Home / Romance / Daisy His Remedy / Daisy His Remedy 46 "Doktora Cherry"

Share

Daisy His Remedy 46 "Doktora Cherry"

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2024-12-01 22:51:25
“Sir Onse… ‘wag na nga matigas ang ulo mo.” Pinilit ni Daisy na kalasin ang mga kamay ko. Pumayag na lang ako, binitiwan ko siya, at hindi siya nagsayang ng oras.

Agad siyang bumaba ng kama, at binuksan ang pintong hinarangan ko na walang kahirap-hirap.

Sinundan ko lang siya ng tingin na nagmamadaling lumabas ng kwarto, pero napapangiti naman ako. Masaya kasi ako, sa kabila ng mga nangyayari, sa galit niya, nag-aalala pa rin siya sa akin. Mas nagkaroon ako ng pag-asa na balang araw, babalik din kami sa dati. Magugustuhan niya ulit ako, matutunang mahalin.

Hindi nagtagal ay rinig ko na ang nagmamadaling mga yabag papunta rito sa kwarto. Agad naman akong pumikit, para maawa pa lalo si Daisy at mahalin na niya agad ako.

“Kuya Onse…” malungkot na tawag ni Charmaine, kasabay ang paglapat ng palad nito sa noo ko.

Dumilat ako. Medyo na dismaya nang hindi boses ni Daisy ang narinig ko, pero nang makita ko si Daisy sa tabi ni Charmaine, agad namang kumislap ang mga mata ko.

“Halika, tumayo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Hahaha...... Hindi Pala si Onse Ang dahílang dahil sa kalasingan nya kaya bumagsak sa railes kaya nag bleeding.Paano na Yan dahil sa nangyari nabugbog si Onse at kinasal Sila Daisy
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 47 "Injury"

    DAISYNabalot ng katahimik ang buong silid. Nakakahiya. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Nakuyumos ko rin ang laylayan ng damit ko. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin. Naghalo-halo ang laman ng utak ko, ng nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwalang malalagay ako sa ganitong nakakahiyang sitwasyon at na-witness pa ng lahat. “Malinaw na ba ang lahat?” tanong ni doktora na siyang bumasag sa katahimikan. Isa-isa niya rin kaming tinitigan, lalo na si Kuya Reynan na napapahagod na lang sa buhok, habang mahigpit ang hawak sa door jamb. “Sumagot kayo…” sabi niya na parang hinahamon ang kapatid ko. Hindi na niya kasi ito tinantanan ng tingin.“Ikaw, hindi ko pinaghihimasukan ang pagiging kapatid mo,” turo niya si kuya. “Pero sa susunod, matuto kang magtanong, matuto kang alamin ang totoong nangyari bago ka magpadala sa galit at manakit. Paano kung napuruhan mo si Onse? Paano kung napatay mo siya? Ano pa ang magagawa ng pagsisi mo?”Hindi sumagot ang kapatid ko, pero nagnanakaw nam

    Last Updated : 2024-12-01
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 48 "Speechless"

    Nag-alalangan ako na humiga sa tabi ni Onse. Para kasing tanga, nakangiti at tinapik-tapik ang kama. Inuudyok ako na natibihan siya. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Kinagat ko rin ang pang-ibabang labi dahil sa gigil. Pero talagang sira-ulo siya. Ngumisi at kumindat ba naman. Umawang tuloy ang labi ko. Kasi nga hindi naman kasi ganito ang Onse na kilala ko noon. Seryoso at minsan lang kung ngumiti. Ngayon, parang nabaliw na. “Umayos ka nga, Onse.” Doktora Cherry scolded him. “Move over, at tumalikod ka. Kita mo na ngang nahihiya si Daisy.” Sumeryoso naman ang mukha ni Onse. “Hindi ba, sabi mo kanina, wala na dapat ikahiya si Daisy sa akin? Bakit ngayon, pinalalayo mo ako at pinatatalikod pa?” Inis na namaywang naman si doktora. “Walang malay si Daisy kagabi, hindi niya alam kung ano ang nakita at nahawakan mo.” Sumulyap naman sa akin si doktora, at saka binalik ang tingin kay Onse na ngayon ay busangot na ang mukha. "Tingin mo, gugustuhin ni Daisy na panoorin mo habang gin

    Last Updated : 2024-12-02
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 49 "Hugged"

    Nagising ako na mag-isa lang sa kwarto, at ingay ng mga sasakyan mula sa labas ng bahay ang naririnig ko. Mapait akong napangiti. Iniwan na lang kasi ako basta ni Daisy. Hindi man lang sinagot ang sinabi ko sa kanya. Kaya itinulog ko na lang ang sakit sa loob.Ang saklap. Bagong kasal nga ako, pero heto, mag-isa at iniwan naman ng asawa ko. Mas masakit pa sa mga sugat at pasa na natamo ko ang pagiging indifferent niya. Ano pa nga ba ang magagawa ko, kundi ang magtiis at maghintay hanggang sa matanggap niya ako. “Kuya, gising ka na?” mapait na ngiti ang sagot ko sa kapatid ko. Bumangon ako at sumandal sa headboard. Umupo naman si Charmaine sa tabi ko. “Inumin mo ‘to, Kuya.” Binigay niya sa akin ang gamot at tubig na tinanggap ko naman agad. “Si Daisy?” tanong ko matapos ininum ang aking gamot. “Nasa labas lang, nagpahangin.” Mapait akong ngumiti, at muling humiga. Mula kahapon, si Charmaine lang ang nag-alaga sa akin. Si Daisy kasi, talagang walang pakialam. Ni ang silipin nga ku

    Last Updated : 2024-12-03
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 50 "Closeness"

    Nanigas ang buo kong katawan nang yumakap sa akin si Daisy. Napigil ko pa ang aking hininga. The warmth of her embrace sent shockwaves through my entire being. Ang puso ko—ang lakas ng dagundong. Parang may drumline sa loob ng aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, ang alam ko lang, ayaw ko nang matapos ang sandaling ‘to.Matapos ang ilang minutong paninigas at pagpipigil ng hininga ay bahagya akong gumalaw. Mas niyakap ko pa siya, mas ginalingan ko pa ang aking pag-arte. May panginig-nginig pa akong nalalaman, ‘wag niya lang mapansin na um-acting lang ako.Ang sarap ng feeling. Ganito ako kalapit sa kanya. Dumidikit ang labi niya sa aking leeg. Puso ko, mas nagwawala pa. Hindi ko alam kung napansin niya ba, o narinig ang tunog ng aking puso. Siya rin kasi, hindi na gumalaw, hindi na rin nagsasalita. Naidilat ko ang aking mga mata nang marinig mahina ang niyang hilik. Napangiti na lamang ako, habang pinagmamasdan siyang natutulog. Hindi madali ang naranasan niya n

    Last Updated : 2024-12-03
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 51 "Regret"

    “One coffee americano, please,” sabi ko sa barestang humarap sa akin. Nandito ako sa pabororito naming cafe ni Charmaine. Bumalik na kasi siya sa clinic, at dahil ayaw ko pang umuwi, nag-decide ako na dumito na muna. Bitbit ang aking kape, umupo ako sa table na malapit sa bintana. Kada higop ko sa kape, kasunod ay buntong-hininga. Ilang araw na rin ang dumaan matapos ang masakit na yugto ng aking buhay. Heto, pilit akong lumalaban. Pilit maging positive, kahit minsan nanghihina pa rin. Thanks to Charmaine, sa kabila ng pait at sakit, may pagkakataon pa rin na napapangiti ako. Todo-todo ang pagdamay nila sa akin. Pinapasaya nila ako sa kanya-kanya nilang paraan. Si Kuya Reynan, hindi ako iniwan. Hindi pa rin rin siya bumabalik sa Canada. Which is, pinagtatakhan ko. Mahal na mahal niya kasi ang anak niya, pero nagawa niyang hindi makasama ng matagal.Panay din ang tawag ni Mama, kinukumusta ako, at nagtatanong kung kailan babalik si Kuya. Ang sagot niya lang, saka na raw if okay n

    Last Updated : 2024-12-04
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 52 "Performance"

    Hinablot nga niya ang kanyang kamay, habang ang mga mata ay nakapako pa rin sa loob ng cafe. Alam kong si Vincent ang tinatanaw niya na sigurado ako na nasa amin din ang tingin. “Onse, ba’t ba ang arte mo? Galit ka ba?" tampo-tampuhan kong sabi. Kahit ba alam ko naman kung bakit siya nagkakaganito, nagmaang-maangan pa rin ako. Gusto ko kasing makita kung paano nga ba siya magselos. “No. Let’s go home,” sagot nito, sabay suksok ng mga kamay sa kanyang bulsa. Ayaw niya na talaga pahawak. Nag-inarte ang matanda. Akala yata ay pinagseselos ko si Vincent kaya naging clingy ako bigla. Akala naman niya ay hahayaan ko siyang mag-inarte. Hindi oi. Bahala kung ano ang iisipin niya. Inilingkis ko ang aking mga braso sa katawan niya na ikinagulat na naman niya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa kamay ko at sa aking mukha. Natuwa ako sa naging reaction niya, kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap habang pinanliliitan siya ng mga mata.“Daisy…”“Akala ko ba mahal mo ako? Bakit ayaw mong pahawak?

    Last Updated : 2024-12-05
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 53 "Responsibility"

    ONSE“‘E ‘di galingan mo ang performance.”Tumalbog ang puso ko sa sinabi niyang ‘yon. Nag-uumapaw ang saya ko. Ito na ba ang pinakahihintay ko? Binubuksan na niya ang puso para sa akin.Naintindihan ko naman ang sinasabi niyang performance, kaya lang kinakain ako ng kapilyuhan. Ipapatikim ko sa kanya ang magaling na performance. Bago pa man niya ako maitulak, I closed the gap between us, at inangkin ko na ang kanyang labi. Nilasap na parang candy. Nanigas siya. Hindi maipagkakaila ang pagkagulat. Hindi na nga tumugon sa halik ko, nanlaki pa ang mga mata.“How’s my performance? Magaling ba?” tanong ko matapos kong tikman ang kanyang labi.Sinamaan naman ako ng tingin at nanggigil pa. Tumiim ang kanyang panga. Tameme sa aking halik.Naalala ko tuloy ang sinabi niya kanina, nagulat daw siya sa ginawa ni Vincent kaya hinayaan niya lang ito na hawakan siya at napatitig na lang siya. Iyon na iyon din kasi ang nangyari ngayon. “I know…masarap akong humalik, kaya natameme ka.” Awtomatikon

    Last Updated : 2024-12-06
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 54 "Trust Exercise"

    Kaagad lumabas ng kotse si Daisy nang ma-park o ang kotse. Agad ko namang sinara ang gate, at sinundan siya. Baka kasi, agad na siyang pumasok sa kwarto. Hindi pa rin kasi niya sinasagot ang aking tanong. Mula sa boutique hanggang dito, hindi na siya nagsalita, umiiwas pang mapatingin sa akin.“Daisy…” Alanganin kong tawag. Nilagay niya ang kanyang sapatos sa shoe rock, at saka ako hinarap. “Tulog na ako…” antok niyang sabi, at iiwan na sana ako. Agad kong hinawakan ang kanyang kamay. “Mamaya na, pwede ba?” Mahina ko siyang hinila papunta sa balcony.“Onse, bakit ba? Antok na nga ako,” reklamo niya, pero nagpapahila lang naman. Nginitian ko lang siya. “I have something to show you,” sabi ko naman nang nasa balcony na kami, kaharap ang medyo madilim na kalsada.Kumunot naman ang noo niya na bahagya kong ikinangiti. “Ano ba kasi ang gusto mong ipakita? ‘Yang sirang poste ba?” medyo inis nitong tanong sabay ang paghihikab.Sa sirang poste nga naman kasi ako napatitig habang nag-iisip

    Last Updated : 2024-12-07

Latest chapter

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 104 "Wakas"

    Onse Isang buwan na ang lumipas matapos ang bangungot na nagdulot sa amin ng takot—takot na si Althea ang dahilan. Ngayon ay unti-unti nang bumalik sa dati ang lahat. Wala nang banta at panganib na nag-aabang sa amin. Nakulong na si Althea, habang buhay niyang pagbabayaran ang mga kasalanang nagawa, at ang mas satisfying, hindi lang parusa ng tao ang natanggap niya, pati parusa ng diyos. Dahil babae nga siyang hindi mapakali at iba’t-ibang lalaki ang sinamahan, nagkasakit siya—cervical cancer at nasa huling yugto na. Si Vincent naman ay namuhay na ng payapa kasama ang asawa sa ibang bansa. Sa wakas ay tanggap na niya na tapos na sila ni Daisy at may kanya-kanya na silang mga buhay. Ako naman, nangakong bubuharahin ang lahat ng mga bahid ng takot na paminsan-minsan pa ring gumigising sa amin sa kalagitnaan ng pagtulog. Sa tulong ni Charmaine at Danreve, at ng aming mga pamilya, tuluyan nang bumalik ang sigla ni Daisy. Hindi na rin sumumpong ang memory lapses niya na ipinagpa

  • Daisy His Remedy   Daisy Hi Remedy 103 "Relief"

    Onse Habang pauwi, panay pa rin ang sulyap ni Danreve sa akin sa rear view mirror. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, o kung ano gusto niyang sabihin. Paminsan-minsan rin niyang tinatapunan ng tingin si Daisy. Gustong-gusto ko nang magtanong kung ano ang iniisip niya, pero kinakabahan naman ako sa kung ano ang kanyang sasabihin. Baka kasi magdulot na naman ng kaba sa asawa ko. Ilang sandali pa ay rinig na namin ang mahinang hilik ni Daisy na nagpangiti naman sa akin. Kahit paano ay nakaramdam ako ng ginhawa. Sa kabila ng mga nangyari, hindi siya bumigay. Naging matatag siya kahit nalagay na sa panganib ang buhay. Sana lang, hindi na bumalik ang memory lapses niya. “Ano ba, bro? Kanina ka pa!" Hindi na ako nakatiis at sinita ko na nga kaibigan kong ayaw pa rin akong tantanan ng tingin. “Sabihin mo na ang laman ng utak mo, nakakatakot na ang klase ng tingin mo," dagdag ko na tipid na ngiti naman ang sagot niya. “Nakakatakot agad? Masaya lang ako, kasi walang masama

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 102 "Safe"

    Pikit mata kong niyakap si Daisy, habang pigil ang hininga, pero agad ko ring naidilat ang mga mata nang makaramdam ng tapik sa balikat. Kumawala ang hiningang kanina ay napigil ko. Napako ang tingin sa kaibigan kong bakas ang pag-alala sa mukha. Ang putok ng baril kanina ay hindi galing sa baril ni Althea, kundi galing sa baril bodyguard ni Danreve na hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa maliit na bintana. "Are you two okay?" tanong ni Danreve, habang gumagala ang mga mata sa amin ni Daisy, naghahanap ng pinsala o tama sa aming katawan. Umiling-iling ako. Gusto kong sumagot na hindi ako okay. Halos mapugto ang hininga ko nang makita si Daisy na nakalambitin sa bintana. Hanggang ngayon nga ay kinakapos pa rin ako sa hininga. Hindi ko pa magawang luwagan ang pagyakap kay Daisy na parang batang kumapit sa batok ko at binaon ang mukha sa dibdib ko. “Asawa ko,” pabulong kong sabi. Gaya ko, nanginginig din ang buong katawan niya at kinakapos sa hininga. “It’s over. You’re safe

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 101 "Relief"

    “Kuya, magpahinga ka naman muna,” mahinahong sabi ni Charmaine.Kanina pa nila ako sinisitang mag-asawa. Gusto nilang magpahinga ako. Pero paano ako makapaghinga? Hindi ko pa alam kung nasaan si Daisy. Wala pa ring balita sa kanya. Para sa akin ang magpahinga ay pagsasayang ng oras. Nandito nga ako ngayon sa hospital kasama sila, pero maya’t maya naman ay may kausap ako sa cellphone. Nagtatanong kung may balita na ba, kung may lead na kung sino ang dumukot kay Daisy. Kahit ilang segundo ay hindi ako tumigil na gumawa ng paraan para matunton si Daisy. “Hangga’t hindi pa nahahanap si Daisy, hindi ako magpapahinga,” sagot ko sa kapatid kong napabuntong-hininga na lang habang inalo-alo naman ni Danreve. “Alis na muna ako." Lalabas na sana ako, pero nahinto nang mag-ring ang cellphone ko na agad kong sinagot. Tawag mula sa police station ang natanggap ko na sandaling nagpatulala sa akin. Dinukot raw si Vincent ng mga armadong lalaki, at kasalukuyang sinusundan ng mga pulis.Hindi tung

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 100 " Althea's Scheme"

    Rinig na rinig ko pa rin ang malakas na kalabog sa labas ng kwarto. Sigurado ako, nakaramdam si Althea na walang nangyayari sa amin ni Vincent sa loob, kaya gumawa na sila ng paraan na mabuksan ang pinto. Ilang beses ko pang narinig ang kalampag at ang huli ay malakas na kalabog. Tanda na nabuksan at napasok na nila ang kwarto. At ngayon nga ay naririnig ko na ang nangyayaring commotion. “Nasaan si Daisy?" nanggagalaiting sigaw ni Althea na sumabay sa pamimilipit ni Vincent. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Iniharang ang naninigas kong katawan sa pinto. Kada sigaw, utos ni Althea, at daing ni Vincent ay tumatagos dito sa loob ng banyo na nagpapapikit sa mga mata ko. Hindi ko alam kung alin ang tatakpan ko, tainga ko ba para hindi marinig paghihirap ni Vincent o bibig. Sa huli ay bibig ko ang tinakpan ko sa nanginginig kong mga kamay. Muntik na kasing kumawala ang paghikbi ko, kaya sinusubukan pigilin. Kada sigaw at daing ni Vincent ay nag-so-sorry ako. Wala n

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 99 "Escape"

    Vincent’s jaw clenched as his eyes flicked to me, then to Althea. Tumawa naman ng malakas si Athea. “Oh, Vincent, bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit parang nagulat ka? Bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba’t ito naman ang gusto mo? To be with Daisy, ang pinakamamahal mo!” Nakagat ko ang labi ko. Sunod-sunod na namang pumatak ang mga luha ko. “This isn’t what I wanted, Althea. Pakawalan mo siya!” singhal niya. Akmang lalapit sa akin, pero agad siyang hinawakan ng mga tauhan ni Althea. “You’re insane.”“Am I?” Tumaas ang isang kilay ni Athea, sumilay na naman ang kakaibang ngiti sa labi niya. “Mga tao nga naman, sila pa ‘yong tinulungan, sila pa ang galit. Napaka-ungrateful.” “Tigilan mo na ‘to, Althea. Pakawalan mo na si Daisy!” “Anong titigilan? Hindi pa nga tayo nagsisimula, tapos tigil na?” nakakaloko na naman siyang tumawa. ‘Yong tawa na parang biro lang sa kanya ang mga nangyayari ngayon. Parang pinaglalaruan niya kami. “Akin na…” sabi ni Althea sa tauhan niya na alerto nama

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 98 "Make Him Suffer"

    “Yes, It’s me, your biggest nightmare!" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala na hahantong ang selos ni Althea sa ganito. “Althea, bakit mo ba ‘to ginagawa? Pakawalan mo ako!" “Shut up!” singhal niya. Ang tinis ng boses niya, ang sakit sa tainga. Hindi pa siya kontento na singhalan ako, dinuro-duro niya pa ako sa puntong halos itusok na niya ang daliri sa mga mata ko. Sandaling tumigil ang paghinga ko habang nakatingin sa nanlilisik nitong mga mata. Kung dati ay puno ng kaartehan ang kada salita niya at kada galaw, ngayon ay nawala ‘yon lahat. Galit at pagkamuhi ang nakikita ko sa mga mata niya. Galit na sa tingin ko ay handang pumatay.“ ‘Yan nga, tumahimik ka! Hindi uubra ang pagtapang-tapangan mo ngayon!” Malakas na tawa ang tumapos sa salita niyang ‘yon.Punong-puno ng takot ang dibdib ko. Pero hindi pwede na lagi na lang akong magpapadala sa takot. “Althea, tigilan mo na ‘to, please. Pakawalan mo na ako.” Pakiusap ko, sa kabila ng nakakatakot na hitsur

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 97 "Trapped In A Nightmare"

    I woke up in an unfamiliar bed, feeling like I was trapped in a nightmare. Hindi ako makagalaw. Nakatali ang mga kamay at paa ko. Ang dilim pa nitong kwarto na kinaroroonan ko. Napahikbi ako na sumabay sa malakas na kabog ng puso ko. Sinubukan kong alisin ang tali sa kamay ko. Hinila-hila ang mga paa ko at hinablot ng paulit-ulit mga kamay, hindi alintana ang sakit na nararamdaman ko. Desperado akong makawala—desperadong magising sa masamang bangungot na parang pumapatay sa akin ngayon.“Ayoko rito!" Pakawalan n’yo ako!” Nanghihina kong sigaw, pero hindi pa rin tumigil sa paghablot sa kamay ko. Kada hablot, kada ikot sa mga kamay ko, kada tadyak ng may kasamang determinasyon na makakatakas ako. Pero walang silbi ang ginagawa ko. Kahit binuhos ko na ang buong lakas ko, ayaw pa rin maputol ng tali, ayaw matanggal. Ang hapdi na ng pulsuhan ko, ang sakit-sakit ng mga paa ko. Tumingala ako, pilit inaainag ang tali sa kamay ko. Lalo lang akong nanlumo nang makitang makapal na lubid ang m

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 96 "Kidnap"

    OnseNandito na ako sa courtroom, pero kahit anong gawin ko, hindi ako makapag-focus. Nahahati ang utak ko—kay Daisy sa mga tanong na binato sa kliyente ko sa ginawang cross-examination. Nagagawa ko pa namang sitahin ang mga misleading na tanong, pero halatang humihina ang depensa ko.Hindi ko magawang iwaglit sa isipan ko ang pag-aalala. Siguro, ganito ang nararamdaman ni Daisy sa tuwing hindi niya ako kasama, kinakain ang buong sistema niya ng takot. Kasama nga niya si Charmaine at Danreve, pero nag-aalala pa rin ako. Nang matapos ang court hearing, agad-agad akong umalis, ni ang kausapin ang kliyente ko ay hindi ko na ginawa. Nangako ako kay Daisy na susunod ako.Ang bilis ng mga hakbang ko papunta sa parking area, at dire-diretsong nag-drive papunta sa hospital. Ilang minuto lang nakarating na ako. Dali-dali naman akong nagpunta sa clinic. Mga hakbang ko ang bilis at ang laki. Gusto ko kasi na marinig mula sa doctor ni Daisy na nasa maayos ba na lagay ang baby namin.Heto na

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status