Isang chapter muna ngayon.
“Lumabas ka!" Kumawala si Kuya Reynan sa paghawak ni Danreve, at dinuro na naman si Onse na awtomatiko namang bumaling ang tingin sa akin. Para bang humihingi ng tulong. Takot yata na mabugbog ulit. Sa laki ba naman kasi ng katawan ng kapatid ko, siguradong malalamog siya. “Halika na, bro! Sira-ulo ka kasi." Sapilitan naman siyang itinayo ni Danreve. Napapadaing pa habang kinaladkad palabas ng asawa ni Charmaine na sinundan lang sila ng tingin. Parang walang pakialam sa kapatid niya. Tumitig naman ako sa kanya, hoping na maintindihan niya ang ibig kong sabihin, pero inismiran niya lang ako. “Hayaan mo siya. Deserve niyang mabugbog!" sabi niya, pero ang tingin ay nasa akin na. Tingin niya ay halatang naghihintay ng eksplinasyon.“Magkukwento ka ba o gusto mo pa na tadtarin kita ng tanong?" Walang prenong sabi nito. Tinaasan na rin ako ng kilay. Nakagat ko naman ang labi ko, pinahid ang luha sa mga mata ko. “Hindi ko nga alam kung anong sasabihin—kung ano ang nangyari,” pabulong ko
ONSE Hindi ko sadya ang mapangiti, pero sinadya ko namang makita ‘yon ni Daisy. Wala akong pakialam, ano man ang isipin niya. Wala nga akong pakialam kung ang tingin niya sa akin ay hayop. Ang saya-saya ko, at hindi pwedeng hindi ko ilabas ang saya na nararamdaman ko. Gusto ko na nga rin sanang yakapin at halikan si Reynan. Gusto kong magpasalamat sa kanya, kasi siya ang tumupad sa pangarap ko. ‘Yong pambubugbog niya sa akin, bawing-bawi naman ‘yon sa saya na nararamdaman ko ngayon. Ang totoo, hindi ko naman in-expect na ganito ang mangyayari. Totoong wala akong masamang intensyon. Ang gusto ko lang ay samahan at alagaan si Daisy. Nangyari ang gulo na ‘to—gulo, pero isa naman sa pinakamasayang sandali ng buhay ko. Just yesterday, I was wracking my brain trying to figure out how to stop Daisy from leaving. At ngayon, hindi ko lang napigilan na umalis, naging asawa ko pa siya. Kaya ayos lang, kahit muntik na akong madurog ni Reynan. Hindi ko na naman mapigil ang mapangiti
Walang nakapagpigil sa ginawa ko kay Daisy. Lahat nagulat, sa puntong nagmistulang mga posteng nakatirik sa kinatatayuan nila. “Sira-ulo ka! Honeymoon, mukha mo!” Diniin ni Daisy ang palad niya sa mukha ko bilang protesta sa aking ginagawa. Pero hindi pa rin iyon nakakapigil sa akin na madala siya kwarto. Nang makapasok kami, I kicked the door shut. Natahimik siya. Naangat din niya ang mga kamay na kanina pa dumidiin sa mukha ko. Yumanig kasi ang buong bahay sa lakas ng pagsipa ko. Akala yata niya ay galit na ako. Pero hindi ko naman intensyon na gawin ‘yon. Hindi ko intensyon na takutin siya. Hindi ko lang na tansya ang pagsipa ko. “Ibaba mo ako!" Matapos ang sandaling pananahimik, nagsisimula na naman siyang magpumiglas. Hinahampas na naman ang mukha ko. Wala ‘tong awa si Daisy. Kita na nga niyang namamaga at puno ng sugat ang mukha ko, dinagdagan pa. Hindi man lang nag-atubili na pagtatampalin ang mukha ko. Without hesitation, I tossed her onto the bed. Mahinang itsa la
“Onse… ‘wag na nga matigas ang ulo mo.” Pinilit na kalasin ni Daisy ang mga kamay ko. Eventually, I had no choice but to let go.She wasted no time. Agad siyang bumaba sa kama, and in seconds, nabuksan niya agad ang pinto ng walang kahirap-hirap.I could only watch as she hurried out of the room. Pero napapangiti naman ako. Masaya kasi ako dahil sa kabila ng mga nangyayari ngayon, sa galit niya, nag-aalala pa rin siya sa akin. Mas nagkaroon oa ako ng pag-asa na balang araw, babalik din ang feelings niya sa akin. Not long after, rinig ko na ang nagmamadaling mga yabag papunta rito sa kwarto. Agad naman akong pumikit, para maawa pa lalo si Daisy at mahalin na niya agad ako. “Kuya Onse…” malungkot na tawag ni Charmaine, kasabay ang paglapat ng palad nito sa noo ko.Dumilat ako. Medyo na dismaya nang hindi boses ni Daisy ang narinig ko, pero nang makita ko si Daisy sa tabi ni Charmaine, agad namang kumislap ang mga mata ko. “Halika, tumayo ka. Ihahatid ka namin sa hospital.” Hinawaka
DAISY The room fell into an awkward silence. My cheeks burned with embarrassment. Nakuyumos ko rin ang laylayan ng damit ko. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin. Naghalo-halo ang laman ng utak ko, ng nararamdaman ko—anger, humiliation. Hindi ako makapaniwala na malalagay ako sa ganitong nakakahiyang sitwasyon at na-witness pa ng lahat. Si Doktora Cherry ang bumasag sa katahimikan. Tumikhim siya, at inisa-isa kaming tingnan. “Now, is everything clear?” May diin ang bawat bigkas niya sa mga salitang ‘yon. Pero ang tingin ay nakapako na kay Kuya Reynan na ngayon ay hindi na siya magawang tingnan ng diretso. “You,” turo niya ito, “matuto kang magtanong, before acting on anger. Don’t let your temper dictate your actions, and never resort to violence like that again. Paano kung napuruhan mo si Onse? Paano kung napatay mo siya?” Tuluyan nang nanigas ang kapatid ko, his lips pressing into a tight line. Ang tapang at ang sungit niya kanina, ngayon biglang kalmado na. Nasapol sa wala
Nag-alalangan ako na humiga sa tabi ni Onse. Para kasing tanga, nakangiti at tinapik-tapik ang kama. Inuudyok ako na natibihan siya. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Kinagat ko rin ang pang-ibabang labi dahil sa gigil. Pero talagang sira-ulo siya. Ngumisi at kumindat ba naman. Umawang tuloy ang labi ko. Kasi nga hindi naman kasi ganito ang Onse na kilala ko noon. Seryoso at minsan lang kung ngumiti. Ngayon, parang nabaliw na. “Umayos ka nga, Onse.” Doktora Cherry scolded him. “Move over, at tumalikod ka. Kita mo na ngang nahihiya si Daisy.” Sumeryoso naman ang mukha ni Onse. “Hindi ba, sabi mo kanina, wala na dapat ikahiya si Daisy sa akin? Bakit ngayon, pinalalayo mo ako at pinatatalikod pa?” Inis na namaywang naman si doktora. “Walang malay si Daisy kagabi, hindi niya alam kung ano ang nakita at nahawakan mo.” Sumulyap naman sa akin si doktora, at saka binalik ang tingin kay Onse na ngayon ay busangot na ang mukha. "Tingin mo, gugustuhin ni Daisy na panoorin mo habang gin
ONSE Nagising ako na mag-isa lang sa kwarto. Ingay ng mga sasakyan mula sa labas ng bahay ang naririnig ko. Mapait akong napangiti. Bagong kasal nga ako, pero heto, mag-isa at iniwan pa ng asawa ko. Umalis na lang kasi basta ni Daisy kahapon. She didn’t even bother to respond to the things I told her. The pain of that silence was sharp. Mas masakit pa sa mga sugat at pasa na natamo ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko, but endure it. I had fallen in love with a woman who loved someone else, kaya wala akong kawala sa heartache. Si Charmaine ang nag-alaga sa akin mula pa kahapon hanggang sa gumabi at nakatulog na nga ako. Kanina ay nag-aalangan pa siya na iwanan ako, wala raw kasing mag-aalaga sa akin. Si Daisy kasi, talagang walang pakialam. Ni ang silipin nga ulit ako, hindi niya ginawa. Ang tigas-tigas ng puso. Gusto na nga sana akong iuwi ng kapatid ko sa bahay nila, but I refused. Ayaw kong umalis. Gusto kong makasama si Daisy, kahit hindi man kami magkatabi sa pagtulog,
Nanigas ang buong katawan ko nang niyakap ako ni Daisy. The warmth of her embrace sent shockwaves through my entire being. My heart—ang lakas ng dagundong. Parang may drumline sa loob ng dibdib ko, and I didn’t know how to make it stop.Matapos ang ilang minutong paninigas na hindi ko alam kung napansin ba ni Daisy, o narinig niya ba ang tunog ng puso ko, I lifted my gaze. Agad namang kumalma ang puso ko, at hindi pa mapigil ang mapangiti. Daisy had fallen asleep in my arms. Alam kong hindi madali ang naranasan niya ngayon. Siguro nga ay hindi siya makatulog ng maayos, at masaya ako na makita siyang payapa na natutulog sa tabi ko. Ibig sabihin lang nito ay kampante siya na katabi ako. For a moment, I just watched her. Payapa nga siyang natutulog ngayon, bakas pa rin naman ang lungkot sa mukha niya. And seeing her like this, doble ang sakit na nararamdaman ko. Masakit makita na ang babae na mahal ko ay nasasaktan dahil sa ibang lalaki. But sa kabila ng sakit, I couldn’t help but fee
Matapos ang tension sa pagitan namin Daisy kahapon na mabuti na lang at nagawan ko ng paraan, ngayon ay tension sa courtroom naman ang kinakaharap ko. Umuugong ang mga bulong-bulungan habang naghihintay sa desisyon ng judge. Buo ang paniniwala ko, na mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kliyente ko at mapaparusahan ang may sala, kaya lang hindi ko pa rin maiiwasan ang makaramdam ng kaba. Kamay ko ay pawis pero nanlalamig naman. At saka dapat ay sa judge ang focus ko, kaya lang hindi ko naman napigilang mapatingin kay governor na ang talim ng tingin sa akin. Hindi lang ‘yon, sobrang higpit din ang pagkakakuyom ng kamao nito sa puntong bumakat na ang mga ugat sa kamay niya. Maging ang ugat sa sintido niya ang bumakat din.Bakas na bakas ang galit sa madilim nitong mga mata na halatang minumura ako ng tahimik.Hindi ko naman mapigil ang pag-angat ng sulok ng labi. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit may mga taong hindi kayang tumanggap ng pagkakamali. Kapag napuna sila, feeling n
Onse Ilang minuto na ako rito sa loob ng banyo, nakikipagtalo sa elepante na kaharap ko sa salamin. Hubarin ko ba o ibalandra sa harap ng asawa ko malaswang imahe na nakikita ko. Talagang malaswa. Ilang minuto ko ngang hindi matingnan ang sarili sa salamin. At ngayong nagawa ko na, hindi ko naman alam kung ano ang dapat na maramdaman matutuwa ba, matatawa o mahihiya sa hitsura ko. Ano na Onse, hubad o lunukin ang kahihiyan? Natanong ko na lang ang sarili. Tuloy para akong nasa korte ngayon, inilalaban ang kasong hindi ko alam kung panalo o talo. Maya maya ay natawa naman ako. Mahal ako ni Daisy, hindi ko kailangan gawin ‘to. Hindi ko kailangan dumanas ng kahihiyan. Aasa ako sariling kakayahan, hindi sa elephant brief na suot ko. Sa wakas ay nakapag-decide na nga akong huhubarin na ang suot ko, kaya lang saktong pagbukas ko ng pinto ay siya ring pagbukas ni Daisy sa pinto ng kwarto na ngayon ay nanlalaki ang mga mata, umawang ang labi at na istatwa sa kinatatayuan niya.
Onse Matapos kong ma kwento ang nangyari sa pagitan namin ni Vincent at ang tangkang pananagasa nito sa akin ay naging natahimik na si Daisy. Gusto na nga niya sanang umuwi kanina pa, pero hindi ako pumayag. I didn’t want to lose sight of her, lalo’t alam kong upset pa rin siya dahil sa paglilihim ko, at galit naman siya kay Vincent. Natatakot ako na baka maisipan niya na makipagkita sa tarantadong ‘yon at siya naman ang mapahamak. Baliw na nga ang lalaking ‘yon. Kaya pina-blotter ko ang nangyari kagabi. At sa susunod na pagtangkaan niya pa ako, hindi blotter ang gagawin ko. Sasampahan ko na siya ng kaso, bahala siya kung masira man pangalan ng hospital nila. Gumawa siya ng masama, dapat handa rin siya sa consequences ng ginawa niya. “Asawa ko, galit ka pa rin ba?" tanong ko nang palabas na kami ng firm. Hindi pa rin kasi siya nagsasalita, hanggang ngayon na pauwi na kami. Ang sikip na nga dibdib ko. Puro lang kasi malungkot na tingin ang sagot niya sa tuwing magtatanong ako
Kaagad lumapit si Onse, akmang hahawakan ako, pero umatras ako, pero mga mata ko naman ay nakatutok sa mukha nitong bakas ang guilt. “Daisy," pabulong nitong bigkas sa pangalan ko. Nahagod din nito ang buhok at saka bumuga ng hangin. “Bakit ka nagsinungaling?” tanong ko. Bakas sa boses ko ang tampo, sakit, at dismaya. Tiwalang-tiwala ako sa kanya. Kahit duda ako sa pagdating ng mga pulis kanina, isinawalang bahala ko, pinili kong maniwala sa sinabi niya. Pinanghahawakan ko ang pangako namin sa isa't-isa. “Daisy, please, let me explain—” Umiling-iling ako na sumabay na rin sa pagpatak ng luha ko na agad ko namang pinahid. “Ang sabi mo, nahulog ka…ginawa mo akong parang bata, Onse! Pinaniniwala mo ako sa gawa-gawa mong kwento.” Putol ko sa pagsasalita niya. “Ano pala ang silbi ng pangako natin sa isa’t-isa, hah? Wala lang ba ‘yon. Nangako ka lang pero wala naman palang balak tuparin. Ano, naglolokohan tayo?” "No, asawa ko…hindi gano’n. Hindi ko intensyon na maglihim." Bumagsa
DaisyNangako ako na manatili sa bahay at hintayin lang ang pag-uwi ng asawa ko. But staying in the house was beginning to drive me crazy. It felt like I was a prisoner—a criminal too afraid to step outside for fear of being caught by the police.This is so frustrating. Wala naman kaming ginagawang masama, pero kami ang nagtatago. Kaya nag-decide ako pumunta sa firm para makita at makasama ang asawa ko.Siguro naman mag-aatubili na si Vincent or Althea na lumapit o gawan ako ng masama dahil sa mga kasama kong bodyguard. Feeling ko nga dinaig ko pa si Charmaine sa pagiging senyorita, kahit saan ako magpunta, may sumusunod na bodyguard. Bago kami tumuloy sa firm, we stopped at a restaurant that served home-cooked meals. Onse and I had been eating nothing but greasy food lately, so naisip ko na kailangan naman naming kumain ng masustansya. Heto na nga at kababalik lang ng bodyguard na inutusan kong bumili ng pagkain. Tinola, pinakbet, at atsara ang pinabili ko. Habang bumabyahe, hindi
Sa kabila ng nangyaring tension kahapon, heto at tuloy pa rin kami sa pang araw-araw na gawain. Ang galit, takot, at pag-aalala, dala-dala ko pa rin, kahit nandito na ako sa trabaho. I had no choice; kailangan kong pumasok dahil sa kasong hinahawakan ko. Gusto ko na nga sanang isama na lang si Daisy, para lagi ko siyang nakikita at nababantayan. Kahit kasi nagdagdag ng bodyguard si Danreve, hindi pa rin ako mapanatag. Ngayon nga ay kaharap ko ang maraming files, pero utak ko naman si Daisy ang laman. Kinukumbense ko na lang ang sarili na walang mangyayaring masama sa asawa ko. Mababantayan siya ng mabuti ng mga bodyguard. At saka nangako nga siya na hindi na muna lalabas. Maging ang kapatid ko ay hindi ko muna pinayagan na pumunta sa bahay. Ayaw kong madamay siya sa gulo. Ang dami-dami na niyang pinagdaanan, ayaw kong dagdagan pa iyon. Hindi nga lang kasi si Althea at Vincent ang gumugulo sa amin ni Daisy. May mas demonyo pa kay sa kanila—si governor. Bukas na nga ang verdict sa ka
The headlights bore down on me like a beast. I froze as I processed what was happening. Hindi ako pwedeng magkamali, kotse ni Vincent ang humaharurot at pinupuntariya ako. Naikuyom ko ang kamao ko, nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Puso ko ang lakas na rin ng kabog sa puntong naririnig ko na ang tïbok. Utak ko nagsasabi na tinatakot lang ako ni Vincent, gumaganti lang siya sa ginawa ko kanina, pero habang papalapit ang kotse, na-realize ko na hindi niya intensyon na takutin ako. Layunin niya talaga na sagasaan ako, tuloy-tuloy kasi ang mabilis nitong pagpapatakbo.“Damn it!” I growled, adrenaline surging. Agad-agad akong tumalon sa bukas na kanal na nasa likuran ko. Mabuti na lang at walang lamang tubig ang kanal, pero marami namang basura. Tumama pa ang siko ko sa magaspang na semento na ikinadaing ko, pero agad ring akong tumahimik.Rinig na rinig ko kasi ang tunog ng gulong ng kotse na naglikha ng ingay–ang sakit sa tainga dahil sa biglaang paghinto, at ngayon ay tunog naman n
Bago matapos ang taon, gusto kong magpasalamat sa lahat na bumabasa at sumusuporta sa mga akda ko. Bukas na po ako mag-update. Happy New Year sa ating lahat.
Hindi mawala ang tingin ko kay Daisy na natutulog sa tabi ko. Dapat ay masaya kami ngayon. Hindi ganito na kahit tulog na siya ay bakas pa rin ang tension sa mukha niya. Nakakagalit. Nasira na naman ang mga plano ko dahil sa mga taong walang magawa sa buhay na gusto kaming sirain. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nakita ko sa surveillance camera—ang biglaang pagyakap ni Vincent, ang pagdikit ng mukha niya sa leeg ni Daisy, ang pagtatalo nila, lahat ng ‘yon ay nagpakukulo ng dugo ko. Nakuyom ko na naman ang kamao ko; hindi ko pa mapigil ang mapatiim bagang. Awang-awa ako sa asawa ko. Vincent made her cry, and for that, I couldn’t forgive him. Kahit pa sabihin na nakaganti ng siko at sampal si Daisy, hindi pa rin ‘yon sapat na kabayaran sa sakit at takot na idinulot niya sa asawa ko. Pigil akong bumuga ng hangin. Mahimbing na nga ang tulog ni Daisy, pero ako, hindi makatulog, hindi ako mapanatag. Dibdib ko nag-aalburoto pa rin. Hindi pwedeng wala akong gagawin. Hindi ko