Share

Chapter 4

Damon's Obsessions

Tinanggap ko ang bulaklak kahit na sobra akong nahihiya kay kuya Mon.

" Huwag kang mahiya sa akin, tsaka ako naman nag kusa na ibigay yan sayo kaya bakit ka mahihiya? Bumabawi lang ako sayo sa mga tao na nawala ako."

Sabi nito habang nakatingin sa aking mga mata, kahit ilang tao na ang nakalipas ay hindi pa rin pala nawala ang feelings ko kay kuya Mon. Oo alam ko mali dahil bata pa ako noon, pero ngayong nasa edad na ako at siya ay sa tingin ko naman ay wala ng mali doon.

" E-eh.. kasi alam mo na mahirap lang ako, tignan mo nga suot ko at anong lagay ko ngayon.. parang maid mo nga lang ako sa lagay nating dalawa e, tapos may pa flowers kapa… "

Reklamo ko dito, malayo at malaki talaga agwat naming dalawa, simple lang ako, mahirap, at hindi yung tipong babaeng ideal.. kaya im so insecure sino ba namang hindi yung mga katulad ni kuya Mon madali lang magustuhan, while me? Malabo pa sa malabo na magustuhan.

" Saan ka nga pala galing? Mukhang may lakad ka ah? "

Nagtatakang tanong ni kuya Mon sa akin, hindi ko alam bakit kinakabahan ako na sabihin kay kuya Mon na kung saan ako nanggaling.

" A-ahh.. ako? Nag apply lang ng work, and buti nalang nakuha agad ako sa company na iyon.. "

Mahinang sabi ko dito, akala ko hindi na muling magtatanong si kuya Mon akala ko lang pala.

" Saang company? Legit ba iyabg napasukan mo? "

Sunod-sunod na tanong ni kuya Mon sa akin na tila concerned talaga sya sa akin. Pautal-pautal ako na magsalita sa kanya.

" Sa Parker's Empire Company doon ako nag apply, eh doon kasi ako na recommend ni Mylah my friend. "

" D-did you know who is the CEO of Parker's Empire Company? "

Tanong muli ni Kuya Mon sa akin, hindi ko alam bakit feel ko atat si kuya Mon about who is the CEO of my new work.

And sadly i don't know him yet, kaya naman hindi ko pa alam kung sino nga ba? Wala naman akong data para malaman sino nga ba talaga?

" No, i don't know yet.. maybe soon if i have a chance to meet him.."

Sagot ko sa kanyang tanong ng sabihin ko na hindi ko pa alam ay tila nakahinga ng maayos si kuya Mon.

" Ohh… o-okay i thought alam mo na.."

Ang weird talaga minsan ni kuya Mon, kaya minsan kinakalimutan ko nalang, dahil baka normal lang na ganyan siya magsalita at kumilos.

" Pwede mo ba ako na samahan mag mall, don't worry sagot ko naman lahat.."

Saad nito sa akin, ako na talaga ang nahihiya kay kuya Mon dahil puro sagot nya lahat, kung may pera lang ako why not diba? Kaso ito kakakuha ko lang sa new work ko.

Noong nasa mall kami ay halos lahat ng tao na aming nakakasalubong ay napapalingon kay kuya Mon. Parang gusto ko tuloy na takpan ang mukha ni kuya Mon para di na sila tumingin kay kuya Mon.

" Bakit ka nakasimangot dyan? Ayaw mo ba sumama?"

Nagtatakang tanong nito sa'kin ni kuya Mon. Nako kuya Mon kaya ako nakasimangot dahil lahat sila nakatingin sayo pag napapadaan tayong dalawa. Bulong ko sa aking isipan.

" Tara dito tayo.. "

Hinatak ako nito sa isang pwesto ng mga pangbabae. Yung damit na lagi ko nakikita na gusto ko na mabili parang barya lang sa kanya.

" Bakit dito tayo pumasok kahit sa iba nalang mahal nyan e… tignan mo naman yung price nya kulang pa sasahurin ko yan. "

Reklamo ko dahil napaka mahal talaga ng hawak nyang terno na damit, gusto ko iyon pero kasi parang sobra na para sakin iyon, baka mamaya masanay ako sa mga binibigay nya sa'kin.

" Don't worry Lian.. this is my treat for you diba? Tsaka no need to worry about the money that i will spend on you, you deserve this clothes.."

Marahan na sabi nito sa akin, I'm sure pulang pula na ang mukha ko sa hiya at kilig kay kuya Mon.

Tsaka ayoko naman mag confess sa kanya, kung naabutan ko siguro siya noon baka sinabi ko na crush ko sya noon. Pero past is past tsaka bata pa ako noon.

Ang dami niyang binili para sa akin, kahit na ayoko sana ang mga iyon, maganda pero nakakahiya din kasi sa totoo lang. Mapilit kasi itong si kuya Mon kaya naman wala na din ako nagawa pa kundi tanggapin.

Napadaan kami sa mga pangbata na gamit hindi ko mapigilan na mapatingin doon, kung hindi sana nawala sa akin ang anak ko baka ngayon ay bumibili ako ng mga ganong klaseng damit.

Masyado kasi ako nagpakain sa mga stress kaya nawala sa akin ang anak ko, kakaisip din kung saan at paano ko hahanapin ang ama ng anak ko, paano ko mahahanap e one night stand lang yun, at tsaka hindi naman ata madalas doon ang lalaki.

Nag abang ako noon dati doon baka sakali na makita uli ang lalaki pero hindi ko ito muli nakita, siguro hindi sya talaga madalas doon at malas ko naman na nabuntis ako ng lalaking iyon.

" Do you want these clothes? May baby ba kayo? O-or ikaw may baby ka ba?"

Tanong ni kuya Mon sa akin, mas lalo ako nahiya kay kuya Mon na sabihin na oo, hindi ko kinakahiya ang anak ko kundi ang pagiging tanga ko noong gabing iyon.

Tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong. Okay lang if mag iba ang tingin sa akin ni Kuya Mon kasi nabuntis ako noon na hindi pa kasal.

" O-oum.. yes i am, but wala na ang anak ko due to stress.. "

Malungkot na sagot ko kay kuya Mon. Akala ko mag iiba ang tingin ni kuya Mon sa'kin pero base sa kanyang eskpresyon ay mukhang tanggap naman nya iyon.

"I'm so sorry lian.."

Inaya ko na agad ito na umalis na doon dahil bumabalik lamang sa aking isipan ang lahat.

Sa totoo lang ayoko pa sana na mag hiwalay kaming dalawa gusto ko magkasama kami hanggang sa mapagod ako pero wala akong karapatan na mag demand ng atensyon ni kuya Mon kaya mas pinili ko nalang na umuwi.

Walang kasamang driver si kuya Mon ang mag dri-drive ngayon, feeling ko maliit lamang ang espasyo naming dalawa dahil kaming dalawa lamang sa loob ng kotse nya.

" Call me on this number if you need some help Lian don't hesitate na tawagan ako okay? "

Inabot nito ang calling card nya kahit kunin ko naman iyon ay wala naman ako always data load pa kaya?

Kahit na alam ko na di ko naman matatawagan ito ay tinanggap ko nalang ang calling card nya na inaabot nya sa akin.

Sinabi ko kay kuya Mon na kahit doon nalang sa dati nilang bahay niya ako ibaba dahil may dadaanan pa ako na malapit lamang. Kahit na wala naman ayoko may makakita at iba ang isipin sa amin.

At first ayaw nya pumayag pero napasuko na rin sya ng magpumilit ako na huwag na sya mag insist na ihatid ako sa bahay, dahil wala sya sa lugar nya na okay lamang na makita na hinahatid ng lalaki.

Dito kasi samin baka pagbaba ko palang ay kumalat na sa buong bayan ang chismis na may gwapong lalaki ang naghatid sa akin at mukhang mayaman pa.

Kaya ng bumaba ako ay agad nito inabot sa akin ang mga paper bags na binili niya para sa akin.

Nang iabot nya sa akin iyon ay na realize ko na napaka dami pala talaga ng binili niya sa akin dahil magkabilaang kamay ko ang gamit para mabitbit ko ang mga ito.

Nagulat ako sa biglaan pag halik ni kuya Mon sa aking labi, dahil hawak ko ang mga paper bags ay sobrang na shock talaga ako di ko iyon inexpect na gagawin niya iyon.

" Good bye and enjoy your day Lian.."

Paalam nito sa'kin at agad na sumakay sa kotse nito habang ako ay shock pa rin sa ginawa nya, d-did kuya Mon really kissed me on my lips? Or baka guni guni ko lang iyon?

Kaya naman ng maka-uwi ako ay tulala ako kakaisip sa ginawa ni kuya Mon. Nang malapit na ako sa aming pinto ay narinig ko agad ang iyakan ng pamilya ko.

Kaya naman nagmadali agad ako na pumasok doon at nakita ko na magulo ang buong bahay at umiiyak si Ate at mama habang si papa ay inaalo si mama sa pagiyak nito.

" M-mama.. A-ate.. anong nangyari bakit ganito ang buong bahay??"

Author notes

Hello this is my new story available lang ito sa goodnovel so read nyo na and add to your library this and also follow me for more updates guyss…

Baddie_Cutie8

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status