Ilang araw na rin ang dumaan matapos ang masakit na yugto ng buhay ko. Thanks to Charmaine, sa kabila ng pait at sakit, may pagkakataon pa rin na napapangiti ko. Ang dami nilang sumusuporta sa akin. Pinapasaya nila ako sa kanya-kanyang paraan. Isa rin sa nagpapasaya sa akin ang anak ni Charmaine at Danreve. Ang kulit-kulit, laging binibida ang Tito Onse niya sa akin. At si Kuya Reynan na hindi ko alam kung bakit ayaw pa bumalik sa Canada. Panay na nga ang tawag ni Mama, nagtatanong kung kailan siya babalik. Ang sagot niya lang, saka na raw if okay na ako. Pero pansin, may ibang dahilan kung bakit ayaw niyang umalis. Kahit hindi niya sabihin, ramdam ko, may problema siya, kinikimkim niya lang dahil ayaw niyang dumagdag sa problema ko. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin tuluyang naghilom ang sugat sa puso ko. Paminsan-minsan ko pa ring naalala si Vincent—ang pinagsamahan namin. Ang mga plano at pangakong hindi natupad.Pero pansin ko, maalala ko man ang nakaraan namin ni Vincent, h
Hinablot nga niya ang kanyang kamay, habang ang mga mata ay nakapako sa likuran ko. Alam kong si Vincent ang tinatanaw niya na sigurado ako na nasa amin din ang tingin. “Onse, ba’t ba ang arte? Galit ka ba?" tampo-tampuhan kong sabi. Kahit ba alam ko naman kung bakit siya nagkakaganito, nagmaang-maangan pa rin ako. Gusto ko kasing makita kung paano nga ba siya magselos. Kahit naman kasi hindi siya nagsasalita, it’s written all over his face. At gusto kong ilabas niya ang nasa loob niya. “No. Let’s go home,” sagot nito, sabay suksok ng mga kamay sa pants. Ayaw niya na talaga pahawak. Nag-inarte ang matanda. Akala yata ay pinagseselos ko si Vincent kaya naging clingy ako bigla. Akala naman niya ay hahayaan ko siyang mag-inarte. Hindi oi. Bahala kung ano ang isipin niya. I wrapped my hands around his arm, na ikinagulat na naman niya. His eyes darted between my face and my hand, na sinadya kong yakapin ng sobrang higpit.Pinanliitan ko naman siya ng mga mata nang sa wakas ay sinalub
ONSE“‘E ‘di galingan mo ang performance.”Tumalbog ang puso ko sa sinabi niyang ‘yon. Nag-uumapaw ang saya ko. Daisy was letting me in—binuksan na nito ang puso niya para sa akin, kaya um-action na ako.I understood what she meant by performance, but na isip ko, gusto niya ng magaling na performance , so ‘yong pangkalahatang performance na ang ipapatikim sa kanya. I’d make sure, hindi lang puso niya ang mapapasakin, kundi ang siya rin, buong-buo. Bago pa man niya ako maitulak, I closed the gap between us, inangkin ko na ang labi niya. Nilasap na parang candy na matagal ko nang gustong tikman. Alam kung nagulat siya. Nanigas nga ang katawan. Hindi na nga tumugon sa halik ko, nanlaki pa ang mga mata. Naalala ko tuloy ang sinabi niya kanina, nagulat daw siya sa ginawa ni Vincent kaya hinayaan niya lang ito na hawakan siya at patitig pa sa mga mata nito. Iyon na iyon din kasi ang nangyari ngayon, patunay na nagsasabi nga siya ng totoo. “How’s my performance?” tanong ko, hindi ko na ma
Kaagad lumabas ng kotse si Daisy matapos kong ma-park ang kotse. Agad ko namang sinara ang gate, at sinundan siya. Baka kasi, agad na siyang pumasok sa kwarto.Mabuti na lang at naabutan ko pa siya na nilalagay ang sapatos sa shoe rock, at saka hinarap ako. “Tulog na ako,” she said. Bakas ang pagod at pananamlay sa boses niya.Humaba ang nguso ko, sabay sabi, “mamaya na.” Hinawakan ko rin ang kamay niya at hinila papunta sa balcony.“Onse, bakit na naman ba? Antok na nga ako." Nagreklamo nga siya, pero nagpaubaya naman na hilahin ko. “I have something to show you,” sabi ko naman nang nasa balcony na kami, kaharap ang medyo madilim na kalsada.Kumunot naman ang noo niya na bahagya kong ikinangiti. “Ano ba kasi ang gusto mong ipakita? ‘Yang sirang poste ba?” medyo inis nitong tanong sabay ang paghihikab.Sa sirang poste nga kasi ako napatitig habang nag-iisip kung paano ko ibibigay sa kanya ang singsing.“Wait, ka muna. Humuhugot pa nga ng lakas ng loob.” Hinila ko siya ng kaunti palap
Ginising ako ng sikat ng araw na sumisilaw sa mga mata ko. Ang ganda ng gising ko. Ang gaan ng pakiramdam ko. Heto at hindi ko naman mapigil ang mapangiti. Naalala na naman kasi ganap kagabi. Siguro mas masaya ako kung nakapag-goodnight kiss ako kay Daisy. Papasok na kasi sana ako sa kwarto ni Daisy, pero naabutan naman ako ni Reynan. Galit agad. Hinatak ba naman ako papunta sa kwarto ko at pinagbantaan. ‘Wag ko raw gapangin at pilitin ang kapatid niya, baka hindi raw siya makapagpigil at mapipilipit niya ang leeg ko. Hindi ko naman talaga pipilitin ang asawa ko. Ang sabi ko nga, handa akong maghintay hangga’t kusa siyang bumigay. Sa kabila ng banta ni Reynan, masaya pa rin ako. Natulog ng masaya at gumising ng masaya. ‘Yong sinabi niya kagabi, ipinagkibit-balikat ko lang ‘yon. Wala naman akong balak na masama kay Daisy. Mag-good night kiss nga lang sana ako. Masyado lang strict ang brother-in-law ko na hindi ko alam kung saan gumala at ginabi ng uwi. Matapos maligo at magbihis, l
Dahan-dahan kong inilayo ang labi ko sa kanya. Kahit nahihiya dahil nahuli nga ako na ninakawan siya ng halik, ngiti ko naman ay hindi mawala-wala. Hindi pa rin kasi siya gumagalaw. Nanlaki lang ang mga mata at paulit-ulit na napalunok.“Good morning, asawa ko. I love you,” sabi ko sa pinalambing na boses.Agad na rin akong umatras, alam ko kasi na malapit na siyang maka-recover sa pagkagulat. At alam ko na ang magiging kasunod ng gulat, sasabog siya sa galit at siguradong tatamaan ako. Kainis naman kasi. Ilang beses ko na ‘to ginawa, ilang beses ko na siyang ninakawan ng halik, hindi naman siya nagigising; hindi ako nahuhuli.“Bastos ka!” Ayon na nga at nahimasmasan na. Pinagduduro na ako, may kasabay pang mura. Nginitian ko lang siya, sabay ang dahan-dahan na pag-atras. “See you later, my wife,” sabi ko pa, then finally slipping out of the room. Busangot namang mukha ni Reynan ang sumalubong sa akin paglabas ko ng kwarto ni Daisy. Awtomatikong nawala tuloy ang ngiti ko, at saka
DAISYNaiwan akong nanggagalaiti sa loob ng kwarto. Nakakainis si Onse. I grabbed the pillow, doon ko binuntong ang inis ko. Pinagsusuntok na parang mukha ni Onse ang sinasapak ko. Nang mapagod ay binaon ko naman ang mukha ko at pigil na sumigaw.Bwisit na ‘yon! Magnanakaw ng halik. Nag-init tuloy ang mukha ko nang maalala kung paano naglapat ang labi namin. Animal talaga ang Onse na ‘yon. Nakakahiya! Kagigising ko nga lang, ang gulo-gulo ng buhok ko at malamang may muta pa ang mga mata ko. At saka, ang hininga ko, malamang ay hindi maganda ang amoy. Wala man lang siyang kakimi-kiming hinalikan ako. I groaned, burying my face deeper into the pillow as if I could hide from my own embarrassment. Napapatili rin ako dahil sa prostration. “What’s going on? Napa’no ka?” tarantang tanong ni Kuya Reynan kasabay ang pagbukas ng pinto. Napalakas kasi ang tili ko, kaya napasugod ang kapatid ko. His eyes scanned the room, na parang naghahanap ng masamang tao. Pero maya maya ay napatitig naman
Determinado akong ipagluto si Onse, not knowing na disaster pala ang kalalabasan. Hanggang yakap sa sandok na lang ang nagawa ko, habang tinatanaw ang ginisang karne ng baka na ngayon ay natusta na, hindi ko alam kung paano mapatay ang apoy na tumutupok sa niluto ko.Ang saya-saya ko pa naman kanina habang hinahanda ang mga rekado sa lulutuin ko sanang beef broccoli. “Paano na ‘to?" natataranta kong tanong sa sandok na hawak ko. Hindi ako magaling magluto. Ang kaya ko lang lutuin ay mga basic lang. Frying eggs, heating canned goods, or boiling instant noodles—doon lang ako sanay. Sumubok nga lang ako ngayon. Sinunod ang suggestion ng kapatid ko. At saka, gusto ko rin sanang ma-impress si Onse. “Daisy!” Nilayo ako ni kuya sa umaapoy na kawali, at tinakpan niya ito ng takip ng kaldero. Ayon at nawala na ang apoy. Usok na lang ang natira na nagpaubo sa aming dalawa. “Ang sabi ko, magluto ka, hindi sunugin ang bahay!” Kinukumpas-kumpas na nito ang mga kamay, pinapalabas ang usok.Nak
Onse Ilang minuto na ako rito sa loob ng banyo, nakikipagtalo sa elepante na kaharap ko sa salamin. Hubarin ko ba o ibalandra sa harap ng asawa ko malaswang imahe na nakikita ko. Talagang malaswa. Ilang minuto ko ngang hindi matingnan ang sarili sa salamin. At ngayong nagawa ko na, hindi ko naman alam kung ano ang dapat na maramdaman matutuwa ba, matatawa o mahihiya sa hitsura ko. Ano na Onse, hubad o lunukin ang kahihiyan? Natanong ko na lang ang sarili. Tuloy para akong nasa korte ngayon, inilalaban ang kasong hindi ko alam kung panalo o talo. Maya maya ay natawa naman ako. Mahal ako ni Daisy, hindi ko kailangan gawin ‘to. Hindi ko kailangan dumanas ng kahihiyan. Aasa ako sariling kakayahan, hindi sa elephant brief na suot ko. Sa wakas ay nakapag-decide na nga akong huhubarin na ang suot ko, kaya lang saktong pagbukas ko ng pinto ay siya ring pagbukas ni Daisy sa pinto ng kwarto na ngayon ay nanlalaki ang mga mata, umawang ang labi at na istatwa sa kinatatayuan niya.
Onse Matapos kong ma kwento ang nangyari sa pagitan namin ni Vincent at ang tangkang pananagasa nito sa akin ay naging natahimik na si Daisy. Gusto na nga niya sanang umuwi kanina pa, pero hindi ako pumayag. I didn’t want to lose sight of her, lalo’t alam kong upset pa rin siya dahil sa paglilihim ko, at galit naman siya kay Vincent. Natatakot ako na baka maisipan niya na makipagkita sa tarantadong ‘yon at siya naman ang mapahamak. Baliw na nga ang lalaking ‘yon. Kaya pina-blotter ko ang nangyari kagabi. At sa susunod na pagtangkaan niya pa ako, hindi blotter ang gagawin ko. Sasampahan ko na siya ng kaso, bahala siya kung masira man pangalan ng hospital nila. Gumawa siya ng masama, dapat handa rin siya sa consequences ng ginawa niya. “Asawa ko, galit ka pa rin ba?" tanong ko nang palabas na kami ng firm. Hindi pa rin kasi siya nagsasalita, hanggang ngayon na pauwi na kami. Ang sikip na nga dibdib ko. Puro lang kasi malungkot na tingin ang sagot niya sa tuwing magtatanong ako
Kaagad lumapit si Onse, akmang hahawakan ako, pero umatras ako, pero mga mata ko naman ay nakatutok sa mukha nitong bakas ang guilt. “Daisy," pabulong nitong bigkas sa pangalan ko. Nahagod din nito ang buhok at saka bumuga ng hangin. “Bakit ka nagsinungaling?” tanong ko. Bakas sa boses ko ang tampo, sakit, at dismaya. Tiwalang-tiwala ako sa kanya. Kahit duda ako sa pagdating ng mga pulis kanina, isinawalang bahala ko, pinili kong maniwala sa sinabi niya. Pinanghahawakan ko ang pangako namin sa isa't-isa. “Daisy, please, let me explain—” Umiling-iling ako na sumabay na rin sa pagpatak ng luha ko na agad ko namang pinahid. “Ang sabi mo, nahulog ka…ginawa mo akong parang bata, Onse! Pinaniniwala mo ako sa gawa-gawa mong kwento.” Putol ko sa pagsasalita niya. “Ano pala ang silbi ng pangako natin sa isa’t-isa, hah? Wala lang ba ‘yon. Nangako ka lang pero wala naman palang balak tuparin. Ano, naglolokohan tayo?” "No, asawa ko…hindi gano’n. Hindi ko intensyon na maglihim." Bumagsa
DaisyNangako ako na manatili sa bahay at hintayin lang ang pag-uwi ng asawa ko. But staying in the house was beginning to drive me crazy. It felt like I was a prisoner—a criminal too afraid to step outside for fear of being caught by the police.This is so frustrating. Wala naman kaming ginagawang masama, pero kami ang nagtatago. Kaya nag-decide ako pumunta sa firm para makita at makasama ang asawa ko.Siguro naman mag-aatubili na si Vincent or Althea na lumapit o gawan ako ng masama dahil sa mga kasama kong bodyguard. Feeling ko nga dinaig ko pa si Charmaine sa pagiging senyorita, kahit saan ako magpunta, may sumusunod na bodyguard. Bago kami tumuloy sa firm, we stopped at a restaurant that served home-cooked meals. Onse and I had been eating nothing but greasy food lately, so naisip ko na kailangan naman naming kumain ng masustansya. Heto na nga at kababalik lang ng bodyguard na inutusan kong bumili ng pagkain. Tinola, pinakbet, at atsara ang pinabili ko. Habang bumabyahe, hindi
Sa kabila ng nangyaring tension kahapon, heto at tuloy pa rin kami sa pang araw-araw na gawain. Ang galit, takot, at pag-aalala, dala-dala ko pa rin, kahit nandito na ako sa trabaho. I had no choice; kailangan kong pumasok dahil sa kasong hinahawakan ko. Gusto ko na nga sanang isama na lang si Daisy, para lagi ko siyang nakikita at nababantayan. Kahit kasi nagdagdag ng bodyguard si Danreve, hindi pa rin ako mapanatag. Ngayon nga ay kaharap ko ang maraming files, pero utak ko naman si Daisy ang laman. Kinukumbense ko na lang ang sarili na walang mangyayaring masama sa asawa ko. Mababantayan siya ng mabuti ng mga bodyguard. At saka nangako nga siya na hindi na muna lalabas. Maging ang kapatid ko ay hindi ko muna pinayagan na pumunta sa bahay. Ayaw kong madamay siya sa gulo. Ang dami-dami na niyang pinagdaanan, ayaw kong dagdagan pa iyon. Hindi nga lang kasi si Althea at Vincent ang gumugulo sa amin ni Daisy. May mas demonyo pa kay sa kanila—si governor. Bukas na nga ang verdict sa ka
The headlights bore down on me like a beast. I froze as I processed what was happening. Hindi ako pwedeng magkamali, kotse ni Vincent ang humaharurot at pinupuntariya ako. Naikuyom ko ang kamao ko, nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Puso ko ang lakas na rin ng kabog sa puntong naririnig ko na ang tïbok. Utak ko nagsasabi na tinatakot lang ako ni Vincent, gumaganti lang siya sa ginawa ko kanina, pero habang papalapit ang kotse, na-realize ko na hindi niya intensyon na takutin ako. Layunin niya talaga na sagasaan ako, tuloy-tuloy kasi ang mabilis nitong pagpapatakbo.“Damn it!” I growled, adrenaline surging. Agad-agad akong tumalon sa bukas na kanal na nasa likuran ko. Mabuti na lang at walang lamang tubig ang kanal, pero marami namang basura. Tumama pa ang siko ko sa magaspang na semento na ikinadaing ko, pero agad ring akong tumahimik.Rinig na rinig ko kasi ang tunog ng gulong ng kotse na naglikha ng ingay–ang sakit sa tainga dahil sa biglaang paghinto, at ngayon ay tunog naman n
Bago matapos ang taon, gusto kong magpasalamat sa lahat na bumabasa at sumusuporta sa mga akda ko. Bukas na po ako mag-update. Happy New Year sa ating lahat.
Hindi mawala ang tingin ko kay Daisy na natutulog sa tabi ko. Dapat ay masaya kami ngayon. Hindi ganito na kahit tulog na siya ay bakas pa rin ang tension sa mukha niya. Nakakagalit. Nasira na naman ang mga plano ko dahil sa mga taong walang magawa sa buhay na gusto kaming sirain. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nakita ko sa surveillance camera—ang biglaang pagyakap ni Vincent, ang pagdikit ng mukha niya sa leeg ni Daisy, ang pagtatalo nila, lahat ng ‘yon ay nagpakukulo ng dugo ko. Nakuyom ko na naman ang kamao ko; hindi ko pa mapigil ang mapatiim bagang. Awang-awa ako sa asawa ko. Vincent made her cry, and for that, I couldn’t forgive him. Kahit pa sabihin na nakaganti ng siko at sampal si Daisy, hindi pa rin ‘yon sapat na kabayaran sa sakit at takot na idinulot niya sa asawa ko. Pigil akong bumuga ng hangin. Mahimbing na nga ang tulog ni Daisy, pero ako, hindi makatulog, hindi ako mapanatag. Dibdib ko nag-aalburoto pa rin. Hindi pwedeng wala akong gagawin. Hindi ko
Wala sa sariling pinulot ko ang mga larawan, tulalang pumasok sa kotse, at nanghihinang sinara ang pinto. Dumagdag pa sa panghihina ko ang nang-aasar na tawa ni Althea. Gusto ko siyang singalan, gustong kong tumahimik siya, pero para kasing nawalan ako ng lakas na harapin siya. Sa manibela ko binuhos ang galit ko, ang sakit na nararamdaman ko, mahigpit ko iyong hinawakan sa puntong bumakat na lahat ng ugat ko sa kamay, at halos lumuwa na ang mga buto sa kamay ko. Gusto na rin sanang makalayo na. Ayaw ko nang makita ang mapangkutyang mukha ni Althea, but I couldn’t bring myself to start the engine. Instead, I stared at the pictures again. Sa larawan, parang ang lambing nila. Yakap ng lalaki si Daisy sa likuran. Para na namang mapugto ang hininga ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata saka paulit-ulit na umiling-iling. Hindi ‘to magagawa ni Daisy—my Daisy, wouldn’t do something like this. ‘Yon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili, pero ‘yong doubt, hindi basta-basta mawawala.