nyan ikaw talaga ang inaantay ko dito, flowers nga pala para sayo talaga yan. " pag abot nya sa akin ng flower na kanyang hawak.

Nahihiya pa ako na kunin iyon dahil alam ko na mahal ang bulaklak na kanyang hawak. Kaya ng tanggapin ko iyon ay nahawakan ko pa ang kanyang kamay.

Napaka lambot ng mga kamay kahit na lalaki ito." Nakakahiya naman at nag abala ka pa bumili ng flowers di naman ako mahilig sa mga materyal na bagay, mahalaga nandito kana at tinupad mo na ang pangako mo kuya Mon. " sagot ko dito.

Author's note

Enjoy reading and have a great weekend. Follow me for more updates and add to your library na rin guyss..

Baddie_Cutie8

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status